Wednesday, October 26, 2011

After All Chapter 16

Salamat sa patuloy na pagsuporta sa AFTER ALL guys.. Hindi ko akalain na aabot ng 46 comments ang chapter 15 at ngayon inihahandog ko sa inyo ang Chapter 16 ng After All. Bago lang lahat gusto kong isa-isang pasalamatan ang mga taong walang sawang nagbibigay ng kanilang komento na sina -


Rover, Lilee, Rue (Katanashi no Rue the formless Cat.), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (Great Pink 5ive), Jayfinpa (Ayan na ayos ko na), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, Kristoffshaun, Migz, Icy, Billy, Ran(Randolf), Roman (roohmen), Mike, ICE, Ros Magno, Doormouse (ang cute nang pangalan), SF GIANTS, Jayson13, Jhe Ehm, Zenkie, Xndr, Beucharist, Rheinne, Robert_mendoza94@yahoo.com, Rstjr029, J.V, Jefofotz (jeffrey Paloma, Ram, Cedric, CUPIDO (Ang makwela kong chatmate) at sa mga Anonymous at Silent Readers salamat guys.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





“A-ace?” Ang di ko makapaniwalang sabi nang makita ko ang taong nakatayo ngayon sa harap ko.


“A-ano ginagawa mo dito?” Dagdag wika ko pa sa kanya.


Hindi ito sumagot sa akin sa halip ay hinawi ako nito para makadaan sya.


“We need to talk Red.” Ang sabi nito nang makaupo sa sofa.


Napakunot naman ang noo ko kung ano ang paguusapan namin. Akala ko kasi natapos na lahat kagabi ang mga bagay na dapat naming pagusapan.


“Ano ang plinaplano mo kay kuya Dorwin? Pinsan ko sya alam mo yon, di mo sya pweding gawing panakip butas!” May kalakasan nitong sabi.


Nabigla ako sa pagtataas nito nang boses sa akin at sa kanyang paratang. Ganun ba ang tingin nya pinaglalaruan ko lang si Dorwin?


“Anong panakip butas Ace? Mahal ko si Dorwin at yon ang totoo!” Mataas na tono ko ring sabi.


“Red, naririnig mo ba sinasabi mo? 3 weeks palang kayong magkakilala ni kuya Dorwin tapos mahal mo na sya?!” Napatayo ito sa pagkakaupo.


“Bakit Ace, Kayo lang ba ang may karapatang sumaya? Gusto ko ring sumaya at si Dorwin ang taong nagpapasaya sa akin. Sya lang ang nagiisang taong umintindi sa akin sa mga panahong naguguluhan ako!”


Hindi ito nakapagsalita sa sinabi ko.


“Gusto ko rin namang maramdaman na may taong nagmamahal sa akin Ace. Yung taong pwedi kong pakitaan rin ng pagmamahal.” Naiiyak ko nang sabi sa kanya pero pinigilan kong hindi dumaloy ang luha ko. “At wag na wag mong sasabihin na panakip butas lang si Dorwin dahil tanggap ko na sa sarili ko na hindi ka mapapasaakin.” May diin ko pang wika sa kanya.


Parang bigla itong nahimasmasan at kumalma.


“Red, Don’t get me wrong. Nagaalala lang ako dahil pinsan ko si kuya Dorwin at kaibigan kita. Ayaw kong umabot sa punto na kailangan kong mamili sa inyo dahil pareho kayong mahalaga sa akin lalo kana.” Mababang sambit na nito.


“Hindi mo kailangang mamili. Mahal ko si Dorwin Ace, sya ang taong gusto kong paglaanan ng pagmamahal ko. Hinding hindi ko sya sasaktan kung yan man ang inaalala mo.” Paninigurado ko sa kanya.


“Paano kung ikaw ang masaktan Red?” May pagaalalang sabi nito sa akin.


Ako naman ang hindi nakapagsalita. Hindi ko napaghandaan ang tanong nyang iyon.


“Alam mo naman siguro na may pinagdadaanan rin ngayon si kuya Dorwin di ba? Yon ang dahilan kung bakit natatakot ako Red. Pareho kayong may pinagdadaanan tapos bigla bigla nalang kayong papasok sa relasyon?”


Nakuha ko ang ibig sabihin ni Ace. Naiintindihan ko kung bakit sya nagaalala para sa amin ng pinsan nya. Alam kong gusto lang nitong protektahan kami.


“Alam ko yon Ace, kaya nga ginagawa ko ang lahat para makalimutan nya si Niel. Gagawin ko ang mga bagay na hindi ko nagawa noon sayo dahil gusto ko ring sumaya at gusto ko ring maramdaman na minamahal ako.” Sa puntong iyon ay tuluyan ng dumaloy ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.


Nabigla ako sa sunod na ginawa nito. Yinakap nya ako nang mahigpit, hindi ako nakapagreact sa ginawa ni Ace pero batid kong humihikbi ito.


