email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com
Muli, gusto ko pong pasalamatan ang mga taong nagbigay ng kani-kanilang komento sa chapter 3 nang Make Believe. Itong chapter pong ito ang simula nang totoong kwento nina Martin at Kenneth sana ay magustuhan niyo ang naiibang atake na ginawa ko sa kwentong ito.
Humihingi din ako nang tawad kay Kristoffshaun dahil sa
hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya na i-popost ko ang chapter na ito agad. Masyadong marami lang akong ginawa kaya na delay na naman ang chapter na ito
nang isang araw. Hayaan niyo mga paps at simula sa lunes balik na ulit sa
mabilis na update ang gagawin ko. Focus na ulit ako sa pagsusulat dahil natapos
ko na ang mga bagay na dapat kung tapusin.
Sana ay ma enjoy niyo po ang chapter na ito! Enjoy reading
guys and keep the comments coming!!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Kakaibang kaba ang nararamdaman ko habang
kaharap ko sa hapag ang parents ni Martin kasama ang fiancée at mga magulang
nito. Hindi ko maiwasang pagpawisan ng malamig at manginig sa uri ng mga tingin
na binibigay ng mga ito sa akin na para bang hindi ako welcome doon.
Gusto ko nang umalis o mawala na lang sa harapan nila. Na-anticipate
ko na’ng hindi magiging madali itong gagawin namin ni Martin na sabihin sa mga
magulang niya na may relasyon kami pero, hindi ko akalain na ganito pala ito
kahirap.
Tanging tunog lamang ng kutsara’t tinidor ang maririnig mo
sa hapag-kainan na ‘yon. Ramdam ko ang tensyon sa bawat paghinga ni Martin na
nakaupo sa tabi ko
“You know that this is an important dinner for our family.”
Basag ng ama nito sa katahimikang namuo simula nang dumating kami. “You
shouldn’t have brought him here.” Walang pakundangang wika nito bakas sa boses
ang inis at galit na tinitimpi nito.
Napayuko ako sa ibayong hiya. Masasabi kong hindi ito sanay
makipagplastikan sa kahit na sino man dahil nagawa nitong iparating sa amin ni
Martin ang pagkadisgusto niya sa presensiya ko sa bahay nila kahit pa man
kasama din sa hapag na iyon ang parents at fiancee ng anak nito.
“I brought him here because we also have an important thing
to say Pa.” Malumanay na sagot ni Martin dito na para bang hindi apektado sa
pagiging matalas ng dila ng papa nito.
“Hindi ba makapaghintay iyang sasabihin niyo sa amin at
dinala mo pa siya sa mismong gabi kung saan pag-uusapan natin ang kasal niyo ni
Dominica?” May bahid ng galit na sabi nito. Masasabi kong ito ang boses ng
tahanan nila dahil hindi ko marinig na nagreact ang mama ni Martin na minsan
ko nang nakita noong graduation namin.
“At ikaw.” Tukoy nito sa akin. “This is an important night
for my family kaya pagkatapos mong kumain umalis kana. Hindi ka kasali sa pag-uusapan
namin.”
“Stop it Pa.” Bakas na sa boses ni Martin ang galit.
Napa-angat ako ng tingin sa puntong iyon at kita ko sa mukha
ni Martin ang kakaibang galit. Pansin ko rin ang panginginig ng kamay nito na
marahil ay dala ng pagpipigil nitong sumabog.
“Sumusobra kana. Parang basura ang tingin mo sa ibang taong
walang pakinabang sayo.” Ito ang unang pagkakataong makita ko si Martin na
galit. Oo nga’t nagagalit ito noon pero kakaiba ang pinapakitang galit nito
ngayon. “Don’t treat Ken as if he’s nobody.”
“Who gives you the right para sagut-sagutin ako? Pamamahay
ko ‘to, may karapatan akong paalisin ang sinumang sa paningin ko’ di
nararapat na nandito!”
“Kumpare, easy.” Sabat ng isang lalake na sa tingin ko ay
ang ama nang fiancee nito. “Martin iho, paalisin mo na lang iyang kaibigan mo
para hindi na lumaki ang gulo.”
“Oo nga anak, sige na bago pa lalong magalit ang papa mo.”
