by: dranski/dranieM
Sa wakas ay nasundan narin ni Dranski ang estorya niya kaya magsaya na kayo mga kakosa :D Enjoy reading sa inyo and keep the comments coming dahil iyan ang nagbibigay nang motivation sa mga authors natin para lalong pagandahin ang estoryang gawa nila.
Nakakapanlumo
ng makita ko si Zach na kayakap si Glen. Bumalot sakin ang galit at sakit sa
mga sandaling iyon, hindi ko alam ang gagawin ko. Ang taong minahal ko ng totoo
at ang taong umaagaw sa mga minamahal ko ay magkadikit ang mga katawan. Wala na
akong magawa kundi tumakbo paalis sa lugar na iyon. Hindi ko alam ang gagawin
ko, hindi ko na hinintay ang elevator dahil baka abutan ako ni Zach kaya bumaba
ako gamit ang hagdan patungong parking lot sa aking sasakyan. Ramdam ko ang pag
patak ng luha sa mga mata ko, agad ko namang pinaandar ang makina ng kotse at
lumisan sa lugar na iyon hindi ko alam kung saan ako pupunta sobrang gulo ng
utak ko at puro pighati ang nararamdaman ko. Naisipan ko na lang tuloy pumunta
sa isang malapit na bar para uminom para kahit papano ay makalimot.
Pumwesto
ako sa dulo ng bar na iyon kung saan medyo tago sa maraming tao. Maingay sa bar
na iyon gaya din ng iba madaming nagiinuman, nagsasayawan at kung anu-ano pa.
Hindi ko na pansin dahil may sarili akong dinadala umorder ako isang hard na
inumin dahil mas sanay ako sa ganon. Namalayan kong tumatawag pala si Zach sa
cellphone ko ng mga sandaling iyon pero imbis na sagutin ay pinatay ko ang
cellphone ko dahil wala pakong lakas ng loob kausapin siya.
"OA ka na naman magreact Sy..." bulong ko sa sarili
ko.
"Pero bakit kayakap nya si Glen? To think alam niyang
galit ako sa taong yun..." sa kabila ng isip ko.
"Haaaayyyy Sy, baka naman kasi di talaga pwede maging
kayo ni Zach." sabay inom ng alak.
"Masyado ka maraming kaagaw..." dugtong ko pa.
"Pero kung mahal mo naman talaga siya ipaglaban
mo" malakas na sigaw ng nakatayong lalake sa harap ko habang may hawak na
bote ng beer.
Kinabahan
ako dahil baka narinig niya ang mga sinabi ko pero binalewala ko na lang sabay
inom ko ulit ng alak isa pa hindi naman niya ko kilala. Gwapo ang lalaking ito,
medyo malaki ang katawan at halatang naggigym ito, matangos na ilong maputi,
chinito at may pataas na buhok nasa 5'10'' siguro ang height nito at muka
siyang modelo sa porma niya. Mas ikinagulat ko ng bigla siyang umupo sa
bakanteng upuan ng table ko.
"Sorry but do I know you?" tanong ko sa kanya.
"I'm Brad" sabay abot ng kamay niya, ako naman ay
tinungga ang alak sa shot glass para makaiwas sa kamay nya.
"Nakita ko kasing mag-isa ka and your eyes shows na may
dinadala ka..." dugtong niya at napangisi na lang ako dahil tama siya.
"Would you mind if i join you?" tanong niya pa at
isang ngiti lang ang binigay ko
------------------
''The number you have dialled is-"
"Shoot! pinatay niya pa cellphone nya, nasan kana ba?
Sy..." malungkot na sabi ko.
"Try mo kaya tawagan sa bahay nila" suhestiyon ni
Glen.
