Monday, March 12, 2012

Make Believe Chapter 03



by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com


Pasensiya na sa mga taong naghintay sa chapter na ito kung na delayed ako nang halos dalawang araw medyo may problema lang ang tiyan ko kaya ganun at di ko nagawang makapagsulat. >.<


Ito na po ang Chapter 03 ng Make Believe sana ay magustuhan ninyo ito. Kung hindi naman masyadong kalabisan sa inyo mga paps ay hinihiling ko sana na mag-iwan kayo nang komento para naman malaman ko kung okey ba sa inyo ang ginagawa ko. Tulong niyo na rin po iyon sa akin para mapaganda ko po ang takbo nang estoryang ito.


Eusethadeus – Bunso maraming salamat sa pag-proof read nito hehehe pasensiya kana kung ikaw ang naatasan ng kataas-taasan ngayon haha busy kasi ang daddy mo. xD Thank you ulit bunso!!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





“Himala, hindi ata gumana ang katakawan mo ngayon.” Ang tukoy sa akin ni mama habang nasa hapagkainan kami. “Ano ba ang balak niyo ni Martin ngayong tapos na kayo?”


Bigla akong napayuko sa tanong na iyon ni mama. Hindi ko magawang salubungin ng tingin ito dahil sa mga gumugulo sa isip ko. Hindi ko nga alam kung magugustohan nito ang pinaplano ko ngayon o ikakagalit ba nito.


Sadyang kay hirap magdesisyon lalo na kung may isang tao kang masasaktan. Hindi mo malaman kung sino ba ang uunahin mo, ang pamilya mo na nariyan palagi para sayo o ang gusto mo, na siyang magpapaligaya sayo.


“Ken?” Tawag nito sa akin ng hindi ako sumagot sa kanya. Wala akong nagawa kung hindi ang i-angat ang ulo ko at salubungin ang mga tingin niya. “May problema ka ba anak? Ilang araw kanang tahimik ah. May bumabagabag ba sayo?” Ang may bahid nitong pag-aalalang sabi.


Lalo naman akong na guilty sa mama ko, hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin sa kanya ang lahat. Natatakot ako, oo, dahil baka sa oras na sabihin ko sa kanya ang mga bagay na gumugulo sa akin ngayon ay lalo ko lang mapapalala ang sitwasyon.


“Medyo masakit lang po ang ulo ko ma.” Ang pagsisinungaling ko na lamang sa kanya. Batid kong hindi magandang ideya ang sabihin sa kanya ang kung anu mang dinadala meron ako ngayon.


Binigyan ako nito nang isang mapanuring tingin na para bang kinikilatis nito kung nagsasabi ba ako nang totoo o hindi. Sa ginawa niya ay muli akong napayuko, takot na baka may kung anong makuhang impormasyon ito sa aking mga mata. Sadyang ganito talaga ata ang mga taong nagsisinungaling.


“Uminum ka nang gamot para mawala yan.” Kapag kuan ay wika nito. “Ako nalang muna ang maghuhugas ngayon para makapagpahinga ka.”


Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Agad akong tumayo at umakyat sa aking kwarto dinig ko pang may sinabi pa ito sa bunsong kapatid ko.


Ang bigat sa pakiramdam na hindi mo nailalabas ang tunay mong saloobin. Batid ko yon dahil iyon ang nararamdaman ko ngayon.


Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad na nakuha nang atensyon ko ang kalendaryo na nakasabit malapit sa cabinet ko. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.


“Ilang araw nalang pala.” Ang naiwika ko sa aking sarili.


Tatlong mahihinang katok ang sunod kong narinig mula sa aking pinto at ang sumunod nun ay boses ni mama na tinatawag ang pangalan ko. May pagtataka ko itong pinagbuksan.


Isang nag-aalalang ina ang bumungad sa akin sa likod ng pintuan ng kwarto ko. Kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala at isa lang ang ibig sabihin nun– hindi ito naniwala sa alibi ko kanina na masakit ang ulo ko. Alam kong sensitive si mama pagdating sa mga anak niya.