Sabat naman ng mama ni Martin.
“Hindi ma, kung aalis si Ken, kasama niya akong aalis. And
he’s not just my friend, he’s my boyfriend.” May diin nitong sabi.
Halatang nagulat ang mga ito sa narinig. Kita kong namilog
ang mata ng papa nito sa sobrang pagkabigla.
Ang mama nito ay napahawak sa kanyang bibig tulad ng fiancee nito.
“You’ve heard it right. Ken is my boyfriend and I’m gay.”
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa puntong
iyon. Gulat, pagkadismaya, galit, at pagkasuklam – iyan ang mga nakikita kong ekspresyon sa mga
mukha ng mga taong kasalo namin sa hapag-kainang iyon.
Maya-maya pa’y biglang tumayo ang papa ni Martin. Bakas sa
mukha nito ang ibayong galit. Akmang lalapitan na kami nito nang mapigilan ito ng
mama ni Martin.
“Bitiwan mo ako!” Ang pagpupumiglas nitong wika. “Walang-hiya
ka! Sinadya mong dalhin iyang baklang yan para ipahiya ako sa harap ng ibang
tao noh? Wala kang utang na loob!”
Pareho kaming napatayo ni Martin. Bakas sa mukha nito ang
galit para sa ama habang ako naman ay hindi alam kung ano ang gagawin sa
sobrang takot.
“Martin how could you do this to us?” Ang naiiyak na wika ng
mama nito na bakas ang disappointment sa boses nito.
“I’m sorry ma…”
“Lumayas kayo dito!” Putol ng ama nito sa iba pang sasabihin
ni Martin. “Simula ngayon ay hinding hindi ka na pweding tumapak sa pamamahay
na ito! Wala akong anak na suwail at wala akong anak na bakla! Sinira mo ang
mga plano ko para sa ‘yo!”
“Yeah mga plano ninyo para sa akin.” May pait na tugon ni
Martin dito. “Pero ni minsan ay hindi n’yo man lang inisip kung gusto ko ba ang
mga plano n’yong iyon. Hindi ko naramdaman na may mga magulang ako dahil ang
alam ko ang mga magulang, sinusuportahan ang gusto ng anak nila hindi
ginagawang puppet na susunod na lang sa kung ano man ang gusto nila.”
“Martin, stop it.” Saway ng mama nito.
“Stop what, Ma? Di ba ganyan ka rin, gusto mo akong itulad
sa ‘yo na sunod-sunuran sa gusto ni Papa. I can’t stand it anymore Ma, malaki
na ako at may sarili na akong buhay.”
“Anong pinagmamalaki mo ngayon? Na kaya mo nang mabuhay ng
walang tulong mula sa amin dahil graduate ka na?” Asik ng papa nito.
“Wala akong ipinagmamalaki.” Tugon ni Martin dito. “Gusto ko
lang ipakitang kaya ko nang magdesisyon para sa sarili ko.”
“Magdesisyon para sa sarili mo?” Pag-uulit ng papa nito sa
huling sinabi niya sabay bigay ng nang-iinsultong tawa. “Tingnan natin kung
saan ka pupulutin sa desisyon mong ‘yan. Huwag na huwag kang babalik dito na
hihingi ng tulong sa amin dahil sa oras na mangyari iyon ako mismo ang
kakaladkad sayo palabas ng pamamahay na ito.”
Hindi ko lubos maisip na manggagaling sa isang ama ang
masasakit na salitang iyon. Oo nga’t galit ito dahil sa pagsuway ni Martin sa
kanya pero sapat na ba ang galit na iyon para magbitiw ng gano’ng klaseng mga
salita?
“You’re worst than I thought.” Nabigla ako sa sinabing iyon
ni Martin. Nabaling ang tingin ko rito at kita ko sa mata nito ang nag-aapoy na
galit. “Hindi ako nagsisisi na sinuway kita. Hindi ang tulad mo ang amang
panghihinayangan ko.”
“Martin….”
“Hindi ko ma-imagine kung paano ka tumagal sa kanya Ma, but
don’t worry I don’t hate you as much as I hate him.” Wika nito sabay hawak sa
kamay ko. “Tara na Ken, hindi na tayo kailangan dito.” At magkasabay kaming
lumabas sa bahay nilang iyon.