“Im sorry kung hindi ko nagawang mahalin ka Red. Im sorry kung wala ako nung mga panahon na kailangan mo nang makakausap. Im sorry.” Ang umaiiyak na nitong sabi.


Nakaramdam ko ang senseredad sa mga sinabi nito.


“Shhhh.. Tama na Ace tapos na yon. Ako pa nga dapat magpasalamat sayo dahil marami akong natutunan sa pagmamahal ko sayo.” Pag-aalo ko sa kanya habang hinahagod ang likod nito.


Nasa ganun kaming eksena nang tumunog ang cellphone ko. Agad namang bumitiw si Ace sa aming yakapan. Tinungo ko ang aking cellphone na nasa center table.


“Hello?” Pinilit kong hindi gumaralgal ang boses ko.


“Ah, ganun ba? Sige hihintayin nalang kita. Ano gusto mong ulam?”


“Alright, you’re the boss.”


“Sige babay din mahal.” Sabay putol nang linya.


Nakatingin lang sa akin si Ace na may mga ngiti sa kanyang labi.


“Si Dorwin, Malalate daw sya nang konte pero dito parin sya maglulunch. Dito ka na rin mag lunch Ace magluluto ako nang afritada yon ang request ni Dorwin, eh.” Nakangiti kong paaanyaya sa kanya.


“Wow! Paborito ko yan. Sige, Tatawagan ko na rin si Rome baka hanapin ako nun pagnagising hindi kasi ako nagpaalam na pupuntahan kita.”


“Ganun? Baka mag wala yon pagnagising na wala ka sa tabi nya.” Biro ko sa kanya.


“Kaya nga tatawagan, eh.” Nakangisi nitong sabi. “Seriously Red, wala ka ba talagang balak makipag-ayos sa mama mo?” Pagpapabalik nanaman nito sa topic namin kagabi.


“Ace.” Pagsaway ko sa kanya.


“Alright, alright!” Nakataas pang mga kamay nito na animoy sumusuko sa laban.


Tinulungan ako ni Ace na maghanda at pinatawagan ko sa kanya si Rome kung pweding sabihan nya itong bumili nang coke at yosi sa madadaanang grocey store. Magaalas dose na nang dumating si Rome. Assual labingang walang katapusan ang ginawa nang dalawa imbes na tulungan akong mag handa sa lamesa.

Dumating si Dorwin pasado alas dose. Saglit na  nabigla pa ito nang makitang nan doon ang magkasintahang walang kamatayan ang lambingan daig pa ang hindi nagkikita araw-araw. Makikita mo ang closeness ng dalawa habang naghaharutan sa hapag.


Naging masaya ang tanghalian namin. Pansin kong bumalik na ang sigla ni Ace, tumatawa na ito habang nakikipag kwentohan sa kanyang pinsan. Kami naman ni Rome ay nakikinig lang at nakikitawa sa kanilang dalawa.


_______________________


 Araw-araw kong ipinaparamdam kay Dorwin Kung gaano ko sya kamahal. Sa mga nagdaang buwan ay naging maganda ang pagsasama namin ni Dorwin walang nagbago nariyan ang lambingan at syempre ang sex pero ang mas pinaka exciting na nangyari ay nung ipakilala ako nito sa kanyang mga kaibigan at kapamilya. Parang nagkaroon ulit ako nang pamilya, tanggap nila ang relasyon na meron kami ni Dorwin naisip ko pa nga na napaka swerte pala ni Rome sa pamilya ni Ace noong ipakilala sya nito dahil yon ang naramdaman ko nang ako naman ang nasa lugar nya. Nung una nakakailang pero nandoon din naman sina Rome at Ace kaya hindi ako na out of place. Naging kasundo ko rin ang kambal nito na si Dave dahil pareho kami nang kurso at nangako pa ito sa akin na tutulungan akong makahanap ng trabaho oras na maipasa ko ang board exam.


“Mahal, happy 7th monthsary!” Ang magiliw kong bati sa kanya nang pumasok ito sa kwarto at akmang bubuksan na ang ilaw. Kadarating lang nito galing sa isang hearing.


Lagi kong pinaghahandaan ang monthsary namin ni Dorwin gusto ko kasi na gawing memorable ang bawat buwan na magkasama kami. Niluto ko ang mga paborito nitong ulam at bumili din ako nang mga paborito nitong desserts.


“Sabi ko na nga bang may binabalak ka nanaman, eh.” Ngingiti ngiti nitong sabi at binigyan ako nang halik.


“Syempre naman. Gusto ko lagi kitang sinusurpresa para hindi ka magsawa sa akin.” Naglalambing kong sabi.


“Asus! May ganun talaga? Ako rin may surpresa sayo.”


“Talaga, Ano naman yon?” Ang parang batang excited na malaman kung ano ang surpresa nito.


“Di mo ba muna ako papakainin? Nagugutom na ako. eh” Nakangiti nitong paglalambing.


“Ay, oo nga pala tara, niluto ko ang mga paborito mo tiyak mapaparami nanaman kain mo.”




