Thursday, March 8, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 31)

 
 By: FUGI


--) Akala ko talaga ay matatagalan pa ng ilan pang mga araw bago marestore ang normal functioning ng aking medyo maliit na utak (hehe) salamat kay pareng Oxygen (na O2 ang simbolo sa peridic table of elements, tanda nyo pa ba iyon?? Hehe), na available sa environment na isa sa mga essential na kelangan ng ating utak, ganoon din sa aking maayos pang circulation at mga Lungs, pati na rin sa kapit bahay namin na nagbigay ng napakasarap Cadbury (whole nut) na syang kumumpleto ng recovering ng aking brain

+++++++++
Trivia (yan ha! Simula palang may trivia na, kaya naman doon sa nakapuna at nakamiss ng trivia portion eto na po......... eto na sya... hehehe)

Pag-usapan naman natin ngayon ang about sa needs ng utak since naging issue ko sya kaya medyo nadelayed ang updates ko (haha palusot!:])

Alam nyo ba (wow lakas maka-kuya kim lang.. hehe) na ang mga pangunahing kailangan ng utak para magfunction o gumana at magamit natin sa pang-araw araw ay ang mga sumusunod: 1. OXYGEN (nasa kabutihang palad ay available na sa paligid, ang gagawin nalang natin ay singhutin ito.. hehehe, what a term??...haha... nga pala mga pipzzzz lacking of supply of oxygen in our brain for more than 3 to 5 miniutes will lead to a so called “Brain Damage” at pagtumagal pa doon, let say about 10 to 14 minutes and above it will result to “Brain Death” that will end our life as well, kaya the more air we put on in our system, the lengthening our life expectancy... hehe), pagnaipasok na natin ito sa ating sistema, dyan papasok si------> 2. GOOD CIRCULATION & LUNGS (tandaan ang nalalanghap nating oxygen sa kapaligiran ay hindi malinis (parang tubig kelangang salain). Pagkapasok ng oxygen sa ating katawan ay sasama ito sa atin dugo o ang tinatawag naming “UNOXYGINATED BLOOD”na kung saan dadalahin ito sa ating mga baga sa pamamagitan ng magandang sirkulasyon. Sa ating mga baga parang nasasala at nagiging malinis ito, at paglabas nito sa ating mga lungs ang term na ngayon ay “OXYGINATED BLOOD” na kung saan ito ay dadalahin ng ating uling circulation sa mga vital organs kasama na ang ating UTAK para gumana (gets? Yung may mga tanong at nalilito ay.. ay itago nyo na lang yan, kunyari na lang naiintindihan nyo.. ok! Hahaha), kelangan din ng ating utak ang------> 3. GLUCOSE (na nakukuha sa mga pagkaing may sugar content, ang glucose ay isa sa mga end result pag nagbreakdown ang sugar, examples: yung kinain kong cadbury kanina noong nadigest sya sa aking digestive system (wow! Hehe) ang isa sa mga naging by product nito ay glucose, na bukod sa nagbibigay ng energy ang glucose sa ating katawan isa rin sya sa parang food ng ating brains, kaya pag may mga exams tayo lagi tayong may baong kendi o chocolates ( yung PLA-TOPS....hahaha), ewan ko lang sa iba kung nagbabaon kayo ng mga ganyan pag may mga exams kayo, pero effective sya sa akin lalong lalo na nung nagtake ako ng board exam, sobrang laking tulong nyan sa akin kasi may puntong sasakit ang utak ko sa dami ba namang questions na sinasagutan (500 items in two days, 300 items on the first then the remaining 200 will be answered on the next day), pero pag ka kakainin ko na yung dala kong kendi ay nawawala na.. promise) at syempre hindi rin mawawala ang------> 4. VITAMINS & MINERALS (na available din naman sa mga masusustansyang pagkaing kinakain natin sa araw araw at ganoon din sa mga clinically & scientifically made na mga gamot na naglalaman ng mga ganito {from A to Z, hahaha nag-endorsed pa})

“Ang haba naman nitong trivia”----> magiging puna noong iba ang masasabi ko lang “Pasensya na po! Nakakain kasi ng Cadbury (whole nut) hahaha ”
+++++++++++++

@--makki-- & Rue slash Lawfer (nagbabala naman ako! LOL, ay may meeting ka pang ioorganise makki ha! Magtatayo lang ng un-yon??? hahaha)

@MARK (Hi! Salamat at naisatinig mo ang gusto mong sabihin at akoy nagagalak sa pagkagusto mo sa istorya na ito... TY po!)

