Alam kong
bukas pa dapat naka schedule ang pagpost ko nang chapter 10 pero dahil sa isang
importanteng kaibigan kaya napaaga ito.
Gusto ko po
sanang hingin ang tulong nyo sa pamamagitan nang dasal para sa kaibigan ko na
si Randolf (Ran) na taga subaybay din nang storyang ginawa ko na ngayon ay nag
susuffer sa sakit na Cancer. Tama po. May Cancer sa Brain si Randolf na kanina
ko lang nalaman nung umuwi ako galing sa inuman. Nabasa ko sa fb ko na may
pinost sya na nakatag sa amin na mga kaibigan nya. Mukha pong sumusuko na si
Randolf siguro ay hindi na nya kayang tiisin pa ang sakit. Alam naman nating
lahat na ang cancer sa brain ang pinaka painful sa lahat nang cancer at masyado
pa pong bata si Ran para makayanan nya ang sakit na hatid nito. 22 years old
palang po si Ran sobrang bata pa nito.
Randolf pasa
sa iyo ang chapter na ito.. Don’t lose hope kaya mo yan! Sorry kung nagtampo
ako sayo dahil sa alam mo na.. >.<
DISCLAIMER: This story is a work of
fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely
coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in
any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or
use this story in any manner without my permission.
___________________________________________________
Sobrang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko lalo na kay Angela
at Carlo dahil parang nabawasan ang bigat nang damdamin ko sa mga sinabi at
pinakita nilang pagintindi sa akin. Ito lang naman kasi ang gusto ko ang may
umintindi at magpakita sa akin nang pagaalala.
Nasa byahe
na kami ni Dorwin pauwi nang bigla itong lumiko sa isang kalsada. Nagtaka ako
kung saan kami pupunta kaya naman tinanong ko sya.
“San tayo
pupunta?”
“Daan muna
tayo sa Andoks bili lang ako nang pagkain mo.” Sabi nito sa akin na nakatuon
parin ang atensyon sa kalsada.
“Wag na.
Tulog nalang tayo pag dating natin sa bahay mo.” Pagtanggi ko.
“Hindi
pwedi. Hindi ka kumain kanina nang dinner baka magka ulcer ka sa ginagawa mo umiinum
ka nang walang laman ang tyan.” Pamimilit nito.
Hindi na ako
nakipagtalo pa. Ramdam ko na kasi ang pagod at tama nang alak sa akin. Hinayaan
ko nalang sya sa gusto nya.
Nasa
kalaliman ako nang tulog nang bigla kong maramdaman na may tumapapik sa balikat
ko. Nabigla ako kaya naman napabalikwas ako nang upo. Hindi kasi ako sanay na
may gumigising sa akin pag natutulog.
“Relax, Ako
lang to.” Sabi nito sa akin.
“Asan tayo?”
Inaantok ko pang tanong sa kanya.
“Nasa bahay
na. Kaya nga kita ginising, eh. Tara na nang makakain kana at makapag pahinga.”
Sabi nito sa akin sabay baba nang kanyang sasakyan. Sumunod naman ako sa kanya
sa loob nang bahay.
“Mag half
bath ka muna para presko ang pagtulog mo mamaya. Ako na bahala sa paghahanda
nang makakain mo.” Sabi nito nang makapasok kami sa loob.
Agad naman
akong tumalima para makapag shower. Hindi ko alam pero parang ang bait nang
lokong to ngayon sa akin. Napangiti nalang ako sa kanya bago umakyat nang
kwarto para tunguin ang banyo doon.
“Yung
tuwalya nasa cabinet!” Pasigaw nitong sabi sa akin.
Nakakapanibago
si Dorwin. Ibang iba sya kumpara sa una naming encounter. Ano naman kaya ang plano nito? Ang naitanong ko nalang sa aking
sarili.
Agad akong
tumalima sa banyo at sinimulang maligo. Habang naliligo ako ay bumabalik balik
sa akin lahat nang mga sinabi ni Carlo. Ang makuntento nalang kung ano ang
meron kami ni Ace. Hindi ko hahayaan na masira ang pagkakaibigan namin dahil
lang sa nararamdaman ko.
Mga labing
limang minuto ang itinagal ko sa banyo at nang lumabas ako may mga ngiti na ako
sa aking labi. Hindi na ito pilit na ngiti kung hindi ngiting nagsasabi na
magiging okey din ang lahat. Bumaba ako sa kusina at nadatnan ko si Dorwin na
nagtitimpla nang kape.
“Ang bango
naman nang kape.” Bati ko dito na nakangiti.
Ngiti ang
isinagot nito sa akin sabay sabing. “Kumain kana para makapag pahinga ka
pagkatapos.”
Naupo ako at
sinimulang kumain si Dorwin naman ay umupo rin paharap sa akin dala ang kanyang
kape. Ramdam ko na malalim ang kanyang inisip kaya naman bigla kong binsag ang
kanyang pananahimik.
“Balita ko
family day nyo mamaya.”
