Tuesday, March 20, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 39 & 40)


By: FUGI

---) inuutusan ko ang lahat na bago po basahin ang pahinang ito ay linisin po muna natin ang kung ano man ang naisip nyo na mangyayari dito base sa huli ninyong nabasa kasi baka pag hindi nangyari ang naisip nyo ay hindi nyo ma-enjoy ito.. yun lang naman po... happy reading! 

@ sa mga dating silent reader na hindi napigilan ang hindi pagcomment sa last chapter na sina: CHUCHI, JANUARD, RAS, JONRET QC, salamat po at pinahayag nyo ang pagkagusto sa gawa ko, HI nga pala po sa inyo!

@CHRIS (kamusta? Oo nga ih! Kala ko ay hindi mo na nagustuhan ito.. salamat po:])

@ sa Anonymous na nagsabi nito “woooooohhh..kinilig si AKOOOOOOOOOOO....go go go....fugi grab it..” salamat po, pwede po malaman name nyo para mo nababanggit ko din ikaw.. hehe

Salamat naman sa eve supportive na sina: KEVINBLUES, JEKJEC, YUME, DERECK, MR. BRICKWALL (natawa naman ako sa panggagaya mo kay angel.. hehe), MARL, DARKLORD, JAMES (talaga kababayan, nako hindi ako lalabas baka makita mo ako.. hahaha), SLUSHE.LOVE (ang dami mo talagang napapansin, your great!), MARK1 at kay MARK2, SR 143, MASTER_LEE#027 (oo ba ikaw ang number 0.. hehe), Lloydie (ang OA nga.. pero salamat ha!), DOWNDLINE, JEMYRO, robert_mendoza94@yahoo.com, FOXRIVER (ni nosebleed ako sa comment mo ih... hehehe salamat po), STRINGX at NICCOLO’25

@ sa pasaway na si LAWFER at MAKKI (PEACE.. hehe)

@ sa lihim na sumusubaybay... TY PO!

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento




Agad namang bumaba si ian at nangtingnan ko kung ano gagawin nito ay tinungo niya ang malaking gate at binubuksan ito, para maipasok yung sasakyan niya, sobrang kabado pa rin ako, kasi nga........... ih naman!.. hehe

Naging mabilis naman ang mga pangyayari na parang hindi ko na namamalayan, napansin ko na lang na nakapasok na pala kami

Ian: pasok na tayo sa loob (nakangisi itong ewan sa akin)

Ako: ah eh....si..sige (nauutal kong nasisagot dito)

Nang makababa ay agad naman akong nilapitan ni ian at at inilagay niya ang kanang bisig niya sa leeg ko at naramdaman ko naman ang paglapit ng mukha nito sa kaliwa kong tenga
Ian: kanina ka pang balisa ah! (bulong nito na na na nagpanginig sa akin, kasi kasi yung hangin na lumalabas sa kanya sa bawat pagsasalita nya ay ay may dulot na magkahalong chiduri at at at kiliti, hhhhhhhhhhheeeeeeeeeee...... at sa puntong iyon ay narinig ko ang paghagikgik ng mokong)

Ako: i......ikaw ka.kasi (halos pabulong ko nang sabi na narinig pala nito)

Ian: lakas ba ng epekto ko sayo? (may halong pang-aakit nitong sabi habang humahagikgik)

Ako: ewan ko sayo! (ang pagmamaktol ko sabay pilit alis ng kamay niya sa leeg ko at ng magtagumpay ako sa pagtanggal noon ay naramdaman ko naman ang paghawak niya sa balikat ko ay pinihit yon para maparap sa kanya, sa pagharap ko naman ay sumalubong ang labi niya sa labi ko, at isang mabilis na halik ang ibinigay niya.....at sa puntong iyon ay ay para akong naistatwa,, kasi kasi hindi nang-inform yan hindi ko napaghandaan,,, hehe)

Ian: fugi! (pagtawag nito na nagpabalik sa aking ulirat), napatulala ka? Masarap ba yung halik ko? (humahagikgik ito, naramdaman ko naman ang pag-iinit na naman ng pisngi ko kaya agad akong tumalikod sa kanya, pero huli na dahil napansin nya na agad), yun o! namumula sya.... (pangbubuyo nito sa akin habang patuloy parin sa paghagikgik ang mokong)

Ako: ian! (ang pagsaway ko na may himig na pagkainis kuno, pero pero kinikilig ako ih!..... hahahaha)

Ian: hala ang bata ang kunyari ay naiinis e halatang halata namang kinikilig (tatawa tawang bulong nito sa akin na sumapol naman talaga sa akin kaya imbes na umupa ang pamumula ay nagtuloy tuloy lang)

Ako: ian ha! Uuwi na ako paghindi ka pa tumigil! (parang bata kong saway dito)
Naginig ko naman ang mga impit na tawa nito, pinado ay pinipigilan nito dahil sa nasabiko, maya-maya pa ay bigla nalang itong umakbay sa akin at.....

