Maraming
salamat sa patuloy na pagsuporta sa aking akdang AFTER ALL. Eto na po ang
Chapter 18 at sana ay magustohan nyo.. HAGANG DITO NALANG MUNA DAHIL AKO AY
MAGLALASING!!! :D ingatz tayo lageh…. Zildjian
Rover,
Lilee, Rue (Katanashi no Rue the formless Cat.), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink
5ive (Great Pink 5ive), Jayfinpa (Ayan na ayos ko na), Mars, Jay!:),
R3b3l^+ion, Mikimer Araneta,Kristoffshaun, Migz, Icy, Billy, Ran(Randolf),
Roman (roohmen), Mike, ICE, Ros Magno,Doormouse (ang cute nang pangalan),SF
GIANTS,Jayson13,Jhe
Ehm,Zenkie,Xndr,Beucharist,Rheinne,Robert_mendoza94@yahoo.com,rstjr029,J.V,
Tam, Fayeng, Dave17, kianTT, Rei, Sherwin, Louie@DXB, Coffee Prince, Cugertz,
Jefofotz (jeffrey Paloma, Ram, Cedric, kokey (Ayan ah di ko na nakalimutan
isama ka :D), jekxaranza@gmail.com,XNDER,VINZ24,jasper.escamillan,IAN,Ernes
aka jun, CUPIDO (Ang makwela kong chatmate) at sa mga Anonymous at Silent
Readers salamat guys.
DISCLAIMER: This story is a work of
fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely
coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in
any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or
use this story in any manner without my permission.
Halata ang kaba sa mga mata ni Amber ng makita ang buong
barkada na nakatayo sa harap namin. Para itong nawalan ng dugo literal na
nagcrack ang lipstick nitong pulang pula siguro sa sobrang kaba.
“Kahit
kailan talaga wala kang magawang maganda.” Ang wika ko sa kanya bago ako
pumunta sa panig ng mga kabigan ko.
Kita ko na
nagtitimpi si Rome na masapak o mapagbuhatan ng kamay si Amber. Nakakuyom ang
mga kamao nito at dinig ko ang mga ngipin nitong nanggigigil.
“Hindi ka
lang pala talaga maharot, mukhang pera ka pa!” Malakas na sabi ni Rome. Agad
itong hinawakan ni Carlo at Chad sa magkabilang braso.
Bakas ang
takot sa mga mata ni Amber. Siguro nasa isip nito ngayon na wala na syang lusot
at hindi na sya makakapagsinungaling pa kaya naman nagpalinga-linga ito at
aktong tatakas na nang biglang pigilan ito ni Mina sa pamamagitan ng pag hablot
sa mahaba nitong buhok.
“Tatakas ka
pang malandi ka, ah.” Gamit ang boses nitong nanggigigil.
Nakaramdam
ako nang kaba at excitement sa mga mangyayari. Lalapit na sana ang gwardya nang
Coffee shop ng pigilan ito ni Tonet.
“Wag kang
makikialam dito manong guard kung ayaw mong masali.” Nagbabantang wika ni Tonet
rito. “It’s a girl fight so don’t dare interfere.”
Naalarma
naman ang mga tao sa loob ng coffee shop na iyon. Ang ilan ay napanganga sa
ginawang paghablot ni Mina kay Amber habang ang ilan naman ay napatayo sa kani
kanilang lamesa at nakiusyoso.
“A gold
digger bitch like you should really have to learn some lesson in the HARD WAY!”
Ang malakas na sabi ni Mina at binigyan si Amber nang nakakabinging sampal sa
kaliwang mukha. Napasigaw ito sa sakit at akmang gaganti nang sampal pero
maagap na napigilan ni Angela at sinabunutan ito.
“Mga walang
hiya kayo! Di kayo marunong lumaban ng patas! Mga probinsyana!!” Nagwawala
nitong sabi habang lumalaban ng sabunutan at sampalan sa dalawa.
“Awatin nyo
sila!” Ang narinig kong sabi nang isang costumer.
Na i-lock ni
Mina ang isang kamay nito sa likod habang ang isang kamay ay nakasabunot parin
sa buhok ni Amber.
“For
everyone’s sake. Baka akala nyo inaapi namin ang babaeng ito nagkakamali kayo!”
Pagsigaw na sabi ni Mina sa mga nanunuod. “This girl is a total bitch!”
Ibinaling pa nito sa kaliwa’t kanan ang mukha ni Amber para makita nito ang mga
nunuod.
“Nagpanggap
itong nabuntis ng kaibigan namin at pinagkaperahan nya!” Gusto talagang ipahiya
ni Mina si Amber sa mga tao. “And worst
ay sinira nya ang relasyon ng kaibigan namin!” Nanggagalaiting dagdag wika ni
Angela at muli itong sinabunutan. Hindi makalaban si Amber dahil sa naka lock
ang mga kamay nito wala itong magawa kung hindi ang magsisigaw ng tulong.
