Maraming
salmat sa walang sawang pagsuporta nyo sa pangalawang gawa ko. Ito na po ang
chapter 15 ng AFTER ALL. Gusto ko rin pong pasalamatan ang mga taong walang
sawang nagbibigay nang kanilang komento sa bawat chapter na sina.
Rover, Lilee,
Rue (rue rue your boat), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (Great Pink 5ive),
Jayfinap (Ang idol ko), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, Kristoffshaun,
Migz, Icy, Billy, Ran(Randolf), Roman (roohmen), Mike, ICE, Ros Magno, Kay
Anonymous (na nagcomment sa chapter 14), CUPIDO (Ang makwela kong chatmate) at
sa mga Silent Readers salamat guys.
Jefofotz
(Jeffrey Paloma) – Salamat sa pagmamarathon mo sa The Right Time at sa After
All biruin mong nagawa mo yon nang dalawang gabi lang di ka rin adik noh?
HAHAHAHA
DISCLAIMER: This story is a work of
fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely
coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in
any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or
use this story in any manner without my permission.
Kinabukasan nakaramdam ako nang uhaw kaya ako nagising. Nang mapatingin ako sa wall clock ay magaalas onse na pala. Ibinaling ko ang aking tingin sa taong ngayon ay mahimbing na natutulog katabi ko. Nakaunan ito sa aking kanang braso at nakayakap sa akin. Halos abutin kami nang sikat nang araw kanina sa aming ginawa. Napangiti ako nang magbalik sa aking alala ang mga nangyari.
Dahan-dahan
kong inihiga ang ulo nito sa unan at tumayo na. Kailangan kong maghanda para sa
aming tanghalian. Pinulot ko ang nagkalat naming saplot sa ibaba nang kama at tinungo
ko ang banyo para maghilamos at makapag toothbrush na rin. Nang makapag bihis
ay isinunod kong ligpitin ang mga bote nang RH at mga supot nang mani na binili
namin at dinala na ito pababa.
Napagdesisyunan
kong magluto nang sinigang para may sabaw, panigurado kasing may hangover
nanaman yon pagising. Nagsaing na rin ako nang kanin at bumili nang coke sa malapit na tindahan sa labas.
Nang maluto
ko ang inihanda kong putahe para sa aming tanghalian ay umakyat akong muli sa
kwarto para gisingin sya.
“Damulag.”
Ang mahina kong sambit habang niyuyugyog sya nang marahan.
Hindi ito
natinag sa ginawa ko. May pumasok agad sa isip ko para tuluyan itong magising
at ginawa ko nga. Hinalikan ko sya sa labi kasabay nang paghimas sa kanyang
nakatayong sandata na natatakpan nang makapal na kumot. Hindi nga ako nagkamali
napamulat ito at parang nabigla. Napa hagikhik ako sa kanyang naging reaksyon.
“Good
morning Damulag!” Ang magiliw kong bati sa kanya at binigyan sya nang isang
halik.
“Ano
ginagawa mo?” Nakakunot nitong tugon sa akin.
“Ginigising
ko ang mahal ko dahil nakahanda na ang pagkain sa baba.” Hindi pa rin mawala
ang magiliw na aura sa akin.
“Kinabahan
naman ako. Kala ko i-score ka nanaman.” Sabi nito na ngayon ay nakangiti na.
Napahalakhak
ako sa sinabi nito.
“Hindi pa.
Mamaya na ako i-score pagkatapos kumain ng mahal ko.” Paglalambing ko rito.
“Tara na, bangon kana baka lumamig ang niluto ko.” Dagdag wika ko pa.
“Di ka rin
napapagod noh?” Pabiro nitong sabi.
“Hinding
hindi ako mapapagod basta ba lagi mo lang gagawin yung ginawa mo sa akin kanina
eh.” Sabay kindat ko sa kanya.
Kita kong
namula ito nang bahayga. Ang cute talaga nitong asarin dahil pagnamumula ito ay
madali mong mapapansin sa sobrang puti nya.
“Grabe ka. Nakarami
na nga tayo kanina gumaganyan ka pa. Baka dugo na ang lumabas sayo.” Biro
nitong sabi at tumayo na.
Napakunot
noo ako sa aking nakita. Tumingin din ito sa gawi kung saan nakapako ang aking
tingin.
“Wag kang magalala okey lang ako.” Paninigurado nitong sabi na sinamahan pa nang matamis na ngiti.
“Pero di ba
napasok ko na yan dati? Bakit dumugo ulit, masakit pa ba ngayon?” Nagaalala
kong tanong sabay lapit ko sa kanya.
“Sa laki ba
naman nito.” At dinakma nito ang putotoy ko. “Sino ang di duduguin?” Dagdag
pagbibiro pa nito.
“Sigurado ka
bang okey kalang?” Hindi pa rin mawala ang pagaalala ko dahil sa dami nang
mantsa nang dugo sa kobre kama at meron din akong nakita sa kumot.
“Don’t worry
okey lang ako kahit mag round 4 pa tayo ngayon.” Nakangisi nitong sabi sabay
halik sa akin.
