Wednesday, March 28, 2012

Will You Wait For Me? (Part 01)

by: Lawfer


Another story na naman guys para sa inyo. Sana ay magustohan niyo itong estoryang gawa ni Lawfer (Katanashi)


Huwag niyo sanang makakalimutang mag-comment para naman mas lalo pang ganahan ang mga authors natin na tapusin ang likha nila. Iyon lang ang hinihingi namin sa inyo, sana wag niyo kaming biguin. HAHAHA




“Gian!” sigaw ng binatang sa labas ng kwarto ko. Kanina pa siya sigaw ng sigaw na parang taong bundok.


“Nandyan na! Atat naman to!” inis na sigaw ko bilang sagot. Nagmadali ako sa pagbibihis. Hinablot ko nalang kung anong unang mahawakan ko. Nang makabihis ay hinablot ko na ang SLR camera sabay labas sa pinto’t bumaba na.


“Angkupad!” pang-aasar sa akin ng binata pagkakita sa akin.


“Hoy Jayson! Hindi mo ako personal photographer para atatin!” sagot kong pabalang dito.


“Hala nainis.” sambit nito sabay ngisi. “Sorry Moy, excited lang kasi ako.” dugtong nito sabay akbay sa akin.


Hindi ko siya sinagot. Kumalas ako sa pagkaka-akbay nito sabay tinungo ang kusina upang magpaalam kay nanay. “Nay, alis na po kami.” Sambit ko sabay halik sa kamay ni nanay. Ganun din ang ginawa ni Jayson.


“Oh siya, mag-iingat kayo.” Sagot ni nanay samin.


Sumakay kami ng jeep. Nakarating kami sa University ng hindi ko pa rin siya iniimik. Eh paano ba naman kasi, anong oras na lang ako nakatulog kagabi dahil sa ginagawa kong report. Deadline na kasi ng mga yun next week. Tapos heto siya, maagang nambubulabog para lang magpakuha ng letrato sa sayaw nila. Nakakayamot.


“Galit ka pa rin, Moy?” sambit nito na may nagmamakaawang tingin sa akin. Puppy eyes ba?


“Eh Moy, di ka nakakatuwa eh!” sagot ko.


“Moy, sorry na. Alam mo namang ayoko sa ibang photographer eh. Ikaw lang kasi nakaka-capture ng good angles ko. Hayaan mo, babawi ako.” Pambobola nito sa akin sabay ngiti’t akbay sa akin.


Bumuntong hininga na lamang ako. Alam na alam nitong mokong na to kung paano ako palambutin. Ewan ko ba paano ko naging best friend ‘to. Sobrang magkaiba kami. Sporty sya samantalang ako may pagka-nerd. Maingay siya samantalang ako tahimik. Alam ko lang eh magkaklase kami buong Elementary years, school mates nung High School, magpasahanggang ngayon. Pareho kaming may itsura, at lamang ako sa kanya kung itsura lang din. Pero sa’ming dalawa ay mas habulin siya dahil na din sa buffed siya kakalaro ng sports at kakasayaw. Oo, isa siyang magaling na dancer, katunayan ay wala pa siyang sinalihang dance contest na di niya napanalunan ang first prize, siya at ang kanyang grupo.


“Ngingiti na yan.” sambit niya sabay kurot sa aking pisngi.


“Sige na, sige na. Matahimik ka lang.” sagot ko sabay ng isang pilit na ngiti.


Nagtungo kami sa gym kung saan gaganapin ang palabas na inihanda ng college of Engineering. Nanuod muna kami ng mga kung anu-anong ek-ek ng kanilang department. Pa-raffle, mga quiz show, etc. hanggang sa tinawag na sila sa back stage upang maghanda na sa kanilang isasayaw.


“Moy, tawag na kami.” Paalam niya. Bago pa siya tuluyang maglaho sa aking paningin ay sinenyasan niya ako na na-gets ko naman. Galingan ko daw sa pagkuha ng letrato nya. Sinenyasan ko naman siya ng “good luck.”


Ilang sandali pa ay ipinakilala na ang kanilang grupo. Di maipagkakailang kilala ang grupo nina Jayson. Nagtayuan ang lahat ng nasa gym upang palakpakan sila, lalo na ang mga kababaihan na tumitili pa.


