----->
para kay MAKKI at LAWFER nais ko pong ipaalam na pinapayagan ko na kayong
iboycott ang chapter na ito sa kadahilan na nung ginagawa ko ang chapter na ito
ay ka-chat ko si ian kaya kahit anong isip ko at pagfocus ko ay na-distract pa
rin ako (kasi kasi), tri-nay ko naman pong i-revise pero ito lang ang nakayanan
ko at nang utak ko, sorry kung madisappoint ko kayo pati yung ibang pro
anthony:[
-Hansen (bago kang
comment-ter kaya naman HI!)
-Zach Mar 2 (bago ka
din na comment-ter, HI!.. salamat naman po at nagustuhan ninyo itong storya na
ito)
-Jaceph Elric from
Malolos (bago kang comment-ter kaya naman HI!, salamat po at nagustuhan ninyo)
-Ylden (bago kang
comment-terka din, kaya naman HI!)
-sr143 (wow binasa mo
yung trivia?? Salamat!)
-Jekjec (ang puso po!
Hehehe)
-MarL (pasensya na
kung natagalan, ang dami kasing revisions.. hehehe)
-Mark (swerte
mo naman, kami nga halos minimun na ang 10 na nagawa ko o namin kung groupings
bago ako nakagraduate, saan school ka ba? Sana dyan nalang nakapasok... hehe,
ang kaka ko, recovering na po ang kaka ko, salamat;])
-Niccolo’25 (oo
nga ngangayon ka lang ulit nagparamdam akala ko ay nagsawa ka na sa kwentong
ito, kamusta?, nagegets ko ang hinana-ing mo, ang dami din akong natanggap na
hindi magandang comments sa mga panelist pag case presentation, grabe lagi
nalang nilang hinahanapan ng butas.. hehehe)
-Lyron (hala so may
tandem pala talaga silang dalawa at mukhang madami silang ka-berks,, mukhang
madaming mangboboycott paghindi ko inayos ang moments ni anthony (tsk tsk..
salamat sa info), parang gamit si kuya joseph ih kung maarbor mo (hehe),
hinabaan ko talaga kasi napuna mo na wala sa last chapter hehehe)
-Jemyro (salamat sa
pag-intindi:])
-James (oo nga yan na
ang patunay na tayo ay magkababayan hehehe)
-DownDLine (haha eto
na po ang request mong next.. hehe)
-Yume (hehehe,
salamat salamat po!)
----) at syempre sa mga nakilahok
at humula sa aking “Anime Hula
the Title Contest” na sina Lyron, Niccolo’25, Jaceph
Elric from Malolos, Ylden at Master_lee#027 ang tama pong sagot ay YU-GI-OH at ang winner
ay si (dyandaradan daran..... ) si MR. MASTER_LEE#027 (siya po ang unang humula ng tama), at
katulad ng napag-usap nanalo po kayo ng.... ng MAHABANG CHECK at sa ibabaw ay
FIVE STAR (hahaha lakas maka kinder biro lang), kayo po ano po bang gusto MONG
premyo (yung kaya ko lang ha! At sasabihin ko kung magagawa ko o hindi.. ok ba
iyon??? )... salamat sa ibang nagparticipate (better luck next time)
@at sa lahat nag
lihim na sumusubaybay sa gawa ko na ito, salamat po!
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po
ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang
naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na
author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA
TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya
naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa
po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman
John: kuya may tumawag nga pala dito hinahanap
ka
Ako: sino daw?
John: ano nga bang pangalan noon
(habang iniisip kung sino iyon), ah! (lakas maka-light bulb.. hehehe)... an...
anthony.. oo nga anthony
Nang marinig ko iyon ay agad akong
napaharap kay ian at sa puntong iyon ay nakatingin pala ito sa akin
------------------------
Wala namang pumasok sa utak ko na pwede
sabihin sa kanya sa puntong iyon, nablanko ang utak ko ewan ko ba kung bakit,
siguro dahil sa pagtatama ng mata namin ni ian
Nasa ganoon kaming eksena ng biglang
magring ang telepono
“Saved by the phone” nabulalas ko na
lang sa sarili at agd kong tinungo iyon para sagutin
Ako: hello! Good evening, who’s in the
line (naks maka-English lang, sakit talaga sa ilong... nose bleed ih!)
