Saturday, March 10, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 33)


 By: FUGI

-------) Mga pipz eto na agad po ang kasunod...Enjoy!

----) sa mga nag-iwan ng Komento ay ay sa susunod ko na lang po kayo maiisa-isa ha! nawawala kasi internet connection ko baka hindi ko ito maipost... basta TY sa lahat sa inyo...... :]
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento






“You are the one” sabay ngiti nitong pagkakaganda sa akin

Ako naman at naaligaga sa pagkakasabi nito niyon kaya naman ay nasabi ko na lang ay...

Ako: ha!? (parang tanga lang, kasi naman)


Anthony: yung You are the one na lang panoodin natin, ok lang ba sayo? (nandoon pa rin ang ngiting iyon)

Ako: o..ok lang, bi..bili na akong ticket (para lang ulit tanga kong naisagot, kasi kasi naman)

Nang akmang tatalikod na ako ay bigla naman niyang hinablot ang kamay ko at ihinarap niya ako sa kanya (hindi man ganoon kalapit pero hawak pa rin niya ang kamay ko sa oras na iyon, na... na talaga namang naging dahilan para para umandar sa hindi pangkaraniwan niyang pagtibok ang nasailalim ng dibdib ko.. kasi kasi kasi................ nagising nalang ako nang umimik ulit ito)

Anthony: ako na bibili ng ticket (nakangiti pa rin ito)

Ako: a...ako na (naiilang kong nasabi)

Anthony: ako na (sabay lahad nito ng palad niya na parang humihingi sa akin ng pera, wala na nga akong nagawa at iniabot ko sa kanya ang pera)

Napabuga naman ako ng hangin ng makalayo na ito sa akin at pinagmasdan ko na lang ito habang nakapila na ito sa ticket booth at maya maya ay sa bilihan ng pop corn tapos ay bumalik na ito sa kinatatayuan ko

Anthony: o sukli (sabay lahad nito nang nakatikom nitong kamay sa akin)
Inilapit ko naman ang akin kamay para kuhanin iyon at nang lumapag na sa kamay ko yung sinasabi niyang sukli ay agad ko siyang tiningnan ng masama at agad naman itong nagtungo papasok ng sinehan habang nakangiting nakakaloko)

Sinundan ko na lang ang malokong mokong na nag-aantay sa akin sa katabi ng lalaking kumukuha ng ticket at nang makalapit na ako ay inabot naman ni anthony yung tickets namin at tuluyan na kaming nakapasok

Hindi pa naman nagsisimula ang pelikula ng makapasok kami. Agad kaming pumanhik sa itaas na bahagi. Medyo may karamihan ang nanonood pero madami dami pa rin ang mga bankanteng upuan

Si anthony ang naghanap ng mauupuan namin at ang napili niya ang sa medyo itaas na gilid sa bandang kanan na kung saan ay kami lang ang umuukupa ng hilerang iyon, at nang makaupo nga ay agad kong kinompronta ang mokong

Ako: ang daya mo naman ih! Hindi mo ginamit ang binigay kong pera sayo (kunyari ay nagagalit kong turan sa kanya, paano kasi yung ibinigay ko na pambili ng ticket ay iyon din yung ibinigay niyang sukli, hindi nya ginalaw)

Anthony: ah.... eh... wala daw panukli (pagdadahilan nitong nangingiti habang napapakamot na sa buhok nito)

Ako: walang panukli ka dyan, ikaw ha mga dahilan mo ay hindi manlang pumasok sa standard (at hindi ko na nga napigilan ang mapatawa.. kasi naman sa dami ng reasons na pwede nyang ibigay ay wala daw mga pips panukli ang sinehan, kelan pa???.. hehehe at natawa na lang din ang hinayupak sa kalokohan niya)

“Yan simula! Wag muna ako pagalitan mommy” humahagikgik naman nitong nasabi habang ang mata ay nasa big screen na

“mommy ka dyan” sabay siko ko sa tagiliran nito at humarap na nga ako sa screen at nakita ko na ang star na mabilis na umaandar papuntang gitna tas biglang sumabog at at at lumabas ang logo ng star cinema....... hahahahahaha

