by: Dranski
Pauna:
Sa wakas ay nakapag-submit na rin si Dranski nang kanyang chapter. Ito na po guys ang chapter 6 ng AMNM sana ay magustohan niyo't suportahan ang chapter na ito na gawa ni Dranski.
"Gusto ko kasi umaga pa lang buo na araw ko." sagot
niya at pangiti ngiti pa halatang nagpapacute.
"Corny mo! Eto piso humanap ka ng maloloko mo" bara ko sa kanya.
"Itago mo na yan ikaw kasi gusto kong maloko
sakin!" banat naman ni Sy.
"Ewan ko sayo! Saan pala tayo pupunta ngayon?"
pagpigil ko sa kakornihan ng loko.
"Basta ako bahala dun!" sagot niya.
"Oh ano tara na? Sayang oras" yaya ko.
Pasado
alas siyete na ng umalis kami ng condo ni Sy para tunguhin ang lugar na gustong
puntahan ni Sy. Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Habang nasa biyahe ay
hinaharot ako ni Sy na siya namang kinakainis ko dahil nagmamaneho ito. Ito ang
kauna unahan naming "Official Date" dahil alam naming sarili namin
ang involve sa lakad na ito. Masaya ako habang tinutungo namin ang lugar
tawanan kame ng tawanan dahil tuwing may madadaanan si Sy na di kanais nais sa
mata niya ay binubusinahan niya ito. May mga oras naman na natatahimik kaming
dalawa hindi ko tuloy maiwasang tignan ang napaka among mukha ng kolokoy na to,
sa tuwing napapansin naman niyang nakatingin ako ay bigla na lang itong
ngingiti at kikindatan ako ng nakakaloko kaya naman napapayuko na lang ako
dahil sa hiya.
"Malapit na tayo suot mo tong blindfold, wag kang
mandadaya ah!" utos ni Sy.
"Sus may ganto pa! Baka ano gawin mo sakin ah virgin
pako!" banta ko naman.
"Alam mo utak mo lumot! Hindi na kita kailangan I blindfold kung gagawin ko yun! saka alam ko namang hindi kapa ready dun!"
sabay gulo sa buhok ko.
"Sus! kung alam ko lang pinagnanasahan mo katawan
ko.." pang aasar ko sa kanya.
"Gahasain na kaya kita dito ng matahimik ka!" at
akmang hahalikan ako.
"Woops! Nakapiring na ko! tara na san ba tayo
pupunta?" pagpigil ko sa kanya.
"Hawak ka lang sa kamay ko!"
Hinawakan
ko agad ang kamay ni Sy pagkababa namin ng sasakyan, dahan dahan kaming nag
lakad patungo kung saan, hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil sa paglalakad
namin tanging yabag lang ng aming paa ang naririnig ko napaka tahimik ni Sy
kaya hinigpitan ko nalang ang hawak sa mga kamay niya. Ngayon ko lng nahawakan
ang kamay ni Sy ng ganito kahigpit, ang init ng mga palad niya at napakakinis
pa ramdam na ramdam ko din ang higpit ng hawak niya sa kamay ko pakiramdam ko
tuloy ay ayoko na bitawan ang kamay niya.
"Damn!" ang salitang narinig ko kay Sy, agad agad
ko namang tinanggal ang blindfold ko
Hindi
ko inaasahang dito ako dadalhin ni Sy, nasa harapan kami ng school kung saan
kame nag high school. Natuwa ako dahil dito kami nagumpisa ni Sy bilang matalik
na magkaaway hanggang sa maging matalik na kaibigan. Sino bang magaakala na ang
isang campus crush noon ay magkakagusto sa bestfriend niya na dati ay kaaway
niya.
Second Year High School ng magtransfer ako
dito dahil sa scholarship na binigay sa akin ng isang charity donor dahil
nagustuhan nito ang mga grado ko noong first year. Sumangayon na din ako dahil
sagot nito ang gastusin ko sa pagaaral.
"Pare ikaw ba si Zacharia Semento?" tanong ng maangas na boses mula sa
likuran ko.
"Hindi, pero kung si Zacharia SACRAMENTO ang hanap mo,
ako yon..." seryosong sagot ko habang nagbabasa ng libro narinig ko namang
nagtawanan ang mga kasamahan nito.
"Ayos ka ah, hindi kita guguluhin pare layuan mo lang
Girlfriend ko", bulong nito sakin.
