-----> para kay MAKKI at LAWFER na
pro-anthony at nagpahayag na magboboycott pag hindi naging maganda ang moment
ni anthony (GRABE sobra naman akong napressure kaya naman nagkaroon ako ng
sandamakmak na revisions), hindi pa po sa chapters na ito yung kay anthony sa
susunod pa po kasi binago ko lahat dahil natakot ako sa banta ninyo ih! (hehe)
-sa ANONYMOUS na unang nagcomment sa
chapter 26 nanagsabi ng “Nice story po .....”, SALAMAT PO! (sa susunod po kung
ok lang sa iyo ay mag-iwan ka po ng name para mabanggit kita at hindi anonymous
lang)
-Jekjec (bago kang comment-ter
[imbento! hehe] kaya naman HI!)
-MarL (nalayo pa iyo kasi pag
nagkaaminan na agad di matatapos na agad ito, pero ipinapangako ko naman na
kaabang abang na ang mga susunod na mga chapters dahil may matatapat na... hala
yan nagbigay na ako ng hint baka hindi mo na abangan itong gawa ko.. hehehe)
-foxriver (SALAMAT SA PAGSUPPORT MO
AY SA MAGAGANDA MONG KOMENTO, salamat talaga na sobra akong napapasaya noon,
fave mo rin palang ang kanta na iyon, sya.... sya hindi ko na sya favorite
(hehehe biro lang))
-Lyron (yung sinasabi mo bang FYI ay
yung mga TRIVIA ko? Dahil malakas ka sa akin meron na sa chapter na ito at
medyo hinabaan ko, kaya dapat basahin mo OK! Hehem natawa na man ako sa scooby
snack, para tuloy gusto ko syang gamitin sa mga susunod kong chapters.. hehe)
-Jemyro (bago ka rin na comment-ter,
kaya HI!, ahm kaya po matagal ang aminan dahil basta abangan mo na lang sa
ibang chapter ayon ay kung hindi ka magsasawa dahil sa bagal ng phasing ng
kwentong ito.. salamat po!)
-DownDLine (eto na po ang request mo
at dahil malakas ka sa akin kasama na dito ang chapter 28, hehehe)
-DEW (HI! Naku sa end nalang ng story
ko ikikwento sa iyo ang totoong story ko kaya ibigay mo sa akin ang email add
mo. Ok ba iyon?)
-Master_lee#027 (salamat po,
nagustuhan ko naman yung mr. anime inventor, hehe)
-James (kababayan! Mabuti naman ako
at maayos na din ang kaka ko, salamat.... ikaw kamusta??)
-Yume (syempre ikaw una nakakita ng
blog ko ih! Pero sa chapter na ito ikaw naman ang last na binati, para maiba
naman, hehehe dahil nag-143 ka sa akin nais kong tugunan yan ng 143-too hehehe)
@at sa lahat nag lihim na
sumusubaybay sa gawa ko na ito, salamat po!
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat,
naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na
ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa
natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang
ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING
at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman
Nanghumarap ako tumambad sa akin ang isa na namang nabiyayaan ng ating maykapal nang magagandang katangian (may favoritism eh! Hehehe biro lang po:])
Ang galing ah! Nakangiting sabi niya sa
akin at ngiting pilit lang ang naitugon ko sa kanya sa kadahilanang naiilang at
nahihiya ako sa kanya
Maya maya ay may narinig akong pamilyar
na boses kaya naman agad napukaw ang atensyon ko at napatingin sa kanya, si
ian...
Ian: fugi! (pagtawag nito at nang
makalapit ito ay may kasama ito na nasa mid 30’s na ata pero hindi halata sa
kanya dahil sobrang ganda niya pa rin), si mama nga pala, ma siya po si fugi
kaibigan ko (pagpapakilala nito)
Ako: ma...magandang hapon po ma’am
(kinakabahang pagbati ko sa kanya kasabay ang pagtayo mula sa pagkakaupo ko)
“Magandang hapon din naman iho, tita na
lang itawag mo sa akin, ok ba iyon?” nakangiting sabi ng mama ni ian
Ako: o..ooopo ti..ta?? (nag-aalangan
kong patanong na nasambit na ikinatawa naman nila)
“Ikaw ba yung tumutugtog ng piano
kani-kanina lang?” tanong ng mama ni ian
Ako: ah....eh (kinakabahan kong panimula
na hindi na nasundan dahil sumingit si ian)
Ian: hala lagot ka, kasi bakit mo yan inibo?
