by: dranski/dranieM
"I've been waiting for you we need to talk."
kalmadong pahayag ni Sy pag pasok ko ng opisina kaya umupo nako sa sofa.
Bumalot
naman ang katahimikan saming dalawa nakatitig lang si Sy sa akin samantalang
ako ay nakatingin lang sa resignation letter na hawak ko. Kabado man ay
nilakasan ko ang loob ko dahil ayoko na tumagal ang tensyon sa mga oras na iyon
kaya ako na ang gumawa ng unang hakbang.
"I want you to have this." sabay abot sa kanya ng
papeles.
"I won't accept that, hindi ka aalis dito" mahinang
sagot niya halata sa boses ni Sy ang panlulumo dahil parang alam nito kung para
saan ang papel na hawak ko, gusto ko man siyang yakapin para kahit papaano ay
gumaan ang loob niya pero pinigil ko ang sarili ko.
"Don't be such a child Sy, It's my right and you know
that." kontra ko sa kanya.
"And it's my right to fight for who I love, and you know
who, it's you." malambing na sabi niya maluha luha ako ng mga sandaling iyon
pero pilit ko pa ding pinigil ang damdamin ko.
"You know that what's between us won't work out Sy"
kalmado kong sabi sa kanya.
Tumayo
naman si Sy at lumapit sa akin, inagaw nito ang resignation letter ko at
pinunit sa harapan ko sa ginawa niyang iyon ay labis akong nainis napatitig ako
ng masama kay Sy, gusto ko na siyang sapakin sa mga sandaling iyon pero ng
makita ko ang mukha niya ay nakita ko ang lungkot sa mukha niya napansin ko din
na maga ang mga mata nito at para bang magdamag itong umiyak. Bago pa man ako
makapagsalita dahil sa ginawa ni Sy ay agad agad niya akong niyakap ng sobrang
higpit ang mga kamay nito ay parehong nasa likod ko at ang mukha nito ay
nakapatong sa balikat ko, sa sandaling iyon ay hindi ko na kinaya ang emosyon
na tinatago ko unti unting pumapatak ang luha ko sa aking pisngi.
"I don't want you to go Zach, I want my Bestfriend
back... Namiss ko na ang bestfriend ko.. PLEASE BUMALIK KA NA.."
humahagulgol na pahayag ni Sy, sa tagal naming magkaibigan ito pa lang ang
pangalawang beses na nakita kong humagulgol si Sy una sa pagkamatay ng ama niya
at ngayon dahil sakin. Kaya ramdam ko talaga ang sakit na nararamdaman ni Sy.
"Sy ikaw lang ang hinihintay ko bumalik mula ng umalis
ka..." kalmadong sagot ko at hinimas ko na ulo at likod nito namiss ko
talaga ang yakap ni Sy.
"Sorry kung hindi kita nirereplyan sa mga text mo at
tawag, sorry kung nawawala ako ng walang paalam.. sorry kung nagseselos ako ng
walang basehan... sorry... sorry..." humahagulgol pa rin si Sy ng malakas.
"Tahan na, wag ka na umiyak nandito na bestfriend mo
kaya wag mo nako iiwan ha... shhhh tahan na" pagpapakalma ko sa kanya.
Nanatiling
nakayakap sakin si Sy hanggang sa tumigil ito sa pag-iyak. Nang tumigil na ito
ay umupo kami sa sofa para makapag usap pinunasan ko din ang mga luha nito sa
mukha at ganoon din si Sy sa akin. Napag-usapan namin ang mga nangyari noong mga
panahong hindi kami magkasama, kung bakit ko niyakap si Glen noon, nakwento ko
din na magkaibigan lang talaga kami ni Glen at napagkwentuhan din namin kung
anong ginagawa namin nung mga panahong hindi kami magkasama, napag-usapan din
namin na nakausap na ng maayos ni Sy si Brad na hanggang magkaibigan lang sila
noong una ay ayaw pa daw nito pumayag pero nakumbinsi din niya ito. Napapayag ko
din si Sy na makipagayos kay Glen dahil isa yon sa mga kundisyon ko, kung hindi
ay hindi ko siya papayagan manligaw ulit, effective naman iyon kaya masaya ako.