Ian: tara na nga sa loob (aya na nito, hindi na lang ako umimik at nagpadala na lamang sa kanya)

Pagkabukas nito ng pinto ay gumiya ito na nangangahulugang mauna ako sa pagpasok at sinunod ko naman ito at pagkatapos nitong pumasok ay sinara at ni-lock na nito ang door nila

Umakbay ulit ito sa akin at at siya na ulit ang tumangay sa akin sa paglalakad niya, hindi pa kami nakakalayo sa pintuan ng biglang may pamilyar na tinig kaming narinig...............

“Buti naman at naisipan mo nang umiwi, makakatulog na din ako” sabi nito at naglakad kami ni ian sa pinanggagalingan ng boses at nang mapatapat na kami sa sala nila ay si kuya joseph nga ang tumambad sa amin, nakaupo ito sa single seat sofa nila na nakatalikod sa amin at nakahaap sa tv na may mahinang volume

Bigla namang patay na ni kuya joseph sa tv at humarap na sa aming kinatatayuan at nang mapansin ata ako nito ay napangiti ito sa akin at tinugunan ko naman ito

Ian: kuya kasi........ (pagsingit na pagsasalita nito, kaso bigla namang umimik si kuya joseph)

Joseph: fugi! Kamusta na? (panimula nito habang naglalakad patungo sa akin at hindi na pinansin ang sasabihin pa sana ni ian, at nang makalapit ito sa akin ay), buti naman at napadalaw ka ulit, kaso masyado naman atang gabi (natatawang biro nito na ikinatawa ko din)

Ako: e paano kasi kuya seph..... (hindi ko pa natatapos ay bigla syang sumingit)

Joseph: nice seph ah!? (nakangiti itong sabi sa akin)

Ako: ang haba kasi, ok lang ba? (nag-aalangan ko naman dito)

Joseph: ganda nga ih! At sa puntong ito (sabay lahad nito ng date nang araw na iyon at oras din), ikaw lang ang papahintulutan kong tawagi ako sa ganyang pangalan, ok? (natatawa nitong nailahad, tatawa tawa naman ako habang tumango sa kanya bilang sagot)
Maya maya pa ay........

“Ehem ehem.... nandito ako” si ian at nang mapaharap ako dito ay nakangiti itong hindi mo maintindihan kay naman isang matipid na ngiti lang ang aking ibinigay at may nagtatakang tingin din dito

Pero agad ding nakuha ni kuya joseph ang aking atensyon at parang wala lang ulit sa kanya ang pagpapansin si ian

Joseph: so dito ka ba tutulog? Gabi na kung uuwi ka pa.... delikado (sunod sunod na nasab nito, tumungo na lang ako bilang sagot sa kanya), kung ganoon sa kwarto ko na lang ikaw, maluwag doon, malamig... presko, ano payag kana? (mahaba nitong nasabi, nagulat nalang ako ........... kasi nga... hehehe)

Ian: hep hep hep (pagsingit nito), kuya kaklase mo ba sya? Anong sa kwarto mo? Sa kwrto ko sya matutulog at may may.. may ano pa kami.. study session??? Tama mag-aaral pa kami (bahagya na nitong natapos)

Joseph: paghindi ko kaklase bawal na matulog sa kwarto ko (may nang-aasar na tono nito habang sinasabi ito kay ian at may kalakip din itong nang-aasar na ngiti), at tigilan mo ako sa dahilan mo, mag-aaral? Kelan pa? (dagdag nitong pang-aasar)

Ian: ngayon lang, masama? (paglaban nitong tanong)

Ako: ah.. eh...... (nag-aalangan ko namang pagsingit sa dalawa at napatingin naman sila sa akin), since..... ma..malaki naman i..itong babahay nyo, mukhang may may may guest room naman, do..doon na lang ako matutulog?? (nag-aalangan pa din ako habang ang tingin ko ay pauli-uli sa kanilang dalawa)

Napansin ko naman ang masama at matulis na tingin ni ian..........

