by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Author's Note:
Maraming salamat sa mga taong nagbigay ng kanilang komento
sa nakaraang chapter! Hihihi Masaya ako na nagugustohan niyo ang daloy nitong
bagong estoryang ginawa ko. Pasensiya na minsan kung delayed ang posting ko na
dapat every other day, masyadong marami lang ginagawa si ako. Hihihihi
Maganda ang buong bahay nina Jay. Talagang
kabigla-bigla para sa amin na mga ka-trabaho niya, na ito pala ang tunay niyang
mundo. Oo nga’t may pagkamadaldal rin si Jay lalo na kung gusto nito ang topic
pero ni minsan ay hindi ito nagbabanggit ng tungkol sa estado niya sa buhay.
House party. Iyan ang masasabi ko sa setup nang makapasok
kami sa loob ng malawak na garden nina Jay. Grupo-grupo ang mga tao, halatang
hindi lahat ay magkakakilala. Ang ilan ay nasa tabi ng malalaking speakers at
sumasabay sa tugtugin habang may mga hawak na bote ng beer. Ang iba naman ay kuntento
na sa pagtatawanan kasama ang mga kakilala nila.
“Grabe, ganito pala kayaman itong si Jay.” Naibulalas ni
Rex. Tulad ko ay hindi pa rin makapaniwala ang mga ito sa natuklasan.
“Speechless ako.” Ani naman ni Chelsa. “Akala ko mukhang
mayaman lang ang isang iyon.”
“No wonder na parang hindi siya seryoso sa trabaho. I mean,
wala siyang pakialam kung matanggal siya sa kaka-absent niya.” Wika naman ni
Rachalet.
“And his circle of friends, hindi mga basta-bastang tao.”
Tama nga naman si Chelsa, hindi basta-basta ang mga bisita
ni Jay. Sa mga hitsura palang ng mga ito alam mo nang ilan sa kanila ay nagmula
sa may mga kayang pamilya lalo na ang grupong malapit sa mesang kinauupuan
namin.
“I’m pretty sure nakita ko na yang Renzell Dave na ‘yan.” Ang
biglang wika ni Rachalet na ang tinutukoy ay ang dalawang lalaki kanina na una
na naming nakilala. “Kung hindi ako nagkakamali kapatid siya ni Dorwin Nivera.
Minsan na siyang naging cover ng isa sa mga magazines as one of the few
successful bachelors in his field.” Dagdag pa nitong wika.
“Hindi pala sila mga just-just.”
Ani naman ni Chelsa na tulad ko at ni Rachalet sa grupo rin nina Alexis
nakatingin. Hindi ko naman sila masisisi, sadyang malakas ang hatak ng mga ito.
“Anong hindi mga just-just?”
Ang tila naguluhan ko namang tanong sa sinabi ni Chelsa.
Tinaasan ako nito ng kilay.
“Basta-basta,
just-just. Gets?”
Tumango na lang ako dito para hindi na humaba pa ang usapan.
Hindi ko pa rin maalis ang tingin sa grupo nina Alexis, sa
totoo lang naiinggit ako sa nakikita kong sweetness ng dalawang magkasintahan.
Bakas sa mukha ng mga ito ang contentment sa isa’t isa. Nakakatuwa rin ang
pinapakitang PDA ng mga ito na animo’y walang pakialam sa kung ano man ang
sasabihin ng mga taong nakakakita sa kanila sa loob ng party na iyon.
Sana ganyan din kami
ni Martin. Ang di ko maiwasang pangarapin sa mga oras na iyon. Alam kong
hindi angkop ang pag-eemo ko dahil party iyon, masaya ang lahat ng tao. Pero
sadyang hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing pumapasok sa kokote ko ang katotohanang
kailanman ay hindi mabibigyan ng katuparan ang pangarap kong iyon.
“Kain pa kayo.” Ang nakangiting bati sa amin ni Jay. Kanina
pa ito busy sa pag-i-entertain ng mga bisita niya.
“Gutom lang kami hindi patay-gutom.” Wika ni Rachalet dito.
Inabutan ito ni Rex ng isang bote ng beer na tinanggap naman
nito. Kanina pa siya hindi nakakainum dahil sa sobrang pag-i-entertain niya sa
kanyang mga bisita. Nakakabilib lang na nakangiti parin ito hanggang ngayon na
para bang hindi manlang napapagod sa paroo’t parito niya.
