by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Authors's Note:
Hay salamat natapos ko rin itong chapter na ito!
Waaaaaaaaaaaaaaa!! Inabot na naman ako nang alas-dos nang madaling araw. Hahaha
Eusthadeus –
Bunso!! Salamat sa pag-proofread mo nitong gawa ko ah.. hihihi Ahyyyy Laaabbb
Youu!!!
Gusto ko ring batiin ang mga tao ngayon sa chatbox ko na
naghihintay na ma-post ang chapter na ito na sina;
Mark, Jay
(Doppelganger), EmmanFlint (The singing hipon.) HAHA, Shin21me, Ronkidmax, Jankurt, Diablolique19, -
salamat mga paps!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Hanggang sa ma-i-lock ko na ang pinto nang
apartment naming ay hindi pa rin nawawala sa akin ang imahe ni Martin kanina.
Hindi ko inaasahan na ganun kaganda ang hubog nang katawan nito, at isa lang
ang masasabi ko, ang hot niya.
Rinig ko pa ang lagaslas ng tubig sa banyo kung saan ito
naliligo at hindi ko maiwasang isipin ang hitsura nito ngayon habang basa nang
tubig. Nakakapanginig ng laman, nakakabaliw at higit sa lahat nakaka-turn on.
Ano ba itong mga
pumapasok sa isip ko? Pinagnanasaan ko ang bestfriend ko? Hindi pwede ang
ganito! Di ko maiwasang ma-isambit sa aking isip.
“Kenotz, paki kuha naman ng tuwalya ko sa kwarto.
Nakalimutan ko mag-dala.” Ang may kalakasan nitong sabi.
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses niya na may di
makapaniwalang tingin.
What the hell? Ang
gusto ko sanang ma-isambit sa kanya ngunit hindi lumabas ang mga salitang iyon
sa aking bibig nang makita ko ang kalahating katawan nito na nakalabas sa
nakauwang na pintuan ng banyo. Ang mga butil nang tubig na dumadaloy sa
matitipunong dibdib nito’t mukha ay nagbigay sa akin nang isang nakakapanlamig
na pakiramdam.
“Kenotz! Natulala ka na naman diyan. Sabi ko pakikuha naman
ng tuwalya ko sa kwarto.” Untag nito sa akin.
Hindi agad ako nakakilos sa pagkabigla. Oo, nabigla ako
dahil hindi ko akalain na makikita ko nang personal ang imaheng kanina pa
tumatakbo sa akin isip – ang imahe ni Martin na basa nang tubig na ngayon ay
dahilan nang panunuyo nang aking lalamunan.
“Hoy! Ano nangyari sayo?” May pagtataka nitong sabi nang
hindi pa rin ako gumalaw.
Agad kong binawi ang aking sarili sa pagkabigla.
“A-Ah.. W-Wala.. May bigla lang akong naalalang problema sa
opisina. Y-Yung tuwalya ba kamo? Teka lang at kukunin ko.” Ang tila kinakapos
sa hangin kong wika sabay talikod at mabilisang tinungo ang kwarto nito.
Pagkasara na pagkasara ko nang pintuan ng kwarto nito ay
napasandal ako at sunud-sunod na nagpakawala nang malalalim na buntong hininga.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pakiramdam na para bang
kinakabahan ako na ewan. Kakaibang kaba na may halong excitement na hindi ko
mabigyan ng pangalan.
“Kenotz, ang tagal mo naman! Nasa likod ng pintuan ang
tuwalya ko.” Ang narinig kong wika ulit nito.
Dali-dali ko ngang kinuha ang tuwalya nito. Bago lumabas ng
kwarto ay nagpakawala ulit ako nang isang buntong hininga para marelax kapag
nasa harapan na ako nito. Ayaw ko namang mapansin niya ang pagiging uneasy ko
sa harap niya at baka kung anu pa ang kanyang isipin.
“Sa susunod na maliligo ka siguraduhin mong may dala kang
tuwalya.” May bahid nang pagsusungit kong wika para maitago ko ang tunay kong
nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi naman ako nabigo dahil nagawa kong
tumingin sa kanya nang deretso nang i-abot ko sa kanya ang tuwalyang kanyang
hinihingi.
