Rover,
Lilee, Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (na
talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars,
Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta,Kristoffshaun,Migz,Icy,Billy,Ran(Randolf)
Rheinne,J.V,Jayson13,Dave17,Roman(roohmen),Zenkie(ayan
di na ako mag kakamali),Dada,JM,The Who, Darkboy13,Rei,Pink 5ive,
Rstjro29,Beucharist,Psalm,Nate_dominique,
Wastedpup,itzjakepaul,Ian,Dennnis,Vinz,EUS,ICE at sa mga anonymous at Silent
Reader..
DISCLAIMER: This story is a work of
fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely
coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in
any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or
use this story in any manner without my permission.
___________________________________________________
Maski man ako ay
nagulat rin sa taong nasa labas ngayon ng pinto. Napa taas ang kilay nito at
tiningnan ako mula ulo hanggang paa na wari mo sinusuri ang buo kong pagkatao.
“And who are
you?” Sa wakas na sabi nito matapos akong suriin.
Hindi ko
alam kung maiinsulto ba ako sa ginawa nitong pagtitig sa akin na para bang isa
akong criminal .
“Red.”
Matipid kong sagot sa kanya dahil sa hiya.
“Red?” Muli
nitong tinitigan ang mukha ko at sinuri. “Di ba ikaw yung isa sa kaibigan ni
Ace?”
“Ako nga
po.” Sabay kamot ng aking ulo.
“Nasaan si
Dorbs? At bakit ka nandito?” Sunod sunod nitong tanong sa akin. Sasagot na sana
ako nang magsalita si Dorwin na ngayon ay pababa na nang hagdan.
“Red, Sino
yang kausap mo?” Ang sabi nito na nakahawak pa sa kanyang ulo na animoy
hinihilot siguro dahil sa hangover.
Agad na
pumasok ang babae at napanganga ito nang makitang pareho kaming walang
pangitaas ni Dorwin.
“Oh my god!”
Nag hi-hysterical nitong sabi.
“Oh, Ate
napadalaw ka?” Tila hindi apektadong tugon ni Dorwin rito.
Tumingin ito
ulit sa akin na may pagtataka bago sumagot kay Dorwin. Sino ba naman ang hindi
magtataka pagnakakita ka nang dalawang lalake na kapwa walang pangitaas na
magkasama sa iisang bahay. Pilit nangiti ang ibinalik ko rito.
“Nalaman ko
kay Dave na nandito na ulit si Niel kaya ako nagpunta rito para ipaalam sayo.”
“Nagkita na
kami. We actually had a dinner last night.” Sagot nito pagkatapos uminum ng
tubig.
“Ganun lang
yon? Dinner after nyang biglang mawala?” Mataray nitong balik.
Imbes na
sagutin ang kanyang pinsan ay iniba nito ang usapan.
“Kilala mo
na si Red di ba?” Tanong nito sa kanyang pinsan. “Red, Meet Ate Claire pinsan
namin ni Ace.”
“Bakit sya
nandito at bakit pareho kayong walang damit? Don’t tell me nag..” Hindi
pinatapos ni Dorwin ang pinsan nya agad itong sumabat.
“Dito sya
nakatira sa akin for the mean time and please wag kang magisip nang kung
anu-ano nakakahiya sa tao.” Wika nito sabay lapit sa amin. “Pagpasensyahan mo
na ang pinsan ko Red, ganyan lang talaga yan mag react, ‘OA’.”
“Walang kaso
yon. Paano, akyat muna ako kukuha lang nang damit para makapag handa na nang
almusal natin.” Sabay tinungo ang ang hagdan paakyat sa kwarto namin ni Dorwin.
Naiintindihan
ko naman ang Ate Claire ni Dorwin pero ang talagang gumugulo sa isip ko ay ang
sinabi nito tungkol kay Niel. Ngayon alam ko na kung sino ang tinutukoy ni
Dorwin kanina habang umiiyak. Kay hirap ngang itago sa tao ang tunay mong
nararamdaman. Ang galing magtago ni Dorwin nang emosyon kung hindi ko pa sya
nakikitang umiiyak kagabi hindi ko malalaman ang sakit na pinagdaraanan nya.
Ganyan din ba ang mararamdaman ko sa muli naming pagkikita ni Ace? Makayanan ko
bang maitago ang sakit kung sakaling magkaharap kami at mabigyan ng pagkakataon
na makapag usap?
Nang matapos
makapag suot nang damit ay bumaba na ako para makapag luto. Nakita kong nasa
sala si Dorwin at ang pinsan nito na masinsinang naguusap. Hindi ko alam kung
ano ang pumasok sa isip ko at bigla kong na pagdesisyunan na palihim na
makinig. Dahan dahan akong nagtago sa likod nang ref.
“Ano ang
sabi ni Niel nang magkita kayo? Alam ba nya na may lalake kang kasama rito sa
bahay mo?”
“He simply
asked for forgiveness and yeah alam nya.”
“Pinatawad
mo?” Parang di makapaniwalang tanong nito.
“Yes,
there’s no reason for me not to forgive him.”
“Is it
because of Red? Sya ba ang dahilan kong bakit napatawad mo sya agad after all
what happened?”