Alam mo ba hindi yan pinaiibo ni mama? (may himig pananakot pa ng ulupong na
kumag na ma.... ah BASTA... hahaha)
Ako: imbento ka ah! Eh ikaw nga
nagpagamit niya sa akin ih! (nakaharap kong sabi sa kanya) sabi mo pa nga
“gusto mo itry” (paggaya ko sa boses niya)
(sa puntong iyon nawala sa isip ko na
nasa paligid lang ang mama ni ian at yun lalaki na kahawig ni ian, pati kaba ko
ay nawala dahil sa ginawang iyon ni ian)
Narinig ko nalang ang pagtawa ng mama ni
ian na nagpaalala sa akin na andoon nga pala sila (kasi kasi naman, nahiya
tuloy ako sa inasta ko, minus 100 tuloy sa life point ko, hahaha, saang anime
yan? Ang unang makahula may premyo.. hahaha)
Ako: so..sorry po! (agad kong nasambit
habang pagharap ako sa mama ni ian)
“wala ka namang kasalanan, niloloko ka
lang niyang si ian, nga pala galing mo magpiano” nakangiting sabi nito na
tinugunan ko lang din ng pagngiti
Ahem.. ahem (pagkuha ng atensyon nung
lalaki kanina na kahawig ni ian) hindi mo ba ako ipapakilala sa kaibigan mo
ian? (dagdag nitong tanong)
Ian: ah! Kuya andyan ka pala (pang-aasar
nito sa tinawag niyang kuya)
“abat......” hindi natapos nitong
sasabihin dahil pinutol na agad ni ian
Ian: fugi si kuya joseph kapatid ko,
kuya si fugi kaibigan at kaklase ko naman (pagpapakilala nito sa amin, grabe
naman ang pamilya nila nag-uumapaw sa kagandang itsura naman sila, over sa
biyaya naman, sobrang ganda pa rin ng mama nila tas si kuya joseph naman ay
napakakisig din at GHN din tulad ni ian, hindi ko tuloy maiwasang maitanong sa
sarili ko, “kamag-anak ba nila si GOD?” hehehe gandang lahi ih!)
“Joseph nga pala” sabay lahad ng kamay
nito sa akin kasabay ang nakaplaster na magandang ngiti sa kanyang labi
Ako: ah eh fugi po (naiilang ko namang
naisatinig sabay abot sa kamay niya at nginitian ko lang din siya)
Joseph: wag mo na akong po-po-in ok ba?
(nakangiti pa rin nito sabi sa akin habang ang mga kamay namin ay magkahawak pa
din)
Ako: sige sige po!
Joseph: may po na naman (pagpuna nito
habang nakangiti pa rin)
Ako: ah.... eh.. sori kuya joseph
(nahihiyang naibulalas ko, kasi kasi naman.. hahaha)
Sa puntong iyon ay bigla nalang may
pumatong na kamay sa magkahugpong pa rin namin na kamay ni kuya joseph nung
magkakilanlan kami at nang sundan ang mga kamay na iyon ay kay ian pala ito
Ian: masyado na matagal ang hawakan na
yan ah (sabay hila ni ian ng kamay ko habang nakangiting ewan, agad din naman
kumalas ang kamay namin ni kuya joseph at ngayon nga ay si ian na ang may hawak
noon)
Joseph: ang higpit naman ng stage
classmate slash friend mo fugi (pang-aasar nito kay ian kasabay ang ngiting
mapang-asar din, ngiting pilit lang ang naitugon ko)
Hindi naman ito pinansin ni ian bagkus
ay bumaling ito sa kanyang mama na kanina pa pala kami tinitingnan at
nangingiti sa nakikitang asaran sa pagitan namin tatlo
Ian: ma, doon muna kami ni fugi sa
kwarto ko ha!
