----> sa mga nagresearch pa ng movie-ng you
are the one na sina: Master_lee#027, Stringx, abat talagang... hehehehe
@akosichristian (naghahang po talaga si fugi kasi made in china ata sya.. hehehe, ikaw
ha, niloloko mo ako, hindi na kita kabait,,, hahaha)
@jemyro (kasi wag kang magbabasa ng mga
ganitong bagay sa review sessions mo yan tuloy kasalanan ko pa...
ok!.........paalaala focus sa review, baka itong mga nababasa mo dito ang
maisagot,, ay-ina-oh patay tayo dyan)
@foxriver (gusto yung
vocabulary mong intoxicating and
incessantly, pakitagalog nga po.. hehehe biro lang:])
@Lyron (bakit?? Aalis ka ba?? Saan ka
pupunta?? Biogesic nalang sayo ha! Get mo ba iyon?? Kung hindi papadaliin
ko....... INGAT!)
@Marl (ok lang
basta priority lagi natin ang studies ok!:])
@ sa
dalawang totoong kontrabida sa buhay pagsusulat ko na sina Makki (si
lawfer ang nagsabi na nangibang bayan ka at siya rin ang nagbuko na wala ka daw
pasalubong.. hehehe) at si Lawfer (natuwang tuwa sa
mga nagdaang chapter, na parang mag-aalburuto sa chapter na ito, wag naman
sana.. hehehe nga pala ano yung binasa mong gawa mo na nakakaiyak,, pashare
naman ipabasa mo sa akin.. kailangan ko ng inspirasyon sa isang very emosyonal
na chapter na gagawin ko sa istoryang ito.. plssss)
At kay na: Yume (salamat pre.. hehe), niccolo'25 (o buti pa dyan simula na, hindi ko alam yung dito sa lugar
namin.. kainis.. hehe), PAUL FABIAN (nais kong
ipaalam sayo na mahaba haba pa pala ang tatakbuhin ng kwentong ito dahil hindi
ko kasi ito kayang gawan ng book 2 na hinihiling mo..... kaya marami ka pang
aabangan at sana ay hanggang sa huli ay sumuporta ka.. hehe), MARK (salamat po sa papuri, alam mo bang
gustong gusto ko ang pangalan mo talaga.. hehe), DownDLine (natawa naman ako sayo ih.. hehehe
sige po pag-iisipan ko yung suggestion mo pero ang hirap naman.. heheh), at kay
sr 143 (eto na po yung kasunod, pasensya na
ngangayon).............joke!:]
---->@ sa
mga bagong mga comment-ter........
na si DARKLORD, VASH, SLUSHE.LOVE............ Hiiiiiiiiiii----yerrrrrrrrrrrsssss sa
inyo! Hehehe salamat po sa mga magagandang sinabi ninyo:]
@ sa mga tahimik na sumusubaybay ay salamat mo!!!!!!!
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po
ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang
naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na
author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA
TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman
ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Nang maiparada na ni anthony ang sasakyan niya sa gilid malapit sa tapat namin ay agad na kaming lumabas ng kotseng iyon at nang makalapit ako sa isa pang kotse na nakaparada sa mismong tapat namin ay.... ay nakompirma kong kay.. kay.. kay ian nga ang kotseng iyon
“Bakit naman
kaya napadpad ang taong iyon sa bahay namin?” ang naitanong ko sa aking sarili,
clueless talaga ako mga pipzz (wow! Gusto ko yung clueless ko na iyon.. hehe)
Nasa ganoon
akong pag-iisip ng biglang nagsalita si anthony na nasa tabi ko lang
Anthony: may
bisita ata sa inyo fugi, next time na lang kaya, una na lang ako (nag-aalangan
nitong nasabi)
Ako: kay ian
itong kotse (nasabi ko na lang habang tinitingnan ko pa din ang sasakyan), tara
na sa loob (nakatingin ko nang sabi sa kanya habang nakangiti, napansin ko
naman na parang naging seryoso siyang nakatingin sa sasakyan na, tas biglang
naman agad nagbago ng magtama ang aming mga mata, ngumiti at tumango na lang
ito bilang pagtanggap sa paanyaya ko
Ako na nga
ang nauna kay anthony sa pagpasok sa loob ng bahay at ang huli ay nakasunod
naman sa akin. At .... at nag buksan ko ang.... ang screen na pinto ay..... ay