Mas lalo
akong nagkainteres sa pakikinig sa usapan nila. Alam kong hindi pa nya ito
tuluyang napatawad pero gusto nyang ipakita sa pinsan nya na hindi na sya
apektado kay Niel.
“At alam ba
ni Red kung ano ka?” Dagdag pa nitong tanong kay Dorwin.
“Hindi naman
lahat dahil kay Red natulungan nya ako sa paraan na di mo maiintindihan pinsan
and yes he already know about me pero hindi kami.” Mahabang paliwanag nito kay Ate Claire.
Nangunot ang
noo ko sa sinabi nito na natulungan ko sya. Hindi ko alam kong saang part ako
nakatulong sa kanya dahil ang naaalala ko lang naman ay ang mga bangayan namin
at kamakailan lang naman kami naging okey.
“Paano ko
naman kasi pinsan maiintindihan kung hindi mo sasabihin and what the hell? Alam
nyang katulad mo si Ace pero magkatabi kayong natutulog na almost naked? Ano
kayo FUBU?” Nag hi-hysterical nanaman nitong sabi na ikinangisi ko.
“Hinaan mo
nga boses mo! Pagnarinig ka nun!” Pagsaway nito sa pinsan nya. “I saw myself
kay Red nung una kaming magkakilala. Doon ko na realize that I was not alone
with this misfortune. Nung makita ko
syang umiiyak sa labas nung opening nila nakita ko ang sarili ko dati nung
biglang nawala si Niel bumalik lahat ng sakit at guilt sa akin kaya naman
pinilit kong tulungan sya.”
Ako man ay
nabigla sa mga sinabi nya tungkol sa akin. Nung una palang talaga hindi na
masama ang intensyon sa akin ni Dorwin ako lang itong nabulag sa galit at pride
ko. Sa mga narinig lalo akong na guilty sa ginawa ko sa kanya naging selfish
ako at hinayaan ko ang aking sariling saktan ang isang taong nagmamalasakit sa
akin.
“Kung hindi
lang nakialam si papa sa relasyon namin ni Niel siguro masaya sana kami
ngayon.” Dagdag pang wika nito.
“Pero
humingi na nagtawad sayo si Tito di ba? Akala ko ba okey na kayo?” Takang
tanong ni Ate Claire rito.
“Hindi ko
mapapatawad ang taong sumira nang kaligayahan ko kahit kailan. Nakikisama lang
ako sa kanya para ipakita na im way better kahit walang suporta galing sa kanya.”
May diin nitong sabi.
Kaya pala walang family picture sa
kwarto o sa loob ng bahay ni Dorwin may galit pala ito sa kanyang ama pero
nasaan ang mama nito? Ang naitanong ko sa aking sarili sa mga narinig na rebelasyon. Grabe ang
galing nyang magpanggap na masaya.
“Ito nalang
insan, kung makikipagbalikan ba sayo si Niel tatanggapin mo pa ba sya?”
Halatang gustong ilihis ang topic nito. Siguro ayaw nitong mas lalong ma
provoke si Dorwin at madagdagan ang galit nito sa kanyang ama.
Hindi ito
nakasagot sa tanong ni Ate Claire.
“Silence
means yes.” Ang nasabi nalang ni Ate Claire sabay nang isang mahabang buntong
hininga. “Pero insan my girlfriend na sya kailangan mo nang tangapin na hindi
na pwedi at saka dalawang taon kanang bitter time to move on.” Wika pa nito sa
malungkot na tinig na animoy sinasaluhan ang sakit na nararamdaman ng kausap
nya.
“Alam ko.”
Matipid nitong sagot.
“Okey lang
yan insan marami pang mahuhumaling sayo ang pogi mo kaya.” Alam kong gusto rin
nitong pasayahin ang pinsan nya kaya nya ito na sabi, pero totoo rin namang
makisig na lalake si Dorwin kaya paniguradong makakahanap din ito nang kapalit.
Agad na ako
lumabas sa aking pinagtataguan at masiglang tinanong sila kung ano ang gusto
nilang almusal. Gusto kong pasayahin si Dorwin sa abot ng aking makakaya iyon
ang napagdesisyunan ko para makabawi manlang sa kanya. Agad namang nagpalit ang
mood nito nang lumabas ako parang ayaw ipakita sa akin ang lungkot na dinadala
nito na mas lalong nagpabilib sa akin.
Nakapag
handa na ako nang breakfast namin. Pinilit ko na rin si Ate Claire na doon na
rin mag breakfast hindi naman ito tumangi pero sinabi nitong kailangan nyang
umuwi agad dahil baka hanapin daw sya nang kanyang anak.
Habang
kumakain panay ang interview sa akin ni Ate Claire naikwento rin nya sa akin
ang tungkol sa pagdalaw ni Rome sa kanilang bahay kasama si Ace. Halatang
botong boto ito kay Rome dahil puro papuri ang lumalabas sa bibig nito.
Nakaramdam ako nang kaunting inggit na agad ko namang isinangtabi dahil ang
totoo masaya ako para sa kaibigan ko. Si Dorwin ay tahimik lang na kumakain at
nakikinig sa amin pagnagtatama ang aming tingin ay binibigyan ako nito nang
isang ngiti, pilit na ngiti.