“sige anak, ipapatawag na lang namin
kayo paghanda na ang dinner” sabi ng mama nito
Pagkasabing pagkasabi noon ng mama niya
ay agad naman akong hinila ni ian
Ian: tara doon muna tayo sa room ko
(nakangiti nitong sabi nito kasabay noon ay ang pagkaladkad sa akin ng madahan
wala naman akong nagawa kung hindi magpadala sa kanya)
Lumingon muna ako sa mama niya at
ngumiti ganoon din sa kuya joseph nila at tinugunan din naman nila iyon
Umakyat na kami ng hagdaan, nasa taas
ata ang room niya, pagkaakyat naglakad kami hanggang sa pinakadulong pasilyo at
nang matapat kami sa pinakadulong pinto ay bigla siyang tumigil at binuksan ang
pinto. (Pagkabukas nang pinto ay may
liwag na nagpasilaw ng mata ko, joke! Hahaha lakas lang maka-anime haha)
Pagkabukas niya ng pinto ay agad niya
akong hinila papasok sa loob ng silid niya na ata iyon kasunod noon ay isinara
kaagad niya ito. Natulala naman ako sa kwarto niya dahil ang ganda ng
pagkakaayos, malinis, malawak, may flat screen tv na wall built tas napansin ko
din ang hanay ng mga dvd niya, collection niya ata, may sarili din syang space
para sa mga libro at nang mapatapat ang tingin ko sa may kama niya, malaki ito
kasya ata ang tatlong tao tas ang maganda din kung cover (di ba pati iyon
napuna ko, pasensya na magaling lang mag-assess, nurse eh! Haha), pinaghalong
black ang white na kung saan ang pinaka base ay white tapos may mga line na
kulay itim ang nagbibigay ng design na magkaka-intersection (OA na ba sa
descriptions?? Pasensya na naging behasa lang sa mga detailed descriptions
dahil sa CASE STUDY.. hahaha)
--------------------
Ok ibinabalik ko na ulit TRIVIA portion (haha)
----)PAALAALA:
masyadong mahaba ang trivia na ito kung tinatamad kayo basahin ito ay ok lang
pwede naman ninyo itong skip... yun lang naman
Yung pong CASE STUDY na sinabi ko ay isa
sa mga requirements naming mga student nurse para magkagrades kami sa pagduty
sa hospital. Magkakaroon kami ng sari-sariling pasyente na aalagaan for 8hours
na duty tapos yung sakit ng pasyenteng mapapaunta sa amin ang pag-aaralan at
gagawan ng documentation. Binubuo ng maraming components ang case study naming
ito at ito ay ang mga sumusunod:
-Intruduction (pagbibigay ng maigsi pero detalyadong pagpapakilala
sa naasign na sakit sa amin kunwari heart failure)
-Objectives (general at specific objectives, ano yung gusto mong
mangyari bago, habang at pagkatapos ng gagawin mo na pag-aaral)
-Patient
Profile (personal info about the
patients)
-Clinical
Appraisal (na binubuo naman ng: Past
Health History, Family History, Personal History, Psychological History, Social
History at Present History ng pasyente)
-Physical
Assessment o yung Head-to-toe Assessment with narrative summary at the end (na natrivia ko na sa nakaraang chapter)
-Diagnostic
and Laboratory Result with narrative summary at the end as well (na kung saan ay kami din ang ngbibigay ng analysis
kung bakit above normal ang hemoglobin etc)
-Anatomy
and Physiology ( anatomy is about the
structure of the body, kunwari nga ang case ay Heart failure ang focus ay yung
Heart lang tapos ang Physiology naman deals with sa function of that body
parts, dito naman ay ididiscuss ang lahat ng functions ng Heart)
-Pathophysiology (naitrivia ko na din ito sa previous chapter)
-Nursing
Care Plan (itong area na ito ang sa tingin kung pinaka-importante kasi
itong yung pinaka plano na ipu-put into action namin sa pasyente namin, compose
ito ng: Assessment (na may Subjective data (ito ay complaint ng patient) at
objective data (ito yung mga napupuna naming mga nurses), Nursing Diagnosis (na
ginagamitan naman namin ng book na kung tawagin ay NANDA), Scientific
Explanation, Planning, Intervention with Rationale at last ang Evaluation
(validating kung effective ang ginawang plano)
-Drug
Study (dito nakalagay lahat ng gamot
na tinitake ng pasyente, malas ka kung madaming iniinom ang napapunta sa iyong
pasyente dahil lahat ng iyon ay gagawan mo ng reseach about sa: Name of the
Drug (generic at brand name, Classification ng gamot pati action niyon sa
katawan, Indication, Contraindication, Adverse Effect, Nursing considerations
at Monitoring parameters, ang pinakamadami ko nang napatapat sa akin ay anim,
grabe talaga.. hehehe)
-Prognosis
(dito na kalagay yung kung ng
iimprove ba ang health ng patient o mas lalong lumalala)