“Si Chester na ang pinaghugas ko nang mga pinggan.” Wika nito sa akin. “May gusto ka bang sabihin sa akin Kenneth?”


Sa mga oras na iyon ay hindi ko na nagawa pang magsinungaling napayuko nalang ako na animoy guilty na bata na nahuli sa kanyang mumunting sekreto.


Inalalayan ako nito papunta sa kama ko at doon magkatabi kaming naupo. Hindi ko pa rin magawang maitaas ang tingin ko dahil sa sobrang kaba at takot.


“Ma?” Ang pagsisimula ko sa usapan.


Hindi ako nito sinagot malamang ay hinihintay na nito ang susunod kong sasabihin.


Ilang taon ko ring itinago kay mama ang tunay kong kasarian ang tunay na ako, at ngayon dahil sa isang sitwasyon na hindi ko na pweding matakasan ay kailangan ko nang ipagtapat sa kanya ang pinakatatago kong pagkatao –ang isang uri nang pagkatao na hindi tanggap ng karamihan.


“P-Paano kung hindi pala ako ang sa tingin niyo ay ako?”


“Anong ibig mong sabihin?” Malumanay nitong sabi.


Dahil siguro sa sobrang kaba at takot ay nagsimula na akong maiyak. Ganito pala kahirap umamin. Siguro dahil hindi mo alam kung ano ang pweding maging reaksyon ng taong pagtatapatan mo. Nakakatakot, nakakapraning at higit sa lahat nakakapanghina; mga naghahalong emosyon ngayon sa akin.


“P-Paano kung iba pala sa n-nakagawin natin ang klase nang taong….m-mamahalin ko?” Kahit anong gustong kong deretsahin siya ay hindi ko magawa. Hanggang mga pasaring lang ang kaya kong gawin sa sobrang takot.


Katahimikhan. Nakakabinging katahimikan ang sunod na namayani. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip ni mama, pero sigurado akong may ideya na ito.


Ang sumunod na nangyari ay naramdaman ko ang mabining paghagud ng kamay nito sa aking likod. May pagtataka akong napatingin sa kanya, at nakita ko ang aking ina na nakangiti sa akin na lalong ikinagulo nang isip ko.


“Kay tagal kong hinintay na magka-anak kami nang papa mo. Sampong taon na kaming kasal noon pero hindi kami agad binigyan ng anak. Ang buong akala nga namin ay hindi na kami bibigyan ng panginoon. Araw-araw kong ipinagdarasal na sana biyayaan niya kami, at nangako ako na kahit ano ang ibigay niya ay tatanggapin ko at mamahalin ko.” Mahaba nitong sabi.


“Hindi naman importante kung tama sa paningin ng lahat ang taong mamahalin mo. Ang importante ay masaya ka sa piling niya.” Dagdag pa nitong sabi.


Ang saya ko, sobra, dahil sa alam ko nang wala na akong dapat ipag-alala kay mama pagdating sa kasarian ko, pero ang sayang iyon ay biglang nawala nang maalala ko na may isa pa pala akong problema.


“Kung hindi mo pa kayang magdesisyon ngayon okey lang. Hindi mo kailangang madaliin ang sarili mo pag-isipan mong mabuti Martin.” Ang wika ni Mitch sa kanya.


Bakas sa mukha ni Martin ang sobrang pag-aalangan at naiintindihan ko naman ito. Hindi biro ang itakwil ka nang pamilya mo, lalo na ngayon na hindi pa niya kayang tumayo sa sarili niyang mga paa.


Makalipas ang ilang minutong pananahimik ni Martin ay nagsalita ito.


“Nagsumikap akong makatapos dahil gusto ko nang makawala sa parents ko. Ayaw ko nang maging sunod sunuran sa gusto nila.” Bakas sa mukha nito ang determinasyon na ikinabilib ko.


“So?” Wika ni Beth. “Hindi mo sinagot ang tanong. Willing ka bang gawin lahat kahit na itakwil ka nila?”