Natapos
kaming kumain at nakauwi na rin si Ate Claire na talagang pumunta lang sa bahay
para kumustahin ang pinsan nya. Kakaingit ang samahan nila samantalang ang
pamilya nang papa ko ay wala nang pakialam sa amin simula nung magpakasal si
mama sa walang hiyang Raul na yon pati mga pinsan ko ay naging ilag na sa amin.
Nang matapos
makapagligpit at makapag hugas ay umakyat na ako sa kwarto kung saan nan doon
si Dorwin at nagpapahinga. Masakit pa rin daw ang ulo nito dahil sa hangover.
Nang makalapit ako sa kwarto ay rinig kong may kausap si Dorwin sa telepono.
Huminto ako para makinig ewan ko ba pero pagdating kay Dorwin curious ako.
“He’s at the
kitchen.”
“Im sorry
about last night at salamat sa paghatid mo sa akin.” Sabi nito sa kausap.
“Huh? Si
Red? Eh sino ang tumao sa bar kung ganun?”
“Nakakahiya
naman sa kanya.”
“I owe him
an apology sa perwisyong naidulot ko. Sige sa susunod nalang tayo magusap Niel
masakit pa ulo ko.” At pinutol na nito ang tawag.
Pumasok na
ako sa kwarto na parang wala lang narinig. Inakala pala nitong si Niel ang
naghatid sa kanya pauwi. Nang maramdaman nito ang presensya ko ay agad itong
umupo sa kanyang kama.
“Red, Ikaw
pala ang naghatid sa akin kagabi.”
“Yep. Lakas
kasi nang apog mong uminum di mo naman pala kaya.” Ang nakangisi kong biro
rito.
“Does that
mean na i-ikaw ang nag ano… uhmm..” Sabay kamot nito sa ulo nya na animoy
nahihiya. Natawa ako nang bahagya sa inasta nito.
“Ano?”
Pangungulit ko pa rito.
Halatang
literal na namula si kolokoy at ibinaling ang tingin sa kama.
“Ikaw ang
naghubad sa akin at nag palit nang underwear ko?” Mahina nitong sabi sa sobrang
hiya.
Lumapit muna
ako sa kama at naupo rin rito sabay angat ko nang mukha nya bago sumagot.
Gustong gusto kong makita ang mukha nito na namumula sa hiya.
“Sino pa ba
sa tingin mo?” Sabay flash nang isang matamis na ngiti.
“ahhh… ehh…
nakita mo yung ano ko?”
Humagalpak
ako nang tawa sa hitchura nito. Parang bata na hiyang hiya sa pagkahuli nito ng
crush nya na nakatingin.
“Kainis ka
naman!” Sabay hampas nito nang unan sa akin.
“Aray!
Bayolente ka rin pala katulad ng pinsan mo.” Ang tatawa-tawa kong sabi rito.
“Wag kang magalala hindi ko nakita dahil tinakpan ko nang kumot bago ko hubarin
ang brief mo na mapanghi.” Pagiinis ko pang lalo sa kanya. “Tsaka, bakit ka
naman mahihiya eh yung sa akin nga nakita at nalaro mo na eh.” Dagdag ko pa
rito.
Muli nanaman
itong natigilan at napayoko sa pagkapahiya. Natigilan rin ako mukhang sumobra
ata ang biro ko. Agad kong hinawakan ang baba nito at iniangat. Ang sumunod na
nangyari ay hindi ko alam kong bakit ko nagawa hinalikan ko sya.
Na statwa
sya sa aking ginawa. Literal na hindi sya gumalaw nang ilang sigundo at nang
makabawi ay nagsalita ito.
“Wag mong
sabihin na taglibog ka nanaman.” Tila nagaalalang sabi nito.
Imbes na
matawa ay inulit ko pa ang paghalik ko sa kanya. Banayad na halik ang ginawa ko
na kalaunan naman ay ginantihan na rin nya. Ilang minuto ang itinagal nang
halikan namin at nang maghiwalay ang aming mga labi kapwa kami humihingal at
kinapos nang hangin.
“Lasang
tocino.” Ang sabi nito na ikinatawa naming dalawa. Hindi ko alam ang dahilan
kung bakit hinalikan ko si Dorwin pero isa lang ang masasabi ko nagustohan ko
ang halik na iyon at di ko makakaila na tinablan ako.
“Hot dog gusto
mo?” Ang pilyo kong sabi rito sabay himas ko nang aking kargada.
“Malibog!”
Sabay hampas nitong sa akin nang unan na ikinatawa namin ulit. Mas gusto kong
nakikita si Dorwin na tumatawa nang hindi pilit. Masaya ako kung nakikita ko
syang masaya.
____________________
Lumipas ang
mga araw at dumating ang araw nang muli naming pagkikita ni Ace. Naging maganda
rin ang samahan namin ni Dorwin sa nakalipas na mga araw kahit walang kaming
relasyon ay para na rin kaming mag asawa sa loob ng bahay nya. Ako pa rin ang
naghahanda sa kanya nang almusal pagkadating ko sa bahay nito nang madaling
araw at ginigising ko sya para sabay kaming kumain bago ako matulog. Hindi ko
na sya pinapapunta pa nang bar dahil ayaw kong napapagud ito at napupuyat sa
kakahintay sa akin. Kung pumupunta man ito ay hindi rin nagtatagal dinadalhan
lang ako nito nang pagkain at sabay kaming nagdidinner minsan kasama namin ang
mga kabarkada namin magdinner. Hindi maiwasan na pinupuna nila ang biglaang
closeness namin ni Dorwin pero tawa o kibit balikat lang ang isinasagot ko sa
mga ito.