(mga kabaro sabay sabay tayo “May liwanag na lumabas na nagpasilaw sa aking mga
mata”...... hahaha biro lang;]) napatigil ako sa aking kinatatayuan
sapagkat.....tumambad sa akin paningin si ian na nakaupo sa sofa sa may sala
habang kalong-kalong nito si angel at nasa tabi naman nito si john habang
parang masayang-masayang nanonood ng telebisyon, napangiti na lang ako ng hindi
ko namamalayan dahil sa nakita ko:]
Hindi naman
ako napansin ng mga ito, kung hindi pa bigla akong tinawag ni mama na galing
pala sa kusina
“Fugi, anak
nandyan ka na pala, bakit hindi ka pa pumapasok?” bigla naman napaling ang
tingin ko kay mama at ngumiti dito pagkatapos ay narinig ko naman ang boses ni
angel na nagpaharap sa akin sa kinanggagalingan ng boses niya
Angel: to
nong! To nong (“tito ninong! Tito ninong!” yun po ang sabi nya sabay alpas at
baba nito sa kandungan ni ian at nagtatakbo sa kinaroroonan ko)
Sa puntong
iyon ay mas naagaw ng paningin ni ian ang mga mata ko ay sa puntong iyon ay
nagkatitigan kami
Sumilay ang
ngiti sa mga labi nito na talaga namang napaka-contagious dahil dahil dahil
kasi nahawa ako at at napangiti na lang din ako:]
Naputol na
lang ang tinginan na iyon nang bigla nang yumapos si angel sa may hita ko
Angel: to
nong, bu-bong, bu-bong ko (“tito ninong pasalubong, pasalubong ko” ay ang sabi
po niya, ganya po talaga yan kasi inispoiled kasi namin, kasi kasi kami..
hehehe)
Ako: pa...salubong
ba gey-gey?? (sabay buhay ko na kay angel), naku! Nakali............. (hindi ko
pa natatapos ng bilgang sumingit si........)
Anthony:
baby, e-to pa-sa-lu-bong ng ti-to sa i-yo (ang dahan dahan nitong sabi,
napatingin naman sa kanya si angel at napaharap din ako sa kanya, nakangiti ito
habang inilahad ang box ng cake na binili nito)
Angel: ake,
ake yan to nong? (“cake, cake ba iyan tito ninong” yan po ang interpretasyon ng
sinabi nya.. hehehe, sabay hawak nito sa aking pisngi dahilan para mapaharap
naman ako sa kanya, at at tumango na lang ako bilang sagot)
Narinig ko
na lang ulit na nagsalita si mama
“anak may
kasama ka pala, bakit hindi mo naman pinapapasok?” pagpuna nito
Nahiya naman
ako sa sinabing iyon ni mama kaya agad kong hinarap ulit si anthony.....
Ako:
anthony, tara pasok na tayo (may naiilang kong nasabi sa kanya)
Nang
makapasok kami ay......
Angel: to
nong (sabay kabig na naman ng dalawa niyang kamay sa pisngi ko paharap sa
kanya), no po ya? (“tito ninong, sino po siya?” yon po ang sabi nya, sabay turo
nya kay anthony)
Ako: gey-gey
ka-i-bi-gan, sa eng-lish fri—end at kak-la-se ko si-ya sa schooool, si ku-ya
an-tho-ny (ang dahan dahan kong sabi sa kanya para maintindihan niya)
Tumingin
lang uli sa gawi ni anthony si angel miya mo ay parang kinikilatis. Agad naman
akong humarap kay mama
Ako: mama,
si anthony po, kaklase at kaibigan po namin ni ian
Anthony:
good evening po ma’am (sabay lapit nito kay mama at abot sa kamay ni mama at
nagmano)
“magandang
gabi naman iho, tita na lang” nakangiting
balik ni mama dito
Anthony:
o..opo tita (ang nahihiya nitong nasabi sabay pakawala ng ngiti ), nga pala po,
ito (sabay lahad nito ng box ng cake kay mama), pasalubong po (dagdag nito)
“Naku iho
nag-abala ka pa, salamat!” nakangiting sabi ni mama at nginitian na lang din
siya ni anthony
Ako: ma,
makikikain nga pala yan dito, yang cake ang panuhol niyan para payagan mo (biro
kong sabi kay mama patungkol kay anthony)
Anthony:
ti..ta wa...wag po kayo ma...maniwala (namumulang naibulalas nito at natawa na
lang ako sa itsura niyang iyon at kahit si mama ay napahagikgik)
“anthony
iho, pasensya ka na maloko talaga iyang batang iyan” nakangiting pagtatanggol
ni mama kay anthony laban sa akin
“Siya dyan
muna kayo mga iho, luto na ata iyong niluluto ko, feel at home anthony ha!”
