---) nais kong pangunahan na na may
ginamit po akong lines mula sa all time favorite kong movie para sa pahina na
ito, hindi ko na lang sasabihin kung anong movie yon, hulaan nyo nalang (hehe)
---) at nais ko sanang humingi ng
favor sa tagasubaybay ng istoryang ito na marunong gumawa ng, yung para sa
title cover, hindi po talaga ako marunong (tanga ih! Hehe), salamat kung may
gagawa para sa akin noon, tatanawin kung habang buhay na utang na loob, salamat
---) at para sa COLLEAGUES ko na
humula sa “Name the Parts of the Stethoscope”..... eto po ang sagot:
---)sa mga sumali na sina:
NURSE_MARK, DARKLORD at AKOSICHRISTIAN, salamat sa inyo, halos tama naman
kayong lahat pero ang mas nagpapanalo sa pinili ko ay dahil may explanation pa
talaga sya at nagtrivia pa, mana sa akin ito.. hahaha at hindi ko na
papatagalin pa.... ikaw na NURSE_MARK
(hehe.. anong gusto mong premyo? Yung madali lang.. hahaha)
@ sa mga anonymous po na nagcomment sa last chapter ay sana
po ay maglagay kayo ng name para mapasalamatan ko po kayo.. salamat po!
@ kay SAM1308 (hi po! Salamat at nagustuhan mo.. sige po
try ko sa mga susunod... hehe)
@ sa mga ever loyal na talaga namang
simulat sapol ay sumuporta at nag-iiwan ng comments.. salamat po! Hindi ko po
muna kayo maiisa isa, promise, bawi ako sa next chapter.. hehe
@ sa mga lihim na sumusubaybay....
TPO!:]
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po
ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang
naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na
author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA
TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman
ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Kinaumagahan nagising ako dahil sa mga daliri na dumadampi sa mukha ko, na parang tinutunton ang mga bahagi ng mukha ko
Dahan dahan
kong iminulat ang aking mga mata, sa una ay malabo pa pero nang nakaadjust na
ay tumambad ang napakagwapong nilalang suot suot ang napakagandang ngiti sa
labi nito
Ian: Good
morning! (sabay halik nito sa akin)
Agad nabuhay
ang dugo ko, naenergize ba! (hehe... kasi kasi)
“Hindi nga
sya isang magandang panaginip lang” nasabi ko sa sarili ko at napangiti nalang
ako at napuna naman ito ni ian kaya humiwalay ang mga labi nito sa akin at
magiliw na ngumiti sa akin
Ako: ikaw
ha! Nakakarami ka nang kahahalik (sabay lagay ng hintuturo ko sa mga labi nito,
habang pinipigilan ang sariling kiligin....... kasi kasi nga... hahahaha)
Agad namang
inalis ni ian daliri ko sa labi nya at inilapit ulit ang mukha nya sa akin at
muli na namang naglapat ang mga labi namin
“Masanay ka
na, dahil hindi ko na makokontrol pa ang sarili kong angkinin ang malalambot
mong labi ngayon pang alam kong mahal na mahal mo ako at mahal din kita” sabi
nto sa pagitan ng mga halik nito sa akin
Wala nalang
akong nagawa kung hindi ang kiligin (ayieeeeee.....kasi kasi.. kinikilig ako
ih! Haha............ sana lagi na lang ganito, hindi yung halikan ha! Kung
ganito na masaya kaming magkasama)
Maya maya ay may bilang kumatok na naging
dahilan para bumalik ang diwa namin na inanod na dahil sa halikang iyon
“Sir ian,
pinatatawag na po kayo ng mama nyo, nakahanda na po ang almusal” sabi ng
kasambahay nila sa pagitan ng pagkatok
Ian: sige
ate susunod na kami (naitugon na lang nito habang kala mo ay nalugi ang mukha)
Narinig na
lang namin ang mga yabag na naglalakad palayo sa pintuan na iyon ni ian, umalis
na siguro yung kasambahay nila pagkadinig ng mga sinabi ni ian
“kasi naman,
nag-aalmusal in bed na nga, istorbo naman oh!” si ian na parang bata habang
pilit iniuupo ang sarili
Agad ko
naman itong tinampal sa likod nito
Ako: behave
ka ha! Ang bad mo na ha! (habang agad na tumalikod sa kanya dahil alam kong
namumula ako sa mga sinabi nyang huli)
Ian:
nagsasabi lang ako ng totoo ih! (humahagikgik nito sabi, nalalong nagpainit ng
pakiramdam sa buong katawan ko at nahala na na tuloy ang pamumula ko)
Ako: tumigil
ka na nga ian! Sabay kuha ng unan at bato dito (tatawa tawa naman ang loko)
Hindi na ako
nagsabi sa kanya at mabilis kong tinungo sa banyo sa pagsara ko nito ay nindi
ko na napikilan ang mapangiti ng sobrang luwang at sobrang kiligin (kasi kasi
kasi nga kasi.ayieeeeeeeeeee!)
