Thursday, March 22, 2012

Make Believe Chapter 06



by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com

Author's Note:

Sa halos ilang oras kong pakikipagtitigan sa computer ko nagawa ko ring matapos ang chapter na ito. NYAHAHAHAHA!!! Ito na po ang chapter 06 ng Make Believe! Enjoy!!!!


Sa mga nag-comment po tungkol sa kalalabasan nitong estoryang to, ang masasabi ko lang ay wag kayong masyadong maniniwala sa alamat! HAHAHA Alam niyong hindi ko gawain ang lumikha nang kwentong sad ending kaya malabo yon. Abangan niyo nalang kung anu ang mangyayari sa mga characters sa kwentong ito.


Swiss / Bunso – Lalabs! Salamat sa pag-proofread nitong gawa ko. Pasensya na kung maraming typos hahahaha ayaw makisama ni pareng Microsoft word. Hihihi Bunso thank you din sa time mo! Wabyou mats!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





“Alright guys last call then you can now log-out from your system.” Saktong pagkasabing iyon ng TL namin ay natapos naman ang call ko. Minsan lang sa isang buwan nangyayari ito kasi ‘yong iba kapag minamalas ka kung kelan last call siya namang billing ang problema na halos abutin pa ng isang oras para matapos.


Isa-isa nang nagsitayuan ang iba kong officemates para maghanda sa pag-uwi. Lahat ay excited na makapagpahinga dahil sa pina-overtime kami ng dalawang oras sa dami nang pending calls na di pa nasasagot. Ok lang naman, bayad naman iyon kaya walang kaso.


Makikita mo ang puyat at pagod sa mga mukha ng mga taong palabas ng naturang gusaling iyon. Normal na ‘yan sa aming mga call center agents, fresh na papasok at drained na lalabas. Sino ba naman ang hindi madi-drained ang utak sa halos walang call avail sa account na hinahawakan namin.


“Ken, sumama ka sa amin, magkape muna tayo para makapagyosi and at the same time para sosyal.” Paanyaya sa akin ni Chelsa. Naging ugali na naming lima na sabay-sabay umuwi pagkatapos ng trabaho since na pare-pareho naman ang routa ng sinasakyan naming jeep.


“Gusto ko ‘yang ideya mo girl. Balita ko may bagong bukas daw na coffee shop malapit lang.” Sigunda naman ni Rachalet na hindi talaga pahuhuli sa mga kasosyalang bagay.


Para sa akin pagsasayang lamang ng pera ang magkape lalo pa’t marami pa kaming kailangang bilhin ni Martin sa apartment namin hindi lang yon, nagpapadala rin ako ng pera kay mama para naman makatulong sa pang-araw-araw nilang gastusin ng bunso kong kapatid.


Napatingin ako sa aking wrist watch.


“Kayo na lang muna. Alam kong aabutin pa kayo doon ng hapon, kailangan ko pang magpahinga para may energy ako mamaya.”


 Totoo naman ang dahilan ko sa kanila. Well, half-truth nga lang kasi may isa pang rason kung bakit nagmamadali akong umuwi at iyon ay ang abangan ang pagdating ni Martin mula sa opisina. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin mawala ang ngiti sa mukha ko sa text nito kanina na kung hindi ako nagkakamali may himig ng pag-aalala para sa akin and honestly, I find it sweet.


 “Ang KJ mo talaga. Oh siya sige, palalampasin namin ito ngayon dahil sa pumayag kang sumama sa birthday ni Jay sa sabado.” Nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep at alam ko na ang susunod nitong linya.  “Huwag na huwag kang mag-iisip ng kabulastugan o anumang klaseng dahilan para lang makalusot ka dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sa ‘yo hinding-hindi ka namin papayagan… Hoy! Nagsasalita pa ako ‘wag kang bastos!”


Nakangisi akong lumingon sa nagra-raping na si Rachalet sabay wave ko dito para lalo itong asarin. Talo pa nito kasi ang pinakamadaldal naming ka-batch na sina Leslie at Mitch sobra ito kung makapag-exercise ng kanyang bibig. Iyan ang tawag namin tuwing dumadakdak na ito.






Saktong mag-aalas-onse na ng umaga ng makarating ako sa apartment namin. Matapos makapagpalit ng damit at ay agad kong tinungo ang kusina para magsaing. Pareho kami ni Martin hindi kumakain ng breakfast kaya ang kanin sa tanghalian ay diretso na sa hapunan kaya naman nakakapagtipid kami sa bigas. Napagkasunduan kasi naming dalawa na iiwasan naming pareho ang gumastos na kumain sa labas para may maipon kami.