Masasabi kong may pagka-brutal talaga itong si Beth. Gusto ko sanang kausapin muna si Martin bago siya magdesisyon pero mukhang hindi na kailangan.


“Yes.” Tugon ni Martin dito. “Now Mitch, what do you have in mind?”


Ewan ko kung bakit, pero ako ang kinakabahan sa mga mangyayari. Galit si Martin sa mga magulang niya dahil sa lagi nitong pangengealam sa buhay niya, pero sapat na ba iyon para suwayin niya ang mga ito? Hindi ko tuloy maiwasang tanungin ang sarili ko kung tama ba itong ginagawa naming pagkonsente kay Martin.


“Be a gay.” Walang ka abug-abog na wika ni Mitch.


Hindi namin alam kung matatawa ba kami o maaasar sa sinabing iyon ni Mitch. Leteral na napanganga sina Kim at Renjie habang ang madaldal at masungit na sina Leslie at Beth ay bakas ang pagkagulat.


“Was that a joke girl? Dapat na ba kaming tumawa?” Basag ni Beth ng makabawi ito sa pagkabigla.


“Seryoso ako. Make your parents believe that you’re gay. That way hindi ka nila mapipilit na mapakasal sa babaeng ipinagkasundo nila sayo.”


Kung hindi lang siguro kasalanan upakan ang isang babae ay inupakan ko na si Mitch. Ito na ata ang pinaka stupid na ideya na naisip niya.


“May butas ang ideya mong yan Mitch.” Wika ni Renjie. “Kung ako kasi ang magulang ni Martin lalo ko siyang ipapakasal kung ganun nga siya.”


“Tama si Renjie. Mas lalong mabibigyan ng rason ang parents ni Martin na ipakasal siya sa ideya mong yan.” Pagsangayon naman ni Kim.


Pinili kong huwag magkomento at makisali sa usapan dahil sa apektado ako sa ideya ni Mitch. Si Martin naman ay nakatulala lang kay Mitch na para bang hindi ito makapaniwala sa ideya nang kaibigan namin.


“Alam ko at nagawan ko na nang paraan ang bagay na yan.” Wika ni Mitch sa mga ito na sinabayan pa nito nang nakakagagong ngiti. “Martin, kelan pag-uusapan ng pamilya mo at pamilya nang unwanted fiancé mo ang kasal niyo?”


Napunta kay Martin ang tingin namin pero halatang masyado itong nabigla sa ideyang iyon ni Mitch dahil hindi ito nakasagot. Tulala lamang itong nakatingin sa kawalan.


“Earth calling Martin!” Malokong wika ni Mitch para makuha ang pansin nito.


“H-Huh?” Tugon nito nang sa wakas ay makabawi na sa pagkabigla. Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla sa ideyang iyon ni Mitch. Kilalang babaero si Martin at ngayon para matakasan nito ang makasal sa babaeng pinili nang mga magulang nito ay kailangan niyang magpanggap na bakla.


“Anong huh? Kelan pag-uusapan ng mga parents mo at parents’ ng fiancé mo ang kasal niyo?”


“Mitch easy lang.” Saway ni Renjie dito. “Natural lang na mabigla si Martin sa plano mo. Hindi biro ang bagay na yan.”


“Alam ko yan Renj. Kaya nga tinanong ko muna siya kung willing ba talaga siyang gawin lahat.” Tugon naman ni Mitch dito.


“Next week. Next week na pag-uusapan ang kasal namin.” Wika ni Martin kahit pa man bakas pa rin sa mukha nito ang pagka-digusto sa ideya. Mukhang desedido na talaga itong makawala sa kanyang mga magulang.


“Teka girl, hindi na ako makasunod eh. Ang gugulo kasi nang mga ulupong na to.” Tukoy nito kay Kim at Renjie na kanina pa laging kumukontra kay Mitch. “Klaruhin ko lang ha. Ang plano mo ay magpanggap na bakla si Martin para hindi matuloy ang kasal di ba? So ano ang konek nang isa pang participant na sinabi mo kanina?”