Agad na
akong kumilos, naghilamos, nagmumog at inayos ang sarili at pagkatapos ng agad
na akong lumabas, sa pagbukas ko ng pinto ay tumambad naman si ian sa akin,
grabeng temtasyon naman talaga, wala itong suot na pang itaas kaya naman kitang
kita ang ang ang ang sobrang nakakaakit nitong BO...BODY (sorry ulit sa term..
pero sobrang YUMMY ih!.....kasi kasi naman), habang unti-unti ko naman
itinataas ang tingin ko sa kanya ay napansin kong ang kaliwang kamay nito ay nakataas
na nakaflex kaya ang siko nito ang nakatuon sa gilid ng pintuan, kitang kita
tuloy ang ang, kahali halina nitong buhok sa kilikili, medyo makapal na ito ay
maganda ang tubo (grabe talagang temtasyon ito, nakakapanghina), at at ng
mapadako ang mukha ko sa mukha niya ay ay nakangising nakakaloko ito, kaya
naman nahiya naman ako sa inasta ko dahil pihado hindi ito nakatakas sa
paningin nya.... kasi kasi naman ih!
Ako:
a..a..are ..y-you tra....try----ying to to se...seduce meeee? (naiilang,
nahihiya na bahagya ko na naisatinig ang mga ito habang pilit na iniiwas ang
tingin sa kanya)
Agad naman
niyang kinuha ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya na naging dahilan
para magtama ang mata namin
Ian: are
seducible? Nakangiti nitong sabi sa akin
Pinili ko
namang iginaya ang ulo ko side by side para ipahatid na “HINDI” dahi nga hindi
ko na kaya sobra na akong mahina dahil sa epekto sya
Ian: that’s
what I thought (sabay bigay nito ng mabilis na halik ulit sa labi ko at agad na
dumaan sa gilid ko, napansin ko naman na ngingiti-ngiti ito, at pagkatapos ay pumasok
na sa loob ng CR at dahan dahan na isinara ang pinto)
Agad akong
napasandal sa pader malapit sa akin at napabuga ng hangin para makabawi ng
lakas (kasi kasi naman eh!.. haha)
Nang kaya ko
nang maglakad ay tinungo ko na ang kama niya ay napansin kong may damit doon at
ng makalapit ako ay may nakita akong maliit na papel sa ibabaw nito at ng
kuhanin ko ito ay ito ang mababasa.....
“Eto na
isuot mo, bagay ito sayo, favorite ko nga pala yan:]”
Nangiti nalang
ako, at ng tingnan ko ito ay navy blue shirt at white semi-fitted below the
knee short. Isinuot ko na nga ito at ng tingnan ko ang sarili ko sa kanyang
whole body mirror built sa wall sa kwarto nya ay hindi ko talaga mapigilang
hindi pangiti at at at kiligin (kasi nga.. ayieeeeee!)
“Wag ka
masyado ngumiti, nahahalatang kinikilig ka” sabi ng boses sa likod kasabay ng
mga hagikgik nito
Nang humarap
ako ay si ian na pala (hindi ko namalayan ang paglapit nito, kasi naman ih!),
nakatapis lang ito ng tuwalya at may mga butil pa ng tubig sa dibdib at ang iba
ay tumutulo pa pababa sa katawan niya
“s**t!”
