Rover,
Lilee, Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (na
talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars,
Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta,Kristoffshaun,Migz,Icy,Billy, Jasper, Ran (Randolf) –
salamat sa mga comment nyo sa blog ko..
Rheinne,J.V,Jayson13,Dave17,Roman(roohmen),Zenkie(ayan
di na ako mag kakamali),Dada,JM,The Who, Darkboy13,Rei,Pink 5ive,
Rstjro29,Beucharist,Psalm,Nate_dominique,
Wastedpup,itzjakepaul,Ian,Dennnis,Vinz at sa mga anonymous at Silent Reader..
DISCLAIMER: This story is a work of
fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely
coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in
any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or
use this story in any manner without my permission.
___________________________________________________
Napatingin kami nang mga kaibigan ko sa gawi nang babaeng
papasok ngayon sa bar. Pamilyar ito sa akin at may apat itong kasama at
masayang nagtatawanan nang mabaling ang tingin nang babae sa umpukan naming.
Rumeshistro rito ang pagkabigla habang ako ay nakatingin lang sa kanila na di
alam ang gagawing reaksyon.
“Oh my God!
Are my eyes deceiving me? Red is that you?” Sabi nito nang makalapit sa mesang
kinauupuan namin. Ganun pa rin sya maganda, seductive at sexy.
“Amber?” Ang
tugon ko rito sa pagkabigla.
Agad itong
yumakap sa akin at binigyan ako nang halik sa labi na ikinagulat nang lahat.
Hindi ako nakagalaw sa ginawa nito para akong bato sa aking kinauupuan.
“I miss
you.”
“A-ano ang
ginagawa mo dito? Paano ka napunta rito?” Sunod sunod kong tanong ng bigla
akong matauhan.
“What a
question. Hindi mo ba ako ipapakilala muna sa mga friends mo?” Malandi nitong
sabi na di parin naalis ang pagpulupot ng mga kamay nito sa aking leeg.
“Teka teka.”
Sapilitan kong tinanggal ang mga kamay nito sa akin. Hindi ako komportable sa
ginagawa nito. “What are you doing here?”
“Aren’t you
happy seeing me dear?” Takang tanong nito nang matanggal ko ang mga nakapulupot
nyang mga kamay.
“Honestly,
no.” Sabi ko rito na biglang nag-iba nang tingin at uminom ng alak.
Hindi ko na
nakita pa ang reaction nito sa sinabi ko ngunit iisa lang ang alam ko, get rid
of her as soon as possible. Ayoko na nang kumplikasyon. Kumplikasyon? Para saan
at kanino?
“Awww, bakit
naman ganun dear? Ako I’m happy seeing you again and surprise at the same time
kasi I wasn’t expecting na sa ganito kaliit na bar ka na tumatambay plus the
fact na it is far from the metro.” Walang kagatul-gatol na sabi nito.
Nagpanting
tenga ko sa narinig. Hindi ako makakapayag na basta-basta na lang niya
babastusin ang bar na pinaghirapan namin.
“Really?
Then why are you hanging out here sa ganito kaliit na bar plus the fact that it
is far from the metro?” Panggagaya ko sa sinabi niya.
Natameme ito
sa sinabi ko.
“Ahm, I have
no choice.” Sumbat nito. “Tsaka my body’s in search for alcohol so kailangan
kong pagbigyan.”
“You have no
choice? Maraming bars ang meron dito sa downtown at mas malalaki pa.” Tumingin
na ako ulit dito. “Or you’re looking for something else.”
Pinaramdam
ko talaga sa kanya ang disgusto ko sa mga pinagsasasabi niya. Ngumiti lang ito.
“Kilala mo
pa rin talaga ako.”
“Sorry to
interrupt you but if you’ll excuse us we’re in the middle of a meeting.” Sabat
ni Mina na nakakunot ang noo.
“Sorry?
Meeting? Inside a bar?” Sabi nito kay Mina na labis na ikinabigla ko.
Sasagot na
sana ako nang sumagot muli si Mina.
“You heard
it right, I guess hindi ka naman bingi and mukha ka namang professional so
imposibleng hindi mo naintindihan yung sinabi ko.” Tugon nito.
“How dare you
say that to me? Don’t you know who am I? I’m Red’s girl friend!” Halos pasigaw
na nitong sumbat kay Mina.
“Oh I’m
sorry miss. Sa pagkakaalam ko kasi eh walang girl friend si Red na ganyan
kasama ang ugali.” Tumawa pa ito nang mahina.