“Fugi!” masiglang tugon ng nasa
kabilang linya
“A...Anthony” nauutal ko namang
nasambit sabay paling ng tingin kela ian at sa akin nga nakatingin ang huli
kaya ganoon nalang ang pagkakasabi ko sa pangalan niya
Ako: na..napatawag ka? (dagdag ko sabay
iwas ng tingin kay ian)
Anthony: wala lang, tsinek ko lang kung
nakauwi ka na, tumawag kasi ako kanina at sabi nung kapatid mo ay wala ka pa
daw (paglalahad nito)
Ako: ganoon ba? So nakauwi na po ako,
lagyan mo na ng check attendance ko (mahina kong pagbibiro dito na sapat na
para mapakinggan niya)
Anthony: Yes boss! Done na! (pagsakay
nito sabay hagikgik at napangiti na rin), nga pala.................(kasabay ang
mahabang pause kaya naman ako na ang nagtuloy)
Ako: nga pala.... ANO? (ang pagdugtong
ko ng tanong)
Anthony: ah eh! Ma.....gandang gabi
pala (ang nasabi na lang nito na ikinatawa ko ng mahina)
Ako: sira, dami mo talagang pasakalye
(banat ko dito habang natatawa), ano ba iyon? (dagdag na tanong ko)
Anthony: ano kasi... yung, wag kang
makukulitan ha! (paunang sabi nito), yung lakad natin bukas ha! Tapos ako
susundo sayo kaya wag mo nang dadalahin motor mo (pagpapaalala nito)
Ako: opo boss! (naitugon ko dito), nga
pala anthony, si ian ay sasabay din bukas pagpasok, madadaanan naman natin yung
sa kanila (paglalahad ko)
Anthony: hindi ba pwedeng magdyip na
lang sya (may kung ano sa tono niya pero hindi ko na napansin iyon ng bigla
niya sinaba na...) JOKE... oo naman (dagdag nito)
Ako: salamat! May sasabihin ka pa ba
mr. anthony?
Anthony: ah eh.. tatawag ako ulit bukas
kung aalis na ako dito sa bahay para alam mo, ok! Kita na lang tayo bukas,
Goodnight, sleep tight, sweet dreams (mahabang nasabi nito)
Ako: sige sige (natatawa kong
naisagot), Goodnight!
Anthony: see you in my dream (pabulong
na sabi nito dahilan para hindi ko maintindihan ng maayos)
Ako: ano iyon???
Anthony: wala, tulog ka na, baba mo na
Ako: ikaw din, baba mo na rin
Anthony: ikaw muna (sabay hagikgik
nito)
Ako: hala nakipagkulitan pa ang bata
(naisatinig ko habang natatawa) sabay nalang (dagdag ko)
Anthony: o sige magbibilang ako ha!
(natatawang pagpapaalam nito)
Ako: sige sige (pagsakay ko dito na
ikinatawa naman naming dalawa)
Anthony:
isa................dalawa.......... baba (pagkadinig ko noon sabay baba ng
telepono, parang adik lang.. hehehe, at nangiti na lang ako sapagkatapos)
Agad kong inayos at sarili ko at
bumalik sa tayo ko kanina, nang uupo na ako ay agad nagsalita si
ian..............
