Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik sa AFTER ALL. Sana ay wala po akong
nakalimutang pangalan na naisulat. Pasensya na kung nahuli sa pinangako kong
oras nang paguupdate nito dapat early in the morning ito ipopost pero ito na
naman kaya HAPPY READING NALANG GUYS!
Rover,
Lilee, Rue (Katanashi no Rue the formless Cat.), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink
5ive (Great Pink 5ive), Jayfinpa (Ayan na ayos ko na), Mars, Jay!:),
R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, Kristoffshaun, Migz, Icy, Billy, Ran(Randolf),
Roman (roohmen), Mike, ICE, Ros Magno,Doormouse (ang cute nang pangalan),SF
GIANTS,Jayson13,Jhe Ehm,Zenkie,Xndr,Beucharist,Rheinne,Robert_mendoza94@yahoo.com,rstjr029,J.V,
Tam, Fayeng, Dave17, kianTT, Rei, Sherwin, Louie@DXB, Coffee Prince, Cugertz,
Jefofotz (jeffrey Paloma, Ram, Cedric, CUPIDO (Ang makwela kong chatmate) at sa
mga Anonymous at Silent Readers salamat guys.
Jefofotz –
Salamat sa pag Advertise mo ng blog ko sa site mo.. mwah mwah mwah!!!! :D
DISCLAIMER: This story is a work of
fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely
coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in
any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or
use this story in any manner without my permission.
“May…” Ang nagaalangan nitong sabi.
“Pare wag ka
nang mag-attempt na magisunangaling sa amin. Nagsawa ka na ba sa relasyon niyo
ni Ace?” Pagbutt-in ni Carlo.
“Hindi pare!
Hindi ko pagsasawaan si Ace mahal ko yon!” Maagap nitong sabi.
“Eh, kung
ganun anong dahilan mo at dumedistansya ka ngayon sa kanya? Di mo naman Gawain
yan ah.” Sabat ko sa usapan.
Kita kong
pinagpapawisan si Rome nang malamig halatang kinakabahan ito. Ako man ay
nakaradam din ng kaba sa nakikita ko sa kanya. Halatang may bumabagabag dito,
hindi ito simpleng tampuhan lang.
“Ma-may n-na
buntis ako pare.” Ang tila sinasaksak nitong pagkakasabi na nakayuko.
Nabigla
kaming tatlo sa rebelasyon. Para akong nanginig sa di malamang kadahilanan
siguro dahil sa panhihinayang sa relasyon nila ni Ace. Si Carlo naman at Chad
ay literal na napanganga hindi malaman ng mga ito kung ano ang magiging
reaksyon.
“Gago ka
pare!” Ang sa wakas nasambit ko nang makabawi. “Nagparaya ako sayo dahil akala
ko ikaw ang magpapasaya sa kanya at di mo sya sasaktan tapos ganito?!” Ang napataas
ko nang boses na tinuturo ko pa sya.
“Red, relax
tol wag kayong magaway dito paniguradong makakarating ito kina Tonet
paniguradong magpapanic ang mga yon.” Nagaalalang pagawat sa akin ni Carlo.
“Di ko
sinasadya tol, lasing ako nung mga panahon na yon.” Pagdepensa nito sa sarili.
“Kelan ba
nang yari to Rome at sino sya?” Sa wakas nagawa nang sumabat ni Chad sa usapan.
“Sya yung
babaeng katalik ko nung mahuli kami ni Ace. Minsan lang yon ng yari ni hindi ko
nga alam kung linabasan ba ako o hindi dahil sa kalasingan.” Nagsusumamo nitong
depensa sa kanyang sarili.
“Ang laki
mong gago! Pano na ngayon yan, iiwan mo nalang si Ace ganun?” Galit ko paring
sabi sa kanya.
“Hindi pare,
alam nyo naman kung gaano ko kamahal si Ace di ba? Hindi ko kaya nang wala sya.”
Ramdam ko ang sinseredad sa sinabi nito, gayon paman hindi madaling lusutan ang
problemang ito. Paniguradong masasaktan si Ace.
“Ano ngayon
ang balak mo?” Tanong ni Chad sa kanya.
“Hindi mo
habang buhay pweding maitago yan kay Ace.” Dagdag pa ni Carlo.