Napatunayan ko sa mga oras na yun na handa din pa lang ibaba ni Sy ang pride
niya para sa akin. Hindi nagtagal ay niyaya ko si Sy na lumabas ng resto para
makapag-usap sila ni Glen dahil si Glen ang naghatid sakin at nandoon lang ito
sa parking lot. Hinatid ko si Sy at pinapasok ko siya sa loob ng kotse ni Glen
para doon na sila mag-usap. Hindi ko naman maiwasang kabahan dahil alam kong may
tensyon silang dalawa pero nagtiwala na lang ako sa pakiramdam ko na aayusin ni
Sy para sa akin. Masaya ako na bumalik na ang lahat sa dati at lahat ng meron
sa pagitan namin ni Sy ay normal na ulit, alam kong marami pang pagsubok na
darating samin kaya't pagbubutihan ko pa.
"Sir narinig namin aalis na daw kayo? Wag naman sir
kailangan namin kayo dito" Pauna ni Ralph pagpasok ko ng resto lahat ng
staff at crew ay nandoon para pigilan ako kaya nakakataba ng puso
"Oo nga sir malulungkot kami lalo na si sir Sy."
malungkot na sabi ni Lorie.
"Ah it's not true I'm not leaving you guys, and so is
Sy..." pagkumpirma ko.
"Talaga Sir? Mayayakap ko kayo niyan eah." Si
Louis.
"Tumigil ka nga amoy karne ka pa oh.." si Ashley
ang cashier namin sa resto nagtawanan naman sila samantalang si Louis ay namula
sa hiya.
"So mukhang buo na ulit ang mga Boss namin ah"
kantyaw ni Ralph.
"Oo naman, that's why we have to do our job at our best
para ma satisfy natin si Sy pati na din ang mga customers okay?" masayang
sigaw ko sa mga staff ng resto.
"Yes Sir!" sagot nila.
"Ahm Chef Rocky prepare any food na gusto ng grupo
treat ko lunch niyo..." sigaw ko pa at natuwa naman ang lahat
Inextend
ko ang opening ng resto sinabi ko sa kanila na after lunch na kami magbubukas
para makapagcelebrate muna. Ilang minuto pa ay pumasok na ng Resto si Sy at
Glen bagama't tahimik silang pumasok pareho naman itong nakangiti. Kinamusta ko
naman agad ang dalawa naging mabuti naman daw ang usapan nilang dalawa.
Binulungan ko naman si Sy kung may nabanggit siya tungkol sa namamagitan saming
dalawa dahil ang alam ni Glen ay magBestfriend lang kami ni Sy, sumagot naman
ito na wag daw ako magalala. Nagstay kami sa loob ng office at nagkwentuhan
habang naghihintay na dumating ang lunch time para sabay sabay kumain kasama ang
staff ng resto. Masaya ang naging kainan sa resto ng tanghali na iyon marami
din naihandang pagkain ang mga chef siyempre niluto din nila ang mga paborito
namin ni Sy lalo na Pasta. Kitang kita ko sa mukha ni Sy ang kasiyahan niya
hindi mo iisipin na may di kami pagkakaunawaan ilang araw lang ang nakakaraan,
hindi ko rin lubos maisip na magiging ayos kami sa araw na to. Pagkatapos ng
kainan ay nauna na si Glen dahil may pasok pa ito sa opisina, nagbukas narin
ang "Man's Diner" ng eksakto ala una. Bumalik na din sa trabaho ang
mga staff at crew, kami naman ni Sy ay nagstay pa sa resto ganado ako kaya
tumulong ako sa kusina para sa mga order at si Sy naman ay madalas na
inentertain ang mga customer. Namiss ko ang mga tagpong iyon ang pagtatrabaho
namin ng sabay at pangungulit niya lage sa kusina. Umabot ang hating gabi at
napansin kong hindi na nagpapasok ang guard namin ng mga customer dahil sarado
na daw kami, nagtaka naman ako dahil ang pagtanggap namin ng last order ay alas
tres pa ng madaling araw.
