By: FUGI
@Master_lee#027
(sobra namang nakakataba ng puso, kung makaproud hehe, salamat salamat I HEART
YOU TOO!)
@MARK13
(yes! may individuality na kayo nong isang mark, ang napili naman nya ay
nurse_mark, say him to him.. hehehe..... salamat ha!)
@NURSE_MARK (meet mark13, sya yong katukayo mo.. hehe, at
about sa hinihiling mo, pwede naman ako ang prize kaso pag nagkita tayo ay wala
nang bawian.. hahahaha patay ka! Hahaha nanakot lang... sige pag-isipan mo ha,
yung madali lang dapat, galing ko pumili no ng code name mo! Apir tayo dyan!)
@Lawfer (malapit
na po ulit syang lumabas:], yan nakakainis nagkaclue ka tuloy.... hahahahaha)
@Stringx
natawa ako dito “Dr. House: (favorite kong doctor) Fuji's on tachycardia.
Defib, charge to 300. Clear! *toot* Charge to 500, clear! *toot*. Sinus rhythm”
hahaha
@
ChuChi
(so ikaw pala ang alagad ni GF, kelangan ko mag-ingat from now on.. hahaha)
@Chris
(hindi ko kasi kayang sabihin ng straight forward tas nung nag-iisip ako ng
pwedeng ipalit, ito lang ang tumakbo sa utak ko “theres........ a LIFE THERE,
BELOW THERE, THRE!” hahaha
@foxriver
(salamat at nagustuhan mo, wholesome kasi tayo muna.. hahaha, kahit ako natawa
din sa naisip kong iyon, at about naman sa matagal mo nang sinasabi sa akin na
wag ito iyong maging last ko na isusulat ay.. baka nga po hindi kasi sobrang
gumagana ang utak ko at ang daming pumapasok na idea kaso hindi pa rin naman
din po sure iyon, I keep you posted BTW.. hehe)
@Mr. Brickwall
(isa ka sa magagaling magcomment promise, natutuwa ako sayo, at about sa
request mo ay susubukan ko po, pero malaki po papel ni angel sa story na ito,
hindi naman sobrang laki, actually maliit lang pero malaki ang idudulot nya
sa...... secret muna, ang daldal ko talaga, kainis. Haha)
@Yume
(sa aking loyalty awardee, wag kang mainggit sa akin, mas espesyal ka pa sa
akin, promise!:])
@slushe.love
(But wait (gusto ko itong but wait mo, pero kulang, dapat BUT WAIT, THERES
MORE.. hahaha), ano kaya ang meron kay Joseph at ayaw palapitin ni Ian si Fuji
dito. A. Bet din ni Joseph si Fuji B. Player si Joseph C. Possessive lang
talaga si Ian, letter D ang sagot ko non of the above, hahaha wala sa choices,
at at wag ka na lang po mag-isip masyado sa istorya na ito, ipaubaya mo na lang
po sa akin, kasi baka hindi mo na maenjoy ang pagbabasa pagnagset ka na ng
expectations... promises!.. hehe)
@akosichristian
(wala nga po kaso, sobra kasing napakalaking kasalanan iyon sa mga tao makitid
ang utak at lagi nilang idadahilan na sobrang kasalanan ito kay papa jesus
kahit ang totoo ay sobrang mapagmahal at wala syang pinipili, mapaano ka pa
man, tama ba? Amen!.. :], at about sa palaro ko ay kasi halos pareparehas kayo
ng sagot kaya pinili ko na lang yung mas nag-effort.. hehe CI ka pala? Pwede ba
kitang halilihan sa trabaho mo, tutal pagod ka pa naman.. hehe)
@
kina: JONREY QC, ras, jemyro, Lloydie :),
januard, =dereck=, kevinblues, darklord, marL, at Charlette Paul na sobra
sobrang kinilig, stay put lang kayo. Hahahaha what a spelling.. hahaha, may
masabi lang.. pero sabrang salamat kasi nararamdaman nyo yung nararamdaman ko
nung sinusulat ko yung chapters na iyon.. salamat!)