“Salamat.” Sarkastiko nitong tugon. “Sungit mo!” Dagdag pa
nitong wika at muli nang isinara ang pintuan ng banyo marahil para makapagpunas
na ito nang katawan.
“Alam mo Kenotz, di na kita minsan maintindihan ngayon.”
Bigla nitong sabi.
Kasalukuyan kaming nag-iinumang dalawa. Matapos nitong
makapagbihis ay nagsimula agad kaming mag-inuman at sa sala ang napili naming pwesto
habang nanunuod ng myx. College pa lang kami ni Martin ay ganitong trip na ang
ginagawa namin tuwing ma-iisipan naming mag-emo. Emo ang tawag naming dalawa
kapag nag-iinuman kami na kaming dalawa lang. Ito kasi ang time na nakakapagusap
kami nang seryoso.
Mula sa TV ay nabaling ang tingin ko sa kanya.
“Bakit naman?”
“Ewan ko lang. Minsan kasi bigla-bigla nalang nagpapalit ang
mood mo. Gaya kanina bigla mo akong sinungitan nang makiusap ako sayo'ng kunin
ang tuwalya ko. Hindi ka naman kasi ganyan dati.” Mahaba nitong sabi.
“Hindi kita sinungitan.” Depensa ko naman sa sarili ko.
“May problema ka ba? May problema ba tayo?” Ang sunod nitong
sinabi.
I was caught off guard sa tanong na iyon. Hindi ko kasi alam
ang isasagot para maipaliwanag sa kanya kung bakit ganun na lang ang inasal ko
kanina syempre wala akong lakas ng loob na sabihin na kaya ko siya sinungitan
ay dahil gusto kong maitago sa kanya na pinagnasaan ko ang katawan niya.
“Lasing kana?” Ang tanong ko sa kanya sa halip na sagutin
ang tanong niyang iyon.
Nangunot ang noo nito at binigyan ako nang nagtatakang
tingin.
“Nagsisimula ka na kasing mag-drama.” Wika ko sabay bigay
nang nakakalokong ngiti. Ito ang paraan na lagi kong ginagamit para maiwasan
ang ganung uri nang usapan.
Mabuti naman at bumenta iyon sa kanya dahil ang sumunod na
nangyari ay dumapo sa bunbunan ko ang kamao nito.
“Puro ka kagaguhan. Ewan ko sayo.” Tila asar na naman nitong
wika na tinugon ko lang nang isang nang-aasar na ngisi.
Wala akong balak na sabihin sa kanya ang tunay na rason kung
bakit naninibago ito sa akin ngayon. Matagal ko nang alam na hindi matutugunan ni Martin ang
nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang kaibigan lang ang kayang maibigay nito
sa akin at dapat makontento na ako doon. Ayaw kong masira ang pinagsamahan
namin kaya't hanggang kaya kong pigilan ang nararamdaman ko ay gagawin ko.
Ang sumunod na nangyari ay kwentuhang lasing. Kung anu-ano
ang napag-usapan namin ni Martin na mga kalokohan noong mga panahon na nasa
college pa kami. Sa bawat pagtawa nito ay lalo lang nagbibigay sa akin nang
rason na itago sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang isugal ang
pagkakaibigan namin dahil hindi ko kayang mawala sa akin ang kaisa-isang taong
nagpapaligaya sa akin.
Tulad nang laging nangyayari tuwing nag-iinuman kami ay ako
ang unang bumagsak.
Pupungas-pungas akong bumangon sa kama na hinihilot-hilot
ang aking sintido dahil sa hangover. Laking gulat ko nang matagpuan ko ang
sarili ko na nasa loob na ako nang aking kwarto.
Paano ako napapunta
rito? Di ba sofa ako nakatulog kagabi? Mga katanungang agad na nabuo sa
aking isip.