@Stringx (Hi! X-silent reader hehe, salamat po at nagustuha mo at secret muna ang magiging papel ni Joseph sa istorya.. hehe)

@Niccolo’25 (immersion ba iyan? Wow! Natawa naman ako sa sinabi mong “dapt aq nanalo dun..kc naman fown gmit ko kya di agad nasend ung coment ko..hmpt” may palaro pa po sa mga susunod na chapter kaya dapat matimingan mo iyon hehe, at dahil namiss mo yung trivia sa simula palang nitong chapter nito meron na agad kaya sana nagustuhan mo:])

@sr143 (galing mong gumawa ng tanong kesyo “magkatensy0n kya?, anu na naman kya ang maging epekto nito ky ian.? ” parang kung napapanood ito sa tv yan yung mga sasabihin ng voice over pagkakatapos ng palabas para hikayatin ang mga nanunuod na abangan ang susunod na kabanata.. hehehehe na gets mo ba??)

@Lyron (sayang nahuli ka ng pagsent ng sagot muntik ka na manalo ih! About naman sa palaro magkakameron mo for sure kaso hindi ko ipapaalam kung kelan at saang chapter kasi doon ko nalalaman kung sino ba talaga sa mga nagbabasa nito ang talaga nakafocus sa lahat ng nilalaman ng bawat chapters na ginagawa ko at isa ka sa mga iyon, kaya isang super duper thanks.. hehehe)

@Jekjec (at sa lahat ikaw lang ang pumuna sa maghiso sobra mo akong pinasaya talagang magaling ka.. hehehe taga BALAYAN BATANGAS ka pala, kababayan! Hehehe alam mo ba na isa sa mga naging Clinical instructor ko ay taga dyan?? So ngayon alam mo na.. hahaha)

@Josh (Hi! Bago ka rin na comment-ter di ba? Salamat po at nagustuhan ninyo, ninosebleed naman ako sa brewing conflict mo hahaha biro lang, paumanhin po pero hindi ko po kilala si Mr. Dranski, ano po yung ginawa niya gusto ko tuloy mabasa.. pero Idol ko po si Mr. Zephiel at halos lahat ng gawa niya ay nabasa ko, salamat at napifeel mo sa gawa namin ni Mr. Dranski ang ganoon, kahit ako miss ko na ang gawa ni kuya idol, buti at pinost na niya ang bago niyang istorya:])

@Ramy from Qatar (paano nga ba pagbumalik sya?? Yan po ang dapat nating abangan kaya dapat wag kang bibitaw.. hehehe)

@Foxriver (namiss kita ih! Hindi ka nagcomment sa last last chapter.. hehehe, salamat at nagustuhan mo ang chapter na ito kahit maka-ian ka! Babawi naman daw si ian.. hehehe)
@Empire027 (Hi!, bago ka din na comment-ter, salamat po!)

@marL (sempre naman baka may mga magprotesta na naman pagkinalimutan ko sya.. haha, gagawa palang po ako ng FB, kw ang una kong sasabihin pag meron na.. hehe)

@DownDLine (spell BITIN?? Ah eh.... may leter B ba sa word na yon?? hehehe sori kung nabitin ka bawi ako next chapter pero may pabitin effect uli ha??? Hehehe)

@akosichristian (nice idea ha! Pwede pero abangan mo yan sa mga susunod na chapters ok ba iyo?? Wow colleagues! Hehehe sige abangan mo yung magiging duty namin pagdating namin ng second year, second semester hehe)

@PAUL FABIAN (Hi po! Bago ka din, salamat po at nagustuhan ninyo, wow tanda nyo pa iyon pagpasok ko sa mga pagmuni-muni nina anthony at ian, meaning sobra palang isinasapuso nyo ang pagbabasa,, salamat talaga at nagustuhan ninyo pati yung pagsingit ko ng mga paborito kong mga anime. TY!)