Ako: joke lang.... (sabay tawa ng peke.... haha...haha....... parang tanga lang), mag-aaral nga pala kami ni ian kuya seph (sabi ko dito)

Joseph: kung napipilitan ka lang ay sabihin mo sa akin at kung tinatakot ka nya (sabay tingin nito kay ian), ako bahala sayo (nakangiti pa din ito)

Ian: kuya wag ka ngang epal (pagsingit ulit nito na parang asar na pero hindi na naman ulit pinansin ito)

Joseph: sige na fugi, sobrang galit na ang KAKLASE mo sa akin, pikon na (nakangiti pa rin ito sa akin), sya goodnight kiss na sa kuya seph mo (dagdag nito sabay lapit ng mukha nito, napatulala na lang ako sa mga kaganapang iyon........... kasi kasi naman............. joke ba iyon???)

Ian: kuya! (medyo napalakas na nitong pagsita, sabay hila sa akin ni ian dahilan para mapapunta ako sa likod nito)

Joseph: fugi, nakakatakot naman ang KAKLASE mo (may diin nitong sabi sa salitang KAKLASE), sige na fugi, good night na (natatawa pa rin ito)

Ako: go...goood night kuya seph (bahadya ko na nasabi dahil sa hindi pa ako nakakarikober sa nangyari kanina........... lapit na kasi ng mukha ni kuya joseph ih! Grabe ih! Lakas din mangtrip, magkapatid na magkapatid ih!......... 
hhhhhhhhhooooooooooooowwwwwwwwww)

Ngumiti lang sa akin si kuya joseph at agad nang tumalikod sa amin at naglakad na palayo, pinanood lang namin ito hanggang sa mawala na ito

Bigla na man nang humarap sa akin si ian......

Ian: kuya seph ha? (may tono sa pagpuna niyang iyon at kung may ano sa tingin nito)
Ako: hi..hindi ba ma..maganda naman? (nauutal kong nasabi)

Ian: wag ka na nga makipag-usap sa kapatid kong loko (sabay talikod nito), tara na akyat na tayo, para makapagpahinga na (dagdag naman nito at sa marahan na niyang pagsasalita)

“ano bang problema non??” nagtataka kong naitanong sa sarili ko habang sinusundan na sya paakyat sa kwarto niya

Nang marating na namin ang pintuan ng silid nya ay agad nya iton binuksan at katulad kanina ay pinauna nya ako at nang makapasok na sya at agad din niyang sinara ang pinto at at..... at narinig ko nalang ang paglock nito

*ttttooong*

Hindi ko alam pero ang tunog na iyon ay parang naging signal impulses (wow! Hehe) na naging dahilan para umiba ang rhythm ng heartbeat ko (wow ulit! Hehe)

“sh*t” napabulong kong sabi kasabay ng paghawak ko sa dibdib ko para mapakalma sana ang muscle na nakapailalim doon, kaso ayaw sumunod

Maya maya narinig ko si ian na na umimik kaya napaharap ako sa kanya

Ian: ikaw na muna ba ang gagamit ng CR o sabay na lang kaya tayo.... tama! Sabay na lang tayo (nakangiti itong nakakaloko sa akin...... ih! Naman... hehe)

Sa mga narinig kong iyon ay ay halos ang beat per minute ng puso ko ay ay SUPER DUPER TACHYCARDIA (LUB DUB 100x)............. kasi kasi naman ih!

---------------
 (ha-waits may nabanggit akong medical term kaya naman pasok TRIVIA... hehehehe...... eto na po sa mga nakamiss nito)

Mga pipz ang Normal HEART RATE para sa ating mga ADULT ay 60-100 beats per minute (tandaan sa adult)

One of the factor that affects heart rate is AGE (diba may age group na tinatawag, yung infant, toddler, child, adolescent, adult at sa bawat groups na iyan ay magkakaiba ang normal heart rate na. mas mabilis syempre yung sa mga bata tapos ay pabagal nang pabagal hanggang sa mag reach na nila ang adulthood na simula doon hanggang sa pagtanda ay yun na ang normal rage ng heart rate nila/natin........... gets ba??)

Yung term na TACHYCARDIA ay ang sobrang bilis na pagtibok ng puso na above 100 beats per minute at kung merong mabilis syempre meron ding mabagal at ang term naman para doon ay BRADYCARDIA, na kung saan less than 60, ang pagtibok ng puso (nakuha ba mga pipzzz??)