@J
(kababayan
about sa tinatanong mo, base sa point of view ko, doctor lang po talaga ang may
kakayanan na makapagsabi noon pero just to give you a back ground about cancer,
ang cancer po kasi ay “FAST” abnormal cell growth (at lahat ng organs sa ating
katawan pwede nya atakihin, kaso kung alin yung una nyang inatake, ex ovaries,
yun po yung magmamanifest agad na pagnadiagnose, ovarian cancer ang tawag tas
pag hindi agad naagapan pati yung mga ibang organs ay maaari na ring madamay)
pero let’s just say na yung patient ay
may cancer of the ovaries nga tas nag-udergo sya ng treatment at gumaling
naman, hindi ibigsabihin noon wala na yung cancer nya, wala na sa ovaries nya
pero pwedeng lumipat sya sa ibang organ na may katulad na cells ng sa ovaries
(alam mo naman na dalawa ang ovary ng babae, ano pa ang organ sa body natin ang
dalawa na pwede tayong mabuhay kahit wala ang isa?........... kidneys at lungs
diba (o diba ako na rin ang sumagot), pwede pong lumipat doon yung cancer kasi
parehas mo dila ng cells.. kaya masyadong complicated po kasi.. hehe, pero
katulad nga po ng sabi ko consult the doctors kasi ngayon naman sobrang dami na
nang machines na nakakadetect agad ng ganoong sakit kaya masasabi agad nila
kung pwede magdonate yung cancer patient o hindi... nagets mo ba, pasensya na
kung ang dami kung nasabi.. hehe parang nagtrivia lang tuloy.. hahaha)
@ sa mga anonymous na nagpahayad
ng kanilang saloobin sa mga nagdaang chapters ay sana po ay magpakilala kayo
para mo mapasalamatan ko kayo ng personal.. hehe TY pa din po!)
@ sa mga LIHIM na TAGASUBAYBAY ay
TY din po! Hehe
@ syempre sa KUMUMPLETO ng STORY na ito dahil sa paggawa nya
ng isang “EPIC STORY COVER”, sayo MAKKI, sobrang mahal na kita, pakiss nga.. hehehe. Super duper
SALAMAT SAYO!
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po
ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang
naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na
author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA
TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman
ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang
(50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na
30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10%
lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra
pa kwento
“Pero sadyang laging may kapalit
lahat ng bagay dito sa earth, na ang akala mo ay tuloy tuloy na ang magagandang
nangyayari sa buhay mo ay tsaka ka bibiglain ng kung ano anong pagsubok” – thats LIFE and thats what you called
REALITY:[
-------0o0-------
Nakatulog
ako nang sobrang hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko sa araw na iyon,
ang daming nangyari na talaga namang bumuo sa pagkatao ko, na akala ko malabong
mangyari, na napakaimposibleng maganap, pero PWEDE PALA:]
Kahit kela
mama, john at ultimo kay bibang batang si angel hindi nakaligtas, buti na lang
at hanggang puna lang sila at hindi na nag-usisa pa, kasi naman si ian ih! Hehe
Hanggang
panaginip ay kasa kasama ko ang taong rason ng mga ngiti sa labi ko, kaya naman
naging napakahimbing ng tulog kong iyon at dahil doon ay ay tinanghale ako ng
gising buti na lang to the rescue si mama at naagapan ang pagiging late ko sa
klase ko sa araw na iyon
Nang tingnan
ko ang orasan at magseseven na
“Patay! May
usapan pa naman kami ni ian, ako nga pala ang susundo sa kanya” nasabi ko
nalang sa sarili ko at agad na nagising ang dugo ko, kumilos agad ng mabilis
para hindi masira sa usapan naming iyon, mahirap na ba magalit pa ang mokong,
isa pa naman tampururot iyon (hehe)
Pero kahit
anong bilis ang gawin ko ay talaga namang nakikipag-unahan ang oras sa akin sa
araw na iyon, na para bang wala syang pakisama at nang-aasar pa, kainis ih!
At nanmuli
kong silipin ang orasan ay lalo lang akong nainis kasi late na ako sa usapan
naming iyon ni ian, at mukhang mahuhuli na rin kami sa klase, kainis talaga ih!
Kasi kasi
Naisipan
kong takasan na lang ang ihihandang breakfast ni mama, dahan dahan akong bumaba
at pagsilip ko sa may kusina, sakto nakatalikod si mama sa aking kinatatayuan,
agad na akong bumwelo ng tahimik na pagtakas ng sa pagharap ko...