Aktong
sasampalin na nito si Mina nang awatin ko ito.
“Stop it
Amber! You heard Mina, we’re in the middle of our meeting when you suddenly
butt-in. Just go to your friends and enjoy your night.” May authority kong sabi
sa kanya.
“But dear?
Mas kinakampihan mo pa iyang babaeng iyan? Siya ba ang bago mong flavor of the
month?” Wari mo’y nagsusumamo ito sa akin.
Napataas ang
kilay ng mga babaeng kaibigan ko sa narinig. Si Angela na likas ang
pagkamadaldal ay piniling hindi magkomento.
“And you?
Ikaw ba ang ipinalit niya sa akin? Red’s standard for girls are getting low, my
gosh!” Mataray nitong tukoy kay Mina na sinamahan pa nang maarte nitong pag
suklay ng buhok nya. Si Chad naman at Carlo ay pareho lang tahimik na
nakatingin sa babaeng nagtataray sa kanila.
“Ah ganun
ba? How do you want me to call you miss? Loser?” Balik pagtataray ni Mina rito.
“Excuse me?
You’re calling me loser?”
“Awww.”
Pang-aasar pa nito kay Amber.
Natutuwa na
ako sa cat fight ng dalawa. Alam ko na pagdating sa away, nangunguna si Mina kaya
naman hinayaan ko na siya.
“How could
you!” Sabi nito at akmang susugurin na si Mina.
“Ma’am may
problema po ba rito?” Biglang tanong nung guard ng bar.
“Ah wala
naman. Go back to your post.” Utos nito sa guard na hindi man lang nagpaapekto
kay Amber.
Lahat kami
ay nakikinig lang sa batuhan nila nang mga linya. Kitang kita ko ang amusement
sa mga mata nang iba naming mga kasama.
“Excuse me
sir, sa table 5 magbabayad na raw.” Singit ng waiter sa akin.
Napatingin
sa akin si Amber. May halong pagtataka sa mga mata nito.
“Don’t tell
me you’re the owner here?”
Tumango lang
ako sa kanya. Sumilay rito ang isang ngiti at muli ay niyakap niya ako. Inilayo
ko ito ulit sa akin. “Why don’t you go look for your seats.” Pagtataboy ko sa
kanya.
“Girl, Hindi
mo ba kami ipapakilala sa kanya?” Singit nung babae na kasama ni Amber.
“Oh I’m
sorry I forgot masyado akong na-excite nang makita ko ang baby ko.” Sabay hawak
nito sa kamay ko. “These are my friends Aya, Dianne, Beth and my cousin Sandra
sa kanila ako ngayon nakituloy for a vacation” Sunod sunod nitong pagpapakilala
sa mga kasama nya. “Ladies meet Red, my boyfriend since college.”
Naiilang man
ay hindi ko nalang binara ang pagpapakilala nito sa akin sa mga kasama nito
bilang boyfriend nya, dahil hindi naman talaga naging kami. This girl was a
player and I was a player too. No commitments involve kasi may boyfriend sya
that time. Kilalang social climber si Amber nang mga naging kaibigan ko sa
Manila lahat ay gagawin nito maka jam lang sa mga mayayamang barkada ko at ako
ang naging way nya noon. Okey lang naman sa akin dahil importante natikman ko
sya.
“Nice to
meet you.” Hindi ako pweding maging bastos sa harap ng mga costumer namin.
Siguro yon din ang dahilan kong bakit hindi sumasabat si Angela. “Oh by the way
here are Mina, Angela, Antonet, Carlo her boyfriend, and Chad Mina’s hubby my
friends at the same time CO-OWNER of this bar.” Sabi ko rito na binigyan ng
emphasis ang co-owner.
Kita naman
ang pagkapahiya sa mukha ni Amber. Mukhang nakahanap na siya nang katapat sa
katauhan ni Mina. Samantala, mga tingin palang nina Mina alam ko nang hindi
nila gusto si Amber dahil sa ginawa nitong pambabastos sa bar at kay Mina na
rin.
“It was nice
meeting you guys, Hope we can be friends.” Malambing nitong sabi. Parang agad
nitong nakalimutan ang pakikipagtarayan nito kanina. Well it’s her way of
saying na the battle isn’t over yet. Walang ni isa sa mga kabarkada ko ang
sumagot sa kanya pilit na ngiti lang ang ibinalik ng mga ito.
“Alex!”
Tawag ni Tonet sa isang waiter namin. “Samahan mo sila sa mesa nila.” Utos nito
sa waiter. “Enjoy the evening.” Dagdag pang wika nito sa grupo ni Amber.