“Okey lang ba kung same table na lang kayo ng mga
bestfriends ko? Para naman hindi ako malasing agad. Ang hirap kasi kapag
dalawang mesa ang tinatagayan ko baka una akong matumba.” Ang nakangiti nitong
sabi.
“Sure!” Agad na pagsang-ayon ni Chelsa at Rachalet.
“Okey wait lang at sasabihan ko sila.” Ani nito at agad na
ngang pinuntahan ang sinasabi nitong mga kaibigan niya.
Sinundan naman namin ito nang tingin hanggang sa lumapit ito
sa grupo ng dalawang magpartner na una
na naming nakilala kanina. Napatingin ang mga ito sa amin at napatango-tango
ilang saglit lang ay isa-isa nang tumayo ang mga ito.
“These are my friends, actually bestfriends; Maki, Lantis,
Niccolo, Alex and his partner Dave.” Ang pagpapakilala ni Jay sa mga ito sa
amin. “Guys, these are my officemates; Chelsa, Rachalet, Rex and Kennet.”
Isa-isa namang naglahad ng mga kamay ang mga ito sa amin.
Masasabi kong mas maganda pala silang tingnan sa malapitan.
Lahat sila ay may angking dating na naiiba sa bawat isa sa kanila.
“Nakalimutan mong ipakilala ang pusa ko Jay.” Ani ng
lalaking nagngangalang Lantis. “Baka gusto mong kalimutan ko na rin ang regalo
mo.”
Doon lang namin napansin ang puting pusa na hawak nito.
“Pusa mo? At kelan pa naging pusa mo si Kerochan ko?” Ani
naman ng lalaking nagngangalang Niccolo.
“Pusa ko ‘to at hindi Kerochan ang pangalan niya, Karupin.”
Na-wewerduhan akong nagpapalit-palit ng tingin sa dalawang
lalaking pinag-aawayan ang walang kamuwang-muwang na pusa.
“Hep! Cease fire muna kayong dalawa nakakahiya sa mga
officemates ni Jay.” Saway sa mga ito ng lalaking nagngangalang Maki.
“Mga baliw talaga ang mga kaibigan mo Maldita.” Ang
napapailing na wika ni Dave.
“As the saying goes, the more you hate the more you love.”
Tugon naman ni Alexis dito na sinamahan pa nito nang isang nang-aasar na ngisi
sa dalawang lalaki.
Katulad ko rin ba ang
dalawang lalaking ito? Ang di ko maiwasang maitanong sa aking sarili habang
nakatingin sa dalawang lalaki na ngayon ay pareho nang nakakunot ang noo at
nakasimangot sa kaibigan nila.
“Bago pa kayo magkapikunan uminum na tayo para masaya.”
Nakangiting wika ni Maki, halatang sanay na ito sa asaran ng mga kaibigan niya.
Hindi naman mahirap pakisamahan ang mga kaibigan ni Jay.
Taliwas sa ibang mga mayayaman at sikat na tao napakadown-to-earth ng mga ito
at sobrang makukulit. Agad na nakasabay sina Chelsa , Rachalet at Rex sa mga
ito siguro dahil sa pare-pareho silang may sayad.
Ako man ay nag-eenjoy na rin sa company ng mga ito dahil nga
sa pagiging kalog nila lalo na si Dave na sobrang lakas mangbara at mang-asar.
Doon din namin napag-alaman na kakabata pala sila ni Jay maliban lang kay Dave
na partner ni Alex kung kaya ito napasama sa kanila.
“Hindi talaga namin ini-expect na ganito pala kalaki ang
bahay nina Jay.” Si Chelsa. “At hindi ko
rin ini-expect na makikilala ko ng personal ang isa sa pinakasikat na bachelor ng
Pilipinas.”
“Sikat pala ako? Narinig mo yon Maldita?” Ang nakangising
wika ni Dave.
“Naku Chelsa, wag mong masyadong pinupuri itong ulupong na
to lalaki ang ulo niyan.” Ang nagbibiro namang tugon ni Alex na sinimangutan
lang ng partner nito.
“So, you guys are really an item?” Ewan ko ba kung bakit
naitanong pa iyon ni Rachalet obvious naman kasing magkasintahan ang dalawa.
Mukhang tinamaan na ‘ata ito ng iniinom namin nagiging mausisa na kasi ito
kapag nakainom na. “I didn’t mean to offend you okey? Hindi lang ako makapa….”
Hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin ng siilin ni
Dave si Alex ng halik sa harap naming lahat. Literal akong napanganga sa
ginawang iyon ni Dave habang sina Rachalet at Chelsa naman ay napatili.
