Wednesday, October 12, 2011

After All Chapter 09

Maraming salamat sa mga taong walang sawang nag babasa  every chapter nito. Ito na po ang chapter 9  sana magustohan nyo. Simula na po nang mahaba habang mga chapters sa AFTER ALL.


Rover, Lilee (Mama bear), Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (na talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta,Kristoffshaun,Migz, at Icy salamat sa mga comment nyo sa blog ko..


Rheinne,J.V,Jayson13,Dave17,Roman(roohmen),Zenkie(ayan di na ako mag kakamali),Dada,JM,The Who, Darkboy13,Rei,Pink 5ive, Rstjro29,Beucharist,Psalm,Nate_dominique, Wastedpup at sa mga anonymous at Silent Reader.. ang mga taong walang sawang nag comment sa BOL..


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

___________________________________________________





Hindi na ako nag hapunan pa sa bahay ni Dorwin hindi rin ito nagtext sa akin kung nasaan sya. 6.30 nang umalis ako para pumunta sa bar. Panay ang text sa akin nang mga kaibigan ko tungkol sa drinking session na mangyayari mamaya.


Mga alas nuebe nang isa-isang dumating ang mga kabarkada ko. Naunang dumating si Carlo at Tonet sumunod naman sa kanila si Mina, Chad, at si Angela na talagang pinaghadaan ata ang gabing ito. Agad akong linapitan ni Carlo at ipinaalala sa akin na kailangan naming magusap mamaya. Tango naman ang isinagot ko rito.


Nagsimula kaming maginuman. Napagusapan namin ang tungkol kay Ace at Rome. Lahat sila ay masaya para sa dalawa habang ako ay pilit itinatago ang tunay kong nararamdaman. Alam kong napapansin ito nang bestfriend ko dahil panay ang tingin nito sa akin pero pinili nitong manahimik nalang muna at wag nang ungkatin pa sa harap nang barkada ang saloobin ko.


Kaya kami naging close ni Carlo nung high school paman dahil sa ugali nyang yon. Hindi ito mahilig mangialam sa ibang tao. Pero kung nakikita na nyang kailangan na nang tulong ang kaibigan nya, gagawa ito nang paraan para makapagusap kayo nang masinsinan at masabi nya ang gusto nyang sabihin para matulungan ka. Hindi nya ipipilit sayo na gawin mo ang advice nya. Lagi nyang sinasabi sa tuwing matapos nyang magbigay nang opinion ay.


“Advice ko lang ito tol. Ikaw parin ang mag dedecide if you’re going to take it or leave it. Ang importante naibigay ko ang opinion ko.”


Nasa ganun akong pagiisip nang biglang magsalita si Tonet.


“Red, kamusta pala ang kita natin kahapon?”



“Okey naman at sa tingin ko hindi tayo lugi kung tuloy-tuloy na may papasok dito.” Habang sinasabi ko iyon iginala ko ang mga mata sa mga lamesa na halos lahat ay may nakaupo at nagsasaya. Nung una hindi ko alam kung magcli-click ang ganitong setup kasi nga mas gusto nang mga ka edad namin ang magpakawala sa pagsasayaw hindi ko akalain na may mga tao pa pala na mas pinipili pa ang ganitong setup ang uminum habang hindi mo na kailangan pang sumigaw para lang marinig ka nang katabi mo.


“Good, balak ko na kasing bilhin itong bar na to sa pinsan ko para na din hindi na natin kailangan pang magbayad sa renta dito.” Sabi nito habang nakangiti.


“Bibilhin? Girl, wala na akong budget di na ako makakapagbigay nang share kung sakali.” Ang nagaalalang wika ni Angela.


Maski ako hindi ko alam kong makakapagbigay pa ako sa kalagayan ko ngayon. Oo nga may perang pumapasok sa bar, pero iniipon ko lahat kasi everymonth ang hatian naming magkakabarkada. Yon ang naging usapan namin bago kami magsimula sa negosyong ito.