At iginaya ko na sya sa lamesa na inihanda ko sa loob nang kwarto. Pula ang napili kong cover sa maliit na lamesa na pagsasaluhan namin. Ilaw na nagmumula sa scented candles ang nagsilbing liwanag sa kwarto. Nang makaupo sya ay ibinigay ko ang regalo ko sa kanya. Tatlong mapupulang rosas na may kalakip na note.


Bakas sa mukha ni Dorwin ang pagkabigla nang makita ang inihanda kong surpresa sa kanya. Effective ang surpresa ko. Ang nasabi ko nalang sa aking sarili habang nakatingin na mangha sa ginawa ko.


Binigyan ako nito nang isang matamis na ngiti at sinimulang basahin ang note na ginawa ko talaga para lang sa kanya. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga loveletters nung high school sanay kasi ako na ako ang binibigyan ng mga may crush sa akin.


I may not be the man in your dream but I just wanted you to know that I was very lucky to have you as my other half. Kahit hindi mo sinasabing mahal mo ako hindi magiging rason yon para hindi na kita mahalin. All im asking is for you to stay beside me and let me make you feel how to be loved. I love you and happy Monthsary.

Red.


Kita kong unti-unting pumatak ang luha nito habang binabasa ang Note na ginawa ko para sa kanya.  Nang matapos nya itong basahin ay agad syang napatayo at lumapit sabay bigay nang isang mahigpit na yakap na ginantihan ko naman.


“Wag kang umiyak. Di ba sabi ko sayo ayaw na ayaw kong nakikita kang umiiyak?” Pag-aalo ko rito.


“Ikaw kasi, eh.” Sabi nito na humihikbi.


Iniharap ko ang mukha nito sa akin at nagkatitigan kami.


“I love you.” Ang nakangiti kong sabi na bakas sa aking mga mata ang senseridad sa sinabi ko.


Inilalayan ko na itong bumalik sa upuan para masimulan na naming kumain. Sa loob ng pitong buwan ay mas lalong lumalim ang damdamin ko para kay Dorwin. Kahit pa man alam kong may puwang pa rin si Niel sa kanyang puso dahil sa tuwing naiimbitahan kami nang mga kabarkada nya ay nagiiba ang mood nito hindi iyon naging hadlang sa akin. Sa halip ay ginamit ko pa iyon para mas ma challenge akong mahalin sya araw-araw.


“Masaya ka ba ngayon?” Ang tanong ko sa kanya habang pareho kaming nakaupo sa may carpet at nakasandal sa kama. Katatapos lang nitong inumin ang pangapat nyang tagay.


“Sobra!” Magiliw nitong tugon na sinamahan pa nang isang matamis na ngiti. “Ay teka yung surprise ko di ko pa pala nabibigay sayo.” Ang sabi nito nang maalala ang kanyang surpresa sa akin.


Tumayo ito at may dunukot sa kanyang pantalon. Nang makuha nito ang bagay na nasa kanyang bulsa ay mabilis nya itong tinago sa kanyang likod.


“Pikit ka.” Nakangiti nitong utos sa akin.


Sinunod ko naman sya. Parang tambol ang aking dibdib sa sobrang excitement. Naramdaman ko nalang ang pagdampi nang isang malaming na bagay sa aking daliri napamulat ako.


“Siguro sapat na ito para maiparamdam sayo na mahal rin kita Red. Hindi ko man sinasabi sayo kung gaano ka kahalaga sa akin alam ko sa puso ko na may nararamdaman din ako sayo hindi man tulad nang pagmamahal mo sa akin gagawin ko ang lahat para tuluyang makalimutan si Niel. Thank you for all the efforts it really means a lot to me.”


Napayakap ako rito. Sa pitong buwan naming magkarelasyon alam kong hindi ko pa lubusang naaangkin si Dorwin pero hindi na iyon mahalaga sa akin. Ang importante ay sinusubukan ako nitong mahalin sa abot ng kanyang makakaya. Pasasaan bat makukuha ko rin ang buong pagmamahal nya.


Iniharap nito ang aking mukha sa kanya at masuyo akong hinalikan. Naging malalim ang halikan namin. Pareho naming ipinaramdam ang pagmamahal sa isa’t isa hanggang sa namalayan ko nalang na nasa ibabaw na pala kami nang kama at kapwa na hubo’t buhad.


Nang maghiwalay ang aming mga labi ay nagtagpo ang aming nangungusap na mga mata.


“Make love to me Red.” Sambit nito.


“I will.” Pabulong kong sagot at muling naghinang ang aming labi.


______________________


Nagising ako sa malakas na tunog nang aking cellphone agad ko itong kinuha.


“Oh, Ace bakit?” Inaantok kong bungad rito.


“Sige, sige. What time ba?”


“Okey sige pupunta ako. Bye.” at ibanalik ko ang telepono sa side table.


Napatingin ako sa wall clock mag aalas dose na pala. Dali-dali akong bumangon at tinungo ang banyo.


Thank you about last night you’re always full of surprises. I’ll be home after my meeting with my client. Enjoy the rest of your day.