-Discharge
Planing (METHODS-------
Medication, Exercise & Environment, health Teaching, Hygiene, OPD o ung out
patient department nandidito yung scheduled time and date ng follow-up, Diet at
Spirituality & Sexuality, eto yung last part pero wala nang ganito kung sa
last duty namin ay hindi naman nadischarge yung patient)
Ganyan po kaunti yan (haha), ang masakit
pa kung solo solo ang paggawa niyan grabeng parusa lalo nat katulad namin one
week sa school for lecture tapos one week sa hospital meaning for one week
kelangan kong tapusin yan mag-isa, SOBRANG PAHIRAP yan.. tas every other week
panibago ulit na case study at panibagong hospital swerte pag yung case na uli
na iyon ang napatapat sa iyo kasi copy paste na lang pero minsan lang mangyari
iyon, nakakainis pero tapos na naman ako sa ganyan.. hahaha
Oha! Ang haba ng trivia na ito, pasensya
naman kasi ito na ang last na trivia ko.. hahahaha JOKE! Balik na tayo sa
kwento.... (salamat kung binasa nyo ang
TRIVIA na ito hanggang dito:])
--------------------------------------
(nasa kwarto pa rin ako ni ian)
Pagkatapos
kong mapuna at maisalarawan ang magandang itsura ng silid ni ian nakuha naman
ng atensyon ko ang mga litrato na nakapatong sa medyo mababa na mahaba na
parang cabinet na may mga malilit na drawer sa tabi ng kama ni ian
Agad
humakbang ang aking mga paa palapit doon at ng nakalapit na ako ay agad akong
kumuha ng isang picture frame na ang nakalagay na larawan ay si ian na pilit
inaakbayan ang isang lalaki na kahawig na kahawig ni ian at kuya joseph at ang
lalaki naman na iyon ay nakaakbay din sa kanya at kitang kita sa itsura nilang
dalawa ang saya. Sa puntong iyon biglang umimik si ian mula sa aking likuran
Ian: yan si
papa (pagbibigay impormasyon nito, kaya naman pala sobrang gwapo ni ian pati na
rin ni kuya joseph ay sobrang gandang genes ang pinagmulan nila, grabeng joined
forces ang naganap sa pagitan ng mama at papa nya, hehe)
Ako: kaya
pala ganyan ih! (naisatinig ko)
Ian: anong
kaya pala ganto ako?
Ako: wala
wag mo na lang pansin (pag-iwas ko baka kasi kung ano isipin niya sabay baba
nung kinuha kong larawan at tiningnan ko pa ang iba pang nakadisplay doon),
sobrang close kayo ng papa mo ah! (pagpuna ko sa masasayang kuha nila ng
kanyang ama)
Ian: sobrang
idolo ko ang papa ko, kung may isang tao akong ayaw kong i-disappoint
(paglalahad nito), bibihis lang ako ha! (naidagdag nito)
Patuloy pa
rin ako sa pagtingin sa mga hanay ng larawan na nandoon ng biglang mapatapat
ang tingin ko sa isang larawan na nagpatulala talaga sa akin, si ian habang
nakahalik sa pisngi ng isang napakagandang babae (sya talaga yung definition ng
salitang maganda, hindi kung pagtinanong ka ng isang tao ng “maganda ba talaga
sya?” ang kalimitang sagot ay “maputi o kaya ay seksi naman sya o kaya matangkad”
o diba ang layo ng sagot hehe), at base din sa larawan na iyo ay kitang kita
ang pagiging simple at magiging elegante nito, mabait at masiyahin din ang aura
nito base sa larawan na iyon at ramdam ko din ang pagmamahalan sa pagitan
nilang dalawa
Ngayon alam
ko na kung bakit ganoon nalang kalungkot si ian noong magkita kami, naibulalas
ko sa aking sarili sabay pakawala ko ng malalim na buntong hininga
Nasa ganoon
akong pagkatulala ng biglang maramdaman ko ang
may umakbay sa akin
Ian: siya si
sarah yung girlfriend ko (pagbibigay informasyon uli nito, hindi naman ako
makatingin sa kanya sa puntong iyon at nanatiling nakapako ang paningin ko sa
larawan na iyon)
Sarah pala
ang pa ngalan niya, nasabi ko nalang sa sarili ko
Ian: fugi!
(pagpukaw nito sa akin), napatulala ka na dyan? (pagpuna nito)
Ako: ah...
eh wala sobra lang akong humahanga sa inyong dalawa, you two are perfect couple,
perfect match (ang naisagot ko na lang sa kanya habang ang tingin ko pa rin ay nasa
larawan na iyon)
Ian: salamat
(sabay tapik nito sa balikat ko na)
Ako:
hintayin mo sya ha! (pagsisimula ko na
hindi ko alam kung saan nang galing ang lakas ko para masabi ko ang mga bagay
na iyon dahil sa loob-loob ko nanghihina ako), wag kang magsasawa at mapapagod
hanggang sa muli niyang pagbalik, mukhang sobrang mahal nyo talaga ang isat isa
(pagtatapos ko at hindi ko pa rin inaalis ang mga mata ko sa larawan nilang
iyon dahil sa puntong iyon iba sa sinasabi ng bibig ko at emosyong makikita sa
mga mata ko:[...)