Pilit kong binalikan ang mga nangyari sa nakaraang gabi
ngunit wala talaga akong maalala na nagawa ko pang pumasok sa kwarto ko.
“Gising kana pala.” Halos mapatalon ako sa pagkagulat ng
biglang sumulpot si Martin.
“Paano ako napunta dito sa kwarto ko? Di ba sa sofa ako
nakatulog kagabi?” Ang agad na tanong ko sa kanya nang makabawi ako sa
pagkabigla.
“Ginigising kita kanina dahil pinapapak ka na nang lamok kaso
ayaw mong patinag kaya binuhat na lang kita papunta sa kwarto mo.” Simpleng
tugon nito sa akin. “Nakapaghanda na ako nang tanghalian Kenotz, kain na tayo.”
Dagdag pa nitong wika at nagpatiuna nang lumabas ng aking kwarto.
Naiwan akong natulala sa narinig mula sa kanya.
Binuhat niya ako?
Bakit? Di ko maiwasang maitanong sa aking sarili.
“Tama ba ang lasa nang sabaw?”
“May improvement. Nakukuha mo na ang lasa nang nilaga ni
mama.” Ang nakangiti kong tugon sa kanya.
Hindi ko pa rin kasi lubos maisip ang ginawa nitong pagkarga
sa akin kagabi. Sa totoo lang, may hatid itong kiliti sa akin habang
ini-imagine ko kung paano ako nito dinala sa kwarto ko. Matagal ko nang alam na maalalahanin si
Martin and that’s the reason why I fall for him, pero ang ginawa niya kagabi ay
bago sa akin. Sabagay, no’ng nasa bahay kami ay sa kwarto ko ang tambayan namin
at doon din kami nag-iinuman kaya kahit makatulog ako, hindi na ako nito kailangan
pang buhatin.
“Phew!” Wika nito at nagmuwestra pa nang pagpahid ng pawis
sa kanyang noo. “Mabuti naman at pasok sa choosy mong panlasa.” Dagdag pa
nitong may himig ng pagkabilib sa kanyang sarili.
Well, hindi ko naman ito masisisi dahil halos sa apat na
buwan naming pagsasama ito ang kauna-unahang luto niya na talagang kayang
kainin ng isang tao. Yung iba kasi ay kung hindi sunog ay sobra namang alat.
“Akalain mo yon? Sa halos apat na buwan kong pagtitiis na
turuan ka nagawa mo naring makapag-luto nang tama.” Ngingisi-ngisi kong sabi.
“Gago! Ang sama mo talaga.” At sabay kaming napatawa.
“Mabuti at kinaya mo akong buhatin.” Ang biglang pagpasok ko
sa ginawa nito na dinaan ko lang sa biro. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin
ako makapaniwala na ginawa niya iyon sa akin.
“Syempre! Anong silbi nitong muscles ko kung ang tulad mo
lang ay di ko kayang buhatin?” May kayabangan nitong tugon na sinamahan pa niya
nang pagflex nang braso niya. Pinakita talaga nito ang pinagyayabang niyang
muscles.
“Ang yabang mo!” Basag ko sa kanya na tinugon lang nito nang
pagtawa.
Parang wala lang naman sa kanya ang ginawa niyang pagbuhat
sa akin kagabi kaya walang rason para tanungin ko pa siya kung bakit niya
ginawa iyon. Siguro, ganun lang talaga si Martin bilang isang kaibigan lalo na
ngayong kaming dalawa ang magkasanga sa buhay.
Iniisip ko nalang, o mas tamang sabihin na pilit kong
isinasaksak sa kokote ko na walang malisya o walang ibig sabihin ang ginawang iyon
ni Martin kung hindi isang gesture lang nang isang nag-aalalang kaibigan. Ayaw
ko na ring lalo pang bigyan ng pansin ang bagay na iyon dahil ayaw kong
paasahin ang sarili ko sa wala.
Matapos naming mananghalian ay nagyaya si Martin na manuod
nang TV na sinang-ayunan ko naman. Gusto ko ring sulitin ang rest day ko dahil
bukas simula na naman ng mga trabaho namin.