@Yume (haha natawa naman ako sayo PRE’ haha nagpasemi kalbo na nga ako eh! Haha)

@Master_lee#027 (salamat sa madali at mahirap na hiniling mong premyo, mahirap in a sense na magkakaroon ka na ng expectations, pero ipinapangako ko na I will do my 101 % to satisfied your cravings for more kilig moments pati na rin yung mga twists ng story na ito....pero kinabahan ako sa kung ano ang hihingin mo pati na rin sa isa pang nanalo, dalawa kasi kayo yung isa nanalo dahil doon sya humula sa mismong blog ko, buti na lang at medyo parehas kayo ng hiningi.. salamat:])

@at sa lahat nag lihim na sumusubaybay sa gawa ko na ito, salamat po!

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman






..............at nang mapaling ang tingin ko kay anthony ay napansin kong parang malalim ang iniisip nito

Agad ko itong sinuntok ng mahina sa kanyang deltoid area (mga pips alam nyo na yan kung saan, naitrivia ko na yan sa last last chapter may pics-tures pa nga kaya ang magtatanong pa niyan ay... ay isusumbong ko sa pansampong boss ng Vonggola (tama ba spelling?? Hehe).. hahahaha yes naisingit ko ito, paano kasi mga pips ibinalik na ulit sa Hero TV ang Hitman Reborn kaya naisama ko sya dito.. hehe)

Ako: hoy! (pagkuha ko dito ng atensyon humarap lang ito sa akin sabay biglang patong ng kamay nito ulo ko sabay gulo ng buhok ko kasabay noon ay pagpapakawala nito ng ngiti), buhok ko (parang batang saway ko dito)

Anthony: kahit anong ayos naman niyan ay cute ka pa din ih! (nakangiti pa rin ito sa akin sabay alis ng kamay niya), pero kung ako iyon, gwapo pa din ako (natatawa na nitong sabi sa akin)

Ako: buti hindi ka nabibigatan (kunyaring seryoso kong tugon sa kanya)

Anthony: saan naman? (kasama ng natataka nitong reaksyon)

Ako: lagi ka na lang kasing nagbubuhay ng sarilimong bangko (natatawa ko namang bira dito)

Anthony: ah ganoon! (sabay lagay ulit nito ng kamay sa ulo ko sabay mabilisang ginulo ang buhok ko, tawa naman kami ng tawa sa puntong iyon)

Ako: tama na , hoy! (pagsaway ko na dito), drive ka na kasi late na tayo ih! (naidagdag ko at tumigil na nga si anthony pagkatapos ay iginaya na ang atensyon sa manubela at maya maya lang pinaan-andar na ito)

Nang mapatama naman ang tingin ko sa salamin ng kotse ay nagtama ang tingin namin ni ian at sa puntong iyon ay nakaramdam ako ng hiya at at at ewan may kung ano sa tingin niya na parang may nais ipabatid kaso.. kaso hindi ko naman maintindihan o baka OA lang talaga ako (hehehe)

Ako na rin ang unang bumitaw sa tinginan na iyon sabay paling sa bintana. Katahimikan ang sunod na namayani sa aming tatlo, parang parang nagpapakiramdaman kung sinong unang magbubukas pag-uusapan at babasag sa nanaig na katahimikan

Kaso walang nangahas, namalayan na lang namin na malapit na kami sa campus at nang makapasok at maiparada na ni anthony ang sasakyan niya, agad naman kaming bumaba, pagkababa ay biglang umimik si ian....

Ian: tol salamat! (sabi nito kay anthony pagkatapos ay sabay tingin nito sa akin at ngumiti, nagulat nalang ako ng ... ng bigla niyang hawakan ang buhok ko at at akala ko kung anong gagawin niya, yun pala ay..... ay iniayos pala nito nung mga tayo-tayo pang mga buhok na dahil sa paggugulo ni anthony nito kanina.........mga pipzzz nagulat na naman ako.. kasi nga,, alam nyo na naman ang dahilan “hindi ako nainform”.. hahaha), yan ayos na (nakangiting dagdag nito, na tinugunan ko na lang ng ngiti din... speechless eh!... hahaha)