Angel: to
nong, no lip mo dyan? (“tito ninong, sino silip mo dyan?” sabi nya sabay
sisilip silip din sya sa kung saan ako nakatingin)
“Ah! Wala
nang lusot!” nasabi ko na lang sa sarili ko at pagkatapos ay BOOM
“O! anak
andayan ka na pala, kain ka muna” nakangiti sabi ni mama, wala na akong nagawa,
dahil kahit anong gawin kong rason kailan kong kumain dahil hindi nya talaga
ako paaalisin, ganoon talaga si mama
Subo-inum ng
tubig-lunok (tama wala nang nguya-nguya, matutunaw naman din iyong kinain ko ng
mga gastric juices sa tyan ko.. haha), hindi ko na din pinansin pa si angel na
nangungulit kahit yung mga sinasabi ni mama, at wala pang tatlong minuto ay
naubos ko na nga iyon at agad nang nagpaalam, nagtatakbo palabas, bukas ng gate,
labas kay drey (motor ko), sara ulit ng gate pagkatapos sakay na kay drey at
agad nang pinaharurot ito, wala nang paipainit ng makina, kasi mas mainit na
pihado ang ulo ni ian.. kasi kasi.. hehe
Naging
mabait naman si pareng trapik sa akin kasi maluwag sya kaya walang naging
aberya at narating ko ng mabilis ang kanto nina ian pero pero sa kasamaang
palad ay ay wala sya kahit saan mang sulok ng kantong iyon, kahit sa ilalim ng
mga tuyong dahon at balat ng tsu-wing-gam na nasa lugar na iyon ay wala sya
(hahahahaha)
“Baka nasa
kanila pa!” may pag-asa kong nasabi sa sarili ko at tinungo ko na nga ang sa
kanila, lakasan na ng loob
Nang mapatapat
na nga ako sa kanila ay agad kong hinubad ang helmet na suot ko sabay lapit na
sa gate nila at akmang “magtatao po” na ay biglang.....
“Fugi!”
pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses at agad din naman akong napatingin
sa kinaroroonan noon at nakita ko nga ang nakangiting si kuya joseph (gwapo
talaga ang lahi nila, pinsan ata nila si Lord ih! Hehehe)
Ako: kuya seph!
(bati ko naman dito kasama ang magiliw na ngiti din at naglakad na ito papunta
sa akin pagkatapos ay agad na din binuksan ang gate nila), ah.. eh kuya....
(hindi ko natapos dahil sa pagsingit nito agad)
Joseph: si
Ian ba? Kanina pa sya umalis, may usapan ba kayo? (tumango na lang ako sa kanya
bilang tugon)
Ako: kuya
seph, una na ako ha! (sa puntong iyon ay hindi na maipinta ang mukha ko kasi
patay ako sa tampururot na iyon, hehe)
Agad na
akong tumalikod at mabilis na tinungo si drey, pero narinig ko ulit si kuya
joseph na nagsalita
Joseph: easy
lang! nahahalata (hindi ko masyado naintindihan, pero hinarap ko pa din ito at
nakangiti itong nakakaloko)
Ako: ano
iyon kuya seph?
Joseph:
napakaswerte sayo ng kapatid ko (magiliw na itong nakangiti, pero nalilito pa
rin ako sa sinasabi niya, masyado talagang vague, kaya nagtapon nalang ako ng
nagtatakang tingin sa kanya at agad naman itong naglakad palapit sa akin),
basta pag-inaway ka ng loko kong kapatid sabihin mo lang sa kuya seph mo, hindi
ko sasantuhin iyon, sumbong mo sa kuya! (nasabi na lang nito habang magiliw pa
rin itong nakangiti at nakatingin sa akin)
Ako: sige
kuya! Yes! may magtatanggol na sa akin pag nag “JINCHURIKI” ang isang iyon
(parang bata kong sabi dito na ikinatawa lang nito, hahaha)
Joseph: ganoon
ba sya kahalimaw magalit? (natatawa nitong nasabi)
Ako: slight!