“Martin okey ka lang?” Ang may pag-aalala kong tanong sa
kanya nang makalabas na kami sa bahay nila.
Bumaling ito sa akin at ngumiti ng isang napakagandang ngiti
na animo’y walang nangyaring eksena sa loob ng bahay nila.
“Malaya na ako Ken.”
“Ano ang plano mo ngayon?” Ang nag-aalala ko pa ring tanong
sa kanya.
“May konteng ipon ako, gagamitin ko yon para makahanap ng
trabaho para makapagsimula ng buhay na ako ang may control.”
Nakaramdam ako ng lungkot sa narinig. Mukhang ito na ata ang
simula ng paghihiwalay namin ng landas ng bestfriend ko. Ngayong nakalaya na
ito sa pamilya niya magagawa na niyang gawin ang mga bagay na matagal na niyang
gusto.
“Ganun ba?” Ang may bahid ng lungkot kong sabi.
“Lalayo ako sa lugar natin Ken. Alam kong hindi ako
tatantanan ng mga galamay ni Papa hangga’t nandito ako sa teritoryo niya.
Samahan mo ‘ko Ken, magkasama nating bigyan ng katuparan ang mga pangarap
natin.” Wika nito na sinamahan pa niya ng mabining pagpisil sa magkabila kong
braso.
________________
“Ken, Ken, Ken!” Ang naririnig kong
pagtawag sa aking pangalan. Ang sumunod kong naramdaman ay ang pagtama ng
malambot na unan sa aking mukha.
Pupungas-pungas akong naupo sa
ibabaw ng kama. Alam ko na kung sino ang taong pweding sumira sa maganda kong
tulog at paniguradong may kailangan na naman ito sa akin.
Nang mabaling ang tingin ko sa
kanya ay hindi nga ako nagkamali. Halata sa mukha nito ang pagpapanic marahil
ay may kapalpakan na naman itong nagawa o worst may nasira na naman ito.
“Bakit ganyan ang mukha mo?” May
pagkaantok ko pang sabi.
“Kenotz, yung bagong bili nating
electric stove nangunguryente.” Ang wika nito na animo’y batang nagsusumbong.
Napatingin ako sa gawi kung saan
nakasabit ang wall clock sa kwarto ko at napabuntong hininga nang makitang
mag-aalas-dose pa lang pala.
“Ang laki-laki ng katawan mo
tapos kuryente lang takot ka?” Ang naibulalas ko na lang sa pagkainis sabay
tayo at tinungo ang lintik na electric stove na dahilan kung bakit nasira ang
magandang tulog ko.
Sumunod naman ito sa akin sa
kusina. Nang makita ko ang nirereklamo nitong nangunguryenteng electric stove
ay di ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o matatawa. Basa ito ng tubig mula sa sinaing nitong kanin at dahil na rin
sa wala siyang suot na tsinelas ay di na kataka-taka kung bakit ito nakuryente.
Nakapamewang akong humarap sa
kanya na parang ewan lang na nagtatago sa likod ko. Sa apat na buwan naming
pagsasama ni Martin sa bago naming tinutuluyang apartment ay nalaman ko ang mga
bagay na kinakatakutan nito na hindi nito nakwento sa akin marahil dala ng hiya.
Isa sa mga kinakatakutan niya ay ang kuryente. Bata pa lang daw siya nang
makuryente siya dala ng kalikutan niya at simula noon ay takot na siyang
mag-plug o kahit ano pa mang pwedi siyang makuryente.
“Sino ba naman kasi ang hindi
makukuryente eh nilunod mo ata itong electric stove sa tubig.” Ang sabi ko
dito.
Apat na buwan na mula nang
itakwil si Martin ng mga magulang nito. Nang sabihin nito sa akin na samahan ko
siyang magsimula ng bagong buhay ay hindi na ako nagdalawang-isip pa. Hindi ko
kayang malayo sa bestfriend ko dahil alam kong hindi pa nito kaya ang mag-isa.