Inubos namin ang oras namin sa panunuod ng iba’t ibang klase
nang pelikula mula sa gyera na mga tipo ni Martin panuurin hanggang sa horror.
Nang parehong mapagod ang mga mata namin ay kapwa kami nakatulog sa sofa. Siya
sa kaliwang dulo at ako naman sa kanan.
Nagising ako bandang alas-sais na nang gabi. Unang hinanap
nang mata ko ay si Martin at nakita ko itong
natutulog parin at pilit sinisiksik ang sarili sa dulo nang sofa. Hindi
ko maiwasang mapangiti sa hitsura nito. Ang sarap nitong tingnan habang
natutulog na animo'y walang problemang pinagdaanan sa buhay. Alam ko naman kahit
hindi ito nagsasabi ay hanggang ngayon dala-dala pa rin nito ang sakit sa
ginawang pagtakwil sa kanya nang kanyang mga magulang. Bilib lang ako sa kanya
dahil ni minsan ay hindi ito nagreklamo sa buhay namin ngayon kahit pa man hindi
ito ang kinasanayan niyang buhay.
Nakikita ko kay Martin kung gaano siya nagsisikap na
maprove sa pamilya niya na kaya niyang mabuhay na walang tulong galling sa mga
ito. Kahit na nahihirapan siyang mag-adjust ay hindi ko ito narinig na
nagreklamo o mag-aburido manlang. Hindi biro ang mabuhay nang walang suporta sa
mga magulang. Ngayon, natuto kaming magtipid, bigyang halaga ang bawat perang
gagastusin namin at i-budget ang mga ito para umabot sa susunod naming sahod at
masaya ako na kahit mahirap, na kahit minsan isa sa amin ang pumapalpak ay
nagagawan naman agad namin iyon nang paraan.
“Bakit?” Ang biglang wika nito na nagpabalik sa akin mula sa
malalim na pagiisip.
“Huh? Anong bakit?” Ang naguguluhan ko namang tanong sa
kanya.
“Bakit ka nakangiti habang nakatingin sa akin? Siguro may
ginawa kang kalokohan noh?” Wika nito sabay parang tangang ininspeksyon ang
kanyang mukha.
“Wala akong ginagawang kalokohan noh.” Tatawa-tawa kong
sabi. “Natatawa lang ako sa hitsura mo habang pilit mong pinagkakasya ang
sarili mo diyan sa sulok eh pwedi ka namang umurong dito.”
“Baka kasi magising ka.” Tugon nito.
Muli, napangiti ako sa pag-aalala na naman nito sa akin.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?”
“Kinilig kasi ako sa sinabi mo.” Sabay bigay ko nangaasar na
tawa. Kahit pa man ang totoo ay kinilig talaga ako sa pagiging maalalahanin nito
sa akin.
“Gago!” At sabay kaming nagtawanan.
“Thank you for calling XM, have a great day ahead.”
“Sabay kanang mag-lunch sa amin Ken.” Paanyaya sa akin nang
isa sa mga ka-team ko sa pinag-tratrabahuan kong call center company.
Napatingin ako sa relo ko, alas-tres na pala nang madaling
araw at ilang oras nalang matatapos na naman ang walong oras na pakikibaka ko
sa mga costumer namin na wala na atang ibang alam kung hindi ang sumigaw at
bigyan kami ng sakit nang ulo.
“Sige, saglit lang at maglog- out lang ako sa Avaya ko, baka
mapagalitan na naman ako mamaya ni TL kapag maling input na naman ang gawin
ko.”
“Alright. Una na kami sa pantry, yosi lang muna kami habang
wala ka pa.”
Nang matapos makapag logout sa Avaya ay dumeretso muna ako sa
locker para kunin ang cellphone ko. Tanging ang TL’s o Team Leader at
Operations Manager lamang ang allowed na magdala nang cellphone sa floor.
May tatlong message akong natanggap at lahat ng iyon ay mula
kay Martin. Napangiti ako nang mabuksan ko ang unang message nito.