Habang hinihintay na kumulo ang sinaing ko ay sinimulan ko namang ihanda ang mga labahan ko para ready na ito bukas. Tuwing araw ng Miyerkules dumarating ang labandera ng may-ari ng apartment at sa kanya na lang kami nagbabayad ni Martin para labhan ang mga maruruming damit namin. Pareho kasi kaming hindi pinalad na matutunan ang paglalaba, minsan na naming nasubukan iyon at masasabi kong epic fail at pagsasayang ng damit lamang ang ginawa namin.


Maghahanda na ako ng pagkain nang marinig ko ang tumutunog kong cellphone. Napangiti ako nang makita ko sa main screen ang pangalan ng taong tumatawag sa akin.


“Dito na ako sa bahay at naihanda ko na ang mga maruruming damit natin para bukas.” Bungad ko sa kanya.


“Pweding hello muna ang sabihin mo?” Nang-aasar naman nitong balik sa akin.


“Heeello! Oh ayan, masaya ka na?” Balik ko namang pang-aasar dito na tinawanan lang niya sa kabilang linya.


“Kahit kailan talaga Kenotz puro ka kagaguhan. Kumain ka na ba? Lunch break na namin dito kumain ka na nang madagdagan naman ‘yang timbang mo.”


“Yabang! Hindi porke’t kasing-laki na ng katawan ni Johny Bravo iyang katawan mo pwede mo na akong lait-laitin.”


Muli, narinig ko na naman ang malakas nitong tawa na laging nagpapangiti sa akin tuwing naririnig ko. Napi-picture ko kasi ang mukha nito sa aking isipan and knowing na napapatawa ko siya sa mga simpleng kalokohan ko ay nakakagaan ng kalooban.


“Oh siya, kakain na kami dito ng mga kasama ko. Kumain ka na rin diyan, see you later after work Kenotzkie.”


Kahit may katagalan na nitong naibaba ang linya niya ay para pa rin akong tanga. Nakadikit pa rin sa tenga ko ang aking cellphone habang tulalang nakangiti na animo’y wala sa sarili. Hindi ko talaga minsan mapigilang hilingin na sana may pagtingin rin sa akin si Martin.


Hindi! Hindi pweding mahalin ako ng best friend ko. Una, magkaibigan lang kami at kaya siya ganun sa akin dahil gusto lang niyang ipakita ang kanyang pasasalamat sa suportang ibinigay ko sa kanya. This is how Martin’s way of saying his gratitude. Hindi ko p’wedeng bigyan ng kahulugan ang mga pinapakita nito sa akin.


Ang pagkontra ko agad sa nararamdaman ko. Hindi ko pweding hayaan ang sarili kong tuluyang masakop ng nararamdaman ko para kay Martin. Magkabigan kami, hanggang ngayon ay hindi nagbabago iyon. Oo, naging kami, pero naging kami lang dahil sa isang pagpapanggap.  Hindi ko p’wedeng tuluyang paniwalaan ang pagpapanggap naming iyon.






Nagising na lang ako dahil sa mahinang pagyugyog sa akin ni Martin. Ang nakangiti nitong mukha ang agad na sumalubong sa akin.


“Bakit dito ka sa sofa natulog Kenotz? Bangon ka na, may dala akong pancit bihon.” Ang wika nito.


Napangiti na rin ako sa kanya.


“Nanunuod kasi ako kanina ng TV, di ko alam na nakatulog na pala ako. Saan galing iyang dala mo?” Tugon ko sa kanya na sinamahan ko pa nang paghikab at pag-inat.


“Nagutom kasi kami ng mga officemate ko kaya nagkayayaan sa isang pancitan, hindi na rin ako nakatanggi kaya sumama na ako. Nagustuhan ko ang pancit nila kaya heto may pasalubong ako para sa iyo.”


“Ahh.” Ang tatango-tango ko namang sabi. Wala sa pancit na dala nito ang aking atensyon kung hindi sa kanyang mukha na laman ng panaginip kong na-unsyami dahil sa paggising nito sa akin.


Kahit sa panaginip hindi mo na ako tinantanan. Sabi ko sa aking sarili.