“Patapusin kaya natin muna si Mitch sa buong plano bago kayo magreact para naman magkaintindihan tayong lahat.” Ani naman ni Beth na sinang-ayunan naming lahat.


“Magpapanggap na bakla si Martin at aamin siya sa mismong araw na pag-uusapan ng mga parents nila ng unwanted fiancé niya ang kasal nila. Yan ang magiging pasabog sa araw na iyon, at syempre walang magulang ang gustong makasal ang anak nila sa isang bakla, kaya uurong ang pamilya nang babae. Para lalong maniwala ang mga ito ay kailangang may kasama si Martin na magpapanggap na boyfriend niya.” Pagsasalaysay nito sa buong plano niya.


Masasabi kong basta talaga kagagahan ay magaling si Mitch. Hindi ko sukat akalain na makakaisip siya nang ganoong klaseng plano.


“Iyan ba ang ibig sabihin mo na kailangan ng isang participant sa plano mo?” Tanong ni Leslie dito na sinagot naman ni Mitch ng ngising nakakaloko nito at pagtango.


“At sino naman sa tingin mo ang sira ulong lalaki ang papatol sa ideya mong iyan?” Wika ni Beth.


Napatingin sa akin si Mitch na hindi inaalis ang ngiting aso nito sa kanyang mukha. Ang nangyari tuloy ay napatingin rin sa akin ang iba pa naming kaibigan pati si Martin.


“Walang iba kung hindi ang partners in crime and at the same time best friend ni Martin na si Kenneth.” Sabay taas baba nito nang kanyang dalawang kilay.


Hindi ako makapaniwala na kasama ako sa plano ni Mitch at higit sa lahat hindi ako makapaniwalang ako ang magiging boyfriend “kuno” ng best friend ko na lihim kong iniibig matagal na panahon na.


“Ma, may isa pa sana akong gustong sabihin sa inyo.” Ang wika ko kay mama nang maalala ang plano na setup ng mga kaibigan namin para matakasan ni Martin ang problema nito.


Dahil sa gusto ko ring matulungan ang best friend ko ay pumayag ako sa plano. Isama mo pang nakita ko sa mukha ni Martin sa gabing iyon ang kapanatagan na ako ang magpapanggap na boyfriend niya.


“Si Martin ba?” Nabigla ako sa tanong na iyon ni mama sa akin. “Wala akong tutol sa kung anu man ang mga balak mo sa buhay Ken. Bilang ina mo ang tanging magagawa ko lang ay protektahan ka sa kahit na anong pasakit na pweding ibato nang mundo sayo, lalo pa’t iba ang pinili mong daan na tahakin.”


Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang mga salitang iyon sa mismong bibig ng ina mo. Ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin at ang swerte ko na siya ang naging ina ko.


“Ito lang ang pakatatandaan mo Ken. Hindi masama ang magmahal ng isang kaibigan pero, hindi lahat ng nagmamahal ay natutugunan. Huwag mo sanang hayaang sirain ng nararamdaman mo para kay Martin ang pagkakaibigan niyo.” Makahulugan nitong sabi.


Tango na lang ang naibigay kong pagtugon kay mama. Hindi ko pa magawang intindihin ang mga sinabi nito sa akin sa mga oras na iyon dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko.


Ngayon, masasabi kong hindi man ako maswerte sa pag-ibig ko, ay swerte naman ako sa mama ko. Kahit hindi buo ang pamilya ko, siya ang nagpupuno nang lahat para sa amin ng kapatid ko. Tanggap ko na rin sa sarili ko na hindi ako magagawang mahalin ni Martin pero bilang kaibigan niya ay tutulungan ko siya dahil iyon ang sa tingin ko ay dapat kung gawin para sa best friend ko, at salamat sa kanya dahil kung hindi sa sitwasyon niya ay hindi ako magkakalakas ng loob na sabihin kay mama ang tunay kong pagkatao.