Syempre para mabilang yung pagtibok ng ating mga heart gumagamit kami ng STETHOSCOPE (nakakita na naman po siguro kayo noon.. hehe,, sa mga colleagues ko dyan name the parts of stethoscope pag nagawa nyo.. may price kayo sa akin, hindi ito biro, bawal magresearch ah!..... stock knowledge lang dapat.. hehehe), itinatapat ito doon sa 5th intercostal LEFT midclavicular line (naitrivia ko na ito kung saan, may picture pa nga), kasi nandito yung apical pulse
Pero kung walang available na stet, pwede naman sa ating mga adult na yung alternative site which is the radial pulse yung nasa ating mga wrist, kamitin lang ang ating three middle fingers, wag na wag ang thumb ha dahil kasi may sariling  pulso si sya...ok! (pero tandaan yung alternative site ay pwede lang gamitin mga child hanggang sa ating mg adult kasi sa mga toddler at infant kailangan ay ung apical pulse ang icheck gamit ang stethoscope.... ok?)

Pero again........ mas accurate pa rin yung sa apical site na ginagamitan ng stet kaysa sa may wrist na finger at pandama lang ang gamit.... at at one whole minute sya kinukuha, hindi pagka 15seconds ay ita-tomes four na lang (ex in 15 sec ay 20beats/minutes x 4 = 80........ wag ganoon madali lang naman lumipas ang 60 seconds eh!.. hehehe sapul ba kayo dyan mga colleagues?????????

At ang last ay ay yung LUB DUB, ayon naman ay ang tunog ng  tibok ng puso natin, na pag nagcocontract ang heart..... LUB.............. tas pag nagrerelax....... DUB...... LUB DUB LUB DUB

Yun lang po! Sana ay may natutunan kayo........ ang haba noh? Ay matagal kasing hindi nakapagtrivia ih! Hehehe bakik na nga tayo sa kwento
--------------------

Sobrang bilis pa rin ng tibok ng nakapailalim sa aking dibdib at hindi ko na malaman ang itsura ko ng mga panahon na iyon, sobrang kinakabahan ako na kahit paglapit ni ian ay hindi ko na napansin

Ian: joke lang iyon (sabay hawak sa baba ko para maitunghay sa kanya at nakita ko ngang humahagikgik ito)

Ako: i..ikaw ha! (sabay tabig sa kamay nito na nakahawak sa baba ko), lagi mo na lang akong......... (hindi ko na naituloy dahil humarang na ulit ang labi nya.............. na pumaibabaw sa mga labi ko.... nakakailan na ah!..... pero pero pero ........OK lang..... haha)

Siya ang nagmaniobra ng halikang iyon, banayad, swabe, may pag-iingat at ramdam ko ang pagmamahal nya. Naramdaman ko rin ang isang kamay niya na pumulupot sa aking bewang na naging dahilan para magdikit ang amin katawan. Inilagay ko naman ang mga bisik ko sa batok nya, naging mas malamim na ang halik niya habang namalayan ko na lang na kusa na rin akong lumalaban sa halikan na iyon

Ilang sandali pa ang lumipas ng may maramdaman akong life there..... below there... there (kasi nga. Basta..... hehe), kaya napamulat ako at napaatras na naging dahilan para mapahinto sya sa paghalik

Agad naman akong tumalikod sa kanya dahil nga pati yung sa akin nagkaroon ng what you so called LIFE (hahaha......nakakahiya naman, dyahe tuloy... hehe)

Ian: sorry! Hindi ko napigilan (nag-aalangan nitong sabi)

Ako: o..ok lang, so....sorry din (nauutal kong tugon)

Katahimikan ang sunod na lumamon sa amin dalawa, nakatalikod pa rin ako sa kanya, maya maya ay nayamdaman ko na ang mga bisig nito sa aking leeg

Ian: hindi na po mauulit, kasi ikaw naman ih! (parang bata nitong lahad)

Ako: ikaw kaya ang basta basta nang aano dyan

Ian: nakakagigil ka kasi, timo pati si ano ko hindi din nakatiis (humahagikgik ito habang ibinubulong ang mga iyon)

Siniko ko na lang ito sa kanyang tagiliran bilang pagsita sa sinabi nya, tatawa tawa na lang ang mokong (kasi naman......ehehe)

Ako: pahiram ng towel pati pantulog (pag-iiba ko nang usapan baka kung saan pa mapunta)

Agad namang kumalas ang mga braso nito at tinungo ang cabinet nya, maya maya ay lumapit na ito sa akin dala ang towel at ang nakaibabaw dito na boxer short at inilahad sa akin ang mga iyon

Ako: yu...yung pantulog ko?

