by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com
Maraming salamat sa lahat ng nag-comment sa prologue ng Make Believe! Masaya ako na kahit medyo matagal-tagal rin akong natigil sa pagsusulat ay may mga tao paring naghintay sa pagbabalik ko “kuno.” (Para namang nawala ako noh?) HAHAHA
Salamat sa bayaw kong kupal na si Jeh na siyang unang
nag-comment sa prologue hahaha.. Gusto niya kasing batiin ko siya kaya ayan binati
ko na para di umiyak. Hihihihi
Sana ay magustohan niyo ang unang chapter ng kwentong ito. Enjoy Reading guys and keep the damn comments coming! Ingat tayo lagi!!! Zildjian
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Malapit na tayo maggraduate ano ba ang
balak mo?” Kasalukuyan kaming nasa bahay ng bestfriend kong si Martin. Simula first
year college ay naging kaklase ko ito hanggang ngayong fourth year na kami at
malapit nang mag-graduate sa kursong Economics.
Una ko itong nakilala no’ng enrolment pa lang at dahil sa
medyo may pagka-kalog ito ay agad ko siyang nakasundo. Doon ko rin napag-alaman
na pareho pala ang kurso naming kukunin ang pinagkaibahan nga lang ay pinilit
lang siya ng mga magulang niya na kunin ang kursong ito samantalang ako ay
matagal ko nang pinagplanuhan.
Kahit na naging matalik kaming magkaibigan ni Martin ay may
mga bagay parin akong hindi sinabi sa kanya. Tulad nalang ng sexual preference
ko. Takot kasi akong lumayo ito sa akin kapag nalaman niya ang tunay kong
pagkatao at takot rin ako na baka kumalat ang pinakatatago kong sekreto. Mas
gusto ko ang tahimik na buhay at wala akong balak na ipangalandakan sa lahat
ang sekswalidad ko.
Naging maganda ang samahan namin ni Martin bilang isang
matalik na magkaibigan. Ako ang laging karamay nito tuwing nagkakaproblema ito
sa kanyang pamilya. Masyadong controlling ang ina at ama nito sa kanya sabagay
dahil parehong professional sa kanya-kanyang field kaya naman gustong gusto ng
mga ito na sundan ang mga yapak nila ng kanilang nag-iisang anak.
Subalit iba ang gusto ni Martin. Gusto nito ng malayang
buhay, ayaw na ayaw nito na ginagawa siyang puppet kaya ang kinalabasan ay nagiging
rebelde at bilang kaibigan nito ako ang laging karamay nito kapag nasasangkot
sa kung anu-anong gulo. Ang maganda lang kay Martin ay nakikinig ito sa mga
paliwanag ko kaya naman medyo nabawasan na ang pagiging sira-ulo nito.
“Hindi ko pa napag-isipan ang tungkol sa mga bagay na yan.
Siguro mag-self review na lang muna ako at kukuha ng eligibility exam ng civil
service.” Tugon ko sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa hawak kong mga papel
na resulta ng feasibility study namin bilang requirements para sa finals namin.
“Masyado ka talagang seryoso sa buhay.” Ang wika nito sabay
agaw sa akin ng mga papel na hawak ko. “Magpahinga muna tayo at masakit na ang
mata ko.” Dagdag pa nitong wika.
“Puro ka pahinga alalahanin mong next week na ang deadline
natin. Kapag wala tayong naipasa paniguradong patay tayo pareho.”
“Wala rin naman akong balak na hindi tapusin ito noh.
Nasusuka na ako sa pagmumukha ni Dean gusto ko nang makawala sa kanya.” Wika
nito sabay ngisi.
Ako man ay napangisi na rin dahil rumehistro sa isip ko ang
imahe ng Dean namin na ubod ng sungit.
Trip na trip nitong pansinin si Martin dahil sa lagi nitong tinutulugan ang
major subject namin na hawak nito.
“Ikaw naman kasi panay tulog mo sa subject niya kaya ka
napag-iinitan. Bawasan mo muna kasi ang pakikipaglampungan mo sa jowa mong
parang linta.” Tukoy ko sa girlfriend nitong wala nang ibang ginawa kung hindi
ang dumikit at bumuntot sa kanya.
Hindi ko naman masisisi si Zeny kung bakit ayaw na nitong
mahiwalay sa bestfriend ko. Bukod kasi sa may kaya ang pamilya nito ay hindi
rin pahuhuli si Martin pagdating sa hitsura dahil na rin sa half Chinese ang
loko. Purong pinoy ang nanay nito na nakasal sa purong intsik na tatay nito
dahil sa isang kasunduan. Ganun naman sa mundo ng mga mayayaman. Hindi rin
pahuhuli ang tikas ng katawan nito na alaga sa gym kaya kahit malakas itong
lumaklak napapanatili pa rin nito ang magandang hubog ng katawan.