“Yeah, every
Sunday ang family day namin.” Sagot nito sa akin at binigyan ako nang
nagtatakang tingin.
“hmmm… About
sa nangyari..”
“Wag na
nating pagusapan yon. Ikaw na nga ang may sabi na yon ang habol ko sayo.”
Ramdam ko ang panunumbat nito sa akin.
“Hindi
ngaba?” Ang hamon kong tanong sa kanya.
“Kahit anong
gawin kung paliwanag hindi ka rin naman makikinig kaya hayaan nalang natin sa
kung ano ang gusto mong isipin sa akin.”
Tango nalang
ang naisagot ko sa kanya. Wala akong maisip na sasabihin dahil tinamaan ako sa
sinabi nya at kahit man magsabi sya nang totoo wala na ring magagawa iyon dahil
nangyari na ang nangyari.
“Mauna
kanang magpahinga baka ma late ka bukas sa pupuntahan mo ako na bahala
magligpit nang kinainan ko.” Pagputol ko muli sa katahimikang namayani.
“Hindi, ako
na ang bahala dyan hintayin nalang kitang matapos.”
“Ako na sabi
ang bahala.” Wika ko rito na nakangiti. “Sige na magpahinga kana.” Dagdag ko
pang sabi rito.
“Sige, kung
mapilit ka. Paano, akyat na ako di na rin kaya nang mata ko ang antok.” Sabay
tayo nito sa kinauupuan nya at tinungo ang hagdanan para pumanik sa kwarto.
Sinundan ko lang sya nang tingin.
Pinagpatuloy
ko ang pagkain ko habang nasaisip ko parin ang kakaibang Dorwin na aking
nakikita ngayon. Parang naguguilty ako na ewan sa ginawa ko sa kanya.
Matapos
akong makapagligpit ng pinagkainan ko. Agad akong umakyat sa kwarto ni Dorwin
para makapag pahinga narin. Nang makapasok ako sa kwarto nya kita kong
mahimbing na ang tulog nito halatang pagod rin sya sapagkat rinig ko ang mabini
nitong paghilik. Sa di malamang kadahilanan napatitig ako sa maamo nitong
mukha. Para itong bata kung matulog na nakayakap sa kanyang malaking hot dog pillow. Napangiti
ako sa di malamang dahilan.
Tumabi ako
rito dahan dahan para hindi ito magising. Naihiga ko na ang katawan ko sa kama
nang biglang tumunog ang Cellphone ko.
“Oh, pare?”
Ang pabulong kong sagot kay Carlo.
“Dito na
kami sa bahay kadarating lang. Kamusta ang lagay mo dyan?” Rinig ko ang pagtawa
ni Tonet siguro naka speaker ito.
“Akala ko
naman kung ano na ang importanteng sasabihin mo.” Nakaramdam ako nang inis sa
dalawa.
“Sorry naman
gusto ko lang masiguro na okey ka.”
“Okey pa sa
alright pare, sige na matutulog na ako at baka magising pa si Dorwin dahil
sayo.” Galit kong sabi sa kanya.
“Ay tulog na
ang isa. Alright, you win. Be ready with your price.” Malanding sabi ni Tonet
sa kabilang linya.
“Walang hiya
ano nanaman ang trip nyong dalawa ngayon?” Reklamo ko rito na sabay nilang
tinawanan.
“Buset!” At pinutol
ko na ang linya.
Ngingiti
ngiti kong ibinalika ang cellphone ko sa side table. Nakakaingit lang sila
dahil hanggang ngayon hindi parin sila nauubusan ng kalokohan. Yon siguro ang
paraan nila para hindi sila ma bored sa isa’t isa kaya naman habang tumatagal
ay mas lalong lumalalim ang kanilang relasyon.
___________________________
Ala una na
nang akoy magising wala na si Dorwin sa tabi ko. Agad kong tinungo ang Banyo at
muli may naka dikit na naman sa salamin na sticky note.
Hindi na kita ginising dahil alam
kong pagod ka. Kumain kanalang sa baba nakahanda na ang pagkain mo at ilagay mo
nalang sa lalagyan nang labahan ang damit mo isasabay ko nalang ito sa
pagpapalaundry ko sa tuestday. Kung aalis ka naman, nasa aparador ang spare key
i-lock mo nalang ang pinto may susi naman akong dala. Enjoy the rest of your
day. Dorwin
Napangiti
ako sa aking nabasa. Pagkatapos kung gawin lahat nang routine ko kasama na ang
50 pushups at 100 sit ups na nakasanayan ko nung nasa varsity pa ako ay agad
akong bumaba para kumain. Habang linalantakan ko ang inihandang tanghalian sa
akin ni Dorwin narinig ko ang ringtone nang aking cellphone. Dali dali akong
tumayo at tinungo ang kwarto kung saan don ko iniwan ang cellphone ko.
“Oh, bakit?”
Sagot ko sa taong tumawag sa akin.
“Buti naman
at gising kana. Punta daw tayo sa house nina Carlo.” Bungad nitong sabi sa
akin.
“Ano meron?”