"Kung wala ka na sasabihin, you can now leave me alone
at pakisabi na din sa girlfriend mo hindi ako interesado sa kanya kaya wag na
niya ako lalapitan kapag wala ka" mahabang tugon ko sa kanya sabay sara ng
librong hawak ko aalis na sana ako para makaiwas sa gulo.
"Eah gago ka pala eah!" sigaw nito.
Nangyari
ang hindi ko inaasahan at aking iniiwasan, sinapak ako ng lalaking ito kaya hindi ko naiwasang gumanti sa kanya, masakit ang sapak niya pero hindi ako papatalo. Sa
mga oras na yon pinapanalangin kong sana may umawat man lang saming dalawa pero
walang sinu man ang nagtatangkang pigilan kami dahil siguro sa takot, nahihiya
na din ako dahil madami na ang nakikiusisa sa nangyayari. Ilang minuto pa ay
dumating na si Mr. Reyes ang aming Guidance Councilor, agad kaming inawat nito
at pinasunod kami sa guidance para kausapin.
"I'm very disappointed to both of you! Mr. Sacramento
you're one of the best students here pero ano nakipagbasag ulo ka dito sa batang
to!" pagsermon sakin ni Mr. Reyes ako naman ay nakayuko lang sa kahihiyan.
"At ikaw Mr. Go I know you're mother is one of our biggest
donor dito sa eskwelahan, pero hindi sapat na dahilan yan para manapak at
manakit ka ng kapwa mo studyante!" Dagdag nito si Sy naman ay mistulang
walang naririnig at nakatingin lang sa relo niya.
"We need to talk to both of you're parents tommorrow,
you can leave now.." pagtatapos ni Mr. Reyes, palabas na si Sy ng kwarto
at parang wala lang sa kanya ang nangyare.
"Mr. Reyes hindi ko po mapapunta ang magulang ko dahil
sa probinsiya po nakatira ang tatay ko." paliwanag ko.
"Eah ang nanay mo?" tanong nito.
"Wala na po siya bata pa lang ako, ako lang po ang
nakatirang mag isa dito sa Maynila.." paliwanag ko.
"Mr. Reyes pwede po bang DA na lng po?" sabat ni
Sy na nasa pinto.
"Good idea Mr. Go, ganito kayo ang tutulong maglilinis
ng library and that will be for the whole week starting today." pag
sang-ayon ni Mr. Reyes, mas mabuti na sakin iyon kesa patawag ang magulang dahil
ayoko bigyan ng problema ang Papang.
"See you later Zach." paalam ni Sy sabay alis ng
pinto.
"Hoi! Zach gising masyado ka naman yata nagulat at
natulala ka diyan?" paggising sakin ni Sy.
"Ah pasensiya may naalala lang ako"
"Nakalimutan ko sabado nga pala ngayon, hindi tayo
makakapasok... palpak nanaman ako" dismayadong sabi ni Sy.
"Tara!" pag aya ko kay Sy at hinila ko siya at
tumakbo, para tuloy kaming mga batang naglalaro.
Dinala
ko si Sy sa likod ng school kung saan kami tumatalon kapag naiisipan naming
tumakas sa school o mag cutting sa klase, isa lang ito sa kalokohang natutunan
ko kay Sy noong college kami. Naalala ko pa noon kung paano ako nahulog
dito at muntik na mabalian ng leeg buti na lang ay nandoon si Sy at naagapan
yung nangyari, muntik na rin kame mahuli ng guard noon buti at nakatakbo kami ng mabilis. Agad naman
nakuha ni Sy ang gusto kong gawin kaya inalalayan niya akong makaakyat at
makatalon siyempre sinugurado muna naming walang tao na makakakita sa amin.
Nakapasok
na kaming dalawa sa loob pero malas lang namin at sarado ang dati naming
classroom, madami na ding nagimprove sa school namin. Pumunta na lang kami sa
bench sa labas ng library kung saan kami nagumpisang maging malapit ni Sy.
"Ang sabi maglilinis tayo hindi magbabasa" saway
nito sakin, hindi ko naman ito pinansin at nagumpisa na lang akong maglinis.
"Hoy galit ka pa din ba?" sarkastikong tanong ni
Sy at napahinga na lang ako ng malalim.