“Anu nga ulit yung tanong mo miss?” Ang nakangising tanong
ni Dave kay Rachalet.
Namula naman si Alex sa ginawang kalokohan ng partner
niya at pabirong binatukan ito. Makikita
mo talaga sa mata nilang dalawa kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Alam kong
ginawa iyon ni Dave hindi lang para patunayang may relasyon sila, ginawa niya
iyon para na rin bakuran ang sarili niya sa mga taong may gusto sa kanya. Ganun
nito kamahal si Alex.
“Bagay talaga kayong dalawa pareho kayong mahahalay.” Ang
tatawa-tawang wika ni Jay.
“Nahiya naman ako sa pagiging sagrado mo.” Balik naman ni
Dave dito.
Ganun na ang sumunod na usapan habang lumalalim ang gabi.
Hindi na muling nag-usisa pa si Rachalet patungkol sa relasyon ng dalawa
marahil ay nakuntento na ito sa ginawa ni Dave.
Tawanan, alaskahan, banatan ng kung anu-anong kagaguhan. Yan
ang mga sumunod na nangyari sa mesa namin habang ako ay pangiti-ngiti lang sa
kanila. Komportableng-komportable ang mga kasama ko sa presensya ng mga
kaibigan ni Jay.
“Sadya bang tahimik ka lang o hindi ka talaga nag-eenjoy?”
Ang nakangiting tanong sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Jay na si Niccolo.
Ngumiti naman ako sa kanya. Ayaw ko namang lumabas na KJ sa
kanila dahil ang totoo nag-eenjoy naman talaga ako sadyang hindi lang ako
mahilig bumangka at mas pinipili ko na lang makinig at makitawa.
“Ganyan na talaga yan Nico.” Ani naman ni Jay. “Masyadong
seryoso sa buhay iyang si Ken.”
“Good, sa tingin ko magkakasundo tayo.” Ang nakangiting wika
sa akin ni Nico. Sa totoo lang nabigla
ako na kinakausap ako nito ngayon, may pagkasuplado kasi ang dating nito tulad
ni Lantis.
“Tingin mo lang iyon.” Basag naman ni Lantis dito. “Wag kang
makikipagkaibigan diyan Ken, babaho ang kamay mo.” Dagdag pa nitong sabi.
“Wag kang maniniwala sa kanya, mapanirang-puri lang talaga ‘yan.”
Balik naman ni Nico dito.
“Hep! Tama na yan nagsisimula na naman kayong dalawa.” Saway
ni Maki sa mga ito mukhang ito ang peacemaker sa barkadahan nila. “Maiba ako,
kamusta ang Coffee shop mo Nico?”
“So far so good.” Ani nito.
“Wow! You own a coffee shop?” Pagbutt-in ni Chelsa sa usapan
ng magkakaibigan.
“Nope. Coffee shop namin ni Alex.”
“Pera ni Dave yon. So, technically si Dave ang kasosyo mo.”
Ang nakangiting wika ni Alex.
“Asawa kita so, technically pera mo rin ‘yon.” Pagtatama
naman ni Dave.
Nakakatuwa talagang pagmasdan ang sweetness nilang dalawa di
ko tuloy maiwasang hindi mainggit. Nagbibigay rin kasi ito sa akin ng pag-asa
na may happy ending talaga sa pinili kong buhay.
“Bakit hindi mo i-invite ang mga officemate ni Jay sa coffee
shop mo? Most call center agents ay adik sa kape. Maybe they can help you to
advertise your new business.” Suhest’yon ni Dave dito.
“Tapos ko nang i-advetise sa opisina ang bagong coffee shop
ni Nico.” Ang nakangising sabi ni Jay. “Pero s’yempre, dahil nagpapaka-low
profile ako hindi ko sinabing kaibigan ko ang may-ari.” Dagdag pa nitong wika.
“Wow! So ikaw pala ang may-ari ng bagong coffee shop na malapit
sa opisina namin.” Si Rachalet. “Masarap ang hazel nut coffee niyo. Bakit hindi
ka namin nakita ni Chelsa nang magpunta kami no’ng Thursday?”
“It’s either tulog ako or hindi ko lang kayo naabutan.” Ang
nakangiting tugon ni Nico.
Naging usapan na namin ang tungkol sa coffee shop ng
dalawang kaibigan ni Jay. Kinulit na kasi ito nina Chelsa at Rachalet na
parehong adik sa kape. Sa sobrang pag-eenjoy ay hindi na namin namalayan na
malalim na pala ang gabi.