Sa kabilang dako ay hindi na namin napansin na mataman na palang nakamasid si anthony sa amin

Pagkatapos noon ay agad na akong inakbayan ni ian at agad akong minaniobra para madala ako sa paglalakad niya

Ian: tara na sa gym baka andoon na prof natin (sabi nito)

Agad akong lumingon sa likod dahil si anthony

Ako: tara na sa gym! (nakangiti kong aya dito na tinugunan naman nito ng isang magandang ngiti)

Agad na akong nadala sa paglalakad ni ian dahil nakaakbay ito sa akin at ramdam ko na naman ang pagsunod na ni anthony sa likuran namin

Pagkadating namin sa gymnasium (kung saan sya ang designated room para sa P.E. subject namin at nang iba pang sections) ay nandoon na ang mga kaklase namin pati na rin si janine at sinalubong naman kami ng mga ngiti ng mga ito lalo na yung mga kaklase ko na nagtatama ang mga paningin namin

Janine: dito na kayo umupo, pinagsaved ko kayo ng pwesto ha! (sabay turo nito sa espasyo sa tabi niya)

Ako: salamat (nakangiti kong sabi dito)

Janine: ay upo na kayo (pag-anyaya nito sa amin, humarap naman ako kay ian)

Ako: kamay mo po (tukoy ko sa kamay nitong nakaakbay sa akin), upo na tayo (dagdag ko)
Ian: maya na tayo umupo (nakangiting tugon nito sa akin)

Ako: hala ginagawa mo lang akong tuunan ih! (parang bata kong sabi dito na ikinatawa nya lang)

Ian: sige na nga, nagmamaktol na ang bata (natatawang sabi nito sabay pisil sa pisngi ko at alis na ng pagkakaakbay nito)

Agad na akong tumabi ng upo kay janine, nang makaupo na ako, naramdaman kong may tumabi na rin sa akin at nanglingunin ko ito ay tumambad sa akin ang nakangiting si anthony, nginitian ko din sya 

 At nang mapadpad ang tingin ko sa nakatayo pa rin palang si ian ay nakatingin lang din pala ito sa akin o... o sa ... sa amin (basta nakatingin sya.. hahahaha)

Ako: upo na! ikaw na lang standing ovation (biro ko sa kanya at ngumiti lang din ito sa akin pagkatapos ay iniabot sa akin ang bag niya na tinanggap ko naman, akala ko ay sa tabi siya ni anthony pipwesto pero nakiusap sya sa isa naming kaklase na nasa likod ko at doon sya mismo umupo)

Maya maya pa ay biglang pumasok sa gym ang isang grupo ng pinaghalong babae at lalaki, may bata pa ang itsura meron namang medyo may edad na, naghiwahiwalay sila at nagpunta sa umpukan ng ibat-ibang mga estudyante na magkakaseksyon 

Ang lumapit sa amin na galing sa grupo nila ay isang lalaki na parang nasa mid 30’s na at tinanong ang section namin, umimik yung iba naming kaklasmates at sinagot ang tinatanong niya at nang malaman niya ang section namin ay agad itong nagpakilala na sya daw ang magiging P.E. instructor namin. Katulad nang mga nauna ay pinaghanda niya kami ng 1/8 index card kung saan nilalaman nito ay impormasyon tungkol sa amin, maya maya ay kinuha na niya ito alphabetically at pagkatapos ay tinawag kami isa isa para pirmahan ang registration form namin

Pagkatapos noon ay nagdiscuss sya ng mga rules nya tapos noon ay ibinigay nya iyong summary ng activities na gagawain namin sa buong semester na iyon tapos yung grading system para sa subject niya at nang matapos ay agad nya na rin kaming dinismiss pagkabigay niya ng assignments.