Ian: tagal ng usapan nyo ah! (pagpuna
nito na parang may kung ano sa tono nito na hindi ko alam, pero baka mali lang
ako)
Ako: may sinabi lang at tinanong
(matipid kong sagot sa kanya)
Ian: ganoon ba? Nanalis na ako fugi,
gumagabi na rin,pero papaalam muna ako kay tita (sunod-sunod na nasabi nito,
tumango na lang ako bilang tugon pagkatapos ay sinamahan ko na siya sa kwarto
kung nasaan sila mama)
Kumatok ako pero walang sumasagot at
nang-i-check ko kung nakalock ang pinto, sakto naman na hindi kaya agad ko
naman nang pinihit ang knob sabay tulak sa pinto at ng mabuksan... may...... may liwanag uli na sumulo sa aking paningin
(hahahaha JOOOOOKE, joke ulit! Haha)
Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa amin
ang nahihimbing sa pagtulog na si mama at angel kaya naman hindi na pinagising
sa akin ni ian si mama at nagtuloy na kami palabas, nagpaalam muna si ian kay
john at ganoon di naman ito kay ian
Nang maihatid ko si ian sa papunta sa
kotse nito at biglang humarap sa akin ito
Ian: bukas ha! (sabay turo ng hintuturo
pa-slant sa akin)
Ako: ha! (maang kong kunyaring sagot
dito)
Ian: yon nakalimutan agad
(tampu-tampuhan nitong sabi), may nakausap lang ih, nakalimutan agad (pabulong
naman nitong dagdag na hindi ko nadinig)
Ako: hala ang bata batuta (natatawa
kong panimula kasi kasi ang cute nya sa itsura niya iyon.. hehe), niloloko lang
(sabay pisil sa pisngi nito na puputok na dahil sa pagsimangot nito... hehehe),
hindi ko na po kakalimutan si mr. ian, dahil ayaw kong makalimutan nya din
ako... tahot ko lang sa kanya (dahan-dahan kong sabi habang nakangiti at sa
pagtatapos ko sabay din bitaw sa pisngi nito at sa puntong iyon ay nasilayan ko
na ang maganda nitong ngiti)
Ian: dapat lang (mayabang kuno nitong
sabi)
Ako: opo na po boss, sakay ka na, ingat
sa pagmamaneho
Ian: yes boss! (at pumasok na nga ito
sa kanyang kotse at sa pagsara niya ng pinto ay siya namang bukas ng binta noon
at lumabas ang nakangiting si ian sabay sabing..) Good night!
Ako: good night! (sabay ganti sa
ngiting pinakawalan niya)
Pagkatapos noon ay sabay paandar niya
ng sasakyan. Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse niya bago ako
pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko pa ulit ang kapatid kong si john na
nanonood ng TV
Ako: gabi na ah! Hindi ka pa ba tutulog
(pagpuna ko)
John: kuya, sabado naman bukas, walang
pasok (pagdadahilan nito)
Ako: sige pero pagkang masyado
magpapagabe at bago ka pumanhik sa silid mo siguraduhin mong naalis mo sa
saksak yang mga yan (paalaala ko sa kanya sabay turo sa mga nakabukas na
appliances), tulog na ako, may pasok pa ako bukas (dagdag ko pagkatapos ay
umakyat na ako patungo sa silid ko)
Agad naman akong naglinis ng sarili ko pagkatapos
ay agad na isinalampak ang sarili ko sa aking kama at konting oras lang at
nakatulog na ako... nakatulog na may ngiti sa aking labi:] (NYT! Pipzzzzzzzzz)
After kulang kulang 8 hours of sleep (buti
pa noon nakakatulog ako ng 8 hours ngayon ay hagya na kasi namang si pareng
INSOMNIA walang pakisama... kainis.. naglabas ng hinahakit..........hehehe)
Nagising ako ng 5:00am dahil sa tunog ng aking
alarm clock, pero dahil sa 5 minutes rule (yung dahil parang feeling mo kulang
pa ang naitulog mo sasabihin mo sa sarili mo “5 minutes pa” tas pag makalipas
na iyon tatawad ka ulit ng 5 more minutes hanggang sa malate na akong.....