Tanong ko dito habang pabalik na ako sa lamesa.
“Nagluto si
Tonet nang spaghetti. Food trip tayo doon.” Sabi nito na halata sa boses ang
excitement.
“Di halatang
gutom ka noh?” Pangiinis ko rito.
“Shut up!
Matagal na nating di nagagawa to sayang nga lang at kulang tayo pero go pa rin
daw.”
“San ka
nagkalat kanina?” Tatawa-tawa kong pangaalaska sa kanya.
“Sa ano.” Ang
nahihiya nitong pagamin sa akin.
“Ano, saan?”
Nanunuya kong wika.
“Sa bintana
nang kotche ni Chad.” Humina ang boses nito siguro dahil sa hiya.
Humagalpak
ako nang tawa. Si Angela kasi ang tipong pag nalasing expected na ang
pagkakalat nito. Minsan nga pati ako nasusukahan nito kung inaalalayan kong
itong umuwi. Wala na itong pakialam kung may nakakakita sa kanya. Ilang beses
na rin itong natumba at nagkabukol dahil sa lakas nitong uminum daig pa ang
lalake kung lumaklak itong babaeng to.
“Sige lang
pagtawanan mo lang akong hayop ka. Punta kanalang doon mga alas tres good bye!
Sabay putol nito nang linya.
Tawa parin
ako nang tawa kahit naibaba na ni Angela ang tawag, ine-imagine ko kasi ang
hitchura nito habang sumusuka. Halos maghalo ang laway at sipon nito
pagnagkakalat.
Pagkatapos
kong kumain at maghugas. Napagtripan kong linisin ang bahay ni Dorwin ewan ko
ba parang may guilt feelings ako para sa kanya na hindi ko alam. Halatang hindi
na ito nalilinisan dahil siguro sobrang busy nyang tao. Naghanap ako nang walis
okey na rin to para makatulong maibaba lahat nang kinain ko nang hindi masayang
ang ginawa kong sit ups kanina. Tinungo ko ang DVD player nito at pumili nang
CD para pampagana. Sakto naman na may nakita akong album nang cold play. Agad
kong isinalang ito sa dvd player at pinatugtog ang paborito kung kanta.
The Scientist – Coldplay Song Lyrics
Sinimulan
kong linisin ang buong bahay. Inayos ko ang lahat nang kalat sa sala bago
tunguin ang kusina para isunod. Pagkatapos ko sa kusina tinungo ko naman ang
kwarto at sinimulang linisin ang banyo na lagi naming ginagamit ni Dorwin.
Inilabas ko lahat nang mga damit na nagkalat lang sa labahan at itinupi ito
para madali nyang mailagay sa bag kung mag papalaundry sya. Napapailing ako
dahil pati mga brief at boxers nya ay kasamang nakakalat sa labahan. Burarang tao tong isang to. Ang nasabi
ko nalang sa aking sarili.
Sinunud kong
linisin ang kanyang kwarto. Inayos ko ang bed sheet nito, inilagay sa ayos ang
mga unan at ang kumot pati na rin ang buong cabinet nito na parang dinaanan na
nang bagyo sa sobrang gulo. Yung mga barong nya ay ine-hanger ko at iniligay sa
dapat nitong paglagyan. Nagtataka lang ako kung bakit walang ni isang picture
si Dorwin sa kwarto nya maski family picture ay wala sya.
Pasado alas
tres na nang matapos akong maglinis sa buong bahay. Nalabhan ko na rin ang mga
boxers nito. Parang gusto kong bumawi kahit hindi ko alam kung ano ang naging
kasalanan ko basta yon ang nararamdaman ko at tingin ko ay dapat kung gawin.
Agad akong
naligo at nagbihis para pumunta sa bahay nila Carlo. Nang tingnan ko ang
cellphone ko tinadtad na ako nang mga text nila. Nag reply lang ako na papunta
na ako saka siniguradong naka unplug lahat nang mga appliances nito bago umalis
nang bahay.
Nang nasa
tapat na ako nang bahay nila Carlo dinig ko ang malakas na tawanan nila sa
loob. Agad akong nag door bell nang dalawang beses na magkasunod. Ilang sigundo
lang ay pinagbuksan ako ni Janice, ang katulong nila Carlo na malakas ang tama
sa akin.
“Kayo pala
ser.” Bati nito sa akin nang mapagbuksan ako nito. “Kanina pa po kayo
hinihintay ni ser Carlo.”
“Asan sila?”
“Nasa sala
po.” Sabay pa beautiful eyes pa nito na lihim kong ikinatawa. “Diretso nalang
po kayo sa sala.”
Tango ang
isinagot ko rito bago dumiretso sa umpukan nang mga kaibigan ko.
“Anong kaguluhan
ito?” Ang bungad ko sa kanila. Lahat sila ay napalingon sa akin.
“Dumating ka
rin! Nagugutom na basta ako.” tampo-tampuhang wika ni Angela.
“Lagi ka
namang gutom eh.” Sagot ko rito. “Bat ang ingay nyo, ano meron?” Tanong ko ulit
sa kanila.