"Sir Jack bakit hindi kana nagpapasok ng customer?
hindi pa naman tayo close ah?" tanong ko sa guard namin.
"Ah Sir kase sabi ni Sir Sy wag na daw po at maaga daw
tayo magsasara ngayon?" paliwanag nito.
"Bye Sir Zach!" paalam ni Lorie sabay alis kasabay
nito ang ilan pa naming staff at crew.
"Sir Jack pwede na din kayong umuwi kami na bahala
dito!" si Sy galing sa likod ko.
"Ah sige po Sir!" sagot ni Mang Jack kasabay
niyang umalis ang isa sa mga chef namin pero napansin kong may ibinulong ito
kay Sy bago umalis at nakita ko naman ang ngiti na binigay ni Sy.
"What's happening here Sy?" usisa ko sa kanya.
"Wala naman gusto ko lang mag-usap tayo sa Office"
sagot ni Sy sabay hawak sa kamay ko at dinala ako sa loob ng Office.
"Hoi kakabati pa lang natin balak mo na ko gahasain? at
dito pa sa resto?" pilosopong biro ko sa kanya.
"Ikaw talaga!" sabay palo sa noo ko "Pag
hindi ako nakapagpigil gagahasain talaga kita." pilyong sagot niya pa at
may pakagat kagat pa ng labi at napahawak na lang ako sa katawan ko.
"Dito ka lang muna babalik ako kuha lang ako
maiinom" paalam niya sakin kaya humiga na lang ako sa sofa pag alis niya.
Sampung
minuto na ang nakakalipas mula ng kumuha si Sy para kumuha ng maiinom pero
hindi parin ito bumabalik kaya medyo naiinip nako sa loob ng kwarto. Sinubukan
kong tawagan siya sa cellphone pero walang sumasagot, ilang minuto pa ay
biglang tumunog ang pinto dahil sa isang katok nagtaka naman ako dahil hindi
naman ito naka lock pero tumayo na din ako para buksan ang pinto ng buksan ko
ang pinto ay nandoon at nakatayo si Sy wala naman siyang dalang maiinom kaya
sinimangutan ko siya. Napansin ko na nagbago ang suot ni Sy mula sa pormal na
suot na polo at slacks ay suot na nito ang paborito naming Tshirt suot niya ang
Green Lantern.
"Ano meron? Change outfit ka pa ah" bati ko sa
kanya.
"Ikaw din magpalit ka! oh!" sabay abot ng Superman
Shirt ko.
"Nasa bahay ko to ah pano mo nakuha toh?" tanong
ko sa kanya.
"Ginamit ko powers ko." biro niya sabay ngiti ng
nakakaloko at tumawa na lang ako.
Agad ko
naman sinuot ang t-shirt ko pagkatapos ay dinala ako ni Sy sa 2nd floor ng resto
dahil may ipapakita daw ito nagulat ako ng makita ko ang 2nd floor punong puno
ito ng malilit na Green Lights at sa gitna ng floor at isang table na my
kandila at may pagkaing nakahanda meron din nakahandang wine at desserts.
Nagpatugtog din si Sy ng music at napakasweet nitong pakinggan. Napakasaya ko
ng mga sandaling iyon dahil parang nasa panaginip lang ako sino bang mag-aakala
na ganito ka sweet si Sy, Pagkatapos namin kumain ay inaya agad ako ni Sy na
sumayaw. Nung una ay tumanggi pa ako dahil para kaming timang na dalawa pero alam ko
namang hindi ako titigilan ni Sy kung di ako papayag kaya napilitan nadin akong
sumayaw kasama niya. Hindi marunong sumayaw si Sy kaya nalilito siya kung san
ilalagay ang mga kamay niya.