May mga oras
na bigla bigla itong nagiging malungkutin pero agad ko naman ginagawa ang
makakaya ko para lang maibalik ang sigla nito. Nandyan yung kikilitiin ko sya o
minsan ay sinasadya ko ang maging maharot para lang mapatawa sya. Nakarami na
rin kami nang halikan pero ni minsan hindi ito humiling nang bukod pa doon ito
pa nga ang pumuputol pag nagiging malalim na ang ginagawa ko. Alam ko namang
nagpipigil lang sya pero imbes na mainis o maasar dahil nabibitin ako at di ko
mailabas ang init nang katawan ay parang kontento na ako kahit halikan lang.
Ayaw ko na kasing pwersahin syang gawin ang bagay na ayaw nya.
Alas 3 nang
hapon araw nang Sabado kagigising ko lang dahil inumaga kami kagabi sa dami
nang tao. Basta Byernes at Acoustic night ay talagang dinadagsa ang bar kaya
naman late na kaming nakapagsara kaninang madaling araw. Unang hinanap nang
mata ko ay si Dorwin nang mapansin kong wala na ito sa aking tabi ay agad akong
pumasok nang banyo para makapaghilamos at i-check kong meron syang iniwan na
sticky note sa salamin. Nakasanayan ko
na rin kasi na kapag umaalis sya na tulog pa ako ay lagi itong nagiiwan
nang sticky note at hindi nga ako nagkamali.
Punta lang ako sa grocery wala na
kasing stock sa ref. Pupuntahan ko rin ang kaibigan ko may kukunin lang.
Nakahanda na rin ang tanghalian mo kaya kumain kana.
Dorwin
Napangiti
ko. Isa ito sa kumukumpleto sa araw ko ang mabasa ang mga sticky note na
iniiwan nito tuwing aalis. Agad akong naghilamos at mabilisang kinuha ang aking
cellphone.
“Asan ka?”
Ang sabi ko nang sagutin nya ito. Rinig ko ang ingay ng mga tao.
“Buti naman
at gumising kapa.” Biro nito sa akin. “Dito sa mall, nag gro-grocery.” Dagdag
pa nitong tugon.
“Sira!
Malapit ka nabang matapos?” Tatawa-tawa kong tanong sa kanya.
“Kadarating
ko lang nga eh. Dumaan pa kasi ako sa bahay nang kaibigan ko.” Tugon nito.
“Give me 15
mins samahan kita mag grocery.”
“Wag na
maabala kapa di ba may lakad kayo mamaya nang barkada mo?”
“Mamayang
gabi pa naman yon. Basta hintayin mo ako dyan wag ka munang mag grocery ha.”
Magiliw kong sabi rito.
“Sige, ikaw
ang bahala.” Pagsuko nito.
“Good boy.
Saglit lang at maliligo na ako 15 mins promise nandyan na ako.” Paninigurado ko
sa kanya.
“Take your
time maglilibot libot lang muna ako dito.”
“Okey, See
you!” Sabay putol ko nang linya.
Dali dali
akong naligo. Ligong ibon lang ang ginawa ko dahil ayaw kong papaghintayin ng
matagal si kolokoy. Pasipol sipol pa ako habang nagbibihis at sinigurado ko
talaga na gwapo ako sa paningin nya. Wew? Nagpapa-impress ba ako sa kanya?
Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang pumasok sa kokote ko na gusto kong
samahan si kolokoy mag grocery.
Agad akong
gumayak papunta sa mall. Nag taxi nalang ako para na rin mapabilis. Habang nasa
taxi ay tumawag sa akin si Carlo.
“Pare,
7:00pm daw susunduin ka ba namin?” Agad
nitong sabi.
“Sige pare
pasundo nalang ako.”
“Okey, Sige
puntahan ka namin mga 5.30.”
“Ang aga
naman!” Angal ko rito.
“Tatambay
nalang muna kami dyan sa bahay ni Attorney. Teka, Di raw ba sya sasama?”
“Eh baka
wala pa kami sa bahay nyan. Di ko pa naitanong sa kanya kung sasama sya.”
“Bakit, Asan
ba kayo?” Takang tanong nito.
“Sa mall mag
gro-grocery.”
“ Naks!
Asawang asawa ang dating ah! Tawagan mo nalang ako pagpauwi na kayo.”
“Sira ulo!
Oh sige sige text kita bye na.” sabay putol nang linya. Alam ko kasing aasarin
nanaman ako nito pagpinahaba ko pa ang usapan.
Dumating ako
nang mall at agad na tinawagan si Dorwin kung nasaan sya at ayon na nga nagkita
rin kami at mukhang masayang masaya si gago. Pakaway kaway pa ito sa akin.
“15 minutes
pala ha.” Bungad nito sa akin nang makalapit ako sa kanya.
“Matagal
yung taxi eh.” Napapakamot ko sa ulong sabi.
“Tara na
baka mahuli kapa sa lakad nyo mamaya.”