Agad ko
naman tinawagan ang bahay nila, si Tita Elsie ang sumagot pero wala daw si Sy
doon ang alam niya daw ay pumunta sa unit ko pagkatapos siyang sunduin. Tinapos
ko naman agad ang tawag para hindi na magtanong si Tita. Si Glen naman ay nag
stay pa sa unit ko ng mga ilang oras para kung sakaling bumalik man daw si Sy
ay makapag paliwanag ito pero alas dose na ng gabi ay walang Sy na dumating sa unit ko kaya umalis na din si Glen. Naiwan akong magisa sa unit ko, sobrang
nag-aalala ako kay Sy dahil hindi ko alam kung nasaan na ito. Hindi naman ako
nakatulog ng maayos dahil umaasa akong babalik si Sy o makakareceive ako ng
tawag o text sa kanya pero wala talaga. Kaya't bumangon na ako ng tumunog ang alarm ko para pumasok sa
resto para doon na lamang siya abangan. Sinundo naman ako ni Glen para maihatid
na din sa resto nagbabakasakali kaming nandoon si Sy sa resto para makapag-usap
kaming tatlo. Alas otso ng makarating kami sa resto ipapark na sana ni Glen ang
kotse ng may makita kaming dalawang lalaki na lumabas ng resto. Si Sy ang isang
lalaki pero ang isa ay hindi ko kilala at hindi ko pa nakikita noon. Sumakay
sila sa kotse ni Sy at umalis. Hindi ko naman maintindihan ang nararamdaman ko.
Nagseselos ba ako? pero bakit ang sakit. Ganito din ba ang naramdaman ni Sy ng
makita niya kami ni Glen na magkayakap?
"Kilala mo?" tanong ni Glen pero iling lang ang naisagot ko.
"Wag ka masyado magisip, kaibigan niya lang yon."
dugtong ni Glen sabay ngiti sakin, hindi
ko alam pero alam ba ni Glen ang tungkol samin ni Sy?
"I know pero after what happen last night..."
napahinto naman ako at napabuntong hininga dahilan para tapikin ako ni Glen sa
balikat alam kong pinaparamdam niya na ayos lang ang lahat.
"Nagagawa pa din niyang ngumiti..." dugtong ko
halata sa tono ng boses ko ang sakit.
'Tulad lang ba ako ng mga naging babae na pinaasa niya' yan
ang tumatakbo sa isip ko habang nasa opisina hindi ko kasi nagawang tumulong
magluto para sa mga order. Hinahanap ko ang mga papeles na kailangan pirmahan
pero kinuha na daw ito ni Sy sabi ng isa sa mga manager. Sinubukan ko tawagan
at itext si Sy pero wala itong respond.
Lumipas
ang isang buwan hindi pa din pumapasok sa opisina si Sy. Sa mga panahon na yun
ay si Glen lagi ang nakakasama ko. Siya lagi ang sumusundo at naghahatid sakin
maging sa mga lakad ko ay siya ang madalas kong kasama, si Glen din ang laging
umaalalay sakin tuwing may problema ako at tuwing pag kailangan ko ng karamay
ay siya palagi ang sumusuporta sa akin, laking pasasalamat ko sa kanya dahil
lagi siyang nandiyan tuwing kailangan ko siya.
Lage na lang akong nakikibalita kay Tita Elsie tungkol kay Sy, ayos
naman daw ito humihingi naman ng
pasensiya si Tita Elsie dahil kailangan daw ni Sy magfocus pansamantala sa
business nila, inisip ko nalang din yun ang dahilan kung bakit hindi siya
nagpaparamdam sakin.
Miss ko
na si Sy, miss ko na ang mga kulitan namin ang harutan namin pati ang mga
paglalambing niya. Miss ko na ang labi niya.
"Miss na kita" bulong ko ng biglang tumunog ang
cellphone ko, si Glen tumatawag.
"Yup dude? napatawag ka?" bungad ko.
"Ah nagyaya kasi tropa gumimik so naisipan kong isama
ka para makapag unwind ka naman."
sagot niya, napabuntong hininga naman ako mukha namang napansin yon ni Glen.
"I wont accept no Zach, kung kailangan kita putulan ng
dila gagawin ko wag ka lang tumanggi" natawa naman ako sa kanya.
"Okay fine, be here after 1 hour mag-aayos lang.."
sabay baba ng telepono, Tumayo na ako para maligo pero nagulat ako ng biglang
may kumatok sa pinto agad ko naman binuksan ang pinto.
"I'm here!" bungad ni Glen ng buksan ko ang pinto.
"Oh! may lahi ka palang cheetah? sabi ko after 1 hour
diba?" bara ko sa kanya.
"Ay! 1 hour ba? kala ko 1 minute.." pagmamaangmangan
nito.
"Hay naku Glen style mo! patawag tawag kapa" loko
ko sa kanya habang tumatawa at pinapasok ko na siya.