Dorwin,


Kahit na pitong buwan na ang lumipas ay patuloy pa rin ang pagiiwan ni Dorwin ng sticky note sa akin tuwing aalis ito na tulog pa ako. Ito ang nagbibigay sa akin ng ngiti at pagasa araw-araw sa tuwing hindi ko sya nakikita pagmulat ko. Mababaw man pero kontento na ako sa simpleng bagay na iyon. Maramirami na rin akong nakulektang sticky note galing sa kanya simula nang maging kami nakahiligan ko na itong itago sa isang maliit na box.


Hindi mahirap mahalin si Dorwin kahit paiba iba ito nang ugali. May mga araw na sorbrang lambing nito at may mga araw naman na may sumpong, yon ang nagustohan ko sa kanya napaka unpredictable nyang tao hindi ko mahulaan ang tumatakbo nang kanyang isip. Malapit na rin ang kasal ni Niel at ni Pauline ang girlfriend nito na balita koy anak mayaman rin. Minsan ko lang itong nakilala nung birthday nang kaibigan ni Dorwin at yon din ang unang beses na nakilala ko ang mga kaibigan nito. Hindi naman sila mahirap pakisamahan, tulad ng mga kaibigan ko ay makukulit at kwela rin ang mga ito lalo na si Brian na syang naging malapit sa akin.


Naging maganda ang takbo nang bar. Isa na ito ngayon sa mga dinadayong bars sa downtown area. Sa halip na sa tuwing Friday lang ang acoustic night ay ginawa naming Friday and Saturday since yon ang laging renerequest ng mga costumers namin. Si alex na ngayon ang casher ng bar kaya kahit anong oras na akong pweding pumunta doon.


Ang mga kabarkada ko naman ay hindi parin nagbabago. Nariyan parin ang Saturday session namin para makapag bonding at makapagusap usap syempre kasama na namin sa inuman si Dorwin.


Pitong buwan ko na ring hindi nakikita si mama. Wala na akong balita pa rito simula nang pinalayas ako nang asawa nya ni hindi nga nito nakuhang magtext o tumawag manlang para kumustahin kung buhay pa ako. Mas lalong sumidhi ang galit ko para sa kanya sa mga nagdaang buwan.


Tuluyan ko na ring nakalimutan ang nararamdaman ko kay Ace, sa ngayon ay matalik nalang kaming magkabigan at ako ang laging takbohan nito tuwing may problema sila ni Rome.


Natapos akong maligo at makapag bihis. Agad akong lumabas para puntahan si Ace sa bahay nila kailangan daw ako nitong makausap. Paniguradong may problema nanaman ito sa tono palang nang boses nya kanina.


“Kayo pala sir Red.” Ang bungad sa akin ni Manang Let ang mayordoma nila Ace.


“Manang si Ace po?” Magalang kong tanong rito.


“Nasa kwarto nya mukhang nagaway ni sir Rome. Hindi pa bumababa para kumain.” Pagsusumbong nito sa akin.


“Ganun po ba? Ako na bahala don manang.”


Agad kong pinuntahan ang kwarto ni Ace. Sa pitong buwan na dumaan bihira lang magaway ang dalawa at kung magaway man ito ay maliliit na bagay lang kaya hindi ako nagaalala sanay na ako sa sumpong ng dalawang hunghang na ito.


“Ano nanaman ang problema mo at hindi ka pa raw kumakain?” Bungad ko rito nang pagbuksan ako ng pinto.


“Red, I need your help.” Seryoso nitong tugon.


“Ano naman yon?”


“Something’s wrong with Rome para itong balisa sa mga araw na nagdaan.” Pagkwekwento nito.


“What do you mean?” Nakakunot na noo tong tugon.


“Lately parang ang lalim ng iniisip nya. Nawala na ang appetite nya sa sex na mas lalong nagpapakaba sa akin. Feeling ko may babae si Rome.” Mangiyak ngiyak nitong paglalahad.


“Si Rome may babae?” Ang di ko makapaniwalang nasambit. “Ace, baliw na baliw ang mokong na yon sayo hinding hindi nya magagawa yon.” Dagdag wika ko pa.


“Nagawa nga nya noon bakit di nya magagawa ngayon? Siguro nagsasawa na sya sa akin.” At tuluyan na itong naiyak.


Yinakap ko naman ito at inalo iyakin talaga si Ace noon pa man ito rin siguro ang dahilan kong bakit na hulog ako sa kanya noon ang pagiging vulnerable nito na nagbigay sa akin ng pakiramdam na dapat ko syang protektahan.


“Shhh.. Tama na ako bahala kakausapin ko si Rome.” Pag-aalo ko rito.


“Natatakot ako Red, baka mauwi lang sa wala ang relasyon namin ni Rome.” Humihikbi nitong sabi.


“Hindi yon mangyayari ano ka ba. Wag ka ngang magisip ng ganyan. Basta ako ang bahala okey?”