“Itong kaibigan
mo.” Sabay turo kay Carlo. “Ang lakas magyaya nang Churvahan di naman pala
kaya.” Sagot nito sa akin gamit ang maarteng tinig.
“Anong
churvahan?” Nakakunot noo kong tanong sa kanya.
“Slow!?”
Inis nitong sagot. “Gustong makipag laro nang apoy kagabi. Pinagbigyan ko dahil
nga natalo ako sa pustahan namin. Akalain mong tulugan ako habang nakabaon pa
sya. My god!” Tila batang nagmamatol nitong sabi.
Humagalpak
kami nang tawa habang si Carlo naman ay pulang pula na hindi makatingin sa akin
nang deretso.
“Baby naman.
Hindi mo naman kailangang ikwento sa kanila lahat nang ginagawa natin, eh.”
Reklamo ni Carlo sa sobrang pagkapahiya.
“Heh! Manahimik
ka dyan di tayo bati ngayon!” Sagot nito sa boyfriend nya.
“Buti nalang
yung hon ko hindi madaling makatulog kaya nag eenjoy kami.” Sabat ni Mina.
Napatingin
kaming lahat kay Chad na katulad ni Carlo ay agad ding namula at pasekretong
kinalabit si Mina para sawayin.
“Nakakailang
rounds ba kayo besh?” Tila intersadong tanong ni Angela.
“Yung pinaka
marami besh 4 rounds.” Sabay tawa nito nang nakakagago.
“Grabe naman
yan. Si Carlo hangang two lang, eh” Sabat ni Tonet na kita sa mukha ang
paghanga sa kakayahan ni Chad. “hmmmmm..” Dagdag pa nito na inimuwestra ang
hintuturo sa kanyang sintido na animoy nag iisip.
“Anong hmmmm
yan?” Kinakabahang tanong ni Carlo.
“Naisip ko
lang baby. Siguro dapat kanang palitan.” Sabay ngisi nito na parang nangiinis.
“Wag kang
magbibiro nang ganyan Antonet.” Wika nito na naglungkot lungkutan.
“Hindi ako
nag bibiro.” Dagdag pangiinis ni Tonet rito.
“Kahit naman
hangang two rounds lang ang kaya ko kotento ka naman sa laki.” Sabay bigay nang
nakakagagong ngiti.
“Ang
yabang!” Birada ni Angela.
“Inggit
kalang dahil wala kang love life. Talo mo pa ang coke zero!” Banat naman ni
Carlo rito na ikinatawa naming lahat.
“Makikita
nyo makakahanap rin ako nang papa na bukod sa gwapo, eh malaki rin ang hmmp!!.”
Sabay tayo at umaktong nasa pagent. “Sa ganda kong to? Malas nyo!” Biglang wika
pa nito.
Tawanan kami
sa kagagahan ni Angela.
Inihanda na
ni Tonet ang spaghetti na kanyang niluto. Tumulong sa kanya sa paghahanda sina
Angela at Mina habang kaming mga lalaki ay naiwan sa sala.
“Kamusta ka
pare sa bahay ni Att. Nivera?” Tanong ni Carlo sa akin.
“Okey naman.
Kanina, bago ako pumunta dito lininis ko ang buong bahay nya dahil sobrang
kalat. Wala na atang panahon yung abogagong yon na mag hire nang katulong.”
Pabiro kong sagot rito.
“Buti hindi
ka inaaraw-araw nun?” Pabirong sabi pa nito na sinabayan nang mahinang tawa.
“Hindi
naman. May kasunduan kami na ako ang masusunod kung kelan kami magtatalik at
syempre ako ang may kontrol sa kanya.” Sabay bigay ko nang nakakagagong ngisi
rito.
“Ingat
kalang pare.” Sabat naman ni Chad. Napatingin kaming dalawa ni Carlo sa kanya
na may pagtataka dahil hindi namin naintindihan ang sinabi nito.
“Baka kung
saan mauwi yang ginagawa mo. I mean, baka ikaw pala ang umiikot sa mga palad
nito. Dalawang beses ko nang nakausap si Dorwin at batid kong matalino syang
tao.” Kita ko ang pagaalala nito para sa akin.
“Hindi ko
nga maintindihan, eh.” Ang sagot ko rito.
“Anong hindi
mo naiintindihan? Sabat ni Carlo.
“Iba ang
Dorwin na nakilala ko nung opening sa Dorwin na kasama ko ngayon matulog.” Wika
ko sa kanila.
“What do you
mean?” Tila interesadong tanong ni Carlo.
“Ang 1st
time naming encounter ay mabait sya tapos nang maiuwi nya ako sa kanila nung
malasing ako may nang yari sa amin inakala ko kasing si Ace ang kahalikan ko sa
sobrang kalasingan. Kaya ako nainis sa kanya dahil imbes na tumutol ay nagtake
advantage pa sya. Nang magising ako kinabukasan ibang Dorwin na ang humarap sa
akin arogante na ito at tila pinaglalaruan ako.” Mahaba kong paliwanag.