Naisipan kong magpaalam sa kanila na magpahangin muna ako sa
labas. Puro na kasi sigarilyo ang nalalanghap ko dahil sa halos lahat ng bisita
ni Jay ay naninigarilyo isama mo pa ang dalawang babaeng kasama namin sa lamesa
na parang tambutso na ang bibig.
Medyo nabawasan na rin ang mga bisita ni Jay. Doon ko lang
nabigyan ng pansin ang magandang paligid ng baryong iyon. Minsan talaga maganda
ang tumira sa mga ganitong lugar. Tahimik, presko ang hangin at hindi magulo
hindi katulad sa s’yudad.
Nasa ganu’n akong pag-iisip ng mag-vibrate ang cellphone ko.
Napangiti ako nang makita ko ang pangalan ni Martin sa main screen.
“Anong oras ka uuwi?” Bungad nito sa akin hindi ko pa man
ito nababati.
“Sa tingin ko malapit na. Lasing na ang mga kasama ko eh.”
Tugon ko rito hindi pa rin nawawala ang nakaplastar na ngiti sa aking mukha.
“Ilang oras naman kaya iyang malapit na?” Umandar na naman
ang ala tatay nitong mga tanong.
“Hindi ko alam eh.”
Rinig kong napabuntong-hininga ito sa kabilang linya.
“Umuwi ka na Kenotz.” Tama ba ang itong nahihimigan ko sa
kanya?
Nilalambing ba niya ako?
“Kenotz?” Basag nito sa bigla kong pananahimik.
“Dito pa ako. Oo, uuwi na ako.” Ang naiwika ko na lang
naguluhan kasi ako sa uri ng pagkakasabi nito na umuwi na ako para kasing may
himig iyon ng paglalambing. Parang he missed me na di ko maintindihan.
“Promise? Hihintayin kita ha.” Ang narinig ko na lang na
wika nito sabay ng pagkaputol ng linya.
Posible ba talaga
iyon? Ang tanong ko sa aking sarili. Sa simpleng gesture na iyon ni Martin
sa akin ay nagulo nito ang sistema ko. Ewan ko ba, pero kahit anong pilit kong
isaksak sa kokote ko na hindi iyon pweding mangyari may bahagi ng puso ko ang
umaasa.
“Ganun na ba kalakas ang epekto sa ‘yo ng kausap mo sa
telepono para matulala ka ng ganyan?” Ang wika ng isang lalaki at nagulat ako
nang malingunan ko kung sino ito.
Itutuloy:
37 comments:
read. nice one zild. wala ako dito sa story no? haha la lang.. :(
next na. :)
-kokey
naku naman binitin agad ni zeke!!
Si nhad na yun sure!
At si martin, miz na nya si ken!
Sana next na sila karupin!! Haha!
--ANDY
woooohhhh...exciting...martin <3 ken
AYIEEEEEEEEEEEEEE Z, SAGRADO S KILIG, SAYA AT KWELA!
ANG BATUHAN NG LINYA, PRANG PAMILYAR... SOBRNG PAMILYAR, CHATROOM IKAW BA YN? HAHAHAHAHA
WINNER TO! AT WINNER KA RENZELL DAVE! PENGENG KISS! YUNG TORRID! AYIEEEEEEE ALEXIS LAYAAAAS!
HAY ETO NA..... ETO NA SI NICO NA MKKGULO S MARTIN-KEN TANDEM! KAABANG-ABANG ANG SSUNOD N KBANATA!
Z, YAN NGCOMMENT NKO... EPILOGUE NA ISUNOD M D2!!! YAAN M N, ADIK LNG!!! BWAAAHAHAHAHAHA
-DREW-
Martin Vs. Jay!! ayayyay!
KILIG/GANDA........RAMDAM MO UNG STORY...THUMBS UP AKO SAYO:):)
waaaaaaaaaa.. bitin na naman!!!
cnu ung lalakeng iyon waaaaaaa
grabe sir!
hay hay hay mali mali mali
d nga pla c Nico ang katrianggulo nina Martin at Ken! C Nhad nga pla... Parehas kcng N! hihihi Erase erase erase ung part n un s comment k.... hihihi
wag ng mgreak, tao lng. hahahaha
-DREW-
next chapter na agad mr otor.
mukhang hindi agad makaka-uwi si ken.