Nakita kong
nagbulungan ang mga tao. Yung iba naman ay napasabi na “Ay bagay lang pala sa
kanya yan.”
“Walang hiya
kayo! I-dedemanda ko kayong mga hayop kayo!” Umiiyak nitong sabi.
“Di mag
demanda ka!” Sabay pinihit ito ni Mina paharap sa kanya at itinulak nang
pagkalakas lakas na dahilan ng pagkatumba nito. Halos kita na ang bra nito
dahil sa napihit pababa ang suot nitong floral dress kaninag mag-rambulan sila
nina Mina at Angela. Agad na pumatong si Mina rito.
“Ito para
kay Rome!” Isang malakas na sampal ang sunod na ginawa nito. “At ito naman para
kay Ace!” At muli pinaulanan ito ng magkasunod na sampal.
Tumayo ito.
Akala ko tapos na, pero nagkamali ako.
“At ito
naman para sa hindi mo pagpapatulog sa amin sa kakaplano kung pano ka namin
mahuhuli!” Sabi nito sabay bigay ng isang malakas na tadyak sa tagiliran ni
Amber na dahilan para mapaungol ito sa
sakit na tinamo.
“Baka akala
mo hanggang dito lang yan. You messed with the wrong group bitch, ihanda mo ang
sarili mo dahil magsasampa kami nang kaso sa pamba-blackmail mo kay Rome. We
still have the record from the bank at mga text messages mo kay Rome.”
Napanganga
lahat ng mga tao sa ginawa ni Mina. Yung iba ay lihim na natuwa may mangilan
ngilan na naawa para sa sinapit ni Amber pero dapat lang daw yon sa kanya.
“Ngayon
manong guard pwedi na kayong tumawag ng pulis at ipadampot nyo na ang basurang
yan.” Ang wika ni Tonet.
Nang makalapit
si Mina kay Rome ay ngumiti ito nang nakakagago at inilagay ang buhok sa ayos.
“Hon, yung
bag ko?” Tulalang ibinigay ni Chad ang bag nito, hindi siguro makapaniwala sa
ipinamalas ng kasintahan nya pagdating sa rambulan.
“Now Rome,
okey na ang lahat si Ace nalang ang problema.” Sabi nito na tinatapik tapik pa
ang balikat nito.
Pagkabigla
at paghanga ang ibinalik na tingin ni Rome kay Mina. Halos kaming lahat ay
nabigla sa pagka-amasona nito. Nakangising nakakagago naman si Angela at Tonet habang
kaming mga lalaki ay bakas sa mukha ang takot rito. Kakaibang Mina ang nakita
namin kanina habang nakikipag rambolan ito kay Amber, parang may sanib lang.
“Pre, kung
ako sayo wag kang gagawa nang kalokohan paniguradong tigok ka.” Nagbibirong
bulong ni Carlo kay Chad.
“Tara na
guys, kailangan ko pang mag pamanicure ulit bago pumunta sa presinto mukhang
nasira yung nails ko.” Maarte nitong sabi sabay talikod at tinungo ang kotse.
Nagtawanan
ang mga nakarinig pati kami ay natawa habang si Amber ay tinutulungan ng
gwardya na tumayo. Iyak parin ito nang iyak nagpapaawa sa mga tao pero walang
itong nakuhang tugon dahil nang makatalikod si Mina ay isa isa na itong umalis
at bumalik sa kaninang ginagawa nila na parang wala lang nangyari hindi manlang
ito binigyan ng pansin o kinumusta manlang kung may nabali bang buto rito.
Ipinatawag
nga kami sa presinto nandoon ang Tita ni Amber na kumukupkop rito. Nung una ay
galit na galit ito kay Mina talak ng talak, pero hindi nagpatalo si Mina. Nang
malaman ang ginawa nang kanyang pamangkin kay Rome ay nakaramdam ito nang hiya
at pinagsasampal pa si Amber sa perwisyong idinulot nito. Nalaman din namin na
ipinatapon pala si Amber ng mga magulang nya dahil sa mga katarantaduhang
ginawa nito sa Manila kaya pala dina ito nabalik doon.
Hindi rin
nag tagal ay dumating ang mga magulang ni Rome. Bakas sa mga mukha nito ang
pagaalala, hindi pala nila inakala na ganun kalaki ang problema nang anak nila
iniisip kasi nilang may simpleng tampuhan lang ito at si Ace.
