Written by: Dranski
Pauna:
Ang ito na ang chapter 5 ng Matalik Na Magkaibigan sana ay ma-enjoy niyo ang chapter na gawa ni Dranski. Enjoy Reading guys and keep the damn comments coming! Zildjian
BLAG!
Isang
malakas na tunog ang narinig sa buong sala dahil ito sa pagkabagsak ni Jm mula sa pagkakasapak sa kanya ni Sy. Ang akala ko ay aabutin ni Sy ang kamay ni
Jm ngunit sa mukha ng lalaki iyon dumapo. Mas lalo akong hindi nakagalaw hindi
ko na alam ang gagawin ko dahil sa biglaang pangyayari. Ang sumunod na namalayan ko ay ang pagtayo ni
Jm alam kong magkakagulo na sa mga oras na iyon, hindi sila pwede magaway lalo
na at nasa loob sila ng aming bahay. Halata sa mga mukha ng dalawa ang galit
lalo na si Sy hindi ko naman alam kung bakit naging ganon na lang ang reaksiyon
niya marahil alam nitong galit ako kay Jm, sa mga mukha naman ni Jm galit at
pagtataka ang makikita mo. Isang matalim na titigan ang namamagitan sa kanilang
dalawa kasabay ng nakakabinging katahimikan.
Napakabilis
ng pangyayari hindi ko na namalayan ang unti unti kong paglayo sa kinaroroonan
nila Sy at Jm. Naglalakad ako papunta sa kawalan, pabilis ng pabilis ito
hanggang sa ang lakad ay naging mabilis na pagtakbo, hindi ko alam kung saan
ako pupunta ang mahalaga lang sakin sa mga oras na iyon ay makalayo sa tila
bangungot na nangyayari sakin ngayon. Dahil sa bigat ng emosyong naghalo halo
sa isip at puso ko naramdaman ko sa aking pisngi ang pag agos ng aking mga
luha, wala na akong paki kung may makakita man saking umiiyak ang gusto ko lang
ay mailabas ito.
Napadpad
ako sa plaza ng aming bayan kung saan madalas akong nakikipaglaro sa aking mga
kaibigan noong bata pa ako dito ako nagkaisip, nagkaroon ng kaibigan at mga
kaalaman. Sa plazang ito ko rin natutunang masaktan, umiyak at maging masaya.
Napaka ganda na ng luagr na ito madaming bulaklak, puno at mga halaman talagang
napalago ito ng aming baranggay sa pagtagal ng panahon. Napakaraming alaala
ang iniwan ko sa lugar na ito, mga alaala na ayaw ko nang balikan dahil ang
plazang ito ang nagpapaalala sakin ng mga napagdaanan namin ni Jm.
"Lampa! Lampayatot!" sigaw ng bata sa akin
"huhuhu huhuhu" walang tigil ang pag iyak ko
"Kawawa naman lampa na iyakin pa! haha" tukso pa
ulit ng bata
"Huhuhu isusumbong kita sa mommy ko!! Huhuhu Mommy!
inaaway ako nung bata!! Mommy!!" iyak ng isang bata sa aking likuran,
nagulat ako dahil bigla nalang itong umiyak
"Hoy! hindi naman kita inaano ah! Dyan na nga kayo mga
iyakin!!" sigaw nito sabay umalis at tumakbo dahil sa takot
"Okay ka lang ba Zach?" tanong nitong isang bata
habang nagpapahid ng luha
"Bakit ka umiyak? Hindi ka naman niya inaway ah saka
bakit mo ko kilala?" tanong ko sa kanya at humihikbi pa ako
"Hehe tinakot ko lang siya para tigilan ka na niya,
pwede na kong artista noh?" pagyayabang nito, napangiti naman ako sa
dahilan niya
"Salamat ha? lage kasi ako inaaway nong si
Jecjec.." sabay punas ng luha
"Ako pala si Jerich Miguel classmate mo ko, ako yung
transferee sa school niyo. Mula ngayon ako na ang Bestfriend mo at poprotektahan
kita kahit kanino!" pagyayabang naman niya
"Poprotektahan? Iiyakan mo ulit sila?" pagbara ko
sa kanya sabay tawanan kami
Hindi
ko maiwasang maalala ang mga nakaraan ko sa lugar na ito, dito kami unang
nagkakilala ni Jm, lalo naman ito nagpatindi ng buhos ng luha ko. Unti unti
akong lumapit sa swing kung saan lage kaming nakatambay ni Jm tuwing pagkatapos
ng aming klase sa eskwelahan. Kainan, kwentuhan, biruan, habulan at walang
tigil na lambingan naming dalawa. Sa swing na to ang nag mistula naming saksi
sa lahat ng aming mga pangako sa isa't isa.