Ian: OK na yan, yayakapin na lang kita mamaya (nakangising ewan ito, tiningnan ko lang ito ng masama at...) biro lang, ihahanda ko pa (natatawa nitong dagdag)

Ako: a ian may extra ka pa bang toothbrush dyan?

Ian: yung sa akin nalang muna yung gamitin ko, malinis ako, at napatunayan mo naman base sa halik ko (natatawa nitong sabi)

Ako: ian naman ih! (pagmamaktol ko dito)

Ian: opo na kukuha na (sabay lakad nito papunta sa drawer nya at nang nakakuha na ito ay bigla naman na itong tumungo sa aking kinatatayuan at naglilitanya), kasi naman ayaw pa yung sa akin na lang yung gamitin, gustong gusto namang hinahalikan ko sya tas ayaw pang gamitin yung toothbrush ko (mahina pero dinig ko nitong sabi habang nakatingin sa sipilyong hawak niya at nang makalapit na ito ay tumigil na rin ito sa kakaangal kuno at humarap sa akin ng may ngiti sa kanyang mukha)

Ako: may sinasabi ka ba? (maang maangan lang)

Ian: wala po baby, eto na po ang toothbrush (natatawa ito sabay lahad nito sa akin)

Ako: baby ka dyan (agad kong kinuha iyon at tumalikod na sa kanya..... kasi kasi nga ay kinikilig ako......... pwede naman diga??? Hahahaha ayiieeeeeeeee BABY)

Agad kong tinungo ang CR nya dahil baka mahalata ako.. kas kasi:]

Pagkapasok na pagkapasok sa loob ng CR ay agad kong nilock ito, ay napasandal na lang ako sa pintuan na iyon at at at at hindi ko na napigilan ang pagngiti at pagkakilig sa puntong iyon (kasi kasi kasi) at napatungo na lang ako sa puntong iyon sabay napahawak na lang ako sa aking mga labi (ayiiiiiiiiiieeeeeeeeee! Kasi kasi)

Pero sa puntong iyon ay may biglang kumatok sa isip ko na mga tanong.....

Ano na ba kami ngayon? Hindi naman kasi namin na pag-uusapan pa at nang mapatunghay ako at mapatingin sa gilid ko ay tumambad ang repleksyon ko sa salamin na nasa CR na iyon at isa lang ang makikita sa kanya................ MASAYA SIYA:]

Agad na akong kumilos, nagtanggal na ako ng aking mga suot at tumapat na sa ilalim ng shower at nang pipihitin ko na ang bukasan ay nag-alangan ako (sayang yung kiss......... hahaha), labag man at masakit man sa loob ay wala akong nagawa..... pagkatapos ay nagtuyo na ako pagkatapos ay tumapat naman ako sa may lababo (yung maliit na parang lababo na mga faucet, hindi ko alam tawag doon, basta may ganoon sa CR nyo........hahaha, yung hilamusan at hisu-an ....... haha), agad kong binuksan yung toothbrush kinuha ang tooth paste at nang paghihiso na ako ay nagkaroon na naman ako ng hesitation (sayang talaga yung kiss ih........ hehehe), pero katulad kanina, no choice kailangan magsipilsyo:[

Nang matapos ay agad kong binuksan ng konti ang CR sabay tago ng aking katawan sa likod ng pituan at silip ng ulo ko sa konting uwang

Ako: ian! (pagtawag ko dito naginig ko ang pagtakbo nito)

Ian: bakit baby? (nakangisi nitong sabi pagkatapat sa pintuan ng CR)

Ako: tigilan mo nga yang kabi-baby mo (kinikilig ako oh!..... hahahaha), yung damit? (pagmamaktol ko kuno)

Ian: kunyari pa gusto naman (natatawa nitong sabi), nandoon sa kama, lumabas kana, ako naman gagamit ng CR

Ako: ah eh pwe...de bang pakikuha naman, dito na lang ako magbibihis (nag-aalangan kong sabi....... hindi kasi ako showy ih!... hehe)