Naayos ang
problema sa pakiusap narin ng Tita ni Amber na wag na itong kasuhan at nangako
itong babayaran ang halagang naibigay ni Rome dito pati na rin ang perwisyong
naidulot ng kanyang pamangkin. Hindi makatingin si Amber ng deretso sa amin sa
sobrang hiya at pasa sa mukha.
“Ang galing
mo talaga besh! Panalong panalo ang ginawa mo!” Nagtititiling sambit ni Angela.
Nasa bahay
kami ngayon at nagcecelebrate dahil sa wakas natapos na rin ang problema ni
Rome kay Amber.
“Naman!
Sanay ako sa mga ganyan, sayang pagkablack belter ko!” Proud nitong sabi na
sinabayan pa nang tawang pangkontrabida lang.
“Hon, next
time naman kong may plano kang makipagaway pwedi sa hindi mataong lugar?”
Nagaalalang sabi ni Chad.
“Hay naku
hon, okey na rin yon minsan lang naman, exposure narin yon paniguradong marami
akong friend request sa fb bukas at tagged pictures.” At humalakhak nanaman
ito.
“Hoy Rome,
bakit sambakol nanaman ang hitchura mo?” Pagpansin nito kay Rome kahit puno pa
ang bibig ng pizza.
Nag buntong
hininga muna ito bago sumagot.
“Tinatawagan
ko si Ace pero ayaw paring sumagot. Ito na ang pinakamatagal naming away sa
nagdaang mga buwan.” Malungkot nitong sabi.
“Relax tol,
kausap na ni Dorwin yon ngayon malay mo kasama na nun si Ace paguwi nya.” Nakangisi
kong sabi.
Bigla namang
nagliwanag ang mukha nito mabilisan itong tumayo at tinungo ang pintuan.
“San ka
pupunta?” Magkasabay na Tanong ni Carlo at Tonet.
“Bibili nang
peace offering!” Magiliw nitong sagot.
“Wala ka
namang dalang sasakyan, ah!” Pam basag naman ni Chad.
Napakamot
naman ang hunghang sa kanyang ulo.
“Ito oh,
sabay hagis ng susi nito kay Rome. Galingan mo pagpili tol, alam mo namang
choosy ang syota mo.” Tatawa-tawang sabi ni Chad na sinangayunan naming lahat.
Mga ilang oras
din ang itinigal at nakabalik na si Rome sa amin. May dala itong human size na
teddy bear mula sa blue magic. Wala itong kaalam alam na nagtatago na si Ace sa
kwarto namin ni Dorwin. Naikwento na namin kay Ace ang mga nangyari nakatulong
ng malaki ang ginawang pakikipagusap ni Dorwin at ng mga magulang ni Rome para
mabuksan ang isip nito.
“Lang ya!
Mas malaki pa ata yan kay Ace, ah!” Buska ni Angela.
“Inggit
kalang! Syempre para sa wifey ko to kaya dapat malaki!” Nakangisi nitong tugon
at inilapag sa center table ang malaking teddy bear na kulay puti.
“Ginawa mo
namang babae si Ace. Pustahan tayo di magugustuhan ni Ace yan.” Dagdag
pangaalaska naman ni Tonet.
“Akala nyo
lang yon.” Pambabaliwala nito sa pangiinis ng dalawa.
Sakto namang
pababa na si Dorwin galing sa kwarto para itago si Ace. Ideya iyon ni Tonet ang
surpresahin si Rome.
“Kuya asan
si Ace?” Bumalik ang lungkot nito na lihim kong ikinatawa.
“Ewan,
Hanapin mo.” Maangmaangan nitong tugon.
“Akala ko
kasama mo sya.” Malungkot nitong sabi.
“Kaya nga pinapahanap
sayo, eh!” Sabay sabay naming sabi na sinamahan pa nang paghalakhak ni Carlo.
Napatingin
ito kay Dorwin na may pagtataka. Ibinaling naman ni Dorwin ang kanyang tingin
sa kwarto agad itong nakuha ni Rome at mabilis pa sa hangin na pinulot ang
teddy bear na binili nya at mabilisang tinungo ang kwarto namin.
“Hoy! Wag
kayong gagawa nang kahalayan kapapalit ko lang ng bed sheet!” Ang natatawa kong
singhal rito.
“So tuloy ba
tayo sa session mamaya?” Tanong ni Carlo sa amin.
“Aba dapat
lang!” Magkakasabay na tugon ng mga babae.
“Kayo nalang
muna tol, may birthday kaming pupuntahan ni Dorwin, eh.” Wika ko sa kanila.
“Okey lang
naman kong hindi ka sumama.” Sambit ni Dorwin.
Napatingin
sa akin ang mga kaibigan ko na may pamimilit sa mga mata nila.
“Nangako ako
sayo na sasamahan kita.” Tugon ko kay Dorwin.