“Pinag
lalaruan?” Di parin maintindihang wika ni Carlo.
“Naalala mo
nung maginuman tayo sa bar na dumating sya. Di ba nagpunta ako nang CR tapos
sumunod sya. May sinabi sya sa akin na ikinagulo nang isip ko. Para masagot ang
katanungan na yon sabi ko kailangan ko syang makausap ulit, nung pinalayas ako
sa bahay at hindi kita naabutan dito sa inyo dumaan sya sa bar. Binilhan nya
ako nangpagkain, pumasok sa isip ko na may kapalit yon kaya naman naginsist
akong malaman. Sinabi nya na ang matulog sa bahay nya ang kapalit. Nainis ako dahil
lumabas din ang tunay na kulay nito kaya pinatulan ko ang laro nya. Pero nung
nagtatalik na kami at habang sinasabi ko ang lahat nang kondisyon ko hindi ko
alam pero iba, eh. Walang libog akong nararamdaman galing sa kanya maski ang
mga halik nya pa iba-iba. Ewan ko ba pari.”
“Pano mo
naman na sabi na katawan lang ang habol sayo ni Dorwin nang sinabi nyang don ka
sa kanila matulog?” Tanong ni Chad.
Hindi ako
nakasagot.
“Paano kung
gusto lang pala ni Dorwin tulungan ka kaya sya nag offer nang ganun?” Seryosong
sabi ni Carlo.
“So bakit
sya kumagat sa pangaakit ko sa kanya?” Sagot ko naman.
“Gago ka ba,
ano tingin mo kay Dorwin santo?” Inis nitong balik.
Paano pala kung mali nga ako? Ang sabi ko sa aking isip.
“Paano kung
gusto ka pala nya?” Seryosong sabat naman ni Chad.
“Si Ace lang
ang una at huli kong taong mamahalin. Kung bibigyan nang pagkakataon na maiba
ang unang tagpo namin ni Dorwin gusto ko lang syang maging kaibigan.”
“Pare kung
ako sayo ayusin mo yan. Kung iisipin mong mabuti at kung naririnig mo ang
sarili mo ngayon hindi kasalanan ni Dorwin ang mga nangyari.” Seryoso ding sabi
ni Carlo na sinabayan naman nang pagtango ni Chad.
“Ano yang
pinaguusapan nyo?” Bungad ni Angela na papalapit na pala sa amin at may dalang
dalawang plato nang sliced bread.
“Wala naman
tungkol lang sa problema nitong si parekoy sa pamilya.” Agad na sagot ni Carlo
rito.
Sumunod
namang dumating sina Tonet at Mina na parehong may bitbit. Agad na tumayo si
Chad para tulungan ang kanyang kasintahan na tila nahihirapan sa pagdala nang
mga baso at plato. Ganun ito ka sweet kay Mina.
Habang kami
ay kumakain biglang itinanong ni Tonet ang buong detalye kung bakit ako
pinapalayas nang aking step father. Walang pagaalinlangan na ikweninto ko ito
sa kanila. Nang matapos ako agad na nag kumento si Tonet.
“Gusto mo
samahan ka namin sa inyo para kaladkarin natin yang step father mong magaling?”
Sabi nito na halata sa mukha ang nagpupuyos na galit. Lihim akong napangisi
rito dahil ako man din ay gustong gusto nang patayin ang gagong yon.
“Hindi na
kailangan Tonet hayaan nalang natin sila.” Ang sabi ko na pilit pinalumanay ang
boses dahil ayaw ko naman na ipahamak at pare pareho kaming makalaboso nang mga
kaibigan ko.
“Red, You
have to stand with your rights. Ikaw ang may karapatan sa bahay na yon dahil
papa mo mismo ang nagtayo nang bahay na yon.” Wika pa nito na parang sya ang
nahihirapan sa sitwasyon ko.
Umiling lang
ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain. Ayaw ko nang pahabain pa ang usapin
tungkol sa pamilya ko dahil sa tuwing maaalala ko ang pambabaliwala sa akin ni
mama at nung hayaan nitong paalisin ako nang asawa nya sa bahay namin ay
nasasaktan ako.
“Paano na
yan, Na simulan mo nabang i-process ang insurance na makukuha mo?” Tanong naman
ni Mina na halata rito ang pagaalala sa akin. Hindi man kami ganun ka close ni
Mina dati nag iba na rin ito dahil sa panahon.
“Ano ang
silbi natin kung hindi natin sya matutulungan?” Sabat naman ni Angela. Kahit na
may sira ang babaeng to iba parin itong magalala sa akin kahit na hindi naging
kami.
“Dapat
malaman to ni Rome at Ace.” Ang biglang sabi ni Tonet.
“Wag!” Bigla
ko ring pagtutol sa idea nya. “Hindi pwedi, wag kay Ace.” Dagdag ko pang sabi
na tila nag papanic.
“Bakit?”
Sabay sabay nilang sabi.
“Basta! Pag
sinabi nyo kay Ace ang problema ko magkalimutan na tayo.” Seryoso kong sabi sa
kanila.
