by: Zildjian/ Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
WEW!!!!!!!! HAMBACK!!! Hihihihi Kamusta na kayo mga paps?
Medyo matagal-tagal rin akong nahimlay noh? Hihihi Ngayon balik na naman ako sa
pagsusulat ko dahil tapos na ang pagpapahinga ko. Medyo nareformat ko na nang
konte ang 2mb kong utak kaya lang may mga nakapasok ulit na virus kaya
pagpasensyahan niyo na ang mga typos ko. Syems! Kapag walang typos meaning
hindi ako yon HAHAHAHA
Ito na po ang Prologue nang Make Believe ito ang unang
pagkakataon na gumawa ako nang prologue sa estoryang likha ko kaya sana
ma-enjoy niyo. Simula na ulit ng panibago kong series naway magustohan niyong
lahat ang bagong gawa kong ito.
At tulad ng lagi kong ginagawa every other day po ang
posting ko nang storya ko. Hindi ito mahabang series ngayon siguro 9 to 10
chapters lang per story para di kayo tamarin. Hihihihi Sa mga nag-email sa akin
at nangumusta doon well well well!!! ITO NA AKO!! :D
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Ano ba ngayon ang balak mo?” Wika ni Lantis na ngayon ay
kasama ko nang nangungupahan sa bahay na tinutuluyan ko.
“Wala.” Matipid kong
sagot dito dahil sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi na ako
makapagisip ng tama sa sobrang dami nang mga nangyaring hindi maganda sa buhay
ko sa mga nagdaang buwan.
“Ganun nalang ulit? Wala kang gagawin dahil natatakot kang
harapin ang problema mo?” Wika nito na may bahid ng pagkainis sa boses niya.
“C’mon Ken, wala kang mapapala kung iiwas kalang sa problema mo. Ikaw lang din
ang masasaktan.” Wika pa ulit nito. Hindi ko naman masisisi si Lantis kung
bakit tila asar ito ngayon sa akin. Alam niya ang lahat ng nangyari sa buhay ko
dahil sa naging close ko na rin ito sa loob ng ilang buwan naming pagsasama sa
isang apartment.
“Hindi ako natatakot na harapin ang problema ko.” May diin
kong sagot sa kanya. “May rason si Nhad kong bakit niya iyon nagawa sa akin.”
Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa
kanya. Malamang nahihirapan na rin itong paliwanagan ako dahil paulit-ulit
nalang kami sa ganitong diskusyon.
“At anong rason naman iyon? Iyong pekeng relasyon mo sa best
friend mo na hindi mo sinabi sa kanya?”
Hindi ko alam kung bakit pero kahit ngayon tuwing maririnig
ko sa ibang tao ang tungkol sa nangyari sa amin ng best friend ko nasasaktan
ako.
“Lantis..”
“It was not your fault that you fell in love with your best
friend. Hindi lang ikaw sa mundong ito ang nahulog sa matalik niyang kaibigan.
Besides, past na yon dapat hindi na binabalikan yon . Hindi excuse ang nakaraan
mo para gaguhin ka niya.” Pagputol nito sa sasabihin ko.
“Nagkita kami ni Martin.” Ang mahina kong wika.
Kita kong bahagya itong natigilan at napako ang tingin sa
akin na puno ng katanungan sa kanyang mga mata. Alam ni Lantis ang mga
pinagdaanan ko bago pa man siya lumipat sa apartment na tinutuluyan namin noon
ni Martin. At nakita nito lahat ng kamisareblehan ko nang magkahiwalay kami ng
landas ng matalik kong kaibigan dahil sa isang pagpapanggap.
“Wag mong sabihin na iyon ang dahilan?” Ang di nito
makapaniwalang sabi.
“Hindi ko pa pala talaga tuluyang nakakalimutan siya. Mahal
ko parin si Martin kahit na marami ng masasamang nangyari sa amin. Kahit na may
Leonard nang dumating sa buhay ko. Hindi ko naibigay ng buo ang sarili ko kay
Nhad at iyon ang rason kung bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin ngayon.”
Mahabang wika ko dito.
“Pero ikaw narin itong nagsabi na hindi ka niya kayang
mahalin. Bakit mo pa pinipilit na itali ang sarili mo sa kanya. Maraming tao
ang handang suklian ang pagmamahal mo Ken pero hindi kasama doon si Martin.”
Ramdam ko ang awa’t pag-alala sa boses nito. Naging matalik ko na ring kaibigan
si Lantis. Sa loob ng anim na buwan siya ang dumamay sa akin. Siya ang
umintindi at nakinig sa mga hinaing ko sa buhay.
“Naramdaman kong minahal din niya ako. Siguro, tulad ko
natatakot lang din siya sa mga pweding mangyari sa amin. Siguro natakot siya na
baka…..”