“Susunod nalang kami pag napaaga kami ng uwi.” Sabi ko naman sa mga
kaibigan ko.
Halata sa
kanila ang disappointment pero gusto ko talagang samahan si Dorwin. Malaki laki
na kasi ang utang ko rito nung mga araw na nagkaproblema sina Rome at Ace.
Ramdam ko na kahit hindi ito nag rereact o nagsasalita ay may tampo na ito sa
akin.
“YES!!” Ang malakas na sigaw ni Rome na ngayon ay magkahawak kamay na ni Ace pababa nang hagdanan.
____________________
Kinagabihan
ay nagpunta na nga kami sa birthday ni Brian. Hindi ako tinantanan ng mga
kaibigan ko lalo na si Ace pinipilit nila akong humabol. Naiintindihan ko naman
sila dahil sa mga nagdaang sabado hindi kami ma kompleto kung hindi si Rome ang
absent ay si Ace naman.
Hindi naman
boring kainuman at kabangkaan ang mga kaibigan ni Dorwin kaso naaasiwa parin
talaga ako kay Niel kakaiba kasi ang mga tingin nito sa akin parang may halo
nang pagkainggit kahit maganda naman ang girlfriend nito. Sa minsan naming
inuman na hindi nito kasama ang girlfriend nya ay sinubukan nitong kausapin si
Dorwin pero hindi sya binigyan ng pagkakataon.
Katulad ng
mga kaibigan ko makukulit at ma kwela rin ang mga kaibigan ni Dorwin. Yung iba
ay may mga trabaho na habang yung iba naman ay may sarili nang negosyo. A
perfect circle of friends, yon ang unang nasabi ko sa aking sarili nung makita
ko silang buo. Lahat successful at hindi uso sa mga ito ang magyabang very down
to earth kung baga.
“Mga pare
buti naman at nakapunta kayo.” Ang bati ni Brian sa amin.
“Happy
birthday pare tumatanda kana.” Biro kong bati rito.
“Hindi pa
naman, ako nga ang pinaka bata sa aming lahat eh.” Tatawa-tawa nitong sabi.
“Tara na sa loob sa wakas kompleto ang barkada. Puro kasi drawing itong si Dorwin
ayaw magpakita porket may ibinahay na.” Dagdag biro pa nito.
“Sira! Busy
lang talaga ako.” Tugon naman nito.
Kung baga sa
amin si Brian ang Angela. Palabiro ito at makwento hindi ka mabobored na ka
inuman ang isang to. Sabi ni Dorwin si Brian ang huling taong pumasok sa grupo
nila nung college at simula nung masali ito sa kanila naging masaya na raw ang
barkadahan hindi na puro seryoso.
Pumasok kami
sa loob nang bahay. Sobrang lakas ng sound, house party kung house party kasi
wala ang parents ni Brian nasa ibang bansa at doon nag tratrabaho. May isa
itong kapatid na babae pero nakapag asawa na at may sarili nang bahay kaya mga
katulong lang ang kasama nito.
“The late
comers! Tagayan na yan!” Bungad sa amin ni Vincent. Isa rin itong kabarkada ni
Dorwin na isa ring Engineer. Nakilala ni Dorwin ang mga ito nung nagaaral pa
sya nang political science bago mag proceed ng law.
“Akala namin
di na kayo darating Dorbs.” Sabi ni Alexa girlfriend ni Chuckie.
“Been busy
for the past days kaya di ako makapunta sa inuman.” Nakangiting tugon nito.
“Ayon naman
pala, busy sa lovelife kayo naman intindihin nyo tigang, eh.” Sabat naman ni
Chuckie na tinawanan lang namin.
“Pareng Red,
wala kang excuse ngayon, magiinuman tayo hanggang bukas nang gabi.” Nakangising
wika ni Brian.
“Oo nga lagi
nalang kayong tumatakas na dalawa.” Si Pauline ang fiancĂ© ni Niel.
Ngiti lang
ang isinagot ko sa mga ito. Ayaw kong lumabas na feeling close sa kanila lalo’t
nakatingin nanaman sa akin si Niel.
“Di nyo ba
kami papakainin muna?” Reklamo ni Dorwin sa mga ito.
“Teka lang
samahan ko muna silang kumuha nang pagkain.” At iginaya na nga kami ni Brian sa
buffet table para kumuha nang pagkain. Nang matapos ay bumalik din kami sa
umpukan.
Usapan
tungkol sa mga trabaho nila ang sumunod na nangyari. Ngingiti ngiti lang akong
nakikinig sa mga ito at paminsan minsan sumasabay sa mga tanong para hindi
naman sabihin na hindi ako nageenjoy o others ako.