Ian: syempre
naman, hihintayin ko ang pagbabalik nya, sobrang mahal ko yan (at hindi na nga
ako nakasagot pa sa puntong iyon dahil baka ipahamak na rin ako ng dila ko
katulad ng ginagawa ng mga mata ko)
Sandaling
katahimikan bago ulit ako nakapagsalita.............
Ako: ian
pa-CR naman o! (naisatinig ko habang pinipilit na wag mag-iba ang tono ng aking
pagsasalita at pilit iniiwas ang tingin ko sa kanya)
Ian: oo
naman, ayon ang CR (sabay turo nito at agad kong sinundan ng tingin ang kamay
nito at naglakad na papunta roon)
Pagkapasok
ay agad kong inilock ang pinto sabay alis ng salamin ko at tungo sa sink para
maghilamos, maghilamos ng maghilamos para matakpan o mapalitan ng tubig mula sa
gripong iyon ang mumunting butil naman ng tubig na inilalabas ng walng pakisama
kong mga mata. Sa pagtunghay ko ay siya namang paglabas ng repleksyon ko sa
salamin na nakadigkit sa wall ng CR na iyon
Fugi, OA ang
reaksyon ha! Last mo na yan, kaya dapat alam mo na kung saan ka na lulugar, OK
ba (sabay thumb up ko!), parang kang tanga ih! (mahinang pagkausap ko sa
repleksyon ko sa salamin na iyon at napatawa na lang ako sa ginawa kong iyon)
Bigla na lang ako nakarinig ng kantok kasunod
noon ay ang pagsasalita ni ian...
Ian: fugi!
Ok ka lang ba dyan (na may kasamang tawa), pinatatawag na tayo sa baba, ready
na daw ang dinner (dagdag nito)
Ako: oo
lalabas na ako (sabay hilamos uli para walang evidence pagkatapos ay nagpunas
at sinuot ko na ang salim ko at lumabas na rin ng banyong iyon)
Sumalubong
naman ang nakangiting si ian at nginitian ko na lang din naman ito
Ian: baba na
tayo (at tumango na lang ako bilang pagsang-ayon)
Agad naman
kaming bumaba at nang makarating na kami sa dining area ay sinalubong kami ng
nakangiting mama at kuya joseph niya kaya naman ginatihan ko din sila ng ngiti
“Upo na
kayo” pag-aya ng mama niya
Sabay naman
kaming umupo ni ian, magkatabi kami habang kaharap ko naman si kuya joseph at
si ian naman ang mama niya. Bigla naman umimik si ian......
Ian: ma,
sabi ni fugi ay sya daw ang maglead ng prayer (nakangiting itong nakahaarap sa
akin, ako naman ay may pagtatakang ekspresyon ang itinugon sa kanya), sige na
chance mo na ito, yan ha hindi ko nakalimutang sabihin (may nakakalokong ngiti
nito sa akin)
Wala na
akong nagawa pa dahil pagpaling ko ng tingin sa mama at kuya joseph niya ay
nakangiting nakatingin ang mga ito kaya naman pinangunahan ko na lang
pagdarasal
The name of
the father.. the son ... the holy spirit
amen................................................................................................amen!
Pagkatapos
ay agad kong pinukol masamang tingin si ian na patuloy pa rin sa pagngiti
habang iniiwas ang tingin sa akin
Gumaganting
ang mokong ah! Nasabi ko sa aking sarili
Nasa ganoon
akong ayos ng bigla kong narinig ang pagtawag ni kuya joseph sa akin
Joseph:
fugi! (sabay ang pagpaling ko dito at nakita kong inilalapit nito ang lagayan
ng ulam sa akin na kukuhanin ko na sana nangbigla naman niya akong ipaglagay sa
pinggan ko noon na ikinagulat ko naman), masarap yan, tumulong ako sa paggawa
niyan (nakangiting tugon nito sa akin at naiilang na ngiti ang itinugon ko
dito)
Bigla namang
sumingit si ian...