"Ano ang likot ng kamay mo sabing dito ka humawak sa
balikat ko" bulyaw ko sa kanya.
"Hai nako ewan! Bahala na" at bigla na lang ako
niyakap ni Sy.
"Oh akala ko ba sasayaw eah nakayakap ka na oh"
pagpuna ko sa kanya.
"Mas ok na to no at least hindi ako mahihirapan kayakap
pa kita" lambing niya habang nakayakap sakin at ang pisngi niya ay nakadikit
sa dibdib ko kaya niyakap ko na lang din siya habang sumasayaw kami
Parang
bata si Sy sa mga sandaling iyon tila ba sabik sa yakap ko. Hindi ko naman
maitatanggi na gusto ko din iyon kaya niyakap ko na din siya tahimik kaming
dalawa habang nagsasayaw, napakaromantic ni Sy dahilan para mangilid ang luha
ko hindi ko na din napigilan ang sarili ko at hinalikan ko na si Sy sa kanyang
ulo. Dahil medyo matagal narin kaming magkayakap ay nakaramdam ako ng
pagkangawit pero ayoko bitawan si Sy sa pagkakayakap, iaayos ko na sana ang
kamay ko sa komportableng pwesto ng bigla siyang magsalita.
"Wag kang bibitaw." kalmadong sabi niya sakin.
"Hindi kita bibitawan kaya sana ganon karin sakin
Sy." sagot ko sakanya.
"Mahal na mahal kita Zach lahat kaya ko isuko para
sayo, handa akong ibigay ang lahat para sayo." makahulugang pahayag ni Sy
habang ang mukha niya ay nasa dibdib ko pa rin.
"Talaga?" paglalambing ko.
"Kahit buhay ko ibibigay ko para sayo." habang
nakatitig saking mga mata, sa mga sandaling iyon ramdam na ramdam ko ang
sinseridad ni Sy kaya isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya.
"Salamat Stephano Yosuke Go sa pagpapahalaga sakin
pangako ikaw lang ang mamahalin ko." masayang bulong ko sa kanya agad
naman itong napatingin sakin at ang ngiti ay abot tenga.
"Tama ba yung narinig ko? Ako lang ang mamahalin mo? So
ibig sabihin tayo na? Zach sumagot ka" tulirong tanong ni Sy halata sa
kanya ang pagkagulat.
"Ha? may sinabi ba ko? parang wala naman akong
sinabi" maangmaangan ko habang nagpipigil ng tawa sa sandaling iyon
nawala ang ngiti niya sa labi.
"Paano ko naman kasi sasabihin yon eah wala naman
nagtatanong" dugtong ko pa, tila nakuha naman ni Sy ang sinasabi ko kaya
mula sa pagkakayakap sakin ay bigla itong lumuhod sa harap ko.
"Zacharia Sacramento, nandito ngayon sa harap mo ang
pinaka gwapong lalake sa buong mundo at hinihingi ngayon ang kamay, puso, pati
itong nasa harapan ko (sabay nguso sa harap ko) at higit sa lahat ang
pagmamahal mo na sana ay ipagkatiwala mo sa kin" malambing na pahayag ni
Sy di ko naman mapigilang mapangiti sa kabaduyan niya at dahil kinikilig na din
ako.
"Will you by Boyfriend and the only MAN of my
life?" sabay labas ng singsing mula sa bulsa niya sabay lagay sa daliri ko
at mukhang pinaghandaan niya talaga ito.
"Hmmmm teka pag-iisipan ko, dahil sinabi mong gwapo ka
minus 5 points dahil pilyo ka minus 10 points dahil-" napatigil naman ako
ng bigla akong halikan ni Sy.
"Yes." maikling sagot ko pagkatapos niya kong
halikan.
"Talaga? YES!!! Kami na ng Zach ko! YES YES! YES! YES!