Naging tahimik na kami sa pagsisimula ng pelikulang iyon, naging focus ako sa panonood dahil simula palang ay nakuha na ng pelikulang iyon ang panlasa ko..... maganda talaga sya

Ang kwento ay si sam (nakalimutan ko na ang character name) nagwowork sa US embassy at pupunta naman si toni (nakalimutan ko rin yung name nya sa pelikulang iyon) doon para mag-apply ng visa dahil pinapupunta siya ng kapatid niya sa bansa kung asaan yung mama, papa at yung kapatid niya dahil may sakit ang mama niya, bale si toni nalang ang natira dito sa pinas. Sakto naman na ang napatapat na console sa kanya ay si sam na kung saan di-ne-nied yung applications nya. Pero magaling ang tadhana at pinagtagpo ulit sila at at sa NSO kung saan naman nagtratrabaho si toni, dahil si sam pala ay ampon lang ay inutusan sya ng kanya kinikilalang magulang na hanapin ang tunay niyang magulang, at dahil nauso ang salitang PAGBAWI ay kinuha naman ni toni ang pagkakataon para mapagbayad niya si sam na sa pahanong iyon ay hindi pala siya natatandan............... at doon na nagsimula ang istorya ng pag-iibigan nila

Habang nanonood kami ay ay nakaramdam naman ako ng palamig na ng palamig sa loob ng sinehan kaya ang ginawa ko ikinipit ko ang mga kamay ko sa kili-kili na parang sinisiksik ko ang sarili ko

Nasa ganoon akong tayo ng bilang naramdaman ko ang paglapat ng braso sa aking mga balikat at ng harapin ko yung taong naglahad noon ay ang nakangiting si anthony ang tumambad sa akin....

“nilalamig kana no?” sabay hila nya sa akin pasiksik sa kanya “wala kasi akong dalang jacket, kaya ako na lang ang gawin mong improvise, ok ba iyon” dagdag niya sa akin habang kalakip noon ay ang magiliw niyang ngiti

“sa....salamat” at matipid na ngiti ang sinukli ko sa kanya

Sa puntong iyon ay nabawasan ang panlalamig na nararamdaman ko, may hatid na init ang mga bisig niya na bumabalot sa akin

At nagpatuloy na nga ako sa panonood, sabay kaming natatawa ni anthony sa mga hirit ni tony at eugene sa pelikulang iyon, pero kinikilig din naman ako pag moments na ni sam at toni at ang pinakagusto kung eksena talaga na tumatak sa akin ay yung sagutan nila toni at sam sa may labas ng condo ni sam, yung sagutan nila gitna ng daan at yung ginawa ni sam sa last part para ma-win back nya ulit si toni na kung saan sinabi ni sam kay toni na “You complete me” (ang sarap pakinggan.................)

Agad na akong umalpas sa pagkakaakbay na iyon ni anthony ng.... tapos na ang pelikula at yung mga bloopers na yung mga pinakikita, tawa naman ako ng tawa sa puntong iyon at hindi ko namalayan na ako na pala ang pinapanood ni anthony

“Fugi!” pagtawag bigla ng atensyon ko ni anthony habang patuloy ko parin pinapanood ang mga nakakatawang bloopers

“Bakit?” nakangiti kong harap sa kanya at nakita ko naman na parang seryoso itong nakatingin sa akin na... na ikinakaba ko naman kasi.. kasi parang merong kung ano sa tingin niyan iyon na na.. kakaiba,,,,, kaya ang ginawa ko nalang ay dahan dahan kong ibinalik ang mga mata ko sa patuloy paring pinalalabas ng mga bloopers

“Paano kung may magsabi sa na na na mahal kita” ang pahina ng pahina na nitong sabi na hindi ko naman masyado napakinggan sa kadahilang malakas volume ng pinapanood namin na may background music pa ng kantang............ You are the one

“A..ano iyon?” sabay harap ko na ulit dito para linawin ang sinabi niya

“ah..... eh wa....wala, tinatanong ko lang kung uulitin pa ba natin ang panonood, mukhang tuwang tuwa ka ah!” ang ginawang paglilinaw nito