“Make believe.” Pagputol nito sa iba ko pa sanang sasabihin.
“Iyan ang problema nating lahat. Gusto nating paniwalaan ang isang bagay na
alam naman nating hindi totoo. Sige nga Ken, papaano mo mapapaniwalaan ang lahat
kung alam mo na sa umpisa pa lang isa lamang itong pagpapanggap?”
Hindi ako nakasagot sa tinuran nito.
“Walang magandang maidudulot iyan sayo Ken. Lalo mo lang
pinapahirapan ang sarili mo dahil sa paniniwalang minahal ka niya kaya hindi mo
magawang maibigay ng buo ang sarili mo sa mga taong handa kang mahalin ng
totoo.”
Muli, hindi ako nakapagsalita dahil lahat ng sinabi nito ay
tumagos sa akin. Sobra kong pinaniwalaan ang mga pinakitang pag-aalala at
pag-aalaga sa akin ni Martin noon at inakala o mas tamang sabihin na
pinaniwalaan kong may nararamdaman din ito sa akin.
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa
ni Lantis.
“Dapat ko bang kausapin si Nhad?” Pagbasag ko sa
katahimikan.
“Kung wala ka naman talagang nararamdaman sa tao, wag mong
ipagkait sa kanya ang katotohanan. Wag kang maging selfish sa kanya. He
deserves to know how you feel because committed ka sa kanya. Hindi tama na
hahayaan mo lang siyang kainin ng galit niya sayo para lang bitiwan ka niya. Be
fair Ken!”
Ito ang ugaling nagustohan ko kay Lantis. Hindi ito one
sided na tao kahit kaibigan ka pa niya kapag nakita niyang ikaw ang may
kasalanan ay hindi ka niya kakampihan. Ayaw nito nang may nasasaktan o may
natatapakang tao.
Buong gabi kong pinag-isipan ang lahat ng mga napag-usapan
namin ni Lantis at doon ko napagtanto na dapat ko ngang kausapin si Nhad para
ayusin ang gusot na ako rin mismo ang may likha.
Alam ko ang mga posibleng mangyari sa gagawin kong
pakikipag-usap sa kanya. Masasaktan ko siya doble pa sa pasakit na nararamdaman
niya ngayon pero ito lang ang tanging paraan para maayos ko ang lahat.
Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan matapos
tingnan ang aking relos. Nalalapit na ang pagtatagpo namin ni Nhad at ngayon ko
na balak tapusin sa amin ang lahat. Alam kong mahihirapan akong kumbinsihin
siya na para rin sa kanya ang gagawin ko pero handa akong tanggapin ang lahat
ng galit niya ngayon kung iyon lang ang tanging paraan para makabawi ako sa
kasalanan ko sa kanya.
Sa isang resto bar ko naisipang makipagkita kay Nhad ito ang
resto bar na paborito naming dalawa at dito sa resto bar din na ito nagsimula
sa amin ang lahat kaya nararapat lang na dito na rin namin tapusin ang kung anu
mang meron kami.
Hindi nga ako nito binigo sa oras dahil saktong seven thirty
ng gabi tulad ng aming napag-usapan ay nakita kong pumasok ito sa restaurant.
Nang magsalubong ang aming tingin ay muli kong nasilayan ang may bahid ng galit
na mga mata nito.
Agad akong inalipin ng kaba at nagsimulang magrigudon ang
aking puso. Akala ko handa na akong harapin sya at magiging madali lang ang
lahat, ngunit tila mali pala ako. Iba pa rin pala kapag kaharap mo na ang taong
sa huli ay alam mong masasaktan mo.
Ang akala ko noon ay matututunan kong maibigay ng buo ang
sarili ko kay Nhad pero ang totoo gusto ko lang matakasan ang nararamdaman ko
sa best friend ko sa madaling salita naging user ako. Ginawa ko siyang rebound
sa loob ng tatlong buwan naming relasyon at ngayon sa pangalawang pagkakataon
ay masasaktan ko na naman ang taong walang ibang ginawa sa akin kundi ang
mahalin ako.
“Anong drama mo ngayon?” Wika nito nang makaupo sa harap ko.
“Gusto kong mag-usap tayo.” Mahina pero may paninindigan
kong sabi.
“Mag-usap? What for?” Ramdam ko ang sarkasmo sa tono ng
pananalita nito. “The damage has been done. There’s no need for pity talks
Ken.”
Hindi ako nakaimik. Wala akong maapuhap na rason para
mapakalma ko siya at hayaan akong magpaliwanag.
“Binigay ko naman ang lahat di ba? Minahal naman kita di ba?
Isn’t it enough para mahalin mo rin ako? Ano ba ang meron kay Martin na wala sa
akin? Ano ba ang kaya niyang ibigay na di ko kayang ibigay sayo?”
“Nhad hayaan mo akong magpaliwanag.”