“Relax Girl, pera ko nalang muna ang gagamitin natin para bilhin ang bar na ito. Saka na natin problemahin kung paano nyo ako babayaran sa magagastos ko. I already talked to kuya  Xian about my plan okey naman daw sa kanya.” Pagpapaliwanag nito kay Angela.



“Guys, Hmmmm…” Singit naman ni Chad.



“Bakit Chad any suggestion? Napatingin kaming lahat kay Chad. Bihira lang itong sumali sa usapan naming magkakabarkada. Parang hanggang ngayon aloof parin ito sa amin.


“Ano kasi.. Kung okey lang ba kahit huli na ang sumali sa negosyo nyo?” Halata ang magkahalong kaba at pagaalangan sa mukha nito.


“Kaloka! Akala ko naman na buntis mo na bestfriend ko.” Banat ni Angela sabay tawa na parang wala nang bukas.


“Hindi, ah!” Pagdedepensa nito na biglang namula.


Pinandilatan naman ito ni Mina.


“Sorry!” Sabay bigay nito nang peace sign sa amin.


Napailing nalang ako sa kalokohan ni Angela. Tama si Ace, kahit kailan hindi talaga marunong tumiming ang loka lokang to.


“Chad, kasali kana sa barkadahang ito kaya you’re very much welcome to join us at pwedi ba wag kanang mahiya pa sa amin.”


“Sabi ko naman sayo hon, eh.” Wika ni Mina sabay pulupot nito sa kanang braso nang boyfriend nya. “Welcome na welcome ka sa mga barkada ko ang babait kaya nyan.” Dagdag pang pambobola nito sa amin.



“Oo nga ang babait namin.” Pagsakay naman ni Angela sa pambobola ni Mina.


“Sila lang ang mabait!” Wika ni Mina na kinatawa naming lahat.


Ganito ang barkada ko pagnakukumpleto sobrang kulit at saya. Pagkasama ko sila nakakalimutan ko lahat ng problema kaya siguro di ko sila kayang ipagpalit sa iba ko pang mga kaibigan na wala nang ibang alam kung hindi ang makipag inuman at puro kayabangan ang alam. Atleast with them may natututunan ako.


“Anyway Chad, Ganito nalang para hindi maging magulo isang share nalang ang sa inyo ni Mina hindi naman siguro kayo maghihiwalay di ba?” Pabirong wika ni Tonet.



“What do you mean girl?” Nagtatakang tanong ni Angela. Halatang di nakuha ang ibigsabihin ni Tonet.


“Si Chad nalang ang magbabayad nang dapat babayaran ni Mina para sa pagbili natin nang bar na ito. Automatically kasali na sya sa hatian natin every month.” Maarte nitong sabi. “Ayos ba sa inyo iyon?”



“So, Imbes na divided by 7 ay 8 na ganun?” Ani ni Angela na halata sa mukha na nagbibilang na. “Paano yan di mababawasan ang dapat nating makukuha everymonth?” Sabi pa nito nang marealize ang sitwasyon.


“May point si Angela girl.” Sabat naman ni Mina.


“Yep, mababawasan nga but it doesn’t matter. Gagawa tayo nang paraan para dyan at yung 15 thousand ni Chad ay i-didivide naman natin to 7. Para may tig two thousand plus na maibabalik sa atin. So, bale imbes na 15 yung share nating pito magiging 13 nalang. Sa susunod na bwan pa makukuha ni Chad ang 2k nya kasi papaikutin muna natin ang pera nya. Fair enough?”


“Kahit naman hindi na maibalik sa akin yung 2 thousand okey lang. Gusto ko lang sumali para mas lalong maramdaman ko na bahagi na rin ako nang grupo nyo.” Sagot naman ni Chad.


“Taray!” Wika ni Angela.