Ian: kuya,
may sariling kamay naman si fugi at kaya naman niyang magsalin sa pinggang nya
(pagpuna nito)
Joseph: hala
ang higpit naman ng classmate mo sayo (nang-aasar na paling nito kay ian bigla
naman sumabat ang mama niya)
“Tama na
yang asaran na yan joseph, ian (sabay tingin nito sa dalawa), pasensya na fugi
ganyan nalang talaga yang dalawang yan” nakangiti nitong sabi sa akin na
tinagunan ko naman ng matipid na ngiti
Nagsimula na
nga kaming kumain, habang kumakain ay napuno din ng huntahan sa pagitan namin,
sa una ay nahihiya akong makisali sa kanila hanggang sa isiwalat ni ian ang
katangahan ko kani-kanina lang ng una kong masilayan ang kanilang magandang
tahanan
Ian: ma, may
gusto nga palang itanong si fugi (natatwang sabi nito na ikinataka ko na
napansin agad naman niya), yung sa pintura (pabulong na sabi nito na agad ko
naman nagets)
“Ano iyon?” segundang
tanong ng mama niya
Ako: ah...eh
wala po iyon (agad kong pagsagot)
Ian: anong
wala? hindi ba gusto mong malaman iyon? (natatawa na nitong sabi habang sa akin
pa rin nakatutok ang mga mata nito)
Ako: joke
lang iyon iyan hindi ba? (habang pinandilatan ko na siya ng aking mga mata na
lalo niyang ikinatawa)
“wag ka na
mahiya fugi, Ok lang naman! Ano ba iyon anak?” sabi ng mama nito kay ian
Ian: paano
kasi ma, gustong malaman ni fugi kung ano daw kulay ng pintura ang ginamit
natin dito sa bahay tapos pati tatak at kung saan daw natin binili? (ang sunod
sunod na pambubuko nito sa akin na ikinatungo ko na lang)
Narinig kong
mahinang napatawa ang mama niya at malalakas na tawa naman ang pinakawalan ng
magkapatid na nagpapula sa akin (kasi naman ako ang OA lang kanina.. hahaha)
“Tama na nga
kayo sa pagtawa, namumula na si fugi” ang pagsuway ng mama nila
“Gusto mi ba
talagang malaman iyon fugi?” ang sunod na sinabi ng mama ni ian
Ako: ah
eh... maganda po kasi talaga (nahihiya
kong naisatinig habang pinipilit makipag-eye to eye contact sa kanya), pero
binibiro ko lang po itong si ian (dagdag ko sabay siko ko kay ian na ikinatawa
lang nila)
Pagkatapos
noon ay agad na din nawala ang kaba ko at nakakasali na rin ako sa kanila, may
pagkakataon na tinatanong nila ako ng about sa family ko, kinakamusta din ng
mama nya kung ano pinaggagagawa ni ian at kung anu-ano pa hanggang sa matapos
kami sa pagkain
Nagpahinga
ng konti, nagpahulas ng kinain at pagkatapos noon ay.....
Ian: ma,
hatid ko na si ian gumagabi na at hindi din sya nakapagpaalam
“Sige anak”
mama nito
Joseph:
fugi, pwede ko bang makuha number mo? (nakangiti nitong tanong sa akin na
sinagot naman ni ian)
Ian: wala
syang cellphone (pagsabat nito), akyat lang ako sa taas fugi kunin ko susi ng
kotse ko (pagpapaalam nito sa akin at bigla namang sumabat si kuya joseph)
Joseph:
seryoso? (nagtataka nitong tanong sa akin na sinagot naman ulit ni ian)
Ian: oo nga,
kulit mo din ah! (pero sa akin pa din nakatingin si kuya joseph kaya tumango na
lang ako bilang sagot)
Agad naman
nang pumanhik sa taas si ian para kuhanin ang susi ng kotse niya at naiwan ako kasama ang mama
niya sa salas at ang kuya naman niya ay nagpaalam sa amin na mag-c-CR lang
Habang
naghihintay ay biglang umimilk ang mama ni ian....
“Mukhang
magkasundong magkasundo kayo ni ian ah! At nagyon ko nalang ulit siya nakitang
ganyan kasaya at alam ko isa ka sa mga dahilan, kaya fugi, sana ay lagi mong
aalalayan ang anak ko at sa anumang oras dapat lagi kayong nandyan para sa
isat-isa, pwede ba iyon fugi?” pagpuna ng mama ni ian na mayhalong paki-usap
Ako: pangako
po iyan (nakangiti kong tugon sa kanya na ginantihan din niya ng ngiti)
“Salamat
fugi” mama ni ian at ngiti na lang ang naitugon ko
Pagkatapos
ng usapan naming iyon ay sya namang pagkababa ni ian
Ian: sige
ma, una na kami (sabay akbay na sa akin ni ian)
Ako: sige po
tita, salamat po (sabay mano sa kanya)
“Salamat din
sayo fugi” angnakangiting tugon naman sa akin ng mama ni ian “ingat sa
pagmamaneho ha anak” dagdag nito
Ian: opo ma!