Nang tumunog na ang tugtog na nagmumula sa mga dambuhalang speaker na nasa magkabilang gilid ng stage ay siya ring pag-indayog ng mga dancer. Nasa gitna si Jayson, bilang leader ng grupo nila. Kuha lang ako ng kuha ng pictures nila na sa pagkakaalam ko ay ilalagay daw sa school paper.


Habang sumasayaw sila ay hindi inaasahang natumba si Jayson. Nawalan siya ng balanse na dahilan upang malaglag siya sa stage na una ang mukha. Nagtilian ang mga nakasaksi, lalo na yung malapit sa stage. Sa sobrang gulat ay hindi agad ako nakagalaw upang alalayan si Jayson. Pinagmasdan ko lang siyang nakahilata sa sahig, walang malay.



Buti nalang ay naroon ang ilang nursing students. Agad siyang tinignan at binigyan ng paunang lunas. Matapos nun ay dinala agad siya sa clinic na malapit lang sa gym. Dun lang ako nakabawi mula sa pagiging tulala. Dali-dali akong sumunod upang tignan ang kalagayan ng matalik kong kaibigan.


Pagdating ko sa clinic ay kasalukuyan siyang nakahiga sa kama at pinaaamoy ng kung ano. Unti-unti siyang nagkamalay sabay sapo sa kanyang ulo. May sugat siya sa noo na ngayo’y may gasa na.


“A-anong nangyari?” agad niyang tanong sa doktora.


“Na-out of balance ka raw at nahulog sa stage.” Sagot ng doktora sa kanya. “Kamusta na ang pakiramdam mo?”


“Medyo hilo pa dok. Pero ok na ako.” sagot ni Jayson sabay bangon.


“Mahiga ka muna, magpahinga ka. Baka matumba ka ulit.” Paalala ng doktora. Bumaling ito sa mga nakikiusyoso sabay sabing “The show is over guys. Let him rest.” Nag-alisan ang mga nakikiusyoso maliban sa akin.


“Didn’t you hear me?” tanong sa akin ng doktora.


“Ah dok, kasama ko po siya.” Sagot ni Jayson.


“Ah, ok. Sige upo ka muna dun sa silya hijo.” Sabi ng doktora sabay turo sa upuan sa tabi ng kama na kinahihigaan ni Jayson.


“Salamat po.” Sagot ko bago umupo. Tinignan ko ang matalik kong kaibigan na ngayon ay nakatingin sa kisame ng clinic. “Moy, ano bang nangyari sayo?” tanong ko.


“Na-out of balance lang ako Moy. Don’t worry.” Sagot niya.


“I’m not worried.” Sagot ko.


Bigla siyang tumingin sa akin na nakataas ang mga kilay. Hindi siya umimik pero alam ko ang mga tingin na yun.


“I’m not worried kasi sobrang worried ako.” sagot ko.


Dun na nawala ang pagkakataas ng mga kilay nya. Napangiti na siya sabay sagot ng “Salamat, Moy.”



Itinuloy naman ang palabas sa gym matapos ng insidenteng nangyari. Nagpahinga lang si Jayson sa clinic, nang maayos na ang pakiramdam niya ay muli kaming bumalik sa gym. Nahabol pa namin yung huling bahagi ng palabas.


Umuwi agad kami at nagtungo sa mini studio ko. Agad ko naman ipinasok ang camera ko sa dark box* ko upang gupitin ang film. Maingat kong hinawakan ang film upang ilipat sa isang light-trap tank**. Nang mailipat ko na ay agad kong nilagyan ng developing solution upang madevelop yung colors tapos ay tinakpan. Kinuha ko ang camera at iniwan ko na muna yung light-trap tank sa dark box upang tignan ang supplies ko.


“Moy, kelan mo ba kailangan yung print?” tanong ko kay Jayson na nakamasid lang sakin.


“Pwede ba bukas Moy?” sagot-tanong niya.


“Wala na pala akong papel Moy. Dalhin nalang natin bukas sa bayan para ipa-print.” Suhestyon ko sa kanya matapos makitang ubos na ang photo papers ko.


“Sige Moy.” Sang-ayon niya habang nakatingin sa mga pictures na naka-pin sa cork board. “Moy saan mo kinunan to?” wika niya habang tinuturo ang isang larawan.


“Sa Turayog yan. Di mo na natatandaan yang lugar na yan?” sagot ko pagkatingin ko sa larawan ng isang talon na may arko ng bahag-hari sa paligid.


“Ay sa Turayog ba? Ilang taon na ‘ko ‘di nakakapunta dun. Kailan ka pumunta?”