Wala nang
nagawa pa si Amber kung hindi ang sumunod. Nagbigay pa ito nang isang halik sa
akin bago tinungo ang mesa nila. Napailing nalang ako sa ginawa nito. Kita ko
namang napataas ng kilay si Mina at Angela nang makaalis na ito.
“Who the hell is she?” Tanong ni Carlo sa akin.
“A nightmare
from the past.” Pabiro kong sagot na ikinatawa ni Chad.
“Kung makaasta
naman ang yabang.” Singit naman ni Tonet sa mahinang boses.
“Kung
makahalik parang lalamunin ka nang buo.” Sabi pa ni Angela na tinawanan naman
nila.
Napalingon
ako sa gawi kung saan nakaupo sila Amber, nakaharap ito nang upo sa amin.
Kausap pa nito ang waiter siguro kumukuha nang order. Nang mapansin nito na
nakatingin ako sa kanya ay binigyan ako nito isang ngiti. Alam ko ang ibig
sabihin ng ngiting iyon dahil yon din ang ginamit nya sa akin nung una kaming
magkakilala.
Ibinaling ko
nalang ang aking atensyon sa mga taong ngayon ay isa-isa nang pumapasok sa bar.
Naalala ko ang pangako ko kay Dorwin na magrereserve ako sa kanila nang upuan
ng kasama nya kaya naman agad kong tinext sya at tinanong kung anong oras sila
darating.
Ibinalik
namin ang usapan sa nalalapit na birthday nang mommy ni Rome. Tinawagan naman
agad ni Tonet si Rome para i-confirm na darating kami. May maganda raw itong
balita sa amin kaya dapat kompleto kami. Excited silang lahat na muling makita
ang dalawa naming kaibigan na mula nang makaalis papunta nang isla ay hindi pa
namin nakikita. Mag dadalawang lingo narin itong hindi nagpapakita sa amin ni
hindi pa ito nakakadalaw sa bar.
Nang medyo
marami na ang tao ay tinatawag ko ang waiter para lagyan nang reservation sign
ang lamesa sa bandang kaliwa nang bar. Doon sa medyo malapit sa isang speaker
para kay Dorwin at sa kausap nya. Yon lang kasi ang nakikita kong magandang
pwesto para sa mga ito.
Mga ilang
minuto pa ang nakalipas ng dumating sina Dorwin at ang kasama nito. Matangkad
na lalaki ito, maputi rin at maganda ang pangangatawan. Hindi ko alam kong tama
ang nakita ko nang buksan nito ang pintuan at masinagan sila nang ilaw na
nagmumula sa labas parang kagagaling lang nila sa iyakan o baka rin
namamalikmata lang ako.
Agad na
lumapit si Dorwin sa amin.
“Hey, Musta
guys?” Magiliw nitong pagbati sa amin.
“Oi,
Attorney!” Bati ni Carlo rito.
“Kumusta
Dorwin, Sino yang kasama mo?” Sabat naman ni Tonet na nakatingin sa kasama
nitong lalake.
“My
colleague Niel.” Pagpapakilala nito sa amin. “Niel, meet the owners of seventh
bar. Tonet, her boyfriend Carlo, Mina, her partner Chad, Angela and Red. These
people are Ace’s best of friends. Im sure naaalala mo pa si Ace right?” Nakipag
kamayan ito sa amin.
“Who
wouldn’t. Sya yung tahimik di ba, Kamusta na pala sya?” Tugon nito sa huling
sinabi ni Dorwin.
“His fine.”
Matipid na sabi ni Dorwin. “Ang dami namang tao ngayon.” Pagiiba nito nang
usapan.
“May
ni-reserved na akong lamesa para sa inyo hindi ka kasi nag reply kong ilan
kayong magiinuman kaya naman pinili ko ang kasya ang apat na tao.” Wika ko rito
na nakangiti.
“Salamat.
Nga pala, may dala akong pagkain baka hindi pa kayo kumakain.”
“Hindi pa
nga. Pero paalis na din kasi kami, eh. Si Red ang magbabantay ngayon meron kasi
kaming pupuntahan bukas.” Tugon ni Antonet rito.
“Kami rin,
kailangan naming umuwi nang maaga ngayon. Kita kits nalang tayo sa Saturday.”
Si Mina.
“Bakit? May
lakad kayo besh?” Tanong ni Angela rito na may pagtataka.