"Haha pasensiya na, pwede naman maging bingi minsan
diba?" dutong pa niya sabay talon sa sofa.
"Gusto mo maging permanente na yan? tara dito sundutin
ko".
"Haha hindi na never mind! Siya maligo ka na baho mo
na!" buska niya pa kaya dumiretso nako sa banyo para maligo.
After
30 mins ay natapos na din akong maligo pag kalabas ko ng banyo ay napansin kong
wala si Glen sa sofa kaya dumeretso nako sa kwarto para magbihis. Nakita kong
nakahiga si Glen sa kama ko at nakataas pa ang dalawang kamay at nakalagay sa
batok niya, napataas naman ako ng kilay.
"You're so sexy Mr. Sacramento." bungad nito sabay
kindat sakin.
"Tigilan mo ko Glennery Mariano, at bakit nandito ka sa
kwarto ko?" usisa ko at sabay tayo naman niya at lapit sa akin sabay taas
ng kamay niya.
"Pinili na po kasi kita ng maisusuot mo para mapabilis
tayo naghihintay na kasi sila." paliwanag niya, at hawak nito ang damit
di ko naman maiwasang maalala si Sy dahil siya ang gumagawa sakin nito dati.
"Salamat" malungkot na sabi ko sabay abot ng damit.
Pasado
alas nuwebe ng gabi ng makarating kami sa bar kung saan naghihintay ang mga
tropa ni Glen. Bumaba na kami ng kotse niya at dumiretso sa bar habang
naglalakad kami ay parehong scenario na naman pinagtitinginan kami ng mga tao
dahil di naman maipagkakaila na gwapo kaming dalawa sanay nako sa ganon kaya
parang wala na sakin yon. Nakita naman namin ang mga barkada ni Glen dahil
kinakawayan kami nito kaya dumiretso na kami sa mesa nila, sa labas sila ng bar
nakapwesto para daw hindi masyadong maingay paliwanag ni Glen.
"Mga pre si Zach, tropa ko yan... may pinagdadaanan yan
kaya wag niyu i-OP ah" pakilala saki ni Glen.
"Charlie pre, ako pinaka matanda dito sa grupo."
sabay abot ni Charlie ng kamay kaya inabot ko ito, gwapo din naman si Charlie
pero medyo chubby ito.
"Matt" pakilala ng isa sabay kaway dahil medyo
malayo siya sa akin, mukhang siya ang tahimik sa grupo may itsura din siya at
halatang may lahing amerikano ito dahil sa tangos ng ilong niya at kulay ng
balat nito.
"Prince dude, tong katabi ko si Brenerando" loko
ni Prince sa katabi nito na mukhang pinakabata sa grupo. Nakakabilib dahil lahat
ng barkada ni Glen ay talagang may mga itsura.
"Loko ka talaga Prince, tawagin mo na lang akong
Andy" paglilinaw niya
Masaya
silang kasama maloloko din ito kaya nakakasabay ako sa kanila, kahit papano ay
nawala sa isip ko si Sy at ang mga dinadala ko. Si Prince talaga ang pinaka
loko sa kanila dahil lahat ay di sinasanto kahit si Charlie na pinaka matanda
ay nagagawa nitong barahin, dahil dito ay naging kasundo ko agad si Prince.
Samantalang si Andy at Matt ang tigatawa dahil tahimik itong dalawa. Madami
na din kaming naiinom at madami din pulutan ang nakahain pero ang mga loko ay
sige pa din sa inom, malakas din pala uminom tong si Glen dahil tuloy tuloy
padin ang tungga sa alak.
"Hoi Glen musta yung lakad mo last time?" tanong
ni Charlie.
"Oo nga dude nakapagtapat ka ba?" dugtong ni
Andy, napatingin naman ako kay Glen at halata ko namang umiwas ito ng tingin,
pero imbis na sagutin ang tanong nila ay tumayo ito.
"Cr lang ako" paalam ni Glen alam kong umiwas lang
ito sa tanong.
"Hoy! Tignan mo to layasan ba tayo" bulyaw ni
Prince.
"Parang di niyo kilala si Glen, pag nagwalkout yan
means hindi maganda ang result." seryosong paliwanag ni Matt halatang may
tama na ito.
''Mga pre sensiya na ha di kasi ako makarelate eah"
usisa ko sa kanila dahil naguguluhan ako.