At ayon na
nga namili na kami nang mga kakailanganin namin sa bahay. Hindi naman pala
boring sumama mag grocery infact masaya nga eh lalo na kung puro kalokohan ang
trip nyo habang namimili. Halos pagtinginan kami nang tao dahil sa harutan
namin ni Dorwin. Nariyan ang gawin naming laruan ang cart na parang mga sira
ulo lang. May mga taong natatawa sa amin meron namang naiinis kung nasasagi
namin sila nang hindi sinasadya.
“Di ka ba
sasama sa akin mamaya?” Ang tanong ko sa kanya habang nakapila kami sa counter.
“Hindi naman
ako invited doon. Tsaka may lakad rin ako mamayang gabi.” Tugon nito sa akin.
“Lakad?”
“Yep,
Reunion naming magkakabarkada since nandito na si Niel.” Simpleng sagot nito
habang kinukuha ang credit card nya sa wallet.
“Sama ka nalang
sa akin wag kana pumunta doon.” Pamimilit ko sa kanya. Alam ko kasing hindi
magandang idea ang pumunta sya doon masasaktan lang sya ulit.
“I’ll be
fine.” Nakangiti nitong sabi sa akin siguro natunugan ang ibig kong sabihin.
“Ikaw ba?” Dagdag wika pa nito.
“Huh?” Sabay
bigay sa kanya nang nagtatakang tingin.
“Handa
kanabang makita ulit ang pinsan ko at si Rome?” Seryoso nitong sabi.
“Syempre
naman. Na mimiss ko na rin ang mga yon.”
“Okey. Basta
tawagan mo lang ako kung papasundo kana.”
Tango nalang
ang isinagot ko rito. Pagkatapos naming mag grocery ay deritso na kaming umuwi
dahil sinabi ko ritong pupunta sina Carlo sa bahay. Natatawa pa sa amin ang mga
taong nakapila sa counter dahil nag aagawan pa kami kung sino ang magdadala
nang mga pinamili namin. Ako na rin ang nagmaneho pauwi.
Dumating ang
barkada bandang 6.30pm naka formal attire ang mga ito.
“Bakit di
kapa nakabihis?” Bungad ni Tonet sa akin ng pagbuksan ko sila.
“Naliligo pa
si Dorwin, eh.”
“Sasama ba
sya?” Tanong naman ni Mina.
“Hindi, may
lakad sya ngayon sila nang mga barkada nya. Dito muna kayo akyat lang ako sa
taas tingnan ko lang kong tapos na sya.”
Binigyan ako
ni Carlo nang nakakalokong ngiti.
“Ano?”
Tanong ko rito.
“Wala!”
Tatawa-tawa nitong sabi na nakataas pa ang dalawang kamay.
Napapailing
nalang akong pumanik sa taas para tingnan kong tapos na bang maligo si Dorwin.
Sakto pagpasok ko nang kwarto ay palabas na sya nang banyo na nakatuwalya lang.
Agad may kalokohan akong naisip. Lumapit ako rito at akmang tatagalin ko sana
ang pagka hapit nang tuwalya sa bewang nito nang itaas nito ang kamao.
“Umayos ka.”
Nagbabanta nitong sabi na ikinatawa ko.
“Nasa baba
na sila Carlo.”
“Okey okey.”
Pumasok na
ako sa banyo para maligo ulit ligong ibon lang kasi ang ginawa ko kanina. Mga
ilang minuto rin ang itinagal ko sa banyo at nang makalabas ako ay may mga
damit nang nakahanda sa kama. Napangiti nalang ako at agad na nagbihis. Natural talagang maalaga ang gagong yon.
Ang nakangiti kong wika sa aking sarili.
“Slow poke
ka na rin ngayon?” Inis na sabi ni Tonet nang makababa ako nang hagdan
“Hampogi!”
Si Angela sabay pulupot nang kamay nito sa aking braso. “At ang bango bango!
Ulam na ulam syet!” Dagdag wika pa nito na ikinatawa naman nang iba.
“Attorney,
sigurado kabang hindi ka sasama?” Tanong ni Carlo rito.
“Hindi na
guys hinihintay rin kasi ako nang mga barkada ko.” Tugon nito habang nakatingin
sa akin.
“Paano tara
na? Hinihintay na tayo nila Rome.” Si Tonet.
Binaybay na
namin ang daan papunta sa bahay nila Rome nakasunod lang kami kay Carlo. Sa
kotse ako ni Chad sumakay kami ni Angela dahil paniguradong uulanin ang ng
tanong kung sa dalawang bangag ako sumakay.
Dumating
kami sa bahay nila Rome marami rami na rin ang tao at halatang nagkakasiyahan
na. Agad kaming pumasok may bitbit na malaking Cake si Carlo yon daw ang regalo
namin kay tita Nancy.
“Happy
birthday Tita.” Sabay beso nito sa mommy ni Rome na sinundan naman namin.
“Thank you
for coming guys Rome is on his way sinundo si Ace.” Magiliw nitong sabi sa
amin.
“Long time
no see guys.” Sabat naman nang mommy ni Ace.
“Hello Tita
Evette, Tito Arnold uu nga po eh busy kasi ang anak nyo.” Si Tonet talaga ang
ma PR sa amin kaya sya lagi ang aming taga pagsalita.
“Meet my
Sister Wilma, Wilma these guys are Ace’s bestfriends sila rin ang Co-owners
nang seventh bar Tonet, Mina, Angela, Carlo, Red and.”