"Jm pangako mo hindi mo ko iiwan mag isa ha?"
seryosong tanong ko sa kanya habang nakasakay kame sa swing
"Oo naman! Pangako! kung nasan ka nandun din dapat ako!
Basta dapat ako lang ang bestfriend mo" buong saya niyang sagot sabay
halik sa pisngi ko, natutuwa ako pag nakikita ko siyang masaya.
Umabot
ang huling buwan namin bilang elementary student tapos na ang mga exam kaya
lage kaming nasa plaza ni Jm at nagsasaya.
"Mahal kita Zach"
"Mahal din naman kita no!" masaya kong sagot sa
kanya
"Mahal kita higit pa bilang bestfriend Zach, ganun ka
din ba? " pagpapaliwanag ni Jm, napatayo naman ako at naglakad palayo
"malapit na ang resulta ng entrance exam natin,
sasagot ako sa tanong mo pag nakapasa ka don!" sigaw ko sa kanya sabay
takbo pauwi
Makalipas
ang ilang araw lumabas na ang resulta ng exam masayang masaya ako dahil pareho
kaming nakapasa sa exam ngayon masasabi ko na ang sagot ko sa kanya. Pero hindi
ko inaasahan ang nangyari. Wala na si Jm lumipad na daw ito patungo sa ibang
bansa at doon na daw itutuloy ang pagaaral nito. Gumuho ang mundo ko sa mga
oras na yon ang pinakamatalik kong kaibigan umalis ng walang paalam, nadurog
ang puso ko. Agad akong pumunta sa swing kung saan kame laging magkasama para
mailabas ang nararamdaman ko.
"Ang sabi mo hindi ma ako iiwan... Ang sabi mo kung
nasaan ako dapat nandon kadin!" malungkot kong sabi habang umiiyak at
nakaupo sa swing
"Ang dami mo pinangako pero pano mo matutupad yon?
Umalis ka ng wala man lang sinasabi!" sigaw ko
"Nagsinungaling ka! sabi mo mahal mo ko higit pa sa
kaibigan! Ngayon ko sasabihin ang sagot ko pero hindi mo na nahintay! Mula
ngayon kakalimutan na kita!"
"Mahal kita Jerich Miguel... Mahal na mahal"
bulong ko sa sarili
Nagising
ako mula sa pagninilay nilay ng mga nakaraan ko sa lugar na yon, naramdaman
kong pumapatak ang ulan sa aking mukha pero hindi ko iyon alintana okay lang
kahit mabasa ako hahayaan ko na lang takpan ng ulan ang mga luha ko ang burahin
ang mga sakit na nakatatak sa puso ko. Sa mga oras na yon para kong isang baliw
na nakaupo sa isang swing sa gitna ng ulan.