Agad namang
napawi ang pagaalala ko dahil sa biro nya. Hindi naman siguro sya magyayaya
nang ganun kung may nararamdaman syang kakaiba ngayon.
“Sige,
mamaya round 4 tayo, pero kain muna tayo para may energy ako.” Ang nakangisi ko
nang sabi rito.
Tumatawa itong
pumasok sa banyo. Habang ako naman ay ngingiti ngiting tinanggal ang bed sheet
at kinuha ang kumot na may dugo para malabhan.
Nang matapos
maayos ang kwarto ay sakto namang paglabas ni Dorwin na ngayon ay bagong ligo
na.
“Aba!
pinaghahandaan ang round 4 mamaya ah.” Biro ko rito. “Ang bango bango naman nang
mahal ko.” Sabay yakap ko rito mula sa likuran at binigyan sya nang mga damping
halik sa kanyang batok habang kumukuha
sya nang damit sa cabinet.
“Baliw.”
Tatawa-tawa nitong sagot sa akin halatang kinikilig.
“Tara na
bumaba na tayo baka di ako makapagpigil ikaw ang kainin ko.” Sabi ko rito na di
parin natatangal ang pagkayakap sa kanya.
“Paano naman
kasi ako makakapag bihis kong nakayakap ka. Tsaka yung ano mo tinutusok likod
ko.” Tukoy nito sa aking sandata na unti-unti nanamang tumitigas.
Tatawa-tawa
akong bumitiw sa kanya para tuluyan na syang makapagbihis. Nang matapos ito ay
agad na kaming bumaba para kumain.
“Wow! Sarap
naman nitong hinanda mo.” Magiliw nitong sabi sa akin.
“Kasing
sarap ko?” Tanong ko sa kanya na may kasamang pilyong ngiti.
“Mas masarap
ka parin syempre.” Ang namumula nitong sagot sa akin.
Napa
hagikhik nalang ako sa sinabi nito.
Talaga
palang mahilig si Dorwin sa coke dahil halos mangalahati sa kanya ang binili
kong 1.5 hindi pa man ako naglalagay sa baso ko.
Tinulungan
ako nitong magligpit at maghugas. Sya ang taga banlaw at ako naman ang taga
sabon. Nagbibiruan pa kami habang ginagawa iyon. Nariyan ang babasain nya ang
mukha ko nang tubig na ginagantihan ko naman nang paglagay nang sabon sa
kanyang mukha. Napakasayang simula para sa aming dalawa.
Nang matapos
kaming makapaghugas ay isinunod ko namang ibabad sa washing machine ang kumot
at ang bed sheet. Sinadya nya daw talagang bumili nang washing machine para sa
mga ito dahil sobrang bigat kung dadalhin pa nya ito sa laundry shop. Napaisip
tuloy ako kung pano nya ginawa yon magisa sya pa naman ang tao na sa tingin ko
walang alam sa mga gawaing bahay.
Halos
magaalas dos na nang hapon ng matapos kami sa lahat nang gawaing bahay. Mabagal
dahil puro harutan ang ginagawa namin habang naglilinis. Nang umakyat kami sa
kwarto agad kong tiningnan ang cellphone ko kung meron ba akong mensahe or
missed calls. Hindi nga ako nag kamali meron akong apat na mensahe at lahat ng
iyon ay galing kay Ace. Ipinaalala nito sa akin na may paguusapan kami mamaya.
Napailing nalang ako sa nalalapit na interrogation na mangyayari.
“Oh, bakit?”
Pagpansin ni Dorwin nang makita akong napapailing.
“Yung pinsan
mo mukhang gigisahin ako mamaya.” Lungkot lungkutan kong sabi.
Natawa ito
sa ginamit kong termino.
“Panigurado
yon. Hindi nya alam ang tungkol sa akin eh.” Animoy natutuwa pa nitong sabi.
“At talagang
na tutuwa ka pa ha? Paano, sasabihin ko ba ang tungkol sa atin?” Di ko kasi
alam kong okey ba sa kanya kung malaman ng barkada ko ang tungkol sa amin.
“Ang tanong
dyan ay gusto mo bang sabihin?” Nanunubok nitong balik tanong sa akin. Alam
kong hindi pa ito tuluyang naniniwala sa mga sinabi ko sa kanya kanina.
“Gusto kong
sabihin sa kanilang lahat.” Seryoso kong sabi.
“Hindi ka ba
natatakot na pagtawanan nila? Baka magwala si Angela.” Nakangisi nitong sambit
parang ewan lang.
“Hindi nila
gagawin yon at tungkol naman kay Angela di mo sya dapat pagselosan.” Nakangiti
kong pangaalaska.
“Pagselosan?”
Paguulit nito sa sinabi ko sabay tawa nang nakakagago.
“Bakit di mo
ba ako ipagdadamot?” Lungkot-lungkutan kong sabi rito.
“Asus nag
tampo ang mama.” Naglalambing naman nitong sabi sabay yakap sa akin.
