ROL-COL: (salamat sa inyo!)
-DownDLine (na tampurorot, hehe ngayon ko po talaga kayo iisa isahin batiin,
nagpaalam kaya ako sa last chapter, hindi mo binasa no?? hehe yan ha ikaw inuna
ko, KWITZZ:])
-Master_lee#027 (ikaw lagi nauuna magkomento ah! Malapit na maganap yung hiniling mo,
pero wag ka masyado mag-expect ha!, kinakabahan ako)
-Dereck (oo nga ngangayon ka na lang nagparamdam, kamusta ga? Hehe)
-Jemyro (secret.. hehe)
-Mark
1 at Mark 2 (parehas name nyo hirap tuloy pwede
bang maglagay kayo ng fave number nyo para may difference at hindi din kayo
malito kung sino ang sino na pinatutungkulan ko sa comment ko.. kung ok lang
naman.. hehe)
@Mr.
Brickwall (HI po! Hehe dahil bago ka.. isa pa
ulit HI!.. hehe sino ba yung fuji na tinutukoy mo yung aking kasi ay si fuji ng
prince of tennis kaso iniba ko lang ang spelling naging g imbes na j...... at
yung sa itinatanong mo secret muna. hehe)
@Lawfer
& Makki (consistency is your definition...
haha peace!)
@akosichristian (natawa naman ako sa last comment mo.. haha)
@Lloydie (salamat po at nagustuhan mo, sana ito din chapter na ito.. hehe)
-marL (kinilig ka ba talaga?? Sana sa chapter din na ito.. ako ay sobrang kinilig sa chapter na ito kaya
sana naman...hehe)
@slushe.love (hahaha natawa ako sayo ih! At napuna mo talaga yon.. ikaw ha! Hehe)
@Niccolo’25 (oo nga marami na tayong colleagues... hehe hindi ka nagcomment sa last
chapter busy ka no?? hehe....... ay yung tinanong ni mark na about sa ecg
tracing.. MI ata ang sagot doon d ko sure)
-Jaceph
Elric (ngangayon ka lang ulit din nakapagcomment, pero ok
lang busy lang siguro... HI! Hehe)
-Robert_mendoza94@yahoo.com (bumawi ako sa last chapter.. hehe)
-Paul
Fabian (bawing bawi ka naman sa haba ng comment mo last
chapter ih!.. hehe)
@sr143 (pasensya naman at nabitin ka sa mga nagdaang chapter, ganoon talaga..
hehehe)
@darklord (gusto ko ang pagsabi mo ng literal, parang ang sama-sama ng loob po sa
akin ih!.. hehe.. pero salamat naman at sa sunod mong comment ay nagustuhan mo
na.. hehhe salamat)
@foxriver (kamusta na?? kung kelan bumawi ako sa last chapter tsaka ka hindi
nagcomment, bumawi pa naman ako.. hehehe)
-ylden (hi! Sa last last chapter ka na lang nagcomment noh!. Kamusta po!)
@yume (kamusta? Hehehe)
@strings (parang capcom lang may vs)
@ sa mga lihim na sumusubay.. TY po..