nasabi ko nalang sa sarili ko pagkatapos ay agad tumlikod ako dito
Ako:
magbihis ka na nga! Kanina pa tayong hinihintay doon sa baba nila mama mo
(kunyari ay nagagalit kong turan dito pero malakas na naman ang isinagot nito,
ih naman eh!..... haha)
Nang
makabihis na nga ito ay parehas na din kaming bumaba at naabutan nga namin si
tita at kuya joseph na nakangiti sa amin
“Good
morning mga iho” nakangiting bati sa amin ng mama ni ian
“Good
morning mama/tita” sabay naming bati ni ian
Joseph:
fugi, dito ka na sa tabi ng kuya seph mo (napaharap naman ako dito at nakangiti
ito sa akin, sabay noon ay inipod nito ang silya sa tabi nya, nangiti na lang
ako sa kanya)
Humarap
naman ako kay ian at seryoso pala itong nakatingin kay kuya joseph at nang
tumingin ako sa dako ng huli ay nakangiti naman itong nakatingin kay ian,
nagtatakaman ay agad kong kinuha ang atensyon ni ian at nagets naman siguro
nito iyon at...
Ian: sige na
doon ka na maupo (seryoso pa rin ito)
Agad na nga
akong umupo sa upuan na ihilahad ni kuya joseph sa akin at ng makaupo ay si
kuya joseph na ang halos umasikaso sa akin, nahihiya man ay wala na rin akong
nagawa dahil mapilit ito
Habang
kumakain ay napuno ng usapan sa pagitan namin nina tita at kuya joseph, pero
hindi naman nakaligtas sa akin pananahimik ni ian na sya namang pinuna din ni
kuya joseph
Joseph:
mukhang tahimik ata ang isa dyan, nilagnat siguro sa pag-aaral nyo kagabe (parang may himig pang-aasar itong patama kay
an p sa akin ito nakatingin at nakangiti, ako naman ay walang naitugon)
Ian: ang
epal mo kasi (singhal naman nito na mararamdaman ang inis, agad naman akong
napatingin sa dako nito at)
“Ian, joseph
at sa harap pa kayo ni fugi at ng pagkain nag-aaway, hindi na kayo nahiya” ang medyo napataas na boses ni
tita
“fugi,
pasensya na sa mga anak kong sutil” sabi nito sa madahan na tono habang
nakatingin sa akin
Ako: naku,
tita wala po iyon sa akin, sanay na po ako sa mga ganyan, dahil ganyang ganyan
dito ang mga kuya nung asa bahay pa po sila (nasabi ko na lang kasama at
matipid na ngiti at ngumiti na rin ito sa akin)
Katahimikan
na ang sunod na namayahi sa amin, tanging tunog nalang ng mga kubyertos at
marahang pagnguya ang maririnig hanggang sa matapos kami
Ian: ma,
hahatid ko na po si fugi (ang pagbasag na nito sa katahimikang iyon)
“sige anak,
fugi pasensya na ulit sa nangyari kanina, wag kang madadala dito sa amin ha!”
nakangiti na ito at kalmado na
Ako: tita,
ok lang po (nakangiti ko naman dito), salamat po sa masarap na breakfast, paano
po tita, una na po ako (dagdag ko sabay lapit dito at nagmano)
“sige iho,
ingat kayo” si tita
Ako: kuya
seph, uwi na ako (paalam ko sa kanya, nagulat naman ako nang biglang lumapit
ito sa akin at maya maya pa ay may binulong ito na na labis kong ikinagulat at
ikinataka)
Joseph:
sorry fugi sa inasal ko (sabi nito ng ilayo na nito ang sarili niya sa akin)
Ako:
wa....wala i..yon ku..ya seph (bahagya ko na nasambit dahil iniisip ko pa rin
ang ibinulong ito)
“Tara na
fugi” ang pagtawag na ni ian na nakatayo na pala at may kung ano na naman sa
itsura nito
Agad na
akong tumayo at nagpaalam ulit sa kanila at nang makalapit ako kay ian ay agad
na itong naglakad at sinundan ko na lang
ito
Nang
makasakay na kami ng sasakyan nya ay agad na nyang pinaandar ang makina nito at
maya maya pa ay pinatakbo na niya nito, yung kasambahay na nila ang nagbukas at
nagsara ng gate
Naging
tahimik ang pagitan naming dalawa sa loob ng sasakyan niya at naisip ko nalang
ulit ang binulong ni kuya joseph
“Masyadong
halata ang kapatid ko ano?” (hindi ko gets kung anong gusto nyang ipahiwatig sa
sinabi nyang iyon, ang alin ang pagkapikon ba nito? Wala talaga akong maisip sa
puntong iyon, ipinagkibit balikat ko nalang iyon)
At nang nasa
kanto na kami ay nagtaka ako kung bakit lumiko sya papuntang batangas imbes na
pauwi sa bahay namin, kaya naman hindi ko na natiis ang sarili kong basagin ang
ang katahimikang namayani
Ako: saan ba
tayo pupunta? (kalmado kong tanong kay ian)
Ian: pwede
bang wag ka nang masyadong makipag-usap sa kuya ko? (tanong nito na ikinalito
ko)
Ako; ha?