Hindi ako tumugon
sa yakap nito sa halip pinagpatuloy ko ang pagarte na kunyare nagtatampo. Gusto
kong makita kong paano nya ako aaluin.
“Hala, nag
tampo na nga. Syempre ipagdadamot kita pero hindi sa mga kaibigan mo alam ko
kasing mababait sila at magandang impluwensya sayo kaya wala akong nakikitang
dahilan para ipagdamot ka sa kanila. Tungkol naman kay Angela alam ko namang
hindi mo type yon kasi kung type mo yon dapat kayo na di ba?” Mahabang sabi
nito pero hindi pa rin ako kumibo.
“Wag kana
magtampo.” Sabi nito iginaya ang mukha ko paharap sa kanya sabay bigay nang isang
matamis na halik na tinugon ko naman agad.
“Halik lang
pala ang katapat.” Nakangiti nitong sabi nang maghiwalay ang aming labi.
Ngumiti na
rin ako rito at muli kong inangkin ang kanyang labi. Naging malalim ang halikan
namin hanggang sa nauwi nanaman ito sa isang marubdob na pagtatalik at muli ko
nanamang narinig ang ungol nito na parang musika na sa aking pandinig.
Nagising
akong muli pasado ala singko nang hapon agad na hinanap kong hinanap si Dorwin
na wala na sa aking tabi. Tinungo ko ang banyo para tingnan kung may iniwan
itong sticky note doon dahil ito ang lagi nyang ginagawa tuwing aalis na hindi
nagsasabi sa akin.
Punta muna ako sa bahay nina lola
para magpaattendance alam mo naman Sunday ngayon at family day. Babalik rin ako
agad before mag 6pm. Hinatayin mo ako ah sasamahan kita sa pagpunta mo sa bar
para di ka magisa masyado ni pinsan.
Dorwin
Nakangiti
akong naligo para maghanda na sa pagpunta sa bar. Hindi ko alam kong saan kami
dadalhin ni Dorwin sa relasyon naming ito pero ang masasabi ko lang ay masaya
ako ngayon. Gusto kong ibigay kay Dorwin lahat ng pagmamahal na balak kong
ibigay kay Ace noon. Ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal na gusto nyang
maramdaman sa abot ng aking makakaya.
Dumating nga
si Dorwin at gumayak na kami papunta sa bar. Nagtext na rin si Ace na pupunta
sila after dinner. Napagdesisyunan naman namin ni Dorwin na mag takeout nalang
sa isang fastfood para sa dinner namin.
Pasado ala syete
wala pang masyadong tao nasa labas kami ni Dorwin at katatapos lang lantakin
ang tinakeout naming pagkain sa Jollibee na ilang kanto lang ang layo sa
kinatatayuan ng bar.
“Sa tingin
mo ba kailangan pa nating sabihin sa kanila ang tungkol sa atin?” Nagaalalang
tanong ni Dorwin.
“Oo, kasi
gusto kong ipagsigawan sa lahat na ikaw ang mahal ko.” Ang nakangiti kong tugon
sa kanya.
“Yon ba
talaga ang dahilan o may iba pa?” Ang tila nanunubok nanaman nitong tanong sa
akin.
Napakunot
noo ako sa sinabi nya. Naramdaman kong may himig ito nang pagdududa.
“Anong ibig
mong sabihin?” Ang nasambit ko sa kanya.
“Seneryoso
mo naman.” Sabay tawa nito sa akin. “Binibiro lang kita.” Dagdag wika pa nito.
“Hindi ka ba
naniniwala na mahal kita?” Seryoso kong tanong sa kanya.
Bigla nitong
iniba ang usapan.
“Ayan na
sila pinsan.” Ang nakangiti nitong sabi.
Hindi na ako
nangulit pang sagutin nya ang huling tanong ko. Tanggap kong si Niel pa rin ang
nasa puso nya pero hindi ako susuko makukuha ko rin ang loob nya lalo’t alam
kong kahit konte may pagtingin sya sa akin. Yon ang gagamitin ko para makuha ko
nang buo si Dorwin.
“Pinsan, ano
ginagawa mo rito?” Ang bati ni Ace na may pagkabigla nang makita si Dorwin na
kasama ko.
“Hinihintay
kayo.” Nakangiting tugon nito
Napakunot ng
noo si Ace sa naging sagot sa kanya ni Dorwin. Batid ko na naguguluhan na ito
sa mga nangyayari.
“Para
sagutin lahat nang katanungan mo.” Sabi nito para bigyan nang ideya si Ace.
“Alam kong
alam mo na ang tungkol sa akin dahil galing ako sa bahay nila lola at kinausap
ako ni Ate Claire. Nalaman ko sa kanya na tinawagan mo sya tungkol sa hinala mo
sa amin ni Red.” Nakangiti paring sabi nito.
Kita ko na
parang nahiya si Ace sa deretsahang pambubuking ni Dorwin sa ginawang
imbestigasyon nito sa kanyang pinsan. Pareho lang kaming nakikinig ni Rome sa
dalawa.