hehe
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po
ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang
naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na
author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA
TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman
ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Kaaalis lang namin ni ian ng bahay at nasa daan na nga kami nang wala akong kaide-ideya kung saan ako dadalhin ng mokong na ito, pero ang isa pa sa mga inaalala ko ay ay ay kanina pa pagpasok ko matapos kong ihatid si anthony ay sya namang pagbabago ng aura nito, may iba talaga at base sa pagiging tahimik nito ay may something talaga pero naiilang ako magtanong, kaya naman ay nakakabinging katahimikan ang pumailanglang
++++++++++++
-------> IAN the
pugi (hehe)
Nang parang natatagalan na nang paghatid na iyon ni fugi
kay anthony, samantalang dyan lamang iyon sa labas ay gumawa ako ng paraan para
matingnan ang kaganapan sa labas, at nang makakuha ako ng tiyempo ay agad ko
tinungo ang pintuan at saktong sa aktong yakapan nila anthony at fugi ang
rumehistro sa aking paningin
Hindi ko matagalan ang ganoong itsura niya kaya agad din
akong bumalik sa loob ng bahay nila
Pikon, inis, galit pero, may iba pang lamang na
pakiramdam akong nararamdaman at yun ay....... selos?? Yan ang pumapaibabaw sa
akin
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko basta ang alam ko
kailangan may gawin na ako
“........ and this time, I know what it is” nasabi ko na
lang sa sarili ko pero may bahid pa ding pag-aagam-agam at pagkalito
Nasa akto akong pag-iisip ng mga bagay bagay ng mga
gagawin ko ng biglang pumasok na sa loob ng bahay nila si fugi, may konting
inis man hindi para sa kanya kundi dahil sa naalala ko ang pigura nila kanina
sa labas ay nanatili muna akong tahimik
Agad na nga akong humarap kay na tita para ipagpaalam ang
aming pag-alis ni fugi at nakangiti naman itong pumayag at nagpaalam na din sa
amin at nagpaalaala na mag-iingat daw kami, nagpaalam na din ako kay john at
syempre kay angel pagkatapos ay hinayaan ko na lang na magpaalam si fugi sa
kanina
Agad na din kaming lumabas at sumakay ng kotse ko,
katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa, nagpapakiramdaman, pero mas
pabor sa akin ang ganito para mas makapag-isip ako ng mga gagawin ko
Alam ko wala pang ideya si fugi sa kung saan kami pupunta
kahit ako ay hindi ko alam kong saan ko sya dadalhin sa mga ooras na iyon,
basta ang alam ko lang gusto ko kasama ko sya at ako lang ang kasama nya, wala
nang iba
Mabilis namin narating ang batangas city sa kadahilanang
wala na masyadong sasakyan sa daan dahil medyo malalim na ang gabi, dinaretso ko
papuntang basilica sabay liko sa may St. Bridge College then ikot sa may Cuta,
nadaanan din namin ang Batangas State University, drive lang ako ng drive nang
sa hindi na siguro makatiis si fugi at na pansin na pabalik na naman kami sa
daan papunta sa kanila
Fugi: saan ba talaga tayo pupunta? Magpapauli-uli? (ang
parang batang sumabog dahil sa katagalan niyang natahimik, hindi ko ito sinagot
at nanatili sa pagmamaneho), Ian!
(pagtawag nito sa akin, pero hindi ko lang
ito sinagot dahilan para lalo itong mainis), itigil mo na nga, baba na ako (ang
medyo may pagkainis na nitong turan)
Pero imbis na sundin sya ay ay mas lalo ko pang binilisan
ang pagmamaneho na sa puntong iyon ay ay alam kong ikinatakot nito
Fugi: ian!, ano ba? (ang halos pasigaw na nito), ihinto
mo (may halong pag-aalala na nito na nagka-crack na ang boses na parang naiiyak
na ito)
Agad naman napukaw ang atensyon ko at dahan dahan ko kang
inihinto ang sasakyan ko
Fugi: an..ano ba ka..kasing problema mo? (may pag-aalala
at nagbabadyang emosyon na pinipigilang kumawala sa pagtatanong niyang iyon)
Ako: ikaw (pabalong kong naisagot)
Fugi: a..ako ang prob....
Hindi na nito natapos ang sasabihin nya dahil agad kong inalis ang seat belt ko at