“Red, I was
at your bar last, last week with my friends and I met four of your friends. I
think if I remember it correctly their names were Antonet, Mina, Carlo and
Chad?” Ang biglang sabi ni Alexa. “It
was my 1st time na pumunta doon and the girl Antonet, she was so
nice when I told her na I know you and Dorwin binigyan kami ng discount.”
Magiliw nitong pagkukwento.
“Mabait
talaga yung mga yon.” Pagsangayon ko sa kanya na sinamahan ko pa nang ngiti
nakakaproud kasing malaman na naging mabuti ang trato nila sa kaibigan ni
Dorwin.
“Na kwento
rin nya sa akin na Dorwin’s cousin is one of the owners” Pagpapatuloy nito sa
pakikipagusap sa akin.
“Si Ace.
Yeah isa sya sa amin.” Nakangiti kong tugon.
“Guys we
really have to check the place out sobrang galing ng band na nagpeperform doon
and ang babait ng mga kaibigan ni Red.” Nabigla naman ako sa pagaadvertise
nito. Iba kasi ang hilig nang mga barkada ni Dorwin mas gusto nila ang maiingay
na lugar like disco bars.
“Sure! Next
week ano guys game?” Pagsangayon naman ni Chuckie sa nobya nito.
“Game!”
Sabay sabay nilang sabi. “Kelan ba ang acoustic night nyo Red?” Dagdag pang
tanong ni Vincent.
“Friday and
Saturday.” Matipid kong sagot dala nang hiya ewan ko ba siguro natatakot ako
laki kasi nang expectations nila pagdating sa mga gimikan.
“Wag kang
magalala magugustohan nila doon.” Bulong sa akin ni DOrwin maharil napansin
nito ang pagiging uneasy ko tango ang isinagot ko rito sabay bigay ng pilit na
ngiti.
“Great! Sa
Saturday nalang tayo pumunta doon.” Wika ni Alexa na sinangyunan naman ng
lahat.
Habang
lumalalim ang gabi at medyo may mga tama na ay nagiging seryoso na ang usapan.
Mga problema sa trabaho hangang sa dumating sa lovelife ang topic. Hindi ako
nakaiwas sa mga panguusisa nila tungkol sa amin ni Dorwin.
“Kayo Red,
kumusta naman kayo ni Dorbs?” Tanong sa akin ni Brian.
Hindi pa man
ako nakakasagot ay biglang nag salita si Niel.
“CR lang
ako.” Pagpapaalam nito sa malamig na tono.
“Ano
problema nun?” Wika ni Chuckie nang makaalis ito.
Kibit
balikat lang ang isinagot nang lahat. Maski ang girlfriend nito ay nagtaka sa
biglaan nitong pagpapalit ng mood.
“Pasensya
kana Red sa isang yon may sumpong baka pagod sa trabaho.” Pagpapaumanhin ng
girlfriend nito.
Ngiti ang
isinagot ko rito. Nagpatuloy ang usapan hanggang sa bumalik si Niel. Si Dorwin
naman ang nagpaalam na gagamit ng CR at nang makaalis na ito ay biglang
nagpaalam ulit si Niel na may nakalimutan ito. Hindi ko iyon pinansin dahil
abala ako sa pakikipagusap kay Brian. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa
rin nakakabalik si Dorwin kaya napagpasyahan ko itong sundan tutal naiihi na
rin ako.
“Sabihin mo
lang na mahal mo pa ako at hindi ko ipagpapatuloy ang kasal namin ni Pauline.
Mahal pa rin kita Dorbs and it pains me seeing you with somebody else.” Ang
narinig kong sabi ni Niel nang mapadaan ako sa study room nila Brian.
“Nahihibang
kana ba? Malapit na ang kasal mo Niel, kalimutan na natin kung ano mang
namagitan sa atin noon.” May diin na sabi ni Dorwin.
Nanatili
lang akong nakasilip sa nakauwang na pintuan. Kita kong umiiyak na si Niel habang
nakahawak sa magkabilang braso ni Dorwin.
“Wala akong
pakialam! Ikaw ang mahal ko! Alam kong mahal mo pa rin ako Dorbs please give me
one more chance this time ipaglalaban ko ang relasyon natin.” Nagsusumamo
nitong sabi.
“Mahal ko si
Red at mahal nya ako.” Ang tila nahihirapan nitong tugon.
“Mas mahal
mo ako nararamdaman ko yon.” Sigurado nitong sabi.
Hindi
nakasagot si Dorwin. Para akong sinasaksak sa pananahimik nito dahil ang buong
akala ko tuluyan na nyang nakalimutan si Niel sa loob ng pitong buwan naming
pagsasama. Nanatili akong nakikinig kahit alam kong masasaktan ako gusto kong
marinig kong ano ang sasabihin ni Dorwin.