_______________


Dumating ang araw na kailangan na naming isakatuparan ang planong naisip ni Mitch. Umaga pa lang ay sobrang kabado na ako sa maaring kalabasan ng gagawin naming pagpapanggap ni Martin. Halata sa mga kilos ko na hindi ako mapakali.


Ang usapan ay susunduin ako ni Martin sa bahay bandang ala-syete nang gabi. Pero alas sais palang nang umaga ay parang ma-iihi na ako na ewan sa sobrang kaba ko.


“Kuya okey ka lang?” Pagpansin sa akin ni Chester habang paroo’t parito ako sa aming sala.


“Wag mo nalang akong intindihin manuod ka na lang diyan.”


Ni minsan ay hindi ko pa nagawang makausap ang parents ng best friend ko, tapos ngayon ay bubulagain namin ang mga ito sa isang kasinungalingan para lamang matulungan ko ang kaibigan ko.


Simula't sapul alam kong hindi maganda ang gagawin namin mamaya, pero hindi na ako pweding umatras gagawin ko ito para kay Martin.


Kaya ko to. Ang pangungumbinsi ko sa aking sarili kahit pa man nanginginig na ang tuhod ko sa sobrang kaba. Inisip ko na lang na para kay Martin ang gagawin kong ito.


______________


Natapos ang buong araw na napakabilis. Dumating si Martin sakto sa sinabi nitong oras, pareho kaming walang imik sa loob ng sasakyan marahil ay kinakabahan din ito sa kung anu man ang pweding mangyari mamaya.


“Kenotz?” Tawag nito sa aking pansin dahilan para mapatingin ako sa kanya. “Salamat sa pagtulong mo sa akin ha. Alam kong hindi rin madali para sayo itong gagawin natin.”


Hindi na ako nagtataka kung bakit handa akong gawin ang lahat para sa best friend ko at kung bakit ko siya minahal sa loob ng apat na taon. Ang natural na pagiging maalalahanin nito ang siyang rason kung bakit ko siya nagustuhan bilang kaibigan, at kung bakit siya ang pinili nang puso kong mahalin.


“Ikaw ba? Handa ka na ba sa pweding mangyari pagkatapos nitong gagawin natin? Kaya mo ba ang buhay na walang suporta galing sa mga magulang mo?” Balik tanong ko sa kanya.


“Siguro. Alam kong pwedi nila akong itakwil sa gagawin nating ito, pero andiyan ka naman di ba? Hindi mo naman ako iiwan?”


Isang matamis na ngiti ang ibinigay kong sagot sa mga tanong niya, at sapat na iyon para malaman niya na kahit ano pa man ang mangyari ay hinding hindi ko siya iiwan sa ere.


Ilang minuto pa ang nakalipas ng ihinto nito ang kanyang sasakyan sa isang two storey na bahay. Sa labas palang ng bahay na iyon ay masasabi mo nang may kaya ang pamilyang nakatira doon. Malawak ang garden ng bahay na iyon at halatang alagang alaga ang iba't ibang klase nang halaman doon.


“Ito na ba ang bahay niyo?” Ang naitanong ko nalang sa sobrang pagkamangha.


“Iyang magandang bahay na yan ang kulungan ko.” May bahid ng pait na tugon nito sa akin. “Tara na sa loob, naroon na silang lahat.” Dagdag pa nitong sabi at nagpatiuna nang bumaba nang sasakyan.


Pinagbuksan kami nang isang babaeng naka-uniporme na sa tingin ko ay isa sa mga katulong nila. Agad akong niyaya ni Martin sa dining area nila kung saan naroon na daw ang parents niya kasama ang fiancé niya at ang parents nito.


Panandalin kong nailibot ang mga mata ko sa loob ng bahay na iyon at masasabi kong lahat ng gamit na nasa loob ay mamahalin.


Kaya ba talagang talikuran ni Martin ang lahat ng ito para lang sa kalayaan na gusto niya? Ang hindi ko mapigilang maitanong sa sarili ko.