“Richard
Blones po.” Ang magalang na pagpapakilala ni Chad sa mga ito.
“Nice to
meet you. Ang gwagwapo at ang gaganda pala nang mga kaibigan ng pamangkin ko.”
Ani ni Tita Wilma. Katulad rin ito nang mommy ni Ace mabait at maganda kahit
may edad na.
“Sige na mga
iho, iha kumuha na kayo nang pagkain darating na yong si Rome.” Wika nang daddy
ni Rome.
Pumunta na
nga kami sa buffet table para kumuha nang pakain at tinungo na ang mesang
nakareserve para sa amin.
Ilang minuto
ang lumapis ng dumating ang dalawa. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib
ng muli kong makita si Ace siguro dahil sa pananabik na makita syang muli.
Kumaway pa ito sa amin bago tinungo ang lamesa nang mga magulang nila.
“Mukhang
masaya ang dalawa ah.” Pag papansin ni Tonet nang makita silang nagbubulungan
habang kumuha nang pagkain.
Agad itong
lumapit sa amin.
“Kumusta ang
love birds? May label na ba?” Nakangiting tanong ni Tonet sa mga ito nang
makaupo.
“Actually,
isa yan sa mga dahilan kung bakit gusto ko kumpleto tayo ngayon.” Sagot naman
ni Rome.
“Ayay! So
kayo na nga talaga?” Tila naman kinikilig na sabi ni Angela.
“Noong nasa
Isla pa kami.” Sagot ni Rome na may pagka-proud.
Sa mga
narinig biglang nanikip ang aking dibdib. Siguro dahil hindi ko napaghandaan
ang ganito ang aminin nila sa amin na may relasyon na sila. Pinilit kong maging
normal sa harapan nila. Iba pa rin pala kung harapan nang isinasampal sayo ang
katutuhanan. Malakas lang ang loob mong sabihin sa sarili na kaya mo syang
makitang masaya sa piling nang iba pero pagnakita mo na ito nang dalawang mata
mo ang sakit pala para kang pinapalo nang dos por dos nang paulit ulit.
“Gusto ko
lang sabihin sa inyo na salamat sa lahat ng naitulong nyo sa amin ni Supah Ace
lalo na sayo Tol. Dami kong atraso sayo pero nagawa mo pa rin akong tulungan.
Maraming salamat at sorry kung pinagselosan kita.” Ang sabi ni Rome na
nagpabalik sa akin mula sa pagiisip.
“Wala iyon
sa akin tol ang importante lang naman masaya si Ace.” Walang halong
pagsisinungaling na sabi ko sa kanya. Totoo naman talaga na gusto ko lang
maging masaya si Ace.
“So I guess
this calls for a celebration!” Ang magiliw na sabi ni Mina.
Lahat sila
ay masaya sa pagmamahalan ng dalawa naming barkada kahit ako man na kahit may
kirot sa aking puso ay masaya akong makita silang dalawa na masaya. Alam ko
naman si Rome lang ang makakapagbigay ng ganung pakiramdam kay Ace.
Habang
nagkukumustahan at nagtatawanan ang mga kaibigan ko hindi ko kayang makisabay
iniisip ko kasi kung ano na ang susunod na mangyayari sa akin ngayong tuluyan
ko nang pakakawalan ang pagmamahal k okay Ace. Para hindi nila mapansin ang
aking pananahimik ay nagpaalam akong mag yoyosi sa labas.
“Okey ka
lang ba?” Ang bigla nitong tanong sa akin. Alam kong susundan nya ako kanina pa
man ay gusto na ako nitong makausap siguro ito na rin ang pagkakataon masabi ko
lahat sa kanya para na rin tuluyan ko nang mapakawalan ang nararamdaman ko sa
kanya.
“Okey lang
naman.”
“Red thank
you ah. Salamat sa pag aalaga mo sa akin.” Sinserong sabi nito.
“Ah yon ba?
It was nothing sabi ko nga gagawin ko ang lahat mapasaya kalang kasi ganun kita
kamahal.” Malungkot kong sabi sa kanya.
“Sorry kung
di ko nasuklian ang pagmamahal na iyon.” Nakayuko nitong sabi sa akin.
Tuluyan nang
pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit sa taong may mahal ng
iba tumibok ang puso ko, pero kailangan ko nang tapusin ito dahil masasaktan
lang ako kung ipilit ko ang nararamdaman k okay Ace.
“No need to
say sorry Ace. I know from the start na si Rome talaga ang mahal mo. Kaya nga
di ba sabi ko sayo hindi magiging hadlang ang nararamdaman ko sa relasyon nyo
ni Rome. Ang importante nasabi ko sayo ang nararamdaman ko. Alam mo ba noon pa
mang high school pa lang tayo attracted na ako sayo.” Kumuha muna ako nang
hangin bago nagpatuloy. “I just don’t have enough courage that time para
ipaalam sayo. Siguro kung hindi lang ako naging duwag nung panahong iyon sa
akin ka sana napunta at hindi kay Rome.” Ang mahaba kong pagtatapat sa kanya.
Hindi ito
nagsalita kaya naman ipinagpatuloy ang pagsasalita.