“Isa pang sakit sa ulo ang isang yon. Ayaw maniwalang kasama
kita ngayon at abala tayo sa pagtapos ng mga requirements natin kaya nga
pinatayan ko na ng cellphone, ang kulit kasi.”
“Bago yan ah! Pinapatayan mo na ng cellphone ang babaeng
yon?” May bahid ng panunukso kong sabi.
“Nakakasawa na rin kasi. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko
ang makitid ang pag-iisip. Puro pagpapaliwanag na nga ang ginagawa ko sa bahay
tapos dadagdag pa siya.”
“Masyado mo kasing sinanay kaya ganyan.” Sanay na ako sa
himutok nito sa kanyang mga magulang. Sawa na rin ako kapapaliwanag sa kanya
kaya di ko na lang pinapansin para narin makaiwas sa kung anumang diskusyon sa
sobrang galing nitong mangatwiran.
“Wag na nga nating pag-usapan yan naaasar lang ako lalo.”
Pagtatapos nito sa usapan. Ganito naman lagi ito kapag alam nitong hindi ako
masyadong interesado sa usapan ay agad nitong tinatapos, isa sa mga nagustohan
kong ugali nito. “After graduation daw beach party sabi ni Leslie. Sasama ba
tayo o magiging KJ ka na naman?” Dagdag wika nito na may himig ng pang-aasar.
“Depende sa mood ko sa araw na iyon.” Balik pang-aasar ko
dito dahilan para batuhin ako nito ng unan na ginantihan ko naman. Ganito
talaga kami magkulitan ng bestfriend kong ito.
Natigil lang kami sa sunod-sunod na katok ni mama sa labas
ng aking kwarto.
“Masyado na kayong matanda para magkalat. Bumaba na kayo’t
kakain na tayo.” Bungad ni mama nang mapagbuksan ko.
“Sige po ma susunod kami.” Nakangisi kong wika dito.
“Tita ano po ba ang ulam ngayon?” Sabat naman ni Martin. Sa
halos apat na taon naming pagiging magkaibigan ni Marin ay naging close na ito
sa pamilya ko. Dahil sa halos lahat ng oras ay kami lagi ang magkasama.
“Sweet and sour na lapu-lapu alam kong gustong gusto mo ang
sabaw nun.” Nakangiti naman nitong tugon kay Martin. Ititnuring na rin kasi ni
mama ang bestfriend ko bilang kapamilya.
“Wow! Tara na tita mauna na tayo sa baba.” Wika nito at
akmang lalabas na ng kwarto nang pigilan ko ito sa pamamagitan ng paghablot sa
damit nito.
“Hep! Saan ka pupunta?” Wika ko dito.
“Kakain na. Sabi ni Tita masama ang pinaghihintay ang grasya
di ba tita?” Nakangisi nitong wika na ginantihan naman ng pagngiti ni mama dito
at pagtango. Talagang kinonsinte ang kalokohan nitong si loko.
“Hindi ka kakain hanggat di natin nalilinis ang kalat dito
sa kwarto.” Wika ko dito na nakakunot ang noo. “Sige ma susunod na lang kami sa
baba.”
Wala nang nagawa si Martin kung hindi ang mapakamot na lang
sa kanyang ulo at sinimulang ayusin ang mga unan na nagkalat sa baba ng kama
dahil sa kalokohan namin. Ako naman ay itinabi ko ang mga papel na tinatapos
namin bago kami sabay na bumaba para kumain na nang hapunan.
____________
“Walang kakupas-kupas Tita Joy ang galing mo pa ring
magluto. No’ng una kong matikman ang luto nyo na adik agad ako kaya madalas na
ako dito sa bahay niyo.” Ang wika ni Martin. Umandar na naman ang pagiging
bolero nito at pati ang mama ko ay hindi pinalampas.
“Syempre naman! Oh hala sige kain ka pa ng marami.” Tugon
naman ni mama halatang nahulog ito sa pambobola ni loko. “Chester i-abot mo kay
kuya Martin mo ang kanin.” Utos nito sa bunso kong kapatid.
Madali talagang mabola ang mama ko. Konting karinyo lang ay
bumibigay agad. Marahil ay nakita agad ni Martin ang kahinaan ni mama kaya
naman sa halos araw-araw nito sa bahay ay binubusog nito si mama ng mga kung
anu-anong papuri.