Nagulat na lang ako sa ginawa ni ian dahil inihara nya ang kamay nya sa maliit na bukas ng pintuan ng CR sabay tulak niya dito na naging dahil para mabuksan ito at makapasok ang loko

Ian: bakit ka ba kasi nahihiya pa (nakangisi ito sa akin habang papalapit sa akin at ngangayon ko lang napuna ang suot nito....... naka boxer lang ang mokong at tuwalya na nakasabit sa kanang balikat nito......... napatulala na lang ako sa temtasyong nakahain...... kasi kasi naman.....naglakad ito papalapit sa akin at ako naman ay napapaatras, maya maya nasa dingding na ako,,,, wrong move at nang mapatingin ako kay ian, sobrang lapit na nito sa akin, bigla niyang inilagay ang dalawang kamay niya at itinoon sa dingding na sya namang nagkulong sa akin, unti unting inilapit ni ian ang mukha niya sa akin at at hindi ko na nagawang umiwas pa kaya nagsalubong na naman ang mga labi namin)

Naging mabilis lang iyon, si ian na mismo ang humiwalay...

Ian: nakakagigil ka talaga (sabay tanggal na ng mga nakatuon nitong mga kamay at sa puntong iyon ay agad akong gumilid at at tumakbo palabas ng pinto sabay sarado nito, narinig ko naman ang malakas na tawa nito)

Habol habol ko ang hininga ko habang nakahawak na sa dibdib ko........hoooooooooowwwwwwwwwww at napasandal na lang ako sa may dingding malapit sa pinto ng CR

Nang makabawi ay agad ko nang tinungo ang kama niya at nakita ko nga ang damit na sinasabi nya agad ko itong isinuot tinuyo lang ang buhok at agad na nahiga sa gilid patalikod

Maya maya ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto, kaagad akong pumikit, nagtulog tulugan, pinakiramdaman ang paligid, hindi naman nagtagal ay gumalaw ang kama senyales nang pagsama na nya dito

Ian: wag ka nang magtulog tulugan fugi (sabi nito, pero pinilit kong hindi sya pansinin at ipagpatuloy ang pagpapanggap pero makulit ang mokong....), fugi! (sabay yugyog nito sa akin dahilan para bumalikwas ako at nakita ko itong nakaupo habang tinitingnan ako)

Tumahiya ako ng higa at tiningnan ko lang sya, maya maya ay nahiga na din ito at paheras na nasa kisame ang tingin namin

Ako: ian, nalilito ako, bago lahat ng ito sa akin, pero masaya ako, masaya ako, pero paano............ (hindi ko natapos dahil sumingit agad sya)

Ian: kahit ako fugi, hindi ko alam, ngayon ko lang din naramdaman ito, kahit anong iwas ko, pero iba ang sinasabi nito (sabay turo nito sa dibdib nya), at alam mo ba ang sabi nito (kinuha nya ang kamay ko at syang pinatong sa dibdib kung nasaan ang puso nya, kasabay noon ay napaharap na din ako ng higa sa kanya), FUGI FUGI FUGI FUGI FUGI FUGI FUGI FUGI (paulit ulit niyang pagbanggit ng pangalan ko habang nakatingin pa rin sya sa kisame)

Sa narinig kong iyon ay nawala ang pag-agam agam ko, hindi ko namalayan na kusa nang kumakawala ang mumunting butil ng tubig sa mata ko dahil siguro sa sobrang kaligayahan

Humarap na sa akin si ian at........

Ian: sobrang halaga mo sa akin at gusto ko lagi kalang sa tabi ko sa lahat ng oras (kasabay ng mga sinasabi niyang iyon ay ang pagpunas ng mga daliri niya sa mga luhang kumakawala sa mga mata ko), at sa akin ka lang dapat (sabay lapat ng mga labi niya sa akin, ramdam na ramdam ko ang sincerety sa mga sinabi nya at ang pagmamahal nya na akala ko ay hindi ko mararanasan)

Nang naghiwalay ang mga labi namin ay agad kong niyakap ng mahigpit si ian

Ako: mahal kita ian, mahal na mahal

Ian: mahal na mahal din kita (bulong nito sa akin)

At muli ngang naghinang ang aming mga labi, halikang puno ng pagmamahalan namin sa isat isa, nagtagal ang halikan iyon hanggang sa maramdaman ko na naman ang LIFE THERE, BELOW THERE, THERE (hahaha) at agad naman akong natauhan at bumitaw sa halikang iyon (hindi pa ako handa ih!. Haha)