(parang tanga lang, kasi nga ay hindi ko maintindihan masyadong vague.. hahahah
wow.. gusto ko lang yung pagkakatype ko ng vague.. im so proud of myself..
hahaha)
Ian: basta
sumunod ka na lang, pls (sabay harap nitong mabilis at natawa ako sa itsura ng
mukha nito na nagpapaawa.cute! hehe), one more thing (panimula ulit nito), wag
ka na din masyado makipagclose sa mokong na anthony na iyon.........(hindi pa
ito tapos ng sumingit ako)
Ako: teka
teka teka nga,nagseselos ka ba sa kanila? (nagingiti ko namang pangbubuyo sa
kanya at hindi nga ito nakasagot), nagseselos ang ang isang bata, uy!
Nagseselos (sabay kiliti ko na sa tagiliran nito)
Ian: bakit
ako magseselos? Nag-iingat lang ako (katwiran nito)
Ako:
nag-iingat ka na maagaw ako nila? (nakangiti ko paring pangbubuyo dito)
Ian:
nag-iingat lang ako na na mawala ka pa sa akin (sabi nito habang nasa daan ang
atensyon nito)
Agad kong
tinanggal ang seatbelt ko at agad na niyakap si ian ng sobrang higpit at.......
Ako: hindi
na mangyayari iyon, kasi po inokupa mo
na lahat ng space sa puso ko at kahit nga utak ko sinakop mo na din,
kaya malabong mangyari iyon (paninigurado ko dito)
Naramdaman ko
na lang ang pag-akbay ng kanang kamay nito sa akin at ang paghalik nito sa ulo
ko
Ako: kaya
dapat wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano, ok po?
Ian:
susubukan ko
Ako: saan
nga pala tayo pupunta? (habang inaalis na ang pagkakayakap ko sa kanya at
tumingin na sa kanya)
Ian:
magsisimba tayo, ito yung unang unang pagkakataon na magkasama tayong attend ng
mass at syempre hihingi na rin tayo ng blessings at guidance sa kanya para sa
ating dalawa (nakangiti na ito)
Ngumiti na
lang at tumango-tango ako dito bilang pagsang-ayon, sobra nya talaga akong
pinapahanga sa ugali nya, at lalo ko syang minamahal dahil doon
Mabilis
naman kaming nakarating sa basilica at saktong hindi pa nagsisimula ang misa ng
makarating kami. Marami na ring mga tao kaya halos naokupa na lahat ng upuan,
kaya hindi na kami nakipagsiksikan para makapasok sa pinaka loob ng simbahan,
mas pinili na lang namin ay tumayo sa gilid malapit sa bukana
Habang
hinihintay namin ang pagsisimula ng misa ay nagkaroon ako pagkakataon na
maipabatid sa ating panginoon ang akin saloobin....
Papa Jesus,
nais ko po munang humingi ng paumanhin dahil hindi ko nasunod ang kung ano man
ang nais nyo na na na “ang lalaki ay sa babae and vice versa”, pero alam ko na
mas malawak ang pang-unawa nyo kesa sa sinasabi ng mga tao na “mali ang
ganitong relasyon sa mata nyo”, di ba po kaya nyo po ginawa ang puso na
malayang tumibok at hindi kinukontrol ng kahit anong bahagi ng aming katawan o
kung sino ay dahil para kusa nitong hanapin ang taong inilaan nyo para sa amin
at sa puntong ito si ian po ang pinili nitong pinagkatiwala nyong puso sa akin,
kaya po sana patnubayan nyo kami at bigyan ng lakas para sa mga problemang
kakaharapin namin sa pinili naming ito, kakayanin ko po lahat basta wag nyo
lang kaming bibitawan, salamat po!