“Malas nga
lang at ang pinaka unang taong minahal ko nang totoo ay iba na ang
nagmamay-ari. I can love you selflessly Ace kaya handa akong isuko ka sa taong
alam kong don ka masaya.” Tulad nang pagdaloy nang aking mga luha sa aking mata
ay ang pagdaloy din nang aking nararamdaman para sa kanya nakaramdam ako nang
kalayaan dahil sa wakas na sabi ko na lahat lahat kahit huli na.
“Wifey,
hinahanap ka na nina mommy sa loob.” Ang pagtawag ni Rome kay Ace. Pareho
kaming napatingin sa kanya. “Bakit ka umiiyak tol may problema ba?” Kita ko ang
pagtataka sa mukha nito nang makita akong nagpahid ng luha.
“Wala
parekoy nagda-dramahan lang kami ng syota mo. Wag mo na ulit sasaktan to ah!”
Sabay akbay ko dito. “Kung hindi aagawin ko to sayo.” Nagbibiro kong pagbabanta
sabay bigay nang ngiti.
“Di ako
mangangako parekoy pero gagawin ko ang lahat para maiwasang masaktan ang wifey
ko.” Nakangiti rin nitong sagot. “Tara na sa loob tama na yang dramahan nyo.”
Ang gaan
nang pakiramdam ko sa wakas malaya na ang puso ko kay Ace. Kailangan lang pala
nating tanggapin sa sarili na may mga bagay na hindi para sa atin. Totoo na ang
pinakamahirap gawin sa mundong ito ay ang pagtanggap pero pagnatutunan mo iyon
it will set you free from the agony.
Pinagpatuloy
namin ang gabi na masaya. Ramdam kong masaya ang bestfriend ko para sa akin
kita ko sa mga mata nito.
“Saglit lang
sagutin ko lang to.” Pagpapaalam ko sa kanila sabay pakita nang cellphone ko.
“Sino yan?”
Tanong ni Ace sa akin.
“Sekwet para
bibo.” At tuluyan na akong lumabas.
“Oh bakit?”
Magiliw kong sagot sa taong tumawag sa akin.
“Kamusta ang
muling pagkikita?” Halatang may tama na si gago.
“Mukhang
naging hobby mo na ang maglasing ah. Okey naman kami dito.” Tugon ko sa kanya.
Hindi ito
sumagot sa akin mukhang nasa isang bar ito dahil rinig ko ang ingay at malakas
na kwentohan ng mga tao sa paligid.
“Sunduin
kita?” Ang sabi ko sa kanya.
“Wag na.
Enjoy kanalang muna dyan.” Sabay putol nito nang linya.
Nagaalala
ako para kay Dorwin kaya naman agad akong bumalik sa umupukan namin at
nagpaalam na sa kanila gusto kong hanapin si Dorwin kong nasaan man ito.
“Guys, Una
na ako sa inyo.”
“Bakit pare
san ka pupunta?” Takang tanong ni Rome.
“Ano..
ahmmm…” Di ako makahanap ng idadahilan.
“Anong ahmmm
adik to. San ka sabi pupunta siguro may babae ka nanamang bibiktimahin noh?” Si
Ace na nakangisi.
“Hindi noh!
Basta, importante lang talaga.”
“Nakakatampo
ka naman Red, Ngayon lang ulit tayo nagkita-kita tapos aalis kana.”
Nagtatampong Wika ni Ace.
“Sige ganito
nalang. Pahiram muna ako nang sasakyan susunduin ko lang sya at dadalhin dito.”
Agad na
inihagis ni Rome ang susi nang kanyang sasakyan sa akin na maagap ko namang
nasalo.
“Shoot!
Balik ka agad ha.” Ang nakangiti nitong sabi.
Itutuloy:
25 comments:
my almost an hour of waiting is over i really love you zild hay... im your number one fan forever! :)
tama hula ko..si ate claire nga haha
ang ganda ng chapter na to kasi una sa lahat, hindi ka nambitin Z haha!
dito ko na naramdaman yung pagmamalasakit ni red kay dorwin. ang galing nga e. kasi kahit ako na mambabasa naramdaman ko yung desire na mawala yung sakit na nararamdaman niya.
at boto na kong magkatuluyan silang dalawa. nakikita ko kasi na natutulungan nila ang isa't isa sa mga sakit na nararamdaman nila e.
keep it up Z :)
Hahaha maganda kasi di ko binitin LOL.. I'll take that as a complement R.J.. maski man ako sa totoo lang ay gusto ko si Dorwin at Red kahit ako ang gumawa nito apektado parin ako sa storyang kasi nang yari talaga ito sa tunay na buhay..
salamat nang marami sa walang sawang pagsuporta sa gawa ko R.J..
Ingats lageh... ^_^
kala q nung cnbi mong mbigat ang chatper 13 eh hardcore dramahan and2, kea honestly ejo nadisappoint aq mtapos q bsahn..yan ang dhlan bt ayaw q ng spoilers
anyway, n22wa naman aq dhl nakikita q na ang pgkadevelop ng nraramdaman ni red towards dorwin... sna 2loy 2loy na yan :)
oi damulag ka! sbi q alisin m na ung “flame dragon ni recca” eh >_>
pasawai ka tlaga :((
Sa wakas may development na sa "love story" ni Red at Dorwin...
Nice work Mr Author..