(natatawa ko ring sagot), kuya tama na baka kung ano na nangyayari kay ian,
isusumbong kita doon (pagbibiro ko na ikinatawa lang ulit nito), sige na kuya
seph, malelate na ako (pagpapaalam ko naman dito)
Nagulat na
lang ako sa mga sumunod na nangyari, bigla bigla nalang akong nakaramdam na may
humablot ng braso ko at ang sunod kong namalayan ay ay ay nakasalampak na ako
sa matipunong dibdib ni bi kuya joseph (mas matangkad kasi sya all most 6
footer na ata)
Sa puntong
iyon ay wala akong nagawa at pagkabigla ang bumalot sa akin na naging dahilan
para hindi ako makagalaw (buti nalang at naihulog ko ang card field ng sa
bakugan at huminto ang oras pati na rin ang paggalaw ng tao, bagay o kahit anong
living things sa earth na naging dahilan para walang makakita ng yakapan na
iyon... haha joke, yes naisingit ko ito! Hahaha)
Nagising na
lang ako ng biglang magsalita si kuya joseph..............
Joseph:
payakap lang (at lalo kong naramdaman ang paghigpit ng yakap niya na naging
dahilan para lalo akong maisiksik sa kanya), masyado mo kasi akong pinasasaya
(bulong nito kasabay noon ay dahan dahan na din nitong inalis ang pagkakayakap
niya sa akin)
Naiilang at
nahihiya ako (kasi kasi) at at agad kong tiningnan ang paligid at nakahinga ako
ng maluwag dahil wala namang tao, wala naman sigurong nakakita, pagkatapos ay
agad ko na ding tinapunan ng tingin si kuya joseph ng tingin at nakita ko itong
nakatingin din sa akin at nakangiti ito
Ako: ah..
eh.. (naiilang kong panimula), kuya, a...a...alis na ako (nauutal kong nasabi
at tango lang ang naitugon nito kaya agad na akong sumakay kay drey at ng
napaandar ko na ang makina, narinig ko uli ito)
Joseph:
ingat fugi ha! (humarap ako dito at nginitian ito at saka tuluyan ng umalis)
Sa byaheng
iyon ay halo-halo ang pumapasok sa utak ko isa na doon ay si kuya joseph pero
agad din natabunan iyon ng maalala ko si ian pati na din ang wala nang takas na
pagkalate ko sa araw na iyon
Haist.........!
tanging nagawa ko nalang
Sa
kabutihang palad ay narating ko ng mabilis ang Lyceum at nang silipin ko ang
akong relo 20 minutes na akong latable kaya agad ko nang tinakbo ang room namin
Takbo...lakad..takbo...hinga
ng malalim... takbo ulit hanggang sa wakas ay nasa pintuan na ako ng room namin
iyon, agad kong inayos ang aking sarili at pagkatapos ay agad ko nang pinihit
ang doorknob sabay bukas ng pinto
Narinig ko
naman nahindto ang ingay na sa tingin ko naman ay discussion na iyon at agad na
nagtinginan sa akin ang mga tao sa loob na iyon
Pero imbis
na sila ang pansinin ko ay, inunang hanapin ng paningin ko ang prisensya ni ian
at ilang sandali pa ay namataan ko na ito at nagtatakang hindi man lang ako
itinapunan nito ng tingin at ang isa pa sa napansin ko ay ay sobrang seryoso
nito
“Mukhang bad
trip” nasabi ko sa sarili ko
“Mr. Chio,
your late and now your distracting my lecture, you may now take your seat”
mukhang galit ito base sa tono nito na agad namang nagpakilos sa akin para
tunguhin ang aking upuan sa katabi ni janine (alphabetically arranged na kasi)
Pagkaupong
pagkaupo ay sumulyap ulit ako sa kinatatayuan ni ian at katulad kanina ay
ganoon pa din ito at sa white board lang ito nakatingin, nang maramdaman kong
parang may nakatingin ay agad kong hinanap iyon at si anthony ang bumulaga sa
akin
Nakangiti
itong nakatingin sa akin at tinugunan ko naman ito at pagkatapos ay agad namang
kinuha ni janine ang atensyon ko
Janine:
friend, Monday na Monday late ka, ano bang ginawa ko kagabe (bulong nito, pero
imbis na sagutin ay nagtanong nalang din ako sa kanya)
Ako: janine,
akong oras dumating si ian? Nandito ka na ba noong dumating sya? (sunod sunod
kong bulong na tanong sa kanya na mababahiran ng pag-aalala)
Janine:
eight something na pero mas nauna naman sila kay prof, magkasabay panga sila ni
anthony at mukhang seryoso sila (nailahad nito)
Ako: ah
ganoon ba? (ang naitugon ko na lang)
Janine: may
problema ba kayo? (imbis na sagutin pa sya ay nanahimik na lang ako at umiling
iling at agad na tinuon kunyari ang atensyon sa naglelecture na ulit na prof
namin)
Nagtataka
ako sa sinabing iyon ni janine pero kahit anong isip ang gawin ko ay wala akong
mahinuha na kasagutan
“Nagkataon
lang siguro na nagkasabay sila” nasabi ko na lang ulit sa sarili ko
Paminsan
minsan ay tumitingin ako sa kinaroroonan ni ian pero ni hindi man lang nagtama
ang aming paningin na labis ko namang pinag-aalala, kasi mukhang may something
ih!