“Relax
parekoy hindi namin sasabihin.” Pagkakalma ni Carlo sa akin.
Tumingin
nalang sila sa akin na parang naguguluhan pero wala ni isa sa kanila ang
kumontra siguro dahil alam nilang hindi ako nagbibiro. Iniba nalang ni Tonet
ang usapan napag desisyunan nalang muna nila na kay Dorwin nalang muna ako
tumuloy habang wala pa kaming nahahanap na apartment para sa akin. Pumayag
nalang din ako para hindi na humaba pa ang usapan naiintindihan ko naman kasi
ang pagaalala nila sa akin. Sinabi pa ni Tonet na rest day ko ngayon dahil sila
ni Carlo ang tatao sa bar para makapag pahinga naman ako kahit konte.
Alas Nuebe
na nang gabi nang dumating si Dorwin sa bar. Binati ito nang lahat nang
kabarkada ko. Halata sa etchura nito na nag enjoy sya sa kanilang family
gathering.
“Kamusta ang
family gathering?” Bungad na tanong ni Tonet.
“Okey naman.
Masaya ang mga nangyari.” Sagot naman nito sabay hila nang upuan.
“Nan doon ba
sila Ace at Rome?” Sabat ni Carlo.
“Yup!”
Magiliw nitong sagot. “So, ano ang meron?” Sabi pa nito na hindi parin matangal
ang ngiti sa kanyang labi.
“Dorwin okey
lang ba na sayo na muna tumuloy ulit si Red habang di pa kami nakakahanap nang
apartment para sa kanya?” Sagot naman ni Mina rito.
“Hindi nyo
na kailangan pang sabihin yon kahit don na sya sa akin tumira habang buhay.”
Sagot naman nito na sa akin parin nakatingin.
“Ay parang
bahay bahayan lang? Bongga!” Sabat ni Angela na nakatikim nang batok mula kay
mina.
“Aray naman
besh, Ayan kananaman!” nagmamatol nitong sabi habang hinahapo ang tinamaang
bahagi nang ulo nito.
“Malisyosa
ka kasi! Di kana nahiya kay Dorwin.” May halong inis nitong sabi na ikinatawa
naman ni Dorwin.
“Okey lang yon.
Sanay na ako sa biruan nyo.” Sabi nito. “Dumaan lang ako dito para itanong kay
Red kong nakita nya ang susi, hindi rin ako magtatagal kasi may trabaho bukas.”
Wika pa nito.
“Oo, ito
dala ko nga, eh.” Sabay labas nang spare key nya sa bulsa ko. “Pero sasabay na
ako sayo si Tonet at Carlo ang bantay ngayon.”
“Oh sya,
sige umuwi na kayo para pareho kayong makapag pahinga.” Kita ko palihim na
pagngisi ni Carlo.
“So, Tara?”
Sabi ni Dorwin sabay tayo. Tumango naman ako at tumayo na rin.
Dumating
kami sa bahay ni Dorwin. Nang mabuksan nito ang pintuan ay nabigla ito sa
nakita. Agad itong napa atras at napalingon sa akin na may pagtataka.
“Napag
tripan kong mag linis kanina.” Simpleng sagot ko sa kanya.
“Ano kaba,
hindi mo na dapat ginawa yon nakakahiya naman.” Sabi nito sa akin.
Nagtaka ako
sa kanyang sunod na ginawa. Tinangal nya ang kanyang suot na rubber shoes di
paman kami nakaka pasok sa loob nang bahay.
“Bakit mo
tinangal sapatos mo?” Takang tanong ko rito.
“Baka kasi
madumihan ang sahig.” Sagot nito na ikinatawa ko.
“Sira! Okey
lang yan.” Tatawa-tawa ko pang sabi. Gusto kong malaman kung talagang nagkamali
ako sa inakala kay Dorwin at kung ma prove ko na iba talaga ito sa inaakala ko
ako mismo ang hihingi nang tawad rito dahil sa totoo lang gusto ko ang ugali ni
Dorwin na nakikita ko ngayon.
“Nag hapunan
ka naba?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi na
ako nakapag hapunan doon dahil nawili kami sa usapan at inuman, pero busog pa
naman ako.” Pilit ang ngiti nitong wika sa akin nang makapasok kami sa bahay
nya.
“Ano ba
meron dyan sa ref mo na pweding lutuin ko?” Tanong ko rito.
“Ano nakain
mo?” Ang tanong nito sa akin imbes na sagutin ako. “Di ba galit na galit ka sa
akin?” Sabay tangal nito nang medyas nya.
“Gusto mo
araw-araw tayong mag bangayan ganun?” Sarkastikong sagot ko sa kanya.
“Natatakot
lang ako dahil nang huling mag bait baitan ka sa akin binaboy mo ako.” Seryoso
nitong sagot.
Hindi ako
nakasagot sa kanya.
“Biro lang,
Sige akyat na ako para maligo.” At tumayo na ito para tunguhin ang kanyang
silid.
