Sunday, October 2, 2011

After All Chapter 04


Ito nap o ang chapter 4 ng After All. Salamat sa mga nag cocomment na sina
Rover, Lilee (Mama bear), Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (na talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion (sawakas napa comment na rin) at sa mga Silent Readers ko sana mag ewan naman kayo ng comment sa susunod.. :)
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
***********************************


Nagising ako dahil sa nanunuyot ang lalamunan ko napatingin ako sa relo ko. Hala mag aalis tres na pala nang hapon. Ang nasabi ko sa aking sarili.
Sobrang sakit nang ulo ko isama mo pa ang bigat nang pakiramdam dahil siguro sa lakas nang tama nang nainum ko kagabi. Hindi pamilyar sa akin ang amoy nang kama na kinahihiyagaan ko iba ang amoy nito sa kama ko. May kaba man ay dahan dahan akong tumingin sa taong naka higa sa tabi ko. Laking gulat ko nang makita ang mukha ni Dorwin na mahimbing na natutulog. Shit what the hell happened? Ang nasabi ko nalang sabay hawak sa aking noo na parang pilit inaalala ang mga nang yari kaninang madaling araw.
Mas lalo pa akong nan lumo nang mapansin ko ang mga nag kalat kong saplot sa baba nang kama. Don ko lang na pansin na hubot hubad pala ako. Muli tiningnan ko ang tulog na si dorwin pareho kaming natatakpan nang makapal na kumot. Gumalaw ito sa pagkakahiga at nag palit nang posisyon dahilan naman para makita ko na wala rin pala itong suot na pang itaas. Umusbong ang matinding kaba sa akin. Halos tumalon na ang puso ko sa lakas nang pagkabog nito.
Dahan dahan kong inalis ang kumot at tumayo sa kama para kunin ang aking mga saplot. Pababa na sana ako nang biglang mag ring ang cellphone ko. Oh crap!! Ang nag papanic kong sabi sa aking sarili dahil sa takot na magising si Dorwin. Balak ko sanang tumakas nalang para makaiwas sa kahihiyan. Agad kong kinuha ang pantalon ko na nasa may paanan nang kama at sinagot ang tawag.
“Hello?” Ang mahina at kinakabahan kong sagot sa taong tumawag sa akin.
“Bakit di kana bumalik kanina? Nag aalala kami sayo alam mo ba yon?” Bungad sa akin ni Angela sa kabilang linya.
“ahh.. ehhh ano kasi..” Mahina ko paring sagot sa kanya.
“Ano? Bakit ba ang hina nang boses mo? Naku may ginahasa ka nanamang babae noh?” Walang preno pa nitong sabi.
“Wala!” Ang napalakas kong sagot dahil umandar ang pagka-defensive ko. Pati ako ay nagulat sa aking naging reaksyon kaya na pa takip ako sa aking bibig at napalingon. Kita ko na gising na pala si Dorwin at nakangiti sa akin. Agad akong umiwas nang tingin at tumalikod ulit sa kanya.
“Mamaya kana tumawag Angela kagigising ko lang.” Sabi ko dito na nasa boses parin ang kaba.
“Hindi pwe…” Hindi ko na sya pinatapos pa. Agad kong ibinaba ang tawag sabay off nang cellphone ko. Alam ko kasing kukulitin nya ako hanggang sa umamin ako sa hinala nya. Ganun ka kulit ang babaeng yon.
Naibaba ko na ang tawag pero hindi parin ako makalingon kay Dorwin sa sobrang hiya at kaba. Wala akong maisip na idadahilan o sasabihin sa kanya. Nawala ang mga rason na lagi kong ginagamit sa mga babaeng na uuto ko nung una sa tuwing matatapos ko nang makuha ang gusto ko sa kanila. Para akong baguhan sa lagay ko ngayon.
“Di ka ba nilalamig dyan?” Narinig kong sabi nito. Napalingon ako sa kanya at nakita ko syang nakangiting aso sa akin.