“Nakatulala ka na naman diyan Kenotz. Malapit nang mag-alas-syete-y-medya kain ka na, sasaluhan na lang kita busog na ako eh.” Pagbasag nito sa pagkatulala ko na naman. Ewan ko ba habang tumatagal lalo atang lumalala ang tama ko kay Martin hindi naman kasi ganito dati, na makita lang siya natutulala na ako. Sabay, magkasama na kami ngayon sa iisang bahay at habang lumilipas ang mga araw at nakikilala ko ito lalo kasabay naman ng paglago ng nararamdaman ko para sa kanya.


Sumunod na lang ako sa kanya sa kusina at isinantabi na lang muna ang panggulo kong puso. Wala rin naman akong mapapala, kahit anong gawin ko sadyang masyado na ‘atang nahulog ang damdamin ko para kay Martin. Iignorahin ko na lamang ito tulad ng ginawa ko noon.


“Bukas, huwag mong kalimutang idaan ang mga labahan natin sa katabing-bahay bago ka pumasok.” Pagbubukas ko ng usapan. Nakakailang kasi ang paraan ng pagtitig nito sa akin habang sinasaluhan niya akong lantakan ang dala niyang pancit na kasing-sarap niya.


Ano daw? Kasing-sarap niya? Lintik naman! Kung anu-ano nang kamunduhan ang nasasagap ko sa mga ka-opisina kong praning!


“Yes boss!” Ang nakasalute pa nitong tugon, praning talaga itong si Martin minsan.


“Siyanga pala Mat, uhmmm.. nagkayayaan kasi ang mga ka-opisina ko, birthday ng isa sa amin at niyaya nila akong sumama.”


“Sabi na nga ba’t may di magandang mangyayari tuwing tatawagin mo akong Mat eh.” Wika nito. “Kelan naman ang birthday na ‘yan?”


Kilala na rin talaga ako nito. Alam nitong kapag tinawag ko siya sa pangalang Mat dalawa lang ang ibig sabihin nun. Kung hindi ako uutang sa kanya na lagi kong ginagawa no’ng college pa kami, no’ng mga panahong wala akong pang-photocopy, ay hihingi ako ng pabor tulad ng magpapahatid ako sa bahay.


Napakamot ako sa aking ulo.


“Sa Saturday?”


“Bakit ako ang tinatanong mo? Anong oras ka naman uuwi n’yon?” Parang tatay lang nitong tanong. Well, di ko naman ito masisisi the moment that we both started to live independently from our parents hindi pa ako nagpaalam na gumimik sa kanya. Siya man ay hindi pa rin nagagawang gumimik kahit pa man lagi ko siyang ini-encourage na sumama sa mga officemates niyang party people. Alam ko kasing noon pa man ay mahilig na si Martin sa mga ganun.


“Mukhang uumagahin na kami.”


Kita ko ang pagpapakawala nito ng buntong-hininga.


“Saan naman gagawin ang party na iyan?”


NBI ikaw ba yan? Ang gusto ko sanang ibulalas kaso baka mapikon na naman ito sa akin. Seryoso pa naman ang mukha nito at kapag ganun hindi ito tumatanggap ng mga biro.


“Sa bahay nila mismo.” Sa halip ay sumagot na lang ako nang tama.


“Saan ang bahay nila?”


Aba’t talagang kina-career ang pagiging NBI?


“Yung unang baryo sa labas ng s’yudad na ito.” Ngingisi-ngisi kong tugon dahil sa totoo lang gusto ko nang humagalpak ng tawa sa uri ng pagtatanong nito na animo’y tatay na ini-interrogate ang kanyang 15 yr. old na unica hija na first time na a-attend ng isang birthday party.


“Huwag mo nga akong ngisihan ng ganyan. Siguraduhin mong uuwi ka ng Sunday before 6am at i-text mo ako.”


“Ano ba masama sa ngisi ko?” Pang-aasar ko pang lalo sa kanya. Nagsisimula na kasing mangunot ang noo nito, kaunti na lang at paniguradong mapipikon na naman ito sa akin. “Dapat talaga may time limit at dapat kailangan kitang i-text?”


“Dapat!” Wika nito sabay tayo. “Para malaman ko kung safe ka sa pinuntahan niyo. Subukan mo lang makalimutang i-text ako at di talaga kita pagbubuksan ng pintuan pagkauwi mo.” Dagdag pa nitong sabi at ayon na nga nangyari na ang inaasahan kong pag-wawalk-out nito.