“Mating
season namin besh.” At humagikhik ito habang nakapulupot ang kamay nito sa
braso ni Chad. Natawa si Dorwin pati ang kasama nito sa kalokohan ni Mina.
“Kaloka!”
Sabay na komento nina Angela at Tonet.
“Kayo
talaga.” Ang nasabi nalang ni Dorwin na ngingiti ngiti parin.
“Sige na.
Magsilayas na kayo nang matahimik ang buhay ko.” Pabiro kong pagtataboy sa
kanila. “Ikaw Angela, Sasabay ka bas a kanila?
“Naman! May
date ako bukas.” Excited na sabi nito. “Red, Don’t flirt with that woman okey?
Hindi ko sya gusto.” Dagdag pang sabi nito nang makatayo na.
“She’s a
flirt.” Pagsangayon pa ni Mina.
“Wag mong
bigyan ng discount ang babaeng yan.” Sabat naman ni Tonet.
Natawa ako
sa mga pinagsasasabi nila. Halatang ayaw na ayaw nila kay Amber ako man ay
hindi ko gusto ang ugali nang babaeng yon. Kung hindi lang ako nalasing nung
gabing magkakilala kami hindi ito makaka score sa akin.
“Yes mga
boss!” Ang sagot ko nalang sa kanila para di na mangulit pa.
“Attorney
mauna na kami sa inyo.” Pagpapaalam ni Carlo. “It was nice meeting you pare.”
At muli itong nakipagkamayan sa kasama ni Dorwin na sinundan din nila Chad at
nang iba pa.
Inihatid ko
sila sa kanikanilang sasakyan at nang makaalis na ang mga ito ay pumasok na ako
sa bar. Dumiretso ako sa may bar counter ang paborito kong spot sa bar um-order
na rin ako nang blue frog na parobito kong inumin.
Mga ilang
oras din ang lumipas at nandoon parin ang grupo nila Amber. Busy ang mga ito sa
tawanan at harutan. Si Dorwin naman at ang kasama nito ay tahimik lang na
umiinum nang lingunin ko ang mesa nang dalawa ay nakita kong parehong malalakas
na alak ang iniinum nila. Gusto bang mag lasing nang dalawang yon? Ang
nasabi ko nalang sa aking isip nang makita na johny walker ang tinitira nang
mga ito.
Ibinaling ko
nalang ang aking atensyon sa aking iniinum. Nagiisip isip kung paano ko
haharapin si Ace sa nalalapit naming pagkikita. Alam kong hindi magiging madali
ito para sa akin pero handa na rin ako. Tanggap ko na walang patutunguhan ang
pagmamahal ko kay Ace. Bakit ganito sa tuwing nakakainum ako si Ace parin ang
tumatakbo sa isipan ko?
Nasa ganun
akong pagiisip nang may kumalabit sa akin mula sa likod. Agad akong napalingon
sa gawi nito upang tingnan ang taong sumira sa pagmomoment ko.
“Ang lalim
naman nang iniisip mo.” Sabi nito sa akin nang linungin ko sya. Hindi ko sya
sinagot ibinalik ko ang aking tingin sa basong may kalahati pang laman ng alak.
“Ang yayaman
pala nang mga kaibigan mo dito sa probinsya. Kaya pala di na kita nakikita sa
mga paborito nyong bars sa Manila dito kana pala naglalagi.” Pagsisimula nito
nang usapan namin, hindi naman ito nabigo dahil sumagot ako.
“Hindi ka
nila gusto.” May diin kong sabi rito.
“Okey lang
hindi ko rin naman sila gusto. Mayayabang ang mga kaibigan mo.” Halatang
napikon ito sa sinabi ko.
Ibinalik ko
ang tingin ko sa kanya at binigyan nang isang nakakainsultong ngiti.
“Mayabang? I
don’t find them mayabang. Totoo silang mga tao kesa sa’yo.”
“Tsk. Tsk.
Tsk. Red dear, I pity you dahil talagang nag-iba ka na. Imagine the campus
crush nakikipag-kaibigan sa mga probinsiyano? Pero astig ka pa rin dahil mukha
silang mayayaman huh.”
Natawa ako
sa sinabi niya.
“Thank you
for noticing that. As a matter of fact, pinilit kong magbago dahil gusto kong
kalimutan ang mga masasamang bagay na nangyari sa akin noon including you.”
“Including
me?” Natawa ito. “You’re in love with me.”
“I was never
in loved with you. I used you to fulfill my sexual needs. Yun lang and yeah
before I forgot I was still the crush ng bayan here. Look at them.” Sabay
tingin sa grupo nang mga kababaihan na ngayon ay kumakaway sa akin. Kinawayan
ko rin sila.