"Pasalamat ka nga ito lang gagawin mo at hindi na
papatawag magulang mo." dugtong niya pa.
"So utang na loob ko pa sayo kung bakit ako nandito?
Paalala lang sa mahangin mong ulo, ikaw ang nagumpisa ng gulo kanina kaya
nandito ako ngayon! Kaya wala akong dapat ipagpasalamat sayo!" sumbat ko
dito at lumipat ako sa kasunod na estante ng mga aklat para makaiwas sa kanya,
pero mukhang hindi talaga ako titigilan ng freak na to.
"Come on men! I broke up with Sylvia" at isang
nagtatakang tingin ang binigay ko sa kanya.
"She's not just worth it anymore, she's too flirty
too" dugtong niya pa.
"You're so full of air! Hindi ka makakahanap ng
seseryoso sayo kung ganyan ka!" sarkastikong responde ko sa kanya.
"Mr. Sacramento! Mr. Go! you're here for disciplinary
action not for bonding understand?" Paalala ni Mrs. Gomez ang librarian ng
school, ngiti na lang ang naibigay namin sa isa't isa nawala yata sa isip namin
na nasa library kame.
Sa
isang simpleng ngiti nagumpisa ang pagkakaibigan na walang sinumang
makakabuwag. Sa mga sumunod na araw ay mas lalo kaming naging malapit ni Sy sa
isa't isa tuwing matatapos ang klase namin ay lagi na kaming nagkikita sabay
umuuwi, gumagala at naglalakwatsa. Hindi naman lahat ng napagdaanan namin ay
kalokohan, naturuan ko din namang magaral si Sy, dahil doon ay palagi na din
kaming nagaaral ng sabay. Ang dating library naman na aming detention room ay
naging bonding room sa buong high school life namin.
"Mga ijo sarado ang eskwelahan nagyon may kailangan ba
kayo" tanong ng mukhang caretaker ng eskwelahan.
"Ah pasensiya na po pumasok po kasi dito yung aso ko,
baka napansin niyo po?" palusot ni Sy.
"Ah wala naman ako napansin mga ijo, sigurado ba kayong
dito pumasok" usisa nito.
"Baka nga po wala dito, sige po mauna na kame pasensiya
po sa abala" sagot ko naman.
"Sige mga ijo bukas na yung gate sa entrance doon na
kau lumabas" utos nito.
Lumabas
na kami ng school at agad dumeretso sa kotse tawanan ang maririnig saming
dalawa habang naglalakad dahil sa nangyari at dahil sa palusot ni Sy na aso
kung saan pa siya takot na takot. Dahil tanghali na ay napagdesisyunan naming
kumain sa restaurant kung saan ako lage nililibre ni Sy dahil ang allowance ko
noon ay sapat lang, nang makarating kami doon ay sarado na pala ito kaya
naisipan kong sa carinderia na lang kame kakain kung saan ko dinadala si Sy
dahil masarap ang pagkain doon. Tinungo namin agad ito dahil excited ako hindi
naman ako nadismaya dahil nanddon parin ito at halatang asensado na.
Umorder
agad kame ng sandamakmak na pagkain na lage namin inoorder noon pinakbet,
caldereta, menudo, sinigang, tinola, kare kare at kung ano ano pa. Nagmistulang
food trip ang lunch naming iyon, nagenjoy ako ng sobra dahil hanggang doon ay
todo lambing pa din si Sy sakin gusto pa ako subuan nito pero hindi ko
tinatanggap dahil masyadong maraming tao. Iniipit pa nito ang mga paa ko sa
pagitan ng paa niya, nasa ilalim naman ito ng mesa kaya hinayaan ko na lang
siya. Itong si Sy kahit sa public place ay napakapilyo, paminsan minsan kasi
ay kinakalabit ng paa niya ang ibaba ko na ikinagugulat ko naman kahit sanay
akong ganito si Sy sakin noon iba parin ngayon dahil alam kong gusto niya ako
higit pa bilang bestfriend.
Hindi
pa natapos doon ang araw namin dahil nagpunta din kami sa mga lugar na lagi
naming pinupuntahan noong high school pa kame ang computer shop kung saan kami
gumagawa ng project, nag iinternet, naglalaro ng mga online games at
tumatambay. Pumunta din kame sa billiaran na madalas na tinatambayan ni Sy noon
dahil magaling ito mag billiards doon din kame umiinom pag may okasyon. Natapos
ang kasiyahan namin pasado alas sais ng tumawag si Tita Elsie at nagpapasundo
dahil galing ito sa isang meeting. Hinatid muna ako ni Sy sa condo bago niya
sunduin si Tita Elsie.