Two years old pa lang si Chester at eight years old naman
ako nang iwan kami ng papa namin. Sumama ito sa ibang babae na nakilala nito sa
ibang bansa nang magtrabaho ito doon bilang OFW. Sa murang edad kong yon ay
nakita ko kung papaano nasaktan ang mama ko, nagsumikap ito sa buhay para
lamang matustusan nito ang pangangailangan naming dalawa ng kapatid ko.
Wonder woman. Yan ang bansag namin ni Chester sa mama namin
dahil sa halos ito na ang gumagawa ng lahat ng bagay kapag may mga pasok kaming
pareho ng bunso namin.
Hindi naman nabigo si mama sa pagpapalaki niya sa aming
dalawa. Maaga kaming natuto ni Chester sa buhay para matulungan namin si mama. Kapag wala kaming pasok ay kami ang
gumagawa ng mga gawaing bahay at siya naman ang pinagpapahinga namin. Ito lang
kasi ang alam naming paraan para naman masuklian ang kanyang mga sakripisyo para
sa aming dalawa.
“Siyanga pala, ano ang balak niyong dalawa after niyo
maggraduate?”
“Si Ken tita may balak na pero ako wala pa. Hindi ko pa alam
kung ano ang susunod na hakbang ng mga magulang ko.” May bahid ng sarkasmo
nitong sabi.
Alam din ni mama ang problema ni Martin sa mga magulang niya
dahil minsan kay mama ito nagsusumbong tungkol sa mga hinaing niya sa mga magulang
nya.
“Ano ba ang gusto mong gawin?” Ang tanong ni mama rito.
Nanatili lang akong nakikinig sa kanilang usapan. Kapag ganitong tungkol na sa
pamilya ni Martin ang usapan hinahayaan kong si mama ang kumausap nito dahil si
mama lamang ang makakaintindi sa mga hinaing niya.
“Ang makapagdecide sa sarili kong buhay.” Tugon ni Martin
dito. “Ang swerte nga ni Ken na kayo po ang mama niya tita eh. Kasi kayo,
sinusuportahan nyo po lagi ang gusto nila hindi tulad ng mga magulang ko.”
Kahit gustuhin ko mang tulungan si Marin sa problema nito sa
pamilya niya ay di ko magawa hindi ko kasi alam kung papaano. Ni hindi ko pa
nga nakikilala o nasisilayan man lang ang mga magulang nito kahit na matagal na
kaming magkaibigan.
“Na-subukan mo na bang kausapin ang mama mo about sa mga bagay
na yan?” Tanong ni mama sa kanya.
“They said that they only wanted the best for me. Hindi ko
iyon maramdaman kaya nga po nagsusumikap akong makapagtapos para kapag may
trabaho na ako makakaalis na ako sa puder nila at magagawa ko na ang mga bagay
na gusto kong gawin.”
Naiintindihan ko kung bakit hindi na sumagot pa si mama.
Ayaw rin siguro nitong palakihin pa ang tampo ni Martin sa mga magulang nito.
Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain habang nagkukwentuhan tungkol sa
nalalapit naming pagtatapos ng college.
Natapos ang hapunan at muli naming ipinagpatuloy ni Martin
ang ginagawa naming feasibility study. Napansin ko na mas lalo itong naging
focus sa aming ginagawa. Habang tinitignan ko siya ay hindi ko mapigilang
mapangiti. Ang laki na rin kasi ng ipinagbago ni Martin simula ng una ko itong
nakilala. Kung noon ay easy-go-lucky lang ito at walang ibang alam kung hindi
ang asarin ang iba naming kaklase, ngayon ay masasabi kong nagmature na ito
kahit papaano. Alam na nito ang gusto niya sa buhay dahilan para magsumikap
itong makapagtapos.
Hindi naman ako santo para hindi tablan sa kakisigang taglay
ng bestfriend ko. Magsisinungaling ako kung sabihin kong wala akong
nararamdaman sa kanya pero mas pinili kong ibaon sa limot ang kakaibang
paghangang iyon dahil sa mas gusto kong magtagal ang relasyon na meron kami at
iyon ay bilang isang matalik na magkaibigan.
___________
Dumating ang araw na pinakahihintay naming lahat – ang araw
ng graduation namin. Dahil sa pagsusumikap namin ni Martin ay pareho kaming
nakagraduate.
“Nakagraduate din tayo Ken.” Magiliw nitong wika. Katatapos
lang ng madugong picture-taking ng batch namin.