Ngingisi-ngisi akong nagligpit ng pinagkainan ko. Ibayong kilig o kung may mas tataas pa diyan ay iyon na siguro ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.  Pangiti-ngiti ako na sinamahan ko pa ng pagsipol-sipol habang hinuhugasan ko ang pinagkainan ko.


Pakiramdam ko ay para kaming tunay na magkasintahan ni Martin lalo na sa mga pinakita nito sa akin. Alam kong hindi tama itong pagpapaasa ko sa sarili ko pero hindi ko mapigilan.


Ngayon lang. Tama, ngayon lang hahayaan ko ang sarili kong mag-ilusyon na kami ni Martin. Hindi naman siguro makakasama sa akin iyon.


Simula nang mag-walk-out si Martin at pumasok sa kanyang kwarto kanina ay hindi na ito lumabas pa. Nakapaghanda na lang ako’t lahat para sa pagpasok ko sa trabaho ay hindi na ulit kami nag-usap pa. Inisip kong nakatulog na ito sa kanyang kwarto.


Palabas na sana ako ng bahay nang marinig ko itong magsalita.


“Siguraduhin mong naka-lock ‘yong pinto.”


Napangiti ako. Mukha nga yatang napikon na naman ito sa akin kaya naman imbes na lumabas na ng bahay ay natagpuan ko na lang ang sarili kong kinakatok ang pintuan ng kwarto nito.


Hindi naman ako nabigo dahil sa narinig ko ang pag-ingay ng kama nito hudyat na tumayo ito para pagbuksan ako.


“Aalis na ako Mat.” Ang nakangiti kong bungad sa kanya.


Magkasalubong ang kilay nitong tinugon ako ng isang tango. Talagang napikon nga ang mama sa akin.


“Galit ka?” Ang tanong ko sa kanya.


“Hindi.”


“Ows? Kung hindi ka galit bakit halos tatlong oras kang hindi lumabas diyan sa lungga mo?”


“Hindi ako galit. Umalis ka na at baka ma-late ka pa.”


“Galit ka eh.” Pag-iinsist ko.


Napasabunot naman ito sa kanyang buhok.


“Ang kulit mo rin noh? Sinabi nang hindi ako galit.”


“Okey.” Nakangiti kong wika. “Text kita pagkadating ko sa office?” Dagdag ko pang sabi na sinamahan ko pa ng himig pagpapaalam.


Bingo! Ang naiwika ko sa aking isip nang mawala ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Isa lang ang ibig sabihin nun, epektib ang charm ko sa kanya.


“Siguraduhin mong hindi ko na naman hihintayin hanggang alas-tres ng madaling araw iyang text mo. Mag-iingat ka sa daan.”


Hinintay? Tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya? Hinintay niya ang text ko hanggang alas-tres?


Tango na lang ang naisagot ko sa kanya at nagmamadali nang lumabas ng bahay sa takot na marinig nito ang malakas na tibok ng aking puso. Hinintay niya ang text ko kaninang madaling araw? Ginawa ni Martin iyon. Ayos!






“Hindi naman siguro tayo nawawala noh?” Ang tanong ko sa mga kasama ko habang nakasakay kami ng tricycle.


“Manong, sigurado ba kayong alam niyo ang bahay ng mga Saavedra?” May bahid ng pagkainis na wika ni Rachalet.


“Jay Saavedra di ba? Malapit na po tayo ma’am.” Ang tugon naman ng matandang tricycle driver.


“Liblib na itong baryong to ah. Akala ko ba malapit lang ang bahay nina Jay?” Ani naman ni Rex.


Kasalukuyan kaming nakikibaka at nakikipagmatigasan sa malubak na daan papunta sa bahay ng birthday celebrant na si Jay. Kinakabahan na ako dahil medyo madilim na ang kalsadang tinatahak namin dahil sa malalayong gap ng mga street light.


“Sirang-sira na ang pose ko.” Reklamo naman ni Chelsa na halatang badtrip na rin sa mga oras na iyon.


“Ayan na po ang bahay ng mga Saavedra.”


Pare-pareho kaming napanganga nang makita ang bahay na tinutukoy ng mamang tricycle driver. Masasabi mong hindi pangkaraniwan ang bahay na iyon at hindi iyon nababagay sa lugar. Mataas ang pader nito pero makikita mo pa rin ang bahay na nakatayo sa loob nito. Masasabi kong may kaya ang pamilyang nakatira ro’n. Halos kasing laki ito ng bahay nina Martin.