"Magingat ka sa biyahe itext mu agad ako, okay?"
paalala ko sa kanya bago bumaba ng kotse.
"Opo Honey ko" sagot nito habang pumupungay ang mata.
"Honey ka diyan, sige na ingat ka!" pababa na sana
ako ng kotse ng...
"Mwah!" hinila nito ang kamay ko sabay halik sa
labi ko, ikinagulat ko naman yon.
"Loko ka talaga! sige na naghihintay sayo si
Tita." paalala ko sa kanya at bumaba na ako ng kotse, hinintay kong
makaalis ang kotse bago ako pumasok sa building.
Umakyat
na nga ako ng condo, habang nasa elevator ay hindi maalis ang ngiti ko sa labi
hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero talagang napakasaya ko ng mga
oras na yon para akong baliw buti na lang ay wala akong kasabay sa elevator,
napapakanta kasi ako ng kung ano ano pag naiisip ko ang mga nagyari ng araw na
iyon. Pagkalabas ko ng elevator ay nakangiti parin akong parang baliw, napansin
kong may taong nakatayo sa harap ng unit ko, pamilyar ang mukha ng taong ito
kaya lumapit agad ako sa kanya.
"Oh bakit nandito ka?" bungad ko sa kanya ng
makilala ko kung sino ang taong ito.
"Ah napadalaw lang..." maikling sagot nito habang
nakasandal sa pader.
"Pano mo nalamang dito ako nakatira?" usisa ko.
"I ask Tita Elsie, actually nagpunta nako dito nung
isang araw pero wala ka" paliwanag nito.
"Ah ganon ba? Ahm Glen may itatanong ako"
seryosong tanong ko.
"Sure, ano yon?" dahan dahan naman siyang
lumalapit sakin.
"Sayo ba galing yung sulat?" mukha naman naguluhan
si Glen sa tanong ko.
Isang
napakagandang ngiti ang binigay niya sakin, unti unti parin siyang lumalapit
sakin kaya umatras ako ngunit naramdaman ko na lang na nakasandal na ako sa
pinto ng unit ko, halos magkaharap na kami ng ipatong niya ang kaliwang kamay
niya sa kanang balikat ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko, nanlamig ako
sa sandaling iyon hindi ko siya magawang itulak dahil ayoko siya bastusin. Mas
lalo pa akong hindi nakagalaw ng itapat niya sa aking tenga ang kanyang labi,
ramdam ko kanyang paghinga at naamoy ko din ito tila nakainom ito ngunit napaka
kalmado ng kanyang paghinga, pero ang sagot niya ang pinagtaka ko.
"Hindi ko maalala, siguro..." marahang bulong niya,
tama kaya ang iniisip kong galing kay Glen ang sulat? pero kung sa kanya nga
galing ito ibig sabihin ba ay may pagtingin din ito sa akin.
"Ah eh tara sa loob pagluto kitang soup lasing ka
eah" sabay talikod at bukas ng pinto.
Pumasok
na kame sa loob ng unit dahil baka may makakita pa sa amin sa labas. Pinaupo ko
si Glen sa may sofa ko at sinindihan ang tv para naman may pagkaabalahan ito
habang nagluluto ako ng soup na mahihigop niya para mawala kahit papaano ang
kalasingan ni Glen. Tahimik si Glen ng mga sandaling iyon kaya hinayaan ko na
lang muna siya. Dinalhan ko agad siya ng sabaw sa may sala, ilalapag ko na sana
ang sabaw sa mesa ng abutin niya ito kaya nagtama ang aming kamay kakaibang
kuryente naman ang naramdaman ko, inalis ko naman ito ng maibaba namin ang
soup. Kumuha ako ng upuan at umupo sa kabilang side ng mesa sa tapat ni Glen.
"Ang sarap nito ah" puri nito sakin.
"Ubusin mo lang yan madami ako ginawa para sayo."
sagot ko.
"Pasensiya kana kung bigla akong pumunta ng walang
pasabi tapos lasing pa ko" paumanhin niya naman.
"Wala yon noh, pero Glen may tatanong sana ulit ako
sayo" natahimik kaming dalawa sa sandaling iyon.