Mabuti na lang at sinang-ayunan at sinuportahan kami ni mama nang sabihin namin
ni Martin ang plano naming dalawa. Na-intindihan nito ang kalagayan ng bestfriend
ko at binigyan pa kami ng pera pangsuporta sa mga gastusin namin habang di pa
kami nakakahanap ng trabaho.
Pinili namin ni Martin ang lugar
na malayo sa mga galamay ng papa nito, isang lugar na pwedi kaming magsimula ng
walang makikialam sa amin.
Laking pasasalamat naman naming
dalawa nang pareho kaming makahanap ng trabaho tatlong buwan na ang nakakaraan.
Ako bilang isang call center agent habang si Martin ay natanggap sa isang
pribadong kumpanya.
“Hindi ko kasi napansin na
kumukulo na pala.” Depensa nito na sinamahan pa ng pagkamot nito sa kanyang
ulo.
Napailing na lang ako sa
panibagong kapalpakan nito at sinimulan punasan ang electric stove. Martin is
trying his best para masanay sa mga bagay na simula pagkabata ay hindi pa nito
nasusubukang gawin at naiintindihan ko iyon kaya kahit anong mabasag, at masira
nito ay hindi ko siya pinapagalitan ayaw ko kasing mawala ang drive nitong
matuto.
“Di bale, bili na lang tayo ng
rice cooker sa susunod na sahod para di ka na mahirapang magluto ng kanin.”
Paunti-unti kaming nagpundar ng
mga gamit para sa apartment na tinitirhan namin sa tuwing araw ng sahod. Ito
ang naisip namin para hindi kami masyadong mabigla sa mga gastusin. Mabuti na lang
at sa inuupahan naming apartment kasama na sa binabayaran namin buwan-buwan ang
kuryente at tubig kung kaya’t nakakabili kami ng mga kakailanganing gamit.
“Ako na lang bibili ng rice
cooker. Ikaw naman ang bumili ng TV natin at dalawang electric fan.” At muling
sumilay sa kanya ang napakatamis na ngiti at kapag ganun na ay hindi na ako
tumatanggi sa kanya.
“Okey.” Ang sabi ko na lang at
muli ko ng ibinalik ang aking atensyon sa pagpupunas ng nabasang electric
stove. Mula nang tumira kami sa iisang bahay ay unti-unti na namang bumabalik
sa akin ang matagal ko nang ibinaon sa limot na pagtingin sa bestfriend ko.
“Kenotz, may pasok ka ba mamaya?”
“Wala, Saturday at Sunday na ang rest day ko ngayon. Bakit, may lakad
ka?” Simpleng sagot ko sa kanya.
“Wala, nakakabagot kasi mag-isa
dito kapag gabi at nasa trabaho ka mabuti naman at may makakasama ako mamaya.”
Wika nito.
Ito ang mga uri ng gesture na
ayaw na ayaw kong ginagawa niya. Yung tipong parang kulang na lang ay sabihin
nito sa akin na gusto niya na lagi niya akong nakikita dahil kapag ganun ang
ugaling pinapakita niya sa akin hindi ko maiwasan ang mahulog sa kanya.
“Asus! Nababagot ka na ngayon?
Bago yan ah.” Patutsada ko sa kanya. Ito lang ang kaya kung gawin para maiwasan
ang kakaibang damdaming hatid ng bawat pagpapakita niya ng sweetness sa akin.
Binabara ko ito hindi para asarin siya kung hindi para ipasok sa kokote ko na
hindi ako pweding ibigin ng bestfriend ko.
“Sira! Kahit kalian talaga di ka
makausap ng matino.” Tila pikon nitong sabi na sinagot ko lang ng nakakalokong
tawa.
_________
Hindi ko talaga minsan maintindihan ang tumatakbo sa utak ni
Martin. Kapag ito ang inaasar at binabara ay nagagalit pero kung siya naman ang
nang-aasar sa akin pinagtatawanan lang ako.
Katatapos lang naming maghapunan at simula kaninang tanghalian ay
hindi na ako nito kinikibo. Napikon ata ito nang barahin ko siya na bago sa
kanya dahil ito ang unang beses na napikon ito sa simpleng pangbabara ko.