“I think we
need a drink para pare-pareho tayong magkaron nang lakas nang loob para
magsalita.” Nakangisi nitong sabi nang hindi tumugon si Ace.
Pilit na
ngiti ang ibinigay nito na nagpapahiwatig na gusto nya ang ideya nang kanyang
pinsan.
Agad na
tumayo si Rome.
“Ako na ang
kukuha nang maiinum.” Pagprepresenta nito at mabilisang pumasok sa loob.
Akala ko ako
ang magigisa ngayong gabi pero mukhang si Ace pala ang gigisahin ni Dorwin.
Ilang sigundo lang ang nakalipas nang makabalik si Rome at may dala na itong
bucket nang RH.
“Game
pinsan. Ano ang gusto mong malaman?” Pagbabalik ni Dorwin sa usapan.
“Ano.. ahh..”
Hindi makahanap nang itatanong si Ace. Hindi nito siguro alam kung ano ang
unang itatanong.
“Yes I am
like you.” Sempling sambit ni Dorwin. “And Yes kami na ni Red kanina lang.”
Dagdag wika pa nito.
Napatingin
sa akin si Rome at si Ace. Kita ko sa mga mata nila ang pagkabigla sa sinabi ni
Dorwin.
“Paano
nangyari to Red?” Tanong ni Ace sa akin bakas parin sa mukha nito ang
pagkabigla. “Matagal na ba kayong magkakilala ni Kuya?” Dagdag pa nito.
“Nung
opening lang.” Matipid kong sagot nakaramdam ako nang kaba.
“Nung
opening ng bar? Di ba 3 weeks ago palang yon?” Di makapaniwalang wika nito.
Ibinaling ko
ang aking tingin kay Dorwin gusto kong humingi nang tulong pero binigyan lang
ako nito nang tingin na nagsasabihing ako dapat ang magpaliwanag ng lahat.
Napa buntong
hininga ako bago magsalita.
“Maraming
nangyari sa amin ni Dorwin sa loob ng 3 lingong hindi tayo nagkita-kita.”
“Tulad ng?”
“Hindi na
importante yon Ace. Ang importante kami na ngayon.” Pagtatapos ko sa usapan. Wala
naman kasi akong balak ikwento sa kanya lahat kung paano kami na uwi ni Dorwin
sa isang relasyon.
“Pero..”
Hindi nito
natapos ang sasabihin dahil biglang may sumigaw sa kabilang kalye. Si Angela at
ang iba pa naming kaibigan napakunot noo ako.
“Tinawagan
ko sila dahil nasabi sa akin ni Angela kagabi na layas ka ngayon at gusto kong
malaman ang dahilan kong bakit.”
“Aba! Inuman
na naman?” Magiliw na sabi ni Carlo nang makalapit sila sa amin.
“Maupo kayo
dahil marami kaming gustong malaman ni Rome tungkol sa mga nangyari nung nasa
isla kami.” May Authority na wika ni Ace.
Nagkatinginan
naman ang mga bagong dating naming kaibigan. Alam nila na seryoso si Ace base
sa tono nang boses nito. Tahimik silang naupo.
“Ngayon Red,
Ikwento mo kung ano ang rason kung bakit ka naglayas sa inyo.” Seryoso nitong
sabi.
Kahit na
magsinungaling pa ako ay paniguradong may idea na si Ace tungkol sa problema ko
sa bahay. Alam ko kung hanggang saan ang pagiging madaldal ni Angela siguradong
lahat nakwento na nito at gusto lang ni Ace na kumpermahin ito sa akin.
Wala na
akong nagawa isiniwalat ko lahat mula sa naging bangayan namin nang aking
magaling na amain at sa hindi pagpili sa akin ni mama haggang sa pagtuloy ko sa
bahay ni Dorwin. Pilit ko mang kalimutan ang ginawang pagtakwil sa akin ng
sarili kong ina pero hetot muling nabuksan nanaman ang nangyari habang ikinukwento
ko ang lahat sa kanila.
“Actually
Ace, kami ang nakiusap kay Dorwin na sa kanya nalang muna pansamantala si Red.”
Pagsabat ni Mina nang matapos kong maisalaysay lahat ng nangyari.
“Bakit di mo
sinabi sa akin na ganito? Na may problema ka pala sa bahay nyo? Ang tagal na
nating magkakaibigan Red.” Panunumbat ni Ace sa akin.
“Wifey, tama
na yan.” Pagsaway ni Rome rito. “Alam kong may dahilan si pareng Red kung bakit
hindi nya sinabi ito sa atin respetuhin natin yon.”
“Puntahan
natin ang mama mo. Tutulungan kitang kausapin sya.” Wika ni Ace hindi pinansin
ang sinabi ni Rome.
“Wala na
akong balak na bumalik pa sa bahay na iyon Ace.”
“Kaya mo
bang tiisin ang mama mo?” Di makapaniwala nitong tanong sa akin.