“Pero kailangan din malaman ni Ace at Rome to.” Pambabaliwala ni Tonet sa sinabi ni Angela.


At yon na nga napagdesisyunan naming isali si Chad sa negosyo naming pito. Wala namang problema sa akin yon kasi nakikita ko naman na mabait na tao si Chad at talagang seryoso ito kay Mina pati rin yung iba ganun ang nararamdaman para sa kanya kaya welcome na welcome sya sa amin.


Habang lumalalim ang gabi patuloy parin ang usapan at inuman namin. May tama na ako dahil muli, hindi nanaman ako nakapag hapunan. Mga alas dose na ata iyon nang dumating ang hindi ko inaasahang tao sa bar na may dala dalang bar-be-que. Kumaway pa ito sa amin habang papalapit ito. Napakunot ako nang noo.


“Dorwin! Buti at nakahabol ka.” Ang pagbati ni Tonet rito.


Mas lalo naman akong nagtaka sa sinabi ni Tonet. Parang expected na nya na dararating si Dorwin sa gabing iyon.


“Hey guys.” At nakipag kamayan ito kay Carlo at Chad. Napatingin lang ako sa kanya na may pagtataka.


“Hey.” Ang bati nito sa akin. Tango lang ang ibinigay kong sagot rito.


“Who’s this handsome guy?” nagtatakang tanong ni Angela. Wala nga pala sya nung maginuman kami na kasama si Dorwin.


“Si Dorwin ang poging pinsan ni Ace.” Pagpapakilala ni Mina rito. “Dorwin meet my bestfriend Angela. Wala sya nung maginuman tayo kasi nag overload ang utak nya dahilan para lagnatin sya.” Patawang pagpapakilala naman ni Mina kay Angela.


“Nice to meet you pogi. May girlfriend kana ba?” Sabay ayos nito nang tube nya para ipakita ang nagmumura nitong cleavage.


“Desperada ikaw ba yan?” Wika ni Mina sabay tawa nang nakakaloko na ikinatawa naming lahat.


“Tse! Panira ka talaga besh!” tampo-tampuhan nitong sabi.


“Bakit ang tagal mo pare?” Singit ni Carlo nang makaupo ito sa tabi ko. Amoy ko ang pabango nito na talaga namang kahit na sinong babae ay maaakit. Kung hindi ako nagkakamali ang pabango nya ay jovan musk na talaga namang mamahalin.


“Kailangan ko pa kasing pagaralan muna ang kasong hinahawakan ko, eh. Mahirap na baka matalo pa.” Wika nito habang nakangiti.


“Abagado ka?” Manghang tanong ni Angela rito.


“Oo girl abugado sya. Di halata sa suot nya noh?” Sagot ni Mina sa tanong nito.


Hindi mo nga masasabing abogado ang kaharap namin ngayon dahil naka walking shorts lang ito at blue na T-shirt. Kung titingnan mo sya ngayon para lang syang teenager na mahilig gumimik at walang inaalalang kaso.



“Naku, tama na yang about sa akin. May nadaanan akong marasap mag bar-be-que kaya bumili ako para dalhan kayo.” Wika nito sabay tingin sa akin. Parang alam ko na kung para saan ang tingin na yon. Siguro alam nyang hindi pa ako naghahapunan.


“Wow! Sa wakas hindi na puro nochas ang isusuka ko mamaya.” Walang prenong sabi ni Angela. Sanay na kami rito sa mga punch line nitong hindi pinagiisipan kung angkop ba sa lugar at sa mga kaharap nya.


“Kadiri ka namang girl!” Reklamo ni Tonet na halata sa mukha ang pangdidiri.


“Anyway, Dorwin alam mo naba na nandito na ang pinsan mo at ang bestfriend nya?” Tanong ni Mina rito.


“Talaga? Hindi eh. Minsan lang magparamdam yung pinsan kong yon. Im sure mabibigla yon kung makita ako dito na kasama kayo.” Magiliw nitong sagot.