"Sabi ko na nandito ka lang, tara na ihahatid na kita
sa bahay nyo" bulong ng boses sa likuran ko, at tumigil ang pag buhos ng
ulan sa akin dahil sa payong na hawak nito
"Please leave me alone" pagtanggi ko sabay hawi sa
payong niya
"I heard what you said" seryosong sagot niya at
binalik ang payong sa akin
"Heard what? you must be hallucinating" sagot ko
sa kanya at lumipat sa kabilang swing para iwasan siya
"Na mahal mo ako" ikinagulat ko ang sinabi niya,
sinabi ko ba talaga ang mga salitang yon kanina
"Noon yon Jerich, pero wala na ngayon hindi na kita
mahal!" sagot ko sabay tayo
Naglakad
ako palayo para iwanan siya doon pero nabigla ako ng biglang may humawak sa mga
braso ko at hinila ako pabalik. Naramdaman ko ang pagtama ng dibdib ko sa
dibdib ni Jm kinulong ako ng mga bisig niya sa pagkakayakap, ang higpit ng
pagkakayakap niya hindi ko magawang pumiglas at kumawala. Ang sumunod kong
naramdaman ay napakainit, sa mga oras na yon para akong nasusunog, hinalikan ako
ni Jm sa labi. Napakalambot ng mga labi niya para akong naging baldado sa
sandaling iyon hindi ako makagalaw. Pinilit ko siyang itulak palayo sa akin
sabay pakawala ng isang sapak at tinanggap niya lang yon napansin ko namang
nawalan siya ng balanse.
"Hindi pa sapat yan, suntukin mo pa ako ilabas mo lahat
ng galit na inipon mo ng sampung taon, tatanggapin ko lahat mapatawad mo lang
ako." seryosong pahayag ni Jm
"No! You're not worth it at pwede ba Jerich layuan mo na
ko. I don't need you anymore" galit kong pahayag sa kanya
"Gagawin ko lahat Zach para makabawi sayo! hindi ako susuko!" sigaw niya mula sa
malayo pero hindi ko siya nilingon
Naglalakad
ako sa gitna ng ulan nagumpisa na namang lumipad ang isipan ko hindi ko na naman
alam ang gagawin ko. Palabas na ako ng plaza ng makita ko ang sasakyan ni Sy
malapit doon agad naman akong lumapit at sumakay, umupo ako sa tabi ng driver
seat sa tabi ni Sy, kaba ang tangi kong nadarama sa sandaling iyon. Nakita
kaya niya ang paghalik sakin ni Jm. Tahimik lang din si Sy na nagmamaneho,
napansin ko na may sugat ito sa labi at medyo may dugo at namumula ito
nagkasuntukan siguro ang dalawa noong iwan ko sila.
"Sinuntok ka ba niya? Gago yun ah!" tanong ko
sa kanya, hahawakan ko sana ang labi nito pero iniwas ito ni Sy
"Ayos lang ako, magpunas ka nga ano ba pumasok sa isip
mo at nagpaulan ka", sagot nito sabay abot sakin ng towel na dala niya
"Pano mo nalaman na nasa plaza ako" tanong ko
"Sabi ni Yumi baka daw nandito ka" sagot niya
"Okay" maikling sagot ko dahil hanggang ngayon ay
kinakabahan padin ako
Nakarating
na kami ng bahay si Yumi at Papang ay nasa kusina at naghahanda ng tanghalian,
dumeretso kaming dalawa ni Sy sa kwarto ko. Nagpatuyo agad ako at nagbihis, si
Sy tahimik padin pinapanood lang niya ko sa ginagawa ko habang nakahiga siya sa
aking kama. Hindi ko siya matignan sa mata kaya't para makaiwas sa tingin niya
ay humiga na lang ako sa tabi niya, napako naman ang aking mata sa kisame.
Tahimik ang buong kwarto walang sinu mang gumagalaw sa kama kaya tumalikod ako
mula kay Sy at nagpanggap akong natutulog. Naramdaman ko namang gumalaw din
siya marahil ay tumalikod din ito sa akin, pero nagkamali ako dahil ang braso
nito ay biglang yumakap sa akin.
"Nakita ko ang lahat kanina" malungkot na sabi
nito, ikinalaki naman ito ng mata ko nakita niya ba talaga ang paghalik sakin
ni Jm?? Natakot ako sa pwedeng mangyari dahil baka dahil dito ay layuan at iwan
ako ni Sy.