“Kung nakaya
nyang piliin ang asawa nya over me na tunay nyang anak ako pa kaya?!” Medyo
napataas ang boses sa inis hindi kay Ace kung hindi para sa mama ko muli
nanaman kasing nanariwa sa akin ang huling tagpo namin ni mama.
Hindi naman
nakaimik si Ace. Parang nabigla ito nang hindi sinasadyang pagtaas ng boses ko.
“Easy lang
guys. Inhale and exhale.” Pagputol ni Tonet sa namumuong tensyon. “ Ace, labas
na tayo sa family matter ni Red. Malaki na sya at alam na nya ang ginagawa nya.”
Dagdag wika pa ni Tonet.
“Tama si
Tonet Wifey, Tutal nasabi na ni Red sa atin ang problema nya ang gawin nalang
natin ay suportahan sya at tulungan sa mga magiging desisyon nila ni Kuya
Dorwin. Im sure hindi sya papabayaan ni Kuya.” Pagsangayon naman ni Rome.
“Bakit
tahimik ka Attorney?” Pagpupuna ni Carlo kay Dorwin.
“Usapang
magkakaibigan na kasi ang topic hindi naman ako kasali dyan.” Ang nakangiting
sagot nito.
“Ano ka ba
kuya, Syempre parte ka na ng barkada ngayon pa’t kayo na ni pareng Red.” Sabat
naman ni Rome.
BIglang
natahimik ang lahat. Halata sa mga mukha nila ang pagkabigla sa sinabi ni Rome.
Literal na napanganga si Carlo pati si Chad. Ang mga babae naman naming
kaibigan ay binigyan ako nang di makapaniwalang tingin.
“Ahh..ehh…”
Di ako makahanap nang sasabihin.
Hinawakan ni
Dorwin ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko syang tumango at
ngumiti sa akin. Hindi naman ito nakatakas sa malikot na mata ni Angela.
“Define holding
hands?” Ang malokong sabi ni Angela sabay nguso sa magkahawak kamay namin ni
Dorwin.
“Kelan pa to
Pare?” Ang na sambit ni Carlo nang makabawi sa pagkabigla.
“Kanina lang
after natin sa bahay nila Rome.” Tugon ko rito.
“Oh my god.”
Magkasabay na sambit ni Mina at Tonet.
“Yan na nga
ang sinasabi ko.” Singit naman ni Chad.
“Well, ang
masasabi ko lang Good Luck! Ngayon ako nalang ang walang partner sa grupong to
nakakainis!” Maarteng wika ni Angela.
“Di ba’t
parang ang bilis naman, Kelan lang kayo nagkakilala tapos ito na yon kayo na?”
Si Mina na bakas pa rin ang pagkabigla.
“Wala naman
sa tagal yon eh ang importante pareho kaming may nararamdaman sa isa’t isa don
kami magsisimula.” Nakangiting wika ko sa kanila.
“Kayo na ang
may nararamdaman sa isa’t isa!” Banat ni Angela na tinawanan lang namin ni
Dorwin.
Kwentohang
wagas ang sumunod na nangyari sa aming umpukan. Napagdesisyunan din naming
gawing Casher si Alex since nakatongtong naman ito nang second year college at
para na rin hindi ko na kailangan pang magpaumaga sa bar. Sisimulan namin ito
next month at magdadagdag rin kami nang isa pang waiter na papalit naman sa
naiwang posisyon ni Alex.
Naging
masaya naman ang gabi namin. Puno nang tawanan at asaran ang nangyari at binaha
kami ni Dorwin nang mga tukso. Gumaganti rin ito sa kanila kaya hindi sila
nailang na batuhin kami nang kung anu-anong tanong. Pansin kong bihirang
sumabat si Ace sa amin para bang wala ito sa sarili at malalim ang inisip.
Hindi ko nalang muna sya tinanong tungkol doon para hindi masira ang aming
gabi.
Pasado alas
dos na nang magdesisyon kaming umuwi. Si Alex ang muli kong pinagbantay sa
casher biniro ko pa ito na training na nya iyon para sa nalalapit nyang
promotion. Matapos makapagpaalaman ay naghiwa-hiwalay na kami nang landas.
“Ngayong
alam na nila ang tungkol sa atin enough reason na ba iyon para hindi mo na
pagdudahan ang nararamdaman ko sayo?” Ang naitanong ko kay Dorwin habang
binabagtas ang daan pauwi.
“hmmmm..”
Tila nagiisip pa ito sa isasagot. “Yes I am. Lets do our best to make this
relationship work.” Sabi nito at ninakawan ako nang halik sa pisngi.
“Would you
promise me na hindi mo ako pagsasawaan at ipagpapalit?” Naglalambing kong
tanong sa kanya sabay gap nang kamay nito habang ang isa kong kamay ay nasa
manibela.
Napa
hagikhik ito.
“Bakit ka
napapahagikhik dyan?” Takang tanong ko sa kanya.
“Hindi lang
ako makapaniwala na hahantong tayo sa ganito. 3 weeks ago ang suplado mo sa
akin kaya nga na challenge akong inisin ka pa lalo, eh.” Sabi nito sabay pisil
ng kamay ko.