“Sigurado ho ba kayo manong na bahay yan ng officemate namin?” Ang hindi makapaniwalang tanong ni Rachalet.


“Siguradong-sigurado po.”


Nakababa na kami ng tricycle na sinakyan namin pero para kaming dinaga o mas tamang sabihin na nahiya na dumirestso sa loob. Hindi pa rin kasi kami makapaniwala na ang bahay na nakatayo sa harapan namin ngayon ay ang bahay ng kasamahan namin sa call center na si Jay.


Ang alam ko kasi, kapag may ganitong kagandang bahay kayo hindi mo pipiliing magtrabaho sa isang call center lang. Paniguradong may malaking family business ang mga taong nakatira sa magandang bahay na nakikita namin ngayon.


“Ito ba talaga yon? Baka ginu-good time lang tayo ni manong driver.” Ang wika ni Chelsa na manghang-mangha pa rin tulad ko.


“Siguro ito na nga ‘yon ang daming tao at sasakyan eh. Hindi naman siguro tayo pagti-tripan ni pareng driver.” Ani naman ni Chelsa.


Nasa ganu’n kaming pag-uusap nang may lumapit sa aming dalawang lalaki.


“Bisita ba kayo ni Jay?” Ang nakangiting tanong sa amin ng isa.


Nagpalitan pa kami ng tingin ng mga kasama ko na animo’y nagtuturuan kung sino ang dapat sumagot sa lalaking iyon. Nang siguro ay mahalata ni Rachalet na walang may gustong sumagot sa amin ay ito na ang sumagot dito.


“Yes, actually we’re his officemates.” May bahid ng hiya niyang sabi na first time kay Rachalet. Ito kasi ang klase ng taong hindi biniyayaan ng hiya ng Diyos.


Ngumisi ito sa kanyang kasamang lalaki at laking gulat namin nang akbayan ito ng kasama niyang lalaki.


“Si Jay talaga, kahit kailan hindi marunong magdala ng bisita. Tara sa loob, samahan na namin kayo sa officemate niyong walang k’wenta.” Ani nito. “By the way, I’m Alexis and this is my partner Renzell Dave. Kaibigan ko ang officemate niyo.” Sabay bigay nito sa amin ng isang napakagandang ngiti.









Itutuloy:

33 comments:

Anonymous said...

edi ikaw na nga ang magaling magconnect!!! ahahahaha, kakakilig much daddy zeke, more of this scenes daddy zeke, gusto ko yung mga padali ni martin, ahahhaa, minsan lang bumanat, pero kakakilig, and yung mga pagtatampo effect nya, ahahaha, kakakilig ah, prames!!!


-eusethadeus-

Anonymous said...

zild!!! si renzell dave!

hahaha

di ko inexpect. ayos! :D

-kokey

Jeh said...

bastos!! bitin na naman! ang sakit mo rin sa ulo no? hahahahahah

siguro magkakatuluyan si Alex at Ken? wahahahahaha

pakibilisan ang pag uupdate! galing mo talaga bayaw :)

Anonymous said...

hahahha si renzell dave at alexis sa CHANCES...

buti pa sila may nagpapakilig lagi...

galing tlg zeke...



PANGZ

Zildjian said...

Hahahaa! wala lang akong magawa kaya ganyan ang kinalabasan bunso though, proud ako sa chapter na ito kasi na-enjoy ko talaga siyang gawin. :))

Zildjian said...

Hindi pagiging bastos ang pangbibitin ko noh! Ginawa ko yan para lalo niyong abangan ang susunod na chapter! Bleeeee

Anonymous said...

adik ka zeke!!...kakabitin...ang sakit sa heart...
grabe ka maka cliff hanger...parang walang bukas...
hahaha...eto na pala ang epilogue...wah!...mamimiss ko to
pag ngpalit ka na ng URL... :(

keep it up zeke...

-MarkBerto....

Chris said...

wow! kasama ulit sila?!?! lumalaki na ung barkada nila ah! salmat kuya sa post! ang ganda talaga! ang GALING GALING nyo talaga! the best ka talaga ;)

Yume said...

WAHAHAHHAHA. IKAW NA! SHET NAWALA HILO KO..
:)
galing ni mr. zeph

Anonymous said...

haha ang mataray na si Alex at ang makulit na si Dave!!!

Ganda ng eksena ni Martin at Ken. Wagas! Haha!