"Ha? Ano? Anong nakita mo? hindi kita
maintindihan" pagmamaangmaangan ko at humarap nga ko kay Sy para mas
epektib ang acting ko
"Ito" maikling tugon niya at pakiramdam ko ay
huminto ang oras
Hinalikan
ako ni Sy sa aking mga labi, ito ang unang beses na hinalikan ako ni Sy kaya
labis ko itong ikinagulat. Kaya pala madaming babae ang nahuhumaling kay Sy, sobrang lambot ng labi nito, mainit din ito at may kakaibang tamis iyon. Napakapassionate ng halik niya, unti unti akong nadadala. Bakit ito ginagawa ni
Sy dahil ba nasasaktan ako at gusto lang niya akong icomfort?
"Dude! Anu yung ginawa mo?" makahulugan kong
tanong sa kanya ng itigil niya ang pag halik sa akin
"It's called a kiss Zach" kalmadong sagot nito
habang nakatitig sa aking mata
"I know it's a kiss! pero bakit mo ginawa yon?"
sarkastikong tanong ko
"Bakit ba hinahalikan ang isang tao?" tanong niya
"Dahil gusto mo lang? o dahil naaawa ka?" sagot ko
"Hindi... ginagawa mo yon dahil mahal mo siya, dahil
sinisigurado mo sa kanya na safe siya na walang dapat ipagalala at lalong walang
dapat katakutan" makahulugang sagot
nito
"Hindi kita maintindihan Sy..."
"Hindi ko na kailangan iexplain Zach.. alam kong
nararamdaman mo ang ibig kong sabihin"
"Pero pareho tayong lalake... Natatakot ako sa mga
pwedeng mangyare..." malungkot kong sagot sa kanya
"Natatakot ka na baka iwan kita? Zach iba ka sa dinami
dami ng naging girlfriend ko wala akong pinahalagahan tulad ng pagpapahalaga ko
sayo, sayo at sayo lang ako babalik, alam mo yan" pagsisigurado nito.
"Natatakot ako..."
"Aaminin ko Sy di ako sigurado pero kapag malungkot ka
malungkot din ako, paggalit ka hindi na ako mapakali saka pag may kasama kang
iba hindi ko alam pero nasasaktan ako, sa tingin ko gusto na din kita"
nahihiyang paliwanag ko sa kanya
"Wag kang magalala hindi natin kailangan magmadali,
alam ko bago ka sa ganito kaya hindi kita papabayaan, hayaan mong patunayan ko
sayo kung gaano kita kamahal" masayang pasisigurado niya sakin sabay yakap
ng mahigpit
"salamat Sy..."
Ilang
minuto naging tahimik ang kwarto tanging ang paghinga lamang namin ang
maririnig. Magkayakap kami sa mga oras na iyon. Kakaibang saya ang nararamdaman
ko pero may bahid pa rin ng takot ang isip ko alam kong madaming mangyayaring
hindi ko inaasahan sa mga sandaling iyon.
"Kuya Sy Kuya Zach kakain na!" Tawag samin ni
Yumi, napabalikwas naman kami kaya agad kaming tumayo
"Oh sige susunod na kame..." sagot ko sa kanya at
nagayos na nga kame pero bago lumabas ng kwarto ay hinalikan ako ni Sy sa labi.
"Loko ka ah mapupudpod labi ko!" asar ko sa kanya.
"Gusto mo naman!" kontra niya.
Naging
masarap ang kainan naming pamilya niluto kasi ni Papang ang paborito namin ni
Sy kaya busog kami sa pagkain pati narin sa tawanan. Pero si Papang hindi
maiwasang tanungin ang tungkol kay Jm. Nagdahilan naman itong si Sy na
nagbibiruan lang sila at masyadong nadala sa asaran, pero ang bruha kong
kapatid hindi kumbinsido kaya pinandilatan ko na lang ng mata kaya natawa na
lang ito.
Kinahapunan
ay nagpasya na kaming lumuwas ni Sy pabalik ng Maynila gusto kasi ni Sy sulitin
ang ilang araw na natitira sa leave ko na kaming dalawa ang magkasama. Gusto
niya daw maging official ang panliligaw niya sakin ang corny pala ni Sy pag
dating sa ganitong bagay kaya siguro madaming nahumaling sa kolokoy na to.