sunod-sunod na nasabi ni mama at agad na nagtungo na ito sa kusina
Sa kabilang
banda pala ay kanina pa nakamasaid si ian sa amin
Ako: tara
upo ka muna doon sa (sabay turo ko sa sofa at sa puntong iyon ay ay nakatingin
lang sa aking ang seryosong ian, ngumiti lang ako dito at at tumango lang ito
sa akin na ikinataka ko naman)
Dumaretso si
anthony sa single seated sofa at ako naman pinakiusapan si john na lumipat nang
pwesto at para makatabi ko si ian dahil tatanungin
ko sana ito kung ano ang nagpa-padpad sa kanya dito sa aming munting tahanan:]
Pero bago
iyon ay pinakilala ko muna sila anthony at ang kapatid kong si john sa isat-isa
Ako: anthony
si john bunso kong kapatid, john si anthony kaibigan at kaklase ko
Anthony:
kuya anthony na lang (nakangiti ito sabi sa kapatid ko sabay lahad ng kamay
nito)
John: sige
po kuya anthony (sabay kuha nito ng kamay ni anthony)
Pagkatapos
ay iniabot ko kay john ang buhat buhat kong si angel at nang makuha na nito ay
pahero siyang sumalapmak sa sahig at itinuon ang atensyon sa pinapanood na
cartoon
Pagkaupong pagkaupo ni anthony ay......
Anthony: o
tol nandito ka din pala, kamusta? (naibulalas nito na nagpaharap sa aming
dalawa ni ian sa dako nito, at nakatingin ito kay ian at at at napansin kong
may kung ano sa ngiti nito.. parang
basta)
Ian: kanina
pa tol, hindi mo ba ako napansin (napatingin naman ako kay ian nong sinabi niya
ito at sa pagharap kong iyon ay nakangiting kung ano din ito kay anthony at ng
biglang tumama ang mata niya sa akin ay bila din itong nagsalita ng...) joke
lang tol! (sabay tingin ulit nito kay anthony at nanduon pa din ang ngiting
iyon, parang sa ngiti nilang iyon ay parang may asarang nagaganap, what is the
meaning of this......... hehehe ang oa ko lang ata.. kung ano ano lang ata ang
napapansin ko), malakad kasi kami ngayon ni fugi (pabahol nasagot ni ian sa tanong
ni anthony sa kanya)
Kahit ako ay
nagulat sa sinabing iyon ni ian kaya naman ay agad akong humarap sa kanya na
may naguguluhang ekspresyon, pumaling ng tingin sa akin si ian at at at pinilit
pinalaki ang singkit niyang mata
Ian: di-ba
may-usa-pan ta-yo nga-yon (dahan-dahan nitong sabi sa akin habang parang
nakamulaga ito sa akin, hindi naman napansin ni anthony ang naging itsura ng
mukha ni ian sa puntong iyon dahil nakaharang ang ulo ko)
At ang
nasabi ko na lang dahil sa kaba ay...........
“ah.......
nga...ngayon pala i..yon” sabay palakpak at tawang pilit (haha,,,, parang tanga
lang ulit............. kasi kasi... nangbibigla.. hehe)
“Buti naman
ay naalala muna” pagbalik na sa normal ng pagsasalita nito pati narin ng mata
nito at may kalakip pang ngiti, ngumiti na lang akong nagugulahan pa rin dito
bilang tugon
Bigla namang
nagsalita sa likuran ko si anthony
Anthony:
hindi ba masyado nang gabi ang lakad na iyan? (medyo seryoso nitong boses na
napaharap sa aming dalawa ni ian sa kanya
Ian: wag
kang mag-alala tol, dala ko naman kotse ko at naipagpaalam ko na rin si fugi
(naging sagot nito kay anthony)
Ako naman ay
nanahimik nalang dahil naguguluhan pa din pero ngumiti na lang ako kay anthony
para hindi na sya mabahala at mag-alala pa
Namayani ang
katahimikan sa aming tatlo hanggang sa ako na rin ang ang ang bumasag doon
Ako: ah.....
eh.. bi..bihis lang ako (sabay tingin ko sa kanilang dalawa at tinunguhan lang
ako ng mga ito at pagkatapos ay tumayo na ako at tumungo na sa hagdanan paakyat
sa aking silid)
Naiwan naman
si ian at anthony pati na rin ang kapatid ko at si angel sa salas naming
iyon..........