Nagets naman agad ni ian kaya himiwalay ito sa akin

Ian: sorry, ayaw papigil ih! (natatawa nitong sabi at na tampal ko lang ito sa braso nito na ikinatawa lang lalo nito)

Ako: matulog na po tayo (nakagiti ko nang sabi dito at agad naman niyang iniangat ang ulo ko at lagay ng braso nya para maging unan ko at ang isang kamay naman niya ay umakap sa bewang ko, ako naman ay yumakap sa kanya at isiniksik ang sarili ko sa kanya)

Ian: good night sabay (halik nito noo ko), mahal kita (at lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin)

Ako: goodnight, mahal na mahal na mahal din kita (kasabay noon ay sa may leeg ko na lang sya na kiss, kasi nga mas matangkad sya sa akin)

Ian: ahhhh (ungol nito)

Ako: ang bastos mo (sabay kagat sa balikat nito)

Ian: ay sa nakiliti ako (natatawa nitong katwiran)

Ako: tulog na tayo (nasabi ko na lang ulit)

At pumikit na nga lang ako at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako (nyt pipzzzzz!)



Itutuloy................   

27 comments:

Anonymous said...

hahaha ! author sana wag mu ng isngit yung TRIVIA mo ! lol kasi ang haba kasi ng space na naukupa nia ee ! lol


BTW kilig ako sa chapter na to ! buti na lang nag ka aminan na sila ! hehe teka PAnu na si Anthony? lol

Master_lee#027 said...

Yehey............my dreams come true ahah.......salamat mr.anime inventor/trivia sa pagtupad sa usapan ehe.....and i'm so proud of you aha kung maka proud ako parang kapatid lang kita aha.......sige tuloymo lang paggawa ng magandang story mwuah love you:):):):)aha by the way FIRST COMMENTOR NANAMAN BA AKO.?ehe

Anonymous said...

WEEHHH.. BITIN...
ANO KAYA PART DITO NI JOSEPH....

JONREY QC

MARK13 said...

hayan fugi,2lad ng request mu s last chapter naglagay nq ng # s nme q pRa ndi kn mlito f cnu tinu2koy mu,hahaha,nalate nga lng:)

bout s story mu,anu b yan todo max nman ang pagha2likan ni fugi at ian,bka nman mpudpod n ang mga lips nila,hahaha(joke) at may aminan ng nangyri,naglevel up n tlaga ang knilang love story,muntik png mkisaw2 s eksena c kuya joseph,type din c fugi,haba ng bangs m0,hahaha...!!!!

so,intayin q nlang uli ang nxt chapter,gudluk uli fugi^^;

rascal said...

waaah.......nkakakilg...syet fuji ang hba ng hair.....pero my smthing ky josph d kya isa xia da maarng sgabal sa rlasyon ni fugi at ian....hahahahahaah.....malamang!!!!!my gusto c joseph kay fuji.....wawa nmn c anthony...pero tngin ko kay anthony babagsak c fuji.......

Anonymous said...

yehey ganda talga ng istorya na ito. keep up the work mr. author. excited na sa next chapter. kiligggggggg

James Chill said...

Ayiieeee... It so nice to read your story, napapakilig mo ko ng todo sa bawat chapter, pero inaantay ko pa din ang malaking twist dahil hindi to matatapos ng hindi mo kami mapapaiyak i guess... Fugi... Your the best!! :-) pakiss nga.. Hahaha.. God bless...

Mr. Brickwall said...

Hmmmm... medyo expected na tong kay ian ah. pero tandaan, may something pa yan sa ibang place. tsk3.

kay anthony, tyak kung rebound lang yan kung nagkataon kapag nagkalabuan man sila ni ian. sa huli, best friend lang yan.

kay joseph, like na like ko yung char niya. flirty! pero tyak bi yan. kya suport yan kila fugi. nangte-tease lang yan para naman hindi babagal-bagal si ian.

ako na madami kaepalan sa story! ako na!

anyways, KILIG!

:)

--makki-- said...

ala! wala na! hindi na nakatialok manok namin! ANTHONY!!! GISING!! LOL

Lloydie :) said...

aahahah yun na yun ee ahahaha good work author ahahahahahahahah ,,, :) sarap namn ng buhay ni fugi ahahah

sam1308 said...

hey fugi...your work is really really amazing..i have a little request...tutal you are my colleague...yes I am nursing student to..try to use the word "buccinator muscle" "and the "orbicularis oris"..kust naughty though...again the work of yours was totally amazing..