“Nung bakasyon pa.” Sagot ko. Ipinasok ko na ulit ang kamay ko sa dark box upang ipagpatuloy ang ginagawa ko.


“Daya, ba’t di mo ‘ko sinama?” tampong tanong niya.


“Sinasama kaya kita, ikaw tong tumanggi.”


“Kailan naman yun?” kunot-noo niyang tanong.


“Nung inuna mo pang pumunta ng Megamall para makipag-eyeball sa mga ka-clan mo.” Sagot ko naman.


“Ah yun ba yun?” kamot-batok niyang tugon. “Moy naman. Wrong timing naman kasi, magkikita kami ni Pauline nun.”




“Kaya nga ‘di na kita pinilit, alam ko namang mas importante naman kasi ang mga babae mo kesa sumama sa’kin.” Wika ko habang ibinubuhos ang unang solution sa lalagyan upang ibabad naman sa bleach solution yung film.


“Nagtampo.” Wika niya sabay batok sa’kin. “’Di bagay uy!” dugtong pa niya.


“Masakit yun ha!” Singhal ko. “Isa pa, i-eexpose ko tong film mo!” pagbabanta ko.


Tumawa siya’t umakbay sa akin. “’To naman, lambing lang yun.” Sabay ng mahinang suntok sa braso ko.


Ibinabad ko na sa fixing solution ang film at tapos nun ay final wash at pinatuyo ko na bago ko nilagay sa isang blank film case. Maya-maya pa’y lumabas na kami dahil sa pagtawag ni nanay para sa hapunan. Sabay kaming tatlong kumain habang ikinukuwento namin kay nanay ang mga nangyari sa buong maghapon.


Matapos ng hapunan ay umakyat na kami sa silid ko upang makapagpahinga. Dun na siya matutulog sa gabing iyon. May damit din naman siya sa bahay dahil madalas siyang makitulog sa’min, ganun din naman ako sa kanila.


“Je-je…” tawag ni nanay kasabay ng katok sa pintuan ko. Agad namang binuksan ni Jayson ang pinto. “Linisin mo muna yang sugat mo para mapalitan mo yang gasa.” Sabi ni nanay sabay abot ng mga gamot at gasa.


“Salamat po, Nay.” Sagot naman ni Jayson at kinuha na yung mga ibinigay ni nanay. Humarap siya sa salamin at tinanggal ang gasa. Matapos ay kumuha siya ng bulak at binuhusan ng alkohol. Kitang kita ko sa mukha niya ang pag-aalangan. Nakakatawa siya.


“Ipakita mo ang tapang mo Moy!” pang-aasar ko sa kanya. Lumingon naman ito sa akin, mukha siyang batang takot sa hapdi ng alkohol sa sugat.


“Ako na nga!” sabi ko sabay kuha sa bulak.


“Dahan-dahan lang ah?” pakiusap niya. Dahan-dahan kong ipinahid ang bulak palibot sa sugat niya.


“Aray! Mahapdi!” reklamo niya.


Tumawa lang ako’t pinagpatuloy ang paglilinis sa sugat niya. Matapos nun ay kumuha ako ng bagong bulak at binuhusan ng antiseptic. Ipinahid ko yun sa sugat niya bago ko tinakpan ng gasa at sinecure ng tape. “Yan! Okay na, duwag!” sabi ko.


“Eh sa masakit naman talaga…” salubong ang kilay niya, halatang napikon.

“You’re welcome.” Sarkastiko kong sagot.


Nangiti na siya’t nagsabing “Salamat Moy.”


Matapos nun ay nagbihis na ako ng pantulog. Nagsuot ako ng lumang t-shirt na manipis na ang tela at maikling basketball shorts, tulad ng shorts ng players nuong 70’s at 80’s. Ganuon ang pantulog ko, presko kasi. Si Jayson naman ay naghubad lang ng t-shirt at nagsuot ng cotton na shorts na hanggang tuhod ang haba. Nahiga kaming magkatabi sa kama ko.


Ramdam kong nalalapit na akong mahulog sa pagtulog nang marinig kong magsalita si Jayson.


“Gian.”


“Hmm?” sagot ko.


“Gising ka pa?”


Parang angsarap niyang batukan! “Sasagot ba ako kung tulog na ako? Bwisit ka naman eh! Patulog na ako tatawagin mo ako para lang itanong kung gising pa ako. Tsk!”