Tahimik lamang itong nagliligpit ng pinagkainan namin. Sobrang tipid
nitong sumagot sa tuwing kinakausap ko siya halatang nagtatampo.
“Inuman tayo?” Bigla kong anyaya sa kanya. Simula kasi nang pareho
na kaming magkatrabaho ay hindi na kami nakapag-inuman nito.
“Di na ako umiinum.” Matipid nitong tugon na hindi man lang ako
tiningnan.
“Kelan pa?” Takang tanong ko naman sa kanya. Alam ko kung may
bagay man na hindi kayang bitawan ni Martin ay iyon ay ang alak at yosi na
siyang kahinaan nito.
“Ngayon lang dahil nagyaya ka.” Basag nito sa akin.
Aba’t!
Talagang nagtatampo nga ang mama sa akin!
Imbes na maasar sa sinabi nito sa akin ay napahagikhik ako. Once
in a blue moon lang kasi lumabas ang pagiging isip-bata nito at iyon ay kung
talagang pikon na ito. Isa ito sa mga ugali niya no’ng college pa lang kami na
gustong gusto ko sa kanya ang paminsanang pagiging sensitive nito kunyari.
“Sige ikaw bahala basta ako iinum ako.” Ang sabi ko sa kanya.
“Basta walang sisihan mamaya kung magkulang ang inumin ha. Maaga pa namang
nagsasara ang kaisa-isang tindahan dito sa lugar natin.” Dagdag ko pang sabi.
Hindi pa man ako nakakailang hakbang nang magsalita ito
“Gawin mong apat na bote at bili ka na rin ng yosi ko.” Lihim
akong napahagikhik dahil alam ko nang hindi na aabot ng isang oras at
makikipagbati na ito sa akin. Ganito lang naman kadaling kunin ang pansin nito
noon pa man – ang gawin ang isang bagay na hindi nito kayang hindian.
Ngingiti-ngiti akong lumabas ng bahay para bumili ng inumin.
Marami pang tao dahil sa gabi na halos lumalabas sa kani-kanilang
lungga ang mga taong taga-rito – mga
taong takot sa araw sabi pa nga ni Martin. Ilan sa kanila ay naging kakilala na
namin ni Martin sa halos apat na buwan naming pananatili rito. Hindi man siya
perpektong lugar na walang magnanakaw at mga basag ulo, masasabi ko namang
halos lahat ng tao doon ay mababait.
“Ken, san ang punta mo wala ka bang trabaho?” Tawag sa akin ng isa
sa nadaanan kong mga tambay doon.
“Rest day ko ngayon. Punta lang tindahan bibili ng maiinum.” Ang
tugon ko sa mga dito. Isa sa tinuro sa akin ni Martin ay ang matutong makisama
sa mga tambay sa lugar na iyon lalo na daw at pang-gabi ang trabaho ko.
“Libre mo naman ako ng yosi, kahit dalawang stick lang.” Wika nito
“Oo ba.”
Matapos makabili ng apat na bote ng Red Horse ay bumalik na ako sa
apartment na inuupahan namin. Laking gulat ko nang pagbuksan ako ni Martin na
naka-brief lang ito at wala nang iba pang saplot sa katawan. Napaatras ako sa
pagkagulat, ni minsan ay hindi ko pa nakikita itong halos hubo’t hubad dahil sa
magkaiba naman ang kwarto namin at doon ito kalimitang nagbibihis.
“Oh bakit? Para kang nakakita ng multo ah. Maliligo muna ako bago
tayo mag-inuman, di pa ako naligo buong araw eh.”
“A-Ah Eh… S-Sige.” Ang tila nauubusan ng hangin kong sabi. Ang magandang
hubog ng katawan nito na noon ko pa nasisilayan ay mas lalo pang naging maganda
ngayong kita ko na ang kabuohan nito.
“Ano pa ginagawa mo diyan? Pumasok ka na nang ma-lock na natin ang
pinto.” Basag nito sa pagkatulala ko.
“A-Ako na ang bahalang mag-lock ng pinto maligo ka na.” Pasimpleng
pagtataboy ko sa kanya na dahil sa totoo lang hindi ko magawang pumasok dahil
sa nakaharang sa pintuan ang halos hubo’t hubad nitong katawan.