Pagkaalis ng prof ay napag-usapan namin si janine yung about sa report namin sa nat-sci at since sobrang haba pa ng oras bago ang klase namin sa CWTS ay napagkasunduan naming simulan na iyon

Agad kong sinabi kena ian at anthony iyon at parehas naman silang nagsabi na sasama na lang sa amin sa pagreresearch sa library

Nang makarating na kami sa Library ng school na kung tawagin ay IMC o Instructional Media Center, ang maganda pa may baggage counter section ang library namin sa labas nito (hahaha), nang makuha na namin ang mga valuable things (wow!) namin pati na rin ang imc cards (na essential para makapasok kami doon, makahiram at makagamit ng kakailanganin namin sa pagreresearch) ay agad na naming iniwan ang mga bags namin pagkatapos ay nagtuloy na kami sa pagpasok sa loob noon. Inukopa namin yung table na pang-apatan, magkatabi kami ni janine tas nasa harap namin si ian at anthony

Agad kaming nagpaalam ni janine sa dalawa para hanapin ang mga librong mapagkukuhanan namin ng kelangan naming impormasyon sa gagawain naming report. Medyo nagtagal kami ni janine sa paghahanap at nang mapadako ako sa kinaroroonan nina anthony at ian at nakatingin pala ang dalawa sa akin at parang may pinag-uusapan, ipinagkibit balikat ko na lang at agad itinoon ang atensyon ko sa ginagawa ko

Nakakita kami ng apat na reference books agad namin itong dinala sa table, pagkaupo ko ay tahimik lang ang dalawa na nakatingin sa akin, parang may something.. ewan pero meron talaga ih! Pero agad namang kinuha ni janine ang atensyon ko at pagkatapos ay brinaws na namin yung mga dala naming aklat , binasa yung topic ng about sa report namin at pinagdiskusyonan namin iyon kung ilalagay namin  o hindi sa report namin, matapos ang mahabang palitan namin ng ideya ay napagkasunduan na namin ang mga isasama sa report namin. Ako na ang nagprisintang magpapaphoto copy ng mga libro at hintayin nalang nila ako doon para hindi na kami pabalik balik pa

Akmang bubuhatin ko na ang mga libro nang biglang kuhanin at agawin ito sa akin palayo ng itaas ko ang aking mukha ay ang si anthony ang sumalubong sa akin
Anthony: samahan na kita (magiliw nitong pagkakasabi, hindi na ako nakatangi, hawak nya na ih!.. hehe)

Agad na kaming lumarga, buti na lang at hindi na kami lalayo pa dahil sa katabi ng baggage counter section ay meron “XEROX COPIER” (pasensya na sa term ay hindi ko alam ang tawag duon sa magsi-xerox ih!, pero walang halong biro po mero na talagang xerox machine at magsi-xerox sa labas ng IMC namin katabi nung baggage counter)

Noong mga panahon na iyon ay kami lang ang pagpapa-xerox kaya naman naging mabilis ang proseso, agad kaming nakabalik at napagpasyahang pumunta ng cafeteria para magmeryenda

Agad na kaming lumabas ng IMC at tinungo na ang daan patungong cafeteria. Kami pa rin ni janine ang magkausap para sa gagawin naming report, nariyan kung anong style ng reporting, anong materials ang gagamitin at ang hatian sa irereport

Pagkadating sa cafeteria ay kakaunti na ang mga people there (maka-english lang talaga.. hahaha) kaya dumaretso na kami sa counter lahat para umorder. Nang kukuha na ako ng tray ay hinarang ako ni anthony

Anthony: dito mo na sakin isama order mo, magsasayang ka pa ng tray ay madami pang gagamit (mahabang naitugon nito)

Ako: ang dami mo agad na sabi ah! (natatawa kong tugon dito), oo na po (at sumunod na ako sa kanya)

Nang makaupo na kami ay hinintay muna namin si ian , sya kasi ang huli, nang naglalakad na ito papunta sa kinatatayuan namin ay napansin kung may iba sa ikinikilos nito pati sa tingin at kanina ko pa ring napapansing tahimik ito (o di ba hindi nyo pa siya naririnig ulit magsalita?? Di ba?? Di ba??)

“May problema kaya ang mokong” nasabi ko na lang sa sarili ko

Kwentuhan, tawanan at kung ano ano pang kalokohan ang naganap sa oras na nakaupo at nagmemeryenda kami sa cafeteria pero pansing pansin kong may kakaiba talaga kay ian
Maya maya ay nagpaalam si ian na magsi-CR daw siya, agad akong nagpaalam din at sumunod sa kanya nang medyo malayo na kami kela anthony at janine

Ako: may problema ka ba? Parang kanina ka pang tahimik?