“Hindi ba kayo close?” Tanong naman ni Tonet.


“Close kami pero sabi mo pa nga nung sa opening nyo sobrang reserved nang pinsan kung yon.”


“You mean pati sa inyo ganun din sya?” Sabat naman ni Mina.


“Yep. Kay Ate Claire lang sya madaldal.” Sagot naman nito rito.


Maski pala sa pamilya ni Ace ganun sya?  Ang naitanong ko sa aking isip habang nakikinig sa usapan nila.


Naging welcome din sa kanila si Dorwin lalo na si Tonet at Carlo na para talagang close na close na sila rito. Si mokong naman enjoy na enjoy sa pagsagot sa mga tanong nila lalo na si Angela na sobra kung makapag tanong. Para itong high school kung magtanong kagaya nang favorite color at favorite book nito. Pinili ko nalang manahimik ang importante sa akin ay marunong din naman pala syang tumupad sa usapan. Siguro natatakot na hindi na sya makaka score pa sa akin kung sakaling sumira sya.


Busy sila sa pakikipag usap kay Dorwin nang biglang tumayo at lumapit sa akin si Carlo.


“Guys sa loob muna kami ni Red may paguusapan lang.”


“Ano naman ang paguusapan nyo abir? Bakit kailangan pang sa loob kayo magusap kung pwedi naman dito?” Nakataas pang kilay na sabi ni Angela.


“Usapang lalaki lang.” Sabay ngisi nito. “Dyan lang muna kayo mga tol may paguusapan lang kami nang bestfriend ko.” Dagdag pang wika nito kay Dorwin at Chad sabay akbay sa akin.


“Sige babe go!” Pagpayag ni Tonet na may kasama pang kindat sa akin.


Wala nang nagawa pa si Angela. Agad kaming pumasok sa loob na may dalang tig iisang bote nang san mig light at tinungo namin ang bar counter. Gusto ko rin malaman kung ano ang ibig pagusapan ni Carlo.


“Alam kong lumayas ka sa inyo. Tinawagan kita sa landline nyo kagabi nang sabihin sa akin ni Janice na dumaan ka raw sa bahay at hinahanap ako. Naka usap ko mama mo ayon iyak ng iyak galit ka raw sa kanya.” Agad nitong sabi nung makaupo kami.


Nag sindi muna ako nang sigarilyo bago nagsalita.


“Pinalayas ako nang magaling nyang asawa.” Wika ko na parang nagsusumbong.


“Pinalayas? Bakit ka pinalayas di ba bahay yon nang papa mo? Wala syang karapatang palayasin ka. Di ba sya pinigilan nang mama mo?” Kita ko sa mukha nito ang pagaalala sa akin.


“Yon nga ang masakit tol, eh.” sabay lagok nang alak dahil muli nanamang nanuyot ang lalamutan ko. “Pinapili sya nang asawa nya.”


“Pinapili?” Paguulit nito sa sinabi ko. Kita ang pagtataka sa mga mata nito.


“Pinapili.” Walang gana kong sagot rito. “Sinabi nang magaling nyang asawa na kung hindi daw ako papalayasin ni mama sa bahay ay sila daw mismo ang aalis kasama ang dalawa nilang anak at di na daw ulit sila makikita ni mama.”


“Wag mong sabihin..” Hindi ko na sya pinatapos pa ako na mismo ang tumapos sa sasabihin nya.


“Sila ang pinili ni mama.” Sabay bigay nang pilit na tawa. “Nakakatuwa noh? Ako ang tunay na anak pero ako ang initsapwera.”


“San ka naligo? San ka nagpalit nang damit? San ka kumain?” Sunod sunod nitong tanong sa akin.