Wooooohoooo!! Thank you LORD! wooo!!!" sigaw lamang ni Sy ang maririnig mo
sa buong restaurant sa mga sandaling iyon nakakatuwa si Sy dahil tumatalon pa
ito sa sobrang tuwa, ilang beses din akong hinalikan ni Sy sa labi ko at
binubuhat pa ako.
"Pangako Zach ko hinding hindi na kita sasaktan
poprotektahan kita lage, papatunayan kong hindi ka nagkamali ng desisyon
mo!"
"Wala na ding selos selos?" lambing ko sa kanya.
"Ahm mukhang mahirap yan ah" pilyong sagot niya.
"Eah kung nahihirapan ka itigil na-"
"Hindi ako nahihirapan!" pigil niya.
"Sigurado ka?"
"Konting selos pwede ba? kasi hindi naman mawawala un
at saka-"
"Tama na paliwanag naiintindihan ko, I love you."
"I love you too Zach" at isang matamis na halik
ang binigay namin sa isat isa
Tumigil
pa kami ng ilang oras sa loob ng resto para sulitin ang sandaling iyon
nagsayaw, nagkwentuhan, lambingan at halikan. Napagkwentuhan namin na alam pala
ni Tita Elsie ang tungkol sa pagmamahal sakin ni Sy dahil sa kanya lang ito
nakakapagsabi, wala naman daw tutol si Tita kahit na lalake pa ang maging
karelasyon ng bunso niya at lalong wala daw itong kontra dahil ako ang gusto ni
Sy, labis ko naman itong ikinatuwa. Napagkasunduan na naming umuwi, tulad ng
dati hinatid ako ni Sy sa condo ko. Habang nasa byahe kami ay patuloy padin ang
lambingan naming dalawa.
"Zach alam mo minsan pakiramdam ko magnet ang puso
ko." seryosong sabi nito.
"Pano mo nasabi?" litong tanong ko.
"Kasi naatract ako sayo.." bumanat na naman ang
loko, siyempre di ako papatalo.
"Alam mo ayoko maMISs ka" banat ko sa kanya.
"Baket?"
"Mas gusto ko kasing maging MISter ka haha" sabay
tawa kaming dalawa.
"Eto talunin mo, para kang puzzle!" banat na naman
niya.
"Kasi pag nakikita kita buo na araw ko! ayeeee"
"Para ka ding puzzle!" kontra ko sa kanya.
"Kasi buo na araw mo pag nakikita moko?"
sarkastikong sagot ni Sy.
"Hindi! kasi ang komplikado mo.. haha"
Napuno
ang tawanan ang buong byahe naming iyon ni Sy, ilang oras pa ay nakarating na
kami sa unit ko. Dahil unang gabi namin bilang mag boyfriend ni Sy ay sa unit
ko na siya pinatulog dahil gabi na din at ayoko na magmaneho siya. Agad kaming
nag-ayos para matulog nag shower muna si Sy habang ako naman ay nag-aayos ng
tutulugan naming dalawa. Pagkatapos nitong maligo ay ako naman ang agad na
naligo, nang matapos ako maligo ay agad akong dumeretso sa kwarto para magbihis
nakatapis lang ako ng tuwalya. Pagpasok ko ng kwarto ay wala doon si Sy kaya
nagtaka ako dahil hindi ko din naman siya nakita paglabas ko ng banyo at
nandoon padin sa kama ang hinanda kong sando at boxer shorts para sa kanya ibig
sabihin ay hindi pa ito nagbibihis. Kinabahan ako ng biglang may yumakap sakin
mula sa likod ko, si Sy ito. Mahigpit ang pagkakayakap niya ramdam ko mula sa
likuran ko na wala pa siyang suot na damit, ramdam ko din ang mainit na hininga
ni Sy mula sa aking batok, dinig na dinig ko ang bawat hinga niya na parang
napakalalim, naging tood ako at hindi makagalaw sa pag kakayakap niya. Unti unti
kong nararamdaman ang bawat pagdampi ng labi niya sa batok ko. Sa mga sandaling
iyon ay mas lalo akong kinabahan sa mga pwedeng mangyari..