“Oo nga eh. Sa wakas wala nang kung anu-anong quiz ang
bubulaga sa atin araw-araw.” Ang nakangisi ko ring tugon sa kanya.
“At wala nang demanding na professor ang gugulo sa mundo
natin araw-araw isama mo pa ang nakakatakot na pagmumukha ni Dean.” Gatong pa
nito na ikinatawa naming dalawa.
“Sino na naman ang pinagtri-tripan niyong dalawa?” Wika ni
Kim. Isa sa mga ka-batch namin at naging matalik rin naming kaibigan.
“Bawal ang tsismoso masama daw iyon sa bagong graduate.”
Basag ni Martin dito.
“Wag kang magpapapaniwala sa alamat tol.” Ganting pang-aasar
nito. “Sa makalawa na ang beach party sasama ba kayong dalawa?”
“Syempre sasama kami. Di namin palalampasin ang pagkakataong
makita ang ka-sexy-han ni Leslie.” Sa sinabi nito ay napatawa kaming tatlo ng
malakas. Kabaliktaran kasi ng salitang sexy ang pigura ni Leslie.
“Kung makapanlait kayo akala nyo ang gaganda ng mga
girlfriends niyo.” Singit ni Leslie na nasa likod pala namin. “Hoy Mr. Medillo kung sasama ka siguraduhin
mong hindi mo isasama yung girlfriend mong linta at baka masira ang farewell
party natin.”
“Huwag kang mag-alala Les hindi siya kasama dahil wala na
kami.” Nakangisi nitong tugon.
Napataas naman ng kilay si Leslie sa kanya habang ako naman
ay binigyan siya nang di naniniwalang tingin.
“Kasasabi ko lang bawal ang tsismoso’t tsismosa kapag bagong
graduate.” Wika nito. “Text mo lang kami ni Kenotz kung saang beach yan at anong
oras para masaya.”
Alam naman naming kahit pilipitin pa namin ang leeg nito
hindi ito magsasabi kapag ayaw nito. Iyon ang isa sa mga ugali ni Martin kaya
naman hindi ko na ito inusisa pa tungkol sa paghihiwalay nila ng girlfriend
niya. Pasasaan ba’t magkukwento rin ito sa akin kung handa na sya, ako lang
naman kasi ang tanging taong napagkukwentuhan nito ng lahat-lahat.
Hindi nakapunta si Martin sa konting salo-salo na inihinda
sa akin ni mama dahil naghanda rin daw ang mga magulang nito. Napag-usapan na lang
namin na susunduin na lang niya ako sa bahay sa araw ng farewell party na
ini-organize ng mga ka batch namin.
Naging bisita namin ang mga pinsan ko sa side ni mama pati
na rin ang mga kapit-bahay namin. Naging masaya ang buong gabi. Sa sobrang
pagod ko dahil sa laging kulang ako ng tulog sa mga nagdaang araw para lang
matapos ang lahat ng requirements namin ay maaga akong nakatulog.
Dumating ang araw ng farewell party namin tulad ng
napagkasunduan at sinundo nga ako ni Martin pero agad kong napansin ang
kakaibang aura nito. Bakas sa mga mata nito na may bumabagabag sa kanya kahit
pa man ngumingiti ito nang kausap nito si mama.
Kahit sa biyahe ay hindi ito umiimik halatang may malalim
itong iniisip. Dahil na rin sa marami kaming kasabay ay hindi ko ito nagawang
tanungin.
Nang makarating kami sa beach resort na napili nina Leslie
ay medyo nabawasan ang pagiging seryoso ni Martin. Nakikipagkulitan ito sa mga
kaibigan namin hanggang sa dumating na ang gabi ang high-light ng party na
iyon.
Pinili namin na sa may bungahinan lang pumuwesto para
masilayan namin ang kagandahan ng buwan sa gabing iyon. Nagsimula ang inuman,
kulitan, banatan at ligawan. Habang ako ay minamatyagan ang mga kakaibang
kinikilos ni Martin sa buong araw na iyon. Hindi kasi ako sanay na nakikita
siyang may malalim na iniisip. Kahit kasi maraming problema sa buhay ang
bestfriend ko ni minsan ay hindi ito nagpadala, ngayon lang.
“Mga pare at mare sandali lang ha. Usap lang kami nitong
bestfriend ko.” Biglang wika ni Martin sabay tayo. Napatingin ako sa kanya at
alam ko na sa mga oras na iyon na handa na itong sabihin sa akin ang mga
bumabagabag sa kanya. Hindi na ako nagdalawang isip pa, tumayo na rin ako at
sinundan ito sa may dalampasigan.