Ian: tahimik naman ako talaga

Ako: pero kilala na kita kaya wag ka na nga magdahilan (mahinahon kong tugon dito)

Ian: may iniisip lang ako, pero ok lang ako (pagsisiguro nito sa akin sabay pakawala ng ngiti)

Ako: sure ka ha? (nag-aalangan kong tanong at tungo at ngiti ang tinugon nito)

Nang makabalik kami ni ian mula CR sa kung nasaan si na anthony ay nagkayayaan na pumunta na sa room assignment para sa next subject namin ang CWTS. Napagkasunduan na hindi na kami magpapalit ng damit kasi first meeting naman at baka katulad nang sa mga nauna naming subjects ay idismiss din naman agad kami 

Nang makarating kami sa room ay halos lahat ay nakapang P.E. uniform pa din, naupo kami sa favorite spot namin sa likuran katabi ko ian sa kaliwa at si anthony naman sa kanan tapos sa kanan naman ni ian si janine

Maya-maya ay dumating na ang prof namin, nasa early 40’s na si sir, mukhang mabait na naman kaso parang adik (peace sir! Hehe) paanosa mata nya ay yung mga line ng vessels ay mapula, pero siguro hindi lang nakatulog kagabe kaya ganoon (hahaha)

At katulad nga nang naunang mga subjects namin ay ganoon din ang pinagawa nito ang pinagkaibahan lang ay diniscuss ni sir yung about sa uniform namin. Ang tamang sout dapat namin sa subject nya ay yung t-shirt ng CWTS tapos ay maong pants at rubber shoes kaso dahil ang sinusundan naming subjects ay P.E., pumayag siya na ok lang daw yung jogging pants pero dapat t-shirt ng CWTS ang suot namin pero may exception din, pag comunity kami ay dapat nakamaong kami, sasabihin naman daw nya kung community kami, wala rin kaso sa kanya ang seating arrangement ang mahalaga ay pasukan namin ang subject nya. Pagkatapos noon ay ang inaasahan naming early dismissal (hehe)

Nang nag-aayos na ako ng gamit ay bigla namang umimik sa tabi ko si anthony

Anthony: ano ready ka na ba? (ang masaya nitong sabi)

Ako: saan? (maang kong sagot na tanong sa tanong niya)

Anthony: tara na! manloloko ka na naman ha! (sabay hila nito ng gamit ko, tinawanan ko na lang ito sa inasta niya)

Humarap naman ako kela janine at ian..

Ako: sama kayo, punta kaming sm ni anthony (pag-aya ko)

Janine: nako! May gagawin kasi ako (agad na tugon nito)

Ako: lagi ka na lang busy ah! (pagbibiro ko dito)

Janine: ganoon talaga (natatawa naman na balik nito)

Ako: ikaw ian (paling ko naman dito)

Anthony: baka may pupuntahan o gagawin din ian (pagsingit naman nito) 

Ian: oo nga fugi may pupuntahan pala ako (nakangiti nitong tugon sa akin), galing mo tol ah! Nahulaan mo (dagdag nito na na kay anthony na ang tingin nito)

Ako: ganoon ba? (may himig lungkot kong tugon dito)

Ian: bawi ako next time (nakangiting sabi nito sa akin sabay tapik sa balikat ko)

Anthony: so tara na fugi (sabay akbay na nito sa akin), una na kami tol (nakangiti nitong paalam ay ian), sayo din janine (dagdag nito)

Nang papalabas na kami ni anthony ay pumaling ako sa kung nasaan si ian at nakita kong nakatingin pala ito sa akin ngumiti at itinaas ko ang isang kamay ko senyales nang pamamaalam, tinugunan din naman niya iyon ng kaparehas ng ginawa ko

Pero parang iba.... parang pilit (nasabi ko ito dahil kilala ko na siya pero hindi ko rin masiguro)

At tuluyan na nga kaming nakalabas ng room naming iyon.....



Itutuloy............



Note: nais ko po sabi na wala masyadong kilig moments kasi ito yung panghuhugutan ng mga mangyayari sa susunod na chapters kaya po sana ay maintindihan ninyo.... Salamat po!