“Iho! Mabuti naman at nakabalik kana.” Ang bungad ng lalake sa amin nang marating namin ang dining area nila.


“Good evening everyone.” Bati naman ni Martin sa mga ito.


“And you are?”


“This is Kenneth pa. He will be joining us tonight.” Tugon nito sa lalaki na kanya pa lang ama.


Binigyan ako nang mapanuring tingin ng mga ito dahilan para mapayuko ako sa sobrang hiya. Nagsimula na namang bumilis ang tibok nang aking puso at pamumuo nang pawis sa aking noo dahil sa sobrang kaba.


Naramdaman ko na lang ang paglapat ng mga kamay namin ni Martin at nang tumingin ako sa kanya ay binigyan ako nito nang ngiting nagsasabing magiging okey ang lahat. Hindi ko alam kung totoo iyon o iyon na ang simula nang aming pagpapanggap.









Itutuloy:

24 comments:

Anonymous said...

this part is so exciting, hahaha, sana maging maayos ang lahat, at bilib din naman talaga ako kay martin, dahil kaya niyang iwanan ang karangyaan ng buhay niya para lang maging malaya... mmmmm...



Keep writing daddy zeke, ehehe, me like your stories.


-eusethadeus-

kristoff shaun said...

my most awaited part of the day sana'y matupad ang pinangakong chapter 4 bukas hahaha i love you papang ... :))

James Chill said...

Ho my gash story ulit! Nagpapalpitate ako while reading... Kaloka... Ganda ng chapter na itetch!

Master_lee#027 said...

Yeah ,next chapter is the most exciting and more drama...........napaka susupense ng magaganap sa next chapter....naku,naku sigurado marami magaabang nito.......keep it up:):)

jEh said...

nako sana naman di matuloy ang balak nila. kawawa naman si Ken.
ginagamit sya ng ibang tao para lang sa kaligayahan nila :(

kung ako na lang ako ang magpanggap? hahahahahah

Zildjian said...

Sorry naman shaun hahahaha! yaan mo't babawi nalang ako sa susunod :D pramis!

Zildjian said...

Bakit biglang nawala ang picture mo bayaw? Ano nangyari sayo? :D hahahahaha

Lawfer said...

bitin lng :/

Gerald said...

The most awaited part of the story is up next...

Yume said...

EEEEERRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR
this is getting more exciting.. wew
ung tipong ayaw q muna basahin ung next na paragraph sa sobrang kaba >.<
hahahhahaha..
nice one po Mr. Zeph
-Yume

rheinne said...

Parang ako din naiihi sa tensyon hahahaha

--makki-- said...

shamelessly exciting! LOL

DownDLine said...

scroll down pa ako.. baka may kasunond pa ehh...errr,,BITIN!!! kuya Z nman ehh wag ganun!

JayAr said...

The best k talaga zild! Next n! hehehehe

Anonymous said...

nice one kuya Z!!...
i Like the concept of the story...
keep up the good work...

-edrich

Migs said...

Nice chapter Zephiel! :-)

russ said...

hanep..pati ako kinakabahan na..maka.ihi nga muna bago ko basahin ulit hehehehe..parang naiihi ako kasi..sa sobrang kaba.

ZROM60 said...

exciting ung next chapter. whoaaaahhh!

Unknown said...

anganda.. :p mabruk!

Anonymous said...

keeps getting better.. waahh..!! exciting..

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

next na dali! :) haha=dereck=

Jm_virgin2009 said...

friends turn to lovers.. YEAH!!! GUS2 KO YAN.


sana may mapuntahan ung pag papanggap nilang 2..


next na agad po.. mwuahhhhhh

Anonymous said...

Haha! Pati ako kinakabahan! Ito talaga ang chapter na talagang may 'Kaba Factor' hahaha!

--ANDY

Anonymous said...

exciting to!!pero nakakanerbs!haha..
Ako ang kinakabahan sa planong ito ng mga mokong eh!:D

-monty

Post a Comment