“Sorry naman…” sagot niya. “’Di kasi ako makatulog.” Dugtong pa niya.


“Oh siya!” sagot ko naman. Alam ko na kung ano ang gusto niya. Umusog ako pataas at iniunat ang braso ko upang maka-unan siya dito, matapos ay binaluktot ko na ulit ang kamay ko upang kamut-kamutin ang ulo niya. Yun kasi ang pampatulog niya, ang may kakamot sa ulo niya.


Tahimik. Akala ko’y nakatulog na siya kaya pumikit na ulit ako upang makatulog na din pero nagkamali ako, muli siyang nagsalita.


“Gian.”


“Hmm?” tamad kong sagot.


“Mahal mo ba si Diana?”


“Bat napasok naman si Diana sa usapan?” taka kong tugon sa tanong niya.


“Sagutin mo nalang…”


“Syempre naman mahal ko, syota ko yun eh.” Sagot ko.


“Ano ba ang feeling ng in love?” Napamulat ako sa tanong niyang yun. Pagtingin ko sa kanya’y seryoso ang mukha niyang nasisinagan ng malamlam na ilaw mula sa labas.


“Tatlo-tatlo ang syota mo, hindi mo alam kung anong feeling ng in love?” tanong ko sa kanya.


“Hindi eh.”.


“So ibig sabihin wala kang mahal sa mga yun?”


“Hindi ko alam. Oo attracted ako sa kanila, tinitigasan ako pag kahalikan ko sila, pero hindi ko alam kung in love ako sa kanila.” Seryosong tugon nito.


“Libog mo!” natatawa kong komento sa kanya. Sa dami naman kasi ng pwedeng sabihin bakit pati yun sinabi niya.


“Seryoso ako Moy. Ano ba ang feeling?” tanong uli niya.


Huminga ako ng malalim. Nag-isip. “Hmm… Pag mahal mo, gusto mong alagaan, kahit pa yung di kagandahang qualities niya tanggap mo, ayaw mo siyang masaktan, masaya ka pag kasama mo, yung pakiramdam na kulang ka pag wala siya.” Sagot ko sa kanya.


“Parang tayo?” nakangisi niyang tanong.


“Gagu! Matulog ka na nga!” sabi ko nalang pero natuwa din ako sa tanong niya, para nga kaming kambal na halos hindi mapaghiwalay. Tama nga naman, kung mawawala ang isa, parang kulang ang isa.


“Good night Moy…” sambit niya bago ipinatong ang kaliwa niyang hita sa kanan kong hita at niyakap ang isang unan.


“Good night…” sagot ko.


Nagising ako kinaumagahan. Nakayakap pala ako kay Jayson. Kasi naman kinuha niya yung unan na lagi kong niyayakap eh. Sanay pa naman akong laging may yakap na unan pag natutulog, kaya siya tuloy ang nayakap ko. Dahan-dahan akong gumalaw upang hindi siya magising. Bumangon na ako’t nag-unat-unat. Lumabas ako ng kuwarto’t dumeretso sa kusina upang magmumog at magtimpla ng kape.


“Tulog pa si Je-je?” tanong ni nanay pagkakita niya sa akin sa kusina. Kasalukuyan siyang nagbabate ng itlog para sa almusal.


Tinapos ko muna ang paghihilamos at pagmumumog bago ako sumagot. “Opo, Nay.”


“’Di ba kumirot yung sugat niya?”


“Wala po siyang sinabi, mahimbing naman po ang tulog niya kagabi.”


“Ahh mabuti kung ganon.” Sagot naman ni nanay. Itinuloy na niya ang pagluluto.


Lumabas na ako’t dumeretso sa mini studio ko. Tinignan ko yung mga negative na ipapa-print namin mamaya. Isinilid ko ang mga yun sa isang envelope. Ilang sandali lang ay pumasok na rin si Jayson sa studio ko, dala-dala ang isang mug ng kape.


“Gising ka na pala.” Sabi ko.


“Good morning Moy!” masayang bati naman niya sa akin.


“Good morning din Moy. Niligpit mo ba yung higaan?” tanong ko sa kanya. Napakamot siya ng batok at ngumisi. Alam ko na, hindi niya niligpit. “Tamad mo!” sabi ko nalang. “Dito ka na muna, ililigpit ko yung hinigaan mo mahal na prinsipe!” dugtong ko pa.


“Salamat alipin.” Sagot naman niya bago humigop sa kape niya.