“Diyan ka na ba sa office niyo? Text mo ko kapag nakarating
ka na.”
Hindi talaga ito nagmintis na laging magpadala nang mensahe
sa akin para tanungin kong safe akong nakarating sa opisina. Iyon ang isa sa
mga dahilan kong bakit muling bumabalik ang ibinaon ko na sa limot na
pagmamahal sa kanya.
Ngayon lang ako hindi nakapagreply sa kanya agad dahil sa
lintik na jeep na nasakyan ko kanina. Na flat tire ito kaya muntik na akong
ma-late sa pagpasok dahilan para hindi ko na magawang replayan ang mensahe ni
Martin sa akin.
Nagreply ako sa kanya kahit pa man late na habang binabagtas
ko ang pantry kung saan naroon ang iba kong ka-team na naghihintay sa akin.
“Nothing’s changed, Slowpoke ka pa rin.” Bungad sa akin nang
isa sa mga ka-team ko at naging kaibigan ko na rin na si Chelsa.
“Hindi nila trip ang pagkain dito kaya napagdesisyunan nang
karamihan na sa labas tayo kumain, dating gawi.” Ani naman ni Rex ang
pinakamatagal na sa team namin. Pinaghalo kasi ang mga bago sa mga may
experience na para makatulong sa tulad naming mga bago.
“Kayo ang bahala.” Pagsang-ayon ko na rin sa plano nila. Hindi
ko rin naman kasi gusto ang mga pagkain sa loob ng pantry na yon dahil bukod sa
walang justice ang lasa, ang mamahal pa.
“Let’s go then, sayang ang oras.” Sabi naman ni Jay.
Pumunta nga kami sa paborito naming food chain, ang
Mcdonalds. Bukod kasi sa mura na ay nabubusog pa kami. Walking distance lang
ito mula sa kinatatayuan ng opisina namin at marami ring tulad naming agents
ang kumakain doon. Swerte lang at hindi pa mahaba ang pila sa mga oras na iyon
na siyang nakakaubos nang oras namin.
“Sa Saturday absent ako.” Ani ni Jay habang nilalantakan
naming ang mga orders namin.
“Ano bang bago.” Basag naman ni Chelsa dito. “Every week
lagi ka namang uma-absent kaya di na kabigla-bigla iyang balak mo. Ano na
namang sakit ang gagamitin mong palusot ngayon kay TL?”
“Kahit naman walang palusot pinapayagan siya ni TL. Siguro
may lihim silang relasyon ni TL.” Ani naman ni Kiko.
“She’s not my type noh.” Wika nito na ikinatawa naming apat.
“Proven and tested na talaga, walang duda.” Ani naman ni
Rachalet.
“Anong proven ang pinagsasasabi mo Mam Rachalet?”
“That you’re one of those guys who also likes ‘Guys’.” Ang
walang preno nitong sabi na sinamahan pa nito nang pag-quote nang salitang guy.
“What made you say that?” Nanunubok at tila hindi apektadong
wika ni Jay.
“Gees! Stop with the lousy act. Wala pang sino mang straight
na lalaki sa mundo ang hindi nagandahan sa alindog namin ni Chelsa.”
Napatawa kaming lahat sa sobrang bilib nito sa kanyang
sinasabing kagandahan. Sabagay, kung sa hubog nang katawan at hitsura ay walang
dudang pasok sina Chelsa at Rachalet. At matagal ko na ring napapansin kay Jay
na tulad ko rin ito.
“Praning!” Ang tatawa-tawang wika ni Jay. Wala itong
ibinigay na kumpirmasyon patungkol sa sinabi ni Rachalet pero hindi rin ito nagdeny.
“So bakit ka mag-a-absent?” Pagbabalik ni Rex sa unang
usapan.
“Birthday ko.” Nakangisi nitong wika.
“Ows?” Ang sabay-sabay naman naming reaksyon sa sinabi nito.
“Mga praning talaga kayo. Oo nga, birthday ko.”
“Kung birthday mo bakit hindi kami invited aber?” Si Chelsa.