“Flirt!”
Inis na sabi ni Amber.
“Naku, so
totoo pala.” Bawi ko.
“Ang alin?”
“Ang
magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw.” Sabi ko rito na nilakipan ko nang
nang-uuyam na tawa.
“Fuck you
Red!” Mas lalong inis na wika nito.
“Oh really?
As far as I can remember, I’m the one who screwed you hard and you begged me
not to stop. You moan like a whore.” At ginaya ko ang ginawa niyang
paghalinghing noon.
Kita ang
pamumula nang mukha nito dahil sa tinamasang kahihiyan sa akin. Pero hindi pa
rin ito sumusuko.
“Nice mimic!
Do you want to hear those again?” Sabi nito na may halong pang-aakit sa tinig.
Lumapit pa ito at unti-unting idinidikit ang hinaharap sa akin.
Kinuha ko
ang kamay nito at agad na ipinatong sa aking pagkalalaki. Nagulat ito nang
bahagya ngunit nung makabawi na ay agad napangiti.
“Looks like
you’re getting a boner here mister.”
Natawa ako.
“That’s not a boner bitch. Hindi na nga ako tinitigasan sa iyo eh.”
Dahil sa sinabi
ko at pagkapahiya for the 9th time ay kinapa niya ulit yung ari ko and true
enough dahil bakas dito ang pagkadismaya.
Akma niyang
binubuksan ang zipper ko para ilabas sana ang pagkalalaki ko pero pinigilan ko
ito.
“Huwag mo
masyadong pababain pa ang pagtingin ko sa’yo Amber. You can never play the same
game on me, I’ve mastered it already.”
Tumawa ito
nang pagak bago nagsalita.
“Same old
Red. Arogante ka parin at masakit magsalita kaya walang tumatagal na relasyon
sayo. But that’s what i like you.” Na pilit na binabawi ang pagkapahiya sa
akin.
“Go flirt
with somebody else Amber.” Malamig kong tugon rito. “Hindi na aandar yan sa
akin ang paglalandi mo.” Sabay bigay ng nakakainsultong ngiti.
Alam kong
napahiya na naman ito sa sinabi ko kaya naman mula sa ngiti ay gumuhit ang galit sa mukha nito. Muli akong
nagsalita.
“Wag kang
magkakamaling mag-eskandalo rito gaya nang ginagawa mo sa Manila dahil hindi
ako mangingiming hilain ka palabas.” Pagbabanta ko sa kanya.
Si Amber ang
klase nang babae na nagwawala kung hindi nito nakukuha ang gusto nya. Gustong
gusto nito ang makakuha nang pansin at kaawaan sya nang mga tao. Ito ang
taktikang ginagamit nito kung pinagtataguan na sya nang mga lalaking alam na
kung ano ang mudos nya.
“Get a life
gold-digger di ka mananalo kung sa trash talk lang sanay ako sa mga online
game.” Sabay tawa nang nakakagago.
Wala na
itong nagawa pa kundi bumalik sa upuan nila nang mga kaibigan niya na luhaan.
Napailing na lang ako sa nangyari. Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-inom
mag-isa.
Habang
papalalim ang gabi ay unti unti na ring nababawasan ang mga tao sa loob nang
bar. Naparami na rin ako nang shot kaya medyo groggy na rin ako. May kumalabit ulit sa akin at inisip kong si
Amber yon.
“Di ka ba
nakakaintindi?” Ang sabi ko sabay lingon sa kanya. Napahiya naman ako nang
makita si Dorwin na halatang lasing na at nakakunot ang noo.
“Sorry akala
ko kasi yung isang costumer.” Pagpapaumanhin ko rito. “Lasing kana?”
“Doon ka
nalang sa table namin. It’s sad seeing you alone.” Sabi nito sa akin.
“Lasing ka
na nga. Kung ano-anu na pinagsasasabi mo.” Nakangiting wika ko sa kanya.
“Hindi pa
ako laseng noh. Sige na doon ka nalang sa table namin.” Pamimilit nito sa akin.
“Nakakahiya
sa kasama mo. Dito nalang ako.” Pagtanggi ko sa kanya.
“Hindi yan.”
Sabay hatak nito sa akin.
Ewan ko kung
matatawa o maiinis ako kay Dorwin. Hindi ako sanay na umaarteng parang bata ang
gagong to. Wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan nalang sya sa paghatak sa
akin papunta sa lamesa nila.