Wow..hehehe..bakit mo naman nasabi yun Zild dun sa comment mo kay R.J para sinabi mo na hindi magkakatuluyan sina Dorwin at Red. After ng sawing pag ibig na naramdaman nila sana naman sila kasi iyon ang naiisip ko ng kaya sila pinagtapo ng tadhana..hahaha..
Pero abangan ko nalang yung susunod na update mo!
Jayfinpa - hahaha sorry po ko yon ang impact ng sinabi ko pero hihihi tingnan natin.. Bakit nga ba After All ang title nito.. >:O
i knew it!!!
hahahaha!!!
ayan na...redwin na talaga. nakapag let go na si red...
problem is... makakapag let go na rin kaya si dorwin???
red, the ball is in your court. bilisan mo na...santong paspasan na dapat!!!
nice one Z!!!
regards,
R3b3l^+ion
hehehehehehehehehehe
hihintayin ko na lang ang chapter 14!!!!
wala akong masabi eh!!!!!!!blanko ako ngayon!!!
ahihihi Rebel honga honga... pano didiskarte si Red kay Dorwin? :D :D
mcfrancis - preoccupied ka ata ngayon hihihihi... salamat sa mga comment guys :)
Ang ganda ng chapter na ito. nakakain-love!!! Masaya ako para kay red. sana next chapter na. hahaha. Love it!!
~billy
ang ganda ng pagkatagpi-tagpi ng the right time at nitong after all... whew..
at sa wakas, makakamove on na rin si red... pero parang may feeling ako na may hahadlang... hmmmmm...
-rover :D
sobrang ganda naman ang nagiging development ng story...
Red is starting to feel "something" for Dorwin. I think he is falling in love...deeply...
Red has this innate needs to be always the "knight in shining armor" in other people lives.
He is fulfilling his needs (of love and affection) by playing as a hero and by saving other souls in need.
Congrats Mr. Author
sana maging maligaya na din si Red sa piling ni Dorwin and sana magkaroon sila ng magandang love story.. i am really happy that mayroon na siyang chance to move on and carve another life with Dorwin.. Dear author please make Red happy naman kahit papaano.. I really feel his pains, struggles and the things he likes to do and accomplish.. btw, you really are a very good writer cause you are able to connect the stories really well.. thanks..
Dear Migz (naki Dear LOL)
wag po kayong magalala dahil gagawin ko ang lahat lahat nang makakaya ko to make this story favorable to Red. Alam kong naawa na kayo sa kanya lalo naman po ako dahil kaibigan ko sya... and salamat din po sa compliment u really made my day! ingatzz
you know natamaan ako dun pero it's too late pinalaya ko na ang aking Past and so i'm looking forward in the furture.. i'm grateful na nakilala ko ang mga Friends ko tulad mo kuya Z sina mommy lilie si tandang Khief si kuya jeffy si ran si Kuya Don si raire..
super natamaan ako sa story na to i know how it feels. :) good job looking forward sa next chapter
z... i just want to point out some technicalities. please don't get me wrong ah.
medyo napansin ko yung prevalence ng run-on sentences sa pagsulat mo. i have observed that some sentences were constructed too long. there were opportunities to either truncate these sentences, and slice and dice them as separate sentences.
sorry i cannot give examples kasi i cannot copy-paste them here in the comments box hehehe.
but these would be the scenes pertaining to the conversation between dorwin and ate claire where red was eavesdropping. and also dun sa kumakain na silang tatlo ng breakfast.
short sentences kasi have more impact as ideas are given more emphasis, owing to concise thought progression.
yun lang z... :-)
kulit ku noh... second comment ko na kasi 3rd time ko na binasa tong chapter na toh!!! hahaha... adik lang???
regards,
R3b3l^+ion
hahaha... Ikaw na talaga ang nagiisa, walang katulad, ang hari ng mga writer of all writer The best... Ano pa ba ang pwede kong sabihin... Wala na akong maisip... Hahaha
Rebel - naku pagpacnxahan mo na po medyo naging OA at ang paglagay ko nang adlib naration ko.. tungkol naman sa sentences hmmm try ko ayusin ang mga ganun.. Hehehe salamat rebel sa pagsasabi sa akin :)
Mike - welcome aboard!! hahaha di naman po ako magaling compared sa iba pero salamat pa rin... at salamat sa comment :)
okay lang zekiel. maganda ang takbo ng story. may naaamoy na kaming papasok na conflict pero alam mo na. basa lang muna ng tahimik na may anticipation :)
bwesiiittttt!!!!!kanina ko pa gustong matulog kasi wala pa akong tulog mula kagabi...pero di ko mapigilang magbasa sa ganda ng takbo ng kwento..keep it up :)
-jojiemon
hay salamat naman at sinabi m lahat ang naramdaman m kay ace... at least naging maluwag na pakiramdam m sa kanya,,,, life must continue... hala dali hanapin m si dorwin baka mapano un...
ramy from qatar
Free na si Red from pain. Now its time for Dorwin to forget his feeling for Neil para sila na ni Red. :) LOL [excited lang ako?haha]
Free na si Red from pain. Now its time for Dorwin to forget his feeling for Neil. Para go na sila ni RED. lol Exciting! LOL
gooo Redddd!!!haha..malaya na lola ko o!hihihi..
nice to know this side of the story..^^
-monty
Post a Comment