Dinahilan ko na lang sa pamilya ko na kailangan ako sa resto, agad naman silang
pumayag.
"Kuya balik ka agad ah!" lambing ni Yumi sabay
yakap sa akin.
"Oo sige pag butihan mo pag-aaral mo ha, at wag kang
pasaway kay papang kundi babawasan ko allowance mo haha" biro ko sa kanya
sabay halik sa noo.
"Kuya naman eah!" reklamo niya.
"Mag-iingat kayo mga anak ha, lage kayo magtetext kay Yumi para may balita kame sa inyo" paalala ng ama ko.
"Kuya Sy salamat ulit sa regalo mo iingatan ko ito promise!" pagsipsip ni Yumi kay Sy.
"Good! hehe sige po Pang, Yumi mauna na po kami para
hindi kami masyado gabihin" paalam ni Sy.
"Pang wag kayo masyado magpapagod ah yang gamot mo po
inumin sa oras, okay?" paalala ko.
At umalis na nga kami, si Sy ang nagmaneho ng sasakyan. Masaya ang biyaheng yon,
hindi parin mawala ang kulitan naming dalawa at ngayon nadagdagan pa nang lambingan.
Tuwing may pagkakataon kasi ay hinahawakan ni Sy ang kamay ko, at pag nakastop
kami ay nagnanakaw ito ng halik sa akin. Sobrang saya ng pakiramdam ko. Nawala
lahat ng dinadala ko sa dibdib pakiramdam ko ay kakalaya ko sa isang bilangguan
kung saan ako matagal na nakapiit.
""Zach para kang tae..."
"Ha? Bakit naman tae agad?" sarkastikong sagot ko.
"Hindi kasi kita kayang paglaruan... Ayeeee" bola
ni Sy.
"Para ka namang inodoro!" singit ko.
"Bakit?" pagsakay niya.
"Hindi ko kasi maiwasang mahulog sayo!" sabay tawa
ko ng malakas.
"Zach kung mamahalin mo ako.. pwede bang hanggang
kinsenas lang?" malungkot na sabi ni Sy
"Oh bakit naman?"
"para wala ng katapusan!" sabay ngiti ng
nakakaloko.
Nakarating
na kame ng Maynila ni Sy. Hindi ko naramdaman ang pagod sa biyahe namin,
hinatid muna ako nito sa condo bago umuwi sa kanila. Susunduin niya ako bukas
ng umaga dahil may lakad daw kami. Pag pasok ko sa condo ay may nakita kong
sulat sa harap ng pinto kaya agad ko itong binasa.
"Zach mahal kita... Gagawin ko lahat mahalin mo lang
ako..." maikling pahayag sa sulat, agad akong lumingon lingon baka makita
ko ang naglagay ng sulat pero bigo ako.
(Itutuloy)
25 comments:
kakakilig naman 'to kahit na may halong drama, hintay na sa next update. galing galing mr. author
ayayaay! Dapat sila ni Sy ang magkatuluyan... Lumayo ka na ksi JM!! Kalimutan mo na siya....
malamang si jm ang nag bigay ng sulat sa condo ni zach.... bakit kaya umalis si jm ng d man lang nag paalam kay zach.... ano kaya ang reason ni jm....love triangle talaga... zach mahal mo rin si sy....kita naman sa mga kilos mo... pareho nyong mahal ang isat isa...
ramy from qatar
ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee..................
un lng.... hihihi
-ASD-
Ahhh... Ayun pala iyon... Iniwan ni JM si Zach nung mga bata pa sila akala ko naman talagang sinaktan si Zach ng bongga. Ekaso eto na si Sy di na nakapagpigil at nagtapat na kay Zach na nataong nagbalik na si JM. Nakuuu... papaano na yan... Sana Dalawa ang puso ko... Lalalalalarin-larin... Challenge nato... Someone definitely will be brokenhearted.