“Hindi na
mahalaga yon. Natutunan ko na ring mahalin si Red at may Pauline kana.” Ang
sabi nito at akmang tatalikod na pero maagap syang nahawakan ni Niel.
“Hihiwalayan
ko si Pauline and I will do everything to win you back. Ikaw ang mahal ko at
ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.” At bigla nitong hinihalikan si
Dorwin
Di ko na
nakayanan ang nakikita ko kaya mabilisan kong tinungo ang CR. Hindi ko alam
kung ano ang gagawin ko. Wala akong maisip na magiging reaksyon sa mga
nasaksihan ko. Kung magagalit ba ako kay Dorwin o ano.
Nakaramdam
ako nang panghihinayang at pagkasawi. Paano kung magkabalikan sila? Paano kung
iwan ako ni Dorwin ano ang gagawin ko mapipigilan ko ba sya? Mga katanungan na
pinilit kong hanapan ng sagot pero wala akong maisip. Idinaan ko nalang sa
paghihilamos umaasang makakatulong itong maibsan ang sakit na nararamdaman ko
ngayon.
Nagpasya akong
bumalik sa umpukan at isantabi ang mga bumabagabang sa akin. Hindi ko ipapaalam
kay Dorwin ang mga narinig ko. Napagdesisyunan kong hindi ako basta basta
nalang susuko gagawin ko ang hindi ko nagawa noon kay Ace, lalaban ako.
“San ka
galing?” Tanong ni Dorwin sa akin ng makabalik ako sa umpukan.
“Nag CR,
kaso nawala ako eh kaya natagalan.” Nakangiti kong sagot rito.
Kita kong titig na titig sa amin ni Niel sinadya ko na talagang hayagang maglambing sa harap nila. Nariyan ang bubulungan ko si Dorwin na mahal ko sya at di ko kayang mawala sya sa akin, ang pag-gap ng mga kamay nito at ipatong sa hita ko. Lahat ng pwedi kong magawa para lang maiparamdam rito kung gaano sya kahalaga sa akin.
Bakas sa
mukha nito ang pagtataka. Hindi kasi ito sanay na naglalambing ako sa kanya sa
harap ng mga kaibigan nya at sa mga kaibigan ko pag nasa labas kasi kami para
lang kaming magkaibigan kung magturingan. Nakakapaglambing lang ako sa kanya
kung nasa bahay kami o kung kaming dalawa lang.
“Paano pare,
kita kits nalang tayo sa Sabado?” Ang wika ni Brian, nasa labas na kami para
umuwi.
“Sige pare,
aasahan ko kayo sa sabado.” Nakangiti kong tugon rito.
Gusto pa ni
Dorwin na dumaan kami sa bar pero sabi ko sa kanya na dumeritso nalang kami
nang uwi. Binigyan ko ito nang pilyong ngiti na nakuha naman agad nito dahilan
para matawa ito at sumangyon narin.
Kung
kailangang araw-araw at gabi-gabi kong iparamdam sayo na mahal kita gagawin ko makuha ko lang ng buo ang puso mo.
Ang sabi ko sa aking isip habang nagmamaneho at tinatahak ang daan pauwi sabay
pagtulo nang luha sa mata ko.
Itutuloy:
44 comments:
Nakakabitin! Next na agad!! Hahahaha.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Wew.
Nice. :D
- Tam
waaaaaah! bitin ako Z, bitin! :D haha bukas ka na maglasing, habaan mo pa to hehe jowk lang :)
kawawa naman si amber haha nagangbang..pero buti naman at ayos na ulit si Rome at Ace kasi akala ko talaga nung una nabuntis si Amber e, kahit nung sa The Right Time pa lang.
at eto na. i wonder kung talagang hihiwalayan ni Neil yung girlfriend niya. hay nakoooo... haha rough times ahead.
keep it up Z :)
ayan! update ulet! :) basahin ko muna. :D
That's just heroic. Baka lumayas na ako sa bahay ni Dorwin if I were Red. Waiting for the next chapter Zild! :-)
Buti nga sayo bitch hahsha
Naman mahal nung gift ni rome ah laki eh,
Parang wala nanga takas ang dalawa ni red.. Hahaha lagot..
nakakabitin naman puh,,,haha!!! naku,,,magkakaroon pa ata ng karibal si Red ka Dorwin,,haha!!! sana wag na silang maghiwalay pa,,,,at para naman kay Amber,,kaawa-awa syang nilalang,,,haha!! cge, wait ko po ulit ung next na chapter,,,,
beucharist
Sayang naman hindi sinunog si Amber!