hahahaha), at napilit ko namang bumangon ng... time check: 5:20am (ganoon kaaga
kasi 7:00am start ng klase ko sa araw na iyon at ang pinakamadaling subject sa
buong college life ko ang Physical Fitness & Gymnastics o PE, bakit ko
nasabing pinakamadali?? Kasi naka-UNO ako dyan, walang halong biro o
pagyayabang.. hehehe)
Agad kong tinungo ang banyo para maligo
na, pagkatapos maligo, magpatuyo, maglagay ng deodorant, pagpatuyo ulit (hehe) ay
isinuot ko na ay designated PE uniform na gray jogging pants at white shirt na
ang kweyuha at ang dulo ng end kung saan inilulusot ang mga kamay ay may shade
ng maroon tas may logo ng lyceum (o ha! Pati ito dinitalye ko pa.. hahaha)
Pagkatapos ay agad kong inihanda ang
aking dadalahin sa araw na iyon, bukod sa mga pangkaraniwan na gamit na
dinadala ko, idinagdag ko ang t-shirt para sa subject kong sunod na NSTP o yung
National Service Training Program na kung saan sa awa ng panginoon ay CWTS o
ang Civic Welfare Training Service na ang papasukan namin, mas madali kesa sa
dating mandatoring ROTC na kung saan ito ay ang pinahirap na form ng C.A.T.
noong high school
Nang matapos ako sa lahat ng iyon ay
agad na din akong bumaba at naabutan ko lang ay si mama na nasa kusina
naghahanda ata ng agahan namin
Time check: 6:00am
Agad ko siyang pinuntahan sa kusina
Ako: ma, goodmorning (sabay halik sa
pisngi nito)
Mama: good morning anak (nakangiti
nitong tugon sa akin), kumain kana dyan (dagdag nito at pagkatapos noon ay agad
kung tinungo ang lamesa at umupo)
Habang sinisimulan ko na ang
pagbe-breakfast ay biglang nagsalita ang aking ina....
Mama: anak saan ka ba nagpunta at anong
oras ka nakauwi kagabe? hindi ko na namalayan at nakatulog na rin ako noong
pinatulog ko si angel
Ako: ah kena ian po, dahil inimbitahan
po ako ng mama niya na doon magdinner ay nakalimutan ko po magsabi dahil
kahapon ko lang din po nalaman pagkalabas (mahaba kong salaysay)
Mama: ah ganoon ba! (ang nasabi na lang
nito at bigla naman nagring ang telepono na pumutol sa usapan namin ni mama)
Agad kong tinungo iyon at pagkatapos ng
makailang ring ay saka ko ito sinagot
Ako: hello! (ang naging panimula ko na
lang, ang sakit talaga sa ilong paghinabaan ko pa ang speaki-ning dollar..
hahaha)
“Good morning fugi” sabi sa kabilang
linya
Ako: anthony! Good morning! Ba-kit ka
na-pa-ta-wag? (ang mabagay kong pagtatanong sa kanya), check mo ba ulit kung
asa bahay ako (pagibiro ko dito)
Anthony: pwede! (sabi nito habang
natatawa), di ba sabi ko kagabe tatawag ako para ipaalam kung aalis na ako dito
sa bahay para naman hindi ka maghintay sa kanto nyo, alam ko naman masyado kang
excited na.... (dagdag nito na hindi natapos)
Ako: na ano?
Anthony: na makita ako (natatawang sabi
nito)
Ako: hala! Ang aga ng mga banat mo ha!
Patay ka ku-mo-ta ka na agad para sa araw na ito... last mo na tuloy iyan
(natatawa ko na ring banat sa kanya)
Antony: ikaw naman hindi na mabiro
(hagikgik nito sa kabilang linya), paalis na nga pala ako in less than 10
minutes nandyan na ako (pagbibigay impormasyon nito)
Ako: bilis ah! Ang pagmamaneho mo ha!
(pagpapaalala nito)
Anthony: aw! Sarap namang pakinggan ang
pagiging concern mo (sabi nito habang humahagikgik sa kabilang linya), sige na
nga I’ll be there in 15 minutes (dagdag nito)
Ako: bangag ka ata ngayon (panimula
kong banat sa mga sinabi nya), lakas mo maka-english ah! (natatawa kong puna
dito), sige na adik, paalis na din ako (pagpapaalam ko na)
Anthony: sige, see in a few minutes!