Anonymous said...

ganda ng chapter na ito. wag na sanang umeksena si anthony.hehehehehe


----januard

Anonymous said...

kilig kilig kilig haha...=dereck=

kevinblues said...

aayyyiee.kinilig tlga ak so much mr.author...hahaist ngkaalaman din hehehehe...go go go lang fugian...wahahaha parang fusion lang...

Lawfer said...

tsk tsk tsk kwawang anton :/ nsan b kc xa? >_>

Anonymous said...

Galing!! Kakakilig..

darklord said...

haba ng hair ni fugi ihh. nice may trivia na sya ulit literal

sa parts ng stet?
headset, ear tip, tunable diaphragm, ano yun stem and tubing, syempre bling bling pampaarte ng stet.

darklord said...

haba ng hair ni fugi ihh. nice may trivia na sya ulit literal

sa parts ng stet?
headset, ear tip, tunable diaphragm, ano yun stem and tubing, syempre bling bling pampaarte ng stet.

Anonymous said...

.ako na fugi, ako na ang nagkagibunshin(tama b ang speling,kasi naman walang wrong speling wrong sa NLE) technique x2 x2, sa KILIG! Ayan tuloi, nagbabalik tanaw ako.

.db sbi ku dun sa last chapter, mamili ka sa itatawag mu sa akin,
tahahah. Either,
-mark,RN o
-nurse_mark.,

.hi nga pla kay nicollo'25, d k pa ata xa nabati, although, nbati na nia ako way back before.

.hmmm, parts ng steth?:
-Chest piece, divided into 2, ung bell side(narrower) at diaphram side(wider)
-ung tubing, ung parang plastic na part.
-ear tubes(binaural), ito ung metal na part before;
-ear pieces, eto ung dulo, ung nilalagay sa ear canal.

Alam mu ba na ang nag imbento ng modern day steth ay sina, Rappaport and Sprague, kung tama pa ang pagkakaalala ko..

.nice work fugi.
:)

Unknown said...

stock knowledge ba kamo idol..???

parts of steth: diaphragm, bell, tubing, binaural piece ska earpiece..

kung mei kulang, im going to ask my students to answer it for me.. :P

anyway, ayan ganyan nga, puro FUGI at IAN nlng.. :p

Jamespottt said...

haba ng hair mo fugi! galing galing! kilig!
papunta na ko ngayon(miyerkules) sa lyceum, baka magtagal ako dyan sa batangas kasi wala na kaming pasok since monday but resume ng class sa 26 for summer class. Galingan mo magtago huh. baka mamaya nasa tabi mo na pala ako. lols.

Stringx said...

Dr. House: (favorite kong doctor) Fuji's on tachycardia. Defib, charge to 300. Clear! *toot* Charge to 500, clear! *toot*. Sinus rhythm.

Ahahaha...

Nice, nasa scene na si Kuya 'Seph. :D
May label na ba kayo ni Ian, Fuji?

ChuChi said...

isusumbong na talga kita fugi sa girlfriend niya!!!

ma txt nga mamaya sa states ung gf ni ian!!

hmp!!

wahahahahaha!!

:D

- ChuChi -

Chris said...

tawa ako ng tawa habang kinikilig habang binabasa tong chapter na to. hahaha! LIFE THERE BELOW THERE. LOL!!! nice kuya! nxt na!

foxriver said...

yehey i super love this chapter kasi kasi.. They confirmed what they feel..and u coined another word Fugi the great 'LIFE BeLOW THERE' nice way to name 'that' hihihi. Of course what can we expect from a great writer but a great story. Kasi kasi ang galing ni fugi.

marL said...

nice nice nice. nag ka aminan din sila hehehehe.
c kuya joseph na lng at anthony ang mag partner hehehe. sa book 2 dpat kwento na lng nila hehehe.

super kilig ulet ako sa chapter na to hehehe.

slushe.love said...

angsabeh ng hanging lumalabas sa bibig ni Ian nakakapag pabilis ng tibok ng puso ni FUJI. :)) HAHA
Ang lakas maka bata ng "BABY" na tawag ni IAN kay Fuji. :))

Sa haba ng buhok ni Fuji madami na syang pwedeng idonate na buhok. LOL :)

Post a Comment