“Kung ganyan ba naman ka gwapo at ka matcho ang sasalubong sa akin pagising ko siguradong gaganahan akong mag trabaho.” Wika pa nito.
Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Abat talagang flirty tong isang to ah. Ang nasabi ko sa aking sarili.
“Di ko alam na mahilig ka palang manamantala sa isang lasing .” Ang nanunuya kong sagot sa kanya sa sobrang pagkainis.
“Ikaw pinag samantalahan ko? Hmmmm” Sagot naman nito sa akin sabay lagay nang hintuturo nya sa kanyang sentido na parang nag iisip. “Kung tama ang na aala-la ko ikaw ang unang humalik sa akin kagabi.” Dagdag pang wika nito sabay flash ulit nang nakakagagong ngiti.
Napaisip naman ako sa sinabi nya. Pilit kong binalikan ang mga nang yari kaninang madaling araw. Isa isang bumalik sa akin ang mga nang yari kagabi. Ang pagiinuman namin at ang panaginip ko na nag hahalikan kami ni Ace.
Namula ako bigla.
“Seems like bumalik na ang ala-ala mo ah.” Pang aalaska pa nito sa akin.
“Look, wala akong planong makipag argumento sa iyo. What happened kanina ay isang pagkakamali lang dahil sa kalasingan ko.” May diin kong sabi sa kanya.
“I know. Ace nga ang pangalang tinatawag mo nung nasa rurok ka nang kaligayahan eh. But I cannot deny the fact na nag enjoy ako sa laki nyan.” Sabay turo nito sa kargada ko.
Hindi ako naka sagot. Talagang sobra kung makapag flirt tong isang to.
“At bago ko makalimutan.” Bumangon muna ito sa pagkakahiga at lumapit sa akin. Dahan dahan nyang inilapit sa aking tenga ang kanyang mukha. Napa ilag naman ako bigla sa pag aakalang hahalikan nya ako. Pinigilan ako nito at bumulong. “Your kiss was damn hot.” Sabay tawa nito nang nakakagago.
Agad akong tumayo sa pagkakaupo at pinulot ang brief ko na nasa sahig parin. Mabilisan ko itong isinuot.
“Mas hot ka tingnan pag hubot hubad kalang.” Banat nanaman nito sa akin.
“Nasan ba ako? Gusto ko nang umuwi.” Pag iiba ko nang usapan namin at isa-isang isinuot ang mga natitira kong saplot.
“Nasa bahay ko.” Matipid nitong sagot sa akin kasabay nang paglabas nito sa kwarto nya.
Napanganga ako sa ginawang pag iwan nito sa akin. Parang na insulto ako sa ginawa nyang pag talikod hindi ako sanay na ako ang huling naiiwan sa kwarto pagkatapos kong makuha ang gusto ko sa mga babae. This time parang ako ang naloko at ako ang nagamit.
May inis na sinundan ko sya at naabutan ko syang nag hahanda na nang makakain sa kusina. Lalabas na sana ako nang bahay nito nang bigla itong mag salita.
“Salamat kanina ah at salamat sa souvenir!” Sabay taas nito nang cellphone nya habang busy itong nagiinit nang ulam sa microwave.
Napalingon ako ulit sa kanya at binigyan sya nang nagtatakang tingin. Siguro na ramdaman nyang nakatingin ako sa kanya kaya muli itong nag salita.
“I just can’t get enough of you kaya kinunan kita nang picture kanina habang nakatayo pa ang junior mo.” At tumawa nanaman ito nang nakakaloko.
“Picture?? Gago kaba? Pinag samantalahan mo na nga ako di kapa na kuntento!” Ang galit kong sagot sa kanya.
“Correction, hindi kita pinag samantalahan ikaw ang gumawa nang first move na tukso lang ako.” Wika nito sabay harap sa akin para maipakita nito ang nakakalokong ngisi nya.
Nang gigigil akong lumabas nang bahay nya. Mabuti nalang at nakapag pigil ako dahil kung hindi baka napatay ko pa ang taong yon. Rinig ko ang malakas na pagtawa nito sa loob.
Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at ine-on ito. Dali dali kong tinawagan si Angela.