Itutuloy:
30 comments:
ang ganda ng prologue at intro kuya! wala pa ring kupas ang aling nyo :) nxt na po :D hahahaha!
wew.. kinakabahan ako.. hahahhaaha..
anu ang susunod na kbanata >.< eto lang uuwian ko sa bahay namin hahaha :)
kasama kaya siya sa gustong gawin ni Martin sa buhay niya? lalo nat graduate na ito. isa kaya siya sa mga dahilang kung bakit gusto na niyang umalis sa puder ng mga magulang niya?
Salamat sa Update Mr. Z. Idol! :)
ayos, may susubaybayan na naman na bago..keep it up po...
XoXo
galing mu tlga kua z... kahit wala pa ung high light ng story eh naging interesting pa din..ehehe
empire
yes.. i love it..
God bless.. -- Roan ^^,
Ano kaya paguusapan nila? impeachment ni corona o pagtaas ng Lpg? Sana lpg na lang kse wala nman kwenta impeachment pagalingan lang ng abogado sayang lang oras ng mga magagaling(daw) na senators at hunghang nating gobyerno at since economics graduate na cla dapat lang ung pagtaas ng LPG pagusapan nila. Waaahehehe la lang. Wala kse akong macomment. Pa-cute lang po... Lol
hmmmmm.. what bothering him??? exciting na agad... sir Z..next na!
Interesting start daddy zeke, npka mysterious nmn nitong si martin, parang andami tinatago, hahaha, magwawait nlng ako s mga pasabog nito, hahaha, excited much tlga pgbblik pagsusulat mo daddy zeke.. Hahaha
-eusethadeus-
bagong aabangan na naman.
Lmao!! Anong impeachment lOl? Hahahaha ang lakas ng tawa ko doon. Anyway, wala muna akong sasabihin about sa kwentong ito basta enjoy lang po kayo sa pagbabasa :D
Huwow! At talagang hindi ka parin nawawala sa mga taga comment ko Chris... hehehehe thank you! :)
Tsalamat bunso!! Masaya ako na na-eenjoy mo ang story.. hehehe ^___^ yung sayo? Tapos na ba?
hala! nu kya ung pguusapan nla????
next chap n zuper z!
...pra epilogue n agd tyo! hihihi
w
e
r
d
anong kaguluhan to? hahahahaha..
pakibilsan ngang mag-update! hihihihihihi
May hula ako... pero ayoko sabihin baka mali... hahahaha... good job author... kayo na talaga ni dranski ang fave authors ko... maganda na story regular pa yung update.. keep up the good work... hehe.. :) silent_al
Hahaha...pamilyar ba ang story na ito..hahaha...hango sa totoong buhay ata ito..hahahaha
As expected! Nice chapter idol Z! Hahaha! Pansin ko din na konti na lang typo mo.. Haha! Nakatulong yata ang pahinga.. XD
next na agad!
Napaisip ako sa bagay na gumugulo kay Martin..
Ano kya un? Buntis kya c ExGF nya? XD
excited na sa chapter 2!
pag uusapan lang nila kung panu patatakbuhin ang storya nila ni zeeee!!ganda naman,myk here yung makulit na gusto ka makita sa cam
Huwow! ang galing mo parin Z! Walang kupas.
and the trademark of yours, maintained parin. ikaw talaga ang author neto. haha. Oi, compliment yun huh, don't take as negative.
Feeling ko gusto sya ipakasal ng parents nya... eh ayaw nya kaya magpepratend silang magsyota.. hahaha...
HAHAHA naman! Salamat J Mar sa comment :) hihihihi sana mas ma-enjoy mo pa ang mga susunod na chapter nito.
HAHAHA! Hello Myk :) LOL storya talaga namin noh? Kaw talaga..
yehey..
Aabangan ulit..galing mu mr. Z talaga..
Goodluck and Godbless
jrard:)
Huwaw may bago na... Another Zmasterpiece na naman hehe ganda!
-philip
salamat naman nagbalik ka na nga author.. dahil sa plot pa lang malalaman mo na isa naman ito primera klaseng kwento..
eihhhhhh.... walang kupas..
-cham-
wow!.
parang may mangyayari na agad ah..hehe..exciting.
keep it up idol,z.
sr143
Nice! Nice! Ano kayang sasabihin ni Martin!!???
Jump to the next chapter! Haha! Kagabi ko lang nasimulan to eh.
--ANDY
hhmmm,,kaabang-abang ang story.^^
nxt chap na pra mlaman ang drama ni martin.hehe
-monty
Post a Comment