Umakyat ako ng kuwarto ko. Itinupi ko yung mga kumot at isinalansan ang mga unan. Napansin kong may basa sa isang unan, yun yung paborito kong unan na yakap-yakap ni Jayson kagabi. Sinuri ko yung basang bahagi, inamoy, wala akong naamoy. Tinanggal ko nalang ang pillow case upang malabhan. Pagbaba ko’y dumeretso muna ako sa studio upang mapagsabihan si Jayson.


“Moy, badtrip ka! Nilawayan mo yung unan ko!” reklamo ko.


“Ha? Nasan?” tanong niya sabay hablot sa pillow case. Sinuri rin niya yun, matapos ay nilamukos at ibinato sa’kin. “Hindi laway yan!”


“Eh ano to?” tanong ko na sinagot lang niya ng tawa. Inis na umiling nalang ako’t itinapon yun sa labahan.


Sabay kaming umalis ng bahay ni Jayson, kapwa kami naka-uniform para pumasok ng school. Nasa jeep kami’t nag-uusap tungkol sa mga subjects namin. Dadaan muna kami sa studio ng kakilala ko sa bayan upang ipa-print ang mga letrato ni Jayson bago pumasok.


Nang nasa studio na kami ay ibinigay ko agad sa clerk yung mga negative upang ma-print na. Umorder na din ako ng mga supplies ko tulad ng mga solution, film at photo paper. Usually isang oras nila piniprint ang mga pictures, pero dahil kilala nila ako’t suki na nila ay 15 minutes lang ang pagproseso nila.


“Moy, Moy, tignan mo ‘to.” Pagtawag sa’kin ni Jayson. Lumapit ako sa kanya upang malaman kung anong gusto niyang ipakita. Itinuro niya ang isang digital camera. “Porma no?” dugtong pa niya.


“Ngayon mo lang ba yan nakita? Tagal na niyan diyan.” Sabi ko.


“Bat di mo bilhin?” tanong niya sa’kin pero ang tingin ay nakatutok pa din sa camera.


“Ayoko, mahal ko ang camera ko at hindi ko yun ipagpapalit sa mga digital na yan.” Sabi ko. “Isa pa, mas maganda ang kuha ng mga SLR kesa sa mga yan.” Dugtong ko pa.


Nakasimangot na tumingin sa’kin si Jayson. “Ano bang pinagkaiba? Camera rin naman ang mga yan.”


“Mas maganda ang SLR.” Tangi kong naisagot.


Tumayo siya’t tumingin sa ibang display. “Eh ito? SLR din naman to, maporma pa!” sabi niya sabay turo sa isang digital SLR camera. Maganda yung camera at may 10% discount pa.


Huminga ako ng malalim at sumagot, “Mas gusto ko pa din ang camera ko.”


“Nagkukuripot ka lang eh!” pang-aasar niya sa’kin. ‘Di rin naman kasi biro ang presyo ng mga SLR na camera.


“Kuripot mo muka mo! Bilhin ko pa ang buhay mo eh!” pagyayabang ko. “Bakit mo ba pinipilit ang mga digital sa’kin ha?” dugtong ko pang tanong.


“Para ibigay mo nalang sa’kin yung camera mo.” Nakangisi nitong sagot habang nagpo-pose na parang kumukuha siya ng letrato ko.


“Hayun!! Lumabas din ang totoo. Gusto lang palang makuha ang camera ko.” Wika kong pailing-iling.


“Bilhin mo na kasi, may discount na, may libre pang film!” wika pa niyang may pagmamalaki tapos ay bumaling sa clerk. “’Di ba ate?”


Natatawa nalang yung clerk sa usapan naming dalawa ni Jayson, lalu na sa ‘libreng film’ na nabanggit, digital camera may film? Luko-luko talaga.


Nagpatuloy sa pagtingin-tingin si Jayson sa mga pictures at camera na naka-display habang ako naman ay nagbabasa ng magazine.


“Sir, heto na po yung pictures nyo.” Sabi nung clerk. Agad ko namang ibinalik yung magazine sa shelf at tumayo na upang tignan ang mga pictures. Lumapit na din si Jayson upng makitingin.


“Galing mo talagang kumuha! Lalu akong gumuguwapo sa mga kuha mo!” pambobola nito habang isa-isang tinitignan ang mga letrato.


“Talagang magaling ako dahil sa mga kuha ko lang ikaw gumuguwapo.” Pang-aasar ko dito na ikinatawa ng malakas nung clerk.