(sabay talikod na namin ng biglang nagsalita mula sa likuran namin si kuya
joseph)
Joseph: sa
akin hindi ka magpapaalam fugi? (naikinalingon ko naman)
Ako: kuya
joseph, uwi na ako (nasambit ko dito)
Joseph:
gusto mo ba ako na lang maghatid sayo (sabay akbay nito sa akin na ikinagulat
ko, alam nyo na siguro kung bakit, kasi kasi.. hahaha), wala akong tiwala dyan
sa kapatid kong iyan, baka aksidente lang ang patunguhan nyo (mapang-asar nito
paling ka ian)
Ian: wag ka
ngang epal kuya (sabay hila ni ian sa akin), sige na kuya alis na kami
Ako: sige po
tita, kuya joseph (at ngiti na lang ang tinugon nila sa akin)
Pagkatapos
noon ay agad na din kaming lumabas ng bahay nilang iyon tas diretso hanggang
sa
labas ng gate nila
Ian: intay
lang lalabas ko lang yung kotse (pagpapaalam nito sabay pasok ulit sa loob at
binuksan ang malaking gate para makalabas yung sasakyan)
Maya maya pa
ay nakita ko na ang papalabas na gray na kotse na lulan si ian at para hindi na
din sya bumaba pa ay ako na rin ang nagsenyas sa kanya na magsasara ng gate na
binuksan niya
Pag kasara
ko ay agad ko nang tinungo ang passenger seat at nang makasakay ako agad na rin
pinaandar ni ian ang sasakyan
Ako: rich
kid, ganda ng kotse mo ah! (pagbibiro ko dito)
Ian:
nag-enjoy ka ba? (pagtatanong naman nito na hindi pinansin ang biro ko)
Ako: oo
sobra, salamat (nakangiti kong sabi habang ipinukol ang tingin sa daan),
sobrang bait ng pamilya mo (dagdag ko)
Ian: mabuti
naman kung ganoon, nag-enjoy din ako na kasama ka namin (na nagpaharap sa akin
sa gawi niya at nakita ko ang maganda niyang ngiti kaya nginitian ko na lang
din siya)
Naging
mabilis naman ang byahe at agad kaming nakadating sa bahay
Ako: tara muna
sa loob (aya ko kay ian)
Ian: sige
para masabi ko din kay tita kung bakit ka medyo ginabe
At
nangmakapasok kami sa loob ng bahay namin ay naabutan namin si john sa salas
nanonood ng TV
Ako: si
mama? (tanong ko sa bunso kong kapatid ng magtama ang mata namin)
John: sa
kwarto pinatutulog na si angel, hi kuya ian (pagbati nito kay ian ng makita
niya ito)
Ian: kamusta
na john? ok ka ba dyan? (pagbibiro nito na ikinatawa lang ng dalawa)
At tinabihan
na nga muna namin ni ian ang kapatid ko habang nanonood ito ng TV. Maya maya
bigla tumingin sa akin si john at nagsalita
John: kuya
may tumawag nga pala dito hinahanap ka
Ako: sino
daw?
John: ano
nga bang pangalan noon (habang iniisip kung sino iyon), ah! (lakas maka-light bulb.. hehehe)... an... anthony.. oo nga anthony
Nang marinig
ko iyon ay agad akong napaharap kay ian at sa puntong iyon ay nakatingin pala
ito sa akin
Itutuloy...................
20 comments:
ala! so.... Anthony Vs. Ian Vs. Joseph ito?
ang haba talaga ng buhok mo Fugi! lol
parang fail may part si Ian dito ah! ( mahal na mahal daw niya gf niya eh.. bawas point yun malamang! yahoooo! )
Joseph: hmmm.. halata ka maxado.. pero pero.... Giveway ka na lang kay Anthony please... hahaahaha
yoooooohhhhhoooo! Anthony where are you??!! ( i boboycott ko na sana mabuti nalang at sa last sentence ng chapter na ito lumitaw ang pangalan ni Anthony.. LOL )
ayan na! ayan na! malapit na moment ni Anthony! nyaha! Go Anthony!