(rinig ko pa din ang hagikgik nito sa kabilang linya bago ko naibaba ang telepono at pagkababa ko
ay nangiti na lang ako sa, kasi naman.. hehe)
Pumunta na nga ako sa hapag at itinuloy
ko nang mabilis ang pagkain
Mama: sino tumawag? (naitanong nito
habang kumakain na ako)
Ako: ah! Kaklase ko po si anthony, may
sinabi lang po! (nasabi ko sa pagitan ng aking pagkain)
Mama: ah! (naitugon na lang nito)
Pagkatapos kong kumain at agad ko nang
inimis ang akin pinagkainan tapos ay kinuha ang akin toothbrush bagos naghiso,
mumog tapos tapos na (haha)
Agad na akong nagpaalam kay mama na
papasok na pagkatapos at tinungo ko na ang papuntang kanto
Nang makarating na ako ay agad kong
nakita ang mokong (sino ba naman kasing hindi agad siya mapapansin eh nakasandal
siya sa kanyang magarang sasakyan tapos malaking factor pa ang itsura nya),
nasa kabila syang lane nakaparada kung saan ang way pabatangas
Nang magtama ang aming paningin ay agad
sumilay sa mukha niya ang isang napakagandang ngiti na tinugunan ko naman din
ng ngiti
Agad itong tumawid patungo sa akin at
nang makalapit ito sa akin ay nakaplaster pa din ang ngitin iyon
Ako: ka...... Kanina ka pa ba?
(naiilang kong naitanong dito kasi kasi naman)
Anthony: hindi kadadating ko lang din
(nakangiti pa rin ito), tara na! (aya nito sabay akbay sa akin at pagkatapos ay
agad na kaming tumawid
Nang nasa tapat na kami ng kotse nya ay
nagtaka naman ako dahil hindi pa din nito inaalis ang akbay niya para pumunta
sa driver seat at ako naman ay sa passenger area, bagkus ay patungo din ito
kung saan ako tatayo sa kotse niyang iyon
Ako.... saan ka pupunta? (naitanong ko)
ako ba pagda-drive-hin mo? (sunod kong naitanong dahil sa nagtataka nga ako
bakit sumabay sya sa akin)
Anthony: bubuksan ko yan (sabay turo
nito sa pinto ng passenger seat)
Ako: marunong naman ako, ikaw naman
para na mang bagong baba ako ah! (baba ng bundok po iyon,, hehehe) (natatawang
biro ko sa kanya sabay tangkang buksan ang pinto sa kasamang palad ay hindi ko
mabuksan)
Anthony: o buksan mo na (sabi nito
nagpinipilit kong buksan ang pinto), hindi mo mabuksan ano? Sabing ako na
(natatawang sabi nito)
Ako: ay hindi mo pa ata tinatanggal ang
pagkakalock nitong kotse mo kaya hindi ko mabuksan ih! (parang bata kong
naituran dito na lalong nagpatawa sa kanya)
Anthony: sabing ako na kasi (natatawa
pa rin ito at nang mahawakan na nito yung pinaka pukasan ay may inilabas ito sa
kanyang bulsa sabay may pinindot ito na nagpabukas ng pinto noon)
Ako: sabi na ih! (ang parang bata ko pa
ring naituran dito na ikinatawa niya habang papasok sa may driver seat)
Nang makapasok ay kami parehas ay
nandoon pa din ang tawa nito kaya naman pinilit kong bumawi sa kanya
Ako: tara na nga mr. driver (pang-aasar
ko dito)
Anthony: ang gwapo ko naman para maging
driver lang (paling nito sa akin sabay lapit nito sa akin na nagpatulala sa
akin, kasi na man lagi nalang itong ganto basta basta nilalapit ang sarili sa
akin ng hindi nagbibigay ng prior notice.. hehehe)
“Seat Belt mo” marahang sabi nito
habang ang tingin ay nasa akin tapos ang kamay naman niya ay isinusuot na yung
belt sa akin
“sa....salamat” nauutal ko naisatig
sabay ang iwas sa tingin nito (kasi kasi)
Pagkatapos niyang mailock yung seat
belt ko at umayos na ito ng tayo sabay pagana ng makina tapos ay pinaandar na
niya
Namagitan ang katahimikan sa aming
dalawa, kasi nailang ako sa kaganapan kanina (kasi kasi naman, hindi ako
nainform.. hahaha)
Nang mapansin kong palabas na kami ng
San Pascual ay naalala ko si ian (yan ha doon sa mga nagreact nung last na
bakit ko daw nakalimutan si ian.. yan ha! Bumawi ako.. hahahahaha)
Ako: anthony, nga pala si ian ha!