“Ate wag kang maniwala diyan, inggit lang yan sa kaguwapuhan ko.” Wika ni Jayson sa clerk. Tawa naman ng tawa ang clerk kaya para siyang luka-luka na kanina pa tawa ng tawa.


Pagkatapos namin matignan ang mga pictures ay isinilid ko na ang mga ito sa envelope at nagbayad na. Narinig naming bumukas yung pinto dahil sa bell na nakascrew dito.


“Aba, nandito pala ang mag-syota!” dinig kong sabi nung dumating kung kaya napalingon kami ni Jayson.


Napangiti ako nang makilala ko ang bagong dating habang si Jayson naman ay sumimangot. “Sir Takahashi, kayo pala!” bati ko sa kanya.




Itutuloy…






* Ang dark box ay isang light-proof metal o wooden na kahon na pininturahan ng itim sa loob na may black cloth sleeves kung saan ipinapasok ang kamay upang hindi ma-expose ang film pag tinannggal na ito sa camera…

** Ang light trap tank ay isang maliit na tank kung saan ipinapasok ang reel ng film. Dito ibinubuhos ang mga solution upang ibabad ang film para madevelop.

20 comments:

sam1308 said...

first comment...gonna have fun reading this story..please update more often

Anonymous said...

maganda yung pagkakasulat... sana mabilis update

Charlette Paul said...

Interesting ang story. Haha. Parang alam ko na yung basang part sa. punada ng unan. :] Lol. Tuloy mo lang po, maganda kasi e. :] Susubaybayan ko to.

Anonymous said...

sobrang nkarelate ako,hilig ko din kc ang photography. Great start author. aabangan ko lage toh.

-clark

Mr. Brickwall said...

Will you wait for me?

hmmm. malabo pa kung bakit yun yung title. pero ayos ang pagkakasulat ng part 01.

update often. :)

Chris said...

ang ganda intro palang at mahaba! sana ganito palagi ah at mabilis nd update. hehe. ang ganda po talaga :)

Anonymous said...

interesting. yun lang muna for now, hehehe, babsahin ko to, but i can't promise, basta pag my time ako at hindi ako nageenjoy sa chatbox ni daddy zeke, babasahin ko to, hehehehe. praaaaameeeesss


-eusethadeus-

Anonymous said...

Ang galing mo sumulat po author. :) very interesting po pero bakit will you wait for me po ang title? Hmmm baka open-ended ang story. Di sila magkakatuluyan. Sa book 2 sila magkakatuluyan. Joke lang po. :D

VAN ^_^

Master_lee#027 said...

I.N.T.E.R.E.S.T.I.N.G
sana every two or three days ung pagpopost ng story mo para
Mas exciting mas maganda ang kalalabasan ng story eh ......
By the way good flow ang story keep it up :):)

DownDLine said...

hmmm something new... mukhang marami akong matutunan when it come to photography.. photography enthusiast pa naman ako:))

Coffee Prince said...

nice title kuya Law :)

anKYUT naman ng start .. tungkol sa mag-bestfriend .. coooool ---

sana mabilis ang update :)

Anonymous said...

Ang kulit ng mga karakter lalo na yung tawagan nila ‘moy‘ haha ganda sana masundan agad...=dereck=

foxriver said...

nice start. Its interesting that it involves photography. The terms of endearment of the two leads is unique and i like it. I will enjoy reading this..next pls.

Anonymous said...

pretty interesting..... nice start lawlaw! hihihihi

next chap n at me miting ang mga bummers! hehehe

-koalabear, the muse-

Anonymous said...

.....hmmm...

BESTFRIENDS TURN INTO LOVERS ITO ANG THEME NG STORY

@LAWFER...anticipate ko next story... he hehehe

ill just wait the the TWIST and TURN.......

..........JAZZ0903..............

Anonymous said...

hmm... sounds promising..

nice intro..

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

interesting story..
hope next chapter will come out soon..

Anonymous said...

wow nasingit kapa lawfer
-yuumee

roman ( roohmen ) said...

Impressive ha! Galing may chemistry yung characters mo.. Though nakakahingal sya basahin but worth it naman.. Rate ko sayo 8.9 Galing mo ha..

roman ( roohmen ) said...

Impressive ! Galing mo dre, feel ko tlga itong gawa mo. May chemistry na akong nararamdam though friends palang sila'.. Keep on writing dude abanga ko tlga to..

Post a Comment