“hello asan ang motor ko?” Tanong ko sa kanya.
“Nasa loob nang bar. Pinasok ni Carlo sa loob dahil baka nakawin.” Sagot nito sa akin.
“Ah ganon ba sige puntahan ko nalang.”
“San ka ba kasi? At bakit umalis ka na hindi nag papaalam sa amin?”
“Mahabang storya. Sige kunin ko pa ang motor ko.”
“Tawagan mo si Tonet may sasabihin ata sayo.”
“Sige.” Sabay putol nang linya.
Agad akong nag hanap nang masasakyan papunta sa downtown area para kunin ang motor ko. Habang nasa daan muling bumalik sa akin ang mga nangyari sa bahay nang pinsan ni Ace. Napailing nalang ako sa katarantaduhan nang pinsan nyang yon. Kung tutuusin magandang lalaki ang pinsan ni Ace maamo ang mukha at di makakailang malakas ang appeal nito. Mas malakas pa nga ata ang appeal nito sa akin. Wala sa hinagap ko na mapag samantala pala yung Dorwin na yon.
Nang matanggal ko ang kandado nang bar ay agad kong inilabas ang motor ko at winarm up ito. Pumunta muna ako sa Mercury drugs para bumili nang maiinum.
Mga ilang yosi pa ang naubos ko sa bar bago ako nag desisyong umuwi. Mas gusto kong nasa labas lang ako kesa nasa bahay na puro sakit nang ulo at problema lang ang maririnig mo mula sa asawa ng mama ko.
Dumating ako sa bahay na mag aalas singko na nang hapon. Actually umuuwi lang ako para matulog, mag palit nang damit at kumain. Tapos agad akong aalis at tatambay sa kung saan saan makaiwas lang sa argumento.
“San ka natulog kagabi?” Ang bungad na tanong sa akin ni Mama.
“Don na po ako natulog sa bahay nang kabarkada ko.” Pag sisinungaling ko dito.
“Kumain kana. Baka mag singabot nanaman kayo nang Tito Raul mo mag aaway nanaman kayo.” Sabi nito sa akin.
Ito ang dahilan kung bakit may hinanakit ako sa aking ina. Dahil hindi nya ako makayang ipagtangol sa kanyang asawa. Halos pati sya parang gusto na rin akong ipagtabuyan. Kung tutuusin walang karapatan ang asawa nya sa bahay na ito dahil bahay ito ng ama ko. Conjugal property ito at wala sa batas na pweding mag hari harian ang bago nyang asawa. Pero ano ang magagawa ko anak lang ako.
Itinapon ako ni mama sa manila para daw maiwasan ang bangayan namin nang asawa nya pero sigurado ako na ang asawa nya ang may gusto na doon ako mag aral para mawala ako sa paningin nya. Noon, pag umuuwi sya na lasing ako ang pinag didiskitahan nya halos manhid na ang katawan ko sa pambubugbog nito. Pero simula nung mag high school ako hindi na nya magawa sapagkat natuto na din akong ipag tanggol ang sarili ko. Sarili ko nalang ang pwedi kong maasahan dahil ang sarili kong ina hindi ako kayang maipag tangol sa kanya. Wala itong ibang ginawa kong hindi ang magiiyak.
“Anak yung sa insurance company tumawag. Gustong itanong kong kelan mo daw kukunin ang pera since ikaw naman ang beneficiary ng papa mo at of age kana.” Sabi nito sa akin habang kumakain. Hindi ako sumagot nanatili lang akong nakinig sa kanya.
“Sabi nang Tito mo baka pwedi daw gamitin lang muna namin ang pera para pang dagdag sa negosyo nya.” Pag papatuloy nito na ikinainit nang tenga ko.
“Pera yon ni papa ma. Pera ko yon inagaw na nga nya ang karapatan ko sa bahay na ito pati ba naman ang insurance ni papa aagawin pa nya? Paano naman ako?”
“Ibabalik naman daw nang Tito mo pag gagamitin mo na. Wala ka pa naman daw sariling pamilya anak.” Pag pipilit pa nito sa gusto nang magaling nyang asawa.