“Red si
Niel.” Pagpapakilala ulit nito sa kasama nya. Nakalimutan ata nito na
ipinakilala na nya ito sa amin kanina lang.
“Nice to
meet you pare. Maupo ka.” Sabi naman nito. “Matagal na ba itong bar nyo.?
Dagdag wika nito.
“Hindi,
kamakailan lang.”
“Ano ba ang
kursong tinapos mo?”
“EE ako
pare. Kaw ba?”
“Kapareho mo
pala nang kurso si Dave. Nag law ako dati pero tumigil din. Pumunta kasi kami
nang Canada nang pamilya ko. Ngayon isa na akong dentist.” Nakangiti nitong
sabi.
“Nice,
Kababalik mo lang?”
“Yep,
Kahapon lang.”
“Red was my
savior. Sya ang naglilinis sa magulong nakaraan ko.” Sabat ni Dorwin sa amin.
Kita kong
biglang nangunot ang mukha nang kasama nya.
“What do you
mean? Ikaw ang sinasabi nyang nakatira sa kanya?” Wika nito na parang hindi
naniniwala.
Imbes na ako
ang dapat sumagot ay si Dorwin ang sumagot para sa akin.
“Yep! Sa
akin sya nakatira at magkatabi kaming matulog.” Magiliw nitong sabi.
Nahiya man
ay hindi ako nakapag react parang kakaiba nanaman ang ipinapakita ni Dorwin na
ugali. Ewan ko kung dala lang ito nang tama nang nainum nya o kung may gusto
syang iparating. Isip bata Pabulong kong sabi.
Kita ko na
biglang lumungkot ang mga mata nang kausap nya, pero bigla rin itong nawala na
animoy dumaan lang na parang hangin.
“That’s
good. Atleast may kasama ka ngayon at di ka nagiisa.” Ang wika nito.
“Sinabi mo
pa!” Sabay tawa nito nang nakakagago.
Nawewerduhan
man ako sa inaasta ni Dorwin ngayon ay parang may nahuhulaan na ako, hindi nga
lang ako ganun ka sigurado kong tama ba ang hula ko. Itinuloy namin ang inuman
na walang namamagitang usapan aming tatlo. Ang weird dahil akala ko magkaibigan
sila pero bakit parang may di makitang pader sa pagitan nilang dalawa. Sunod
sunod ang paginum ni Dorwin habang si Niel naman kita sa kanyang mga mata na
gusto nya itong pigilan pero hindi nya magawa napapabuntong hininga nalang ito.
Ako na mismo
ang pumigil sa ginawang soft drink na paginum nito sa alak.
“Magmamaneho
kapa pauwi. Tama na yan.”
“Oh c’mon di
pa ako laseng noh! Kayang kaya ko pang magmaneho.” Sabay laklak nito sa
natitirang laman nang shot glass nya. “Waiter! two more johny walker.”
“Dorbs, kala
ko ba naiintindihan mo ako.” Biglang sambit ni Niel.
“Sobra
kitang naiintindihan kaya nga naglalasing tayo di ba, to celebrate sa
pagbabalik mo.” Sarkastikong sagot nito rito.
Hindi na ito
nakasagot pa. Dumating ang waiter at ilinapag nito ang dalawang glass nang
alak. Napapailing nalang ang kasama nito. Nagpaalam naman si Dorwin na pupunta
muna sya nang CR. Halos susuray suray na ito at di na makapag lakad nang tuwid.
“Alex, Last
na yan, ah. Wag mo na syang bigyan ng alak.” Utos ko sa waiter namin.
“Sige po
sir.”
“Salamat
pare.” Biglang sabi ni Niel sa akin. “Alam kong babarahin lang ako nun kung ako
ang pipigil sa kanya.” Malungkot nitong sabi.
“Wala yon.
Kaibigan ko rin naman sya, eh.” Gusto ko na sanang itanong kung ano ang
problema pero nahihiya ako baka sabihin pa nitong pakialamero ako.
Nakabalik na
si Dorwin at halata na rito na hindi na nito kayang magmaneho pa. Si Niel naman
ay may dala ring sasakyan at hindi pa rin daw nya alam ang bagong bahay ni
Dorwin dahil matagal na panahon na silang hindi nagkikita. Wala akong choice
kung hindi ang ihatid nalang muna ito sa bahay nya saka babalik sa bar.