“Ampon ako ni Dorwin.” Simpleng sagot ko rito. Sa buong barkada si Carlo lang ang nagiisang tao na hindi ko kayang pagsinungalingan. Siguro dahil alam kong walang silbi ang pagsisinungaling ko dahil paniguradong malalaman at malalaman nya kung san ako nakatira. Ganun ka maabilidad si Carlo.


Sa sinabi kong iyon napalingon sya sa labas kung saan naguumpukan ang mga barkada namin. Ibinalik nya ang tingin sa akin sabay sabing.


“Dorwin? As in si Att. Nivera? Yung pinsan ni Ace? Paano?” Sunod sunod nitong tanong na halata sa mukha na di ito makapaniwala.


“Katulad din sya ni Ace.” Walang gana kong sagot sa mga tanong nya.


Nanlaki ang mga mata nito. Halatang na bigla ito sa nalaman.


“What do you mean?”


“Lalaki rin ang trip nya.” Sagot ko rito sabay bigay nang ngising nakakagago.


“Wag mong sabihing kayo na?” Nag aalalang tanong nito sa akin.


“Hindi noh! Gago ka ba? Si Ace lang ang tanging lalaki na nakakapag patibok nang puso ko.” Nabigla ako sa ginawa kong pagamin. Siguro dala nang kalasingan nakalimutan ko nang itago ang damdamin ko.


“Di umamin ka rin.” Sabi nito sabay tawa.


Binigyan ko sya nang nagtatakang tingin.


“Matagal na naming napapansin ng baby ko na sobrang dikit ka kay Ace nung mga panahon na nagaway sila ni Rome. Hindi naman namin masisisi si Rome kung bakit pinagselosan ka nya dahil halata sa mga mata mo na malakas ang tama mo kay Ace.” Ngingiti ngiti nitong sabi.


Para akong na statwa sa kinauupuan ko nang malaman na alam na pala nilang lahat ang lihim kong damdamin para kay Ace. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, kung dapat ba akong matuwa dahil may nakakaintindi rin pala sa nararamdaman ko o dapat ba akong mainis dahil itinago nila iyon sa akin.


“Pare, ito lang masasabi ko sayo. Mga kaibigan mo kami kahit lalaki paman ang mahalin mo tatangapin namin yon dahil ang mahalaga sa amin ay ang kaligayahan mo. Katulad nalang nang pagtanggap namin sa namamagitan kay Rome at Ace.” Malumanay nitong sabi sa akin.


Napayoko ako. Nahiya ako dahil hindi ko sila pinagkatiwalaan. Ang galing galing ko pa namang mag payo kay Ace na tanggap namin kung ano ang meron sya eh ako rin pala kailangang tangapin sa sarili ko na iba na ako ngayon. Iniba na ako nang pagmamahal ko para kay Ace.


“Bilib nga ako sayo eh. Nagawa mong magparaya pero alam ko rin na masakit iyon para sa iyo kaya nga hindi muna ako nagkomento kahit nahahalata ko na. Gusto ko munang makita kung hanggang saan ka dadalhin nang nararamdaman mo kay Ace. Akala ko nung una talagang gusto mo lang syang tulungan.” Lumagok muna ito nang iniinum nya bago nagpatuloy.


“Alam kong masakit pare, pero tama na. Masyado kanang nasasaktan sa pagmamahal mo kay Ace ayaw ko mang mangaling ito sa akin, pero alam nating lahat kung sino ang tinitibok nang puso ni Ace at yon ay hindi ikaw ang isipin mo nalang masaya na si Ace sa piling ni Rome makontento ka nalang sa kung ano ang meron kayo.”


Nasaktan ako sa deretsahang pagsabi sa akin ni Carlo. Pero tama sya masyado nang masakit at hindi ko na kaya ang nararamdaman ko siguro panahon na rin para simulan ko nang kalimutan nang tuluyan si Ace at ipaubaya na ito kay Rome. Nanatili lang akong tahimik at nakayoko. Ayaw kong ipakita sa bestfriend ko ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata.