15 comments:

Anonymous said...

Wag mo naman akong i-po mr. fugi, tumatanda agad ako. HAHA. joke lang. Anyway, wala maxadong exposure dito si Ian :( pero ok lang kase sa ibang chapters naeexpose naman siya. Haha. BAsta Team IA-GI ako. LOL :))))) Keep up the good work :]

PAUL FABIAN

James Chill said...

Hanu ba naman kasi hian!! Humamin ka na....

Xerox brand ng machine. Photocopying machine daw talaga tawag dun... Napatayo na ko sa klase dahil diyan... Lin*k na machine yan... Hahaha...

Next chap. Na boss...

Master_lee#027 said...

Ok lang mr.fugi na wala masyado kilig moments pa ang mahalaga maganda at smooth ang flow ng story ...basta ung promise?na magkakaroon ng twist and kilig moments ito ah?lalo na kina ian and fugi tandem ahhaa......at bakit kinabahan kapala sa hihingin kong pabor sayo mr.fugi?ahaha simple lang eh ....:Dtakecare

Stringx said...

Technically, it's 'photocopy machine' hindi Xerox kasi brand yun sa photocopy machine. And it's 'Vongola Famiglia', avid fan din ako sa anime/manga na yan. Sa katunayan, may mural nga ako sa kwarto na nakalagay ang Arcobaleno with their silhouette grown-up counterpart. :D

Parang ginawang bola ng tennis si Fugi nina Anthony at Ian ah, at may 'rally' (metaphorically said). :D

Aabangan ko role ni kuya Joseph ah, Mr. Author.

Kudos!

marL said...

yes may update na sya. hehehe miss ko na to ee.

MARK13 said...

Hala!!!anu kea pnag-usapan ni anthony at ian at bkt bigla nlang tumahimik ian,somethings weird is happening,anu kea un? thnks 4d updte fugi,bitin lng aq,jejeje,gudwork again,..

nxt chapter n tau,ang dte ni anthony at fugi,xcited n me:)

foxriver said...

whether its an Ian or Anthony chapter , i will still read the chapter, bec i super love this story, i'm addicted to it hihihi. I got sick last week so i was not able to read the chapters prior to this, but still ur never fail to give us a good chapter, and ur trivias are very helpful, i don't mind, even the anime terms u make singit in between parts of a chapter its ok. That's ur style, that sets u apart from the other writers, coz u got ur own style of writing. I'll be forever team Ian and fugi hehehe, and will forever will support ur wok. God bless and tc.

Lawfer said...

lol una tlaga ang mga rebelde sa listahan xD
mall8 mgcoment ang partner in crime qng c makki dhl out of town xa (kailangan tlagang ibalita? lol)

Anonymous said...

naman fugi..WAGAS naman ngaun ang trivia mu..akala ko didiscuss mo lhat ng System..!!hehe
nweiz..bitin,kc thmik papa Ian..hmpt..

di po immersion,last duty sa RHU un..ngaun isa na dn aq the BUM..hahaha

-nga pla may new batch na ng RNheals..nka in ka??

gusto ko makilala ung isa nting colleague,.hehe

-niccolo'25-

Unknown said...

cant wait for immersion.. :p

anyway, ian at fugi pa rin ako..!!! un nlng kasi, cla na lang kasi.. :p

nakakamis din pla ang nursing school, lalo na sa mga oxygenated and deoxygenated mo na hirit, hehe.. nalimutan ko na yan.. :p

jekjec said...

bakit naman lumarga sila ng di kasama si ian?

DownDLine said...

oo fugi may B yung BITIN! ahaha... hay nako kelan ang eksena ni kuya joseph??? ahaha..team joseph n ako ehh LOL... nice chapter!

marL said...

anu kaya nangyari sa manok ko (kay ian) at nging ganun sya kalamig. tsk tsk tsk.

Yume said...

semikalbo ka na? hahahaha nice tol pero ndi magbabago paghanga q s iyo hahaha

--makki-- said...

nyahahaha! LOKOLOKO ka talaga! anu kaya pinagusapan nila ni Anthony?

Post a Comment