"Glen had a problem last time that we drink, and he
said he wants to confess to a person about love "I think", kaya kame
bilang kaibigan inencourage siyang magtapat at agad siyang umalis sabi niya
pupuntahan niya daw yung taong yon" paliwanag ni Andy.
"Nag-alala nga kami sa kanya kasi lasing siya non
eah" dugtong pa ni Matt.
Ayoko
man isipin pero pilit pumasok sa isip ko na ako ang taong tinutukoy nila dahil
pumunta na si Glen sa condo na lasing. Pero inisip ko na lang na baka nagkataon
lamang iyon pero hindi mapakali ang isip ko, gusto ko kausapin si Glen para
makumpirma ito, Pero ayoko naman gulatin siya baka isipin pa ni Glen na iniisip
kong bakla siya at nagkagusto sakin. Bumalik na si Glen galing banyo, gusto ko
man tanungin siya pero hindi ko ginawa. Ilang minuto pa ay ako naman ang
nakaramdam ng pag ihi kaya nagpaalam ako sa kanila na pupunta lamang ako ng
banyo. Pumasok na ako sa loob ng bar dahil nandoon ang banyo, pagpasok ko ay
malakas ang kanta na pandisco at mga taong nagsasayawan ang agad na tumambad sakin.
Dumeretso agad ako sa banyo at umihi nakakatawa dahil kahit sa banyo ay may
naghahalikan at parehong lalaki din ito ng makita ko sila ay si Sy na naman ang
pumasok sa isip ko. Hindi ko na lang ito pinansin at agad na lumabas ng banyo.
Pabalik
na ako sa pwesto namin ng may makita akong isang pamilyar na mukha, biglang
bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko maintindihan bakit natulala ako ng makita
ko si Sy ang unang pumasok sa isip ko ay kung gaano ko namiss si Sy. Hindi ko
mabilang ilang minuto kong tinititigan si Sy nakatayo lang ako sa harap niya.
Pero ang mga sumunod na pangyayari ang lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Lumapit ang isang lalaki kay Sy ito din ang lalaking kasama niya noon sa resto
hinawakan nito ang kamay ni Sy sa hitsura nilang yon para silang magnobyo,
gusto ko sila sugurin at pagsasapakin pero anong karapatan ko oo best friend
ako ni Sy pero may karapatan pa ba ako, sino na ba ako ngayon kay Sy.
Mabilis
akong bumalik sa pwesto namin nila Glen ng makita kong lumingon si Sy sa
direksyon ko dahil tinuro ako ng kasama nito marahil napansin niyang nakatingin
ako sa kanila. Nang makabalik ako sa pwesto ko ay agad akong nagpaalam kay Glen
at mga tropa niya na kailangan ko na umuwi nagdahilan na lang ako na may kailangan
akong ayusin sa bahay at importante,
hindi naman na sila nagtanong at pinayagan nako pinaalalahanan na lang ako na
sumama sa susunod na gimik nila. Nagpresinta naman si Glen na ihatid ako pero
hindi na ako pumayag dahil ayoko na siya madamay kung makita man kami ni Sy.
Pag kalabas ko ng bar...
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Sy sa akin
habang nakasandal sa pader malapit sa pinto, hindi ko naman iyon pinansin at
naglakad palayo ng bar halata naman ang inis sakin.
"Wala ako dapat ipaliwanag" tuloy tuloy padin ako
sa pag lakad.
"Tinatanong kita wag mo nga ako iwasan!"
"Iwasan? Ako pa ang umiiwas sayo ngayon? Stephano isang
buwan mo akong iniiwasan! ni isang text ko sayo wala ka man lang reply pati
tawag ko di mo sinasagot! sabihin mo ngayon sino umiiwas satin" sigaw ko
sa kanya sabay talikod at lakad palayo sa kanya.
"After ko makita kayo ni Glen na magkayakap panong di
ako iiwas?? yong mang-aagaw na yon!" sagot niya naman.
"Huwag mong madamay si Glen dito! dahil si Glen lang
ang taong nanatili sa tabi ko ng iwan mo ko isang buwan kang nawala ng walang
pasabi! Nung mga panahong umiiyak ako dahil namimiss kita si Glen ang
nagpapasaya sakin! pilit niya kong pinapangiti kahit alam niyang ikaw ang
kailangan ko! at walang nangyayari samin ni Glen we're just friends" sigaw
ko sa kanya wala na akong paki kahit may makarinig pa sakin.