kinabig ko ng kamay ko ang batok niya para maiharap ang mukha niya sa akin
sabay lapat ng mga labi ko sa labi niya at........... at BOOM bumilis ng mas
mabilis ang tibok ng aking puso pero kahit ganoon, ito yung mga hindi
pangkaraniwang nangyayari sa aking katawan na, na sobrang sarap sa pakiramdam,
na sobrang gaan
+++++++++++++++++
-------> ako na si FUGI na,,,
na kinikiling (kainis...hehe)
Nabigla na lang natigil ang nagbabadyang emosyon ko sa
pagsasabihin ni ian na ako ang probrema ng.... ng... bigla nya akong hinawakan
sa aking batok at iharap sa kanya at bigla biglang ha...ha..halikan
Kakaiba ang naramdaman ko sa paglalapat ng mga labi namin
na, na parang huminto ang oras, tumigil ang paggalaw ng mundo, ultimo ako ay
napatigil at at at tanging ang paghalik nya lang ang pinayagang gumalaw
(Ganoon
pala talaga pag yon totoong mahal mo yung gumawa ng isang bagay na na na kahit
ordinaryo na sa iba ay nagiging SUPER DUPER EXTRA SPECIAL, EXTRAORDINARY BA! At
dito ko na-realize na hindi OA yung mga sinasabi nila, na imbento lang yung
sinasabing slow motion thing at may parang musikang tumutugtug at kung ano ano
pa pag kasama mo ang tunay mong mahal, parang nagkakaroon kasi ng dimensyon
para sa kanila lang dalawa na kung saan perfect ang lahat, na may mga ganoong
effect, kaya kung nababaduyan, nako-corny-han, naiinis pagnakakarinig ng mga
kwentong ganoon ay ay isa lang ang masasabi ko, hindi ka pa nagmamahal talaga,
maaring sabihin mo na nagmahal ka, pero baka superficial love lang yon, na may
iba ka lang habol...........just a thought lang naman mga pipzzz, ok balik na
tayo sa kwento.. kinikilig ako.. hehe)
Dahil sa hindi ko paggalaw ay si ian na ang nagmaniobra
sa akin at nagpaubaya na lang ako, dahan-dahan, banayad at at may pag-iingat
ang ginawa niyang paghalik, sobrang sarap sa pakiramdam
Nasa ganoon kaming posisyon ng bigla na lang umalpas ang
mga butil ng tubig sa aking mga mata, luha ng walang ibang gustong ipabatid
kung hindi kaligayahan:]
At nang maramdam ni ian ang mga luha kong iyon ay huminto
ito sa paghalik, inilayo ang labi niya sa labi ko at inilagay ang dalawa niyang
kamay sa aking pisngi at pinahiran ng mga hilalaki niyang daliri ang aking luha
at........
Ako: so..sorry (ang pabulong nitong nasabi)
Imbis na tugunan pa ito ay agad kong iniakap ang mga
bisig ko sa batok niya dahilan para maglapat ulit ang aming mga labi, at sa
puntong iyon kahit hindi pa ako maalam humalik (kasi kasi..... ala nakakahiya
naman, kasi, atin atin lang ha mga pipz, first time ko kasi, syempre bukod
naman yung sa pamilya, na pang slum book.. hehehe, yung mga first
kiss--->mother.. hehe,,, get nyo naman di ba? Ayiiieeee naman dyan,, hehe),
ay pinilit ko buti na lang at ginagabayan ako ni ian at sobrang gentle nya,
kaya naman............ ayieeeeee kinikilig ako.. hehehe
Ilang minuto din ang itinagal ng halikan na iyon nang
biglang umimik si ian sa pagitan ng halikan naming iyon
Ian: ako ba first kiss mo? (napamulat na lang ako at
napansin kong nakangiti ito nang akmang iimik ako ay.. ay sabay dikit ulit nito
ng labi niya sa labi ko dahilan para hindi agad ako makasagot at kasabay noon
ay nadala na naman niya ano sa dimensyong ginawa niya at ng halik niya), ako
nga, silence means yes (dagdag nito sabay halik uli sa akin nito)
Agad ko na man itong tinampal sa braso nito dahilan para
mapatawa ito pero hindi niya parin inaalis ang pagkakalapat ng mga labi nya sa
akin (grabe kinikilig ako....... hehehe)
Kahit gusto kong hindi na matapos ang halikang iyon ay
pinilit ko ang aking sariling gumawa ng moves (like jagger, hehe joke), hindi
dahil sa ayaw ko ay kasi kasi kailangan? Hehe
Agad kong inalis ang pagkakaakap ko sa batok niya at
inilagay ang mga kamay ko sa balikat niya para papigilan na ang nakakabaliw na
nalikang iyon, sobra na akong nanghihina ih! Tinapik ko ang balikat nito at..