“Kunin mo mga gamit mo kay Dorwin. Don kanalang muna sa amin tumira tol.” Sabi nito sa akin.


“Hindi na tol salamat nalang. Okey na ako sa puder ni Dorwin.” Sabi ko dito na nakayuko pa rin.


“Tol, sabi mo nga di ba katulad ni Ace yung pinsan nya para na rin makaiwas ka sa tukso.” Pagpupumilit nito.


“Huli na tol, may nangyari na sa amin. Ibenenta ko na kaluluwa ko sa kanya kapalit nang pansamantalang pagtira ko sa bahay nya.” Pagamin ko pa rito sabay bigay nang pilit na ngiti.


Kita ko sa mukha ni Carlo ang pagkabigla at awa para sa akin. Magsasalita na sana ito nang biglang may magsalita sa likod namin.


“So, kaya pala di mo ako magustohan dahil lalaki rin pala ang gusto mo. Dapat sinabi mo sa akin para nag join force tayo.” Ang biglang wika ni Angela.


Halos magkasabay kaming napalingon ni Carlo sa gawi nya. Si Carlo na halata pa rin ang pagkabigla habang ako naman ay hindi mawari kong anu ang isasagot sa kanya.


“Halos lahat ata nang poging lalaki ay lalaki na rin ang hanap. Mukhang dapat na akong magmadali or else mauubusan ako.” Sabay tawa nito nang nakakagago.


Pareho kaming hindi nakapagsalita ni Carlo.


“Ano? Tutunganga nalang kayo dyan? Yesterday! Na rinig ko lahat nang pinaguusapan nyo about how Red loved Ace eversince the world begun at si papa Dorwin na katulad rin pala ni Ace.” Maarteng wika nito na sinabayan pa nang pagkampay kampay nang kamay nya. Halata sa guestures ni Angela na tinamaan na sya.


Lumapit ito sa akin at agad na umakbay.


“So, tulad ni Rome lalaki rin ang trip mo? Kainis ka naman! Pero keri lang yon matagal ko nang isinuko ang nararamdaman ko sayo.” Sabay agaw nito nang hawak kong bote at inubos ang natitirang laman. “Mabuti pa si papa Dorwin na tikman kana ako kaya kelan kaya ako madidiligan nang kasing pogi mo?”


Nagkatinginan kami ni Carlo at sabay na humagalpak nang tawa. Sa totoo lang maganda si Angela, kutis palang ulam na ika nga nila, pero hindi ko talaga sya type kahit nung high school palang kami. Sobra kasing daldal nang babaeng to na daig pa ata ang armalite. Pero sa lahat nang mga babae si Angela ang pinaka the best kasi sobrang thoughtful at maalalahanin.


“Mga walang hiya kayo. Sige, pagtawanan nyo lang ako. Pag ako nakahanap nang fafa makikita nyo!” Pagmamaktol nito habang hinahampas hampas ang braso ko.


“Try mo kasing manahimik minsan kahit isang araw lang.” Biro ko sa kanya.


“Ah ganun? Try ko kayang sabihin kay Ace na pinatos mo pati pinsan nya?” Inis nitong sabi sa akin.


“Patay tayo dyan.” Sabi ko sabay hagalpak nang tawa. Alam kong hindi gagawin ni Angela yon. Mahal ako nang babaeng to.”


“Tse! Don na daw tayo sa labas. Naubusan na kami nang itatanong kay papa dorwin.” Sabi nito.


Akmang tatalikod na sana sya sa amin para bumalik na sa labas nang tawagin ko sya. Napalingon naman ito.


“Salamat ha.” Sabay bigay nang isang matamis na ngiti.


“Basta ba ibalik mo lang ang pagiging masayahin mo walang kaso.” Sabay talikod nito sa amin.


Nagkatinginan kami ni Carlo na parehong may mga ngiti sa aming labi.


“Salamat din tol.” Sinsero kong sabi.