"So close na pala kayo ngayon... masaya ka na siguro sa
kanya?" pahayag niya, napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Sy alam mong hindi ako kumpleto kung wala ka... pero
mukha namang masaya ka ng wala ako kaya wala ng dahilan para magstay ako"
malungkot na sabi ko sabay nito ang pagpatak ng mga luha ko.
"Look Zach... Let me expalin".
"I'll listen to you Sy... ayoko kasing matapos to ng
hindi ko naririnig ang side mo dahil ayoko maging unfair".
"What do you mean matapos to? That guy is Brad,
kaibigan ko lang yon! Oo may gusto siya sakin and we hang out a lot pero
kaibigan ko lang siya, ikaw ang mahal ko" si Sy.
"Yun ang akala ko... Akala ko mahal mo talaga ako, akala
ko tama tong nararamdaman ko sayo... pero ngayon hindi ko na alam Sy kasi kung
ganito pa lang nagawa mo na akong baliwalain at tiisin mas mabuti pang wag na nating ipagpatuloy" paliwanag ko.
"Zach dont do this..."
"Hai I should have known this from the start, I've been your best friend for 10 years sana
naisip ko man lang na hindi mo ako seseryosohin" sarkastikong sabi ko.
"Zach please give me a second chance! Mahal kita...
hindi ko sinasadyang saktan ka, please give me another chance to prove
myself..."
"I don't know Sy masyado na akong nasaktan hindi ko na
alam kung kakayanin ko pa" malungkot na sabi ko.
Hindi
na nag salita si Sy at isang mahigpit na yakap ang binigay niya sakin, ramdam
ko lahat ng emosyon ni Sy ramdam ko pagmamahal niya , lungkot, galit. Matagal
tagal din siyang nakayakap sakin akmang hahalikan ako ni Sy ng lumapit ang isang kotse sa tapat namin.
"Zach sakay na" si Glen at binuksan ang pinto,
agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap ni Sy, papasok na sana ako sa kotse ng...
"Please don't go..." si Sy at umiiyak na at
pinigilan ang pagbukas ko ng pinto.
"Im sorry..." yan na lang ang nasabi ko at sumakay
na ako sa kotse at agad naman pinaandar ni Glen ang kotse, tinanaw ko sa side
mirror si Sy nakita ko itong nakaluhod at tila umiiyak...
Buong
biyahe ay tahimik ako at si Glen hanggang makarating na kami sa building ng
condo ko, bababa na sana ako ng pigilan ako ni Glen. Ramdam ko sa tingin niya
ang pakikiramay sa nararamdaman ko at dahil don ay hindi ko napigilan ang
sarili kong umiyak at mapayakap kay Glen. Bumulong naman siya na iiyak ko lang
daw iyon. Kaya't humagulgol nako at naglabas ng sama ng loob. masakit sakin na
iwan si Sy sa ganoong lagay pero masakit din sakin ang mga nakita ko. Hindi ko
alam kung saan hahantong ang pagkakaibigan naming dalawa. Maging ang aming pagmamahalan.
Sa
aking unit ko na pinatulog si Glen at doon siya sa sofa natulog. Kinaumagahan ay naghanda si Glen ng almusal
naming dalawa na hotdog at itlog.
"Pasensiya na yan lang ang alam kong lutuin eah"
paumanhin niya.
"OK lang salamat Glen.."
"So itutuloy mo na ba talaga yang plano mo ngayon?"
tanong niya habang kumakain at tango na lang ang naisagot ko.
"Sigurado ka na ba? Napag-isipan mo na bang mabuti
yan?" pagkumpirma ni Glen.
"Oo... Magreresign na ako.." malungkot na sagot ko.
(Itutuloy)
24 comments:
Omg. This chapter gives.me goosebumps...:'(
sorry pero nabadtrip ako sa chapter ngayon.. hahaha.. hindi dahil sa pagkakasulat ni author pero sa bagong characters ng istorya... nakakainis ang dami kasing epal eh!!!! para lang akong tanga.. anyway, good job author.. parang awa mo na pagbatiin mo na sila nababadtrip ako sa brad na yon.. at kay glen.. ang eepal nila... sana next chapter na kaagad... kudos! silent_al
Tssss...my pagka relationship wrecker din tong si glen e noh... It's partly his fault, pero i have to blame sy also kung hindi sya ngpadala sa galit niya malamang di ganyan si zach sa kanya... Sy had his chance but he blew it all... Tsk.tsk.