Ako: i..iannnn! (ang bahagya ko nang pagtawag sa kanya na
ikinatigil naman niya sa paghalik at paglayo ng mga labi niya at mukha niya sa
akin)
Ian: so.........sorry hin..hindi ko mapigilan (nakangiti
ito sa akin), ang lambot kasi, ang ang sarap pa (dagdag nito na ikinainit ng
pisngi ko alam akong namula ako sa puntong iyon kaya naman hinampas ko na lang
ito sa balikat niya na hindi naman niya ininda, bagkus ay......), napupula ka
oh! (sabay turo nito sa pisngi ko)
Ako: ian! (ang kunya ay galit galitan ko sabay gaya ng tingin ko paiwas sa kanya at
pag dako ng tingin sa bintana para makaiwas)
Ian: ang cute mo talaga (humahagikhik ito)
Agad nitong inistart ang sasakyan pagkatapos ay pinaandar
na ito, bigla rin naman akong napaharap sa kanya
Ako: sa...saan na tayo pu...punta? (nag-aalangan kong
tanong)
Ian: uuwi na tayo sa bahay ko (na may nakakaloko itong
ngiti)
Ako: adik ka! Pababain mo ako dito, uuwi na ako (parang
tanga ko lang na pagmamaktol na tinawan nya lang)
Ian: wala ka nang magagawa, sa bahay ka matutulog at naipagpaalam
na kita kay tita (natatawa pa rin ito at hindi na nga ako nakaimik pa)
Kabado..... kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan
na dahil doon ay ay hindi namalayan kung asaan na kami, nagising na lang ako ng
huminto ang sasakyan at at nasa tapat na kami ng bahay nila............ HELP
(hehehe)
Itutuloy.............
36 comments:
hello po! sori ngaun lng ulit nakacomment. nusy kac eh. puro basa lng nagagawa ko. ganda pa rin talaga. hehe! kagulat ung ginawa ni Ian ah! akala ko si Anthony ung unang bibigay pero si Ian pala. hehe. keep up the good work! hihintayin ko ung nxt! woah :D
hahaha!!!
i like it talga!!
silent reader lng kc ako!!
pero dahil wala pang comment...
mag cocomment ako!!
haha!!
NICE AUTHOR!!
LOVE IT!!
- ChuChi -
woooooohhh..kinilig si AKOOOOOOOOOOO....go go go....fugi grab it..
aayyyieee...grrrr....first kiss ni fugi si ian...wowz...wala akong masabi..si ian pa tlga ang humalik...ang haba tlga ng herzz mo fugi...parang parang si eugene lang ng mgtransform sya...haist...kakakilig nman ng chapter na to...eeeeeeeee...
Sweet prang Bukayo sa tamis hahaha. kaya lang BITIN andun na oh
galing galing ni Ian hahaha
next chapter na agad mr. otor. ang iksi lang nito eh.
nice story.
---januard
namiss mo ba ako Fugi? hehehe :)
hehehe anyways kakilig pa din hahahaah :)
alam mo n comment ko..
:)
-yume
nakaka-kiliggg! hehe:) haba ng buhok mo fugi, ihanda mo na sarili mo kay ian haha...=dereck=
wow! si syusuke fuji nga! hahaha.
eto lang masasabe ko, pramis!
..GRABE!
di mawala ngiti ko. amp! KILIG! para kong kinuryente ni baby be-el (yan alam mong anime?)
kapag nakasingit pa ba naman si antony the epal neto ewan ko na lang ah!
to nong, rap ba lik? yum2. hahahaha. :)
wow! si syusuke fuji nga! hahaha.
eto lang masasabe ko, pramis!
..GRABE!
di mawala ngiti ko. amp! KILIG! para kong kinuryente ni baby be-el (yan alam mong anime?)
kapag nakasingit pa ba naman si antony the epal neto ewan ko na lang ah!
to nong, rap lik ya yan? yum2. hahahaha. :)
waaaahhhhhhhhh..... d na ko maka hinga sa sobrang KILIG!!! hahahahaha .........
IAN at FUGI n tlga yan.
Kay anthony naman hanap ka na lng ng bagong fugi mu hehehe,,, aq pede kaso d ako kcng talino ni fugi sa trivia ee. hahahaha JOKE...
Update n ulet. Para super kilig ulet ako. hahahaha
Hehehe ang cute. Keep it up. Iba ka tlaga magkwento. Kabitin man pero masarap basahin. Uy literal ko nman nagugustuhan. Haha miss ko na trivia mo ahh. Nice ian
anak ng tinapaklong naman oh! kawawa naman manok ko oh! naungusan na naman ni Ian.... BOYCOTT na to!!