Kapanatagan..........
yan ang naramdaman ko
Maya maya ay
nagsimula na nga ang misa at taimtim naman kaming nakinig ni ian, at sa puntong
nagtatama ang aming mga mata ay masusuyong ngiti lang ang ibinibigay namin sa
isat isa
Pagkatapos
ng misa ay agad naman kaming tumungo sa tindahan ng bibingka at puto bungbong at
iba pang kakanin para ipampasalubong kela mama, at nang makabili ay agad na din
akong inihatid ni ian dahil ang usapan nila ni mama ay ibabalik ako ng umaga ng
araw na iyo at ayaw nya daw maisara sa usapan nila baka daw ma-bad shot agad
sya kay mama, at nang malaman ko iyon ay natawa na lang ako, paimpres ang
mokong ih! (hehehe)
Pagkahatid
nito sa akin at tumigil muna ito sa bahay at doon na din nagtanghalian at sa
puntong iyon ay sobrang close na nya talaga sa pamilya ko, nangingiti na lang
ako pag nakikita ko sila
Nakauwi ito
ay past 2:00 na ng hapon ng tawagan siya ni tita na umuwi at may pupuntahan daw
sila, agad na itong nagpaalam kela mama, patrick at angel at pagkatapos ay
hinatid ko na nga ito sa kotse nito
Ako: ingat
ka sa pagmamaneho ha!
Ian: opo
boss, pwede bang favor?
Ako: ano po
iyon?
Ian: pakiss
(nakangisi na itong nakakaloko)
Ako: ian ha!
Ian: sige na
please (sa paawa nitong mukha)
Ako: baka
may makakita kasi (pagdadahilan ko)
Nagulat na
lang ako ng bilang naglakad si ian papunta sa passenger’s area at binuksan ang
pinto nito.......
Ian: sakay,
saloob walang makakakita, tinted (nakangising nakakaloko ulit ito habang
nakaturo sa bintana ng kotse niya)
Ako: bukas
na lang para dalawa (pagpapalusot ko ulit), dali na, umalis ka na, hinahanap ka
na sa inyo (dagdag ko pa)
Ian: hindi
ako aalis hanggat walang kiss (parang bata nitong sabi), dali na kasi, kiss
lang ih!
Ako: quota
ka na kaya, bukas na ulit (pangangatwiran ko, habang pinipigilan ko nang
mapangiti dahil sa itsura na nito)
Ian: mukhang
hindi ko nga ako love, sige aalis na ako (nakasimangot na ito habang parang
batang nagmamaktol sabay sara na pintuan ng passenger seat at naglakad na
papunta sa driver’s side)
Hindi ko na
nga napigilan ang pagtawa sa inasta nito agad ko na ngang tinungo iyon at
binuksan sabay pasok, napansin ko naman ang mokong na nakangisi na ulit, at
nang makapasok ay agad ko nang sinunggabang ang labi nito ng mabilis tapos ay
mabilis din na bumitaw sabay labas na ulit ng sasakyan, mahirap na at baka
mapasarap... hahaha
Tatawa tawa
naman ang mokong sa inasal ko at kumaway na ito sa akin at........
Ian: I LOVE
YOU (sabi nito na walang boses)
Nangiti at
sobrang kinilig na man ako doon (kasi kasi)
Ako: I LOVE
YOU (sa kaparehong paraan sabay peace sign para sa “TOO”.. hehe)
At
pagkatapos noon ay umandar na ang sasakyan nito habang ako naman ay tinanaw na
lang ito hanggang sa nawala na ito sa paningin ko..
Itutuloy..........
20 comments:
sana tuloy tuloy na ito. wala ng eepal sa kanilang dalawa hehehehehe.
---januard
oh well! wazzap wazzap Anthony?! yooohoooo! are still there?!
Yow! Anth! Don't be discouraged. It's often the last key in the bunch that opens the lock... ayayyyayy!
hay nako!!
kota ka na talga!!
papunta na daw sa bahay niu ung gf ni ian!
ka txt ko lng kagabi!!
hahahahahah!!