“Bullshit Ken! Hindi ko kailangan ang paliwanag mo.” May
diin nitong sabi mabuti nalang at kulang na ng tao ang restaurant sa mga oras
na iyon.
“Kailangan Nhad. Kailangan kong maipaintindi sayo na
magkakasakitan lang tayo ng husto kung ipipilit pa natin ang relasyon na ito.
Nanggaling na mismo sa ‘yo, the damage has been done and we cannot do anything
about it.”
“Dahil nga sa ayaw mo akong bigyan ng puwang d’yan sa lintik
na puso mong yan. Ginamit mo lang ako! Masaya ka na? Simula’t sapul hindi mo naman
talaga ako minahal ng totoo dahil hanggang ngayon nakatali ka pa rin sa Martin
na yon!” May bahid ng panunumbat nitong wika. “Unfair ka Ken! Napaka-unfair mo!
Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon.” Dagdag pa nitong wika.
Ramdam ko ang ibayong sakit sa mga mata nito at sa totoo
lang hindi ko kayang makita na nasasaktan siya dahil wala naman siyang ibang
ginawa kung hindi ang mahalin ako. Oo, nakagawa siya nang pagkakamali pero
hindi ko siya masisisi dahil ako ang nagtulak sa kanya para magawa niya iyon.
Ito ang rason kung bakit gusto kong maayos kaming maghihiwalay. Ayaw kong
sirain niya ang buhay niya nang dahil sa akin.
“Inaamin ko naging unfair ako sayo. I did my best to give
you the love that you deserved Nhad, pero sadyang kay hirap turuan ang puso.
Kaya ako nandito at hinarap ka ngayon para pakawalan ka sa pagkakatali mo sa
akin. Ayaw kong matulad ka sa akin Nhad.” Mahaba at may bahid ng lungkot kong
sabi.
Doon na dumaloy sa mga mata nito ang luhang kanina pa nito
pinipigilan. Mga luha na dala ng lungkot at pighati. Hindi naman ako bato para
hindi ako makaramdam ng awa sa mga oras na iyon para kay Nhad.
Hindi ito umimik at nanatili lamang na nakayuko. Isa-isang
nagbabagsakan sa mesa ang mga butil ng luha nito. Sobrang bigat ng pakiramdam
ko sa mga oras na iyon hindi ko alam kung anu ang gagawin ko para ma-comfort ko siya
sa sakit na ako mismo ang lumikha.
“Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin Ken?” Maya-maya ay
wika nito sa akin gamit ang malumanay na nitong boses. Walang bahid ng galit
akong nabakasan sa boses nito na lalo pang nagpadagdag ng guilt feelings ko.
Inabot nito ang dalawang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng
mesa at marahang pinisil.
“I-I can undo things for us Ken. Aayusin ko ang relasyon
natin dahil mahal na mahal kita. Just give me another chance.” Ang wika nito.
Wala akong mahupahap na isasagot sa kanya. Natatakot ako na
baka kapag nagbitiw ulit ako nang salita ay lalo ko pa siyang masaktan dahil
alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya pweding mapagbigyan. Gusto ko munang
makapagisa at makapagisip. Gusto ko munang ayusin ang buhay ko at tapusin ang
lahat ng issue na meron ako sa nakaraan ko bago pumasok ulit sa relasyon. Ayaw
kong makasakit ulit ng tao at lalong ayaw kong manggamit ng tao para lang
makalimutan ang isang pagibig na hindi natugunan noon ng taong gusto ko.
“Hindi kita mamadaliin this time Ken. Hahayaan kitang
makapagisip at maayos ang anumang meron kayo nang dati mong best friend pero
sana huwag mo naman akong bitawan. Maghihintay ako, hihintayin kita hanggang sa
araw na handa mo nang ibigay ang pagmamahal mo.” Ramdam ko ang pagsusumamo sa
boses nito.
“Walang kasiguraduhan kung kelan ako magiging handa ulit
Nhad, ayaw kitang maghintay sa wala.” Nakayuko kong sabi. Hindi ko magawang
makipagtitigan sa kanya dahil lalo lang nadadagdagan ang guilt feelings ko.
“Ken…”
“I’m sorry Nhad.”Iyon nalang ang naisip kong gawin ang
tapusin na ang usapan namin habang kaya ko pa. Hindi ko kasi alam kung saan ako
dadalhin ng awa ko para sa kanya.
Dali-dali akong lumabas ng restaurant na iyon nagbingi-bingihan
sa pagtawag sa akin ni Nhad. Sobrang bigat ng pakiramdam ko hindi ko ginusto na
makasakit nang tao pero nangyari parin at ang masama pa ang taong nasaktan ko
ay ang taong nagmahal sa akin.