Sinabihan ko
ang isa sa all around waiter namin na sya nalang muna ang humawak nang kaha. Si
Niel ang nagbayad ng lahat nang ininum nila ni Dorwin.Kinuha ko muna lahat nang
laman nang kaha bago ako umalis. Sinabi ko rin na paghindi na ako makabalik ay
dalhin nalang muna ang pera na makukuha nya sa mga natitirang costumer at sila
na rin ang magsara. Mapapagkatiwalaan naman si Alex kaya kampante ako sa kanya.
Wala nang
lakas pa si Dorwin na tumayo sa sobrang kalasingan kaya naman inalalayan nalang
namin sya. Tinulungan ako ni Niel na maisakay si Dorwins a kotse nito. Napatingin
naman ang mga taong nasa loob ng bar kasama na rin ang grupo ni Amber.
“Pare, Ikaw
na ang bahala sa kanya tatawagan ko nalang sya bukas.”
“Okey, Ingat
sa pagmamaneho.” Tugon ko rito at pinasibad na ang sasakyan. Kita ko sa side
mirror na nakatingin pa ito sa amin habang papalayo.
Nang
makarating kami nang bahay nya ay mahimbing na ang tulog nito sa loob ng
sasakyan. Agad akong bumaba para pagbuksan ang gate at ipasok ang kotse sa
loob. Malaking tao si Dorwin hindi ko kakayaning buhatin sya mula sa labas ng
gate nang bahay nya. Binuksan ko muna ang pintuan ng bahay bago ko sya binuhat.
“Ang bigat
mong damulag ka!” Ang pasigaw kung sabi para makaipon nang sapat na lakas na
buhatin sya. Ngayon ko lang nakita na parang lantang gulay sa kalasingan si
Dorwin. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas para mabuhat sya papunta sa
kanyang kama na nasa ikalawang palabag.
Tinanggal ko
ang kanyang sapatos at medyas. Isinunod ko ang kanyang damit at nang isusunod
ko na ang kanyang pantalon napansin ko na basa ito. Natawa ako, siguro na basa
ito nang mag banyo sya kanina sa sobrang kalasingan pati ang brief nito ay
basing basa rin. Kumuha ako nang kumot at kinumutan ang ibabang parte nang
katawan nya bago ko tanggalin ang brief nito na balak kong palitan dahil sa
panghi.
Napapailing
kong tinungo ang lalagyan nang labahan.
“Susuka
ako.” Ang narinig kong sabi nito.
Dali dali
akong pumunta sa kanya.
“Sandali!
Wag muna, baka masukahan mo ang kama.” Ang nagpapanic kong sabi rito. Patakbo
akong bumaba para kumuha nang palanggana. Nang makabalik ako sa kwarto nya kita
kong naduduwal na ito. Anak ng!! sabi ko sa aking sarili at mabilisang
ini upo ito sa kama at itinapat ang palanggana sa kanyang muka.
Pagkatapos
kong maligpit ang kalat ni Dorwin ay tinawagan ko si Alex na hindi na ako
makakabalik. Hindi ko pweding iwan si Dorwin na ganito at baka magsuka pa sya
ulit. Kumuha ako nang malamig na tubig at bimpo para punasan ang mukha at
katawan nito na ngayon ay pawis na pawis.
“Hindi mo
nagawang ipaglaban ang relasyon natin!” Ang sabi nito na parang nag dedeliryo.
Napatingin ako sa mukha nya at nakita ko ang mga luhang dumadaloy sa kanyang
pisngi.
“Wala kang
kwentang tao! Bakit kapa nagbalik?” Sabi nito habang humihikbi.
Nakaramdam
ako nang awa para sa kanya. Muling nanariwa sa akin ang alaala nang malasing
din si Ace dahil sa panloloko sa kanya ni Rome. Parang nauulit nanaman ang
lahat ng mga nang yari.
“Kung kelan
natutunan ko nang mabuhay ng wala ka.” Ang paulit ulit nitong sinasabi sa likod
nang kanyang paghikbi. Hindi ko alam kung si Niel ba ang kanyang tinutukoy.
Hinaplos ko
ang kanyang mukha at pinahid ko ang mga luhang parang ilog na umaagos. Pareho
pala sila ni Ace kung umiyak. Ang nasabi ko nang pabulong.
“Shhhhh..
Tama na tulog kana magiging okey din yan bukas.”
Habang
tinitingnan sya na mahimbing na natutulog hindi ko maiwasang hawakan ang
kanyang maamong mukha. Hindi ko alam kong gaano kabigat yang dinadala mo
pero papasayahin kita katulad ng pagpapasaya ko sa pinsan mo makabawi lang sa
mga atrasong na gawa ko sayo. Pabulong kong sabi rito.