ayieeeeeeeee
ayan na. start na ng love story!
aq lang b nakapansin?
ginamit mo b name ko at ni jek? hahahaha
ang corny ni Sy!
ha ha ha. at last nagtapat na din sya. ntakot na maunahan. . . hmmm, mukhang may ka triangle ah. he he he
buti may update na to. hehehe inaabangan ko din to ee. hahaha oo daw si SY na lng wag na si JM mang iiwan naman sya ee. hahahaha
Hala! May Glen pa gustong makisali. Swerte naman ni Zacharias. :D
wow!..
galing!.
tma lang yung nangyari ky jm..pero panu kya ang gawin nyang pagbawi?.wew.
ang kulit,ngay0n drama na..haha..keso nla ah..
sr143.
hehehehehe kakakilig na...sbi ko na nga b eh...but i think kelangan ni jm at ni zach mgkalinawan...for the better db?
wow sulit sulit sulit perfect 10
hahaha.. kuletkulit..matalik na magka ibigan...next next next.
-cham-
ganda. Nextttttttt na agaddddd...
mlmng c glen ngsulat nun..gnda sna otor kso prng mnadali mu nmn maxado..after mg.emote ni zach dhil ky jm jump na sia agad ky sy..wlng pause muna for self internalizing..its like prng wlng big effect ung pgdting ni jm..kasi dumting mn xia or hindi..si sy pa rin nmn pla.un lng pnadli nya ung pgconfess ni sy
-john el-
Nkkainis nmn, huhuhu, bkit nyo ipinapaalala sakin c... Waaaah, dun sa isang story, nbanggit name nya, dito namam, yung sinabi nya.. "alam kong sayo p din ako uuwi".. Hai... Pero nyc story drans, keep writing coz ur great in it...
-eusethadeus
Yeah...........start of rivalry of exbestfriend vs. Bestfriend..........paganda ng panganda ,kakaexcite kung pano nyan mag aaway si jm at sy para kay zach love it...kudos mr.author:D
Cnxa po kung very fast paced ang story ko.. Yun na po kasi agad pumasok sa ulo ko.. dont worry i'll make it exciting para hndi masayng ung pagiging fast paced....
----dranski
Whooo hooo! This is another story worth reading. Hahaha galing ng pick up lines. Coooool . Thanks Mr. Author :)))
Ganda nia
at nasali kami ni Yume hahahaha
si Jm siguro ang ang iwan ng sulat?
kasalan ni zach kc pa hard to get pa sya nun bata sila eh hahahaha :)
kiligness naman tong si Sy.. hehehe
nice one...
God bless.. -- Roan ^^,
Haha eto na nga... ayan na ang simula ng romansa... pero wala ba awkward moments muna ba para sa mga former straight buddies? dun na agad sila sa BF-BF relationship? Kasi this also happened to me and my best bud, very awkward talaga nung marealize namin na mahal na namin ang isa't-isa... awkward kasi we both thought na straight kami... Imagine, dati "dude" or "bro" or "tol" or "pare" tawagan namin before then biglang naging "hon" na... Pero since awkward kami, nahirapan kami and the end, wala... Anyway, masarap naman basahin Mr Author the great Dranski... medyo nalayo lang ng konti sa reality.
SI GLEN YAN SURE! HAHAHA XD... I THINK JM,,,, HEHE XD.. HAYS ! NABASA KO NA DIN ANG CHAPTER 5 ! NANDITO LNG PALA SA BLOG NI AUTHOR ZILDJIAN! ..
BTW.. ANG GANDA TALAGA NG STORY! ,,,, CANT WAIT NEXTTT!! :D.. NXT! NA :D
A ZILLION THUMBS UP SA CHAPTER NA TOH!
SANA MAY GANTO DIN SA TOTOONG BUHAY! HAYZZ! :[!.. BUTI PA SILA MAGBESTFRIEND KAMI MAGBOY FRIEND CHOZ XD........
(IAN}
sus ginoo!!! grabe!!! patambling2 na ako sa kilig...like like like :)
Post a Comment