Itutuloy.......
16 comments:
Fugi? For real? Yun na yun? Kabitin naman sobra!!!! Tsk... Hahaha... Ok lang yung matagal pa naman ang exam.. Haha... Pero boss yun na talaga yun? Alam mo yung papangiti ka na tapos biglang... Biglang... *itutuloy* BOSS naman!!!!! Pero ayos eksena na ni ian!!! Wooohhh.... Gyera na para sa puso ni fugi! Lakas maka-dahil sa pag-ibig.. Hahaha...
pumapatay talaga ako ng nambibitin FUGI! ahaha..cynic lang LOL... yung request ko ha! next chapt!!!
Tnx 4d update fugi,tgal mu ndi nkapagpost,ahh,anyway bumawi k nman s chapter n2,i wish c ian ang mging partner ni fugi,hahaha...f gnun nga amg mangya2ri,pro its okay din f c anthony,hrap magdecide f cnu d best s dlawa,bzta always follow d heart nlang,...
i also lyk ur name,hahaha,i dunno,i tink ur nme is cute and unique so guess ur also cute,hahaha,cge glingan mu uli s su2n0d n chapter,gonna review mah lesson plan for tom,tnx^^;
Wew..kakabitin naman pareng fugi......naku,naku,dapat next time mahaba ahah at dapat ung promise mo?na may twist at kilig moments dapat ehe,,,cge po takecare mr.animeinventor....till next time
parang nkakabitin ah..haha.
bitin na bitin tlaga..galing naman tlga ni author..panalo parin man0k ko..haha.go IAN..
next!..(hahaha.parang remote lang).
sr143
antagonist pala kmi Fugi? LOL
----
i declare WAR! lol
PAANGASAN TO SIGURADO! GO ANTHONY! sumama ka din sa lakad nila... resbakan mo ginawa ni Ian nonn.. LOL
hmmm,
batet walang trivia? :(
trivia lang puhlease, nangangalawang ang utak ko kakapraktis ng propesyon natin. Kung minsan nagtataka na lng ako, kusang gumagalaw mga kamay ko..
.nakakaexcite ang next chapter. Ndi maiwasang gumana ang mga natitira kung neurons at magsend ng impulse sa mga myelinated nerves ko..
At dahil dun nagkarun tuloi ako ng ST segment elevation, pathologic Q wave at inverted T wave(hulaan ang sakit na yan)
.anime ulet! Sana masingit mu ang all time fave ko, POKEMON!
-mark.
this one is tension filled, but short, for sure fugi will make the next one more satisfyingly longer hahaha( pressure). Next one pls..
Seriously, kelangan talaga kinikilig ako habang nagbabasa. :)) This is what I'm talking about pero sobrang bitin. :))
It feels like Anthony and Ian is fighting against each other to win over Fuji's family. HAHA
nasan na ang gunting ng magupitan kana sa baha ng buhok mo, Fuji! LOL
baliw' baliwan lang. ah"
haha.. :D
-ylden
hehehe
:) like like!
Ian vs. Anthony, Round xxx!
Let the fight begins.
:D
myocardial infarction ba yan?? hehehehe o kaya ay presence of q wave means hypokalemia.. yung ibang wave ay skip na lang.. hehehehe ok pilitin kong isingit:]
ai,bkt naman kakabitin..!!
yeszzz..buti nlang mblis magisip papa ian..go go go..sana sa beach cla mgpunta para romantic..wiihhh:))
->dami plang ka-kosa dto(nurse)..Nurses Rocks.!:))
@Mark- try ko sagutin,.ait siret nlang,.hehe
at sa isa pang nurse dto..Hi po sa iyo..:))
-niccolo'25-
wla gaanu nangyari :/
anyway, e2 ung link http://zildjianstories.blogspot.com/2011/09/king-of-hearts.html
nice one po., kulit mo talagang story teller.
Post a Comment