Naligo ako
at nagpalit ng pantulog bago tumabi sa kanya sa kama. Muli nanaman itong naka dantay
sa kanyang paboritong hot dog pillow. Dahan dahan kong tinanggal ito at iniunan
sya sa aking balikat napayakap sya sa akin.
_____________________
Kinabukasan
nagising ako sa isang sunod sunod na Door bell. Tingnan ko si Dorwin na
mahimbing pa rin ang tulog na nakayakap sa akin. Napangiti ako sa hitchura
naming dalawa. Tumingin ako sa wall clock nya mag aalas dyes na pala nang
umaga. Dahan dahan akong tumayo para pagbuksan
ang taong kung makapag door bell parang wagas lang.
Nang
pagbuksan ko ang pinto.
“Ang tagal
mo naman! Ang init init dito sa labas!” Nan laki ang mata nito nang
mapagtantong hindi ang inaasahan nyang tao ang bubungad sa kanya.
Itutuloy:
22 comments:
hmmm.... i smell complications sa story na ito ah... mukhang magiging magulo ang buhay ni Red, wawa naman siya... author, wag mo naman masyadong pahirapan si Red, para naman magkaroon din siya ng saya sa buhay... hehehe...
basa mode uli haha ganda lang
wow ayan na nagsisimula na kumplikasyon.Mali ang hinala kuo nung una...akala ko Mama niya o Kaya stepdad niya hehehe..ex pala niya ay mali kasex niya pala..hehehe..baka siya na naman ang maninira sa buhay ni Red...interesting..
Abangan ko next update mo!
naku naman grabe sir hahaha! kelangan talaga ibitin lahat ng chapter? haha! nice nice. si ate claire ba yung bisita ni dorwin? :D
ang lungkot naman nilang dalawa, si dorwin at si red. sana sumaya na sila haha kasi nahahawa na ko sa kalungkutan nila :( ayoko na isipin kung anong komplikasyon ang dala ng mga bagong character pero ang galing ng pagkakapasok mo sa kanila Z.
keep it up! :)
bagong karakter, bagong gulo, bagong kulay sa bahag-hari, wiw!
salamat sa mg comment guys.. sana na gustohan nyo ang chapter na ito :)
well Z...
what can i say? hmmmm...
u na!!! LoL
keep the excitement up up up...
regards,
R3b3l^+ion
Hmm cnu kaya yun?....wew andaming kong naiisip hehe
thumbsup kua z.. Hahaha sana c red at angela mgka2loyan ak ak joke lng piz... Bt kaya tahimik c idol angela haha..Sana may rambol dn amber at angela ak ak masaya un parang sab0ng lng haha..:p
magpinsan talaga sina Ace at Dorwin....
sino naman kaya yung bagong dating na yun? hehehehehehehehe
Haaay. Nabitin nanaman ako. hehehe. Ang ganda ng kwento. Nadadala ako sa kwento na ito. hahaha.. Thanks...
~billy
yung bagong dating na yun ay si ACE... and here, red will discover that he has somehow moved on...
yes may kurot sa puso ni red seeing ace, pero this has been mitigated by his sprouting feelings of affection for dorwin...
kaya the next chapter may be a make-or-break for redwin... haaay... sana magkatuluyan na
nice one Z!!!
regards,
R3b3l^+ion
Rebel - i love the idea rebel pero tingnan natin kung tama ang hula mo... Mamayang gabi na ang posting nang chapter 13 the end and the beggining :)
beginning pala yon lol sorry typo.. :D
at ito na nga..amber to red and neil to dorwin...galing..hoping na si red ay di gagawing panakip butas ni dorwin...kawawa si red kung ganun.
nasundan sila ni amber? gosh!
sino kaya yun si Ace kaya yun?
kakasabik ang mga susunod na mangyayari sa buhay ni Red at Dorwin...
Ang ganda :)
wahhh baka si amber,,, ang kumakatok... sinundan kagabi... o baka si ace... ang ganda ng story ni red...
ramy from qatar
My kakilala akong katulad ni Amber. Ang sakit sa bangs na mga katulad nya. haha :) LOVE the STORY. :D
haha..akala ko mama na ni red ung dumating eh..ung ex pala niya...
at ex dn ni dorwin ung neil??hehe..ex's moment ito?^^
at sino nmn ung isang makadoorbell e wagas??haha..don't tell me si ace un ha?hihi
-monty
Post a Comment