“No worries!” At binigyan ako nito nang nakakagagong ngiti. “Make sure to fix everything before its too late pare.” At tumayo na ito at susunod na sana kay Angela nang bigla ko itong tawagin.


“Hoy! San ka pupunta? Di mo ba ako pipiliting don sa inyo tumuloy?”


“Don kanalang muna kay Dorwin. Mas matutulungan ka nya sa problema mo.” At tuluyan na nga nya akong iniwan na nagtataka sa huling sinabi nya.


Ano kaya ibig sabihin nang loko lokong yon? Ang di ko mapigilang tanong sa aking isip.


Isinang tabi ko nalang muna ang sinabi nito at sumunod na sa labas. Tawanan at tuksuhan ang ginagawa nila. Tinutukso nila si Mina at Chad sa sobrang ka-sweetan nito. Si Tonet naman ay nag thumbs up sa akin pagkabalik ko sa umupukan ngiti ang isinagot ko rito sabay kindat.


Alas tres na nang madaling araw. Usapang kalokohan ang sumunod na mga nangyari hangang sa isa-isang kaming tinamaan ng alak. Si Carlo at Tonet ay panay na ang harutan habang si Dorwin, Mina at Chad naman ay masayang pinanunuod ang dalawa. Si Angela naman ay nakaidlip na sa kanyang kinauupuan sa sobrang kalasingan.


“Knock down na ang babaeng machine gun ang bunganga.” Biro ko sa kanila sabay turo kay Angela na ikinatawa naming lahat pati si Dorwin ay humagalpak sa tawa.


“Ikaw na ang susunod. Halata na sa mga mata mong singkit na malapit kanang pumunta sa dreamland.” Tatawa-tawang sabi ni Tonet.


“Dorwin family day nyo pa mamaya, go na kayo ni Red, kami na ang bahala sa bar at kay Ange.” Wika naman ni Mina.


Napa “huh!?” ako sa sinabi ni Mina.


“Etchusero. Kanina pa namin alam na pinalayas ka nang magaling mong step father. Don kanalang muna makituloy kay Dorwin since na nasabi nya sa amin na may sarili syang bahay. Kinausap na namin sya wala daw problema sa kanya.” Sabat ni Tonet. “Bukas na natin pagusapan ang magandang solusyon dyan sa problema mo.” Dagdag pang wika nito.


“Dorwin pakainin mo muna yan, ah. Hindi pa naghahapunan yan.” Wika naman ni Mina.


Napalingon nalang ako kay Dorwin at binigyan sya nang matipid na ngiti.


“Sige na tol, lumayas na kayo kita kits nalang tayo bukas.” Sabat pa ni Carlo habang nakangising aso sa akin.




Itutuloy:

19 comments:

kristoff shaun said...

una din dito haah inabangan talga ng bongga

Anonymous said...

simula na ba ito??? hehehehe...

sana nga.. simula na nang redwin tandem minus the gamitan and todo libugan... LOL...

once again, really nice work Z! para lang true to life story.. yung kahit sino makakarelate sa different aspects ng story.. di yung out of this world masyado.. :D

-rover

russ said...

ang sweet na magbarkada...sana ganun din ang mga barkada ko.

Migz said...

sarap ng barkadahan nila.. i really like the character of red at iyong kabaitan niya, sana lang may taong ganyan sa totoong buhay.. to the author, thanks for a story like this, it helps people dream and for once think of things that detach them from the daily grinds of life.. kudos!

Anonymous said...

Haaaayy... Nabitin ako dito. hahaha...walang dorwin and red moment. hehehe.. Thanks sa Author. Ang galing! Sana may chapter 10 na agad. di halatang atat.... lol.