Sinaluhan kong kumain si Ace para lang mapilit ito. Kahit tapos na akong kumain bago umalis ay napasubo ulit ako. Napaisip rin ako sa kung ano ang problema kay Rome totoo kayang nagsasawa na ito kay Ace?


Nang masigurong okey na si Ace ay nagpaalam na ako rito sinabihan ko nalang sya na wag na munang magisip ng kung anu-ano at intindihin nalang muna si Rome dahil baka may problema ito sa kanila. Balak kong tawagan si Rome at makipagusap sa kung ano man ang problema nito.


Tinawagan ko si Dorwin na doon nalang kami magkita sa bar sinabi ko rito na magiinuman kami nina Carlo at Rome. Tiwagan ko rin ang dalawa at niyaya silang makipaginuman ang dahilan ko lang ay na miss ko ang makipaginum na kami kami lang at hindi kasama ang mga karelasyon namin sinabi rin ni Carlo na tatawagan nya si Chad at aayain.


Pasado alast otso nang dumating ang mga kumag. Agad naman naming sinimulan ang inuman don lang kami sa labas pumuwesto para walang makarinig sa mga paguusapan namin. Magandang timing ito dahil matutulungan ako nina Carlo at Chad para mapilit si Rome na magsalita.


“Kamusta kayo ni Attorney pare?” Pagsisimula ni Carlo sa usapan.


“Kaka celebrate lang namin ng 7th monthsary kagabi.” Nakangisi kong tugon.


“Tingnan mo nga naman. Ang bilis na dumaan ng buwan noh? Nung una ayaw na ayaw mo sa kanya pero ngayon inlababo ka na.” Pabirong sabi nito.


“Oo nga eh. Nung una may nalalaman pa syang ‘Wala akong ibang lalaking iibigin kung hindi si Ace lang.’ na linya tapos ngayon ang keso na.” Sabat naman ni Chad.


Napatingin ako sa gawi ni Rome kita kong napalitan ang mukha nito mula sa pagkakangiti sa pagkaseryoso. Napansin naman ito ni Chad.


“Sorry pare kala ko kasi okey na ang ganung biro.” Pagpapaumanhin nito.


“Okey lang yon.” Tugon nito na may pilit na ngiti.


Nagkatinginan kami ni Carlo. Nasabi ko na sa kanya about sa sinabi sa akin ni Ace at nangako itong tutulungan ako. Kailangan ko lang ng tamang timing para matanong si Rome. Nagpatuloy ang kwentohan pero ibang topic na hanggang sa medyo may mga tama na kami.


“Rome may tanong ako.” Pag-agaw ko nang pansin nito na kanina pa parang baliw na tumatawa kahit hindi naman talaga nakakatawa ang usapan.


“Ano yon pare?” Ngingiti ngiti pa nitong tugon.


“May problema ba kayo ni Ace?” Seryosong tanong ko rito.


Bigla itong nagiba nang aura yung kaninang masaya at tumatawang Rome ay nanahimik bigla na parang iniisip kong sasabihin ba nya ang totoo o hindi.


“Pare, Nagpakahirap kaming tulungan kang makuha sya ulit wag mo naman sanang sayangin yon.” Dagdag wika ko pa rito.


Hindi ito sumagot kaya ako na mismo ang sumagot sa tanong ko sa kanya.


“Pinapunta ako ni Ace sa bahay nila kanina umiiyak ito dahil napapansin daw nyang may tinatago ka sa kanya. Diretsuhin na kita pare may iba ka ba?”


“Wala noh!” Maagap nitong sagot.


“Kung wala pare bakit di mo sya kasama ngayon? Hindi ikaw ang tipong gagala nang hindi kasama si Ace kilala kita.” Sabat naman ni Carlo.


“May..”





Itutuloy:



61 comments:

roman ( roohmen ) said...

1st human to comment :)

Jayzon13 said...

yehey! may update na! :D

Zildjian said...

heheheh opo kinukulit na kasi ang ng iba hihihi... pagtiisan nyo na guys ang mga typos talagang mahirap itong mapansin lalo't pagbinabasa ko ang storya ay halos memorize ko na ang mga linya hahaha...

Anonymous said...

jan na papasok sa eksena c amber...haha...c amber ang kasex ni rome nung nahuli cla ni ace sa kwarto...tinatago ni rome ang pagbubuntis ni amber..kaya laging balisa c rome...am i right kua zild?


-ram

Jay! :) said...

Hay nako Kuya Zildjian!
Pinahintay mo talaga kami hanggang 2 am. Buti at walang pasok dahil sembreak nga... hahahaha!

Kuya Zildjian, nakakabitin.

Tama nga ang guess ko, si Supah Ace nga yung nag-doorbell.

As for Rome, ano ba ang bumabagabag sa isip niya?
Tama nga naman at pinaghirapan nila Carlo na tulungan si Rome para maging sila.

Buti na lang at nariyan si Red palagi para kay Supah Ace.

Si Dorbs naman.. siya pa talaga nag initiate nung... (basta alam niyo na.. hahaha!)