- ChuChi -
Fugi!!! Kilig much!!!! Haha... Tsalamat!
see? tease lang talaga yang si kuya seph e. hahaha.
Kay anthony? start pa lang ng revelation sa kanya. BWAHAHAHA!
Hindi naman ganong halatang kay IAN ako e noh? ^^
Well, isa lang wish ko sa kwento na to. Sana si anthony hindi sya yung maging bitter na heart broken. Sana maging sports sya. (parang sinabi ko na si Ian na talaga sa huli. hahaha)
KUYA! Damihan mo naman yung scene ni favorite ANGEL ko. hahaha. TO NONG! TO NONG! hahaha
wait.. ayaw mawala ngiti ko! Kasalanan mo to e! :D
Fugi!!!! hahaha ni-iinggit mo na ako talaga!!
hahahaha
nikikilig ako wohooo
Aww! Super possesive naman ni Ian pati sa kapatid nya ayaw palapitin si Fuji. But wait, ano kaya ang meron kay Joseph at ayaw palapitin ni Ian si Fuji dito. A. Bet din ni Joseph si Fuji B. Player si Joseph C. Possessive lang talaga si Ian. Pero paano naman si Anthony? Tsk! :) Dang, andami kong tanong sa isip ko but I really like the story talaga. Can't wait for your next LONG chapters :D
story's progressing good Fugi the great.. I have one request, i hope this is not the last story u will write. Hihihi, and i know that everyone whose reading ur story share the same sentiment. We want more of fugi and kasi kasi stories..
Fugi: http://www.mediafire.com/i/?aymriqdey9169un
hope you'll like it.. i'm not that good in photo editing though.. hehehehe
Wala ng Anthony. Ahahaha...
wow!!! galing mu tlga kuya fugi hehehe.
lalo lang akong kinikilig.
sana d na umepal c anthony hehehe.
yipee, ako nanalo!
:) buti na lang, natanung na din sa akin yan before..
Tahahahahah..,
.prize ko? Hmmm, dapat espexal.. Kaya, akin ka na lang fugi.. :p
joke lang, pag iisipan ko, para masulit naman..
.ako na, ako na ang nangingilid ang luha..
Haixt, buti pa cna ian at fugi..
.oh xa, hancute ng pinili mung name ko:
-nurse_mark.,
aayyyiiieee....grabeee naman ang kilig sa chapter na to.....next chapter na mr.author...hehehehe...sana walang maxadong hadlang ang dumating sa kanila...hehehe
eh db wla nman sa ten commandments ung "ang lalake ay para sa babae lang, and vice versa..??" , andun ba un..?? :p (sori papa JC, nagttanong lang po)
dpat pla mei explanation pa? para manalo? hehe pagod na ako magdiscuss eh, pagod na ako maging titser.. :p
yie! sila na inlove! haha.
inaabangan ko ng yung climax neto eh. yung pagdating ng gf ni Ian. Reaction ni Anthony. Tapos pag pinili ni Ian si gf nya over fugi tapos feeling ko dun eeksena si Anthony. feeler ko nanaman.
Kababayan, may tanong lang ako.
Pwede ba magdonate ang isang cancer patient ng organs nya (ex. hearts, eyes) sa iba? thanks.
pls. disregard mo na lng yung unang link. :)
http://www.mediafire.com/?qxa9wvsxa8jdlr3
.....paano kung dumating GF ni IAN...
mr. author.... wag masyadong saktan ang character mo....
sasapakin ko yan si IAN....
kawawa nmn si ANTHONY... kasi me kasunduan na si IAN AT FUGI...
hmmmm.. MR. AUTHOR baka me moment dito si ANTHONY AT JOSEPH... HEHEHEHEHE....
JAZZ0903
Toad: Thank you Mario!!! But the Princess is in another castle...
Pnu kung si Princess Peach na pala ang kusang sumama kay Bowser? Is it worth to risk just to save your princess?
Suko nq for anthony... Halatang si Ian na eh, c author na mismo ang nagsasabi... Magpapagod nalang si anthony :/
Fugi may Facebook ka ba? Add kita. Haha. Wala lang. LOL. Anyway, super kilig and funny netong chapter na to. HAHAHA. Tawa ako nang tawa sa mga hirit mo. Halatang first time. LOL. Keep up the good work. :]
Post a Comment