Kahit hindi
nya sinagot ang tanong ko kontento na akong marinig na intersado syang
palalimin ang bago naming relasyon. Hindi ako kailangang magmadali, gagawin ko
ang lahat para sa amin. Masaya na ako dahil sa wakas may matatawag na akong
akin.
________________________
Kinabukasan
nagising ako sa isang halik galing kay Dorwin. Nakabihis na ito at handa nang
umalis patungo sa kanyang trabaho. Inaya ko pa itong magalmusal pero tumangi
ito uuwi naman daw sya before mag lunch may nakaschedule daw kasi syang meeting
ngayon sa isang kleyente nya.
Imbes na
bumalik sa pagtulog ay bumangon na ako para maglaba. Marami rami na rin kasi
akong na tambak na labahan. Ayaw ni Dorwin na naglalaba ako pwedi naman daw
nyang isama sa pagpapalaundry ang mga damit ko pero mas gusto kong may ginagawa
ako kesa matulog lang maghapon.
Pasado alas
nuebe abala akong nanunuod nang UAAP basketball nang may mag door bell nang sunod
sunod para itong nagmamadali.
Agad akong
tumayo para pagbuksan ito. Gulat ang rumehestro sa akin nang mapagbuksan ang
taong nasa harap ko ngayon na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.
Itutuloy:
50 comments:
tnx po sa pag-update...
paganda ng paganda ung story....
update po uli mayaya..hehe..
demanding po tlaga anu?
-ICE- xD....
kakainggit naman paggising mo ng umaga andyan ang taong mahal mo sa tabi mo. haist...
at sino nanaman yang clift hanger? o.O
nice paganda ng paganda.....
Wooooooi sino yun? Si Neil ata e o kaya si Ace haha..Z balik bitin na naman? :D
Hmmm..parang pakiramdam ko halfhearted si Dorwin sa mga nangyayari or baka dahil lang din yun sa tingin ni Red e umaasa pa rin si Dorwin kay Neil. Ewan basta.. sino yon?! Haha parang yung kambal siguro ni Dorwin!
Nagiging house husband ang role na ni Red nakakatawa konti hehehe...anyway masyado nang gumaganda ang takbo ng pangyayari para sa dalawa kaya parang kinakabahan na ko sa mga susunod hmmmmm..
keep it up Z! :)
Whooo.. I love the revelation!! Kakakilig!! I've read your post sa chapter 14 sa BOL, titigil ka na sa pagsusulat? Please don't.. =(
-icy-
Icy - magpapahinga lang ako muna sa BOL... mag iipon nang mga chapters bago ako ulet mag post don. Mas mabuti nang dito nalang muna ako mag post para kahit anytime pwedi akong magupdate soon as natapos ko na ang chapter di ba ayos? :P
SALAHAT NG MGA READERS AT TAGA COMMENT KO:
Malapit na po tayo sa malaking pagbabago sa storyang After All sinimulan ko nang isulat ang mga mangyayari at tapos ko na po sa aking isip ang storyang ito.. kita kits tayo sa mga susunod na chapters..
everyday ba updates d2 sa blog mo???sn everyday heheheh kabitin eh kelangan ko munang basahin yung the right time bago ko binasa tong after all at kpngalan ko pa c REd yun lang ndi ko kasing gwapo...lmao....wahhahaha
dito ko pala mababasa na may kakatok uli sa pintuan!!!!!
sino kaya ang kumatok? hehehehehehehe
NAMAN NAMAN GANDA GANDA.! ZEK SALAMAT SA PAGPAPA-ALAM :)
wahhhh... i lopve your story...zzzz...nakakatuwa..dahil ngayon alam na ng tropa nila ang ngyari sa kanila ni red at dorwin...pero may kasalanan ka...hinhanap ko to doon sa isang site na inalisan mo...buti na lng nakita ko ung website mo doon...hehehe..atlease ngayon alam ko na kung saan pupunta....nga pala it was a really good story...im so proud of you..and wag mo na lng pansinin ang mga taong naninira sau...just be happy..always...cause we care about you...and its not only one person who's supporting you all of your readers are supporting you including me.....have a pleasant monday to you Mr.ZildJian..and more power to you...and keep up making stories...one time can i talk to you in private?? if its okay with you...once again thanks for sharing a good story... :) 5 star rating for you!!!
Ayun na! :) SI Ace halatang di pa rin makapaniwala at am sure di pa rin sapat mag narinig niya.
Kay Red at Dorwin naman... may naaamoy along sumanib na tao sa mga characters nila... baliw! sira ka talaga zekiel talagang?!?!?!?
sino na naman kaya ang bisita. agang aga. si niel kaya?
Omg....subrang nakaka inlove si red! Kaso natatakot ako para sa kanya...duda ako sa mga maikling sagot ni dorwin....ang Ganda ng development ng story baby bear...ang galing galing....
oh my god late na talaga ako!!!!
haha si ace yan for sure!!! or si niel!
ayan na..at least hindi tinatry nila ngaun na magwork out ang relasyon nila.