Hindi ko
maiwasan ang hindi mapaisip sa sinabi nyang iyon. Alam kong may laman ang
sinabi nya kanina ramdam kong hindi iyon biro. Umakyat agad ako sa kwarto para
kausapin sya. Ito na siguro ang tamang pagkakataon para makausap ko sya nang
matino.
“Dorwin.”
Ang mahina kong sabi nang makapasok ako sa kwarto nya. Rinig ko ang lagaslas nang
tubig na nagmumula sa shower ibig sabihin nakapasok na nga ito. Hinintay ko
nalang sya na matapos.
Pagkalabas
nito nang pinto rumehistro sa mukha nito ang pagaalinlangan at kaba? Bakit sya kinakabahan, ano ang iniisip nya?
Ang naitanong ko sa aking isip na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“Bakit?”
“Gusto
kitang makausap.” Seryoso kong sabi sa kanya.
Itutuloy:
35 comments:
THIS IS THE REASON WHY I'AM SO INTO TO THIS STORY NAG FREFREAK OUT TALAGA KO AT BUANG LANG MAKAANTAY! HAHA LOVE YOU ZILD TIL THE SA NEXT CHAPTER... LOVE LOVE LOVE....
KAY RAN HAVE FAITH IN GOD, REMEMBER SYA LANG ANG TANGING MAKAKATULONG SAYO FOR NOW WAG KANG SUMUKO LET THE GOOD MEMORIES BE YOUR STRENGTH
ZILD ITO TALAGA ANG PINAKAMAHABNG PAGBABASA KO HAHA JUICE KO PO!
this is a feel good chapter.. ang bait talaga ni Red, masinop pa.. and ang galing din ng circle of friends niya dahil very understanding sila sa bawat isa.. okay lang din na maging sila ni dorwin pero sana wag na lang kasi parang di din magiging complete ang kasiyahan ni Red.. :-) thanks for a nice chapter author, keep it up..
naman Z! kelangan ibitin talaga? hahaha imba! :D andun na ko tapos ganun? waaaaaaah! grabe gusto ko na mabasa yung next chapter. habang tumatagal gumaganda ang plot ng kwentong to. nagiging interesting na kasi si dorwin haha! unti-unti ko na syang nagugustuhan.
ohmaygad sir ipost mo na ngayon yung next chapter hahaha!
jowk lang :D ingat!
kay Ran: hindi ko alam ang sasabihin para lalong mapalakas loob mo, pero ipagdarasal kita. cliché, pero sana habang nabubuhay ka, wag ka mawalan ng pag-asa. bawat araw na dumarating kasi ay bago. ingat :)
Naku salamat naman R.J at nagustohan mo ang chapter na ito.. :) hahahah praktis lang yung panbibitin :D hahahah :D salamat sa comment at salamat sa pag pray kay Randolf :)
kua z thanks xa d2 chapt na 2 ha u gve me a smilie ... Wag k mag alala khet ala naku still magbbsa pdn aku blog may cumputer naman cguro sa heaven dba?(cross finger).. .tnx sa prayer ha..hope merung miracle na mangyari...gu2 ko pa kc ma enjoy ang mundo
Really love how the story goes.
CONGRATS!
ran wag kang mawala ng pag asa ako ang sasakal sayo sige ka!!!
magpagaling ka pinaiyak mo ko kagabe !!
Ran - wag kanamang magsalita nang ganyan :( kaya mo yan.. miracle could happend unexpectedly wag kang mawalan ng pagasa at wag kang manakot :( sumali ka kasi minsan sa chat namin nina KHIEF,DON,MAMA BEAR,KIM.
kuya ran talaga .. papaiyakin nanaman ako.. palagi nalang ako umiiyak.. wag ka ganyan , sasakalin kita Tanda ka.. hmpf nakakainis ka kuya ran . nandito lang kame para sayo..
Hindi ko man kilala personally si Ran sana pakatatag siya hindi para sa sarili niya kundi para na rin sa mga nagmamahal sa kanya. I know what you are going through kasi mama ko meron din nyan but still she fight till end of her breath. We know how hard sa part ng mama ko and kung paano siya nahihirapan araw araw pero kahit na ganoon tinatary niyang magpakatatag. Sana ganoon ka rin. And keep on praying and have faith in God. Nothing is impossible para kay God.
To Zild and all his friends just have faith in God. Alam niyo mas importante ang support galing sa family at friends ng isang cancer patient. Keep close lagi sa kanya dahil mahirap ang pinagdadaanan niya. Hindi rin madali para sa family niya kaya since kau ang close friend niya try niyo na andun palagi in a way nakakatulong kayo para pagandahin ang pakiramdam ng tao at ng pamilya niya. And keep on praying.
Well regarding kay Red at least unti unti niyang narerealize na hindi tamang ipagsiksikan pa niya ang sarili niya sa isang taong hindi na magiging kanya. MAhirap makapagsimula pero kelangan gawin dahil hindi lang sa kanya umiikot ang buhay mo.
Nice chapter. Abangan ko next update mo!