---januard
now it's gonna be more interesting. Whoever that guy in the end part he's gonna spice up the story more
nice gustong gusto ko ung mga connections ng mga new stories sa mga previous stories mo ...
keep it up
so si Nhad nga kaya yun?
nagugulumihanan ako .. (meganun? XD)
hanggang ngayon kakainggit pa rin si kuya Dave at Alex .. wooohh! :">
still .. wala pa ring pinagbago kay Nicollo at Lantis .. aso't pusa pa rin .. :D
hayyyy -- sana di nalang daanan ang part na magkakahiwalay si Martin at Ken .. kung pwede lang sana .. ;SIGH
Thanks kuya Zeke ~
isip - isip hindi yun di nico .. am sure...
may naalala ako.. he he eh
SI MARTIN PARANG SI____________ NG BUHAY KO
HA HAHAHA
lagi kai nagpapaalala sa akin through text..
LOVE IT MR.OTOR...
ANTICPATE KO NEXT CHAPTER....
parang iikot dito ang story sa mga fRends ni ALEX..
JAZZ0903(JAM/MAJA)
wow kilig much nmn ako dun kay martin at kennet. hehehe
syempre uuwi na yan c kenotz baka magalet ulet kc c matt ee. hahahaha
*sigh*
iniinggit mq damuho ka >_>
Tsalamat po anon :D hihihi masaya ako at nagugustohan mo ang pagka-connect ng mga story ko :)
Malay natin kung sino yon :D siguro kapit bahay ni Jay yon nyahahaha... joke lang.. Basta abangan nalang natin ang susunod na chapter :D
Parang si MARKBERTO? HAHAHAHAHA basag lang :D
Hahaha di kita iniinggit "Baterplay" xD ganun talaga yon :D
kakakilig naman so kanina lang pala ito na post :)
muka mo >_>
hahahah ganda ng chapter na toohh gling mo tlga kuya zeke ikaw na
hahaha B*B* G*****gH*** LOL peace rue LOL
crush ko yung mga profile pic ng ibang ngcocomment. Ahaha!
Zeke update mo na to bukas hanggang epilogue na agad, tapos isunod mo na agad yung first 5 chapters ng story nila Lantis, Nico at Karupin/Kerochan!!!! Haha! JOKE! Ganda talaga!
--ANDY
magagalit si martin sa kanya sa susunod na chapter..kasi magseselos siya dun sa lalaking yun..hahaha..kakausapin kasi nung lalaki si martin at sasabihin na di muna makakauwi si ken..hahaha..sabay baba ng telepono..kaya pag-uwi ni ken..mag-aaway sila ni martin..hahaha..
naglaro ang kaisipan ko sa susunod na mangyayari..hahaha..
kuya zeke..thanks sa update na to.. :)
parang line ko lang yung "pengeng kiss, yung torrid" ahahaha..
rex..pa-kiss yung torrid ha..hahahaha..
hehe.. kiligness na naman.. sana masubaybayan ko pa ang mga susunod na chapters..
great work..!!
God bless.. -- Roan ^^,
Grabe naman ang imagination mo HAHAHA!
shuddup -_-
c jay un....malamang.....hehehehe..kawawa nmn c mart6in.....hmmmmm my kwento ba kina lantis at nicolo hehehe
ang funny talga ung batuhan ng pikon scenes..teka sno kaya yun noh> si nico kaya o maki?
hahaha may isa pa akong naisip tungkol diyan..imbis na mag-away sila ni ken..pupuntahan nalang ni martin si ken sa bahay nina jay..para siya mismo ang sumundo dito..hahaha..tapos dun magkakaroon ng eksena..hahaha..
WOW! NICE AMAN AT NPASAMA YUNG MGA FRENDS NI JAY, LALU NA ANG MAGPARTNERS NA DAVE AND ALEX. SO NICE, HE HE HE
update na pleeeeaaaase..
Mr. Author nagugulo talaga nito ang sistema ko..waaahhh
mamats po..
Jrard:)
cant wait for the next chapter,,,!
jusko may bago nnman akong kababaliwan
bukod sa altime favorites kong
chances,the right time, after all at 9 mornings :)
kakakilig tlga si ALEXIS VENZUELA at RENZELL DAVE NIVERA.!
ohh ehhhmmm geeee..
anu kea story nitung si KENNETH AT MARTIN :)
Namiss ko po tuloy yung mga characters mo sa The Right Time, After All, tsaka Chances. =/ Haha. Ang ganda po ng story Mr. Author. Keep up the good work po. =]
nakakatuwa nmn..present prn ang isa sa mga fave partners q, alex & dave!:)
feeling q me something ke martin towards ken..hhmmm....^^
-monty
Post a Comment