"Bakit pala galit sayo si Sy? Sabi niya inagaw mo daw
ang mahalaga sa kanya?" dugtong ko halata namang natigilan si Glen at
yumuko, isang maamong Glen na naman ang nakita ko.
"That was before college yung Girlfriend niya noon,
naging girlfriend ko din at malala pa nabuntis ko yon, yung babae nasa ibang
bansa na pero yung bata na sa parents ko." paliwanag nito. Pero hindi ako
kumbinsido dahil alam kong may mas malalim pang dahilan kung bakit ganun si Sy.
Hindi siya sisira ng pagkakaibigan dahil lang sa simpleng bagay.
"Dahil LANG don? " pagdidiin ko.
"It's not just a simple thing hindi lang minsan yon,
bago pa yon ay ilang ulit na ako lage ang dahilan ng breakups niya sa mga gf
niya pero yung nabuntis ko ang pinakanasaktan si Sy dahil siya ang pinakasineryoso ni Sy." dugtong niya.
"Yeah I remember that, so ikaw pala ang nakabuntis kay
Jenny.." pagasangayon ko dahil naalala ko ito.
"Pasensiya kana ha, alam ko nagtalo kayo ni Sy noong
hinatid kita akala ko kasi nakalimutan niya na yung nangyari" paumanhin
niya.
"It's okay tapos na yun, okay naman na kami ni Sy"
tugon ko, tumagal din ng halos isang oras ang pagstay ni Glen sa unit ko.
"Mauna na ko Zach tumambay lang ako pampatanggal
amats" paalam niya.
"Sure anytime, dont worry magkakaayos din kayo ni
Sy".
Tumayo
na kami at tinungo ang pinto ng unit ko para ihatid papalabas si Glen ng
malapit na kami sa pinto ay bigla ako niyakap ni Glen. Magkadikit ang aming mga
katawan at ang ulo nito ay nakapatong sa aking mga balikat. Hindi ko alam pero
ramdam kong may lungkot sa yakap niya, kaya't pumikit ako at hinawakan ang ulo
niya, hinaplos ko ito para kahit papano ay mabawasan ang dinadala ni Glen.
"Salamat Zach, buti pa si Sy may Bestfriend na kagaya
mo..." bulong niya sakin hindi na
lang ako kumibo at patuloy ang paghaplos sa kanya.
Idinilat
ko ang mata ko ngunit nagulat ako sa bumungad sakin, si Sy nakatayo sa labas ng
pinto, hindi ko maintindihan pero kinabahan ako ng todo. Hindi ko alam kung
anong gagawin ko ang tanging nakikita ko lang sa sandaling iyon ay ang masamang
tingin ni Sy at halatang galit ito.
(Itutuloy)
28 comments:
una?hehe
bsa m0de muna
sr143
hala!..
patay ka ngay0n zacharia..itong c glen kasi may nalalaman pang ganun..naku naku..parang hindi ko gusto ang susun0d na mangyayari..at yung gagawin ni zach na pagbawi..sana update agad,..hehe..excited lang..
keep it up, author dranski!
sr143
ayieeee...
kilig kilig :)
natuwa aq sa mga linya ni zach hahaha :)
haahhaha kinakbahan aq s next part, haba hair ni zach daming humahabol haha
ayieeee...
kilig kilig :)
natuwa aq sa mga linya ni zach hahaha :)
haahhaha kinakbahan aq s next part, haba hair ni zach daming humahabol haha
- yume
hayon lagot ka zach...super lagot..
malandi....
Kainis ako dapat una e. Di talaga maasahan itong provider ko. Anyways, Zach kahit sino siguro makita mo ung isang tao na mahal mo na may ganong closeness kahit walang meaning sa parte mo sinong hindi sasama ang loob pwera na lang kung manhid ka. Bakit kse? Para ka tuloy Flirt.