~billy~

Lawfer said...

lol lukaluka ung angela xD female version ni kengkoy xD

wlang kawawaan portion ky red ngaun, salamat naman :3

RJ said...

well, for the first time hindi ako nabitin haha! ito na siguro yung pinaka-thoughtful na chapter so far. saka dito na lang nagkaron ng konting sense si Angela. dati kasi parang lagi siyang bimbo e hehe.

at ano kayang nagbago kay dorwin? nung una naman kasi may pagka-insensitive at feeling close siya e. pero ngayon parang nagiging reserved na rin siya. yun nga lang, ang liit talaga ng tingin sa kanya ni Red.

nice one Z. ingat! :)

Zildjian said...

Hohohoho salamat sa mga nag comment :) Billy welcome aboard! sa friday na po ang chapter 10 abangan ang mga susunod na mang yayari at kung bakit pinamagatan itong AFTER ALL.

Anonymous said...

ang tagal pa ng friday Z!!!! hmpf!!!

hahaha...

i guess you we right about your response to my comment in chapter 8. red has started to accept his rut in life. and nice thing is the universe has started to orchestrate the solutions to his problems...

i think what carlo meant to do is to have dorwin distract red's love for ace. maabilidad nga si carlo. reader siya ng buhay buhay, sensitive to other people's sensibilities...

so dorwin now becomes part of the solution to red's problems. and if my theory is correct that dorwin loves red, then in time red will start to see this.

and then, since wala nang extra baggage si red because of self-acceptance and acceptance from his friends, then he will start to feel something for dorwin...

then tunay na magkaroon ng "redwin" (sabi ni rover above)...

nice one Z!!! keep it up!

at bilis-bilisan ang pag post ah... tagal ng friday!!! (demanding!!! hahaha)

regards,

R3b3l^+ion

dada said...

Nakakatuwa ang mga ganitong barkadahan....hnd naman ganun ka sad tong chapter n toh pero naiyak aq lol....wew eggcited for friday update!!!.... Kagigizing koh lang pero nagbabasa n aq agad ahaha wew malapit n aqng magtraining sana hnd ko ma miss mga highlights ng story huhu... God Bless Zildjian

mcfrancis said...

ganun? kaloka parang wala lang nangyari, no big deal lang kay Red!!!!!

Anonymous said...

Wow! A perfect story for friendship and acceptance!! I missed my college friends because of this story.. *sobs*
Love this chapter!! Sobra..
-icy-

lilee said...

i love this chapter.....lalo na may eksena ang favorite kong si angela....

i miss barkada moments....

congrats Zildjian....thanks for this wonderful story.....

Zildjian said...

Rebel - Hahaha ngayon mo lang nasabi na excited ka sa susunod na mangyayari :) tomorrow ^_^ 8pm +GMT ang pagpost ko nang chapter 10 :D


Mama bear - thank you mama bear? :) *hugs*

wizlovezchiz said...

Napamura talaga ako sa pagsulpot ni Angela, "Tang inang tsismosang yan" talaga nasigaw ko habang tumatawa sa pagkabigla lol... I love her so much I'm starting to hate her existence and sh'e sone of the reasons why I like this story. Hinihila kasi niya pataas bigla yung aura ng kwento mo Zekiel. Natigang naman ako kay Red habang kausap niya si Carlo. So alam naman na pala nila ngayon? Wala na labas na secret ni Red. Masosolo na siya ni Dorwin ng libre ngayon hihihihi

Anonymous said...

hahahaha

-jojie

Anonymous said...

red.... kalimutan m na lang si ace... nan jan naman si dorwin... tyak mahal k rin nya... kita mo tanggap k rin ng mga frends m... naks maging pinsan k rin ni ace balang araw....

ramy from qatar

slushe.love said...

Ih, winner ang friends ni RED. Supportive kay Red. LOVE it!

Anonymous said...

echusera talaga yang c angela!ahaha..pero infairness i like the friendship nila!^^

natawa nmn ako nung nadulas si red sa feelings nya ke ace nung magkausap sila ni carlo!hahaha...aunoh!;)

-monty

Post a Comment