“Hindi gagabihin tayo pag-inulit pa natin” nakangiti kong balik dito

“Sige ikaw ang bahala” nakangiti naman nitong sagot sa akin

Nang bumukas na ang mga ilaw sa sinehan na iyon ay yon na din ang naging hudyat ng aming patayo at pag-alis na, nang malapit na kaming makalabas ay nagpaalam sa akin si anthony at magsi-CR lang daw siya


*************
---------> ANTHONY

“Sigurado na ako sa Fugi pero hindi kita mamadaliin, dahan dahan lang anthony, slowly but surely” ang nakangiti kong sabi sa sarili ko habang nakatingin sa salamin ng CR ng sinehan na iyon

Agad na akong lumabas at bumungad ang nakangiting si fugi sa akin

Fugi: sa bahay kana magdinner ha! Para makabawi naman ako sayo, kasi ka naman ih! (ang parang bata nitong sabi sakin)

Ako: oo ba gusto ko ang ideya na yan para makilala ko na din ang family mo (pagsang-ayon ko sabay pakawala ng hindi ko mapigilang pagkatuwa na namansin naman nito)

Fugi: hala ang reaksyon kala mo ay nanalo sa lotto ah! (pagbibiro nito)

“Mas higit pa nga” naibulong ko sa sarili ko at napangiti na lang ako sa naisip kong iyon

Ako: tara na! ano bang pwedeng ipasalubong?? Ayon sa kwento mo ikaw, tas mama mo, yung bunso mong kapatid at yung paborito mong pamankin ang nasa bahay nyo sa ngayon, ano bang gusto nila?? (nakangiting tanong ko sa kanya)

Fugi: wag ka na mag-abala, ok! (nakangiti nitong balik sa akin sabay lakad na nito at sinundan ko nalang)

At naglakad na nga kami palabas, nang makalabas na kami ay halos magdidilim na at tinungo na nga namin ang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko

Nang makapasok na kami ay napansin kong naging mas listo si fugi at kaagad na niyang sinuot yung seat belt niya (siguro ay dahil naisip niya yung kaninang ginawa ko, hindi ko naman kasi napigilan ang sarili ko, sobrang lakas na kasi ng epekto nya sa akin), na sa maraming pagkakataon ay nauunahan ko siya at sa mga panahong iyon ay nasisilayan ko ang sobrang amo niyang mukha ng malapitan, na kung saan gustung-gusto ko nang angkinin ang maganda niyang labi, buti na lang at sa mga pagkakataong iyon ay napipigilan ko pa ang sarili ko

“Darating din tayo dyan anthony” nasabi ko na lang sa sarili ko

Agad kong ipinaandar na ang sasakyan at nang makataring na namin ang bayan ay agad kong itinigil ang sasakyan sa harap ng red ribbon para may maipasalubong naman kami

Nang akmang lalabas na ako ay pinigilan naman ako ni fugi

Fugi: wag na anthony (nasabi lang nito)

Ako: ok lang! intayin mo na lang ako dito ok! (sabay pakawala ko ng magiliw na ngiti pagkatapos noon ay nagtuloy tuloy na ako patabas ng sasakyan at pasok sa store na iyon

Naging mabilis lang naman ako doon at agad na ding nakabalik sa sasakyan sabay abot kay fugi ng binili ko at ngiti na rin sa kanya, tinugunan naman niya at pagkatapos at pinaandar ko na ulit ang sasakyan

Naging mabilis naman ang byahe at ng mapatapat na kami sa kanto nila ay si fugi na ang nagbigay ng dereksyon patungo sa bahay nila

Makalipas ang ilang minuto ay naituro na ni fugi yung bahay nila at sa tapat noon ay may nakaparadang gray na kotse at nang tingnan ko naman si fugi at may pagtataka sa mukha nito

*****************
-------> ako na ulit, si FUGI ang magna-narrate

Nang makalapit na nga kami ni anthony ay napansin kong may nakaparadang kotse sa harapan naman at pamilyar iyon

“parang...........parang kay ian iyon”

Itutuloy..............

20 comments:

Master_lee#027 said...