--ANDY

Anonymous said...

naks naman kua zeke ang husay muh!! hahaha akalain muh iyon naisingit tlga cna renzell dave at alexis malamang pati sina red at ang whole cast nandyan din..ahahaha

empire027

--makki-- said...

sweet.. ayayayy! connect the dot! jan ka magaling.. Loko lng z! :)

matanong lang Z.. ( baka mali ako..)

Si Jay ba yung kababata/kaibigan ni Alex sa Province nila?

Anonymous said...

inuman na! haha! ano kayang mangyayari sa b-day party ni jay?=dereck=

Anonymous said...

whhhaattt..!! kinilig na naman ako kina Alex at Renzell Dave..hahaha

nice.. super konektado pa rin..

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

magsabihan na kasi ng nararamdaman eh...
ano ba tlga MARTIN......

JAZZ0903

Anonymous said...

kuya Z!!...
pwde akin nLng si martin??...
hahaha!!...
i cn jst imagine how ken feeLs wen martin do those sweet things to him..
kakakiLig!!!...
cn heLp but smiLe...
how i wish i have sum1 Lyk him...
hehehe...

another superb story nah naman ang nagawa moh kuya Z...
the best writer ever!!...


- edrich

sam1308 said...

thanks for the story mr.z..such a good one

Lawfer said...

buti wla na ung pasandal sandal sa pinto, kulang nlang kc tili para mging malanding kikay na tween eh xD

Coffee Prince said...

niceeee ..
anGALING mo talaga sa pagcoconnect-connect kuya Zeke .. heheh!

nahagip pa sa eksena si Alex at kuya Dave .. (nahagip? parang muntik masagasaan lang ee no .. ahahah! XD)

at kala ko naman kung sinong Jay .. yun pala .. si Jay na bestfriend ni Alex .. :D

kakakilig sana mga scenes ee .. kung di lang pumapasok sa isip ko yung katotohannang magakahiwalay rin sila when the time comes .. :(

Thanks kuya Zeke ~

ChuChi said...

hala??

nabuhay ang patay?

hahahahah!!

CHAR!!!

- ChuChi -

Zildjian said...

Hindi naman natin alam ang side ni Martin di ba? Wag tayong mag-conclude sa nabasa natin sa prologue kasi pweding maiba ang nangyari doon :D

Zildjian said...

Yes yes yes! Jay was the person na kaibigan ni Alex one of the four :)

Anonymous said...

NAKNANG! ITO ANG FORTE NI OTOR, ANG PGKONEK-KONEK!

LEGOMUCH NUNG BATA HA, Z? HIHIHI

HAPPY YIPPEE YEHEY ANG FEELING NG CHAPTER. POSITIVE AT KILIG!

NEXT CHAP N Z,PRA MKISMA N MULI NMIN CNA ALEX AT ANG AKING MY LOVE NA C RENZELL DAVE! AYIEEEEEEEEEEEEEEEE

CLAP CLAP CLAP!

-AKOSIDREW-

russ said...

sarap kilig to the bones dito

Anonymous said...

Baka dito na makikilala ni Ken si Leonard!!!

- Tam

Anonymous said...

whatta conection ng current hindi naputulan at naoverdue for disconnection..sila na ba yung mga magkakaibigan na apat ni masungit na alexis..4 yun so ito yung kwento ni jay..sana si jay ang bida dito..waaaahhh si jay ang makakatuluyan ni kenotz oh anu yan..

Galing po mr. Z:)

jrard:)

Zildjian said...

Bakit lagi mong kinukontra ang kyut sa isip ko? HAHAHAHA di kaya malandi yon.. bad ka talaga katanashi :(

Unknown said...

akala ko wla na c maldita at dave.. :p

astig!!

kristoff shaun said...

you really amaze me! still connecting characters from your old stories napapabilib mo na talaga ako or rather say im so into this i miss reading your blog after loosing my connection for 9 day i love you papang so so much

Lawfer said...

mtakot ka pg d na kta knontra, ibg sbhn la nq pakealam sau LOL ^w^v

DownDLine said...

so biglang may characters from prevoius stories??? ahaha you already kuya Z!!!

Anonymous said...

nice one boss

makatiguy

Anonymous said...

oh my gas!!c alex at dave!!!!haha..basta talaga sa kambal na dowrin at dave nawiwindang aq pag nababanggit!!haha...

-monty

Post a Comment