@Rue/Lawfer: loko ka talaga! napilitan lang naman yang maging Pro-Anthony eh..
hahays.... c anthony nlng..parang ewan man etong c ian....:(
-hansen
Cute!
Ng story! Hehe..
Ok lang yung phasing maiiniping tao lang ako... Hahaha... Maganda naman e... Excited lang ako sa aminan portion... Hahaha...
Nice chapter mr. Author!
Nakuu kababayan! Okay lang ako(?) haha.
Galing mo talaga, baka naman makisali pa yung kuya nya(ni ian) sa love affair nila fugi huh. Jk.
Keep up the good work.
*by the way, kaka din ang tawag ko sa nakakatandang kapatid ni Mama. Haha, magkababayan talaga tayo*
Wow ang haba ah.ahahah
Ang answer sa tanong mo fugi sa minus 100 ay sa bakugan or sa yugiho nga ba yun ahaha
Hmmm fugi ah paganda ng paganda keep up the good work ...........
sobrang haba ng trivia ah..hehehe.
pero payts na din,bawi naman sa galing ng part na to..kulit din ng kuya ni ian..parang may gusto ky fugi ah..haha..c anthony na naman..haha..good job di2 fugi..galing..
Sr143.
Huwag mo nang isama si Anthony si Ian naman talaga mahal niya eh, natakot ka pa jan kay kuya rue at kuya makki wag kang makinig sa "tandem" na yan!! hahaha biro lang peace maks and rue! At si kuya Joseph, pwede arbor na lang? hehehhe! may yugi-oh ka pa!(di ba yun yung may life points?) At quota yang TRIVIA mo ang haba 30% na ata ng post mo! Anyway masaya itong chapter mo at may halong emotional...
Cheers!:)
nakarelate naman ako sa case study..
Buti na lang per semester lang ang case study namin.
Ang pinakamalala ko lang eh, 2 case studies in 2 wks nung affiliation namin..
.hows ur kaka na pala author?
.eniweiz, u never failed to plaster dat smile on my face on ur updates..
-mark.
tagal ata update nten kuya fugi ahh. buti na lng nakapag update ka na na miss ko na to ee. hehehehe thank u. basa mode muna maya na ulet comment hahaha
hi fugi..pxnxa na ngaun lng ulit nkpgcomment...
-grabert.!!ganda mo ah..pwd akin nlang c kuya joseph..hehe
basta aq team Ian.!!go go go
-dhl sa case study,naalala ko na naman ang phrap sa atin..lalo na solo case,tpos maboboljak kpa sa panel o ci,.haha
-yugi oh..b ung anime na may bwas life..guess lng..
-niccolo'25-
;))
100 life points. YU-GI-OH. Hahaha
akin na lang c kuya joseph para maging in law n tyu fugi.hahaha
Keep it up. Ganda eh.
Jaceph from malolos
yugi-oh' ba yun?
haha...
-ylden
Pangpagulo talaga si Anthony sa buhay ni ian at fugi :)
isa syang malaking EPAL "ANTHONY" talaga.
-Jekjec-
Fugi ahaha...ankulit ko no, salamat nga pala sa mention...LOL...ahaha o dali neeeeeeeeeeeeext chapter na ulit!!! ayoko na kay IAN...team Joseph na ako...ahaha
hahaha i love you fugi!!!! :) :) :)
galing galing mo! wohooo
-yume
Nice one mr.Author.. :-)
update na agad.. Excited ako sa part ni Anthony at Fugi.. For sure may balak si Ian na guluhin moment nila..(sana!)
hahaha!
Anime fan din ako kya natutuwa ako pag may mga nasasama kang anime and yung mga trivia mo eh malaking tulong sa mga nagbabasa dito na nursing ang course pero di pa alam yung mga nasa trivia.. Hehe..
Mahaba haba pa ang story na toh.. Madami pang exciting na mangyayari (may mga pumapasok na sa utak ko na pwedeng mangyari sa mga susunod na chapter) kaya lagi akong magaabang sa updates mo.. Hehehe!
Go Ian! Haha! :-P
ok kuya fugi d na ko excited. ok lng khit matagal pa ung aminan. hehehe a.abangan ko pa rin ito khit anung mangyari. hehehe
d aq napilitan dhl wla namang pumilit skn :))
d aq naplitan dhl wla namang pumilit skn..gs2 q lng tau mgkakampi :))
dpat ian and fuji, tpos anthony and joseph oh bgy
Post a Comment