Natapos na
ang klase naming iyon na hindi ko namamalayan dahil sa aking mga iniisip at
nang makalabas na ang prof namin ay agad kong inayos ang gamit ko, habang
ginagawa ko iyon ay napansin ko ang paglabas na ni ian sa room naming iyo, na
talaga namang nagpatotoo sa aking hinala na nagalit ito sa hindi ko pagtupad sa
aming usapan
Mabilis pa
kay flash na isinilid ko agad ang mga gamit ko at ni hindi ko na tinapunan ng
tingin si janine o kahit si anthony agad na akong lumabas para habulin si ian
Nang mahanap
ang kinaroroonan niya ay, malayo na pala ang nalakad nito kaya tinakbo ko ito,
napansin kong papunta ito sa cafeteria at nang makalapit na ako dito ay ay
bigla naman itong pumasok sa rest room, agad ko na rin itong sinundan at nang
makapasok na ako at napansin ko agad ito na naghihilamos at nang igala ko pa
ang akong tingin ay napuna kong walang ibang tao bukod sa amin kaya inilock ko
agad ang pintuan para makapag-usap kami ng maayos at masinsinan ayaw kong
magtagal pa itong hindi namin pagkakainitindihan
Naghihilamos
pa rin ito, nilapitan ko na sya ay sabay hila sa laylayan ng unipome nito na
parang bata para kuhanin ang atensyon nito
Ako: ian!
(naiilang kong pagtawag sa kanya habang hinihila ng madahan ang laylayan ng
uniform nito)
Sa puntong
iyon ay bigla syang umayos ng tayo pero imbis na humarap sa akin ay sa salamin
ito tumingin para tingnan ako
Napansin ko
ang walang emosyong mukha nito habang ang mga tubig gawa ng paghihilamos niya
ay tumutulo simula sa noo pababa sa pisngi, sa baba at babagsak sa sink, habang
nakabukas pa din yung faucet kung saan sya naghilamos
Ako:
so....sorry kung kung ano, na..na nalate kasi ako ng gising (nauutal kong
nasabi dahil habang nakatingin ako sa kanya sa pamamagitan ng salamin sa harap
namin ay kakaibang ian ang inilalabas ng repleksyon nya na nagpapakaba sa akin,
parang may iba talaga), uy! Ian wag mo naman akong biruin ng ganyan oh! (medyo
nag-aalala ko nang sabi), hoy! Sige na anong gagawin ko para hindi ka na
magalit, ikaw kasi ih! Kahit sa panaginip ko hindi ko ako nilubayan yan tuloy,
napahimbing ako (magbibiro ko na sinamahan ko pa ng pekeng tawa para lang kahit
papaano ay may bumahid na ibang emosyon sa kanya, pero wala pa rin, ganoon pa
rin, na para bang basta hindi ko maipaliwanag), i..an...! (ang naisatinig ko na
lang sabay napayuko na ako bilang pagsuko)
Inisip ko na
sana sabihin nya na na joke lang fugi! Tapos tatawa na sya ulit ng malakas
dahil na good time nya na naman ako at kukulitin na hanggang sa magtawanan na
kami paheras dahil sa kalokohan nya, pero hindi nangyari ang iniisip kong iyon
bagkus ay binalot kami ng nakakabinging katahimikan
Napahigpit
na ang hawak ko sa laylayan ng uniform nya ay hinila ulit ng dahan dahan habang
nakatungo pa rin para kuhanin ang atensyong kanina ko pang inaasam na makuha
“itigil na
natin ito” mahina nitong nasabi na kahit ganoon ay talaga namang kumuha ng
lahat ng atensyon ko, wala ni kahit anong emosyang maramdaman sa mga salitang
iyon
Ako:
a...ano? (napatunghay ako at tiningnan ko sya sa salamin at nakatingin pala ito
sa akin pero ganoon pa din sya, napakablanko nya)
Ian: itigil
na natin ang kahibangan ito fugi! (pag-uulit nito na sa puntong iyon ay may