(Itutuloy)
29 comments:
Ayoooh.......salamat naman at nagkatuluyan na sila ehe.........keep up the good job mwa
hahahaha ang swet nmn ng 2.......pero ,marmi png problema na drting sa knila....hehehe
"AND ITS MY RIGHT TO FIGHT FOR WHO I LOVE AND YOU KNOW WHO ITS YOU"... full impact mr Z
....ganda ng line ah....parang NO..I WONT LIVE WITHOUT YOU......
KAYA ANG SELOS DI MAKAGAWA NG MAAYOS.. HE HE HE HE
LEASONS LEARNED ...LESSONS EARNED
anticipate ko CHAPTER 9....ano kaya ang susunod..abangan ko ulit ang conflict sa kanila..
JAZZ0903....
ayun oh! 1st tym nila pareho..
Good job auth0r, keep it up..
ahhhhhh!!!
hahaha..
OMY GAWD!
GANDA!
-lei
speechless grabe kinilig aq xD gling gling
wow ako ang una hehehe
super hot ang susunod na mangyayari hehe
sweet. :) ayiiieee!
Get ready zach. Wag ka matakot masarap yan. Hihihi. Btw, it good to see that nagkaayos na sila dito. But on the next chapters maybe the twists.
the story is much entertaining...
WOOOH .. FIRST BASE .. haha XD
i'm happy for them .. sa wakas .. sila na din .. kakainggit naman sila ..
sana lahat ng taong nagmamahal ng totoo ay magkaroon ng happy ending pagdating sa lovelyf ..
boses: we're not living in a FAIRYTALE. so, everyone must expect the worst of the worst.
ako: anlakas mo naman makasira ng MOMENT .. bitter! XD
Thanks kuya Drans ~
kilig kilig kilig kilig at hotness!
nxt chap n drans, ituloy n yang sy&zach's moment of hotnessesessss! hihihi
-drew-
wew! sulit ang 1 week na paghihintay :) ganda dranskie :) hahaha!!! bakit "LOMI" ang pumapasok sa isip ko sa next chapter?hehehe...
-uriko
ayan na nagkasundo na ulit sila, parang may masamang mangyayari sa susunod na chap. including ang kababata ni zach?=dereck=
Patay kang Zacharia ka... gagahasain ka na ni Stephano! hahaha! X-rated na pala ang next chapter! Go Sir Dranskie!!! Gahasain na yan! hahaha
hahaha nanard! nikikilig ako >.<
wahahahaha galing galing
wee thanks bunso... dont worry the worst will soon to come.. aahaha
First Base! XD
Cute ng mga dialogues.
yes! at last sila na! pero mukhang madami pang manyayari kac simula pa lng eh. hehe. nxt na po!
NAKAKAINIS SI ZACH ANG HABA NG HAIR....hahahahaha nakakakilig sobra..........
WOW! GALENG AH! HE HE HE HE
kiligness to the bones..
God bless.. -- Roan ^^,
aayyie...kakakilig naman...tagos hanggang buto ang kilig....wahahaha...haist next chapter na poh mr.author...love the story...
ang ganda talaga! kahit ilang beses basahin, hindi nakakasawa. nxt na po! hahaha! salamat!
wala pa rin bo ba yung chapter 9? :)
i like your story mr.author it gives kilig moments and intense talaga ang mga bawat eksena.. i will wait for your next chapter till it end.. ^^ keep it up mr.author.. lots of kisses.. :-* mwwaaahhhhh!!!
jhell here
hi i am an avid fan of this stories sana po eh maranasan ko rin to one of this days.... hayssssst mahirap kc pagpinoprotektahan mo kung ano kang talaga.....
litmax
text nyo po sana ako
09299638535
kelan po yung next chapter nito??thanks po
Post a Comment