Up to now, nakakainis pa rin yung ina ni Rome at dahil siya yung pinili nung ina niya.

Ang sweet ni Rome talaga ano? I love the note/letter! hahaha.

Can't wait for the next chapter Kuya Zildjian!

Go! lang ng Go! Kuya Zildjian!

Always supportive,
- Jay! :)

roman ( roohmen ) said...

Feel ko may Tulo si Rome. HAHAHA joke lang nmn :)

Zildjian said...

Ram - No comment! hahahaha abangan nyo nalang LOL

Zildjian said...

roman - what the?? ahahahaha anong tulo lol.. natawa naman ako don.. kaloko :D

Jayzon13 said...

may ano? hehe. . bitin nanaman! dagdag pampa excite sa next chapter! :)

nice mr. author! :D

Lawfer said...

May...

june, july, august, september, october magpapasko na mambibitin kpa >_>

asan na ung papaiyakin moko? 4 chapters nlang natitira pg d mq npaiyak tlagang sisingilin kta o.o

Anonymous said...

HALA. Bakit unang pumasok sa isip ko eh baka may sakit si Rome? :( Sana hindi!

Ang ganda talaga nito.. Haaaay.

- Tam

Zildjian said...

Rue - Anong 4 chapters nalang? Hanggang chapter 25 ata to lol relax!


Tam - Welcome aboard!! pano mo po na sabi yon xD malalaman natin yan sa next chapter :))

j.v said...

Hala NAMAN my iba nanga kay si rome.. Sabi ko na eh tama. Q ai ace nga nagpunta? Kaya lang tinangal ni mr, author yung comment ko.. Heheheheh kc nasa pic ni red? San mo nga pala nilagay yung pic ng 3?

Ooppssss yung kay dorwin d ko nakita at angela pati rin sayo pwd ba? Hehehehe


Guys nakita nyo ba yung pic ni rome,ace, at red? Kalimitan fone mode ako kaya baka my icon me hnd available sa fone mode.. Hehehehehe

Zildjian said...

J.V - wala na tinanggal ko na yung mga pictures hahaha... gagamitin ko sila sa susunod na mga chapters dont worry..

Lawfer said...

tapos aq sasabhan mong mtanda eh ikw tong nkakalimot >_>

ang sbi m w/in 5 chapters papaiyakn moko, e2 na una, 4 chances pa o.o

Jayfinpa said...

May ano kaya kay Rome..hehehe..parang napakasmooth ng relationship nila Dorwin nakakatakot ang susunod na mangyayari.hahaha..

Salamat at least tama na..hindi na ako magtatampo..heheheh..abangan ko next update mo!

FAYENG said...

kay gandang subaybayan na kwento..... KUDOS!

Migz said...

kainis naman si Rome, baka masayang lang magandang relationship nila ni Ace, very ideal couple pa man din sila.. si Dorwin naman, 10 years yata ang aabutin bago makapagmove on fully from Neil, wawa naman si Red kahit pa may nangyayari between them.. dear author, wag masyado pahirapan si Supah Ace at Rome ha... please....

SF GIANTS said...

wow nmn haling ng 7th monthsary nila magaya nga un...hehehe..buyi nmn ay nag kaintindihan na si ace at red...sana masbi na ni rome kay na red, chad at carlo ang dahilan nya kawawa nmn si rome....Z r u still coming back to the other site and post again??????ghe till we talk and chat again...,more power and keep it up and sna.next time.wag ka.mangbitin...hehehe

Anonymous said...

haaayyyy! cliff hanger na naman!!!

nice one z!!

umiiba na nga ang takbo ng istorya. although alam natin na sila pa rin ni dorwin until nung kasal ng kapatid ni ace...

but something heavy is coking up... hmmm

sana thursday mornning naka post na ang 17...demanding na ang mga readers mo Z!!! hehehe

regards,

R3b3l^+ion

Zildjian said...

Migz - kahit na ideal relation pa ito para sa atin hindi parin sila exempted sa mga problema :) it will help them be more matured to their relationship..


Fayeng - Welcome aboard!!!! heheheh salamat sa pagsubaybay :)


SF GIANTS - babalik pa po ako doon pero mag papahinga muna ako at magiipon ng mga chapters bago mag post sa BOL.. sure online naman ako gabi gabi eh kaya im sure magkakapagusap rin tayo :)

Zildjian said...

Rebel - hahahah yeah thursday morning posted na po ang chapter 17 kaya paki hintay lang ng konte :) pinapraktis ko lang mambitin LOL di ko kasi nagawa sa TRT ko.. ayiiee :D

Anonymous said...

Dave17 huhu tinul0y u pla,at d2 kna ngp0st buti n lng pde pla x cp q,namiz q st0ry u, bck2bck 2loy basa q, mizu sir zildjian, miz kta x bol,kbd3p ung naninira xau,
neweiz an0 pla gft ni d0rwin?knikilig aq x knila
ndi kya my sakit c r0me, o nkabuntis xa

Zildjian said...