Dadaanan pa natin (nasabi ko pagkatapos ng medyo mahabang katahimikan)
Anthony: sige sabihin mo nalang kung
saan (sagot nito habang nasa kalsada ang focus nito)
Kaunti pang andar ay malapit na kami sa
kanto nila ian, at agad ko namang napansin na may nakauniform na pang nursing
ang nakatayong naghihintay sa kantong iyon
Agad akong humarap kay anthony at
nakita kong pang seryoso ito o sadya lang atang focus sa pamamaneho kaya naman ay
hinila ko ang laylayan ng ibabang bahagi ng kamay ng damit niya at humarap
naman ito sa akin na may nakaplaster na ngiti
Ako: anthony, ayon ata si ian (sabay
turo sa nakauniform na sa kanto nila ian pumaling naman ito sa itinuro ko)
Hindi na ito tumugon bagkus ay agad
niyang binilisan ang takbo tapos biglang tigil nung mapatapat na kami kay ian
Agad kong ibinaba ang bintana sabay
tingin kay ian at pakawala ng ngiti na tinugunan naman niya
Ako: sakay na! (aya ko dito, parang
sasakyan ko lang kung makaaya.. hehehe)
At nang naglakad na ito papasok sa
likod ng kotse ay sinundan ko ng tingi si ian at ng makapasok ito at magtama
ang aming mga mata ay nagkangitian lang kami
Ako: kanina ka pa ba naghihintay?
Ian: hindi kalalabas ko lang, buti hindi
mo nakalimutan (pagbibiro nito)
Ako: takot ko lang sayo (natatawa kong
turan dito)
Ako na rin ang unang nag-alis sa
tinginan namin na iyon at nang mapaling ang tingin ko kay anthony ay napansin
kong parang malalim ang iniisip nito
Itutuloy....................
Note: sana ay tatlong chapter ito pero hanggang dito lang muna ang nakayanan ng utak ko......nais ko po sanang magpaalam ng
ilang araw, ipapahinga ko lang ang utak ko masyadong nadrain ng chapter na ito
ih! pleaseeeeeeeeeeee! Hehehe..
20 comments:
yun lang?! lol ( at dahil diyan hindi lang Boycott ang gagawin bombardment pa! loko lang! )
kawawa naman manok ko sinira pa ni Ian yung moment sana nila ni Fugi.. haisst!!
:(
@RUe/Lawfer: meeting tayo mamaya kung ano plano natin kay Fugi ha?! lol
Ano, Pro-Anthony ka pa ba? lol
Wowww...ang ganda tlaga ng story mu fugi,i'm one of ur silent reader,ndi q mpigilan ang ndi magcoment s ganda ng dloy ng story mu,naka2xcyt f anu mangy2ri at f cnu tlaga ang partner ni fugi,nice tlaga,dbest k author,two thumbs aq seo,galing...
hope ndi k mtagalan s rest mu pra nman mkpagudte k agad,can wait 4d nxt part of ur story,get well soon mr.fugi^^;
Yeahhhhhh....ahahah ako pala nanalo dun .........
Cge mr.fugi hmmm simple lang naman gusto ko premyo yun ay patuloy mong pagandahin ang story mo at lagyan mo ng twist and kilig parts para walang nangboboycot sa story mo ...basta ako saan hahantong itong story mo ok lang sakin eh .....basta wag mu lang kami ibibitin ng husto ah? Ahaha cge takecare and take ur time to rest ur golden mind ahaha........salamat:]:]:]
Hindi na ako silent reader. :D
Ganda ng estorya mo, team Ian ako. Ahahaha...