Tama ka Idol Jayfinpa dapat ngang magpakatatag si Ran pati na rin kami na mga kaibigan nya. Actually hindi ko xa kilala personaly pero hindi naman importante yon para hindi ka mag care sa isang tao di ba? ang importante eh mabuti syang tao.
ganyan yung may kilig factor!!!!
sige lang ng sige!!!!!!!!!
Let's continue praying for Ran. He's too young for that case and what we can do right now is to pray and give him the support he needed especially emotional. Ran, you're a wonderful person. Hindi man tayo personally magkakilala pero I can see na mabait kang tao at maraming nagmamahal sa'yo. Ran, count me in, hindi man bilang isang kaibigan kundi bilang isang taong nakakaintindi sa pingadadaanan mo. God bless you Ran.
O.o aba napacomment ang idol ko ah... hehehehe salamat sa prayer para kay ranran dhen.. :) mababasa nya ito..
Tulad ni jayfinpa, i may not know randolf personally pero sana magpakatatag kah, sbi nga sa 100 days to heaven, "ang ano mang pagsubok n nangyayari sa atin ang may rason"...my only wish for you is nothing but happiness...miracles do come true basta be strong and have to God!!!
Naiiyak aq huhuhuhu
@zildjian....this chapter is so great xenxa n wala aqng masyadong masabi kc super affected aq s comment ni randolf sa itaas huhuhu sana po gumaling n xa... GOD BLESS!!
kuya salamat napaiyak ako dun. ran andito lang kami susuporta sa iyo. don't give up kundi tutulong ako kay kim na sasakal sayo.
aw bitin.....
xenxa l8 coment :o
lumalbas na 2nay na ugali ni dorwin... wla pa rn aqng msbi, pulido pa dn pgkakagwa (para skn, ewan q lng sa mga imba sa tbi tbi :D)
for ran, hve faith po... the light of hope is always around
@Z: super like this chapter. At least, Red and Dorwin has a chance to clear things out.. Nice chapter. And, thank you for mentioning my name in the previous chapter.
@Ran: we may not know each other personally, but keep your faith. Andyan naman lagi si Bro. *wink*
-icy-
Randolf, just leave it to the lord. sya ang mas nakakaalam ng best para sayo. Ipagdadasal kita.
lets all pray for randolf..si God lang kasi ang makakapagdecide dahil Siya ang may Likha..
your stories are great...keep it up...
thank you anon :) sana mag iwan ka naman nang pangalan so i can address u properly :)
z... i have read this chapter as soon as it was posted, but i refrained from commenting. i was at a loss for words, and i know i would not make any sense at all... but i guess, now i am okay...
i am undergoing something right now, not personally... but it has something to do with my sister. she too had cancer, way back 3 years ago, which went into remission.
then suddenly it was back, and she had to undergo 3 major operations in a span of 4 weeks, the last one happened october 12th...
it is truly painful for us, but we managed to stick together and tried to gain strength from each other. i will share a message from one of our family friends (a doctor) who have been there for us through thick and thin...
"... you know how we are to each other - more than friends. we are sisters. i feel her pain and i cry in my sleep. but we will beat this thing - by holding hands together and praying and smiling together through the pains. we will get her through this..."
friends, we may not know each other, but we share something here more than just reading stories. we may be worlds apart for all we know, but the heart knows no distance, nor anonymity... if we are together, think together, pray together, these barriers start to fade... and that which we truly desire comes to pass...
i invite everyone to close ranks for randolf... let us "hold hands together and pray and smile together through the pains. let us get him through this..."
ran... this journey is not only yours... it is ours!
warm regards,
R3b3l^+ion
wtf?!?!?! RANRAN?!?!!? BAKIT WALANG NAGSABI SA AKIN?!?!
O.o wala akong alam dyan HAHAHAh tao lang ako :))
I just want you to know that this chapter is the best chapter... ginawa ko na ngang Pambansang awik sa kwarto ko ang Scientist ng Coldplay... I just hope someday we could find the reason why things should happens... THE Best ka...
I love the development of these two :)
we will include your friend Ran to our prayers.. you're a good friend to him, I can tell.. hoping for his good health and speedy recovery..
about your story, sobrang nag-eenjoy ako sa pagbasa dito.. ang galing mong writer..
hay heto na red... sabihn m na may gusto ka rin sa kanya.... wahhhh at naku katatapos lang ni atty dorwin maligo baka may mangyari ulit... wahhhh.... kita m naman red mabait si dorwin s u...
ramy from qatar
I know this was posted last year but my prayers still goes out to RAN and his family. I don't know him personally but praying for him is the least i can do.
---
Grabeh! Ayan na. Sobrang nakaka excite ang mga nangyayari. :))
Ang kulet ng group nila, super fun! :D
ayeee...nagkakamabutihan na sina red at dorwin!ang cute nila!hehe...buti nlng mag-uusap na sila..hope masettle na rin nila ung mga issues between them...
uhm,,about pala dun sa friend mo na si ran,,i hope na he's fine napo naun..kamusta npo pala siya mr author??
-monty
Post a Comment