Dave17 - welcome aboard! buti nalang at gumana.. Di mo siguro nabasa ang reply ko saU sa BOL na naka Mobile template ang blog ko kaya pwedi sa mga phone :)

RJ said...

hahaha grabe naman Z :D nakatulog na ko kagabi sa kakahintay nito tapos paggising ko ngayon ibibitin mo lang pala ko :'(

mukhang nabuntis nga ni Rome yung babaeng ka-sex niya nung nakita sila ni Ace. pero sana hindi. at sana hindi rin ganun kalaki yung problema para naman madaling ayusin :D at sana chapter 17 na agad hahaha jowk lang :)

keep it up Z! (yung pagsusulat, hindi yung pambibitin ha) :D

kristoff shaun said...

oh my god late again! Good morning Zild!!!

ram said...

hahaha nagkaproblema pala sila rome at ace hindi nakwento sa kwento book 1.

Anonymous said...

Hay.. Love!! Nakaka-inlove na partner at nakakatuwang friend si Red in one!! May ganyan kaya talagang tao in real life? Bitterela lang.. Haha!! Baka nga um-eksena si Amber tapos kailangan nilang magpakasal ni Rome. Tapos mag-aabroad sila then made-devastate ng bongga si Ace. Tapos may bagong character na magiging love team ni Ace. Tapos babalik si Rome after several years. Tapos.. Haha!! Can't wait for the next chapter.
-icy-

mcfrancis said...

parang alam ko na kung ano problema ni Rome!!!!! hehehehehe

khief blue said...

46 comments dahil kasama ka sa nagcomment hahaha...

KianTT said...

may? ano .. may ano ..??? Oh!. my 'God things r getting more sharp and interesting nice one kuya zild... keep it more abstract. you puzzled me alot every chapter that's why i'm still keep on reading your works. nice one thumbs up for you dear..

Doormouse said...

naku po.... naiinis ako dito si Rome may iba..... teka hindi kaya ako yung iba hehehe...

Anonymous said...

salamat sa update.

rei

Anonymous said...

akala ko ba ang chapter na ito ay para kay Red at Dorwin bakit ngaun pumapasok na ulit si Ace at Rome...

rstjr029

The Great Pink 5ive said...

May naiwan siyang anak kay Amber?

Anyways, thanks for this chapter :-)

Sherwin said...

nice nga kc khit paano hndi nwawala story ni ace and rome. boring nman at bka wla na mkwento kung lahat kay dorwin at red lang...

very nice sna 2 chapter per day ang update mo

dada said...

May sakit si rome??? Ehe...zildjian xenxa n now lang uyet nakadalaw s blog m mejo busy this past few days dahil zah work....nc chapters nga pala.... God Bless!!!!

LOUIE@DXB said...

zildjian ang nice ng mga stories mo,, salamat kay jeffy na napost nya sa blog nya ang blog mo may bago nako sinusubaaybayan,,,ehehehe ganda mga kwento po sulit ung maghapon na natapos ko ung the right time at after all.....keep it up...galing


LOUIE@DXB

wizlovezchiz said...

Ang sweet naman ni Red para kay Dorwin. Kawawang Ace naman... Pede pakibatukan si Rome para sa akin? :)

Coffee Prince said...

Oh Shit!

ano problema ni kuya Rome ? ..


:(


bakit ganun? parang walang SPARK para saken c Red at Dorwin .. ?

i think Red deserves someone ..


Thanks kuya zildjian :)

Zildjian said...

rstjr209 - kailangan pa rin sila sa storya na ito kasi part sila nang buhay ni Red.. :)


ang daming comment yehy!! SALAMAT KAY JEFOFOTZ SA PAG-ADVERTISE NG BLOG KO SA SITE NYA...


sa mga bago kong taga comment welcome aboard!!!



wag nyo pansinin si khief hahahaha bitter lang yan :D

Ross Magno said...

Sobra namng makabitin Mr. Z.

Mukhang magiging tatay na si Rome ah. Nangungulit ung babaeng naka-one night stand nia at sinabing buntis siya...hehe


Aabangan ko talaga ang susunod na kabanata kahit 3am pa yan hehe..

Anonymous said...

naku... okay lang na maysakit si Rome.. wag lang yung may nabuntis siya..

pero.. hmmmm... parang 'tong dalawang scenario lang ang pabalik2x na reason ng mga conflicts sa mga stories na nabasa ko na ah.. pwedeng may alternative? LOL...

anyways, getting more and more interesting Z! galing galing galing talaga ;)

-rover :D

frontier said...

1st comment k s blog mo...hehe

-ang ganda ng flow ng love stories nila parang teenagers lang..hehe
kudos mr. Z!

Zildjian said...

Cugertz - welcome aboard cugertz!!! :) salamat sa comment mo ingat lageh..

Anonymous said...

Ang ganda Z. Panalo ka talaga. Ang tweeet nila red and dorwin. Sana happy ending ito. hahaha... Waaah. sana may kasunod na. Ang bait ni Red. Mahal ko na rin sya. hahaha...


~billy

Anonymous said...