Binigyan ako nito ng mapanuring tingin dahilan para mapayuko ako.
Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi sa mga oras na iyon.
“Maliligo na ako.” Maya-maya ay wika nito at tinungo na ang banyo.
Ang hot
niya shet! Kung araw-araw may ganitong
view masisiraan ako ng bait! Ang
wika ko sa aking sarili.
Itutuloy:
25 comments:
PAKSH_T ANG CHAPTER NTO S KABA AT KILIG!!!! hihihihi
grabe ang emosyon s first part! kknerbyos! kung s chap3, halos maihi c ken, d2, halos madumi mlamang at d mkhnga s sobrng kaba!!! kung ako yn, hinimatay nko@! hahaha
kelan k kya msasabi s parents k lalo n s tatay k, dad im gay, and hes my boyfriend!!! waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah
MARTIN UMAYOS K! BKA D KYANIN NI KEN ANG HOTNESS MO!!!!! HAAAAAAAAAAAAAY!!!!!
-MyKoalaBear-
Very well written daddy zeke, sobrang naenjoy ko to.
Ken, wag pigilan ang nararamdaman, dahil hindi maganda yan, masasaktan at masasaktan ka lang, i can feel naman na may nararamdaman din sayo si martin, just wait, you'll see, there's no such thing as "Maybe he's just being nice" dahil alam tao lang naman tayo na nakakaaprciate din ng mga ginagawang kasweetan satin ng iba, at hindi naman tayo manhid para hindi maramdaman na may pagtingin din satin ang isang tao, lalu na't sobrang lapit nito sa atin. Aminin mo na!
May pinaghuhugutan lang dahil sa pinagdaanan daddy zeke, hehehe, super like ko yung flow. At nakakarelate ako...
-eusethadeus-
haha yun yun eh!!!
Wahhh..,anu b un nbitin aq din Mr.Z,aytz...ang ganda ng chapter mixed em0tion ang pnkita ng mga karakter,hahaha..wla k tlagang kupas s pagp2kilig smin author,nice ^^;
Nganga!
at akoy nabitin uli.. hehehe
Bakit di na lang totohanin ang lahat... lalalalalalala
grabe. ilang weeks din akong di naging active sa blogspot mo at sa bol dahil sa lintek na mga final exams na yan at fs reporting. tsk.
Its good to be back lalo na't itong kwentong ito ang naabutan ko. haha.
Wala ka pa ring kupas Z. galing mo pa rin.
hahaha shet! ang hot nya.. lol
naku po .. oh tukso layuan mo si Kenotz..!! hahaha
love them so much..
God bless.. -- Roan ^^,
bahay bahayan hehe, goodluck na lang kay ken...=dereck=
tama na ,kilalanin muna nla ung srili........sa mgulang nmn ni martin ntural lng na mgalit cla......
galing talaga... di pilit ang kwento.. walang arte hehehe
hala ka1 he he he. anu pa kaya pag nalasheng na. he he he
galing galing galing!!!!!!!!!!!
-cham-
lasingan na!!! ahaha
lika d2 d kta bbitinin lol
bago ang lahat, luma pa rin aq lol
ah bsta, satisfied aq sa chap na to, unlike sa nkaraan bitin na parang wlang nangyari
yay! salamat sa appreciation po :) natutuwa ako na nagagandahan kayo sa itinatakbo nang kwentong ito. :)
ayan babaha na ng alak..!!!
bitinin kita dyan patiwarik! LOL
weh? di nga! LOL
Martin! You're so HOT!
Hahaha...
Hoi Kenotz! Kalma ka lang jan!
#super ganda ng Chapter na to!
KEN.....sumigaw ka paglasing ka na...(MARTIN..PAKSHET...MANHID KA BA....
MANHID KA BA.....WAPAK)
he he hehe....
ano kaya ang susunod...
me mangyayari kaya? o may magtatapat?
JONREY QC
ganda!!!!! May gusto na kaya si Martin???
--ANDY
hahahahahaha..tawa aq ng tawa lalo na sa last part!!susme tong c ken..maka-baliw wagas!haha...
Control lang gerl at mahahalata tayo ni martin nyan eh!;D
-monty
Post a Comment