Ang galing ah meron na agad next aha galing talaga ni pareng fugi ang bilis ng function ng golden mind ahaha....takecare....back to the story

Yessssss aangkas na ang manok ko si ian ahaha go ian..........pero kakakilig din sina anthony and fugi ihhh ano ba naman ...kakalito kung kanino ako papanig ahaha

--makki-- said...

ganon nga Anthony.. SLOWLY BUT SURELY!

haist! nandiyan na naman si Ian.. panira ng moment huh! LOL (peace.. :) )

Anonymous said...

naku naku..hahaha.
sabi ko na nga bang may gagawin c paring ian..haha.galing ng man0k ko!.go ian!.
Haba naman ng buhok ni fugi..dalawa2 tlga..hehe.
sana next agad, author FUGI..

sr143

Lawfer said...

capital K! KILIG! wahaha
mbuti naman at my nkakatuwa naman aqng nbsa, takte naman kc pumasok sa icp q bnsa q ung snulat q naiyak aq muntanga lng wahaha

anyway hayun, kilig nga... peo my kontrabidang nsa bhay mo ah..tsk tsk... pasiklaban ng kilig moments ang inaasahan q sa susunod ha? dpat mdaming mdami kung ndi su2nugin q tong blog ni ampalaya! :))

MARK13 said...

Nice,ang ganda naman ng chapter n e2,at syempre ang aking inaabangan n ian vs. anthony,cnu kea ang magwa2gi s puso ni fugi???

gud job mr.fugi (the author)
^^;

Stringx said...

Hindi rin papahuli si Ian. Go Ian!
Ahahaha...

foxriver said...

wow bilis ah..may kilg din kay anthony, but Ian's a different story, the level of kilig is intoxicating and incessantly.

James Chill said...

Inspired boss!!! Meron agad! Yey! Ian you're back in the game!!! Wooohhh!!! Haha

DownDLine said...

anlamlim ng pinaghuhugutan ni fugi! ahaha.....next please!

Jaceph Elric said...

Next moment naman ni Fugi at kuya ni Ian. Hahaha

galing. Kaya ziippp maahhh leepppsss.

Unknown said...

sa you are the one eh c SALLY (toni) at WILL (sam)..

malakas ang pakiramdam ko na ndi tlaga c anthony at fugi, hehe, kasi pilit ung kilig sa kanila.. hahah ian-fugi, solid 'to!!! parang pyramid.. :p

Anonymous said...

may kilig na dn...haha npilitan,:)

natawa aq sa salitang IMPROVISE..kc gagas ang salitang yan sa ating mga Nurse at idagdag pa ang ASSUMING,.hahaha lalo na pag return demo.,

yes,.andun papa ian..go go go..wag ka papatalo...!

kay crush..HI sau..:))

-niccolo'25-

Anonymous said...

Nakakaexcite!! Can't wait for the next chapter! andyan na si IAN!!! woot-woot! Pero infairness kinilig ako kay anthony. HAHA. Basta team IA-GI pa rin ako kahit na anong mangyari. :]]]]]]

PAUL FABIAN

darklord said...

galing ng story mo, at astig ng mga trivia mo, lakas maka kuya kim. sana magkaron ng part ang story mo na nag dyuduty na sila :), keep up the good work

darklord said...

ganda ng story mo, di mabigat sa pakiramdam. at astig ng mga trivia haha, lakas makakuya kim a. keep up the goodwork, sana magkapart ang story mo na nagduty na sila.

vash said...

Kakabitin palagi! Ahaahahaha

vash said...

Laging bitin! Ahahaha keep it up!

Survey oh! Cnu pipiliin nya ian o anthony???

marL said...

wahhhh ngaun lng ulet nakapag bukas. bc kc sa practicum. graduating kc ee dapat mag aral para maksama sa DL. hahaha. hehehe excited na ko sa aminan portiom hehehe. IAN at FUGI aq ahh hehehe.

Lyron said...

ay ang ganda na ng part ng kwento... too bad aabutin ng 9months bago ko matuloy ang pagbabasa... Anyway, nandito naman si rue at makki para magsubaybay. I will miss your stories and nga pala wag kang mag-alala kay rue at makki! FUGI-IAN pa din ha?! HEHEHE

CHEERS!:)

slushe.love said...

I love it! :) Ngayon lang ako nakapag comment. LOLs
Parang gusto ko ung mangyayari na andun si Ian at Anthony sa bahay nila Fuji at sana my onteng friction na maganap para mas nakaka kilig. hihi :)) Nakakakilig! :D

Post a Comment