Dati pa naman ako nagbabasa nito, simula pa nung The Right Time. Ngayon lang nagcomment. Hehehe.

Anyway, salamat sa pag-welcome. :D

Hindi ko rin nga alam kung bakit naisip ko na may sakit si Rome eh, baka paranoid lang. Haha!

- Tam

Anonymous said...

medyo maikli poh ang kwento sa chapter na ito Mr. Author, pero ganumpaman ay natuwa naman po akuh dahil naging mas lalong lumalalim na ang pagtitinginan nila Dorwin at Red, ang tuluyan ng nagawang kalimutan ni Red si Ace, pero unfortunately,, sa side naman ngayon nila Rome at Ace, ang may problema,,anuh ba yan!!!! walang katapusang problema!!! ang ganda-ganda na ng samahan nila eh,,,parang mauuwi pa yata sa hiwalayan,,, nalulungkot tuloy akuh Mr. Author sa maaaring mangyari, Paano na kaya si Ace? Paano kaya kung totoo ang lahat ng inaakala nya? Totoo nga po ang sinasabi ng iba tungkol sa pag-big,,,"Walang taong di nasasaktan sa Pag-ibig",, hanggang sa susunod na chapter,, Ingatan nawa tayong lahat!!!

Beucharist

Anonymous said...

Dave17 andaya u sir zildjian huhu,tinul0y u pla plan0 u muntk q p ndi mtap0s st0ry u,buti pde x cp q
answeet nmn ng red0rwin,xna mgkaay0s n c ace at r0me
xbi q xau susu4than kta eh namiz q st0ry u 2chpter agd bnasa q

Anonymous said...

z... kaya pala hindi ako makapag post ng comments dun sa post na may mga pictures na delete na pala... huhuhu... pero gwapo ni rome ah... and cute si ace...

pero eto mga sites where you can get pix...

http://bestofmensworld.blogspot.com/
http://pinoyhunkys.blogspot.com/
http://yummypinoyhunks.blogspot.com/
http://www.rddantes.com/
http://pogingpinoy.blogspot.com/
http://www.simplymanila.com/

regards,

R3b3l^+ion

zenki said...

hunga noh di pa nag i love you si dorwin kay red....

so ibig sabihin takot pa rin si dorwin magsabi baka mamaya ulit iwan na naman sya....

ano naman kaya meron kay rome....

after 2 days ba ulit ang update mr. author...

tnx mr. author....

Zildjian said...

haha mga totoong tao sila Rebel... sila ang mga kaibigan ko at sa kanila ko kinuha ang mga description nila. sane with the characteristics din para maging mas makatutuhanan :D syempre may dinagdag ako pero half of it ay totoo. :)

Zildjian said...

Zenki - Yeah abangan sa thursday early morning may chapter 17 na.. :D as requested by R3b3l+ion.. :D

Anonymous said...

Z buti pumayag mga friends mo ipakita yung mga pix nila...hahaha... pero in case gusto mo lang ng face for a name... pwede na yung sites na yun. daming gwapo and cute and hunky hehehe...

wow!! sino nga pala yung si "rome"? pwede ba siyang maging rome ko? hahahaha...

thank you Z!

regards,

R3b3l^+ion

Zildjian said...

R3b3l^+ion - hahaha pinost ko lang dami kasi nagtatanong mga hitchura nila since na sanabi kong nageexist ang pitong character sa TRT at AA. Si Rome ay nasa japan ngayon don sya nagtratrabaho kaaalis lang :) yung real name nya sekwet nalang :D

Mike said...

Wheeee... Kakainis kang mangbitin... Bwahahaha... Demanding na ako author... Please update na...

Anonymous said...

please update na... akala ko early thursday! huhuhuhuhu...

Anonymous said...

oo akala ko rin early morning this thursday,,,,kanina pa nga puh akuh naghihintay eh,,,,bakit wala pa hanggang ngayon,,,

Beucharist

Anonymous said...

SHIT! ,, ITO NA UNG KINAKATAKUTAN KO! ,, BAKA UNG KASEX NI ROME EH,, NABUNTIS NYA!, SHOCKZ,! ,

KUNG AKO SI ACE,! MAIINIS TALAGA AKO KAY ROME AT MAGAGALIT!,,, BAKA MAKASIRA PA UNG RELASYON NAMIN NI ROME! ,,HAHA,,XD...

BABASAHIN KO NA UNG NEXT DHI NA ME MAKAPAGHINTAY EH! :D!

(IAN)

Anonymous said...

hmmmmn...siguro nabuntis nya yung girl dati..weeeew!!!

-jojie

Anonymous said...

may ano ba papa rome??haha...kabitin ung last part!haha...buti nlng posted na lht kya no way for long wait..^^

pero medyo kinakabahan aq thinking pa ung nsa teaser...hhmmm,,babalik kya c ace sa buhay ni red??nahati 2loi opinyon q pero mas mgnda sna kung ma-endure ni red ung test na to pra ke dorwin...

-monty

Post a Comment