May hinala ako na parang may gagawin si Kuya Joseph na hindi nagawa nina Ian at Anthony. Hmmm... Ahahaha...
Kudos!
-ui hndi ah..nglast duty lang sa bundok..kya un wlang cgnal..haha
-dapt aq nanalo dun..kc naman fown gmit ko kya di agad nasend ung coment ko..hmpt..
-walang trivia ngaun,kakamiss pala..hahaha
to papa ian..wag mu hayaang masolo ni anthony c fugi,.!
-niccolo'25-
nkakabitin..hehe..
pero na excite ako para sa sunud na chapter..magkatensy0n kya?..haha..
anu na naman kya ang maging epekto nito ky ian.?
sr143.
kwawa naman ang manok namin ni makmak d ka nia masolo :(
hamuna nga, mgddate naman cla weh..d naman cguro mkapal muka ni ian para sumama sa date nla
Hayaan mo na sina makki at rue! Wahahaha! Anyways eto na ang next war sa pagitan ni Ian at Antthony! Who will win our hero's heart? Hehehehe.. wala ka ng pa-games? heheheh! Keep it up!
Cheers:)
HAHAHA :) panalo ako at dispachahin mo na ang EPAL na si anthony :)
at maghiso ang term :)
-Jekjec-
of Balayan, Batangas
Thanks for the update, Mr. Fugi! I really like the way you write your story. Everything seems to be light, tamang feel good vibe lang, even if there's a brewing conflict. Kung titignan, parang mentor niyo ni Mr. Dranski si Mr. Zephiel. Nababawasan yung pagkamiss ko sa mga stories niya dahil sa inyo. Although siyempre, I am looking forward to see him write again! Until your next update! :) -Josh
ang ganda nang asaran ng magkapatid sa harap mo fugi.... pati kuya zach ni ian....paano yan kapag bumalik si sarah ulit kay ian....
ramy from qatar
its gonna be ian and fugi in the end..hehehe another superb kasi kasi chapter super Fugi
aztig magasaran ung magkapatid..ehehehehe wawa naman c anthony inantay ung moment nia peo may panggulo hekhek
empire027
buti na lng d na nakalimutan ni fugi si ian. hehehehe basta kay IAN pa aq khit anung mangyari. khit dumating pa c kuya joseph. hehehe.
anu po pala fb mu kuya fugi add kita hehehe. kung pede lng po.
Spell BITIN FUGI??? spell BITIN!!! ahaha... will it be Ian-Fugi, Ian-Anthony or Ian-Joseph? ahahaha abangan ang susunod n kabanata!
mei kuya joseph na rin.. hahaha naloka na, kasi kasi nman mr. author, pede bang c ian at fugi nlng, tas c anthony at kuya joseph.. :p
nurse ako, wait ko ang immersion nila ian, anthony at fugi sa CHN nila.. :p
napost ba ung comment ko..?? hahaha
wait ulitin ko nlng, kasi kasi nman (na-adopt ko na din 'to, haha)
anyway, db pede c fugi at ian nlng tas c anthony at kuya joseph..
im a nurse too, im excited sa immersion nila sa CHN.. :p
Ang ganda talaga ng story mo mr. author. Akala ko nung una magiging boring to but you proved me wrong. Enjoy na enjoy akong nagbabasa nito. Haha. Gustong-gusto ko yung mga parts na umeextra ka sa POV nina ian at anthony. Tapos hinahaluan mo rin ng anime terms which for me is really funny. Haha. Keep up the good work mr. author. :]
-PAUL FABIAN
lol.. love love love na kita fugi!
haba ng buhok mo pre!
:))
ikaw na! dati dalawa lang problema mo ngaun tatlo na!
aba, sikat na tlaga..andaming comments...
OO new comment-ter ako (kaiba naman itong term mo) hehehe, pero avid readr naman ako.:)
Take ur tym Mr. Fuji..Rest ka muna pra di mgkasakit..ehehe
-hansen
Post a Comment