Si Ace mukhang hindi convince baka iniisip niyang ang bilis at baka panakip butas lang ni Red si Dorwin sa nararamdan nito sa kanya.hay..pero dapat hindi na siya makisali pa.Hayaan niya na lang si Red kung kelangan nito ng payo saka siyang tumulong.Baka makagulo lang siya.
Abangan ko next update mo.
Saka Zildjian..pakiayos naman ng name ko. JAYFINPA not Jayfinap. Nakakatampo na.hehehe..
kilig kilig kilig kilig....... hihimatayin na ako sa kilig zildjian.... pangalan ng drums hehe
sino kaya yun? hmm. . . nice! ganda na ng story! :D
Mr. Author, hanga ako sau at wala kang sablay sa paga-update ng story mo.
Sobrang kakakilig naman ang bawat mga eksena sa chapter na 'to.
Mukhang lalanggamin si dorwin at red sa bawat eksena nila. si angela naman kakaawa zero pa rin..hehe
sa bandang huli sobra namang makabitin...
hanggang sa muli...
Sobrang kakabilib naman si Red.
Habang tumatagal ang eksena lalong lumalalim ang kanyang katauhan.
At first look para siyang "happy-go-lucky" type of a person.
pero kung makilala mo sya ng lubusan matutuklasan mo na cover-up lang nia yun at may dinadala siyang mabigat na problema na ayaw niyang maging kargo pa at makaapekto sa mga taong nakapaligid sa kanya.
He always play the "hero".
He wanted to save everybody...
He wanted to help everybody ignoring his own personal problem and feelings.
Kung magmahal siya ay bigay todo. At ngayun pinapatunayan nia uli na kaya niyang maging martyr para paligayahin si Dorwin.
Ginagawa niya ang lahat upang pasiyahin si dorwin at kalimutan na ang kanyang nakaraan at mag move on.
Binibigay nia ang kanyang pag-ibig kahit walang sapat na assurance na ibabalik sa kanya eto
Nakakatakot nga lang dahil baka sa bandang huli siya pa rin ang maging kawawa at iwanan ng taong pagkakatiwalaan nia at lubos na pinag-alayan ng kanyang pag-ibig....
hmmmm... hanggang sa chapter na 'to, naaawa pa rin ako kay Red..
it's like he's the kind that has so much love to give pero parang hindi pinalad na mabigyan ng taong paglalaanan nya nito.. kakaiba ng sya eh. Despite of being bereft of love from his very own family, growing up almost alone and with no one to comfort him (except his barkada ofcourse), he still ends up being this genuinely loving person.
kung sa iba nangyari to malamang naging mga pariwara't mga walang hiya ang mga yon. lol
sana si dorwin na nga ang sasalo sa uber2x love na kayang ibigay ni Red ng walang pagdadamot at ng buong katapatan.. bow
-rover:D
I like this chapter, grabe!.. Sana hindi naman masaktan uli si red. hehehe... nasasaktan din ako. hehehe.. Thanks Z sa update..:) God bless.
-billy
Nakakatuwa ang mga comments nyo guys keep it all comming :D
SF Giants - u can email me sa zildjianace@gmail.com or pwedi tayo magusap sa chapbox ko...
Ross Magno - Mukhang alam mo ang mga katangian ni Red sana nga hindi humantong ito sa part na masasaktan sya.. Ang masasabi ko lang ay may mga taong handa ng magmahal pero dahil sa may mga regrets pa sila di nila mabigay ang sarili nila nang buo :D
aun nabasa ko na xa..next chapter na poh..
-ram
Points to ponder (hahaha):
-I think Father ni Dorwin yun! Or pwede ring si Ace!
-Iniisip ni Ace na panakip-butas lang ni Red si Dorwin!
-Thank you for calling me by my complete name LOL
-You leave the ending in such a way I can't guess what will happen next! Bravo! :-)
Pink 5ive ♥
Aw.. thank you sa comment Ram and Great Pink... malalaman nyo po kung sino yon siguro mamaya pag natapos ko na ang chapter 16.. :)
aghhhhhhh....finallow na kita idol......nahuhuli ako sa update eh....ehehehe....hula ko si neil yung kumakatok at break na sila ng fiance nya....or pwede ring si ace.....ehehehe
Salamat sa pag follow jhe Ehm and welcome aboard :)
baka ang father ni dorwin.....
or kambal naman ni dorwin hehehehe....
tnx mr. author...
getting better and better...
nice one Z. keep it up.
regards,
R3b3l^+ion
gnda ng chapter na to... hehehheheheh excited n ko sa next chapter at kung sino ung ngdoorbell hehehe :))
tnx author!!
-xndr-
Rebel - ayon napa comment ka rin :D malapit na po tayo sa pagbabago nang takbo sa storyang ito..