first kiss lang sayo ian... kay anthony ang first *** LOL
*leers at ian*
ninakaw m 1st kis na dpat ky anton! >:o
Nakakakilig din kasi ung part na naghuhugas sila ng plato kaya nde ko pinalampas. LOL :))
----
Ihh, Fuji wag ka ng choosy, okey? LOL iPUSH mo na yan kay Ian. haha
Ang lakas maka babae nung umagos ang luha ni Fuji habang nag ki kiss sila ni Ian. haha :) LARB it! :)
Nice one fugi,naka2kilig nman ung kissing scene n aun,hahaha
gudluk s nxt chapter,m0re powers in ur story^^;
ayyyeeeeeeeii....kakakilig...hmmmmmm 1st kisss sarap nmn un....mlmamg ksunod un ung hmmmmmm..pero pano nlng pag bumlik na ung first love ni ian...hay baliwla na nmn c fuji.......hay kawawa nmn c anthony....hmmmm.....pabagal bagal kc yan tuloy naunahan ni ian....
wow!
fugi fugi fugi..
kilig naman..
kung sa kotse plang mahabang halikan na ang naganap,.panu pa kaya sa bahay nila ian..hahaha..
next na ulit..excited lang..
sr143
Yeaaaahhhhh pareng fugi ,,,kakakilig aha salamat naman at unti unti ng may mga twist and kilig ehe................takecare ,at syempre pala inaaabangan ko palagi to panu di ako mauuna aha ako kaya ang number 0 mung FANs ahahah (0 kasi eto ang nauuna sa 1 diba? Ahaha lakas makatrip)
weehhh... si IAN oh...
dinala tlga sa santong paspasan...
good for him...
alam ko love tlga siya ni FUGI EH...
kay ANTHONY..GOOD LUCK NA LNG...(BEEEE..WAWA,,BATA)
JONREY QC
AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! THE MOMENT OF THRUTH (tama ba ang spelling????) ahahahahahh anong sbe ng yakap ni anthony,, hhahahahahahahaha Go author ,, ganda ng part na toh ,, hehehe favorite ko toh ,, hihihihihihihihih SUPER DUPER MAXIMUM ULTIMATE MEGA MARVEL GALING NI AUTHOR .. ( O.A. LANG SA PAG-PURI, HAHAHA) :) good luck keep it up.
ahaha.. so ako talaga ang una sa roll call...LOL... ayun oh si fugi kinikilig...ayiieeee..ahahaha... yung request ko ha..antayin ko!
Wahahaha... Pagkatapos kong umiyak dahil sa love of siam, dami ko namang kilig... Woohhh... Salamat fugi!!! Mwah.... Bwahaha...
Fugi!!!! Pagkatapos kong umiyak ng madami sa love of siam, andami ko namng kilig ngaon... Thnak you fugi!!!!! Bilis.. Nxt n ulit... Haha mwah... Bwahaha...
NAKU IAN WAG KANG BABAGAL BAGAL AT BAKA MAUNAHAN KA NI ANTHONY. NOW UR CHANCE. HE HE HE HE
and i just died reading the kiss part....i was darn ( sorry for the word fugi) waiting for this hahahahaha, and fin'lly it happened. YOU ARE AWESOME FUGI THE GREAT. I am super happy this supercedes all the bitin chapters hihihi. Love na kita talaga hahaha kasi ang galing mo. O yan bawi na ko sa comment ah.
Ok,nice one fugi^^;
Kababayan!
Galing ng manok ko! haha.
punta ako lyceum batangas sa tuesday, dalhin ko notes ko sa physics, hinihiram kasi ng pinsan ko na Marines ang course.
galing ng manok ko! haha, talo manok nyo. weeehhhhh. lols
Ahahaha... Kilig!
First kiss pa ni Fuji. Congrats!
Since nasa bahay na kayo nina Ian, papasok na ba si Kuya Joseph sa scene? Ahahaha...
solohin m manok m, tao pambato namin :p
yahoooo...first kiss c papa Ian..oh my god..grabert tlga,.kaka kilig,..todo npapasmile aq nung nagbabasa aq..ipagpatuloy mo yan Ian..well dat moment OLATS c anthony..hehe
->ou nga di aq nkpgcoment dun sa isang chap.paxnxa na nging bz lng,thankyou ah naalala mo pdn aq bangitin..mamatz,.^^,
-niccolo'25-
Naka ahon din sa bukid..
Hirap pala..
Na miss ko to :))
KILIG to the max!! And the Fugi's first kiss award goes to.. jan-jarannnn.... IAN. woot woot. Grabe kinilig ako ng sobra sa chapter na to. Haha. Great job Fugi!! :]]]]]]]
PAUL FABIAN
nag-fire dance ang puso ko dun ahh dahil sa kilig.. :p anlakas maka-boracay fever.. :p
Post a Comment