diin na ang pagkakasabi nito), wala lang pala ito...... (dagdag nito na
nakangiting hindi mo maintindihan na talaga naman may kong anong hatid sa akin
at sa emosyong unti unting namumuo sa loob loob ko), siguro nga malungkot lang
ako at naghahanap ng makakaintindi sa akin, at sa mga oras ikaw lang yung
nagtiyaga sa akin, nakinig at (sabay tumawa ito), at kaya siguro nakuha mo ang
loob ko, pero mali pala, wala naman palang espesyal na nararamdaman ito (sabay
turo nito sa dibdib nya kung nasaan nakapailalim ang puso nya), kaya yung
nasabi ko sayo kahapon at noong mga nagdaang araw ay..... (hindi nito natapos
dahil sumabat na agad ako)
Ako:
i....ian! (pinipilit kong hindi maggaralgal ang tinig ko dahil sa mga narinig
kong sinabi nya), tama na ang joke time oh! (at pinilit kong ngumiti pero
nararamdaman kong nanlalabo na ang mga mata ko sa namumuong mga tubig dito), pinagtitripan
mo na naman ako, sorry....... (sabay yakap na sa kanyang likod dahil sa puntong
iyon hindi na nagpapaawat ang mumunting butil ng tubig na kumawala sa mga mata
ko)
Naramdaman
ko ang mga kamay niya na kumapit sa kamay ko, na ang akala ko ay lalo nyyang
ihihigpit ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya, pero mali na naman ang hinala
ko dahil kabaligtaran ang nangyari, unti-unti niyang inalis ang pagkakayakap ko
at humarap na ito sa akin
Ian: makinig
ka fugi (matigas nitong sabi), mali lahat nang nangyari sa atin, mali ito, at
mahal na mahal ko si sarah (tumigil ito at huminga ng malalim), ......at
ikaw............ wala akong nararamdaman sayo! (bigla na itong tumalikod sa
akin at naglakad na palayo)
Hindi ko
napigilan ang maiyak sa puntong iyon kaya na patungo na lang ako at ipinilit na
wag ipadinig ang aking mga hikbi pero hindi ko kaya, masakit kasi...... at nang
marinig kong i-unlock na niya ang pintuan at bubuksan na nya ang pinto para
makalabas sya at hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita
Ako:
a..aka..akala ko ba ma...mahal mo a..ako (nasabi ko sa pagitan ng paghikbi ko
at ikinatigil naman nya at humarap sa akin at...................)
Ian: Yun din
ang akala ko, pero hindi pala (kasabay noon ang pagtalikod niya sa akin at
paglabas na ng CR na iyo)
“Yun din ang
akala ko, pero hindi pala”
“Yun din ang
akala ko, pero hindi pala”
“Yun din ang
akala ko, pero hindi pala”
“Yun din ang
akala ko, pero hindi pala”
“Yun din ang
akala ko, pero hindi pala”
“Yun din ang
akala ko, pero hindi pala” (ang parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa utak
ko)
Madahan lang
ang pagkakasabi nya sa mga salitang iyan pero halos tumagos sa lahat ng
bahagi
ng katawan ko at nagbigay nang kakaibang sakit sa puso ko, sakit na hindi gawa
ng kahit anong pisikal na bagay, hindi gawa ng histamine o endorphins, hindi
dahil ng lack of oxygen o kung ano mang bara, pero ito yung sakit na
pinakamasakit na mararanasan mo, ang sakit na gawa ng sawin pag-ibig
At sa
puntong iyon ay parang nanghina ako, napaupo na lang ako at sa puntong ito ay
itinikom ko ang aking katawang, niyakap ko ang aking mga tuhog ay doon
ini-ob-ob ang mukha ko at nag-iiyak, hindi na alintana ang magaganap sa paligid
basta ang alam ko, sobra akong nasasaktan:,(
Itutuloy.............................