XNDR - Welcome aboard po!!! :)
yes,,,,,ang ganda naman po ng chapter na itoh,,,kinikilig na akuh kila Dorwin at Red... Kaya habang nagbabasa ay sabay naman at aking tawa,,,hahaha,,,para daw akung baliw sabi ng sister kuh,,,nakakakilig kasi silang dalawa,,,eh,,,pero Mr. Author parang hindi ata masyadong tanggap ni Ace ang nangyari sa kanila Dorwin at Red,,,,,,bakit kaya sya ganun,,,abangan ko na lang po sa susunod loobin,.,,,,,ang cute ng mga gawa,, muh,,,
Beucharist
Beucharist - Welcome aboard po! ahihihi ganyan din ako magbasa kung kinikilig ako tawa ako nang tawa. Abangan mo po ang chapter 16 sa Wed. :)
Hi Z andito na ako hehehehehe...okay nga dito kasi update agad..pero sana post ka pa din sa BOL..
paganda ng paganda nangyayari kay Red and Atty ah..hmmm sino kaya yung dumating?pakiramdam ko si Supah Ace yun..hehehe
Galing mo talaga mambitin Z..goodluck
wow! PAGANDA NG PAGANDA. WHOOOOOOAAAAHHH. NEXT CHAPTER NA PO.
KUYA ZILDJIAN!!!
Sorry kung ngayon lang ako ulit naka-comment dito pero babawi ako since sembreak naman. ;D
Though rest assured naman na palagi akong nandito, sumusuporta sa iyo!
At para makabawi, magpo-post ako ng comments rin sa past chapters nitong "After All" na hindi ko nako-commentan. :)
A BIG BIG THANKS rin! Dahil kahit na hindi ako naka-comment agad sa past chapters nitong "After All" eh sinali mo parin ako sa greeting portion sa itaas ng bawat chapter. :))
-------
Syempre, I've been reading all the chapters whenever you posted them pero medyo ewan ako dahil talagang gusto ko munang tignan whatever happens in the life of Red.
Steady supporter pa rin ako ng Supah Ace + Red!
--------
Sa unang parts nitong chapter, super napatawa ako! hahaha! Si Red talaga! :D
Sa medyo middle to last parts nitong chapter, medyo nalungkot ako dahil nirimember uli ni Red ang kanyang nakaraan.. 3 weeks ago based from the story na sinubukan niyang kalimutan. For me, tama ang ginawa ni Red na action dahil ganun rin ang ginawa ng mom niya sa kanya. Dapat ang pinili nung mom niya eh siya pero at least matatag si Red at cheerful because he tries to see a brighter side to his life rather than focusing on the dark moments in his past.
For Supah Ace naman, no comment muna. hehehe!
Sino kaya yung nag-doorbell habang nanunuod si Red ng basketball game? Si Supah Ace kaya?
Can't wait for the next chapter Kuya Zildjian!
Go! lang ng Go! Kuya Zildjian! Ang galing mo talaga! :))
Always here to support you,
- Jay! :)
gumaganda na ang story mo zildjian...sana bumilis ang pag update mo hehehe... thanks zildjian...
rstjr029
nu b yan, uber L c red, parang c otor lng lol joke lng zild
uhmm...bt naman gnun reakxon ni ace, my pg22l b xa sa namamagtan sa pnsan nia at sa kybgan nia? hmm
sobrang "L" pala ni Red, di ko inexpect... hehehehe... parang palaging tigang.... kakatawa naman si Ace, parang di alam kung ano dapat maging reaction niya.... nice one author...
Jay!:) - Welcome back!! hehehe na miss ko comments mo.. malalaman natin lahat yan sa mga susunod na chapters.
Rue - baka gusto mong palitan ko nanaman adlib ko sayo? WAHAHAHA
Migz - Tigang lang sya LOL di xa ma "L".. hihihihihi
wag gnun, pis tau otor^^ lam mu namang love kta somehow eh(love to pierce u like a cushion) nyahahaha 6’n.nv
hala author, kawawa naman if palagi na lang siyang tigang.... hehehe...
wahehehehe... Hindi sya natitigang kay Dorwin. Dorwin fulfilled Red's sexual needs hahahaha
Hahaha! Napapatawa naman ako sa mga pinag-uusapan niyo na ma-"L" si Red, Kuya Zildjian! hahaha!
Pero for me eh hindi naman, ngayon nga lang yata eh. XD
- Jay! :)
Wahhahahhahaa mr author ano nangyari asan mga pic nila? Eheheheh
haha,, baliw talaga ako kaya pala hintay ako ng hintay sa BOL.. nandito pala ung sunod!,, haha,, xD.
forgotten eh! ,, xD..
btw,, si neil kaya ung nakita ni papa hot red! haha :))!!.. sge antuk na po me bhukas ku na lng babasahin ung next,, hindi na kaya ng eyes ko eh! ,, ganda po ng story! :D!,,
keep it uP! and godbless!^^
(IAN)
confirmed!!!!!sila na!sila na!sila na!haha..shakabol!kinikilig aq sa aminan scene nila!haha...go to the next chapter na!:)
-monty
confirmed!!!!!sila na!sila na!sila na!haha..shakabol!kinikilig aq sa aminan scene nila!haha...go to the next chapter na!:)
-monty
Post a Comment