“May pera ka din namang nakuha sa diba? Bakit hindi pera mo ang gamitin mo? Bakit nyo ba hinahayaan yang asawa nyo na ibaon ako. Tunay nyo din naman akong anak ah.” Reklamo ko sa kanya.
“Anak, ginamit ko na ang pera ko sa pagpapaaral sayo sa manila. Yung natira ay sa mga pangangailangan natin dito sa bahay at baon nang mga kapatid mo.
“Bubukod na ako dito at gagamitin ko ang pera ko para makabili nang bahay. Pasensya na kung hindi ko kayo mapag bibigyan.” Sabay tayo ko para sana maligo na.
“Anak please.” Pag susumamo nito. “Hindi mo naman kailangang bumukod, bahay mo rin naman ito.” Dagdag wika pa nito.
“Hindi? Eh Halos ipagtabuyan mo na nga ako dito para lang di magalit yang asawa mo. Hindi nga ako makauwi sa tamang oras dahil na tatakot ka na magsingabot kami diba? Papauwiin mo lang ako kung tulog na sya o wala na sya dito sa bahay. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na ang bahay na pinagpaguran ni papa na itayo para sa atin ay iba na ang nag hahari harian?” Panunumbat ko sa kanya. Hindi ito na ito nakapag salita pa.
“Ang sakit ma dahil wala akong ibang matakbuhan sa mga panahon na kailangan ko nang magulang.” Sabay alis at tinungo ang kwarto ko. Gusto ko nang makaalis sa impyernong bahay na yon. Ayaw ko nang mag drama pa naubos na kagabi.
Nang matapos akong maligo at makapag bihis agad kong na alala ang sinabi ni Angela na nagpapatawag pala sa akin si Tonet. Tinawagan ko naman agad ito.
“Hello Red! Buti naman at nagparamdam kana. San ka ba napadpad kanina?” Bungad nito agad sa akin.
“Kung saan saan lang. May sasabihin ka daw?”
“Oo, pupunta kami mamaya ni Carlo sa bar para maibigay sayo ang first income natin kagabi. Meron pa naman tayong enough stock ng drinks kaya wag kanalang muna mag padeliver. Bigay ko rin sayo ang over all list nang mga mga alak na dapat bilhin si Mina ang gumawa nyan para sayo kanina bago kami mag hiwa hiwalay para alam mo kung ano ang mga dapat bilhin sa susunod. Calculate mo na din ang pera kong uusad ba tayo sa presyo nang items natin para may idea kung may pumapasok bang pera sa atin o nag sasayang lang tayo nang oras.” Mahabang sabi nito sa akin.
“Okey ako na bahala dyan. Paalis na ako dito sa bahay don nalang tayo magkita kita sa bar.”
“Ang aga pa mamaya pang 6.30 papasok ang mga tauhan natin. May problema nanaman ba?” Tanong nito sa akin na may himig nang pag aalala.
“Wala naman.” Matipid kong sagot dito.
“Ikaw talaga. Okey ako na bahala sa dinner mo dadalhan kita nang linuto kong ulam im sure magugustohan mo to. Sabay sabay na rin tayong mag dinner sa bar mamaya bago tayo mag open.”
“Okey salamat Tonet. Sige alis na ako dito kita nalang tayo doon.” Sabay pindot ng end call.
Agad akong lumabas nang bahay na hindi manlang nag papaalam kay mama. Ayaw ko mang magtampo pero di ko maiwasan. Kung ibibigay ko sa kanya ang perang makukuha ko paano naman ang pangangailangan ko kung lahat nalang na may roon ako ay kukunin nang magaling nyang asawa. Pinaandar ko ang motor ko na binili sa akin ni mama nung 21st birthday ko. Siguro pampalubang loob nya iyon sa akin dahil binilhan nang magaling nyang asawa ang dalawang kapatid ko nang second hand na kotse dahil sila nalang daw ang walang kotse sa mga ka klase nila.
Dumating ako sa bar nang mag aala sais na. Kita ko ang mga papauwing studyante na nag tatawanan galing sa isang malapit na University. Nang may biglang natumawag sa akin.
Itutuloy:











15 comments:

Unknown said...

nagulat nga hahah tama prediction ko..
well a lil bit Bitin pero nice prin..
good job..
thumbs up!

Lawfer said...

mxado namang kwawa c red :( lika nga d2 red, kakawawain kta lalo lol

Unknown said...

Tama..masyadong kawawa c red. Ang tanong hanggang kailan nya aalisin sa sarili niya ang panghihinayang? Alam kong masakit pero kailangan niya gumawa rin ng paraan para mas gumanda ang buhay niya. Hindi siya dapat nakakulong dun. Siya rin lang din ang makakagawa nun.

Abangan ko ang next update!

Anonymous said...

you won't really know a person until you see what's in their heart...

yon si red. happy go lucky but hurting deep inside.

not sure about what the theme here is yet... pwedeng acceptance din. but i surmise this is also one of transcendence, i.e., overcoming by rising above circumstances.

correct me if i am wrong zildjian... :-)

nice one here. keep writing, keep touching our hearts and lives.

regards,

R3b3L^+ion

Anonymous said...

Ok yun pag-redeem mo sa character ni Red. I like the story.
-icy

Ok yun pag-redeem mo sa character ni Red. I like the story.
-icy

khief blue said...

nice story nabasa ko in lahat galing mong bumuo ng story kuya lalo na yung pagpapalit ng perpective love it. naaawa naman na ako kay red i want him happy...

and one more thing kuya baka mamaya k na lang sa susunod ang pangalan ko, nawala na yung blue hahahahaha.....

RJ said...

Hmmm... naguguluhan pa ko sa kung anong klaseng tao si Dorwin. Sabi kasi niya sa previous chapter, straight siya, at based din sa "The Right Time" walang idea si Ace or si Claire sa sexuality niya. Pero sa chapter na to hindi straight or "discreet" yung pakikitungo niya kay Red. Sabi nga ni Red, sobra makipagflirt.

Naintindihan ko naman yung pakikipag-sex niya kay Red. Kasi pag libog talaga tumama, wala nang kawala hahaha! Pero yun lang talaga. Parang sobra lang talaga yung attitude ni Dorwin dito. Hindi ko alam kung baka ganun lang talaga siya at hindi talaga siya ganun kakilala ng pamilya niya. Saka feeling close na agad siya masyado kay Red haha :D

At happy go lucky on the outside... alam ko kung pano yan. :D May pakiramdam ako na masmahabang kwento ito kaysa sa "The Right Time". Pakiramdam lang naman hehe.

Ingat Z. Keep it up! :)

mcfrancis said...

tama nga ako na aakalaing panaginip lang ang lahat kaya lang kulang pala ang hula ko...
paganda na ng paganda ang kwento....
tuloy-tuloy mo lang ang pambibitin para mas kaabang-abang sa mga mambabasa....

lilee said...

i like it....nakikilala na ang tunay na red...i like it lalo na naninindigan sya sa karapatan nya bilang anak at bilang tao...lahat naman tayo may kahinaan, at ang kahinaan ngayon ni red ay ang pag ibig nyang sawi kay ace...di ko nakikita na may uusbong na bagong pag ibig sa pagitan ni red at dorwin, pero sa dami ng twist ng story, kailangan inaabangan ko ito palagi....

Jay! :) said...

I feel sorry for Red. Mas inuuna nang kanyang foster father ang niyang mga anak but he neglects the child of his wife.

Nakakainis rin si Dorwin. Hindi na siya nahiya! Kabwisit! (hahaha! Peace! :D )

I still think that Supah Ace + Red = right choice. :D

GO RED! GO RED!

I hope he finds love in the arms of the first and true person he loves who is Supah Ace! :D

GO RED! GO RED!

I am glad that Red knows when and how to defend himself. I am also glad that Red knows his rites according to the justice system so that he can defend himself legally as well.

I can't wait for the next chapter Kuya Zildjian!

Go! lang ng Go! Kuya Zildjian! :D

Always supportive for Kuya Zildjian and RED (GO RED! GO RED! :D ),

- Jay! :)

Zildjian said...

Hahaha jay!:) grabeh ka kung maka cheer para kay Red ahh... :) abangan nating lahat kung ano ba talaga si dorwin :D

Anonymous said...

LOL! ayaw ko nang nagcomment ng madrama kasi sobrang madrama na ang buhay ni Red..

sana makamoveon na talaga siya at bumangon nalang mula sa bigong pagibig niya kay supah ace.. hayaan nalang sila ni rome..

pakaaabangan ko ang mamumuong love story ni idol red at dorwin.. redwin for the win! LOL

hi nga pala Z! :P

-rover :D

wizlovezchiz said...

Sabi na si Dorwin talaga... He's a teaser naman kasi kaya naman nagkaganoon si Red nung lasing. Speaking of Red.. kasi kasi kasi... ayan ang napapala ng mga naglalasing na may kasama... nabibiktima! bwhahahahaha

btw.... si Angela sumosobra na talaga... I like her existence but I hate her pagkamahadera :)

Anonymous said...

whaaa...very nice...ambigat..weeew!

-jojie


note: comments from Mikejuha is my comments :) nakakalimutan ko kasi i-edit ehh..hahaha

Anonymous said...

e adik pala talaga ung madrasto ni red eh!kapal lang ha!?...kakainit ng ulo!naalibadbaran aq!haha..

Ang hirap pla ng pinagdaanan nya kahit sa family nya..hhmm..

-monty

Post a Comment