Ang swerte ni Ace meron siyang teddy bear, human size pa! Kaasar ka na, ikaw na palagi, mamigay ka ng biyaya! HAHA Kakatuwa sila Tonet,Angela at lalo na si Mina! Amazonista ka! Kinabahan kaya si Chad nung biniro siya ni Carlo? Red, masakit kapag may kaagaw sa minamahal mo pero bilib ako sa pagpupursige na ipinapakita mo, pero masakit talaga eh. I love you author! Da best! Update na kaagad. Salamat!
/vince24
Ito na talaga ang hinihintay ko..Ano kaya gagawin ni Red para mukuha niya ang loob nito? Si Dorwin naman kaya paano niya naman pipigilan ang nararamdaman niya kay Niel? Hahayaan ba niyang mauwi lang sa lahat ang pinagdaanan nila ni Red? Hay ang hirap din naman ng Sitwasyon nila.
Pero pareng Red...kaya mo yan..tama ka hindi mo na siya dapat pakawalan pa..Wag mo ng ulitin ang ginawa mo kay Ace. Tama ng nanghinayang ka once pero ang susunod ay mas magiging mahirap para sa iyo na muling bumangon.Go Red!
if di mo alam mga ginawa ni Amber, maaawa ka sa kanya pero since talaga namang salbahe siya eh she deserves whatever happened to her, sana she learned her lesson na.. as to Dorwin naman, it's about time na mamili na siya kung sino ba talaga para di naman maging kawawa si Red, dami na niya sacrifices at mga hirap na pinagdaanan sana naman eh maging masaya na buhay niya (bias ba ako towards Red author?.. hehehe...) Love ko na kasi yata siya eh... hehehe... (actually, i see myself in him kaya siguro i am really leaning towards him)... update na agad author ha, thanks a lot...
guys salamat sa mga comment nyo.. keep ur comments comming... gagawin ko na ang chapter 19 tingnan natin ang malaking mangyayari sa buhay ni Red at Dorwin... :D
by the way dear author, one reason why i keep reading your stories is that you never fail to amaze me at how intricate your mind works... also, alam kung you don't keep your readers waiting for so long and you have a definite time frame for which to post your succeeding chapters.. it makes us know when to anticipate and open your site, and you never failed to post the update.... thanks a lot again.... keep up the good work....
nakakagigil si amber
Mukhang gagawin lahat ni Red h'wag lang mawala si Dorwin...
Whaaahhhh.... Sama ako sa inuman Zildjian... Hahaha... Feeling ko close na tayo cause ROME case is the exact incident that happens to me... Really and it's quite hard... I can feel all the emotions and the obnoxious feelings that I had... Do I know you in real life Zildjian parang ako ang basihan Hahaha... 2 thumps up KAMPAI for the good looks...
nakakarelate ako talaga ako sa sitwasyon. parang si Red ang character ko. haist, ang hirap ng sitwasyon nya. sana, hindi sya ipagpapalit ni dorwin sa iba....
------------------------------- ISAAC------------
ibang iba tlaga pg d naspoil ang kwento, bwat kataga bbsahn m at wlang gs2ng palampasin... nramdaman q ung tuwa ni rome nung knausap na xa ni ace, ang panggigil ni mina, ang pgsusumamo ni niel, at ang lungkot at takot ni red... ibng iba sa nkaraang chapter na wla tlaga aqng gana.. o.o
Bitin wenks. pero ang saya saya dun sa part na nabuking na si Amber-syosa.. trololol haha drama ulit sa next chapter huhuhu
hahaha...tawa much sa ginawa ni mina kay amber...for red naman...isanag malaking ouch..tsk..
-ram
ok na sana ang unang part ng chapter kc nandun ang energy kaso parang nabitin at ang lamya ng dating sa may last part ng chapter
I uber love the catfight!! Haha!
For sure Dorbs will completely forget Neil and open his heart for Red.. Positivity!!
-icy-
ayos lang yan red ikaw pa rin ang pipiliin ni dorwin....
pero kung hindi para sau wala ka talagang magagawa ^^....
tnx mr. author...
salamat sa mga comment nyo guys.. hehe ito patulog palang ako :D katatapos lang ng saturday session namin :D anyway highway malapit na po tayo sa pagtatapos ng AA sana hangang sa huling chapter ay supportahan nyo ito... :D
Dave17 an0?matatap0s n nman,haix eh bitin p nga aq x chapter n i2 taz ending n,my nxt sequel b?
Go RED! Ipaglaban u c d0rwin,im sure mahal k n din nun,xna mgkaay0s n dn cla ng mama nya,ReDorwin aq til d end,kht mlking pgbbgo p hhrpn nila. dpat c amber at neil magsama eh..
Nainggt aq x teddy bear ni ace hehe.
ouch!!! naman!! hehhe
next na agad... hehe
Dave17 - hahahaha hindi pa wakas ang susunod na chapter... May 6 pang chapter tayong natitira..