“Eh may mga trabaho kayo di ba? Maliban kay Ken at Kiko na
pinalad na matugma sa araw na iyon ang rest day nila.”
“Problema ba yon, eh di absent rin kami, di ba mga kakosa?
Hindi namin palalampasin ang pagkakataong makakain at makainum ng libre.”
“Tama!” Sabay-sabay na wika nang mga ito maliban sa akin na
ngingiti-ngiti lang sa mga kalokohan nila.
Nasa ganun silang usapan nang mag-vibrate ang cellphone ko.
May pagtataka ko itong kinuha sa aking bulsa dahil sa masyado nang late para
may mag-text pa sa akin.
Agad namang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko
ang pangalan ni Martin.
‘Okies, buti naman at safe kang nakarating sa opisan niyo.
See you later pag-uwi ko sa work.’
Gising na ang taong
iyon? Mag-aalas-kwarto palang nang umaga ah.
“Ano ba yan? Umagang umaga may ka-text ka? Hindi ba
natutulog yang taong yan?” Sita sa akin ni Rachalet.
Ngisi lang ang ibinigay kong pagtugon sa kanya at muling
ibinalik sa aking bulsa ang aking cellphone.
“So, Saturday sa bahay tayo nina Jay.” Ani ni Chelsa.
“Hind ako pwedi.” Ang
nakangiti ko pa ring tugon dahil sa pagiging maalalahanin ni Martin. Kontento na
talaga ako sa mga pag-alala nito sa akin.
“Ay! Hindi pwedi yan. Alalahanin mong aabsent kami kaya dapat lang na sumama ka.”
Si Chelsa.
“Oo nga naman Ken. Minsan na nga lang tayong magbonding di
ka pa nakiki-ayon.” Segunda naman ni Rex.
“Sasama yan.” May pagkasiguradong wika ni Rachalet. “Subukan
mo lang na hindi sumama at susunugin ko ang apartment na tinutuluyan mo.”
Napangiwi nalang ako. Alam kung hinding hindi ako
makakatakas sa mga ito lalo pa’t kasama ang dalawang babaeng makukulit at hindi
marunong tumanggap nang sagot na hindi.
Patay ako nito. Ang
naibulalas ko na lang sa aking isip.
Itutuloy:
30 comments:
Keef uf the good work daddy zeke. hehehe, honggondo!!!!!!
kaso, nabitin ako sa unang part, hehehe, akala ko pa naman, yun na yun, hahahaha, kaya napamura ako kanina sa skype eh, ahahaha, akala ko kasi, magsesex na sila. ahahah
So sweet naman ni martin, parang si ano lang dati sakin, sobrang ipinapaalala mo talaga sakin yung taong yun daddy zeke dahil dito sa story mo, hehehe, pero hindi na ako napaiyak ngayon, hehehhe.
-eusethadeus-
nice kuya zeke..may naaamoy ako kay martin..hahaha..is this it? hahaha..
thanks sa update..
ang nagbabalik..hahaha..
-Jay..
:D sugpo ako.. haha
nice one zild.. keep it up..
next na! haha
-kokey
hahaha.. nice one kuya zeke
kaxo bitin much!!!
keep it up...
may something kay martin!
hahaha
-shin21me
Nice one Zeke!
Excited na ako sa susunod na chapter!
dun sa unang part kala ko gagawin na nila...hahaha
ps. sana inuna mong sinulat yung ending...hahaha
joke lang!
galingan mo pa zeke!
-Mark Berto-
Amg sweet at ang thoughtful nman ni Martin,kaya pla nainlove seo ng todo c Ken,hahaha...ganda tlaga ni2ng story,ka2iba s mga una m0ng ngawa,keep it up Mr.Z ^^;
Nice:-) sana mgng close pa c jay n ken at mgkadevelopn bka magselos c martin. Nxt chap na plssss
siguro pag binigay na ang pov ni martin, may something na sinabi si ken whiles he's drunk. Feeling ko lang.
eto na naman ako, feeler na naman.
infairness, mahaba ngayon ang chapter na to.
hahahaha :) excited na ako sa next chapter nakakatuwa ung story haha andami kong naalala hahaha :)
galing ni mr. otor :)
-yume
ay! bitin.. hehe Peace.
mukhang bibigay na yata si Martin ah...