35 comments:
para sa pinakamamahal kong author!
hello! ako budoy :D
hhhmmmm.. tingnan nga natin kung anong mangyayari sa loveteam nila. hihihihih
excited :)
Hahaha! Baliw ka talaga bayaw isa kang abnormal! HAHAHA
interesting story author. hmmmmm
taga_cebu
The Prologue explains it all... hahahaha
sounds interesting huh! ano kaya magiging twist nito?? :)
at siyempre AABANGAN ko talaga ito!
Great start Z.. Idol! :)
Naku! salamat guys! hehe akala ko si jeh lang mag-cocomment eh. Well, ibang atake naman ang gagawin ko ngayon sa storyang ito kaya abangan niyo sana :)
ouch naman Z..hehehe...daming patama ah...joke..as expected from you, another story na dapat abangan..
Wow......ganda ah prologue pa lang kaexcite na:D
Kudos mr.zep..eheh. Aabangan ko ang story mo.....
uhm, kahit parang andun na lahat, alam kong madami pang lalabas na sumthing..
Aabangan ko author!
-mark.
another story na susubaybayan
wow.. haha simula palang ang ganda na..
kapanapanabik nga naman
thank you nga po pala mr.zildjian
-carlo8-
oh noh!
natatawa aq s linya hahahhaha
^_^ prologue is for the purpose of making u guys think more about the whole story. Kaya im sure marami pa kayong aabangan.. Thank you Mark
Hello Carlo nagpakita ka ulit hehehe. Mabuti naman at nagandahan ka sa gawa ko. YEHEY! :D
at last dumating na ang next story mo, bagong aabangan na naman...
yey may bagong story na aman akong aabangan from mr. zzzzz.. i do believe mganda na nman tong story na to..hihi
-cham-
wow..great..otor..pkirefresh ng memory ko..ito ba ung bout sa two bestfriends na ngpretend na sila..and dat tym inlove na ung isa tlga? sori..nagkahalo-halo ung memory ko sa teasers eh..kasi lhat ng stories hir are more or less about bestfriends..
but the prologue is great..it gave mystery both sa past and future..sa past ba ung first strike ng story?
-john el-
ang bagong kaaabangan!
abangan ko to parati.... nakakalungkot naman una palang chapter....
ramy from qatar
Nicely done daddy zeke, perfect start, sana maayos nla kung anong meron s knila ni nhad, mdming taong nghhnap ng taong mgmmhal s knila ng wagas. Which sa part ni ken, nandyan si nhad, how i wish sakin nalang si nhad, atleast for sure, hindi niya ako sasaktan, lolokohin at ipagpapalit sa iba... Mmmmmmm
-eusethadeus
another must-read.. :p
haay zuper z, so sad at sakit nmn s dbdb nitong prologue!!!
pro nrrmdaman k, ms mdaming happy yipee at yehey at kilig moments s mga ssunod n chapters! hihihihi.....pretty interesting prologue!
cnt w8 s epilogue m zuper z! hihihihi
-drew*drew*drew-
bagong istorya na dapat basahin. sana sir nung nagrefresh ka ng 2MB mong memroy eh nagpa-upgrade kana para mas matagal at marami kang magawang story bago magrefresh ulit.hehehehehehe
---januard
yeey!
you're back mr. author!
hehehehe can't wait for the chapters to be posted!
I will be waiting...coz i know i love this!
God bless!
nice nice..hehehe at gaya ng iba ko pang comment...nakakainspire noh???hahahaha sana kaya ko din everyother day posting..hehehe
-Dzodze
Hantaray! Kelangan prologue pa lang heavy na kagad? Kaloka!!!
I miss you author! Buti your back... Hehe...
Yes John El ito nga po iyon and yeah past ang strike ng chapter 1 para naman maging kakaiba siya.. :) hihihi
Yun un eh!!!
Haha. Welcome back Zek!
I'm so excited for this one, simula plang striking na talaga!
Keep it up!
Pat :)
Short story ba 'to? Akala ko un na story hihihi
yeahhhhhh ur back Mr.Z. excited na nmn si ako.
Hindi ko pa alam Gerald kung hanggang ilang chapter ang aabutin nito pero ito na ang simula nang bago kong series :)
prologue pa lang author dessert na..ano na kaya sa mga chapters pa..kitam..
another story to look forward to...
thanks for this Mr. Author..
God bless.. -- Roan ^^,
nasimulan ko din sa wakas!! Haha! Another exciting story from zild.
Teka asan na sina nicollo? Inaabangan ko pa naman si lantis-nicollo love team. Haha! At yung pusa.
--ANDY
nakaka-awang nilalang si Nhad sa prologue na ito!!
ang akala ko magpapalipas ka pa ng isang dekada bago ka ulit mag-update Kuya Zekiel. Nice story!!
Beucharist.......
starting to read series 2 book 1 >_< prologue pa lang interesting na :D
Post a Comment