Go Red!!!. Kung ano mang ang malaking mangyayari sa buhay nila Red and Dorwin sa susunod na chapter. Sana tatagan pa rin ni Red ang sarili nya. Tama wag kang susuko ha...^___^. Ang galing mo talaga Mr.Z, I am your avid fan. Keep it up.
Billy - salamat sa patuloy na pagsuporta :D uu nga Red wag kang susuko :D
thanks Zildjian sa magandang kwento mo... Zildjian pwede makuha fb acct. mo aad kita pwede ba?
rstjr029
RSTJR029 - walang problema po. geohundevil@gmail.com ito po yung fb account ko at salamat din sayo sa pagbabasa mo nang gawa ko :)
Just finished reading via mobile. Galing talaga ni Zildjian. Keep up the good work and hoping to read more beautiful chapters and stories from you.
By the way, we miss you at BOL.
Kuya Nitro
Kuya Nitro - Salamat po kuya sa patuloy na pagbabasa ng AA kahit na wala na ito sa BOL.. babalik din po ako magpapahinga lang :)
kakaiyak naman.....naka relate ako sa feelings ni REd....yong halos ipilit mo ang sarili mo para lang ma save ang relationship....in the end...susundin pa rin nya ang gusto nya...at mababali wala ang pinaghirapan mong buoin....subrang sakit di ba Z?
tama ka mama bear masakit nga yon... Lalo't si Red ang taong nangangailangan ng pagmamahal at lahat na ata nang minahal nya hindi sya minahal.
yan ang dapat na pag.ibig ipaglalaban talga..
wow ganda...... a relstionship always prosper basta't may tiwala sa isa't isa
woooo....nako i know na hindi papayag si red na maagaw si dorbs sa kanya..and nakakaawa nmn si red ksi parang ang lupit ng mundo sa kanya kung mawawala si dorbs sa kanya...Zildjian tatapusin mo na tong story na to???habaan mo pa ng konti...hehehehe....salamat.....
the very best ka author! super bitin! :D! sana may update na agad! :D! 4 thumbs up! :D! haha
(IAN)
GO RED...
kakaawa naman si Red parang lagi siyang namamalimos.
hi Zidjian:)
ang sarap talaga basahin ng story na to. . . less sex but the story is interesting and so smooth:)
iniisip ko nga if ano kaya ang magiging ending if history repeat it self ba na mauuwi nanaman sa wala yung love na binibigay ni RED. . .
pwede malaman if every when you post your story?!?
thank you and Godbless. . .
looking forward to read the next chapter:)
. . .LANCE
Ang ganda lang. Sh*t. Galing :))
First half of the chapter:
i am very glad for the treatment that Amber received because of her fabrication of stories saying she is pregnant even though she is not just to get money from Rome. ugh!
I was really surprised by the way the girls in their group acted. I though of them more of as the quiet and shy type of people not knowing they can be that 'fierce' if you can put it at that.
The fact that Rome's friends really did whatever they can just to help save his relationship with Supah Ace and supporting their relationship as a plus factor is really something to behold and to emulate.
----------
Second half of the chapter:
You can tell that Dorwin is really trying to fight off his real feelings towards Neil even though Neil wasn't able to fight for their relationship in the past. Neil is determined to win Dorwin back even at the thought of the nearing marriage of him with Pauline, he is ready to put off or cancel just to win Dorwin back.
Red on the other hand has programmed his mind not to do the same mistake he did with Supah Ace - not fight for his feelings towards him. He will fight for his love towards Dorwin; to win the heart of Dorwin in whole and not in part.
---------
My own comments towards the characters:
Rome - Ugh! Inggit ako kay Supah Ace! May malaki siyang teddy bear and not to mention the brand of the teddy bear which is really a lot compared to other brands. Tapos, life-sized pa sa tangkad ni Supah Ace. Pero.. still.. at least it shows how sincere your effort is to win him back.
Supah Ace - Hmm.. may life-sized bear ka na at hindi pa basta-basta. Kagaya nga ng sabi sa story, daig mo pa yung mga babae in terms of the love Rome gives to you.
Red - Good luck with Dorwin! :)
-------
What will happen in the story? Will Red be successful in winning the heart of Dorwin in whole or will Neil succeed in wimming back the heart of the person he really loves? What turn of events will happen as the story continues?
Nice chapter Kuya Zild!
Sorry nga pala for the late comment. hehehehe! :D
Can't wait for the next chapter!
Go! lang ng Go! Kuya Zild!
Always supportive,
- Jay! :)
wwweeeeeeeeeeeeeeeeewwwww
yey!!! Go Red!!hope he'll win dorbs heart na this time!^^
-monty
Post a Comment