Hala,tsk ok na sana ung kilig moments nila tapos may eksena pa ganun sa huli tsk,,,,....magexplain ka ng mahaba haba nyan zach....hmmm
On this part ewan basta nainis ako sau Zach. Pwde naman kasing umiwas sa gestures ni Glen bkit di mo ginawa. You never think of the possibilities that someone might see you. Siguro gusto mo rin... Dapat sa una pa lang alam mo na ung gestures ni Glen. Where's your Sense and Sensibility?
ayun! patay kang bata ka! hehehe
you're dead zach! ahaha
hahaha.. natawa ako sa last part sabi na eh babalik si SY!...
may payakap portion pa kasi si Glen ! wrong timing hayss!.. hehe xD.
anu na kaya ang mangyayari sa susunod... rambulan again!..
mahabang MU nanamn ang mababasa ko sa susunod n chaps! >>
nxt na! :]
(IAN)
oh shit --
patay .. tayo dyan .. kuya Zach ..
napakainit pa naman ng dugo ni kuya Sy dyan kay kuya Glen ..
i'm very sure na magkakaroon ng COLLISION .. este .. away sa pagitan ng dalawa ..
INHALE .. EXHALE ..
kaya mo yan kuya Zach --
Thanks kuya Dranski ~
oh shit --
patay .. tayo dyan .. kuya Zach ..
napakainit pa naman ng dugo ni kuya Sy dyan kay kuya Glen ..
i'm very sure na magkakaroon ng COLLISION .. este .. away sa pagitan ng dalawa ..
INHALE .. EXHALE ..
kaya mo yan kuya Zach --
Thanks kuya Dranski ~
Wow i love it. Mgnda yn pra mas matest ang love ni sy ky zach. Next chap na pls...
did glen hugged him on purpose. bka kasi nkita na nya si sy parating,.. husto nya tlga asarin si sy.. hmmm clouded ang character sakin nitong si glen.. gusto ko yan. sabugan ng utak sa pgiisip.
for zach, medyo naintindihan ko xa, may mga tao kasi na hindi masyado nagiisip ng masama sa iba, at mababa tngin sa sarili kya khit may hints, he will brush it off his head kasi bka mapahiya xa sabihin kapal muks xa na may gusto din sa kanya si glen. kaya nagiging tolerant xa sa situtaion not knowing na it's dangerous coz may mga advances na hindi nya pinapansin. it's a very hard situation din kc how would you explain it to glen? sasabihin mo ba na pare sorry d kita pwede kausapin ayaw ng best friend ko eh, parang pang magbf lang iun ganun. unless aamin sya kay glen which is too soon.
niceone author.. cant wait for the next chapter
-chris
NAtuwa naman ako dame agad comment kakapost pa lng kagabi hahaha.. MAraming salamat po sa lahat ng nagcomment very much appriciated at very helpful po mga comment nyo...
hala! lagot? . . . sana update agad. he he he
ganda ng story:)
next na po..
Jrard:)
Mas titindi pa ata ang galit ni Sy kay Glen ah. Wala na atang chance na magka-ayos. Dalawang tao na ang inagaw ni Glen kay Sy, paano na 'yan?
Lagot naman si Zach, at matinding pagsusuyo ang dapat gawin para makalma si Sy.
At dadagdag pa si JM sa gitna ng alitan ng tatlo. Ramble na 'to! Ahahaha...
In the end, si Zach at si ??? ang magkatuluyan. Ahahaha...
'Yan ang dapat abangan.
kakatakot nmn si SY .. MASYADONG SELOSO....
haisst..ano nman kaya kahahantungan nito eh galit pa nmn siya kay GLEN.
eh paano mnmn kaya mahandle ito ni ZACH.
me aabanngan na nmn ako...
THE SILENT READER 28 QC.PHIL.
Wow this is worth the wait Sir Dranski!
Ganda nitong chapter na to...
Can't blame Zach, victim din sya ng mga pangyayari...
Naks! Dami na-carried away na readers! ikaw na Sir Dranski!
Pa-autograph! ;D
Uh-oh... this doesn’t look good x.x
ang sama, napaka sama, subrang sama...tsk3...malandi naman kasi, kong maka yakap naman kasi wagas, may papikit-pikit pang nalalaman, ayan tuloy gulantang to the max ka pagdilat mo...dapat di Zacharia name mo di bagay, palitan na natin...you are now RAPUNZIL ayan mas bagay, haba ng hair mo...mag share ka naman :) hahaha!!!
oh men..!! what are you going to do now Zach..?? hehe
lagot tayo dyan..
THIS MEANS WAR ulet..!!
God bless.. -- Roan ^^,
Patay kang zach ka! high blood masyado si sy haha:)i like selosas moments...=dereck=
Wala pa po ba?:):)
hantagal... O.O
Post a Comment