It was a good chapter... Pero ambigat sa feeling...
SO SAD BUT REALLY INTERESTING..THE STORY CATCH UP MY ATTENTION...
OH HOLY CRAP!
what a mess!
i never imagined that this will happen ..
it sucks me ..
HOPING that they will reconciliate as soon as possible .. :(
sad.. :(
:( T.T =(
Natawa naman ako d2. Una dba dpad si Sy ang magalit at tama lang na lumayo muna ito? Si Zach, dba dpat niyang inisip un sitwasyong nkita cla ni Sy kasama nia si Glen in a comprimising act kahit na ba freind lang ito dba alam din niyang sobra ang galit ni Sy kay Glen. Kahit ako katulad ni Sy ang mararamdaman. Dba nia inisip ma meron na silang unawaan ni Sy na maaaring maging mitsa ng di nila pagkakaintindihan nila ni Sy kung patuloy pa rin ang pakikipaglapit nito kay Glen? At ngayon sia naman ang nakakita kay Sy na may kasamang iba. Diba nia naisip na ganun kasakit ang naramdaman ni Sy ng makita nito silang dalawa ni Glen na magkayakap? At sia pa ang ayaw tumanggap ng paliwanag. Isa lang napansin ko one sided ang story. Maraming pula sa karakter ni Zach. Hayyys, sori po kung medyo marami akong napansing butas. .
Zach is the one to blame. He knows how Sy hated Glenn but he continuosly keeps on going on him. Howd you feel if you see your someone embraced by your enemy? Wala lang? Ok fine, but Sy already explained but did Zach accepted his explanation? bakit kung ayaw niang sagutin ang calls ni Zach, wala bang text? sori dami pa sana akong butas ni Zach na napansin kaya lang next na lang.
senxa napo pero un po talaga ang goal for this chapter... na magmukang one sided xa.. dont worry mdame pa po mangyayare hehehe thanks po sa comment much appriciated
aray ko naman, hahaha!!! magkakasakit ako sa puso nito eh... :(
-uriko
nice. i hate sy and brad. Go! mag resign ka na Zach. teach sy a lesson... i love zach and glennn....
Next chapter na po mr. dranski....
thanks
GRRRRRRRRRRRRRRR.. DRANSKI! GOOD WAY TO MAKE MY DAY WORST. LOL
NAKU! BUMAWI KA SA AKIN! GRRR
-YUME
How sad? Tsk ................
kinabahan aku d2 xa chapter na 2. Im an avid fan xa site na 2. Kaya naicpan q na dn magc0ment. Ang ganda2 ng mga st0ries. Sna my nxt chpter na!. I lav zach n sy. Sna mkahanaP dn aku ng 2lad nla.
Ang daya nmn zach... Bakit mo iniwan si sy... Bad trip kc yang glen na yan... Hmpf... Bigat sa dibdib... Tsk... Mapapashot sko nito... Grrrr...
ahhhhh...pakshit...nmn....pinpahirapan nyo lng srili nyo.....kc nmn c sey..........ewan.....pwed nmn mag usap cla ng maayos pinaabot pa ng isang buwan
sana malaman nila ang salitang HOLD ON..
I LOVE THIS STORY
...
..
PERO KAINIS KAYA SI ZACH D2
...
..
KAMUSTA NAMAN ALAM NA NGA NYANG SI GLEN ANG PINAGAAWAYAN NILA
YET TODO SAMA PARIN XA DITO
TAKE NOTE HA....TAGA SUNDO AT HATID PA NYA SI GLEN
...
..
KUNG MAY CONFLICT KAU NG TAONG MAHAL MO
DB DAPAT UMIWAS KA MUNA DUN SA TAONG DAHILANG NG CONFLICT NYO
GOSH!!!
that's very unfortunate... :(
God bless.. -- Roan ^^,
san n ung next
craving for the next chapter, hurry please..
YAN ANG NAPAPALA NG SELOS..
ALANG MAISIP NA MATINO....
JAZZ 0903
sana factual lahat ng character nang napatay ko lahat ng mga asungot!
Post a Comment