:D
ang ganda..tnx tnx..zi.
nice one...
parang may nabubuong tensyon to
sa next chapter..
abangan ko ito lalo......
jonrey qc
nice...cge ken ..iburo mo nlng ung damdamin mo kay martin..ikaw rin bka maunahan ka pa ng iba.....
hehehe.....swwet nmn ni mang martin....tulog nahuhulog na c ate ken...hehehe...cge lng gogo lng go ken...isama mo c martin sa lakad nyo....heheh
nice...cge ken ..iburo mo nlng ung damdamin mo kay martin..ikaw rin bka maunahan ka pa ng iba.....
avia o avaya? anyway anyhow anywho, cute nung unang part, ikaw naiimagine qng natutulala at napapasandal sa pinto, girl na girl ah x3
AY TAKTE!!!!!!!! hahahahaa Ikaw kaya ang iniisip ko no'ng ginagawa ko ang scene na yan :)) ayiiiiiiiiiiiie!!!
iniicp mo muka mo lol never aq ngkaganyan xD ikw sumulat malamang ganyan ka sa crush mo lmao
Next na Zeke!!!!!! Ang ganda!! Ano kaya ngyari kay martin at ken kaya sila ngkahiwalay?? Kakaexcite! May gusto siguro si martin kay ken.
--ANDY
Oo rue ini-imagine kita habang ginagawa ko ang scene na yon and i can't help myself but giggle :D HAHAHAHA
hi kuya! musta na? sori ngaun lng nakacomment ah! busy kac eh.
naks naman! kung makatitig, wagas! hahha! ganda pa rin talaga kuya! can't wait sa nxt!
shuddup >_>
Perfect Chapter!!!!
Hahaha. Keep up the good work Zek!
Cant wait for the next chapter :)
Pat
PEFECT!
ang nice ng chapter na to kuya 'Zeke'
kaso kakalungkot lang isipin na .. sa kabila ng kasiyahang bumabalot sa puso't isipan ni kuya Ken sa ngayon ..katumbas naman nito ang isang puno ng pighati't pagkalungkot sa paghihiwalay ng landas nilang dalawa ..
tanong ko lang . . .
is there any chance left for the two of them? or the other one will be left suffering from laments and grievances?
hmmmmm ..
Thanks kuya 'Zeke' ~
Prince: Hindi ko pweding sagutin ng deretso iyang tanong mo. Ang masasabi ko lang sa ngayon ay marami pang aabangan sa Make Believe - mga ideya na hindi ko pa napasok sa kwento dahil nga po sa nagsisimula palang ito. Chapter 6 ang pagpapakilala nang ibang mga bagong character.
Hi Chris! Naiintindihan ko naman na busy ang iba ngayon sa inyo dahil nga malapit nang matapos ang klase kaya ayus lang..
Kita kits tayo kapag nakaluwag-luwag kana sa schedule mo at good luck!! Dapat pasado lahat ng subject mo ah! :)
ang madalas sbhin ni Eusethadeus, "HONGGONDOH!" hihihihi
Zuper Z very nice chap! wagas ang pag-aalala ni Martin kay Kenotz, kya lalong naiinlavavo c Renato este c Ken kay Mart(peace JQ)! Ayieeeeeeeeee
dpt tlgang mlaman n ntn ang POV ni Martin, mukhang merong hmmmm....prang hmmmm.... me hmmmmm....
Z plsssssss, epilogue n! hahahaha
-koalabear-
ang ganda naman..
Kaso sa prologue hindi sila magkakatuluyan..
Hanu ba yan..
Galing mu talaga mr. Z..
Miss na lahat ng 7th bar..hahahaha
keep up the good work and God bless you most..
Jrard:)
nice nice.. :p
mabruk!
ang sweettt!!haha...lover's na lover's ang dating nila!^^
-monty
Post a Comment