“Alam ko,
pero ayaw ko syang masaktan.” Malungkot nitong tugon.
“Nag
dedemand ba nang kasal yung babae?” Tanong ni Chad.
“Hindi pa
naman pare, pero humihingi nang pera para daw sa pagpapacheckup nya.”
“Kelan mo
balak sabihin yan kay Ace?” Singit ko sa usapan. Hindi ito makatingin sa akin
ng deritso.
“Hindi ko
alam, Natatakot ako na baka magalit nanaman sya sa akin at tuluyan na nya akong
iwan. Gulong gulo na ang utak ko pare, di ko alam kong ano ang gagawin ko di ko
naman pweding baliwalain nalang ang magiging anak ko.”
“Paano ka
naman nakakasiguro na anak mo nga yung dinadala nang babaeng yon? Di ba nga
sabi mo nakilala mo lang yon sa isang bar?” Si Carlo na halata ang
pagkadisgusto sa mga nalaman.
“Tinanong ko
nga sya about sa ganyan, pero pinagdidiinan nya na ako talaga ang ama at pag di
ko daw ginawa ang suportahan sya sa gastusin guguluhin nya ako.” Tila
nagsusumbong nitong sabi.
“Paano kayo
nagkita ulit? Kelan lang to?” Tanong ko sa kanya.
“3 months
ago tumawag sya sa bahay hatid ang masamang balita na yon. Nung una hindi ako
naniniwala kaya binaliwala ko lang pero nung magpadala sya nang picture sa akin
na malaki na tiyan nya don na ako kinabahan.”
“So mula
nang last encounter nyo di pa kayo nagkita personally ganun?” Pagaanalisa ni
Chad.
“Hindi pa,
nasa manila daw kasi sya. Pero ngayon nagbalik na sya ulit dito kaya ako kinakabahan
pare. Natatakot ako na makarating kay Ace ito.”
“Ano ba
pangalan nang nabuntis mo?” Si Carlo.
“Amber pare,
Amber Guzman.”
Nanlaki ang
mata ko nang sambitin ni Rome ang pangalan nang babae pati si Carlo ay
napatingin sa akin bakas sa mukha nito ang gulat at pagtataka.
“Red, di ba
yon ang babaeng inaway si Mina sa bar?” Di makapaniwalang tanong ni Chad.
“Kilala mo
si Amber pare?” Takang tanong ni Rome sa akin.
“Delekado ka
sa babaeng yon.” Ang wala sa sariling naisatinig ko. Hindi pa rin ako makabawi
sa pagkabigla.
“Anong ibig mong
sabihin?” Ang naguguluhang tanong nito sa akin.
“Paniguradong
guguluhin ka. Sabihin mo na kay Ace ang lahat bago kapa nya maunahan siguradong
malaking gulo ang mangyayari kung magkataon.” Seryoso kong sabi.
“Unang kita
ko palang sa babaeng yon alam ko nang trouble ang dala nun. Tama si Red pare,
sabihin mo nalang ang totoo kay Ace.” Pagsangayon ni Carlo sa akin.
“Paano kung
hiwalayan ako ni Ace?” Nagaalalang sabi nito.
“Magagawan
nang paraan yan pare, pero pagnaunahan ka na nang babaeng yon siguradong
hinding hindi ka mapapatawad ni Ace.” Seryosong sabi ni Carlo.
Hindi ito
sumagot sa halip ay napayuko ulit ito. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan ni
Rome ngayon kung ako man ang nasakalagayan nito paniguradong hindi ako
makakapagisip ng mabuti pero alam ko rin ang likaw ng bituka ni Amber lalo’t
may kaya ang pamilya ni Rome.
“Normal lang
namagalit yon, pero wag kang magalala tutulungan ka namin.” Sabat naman ni
Chad.
“Oo,
tutulungan ka namin pare ano paba’t bestfriends mo kami.” Pagsangayon naman ni
Carlo.
“Sabihin mo
man o hindi wala paring pinagkaibahan yon. Nasasaktan na si Ace sa mga
kinikilos mo kung ako sayo tapatin mo na sya. Panindigan mo yan tulad nang
paninindigan mo nang sya ang pinili mong mahalin.” Malalim kong sabi rito.
Napaisip ito
sa sinabi ko.
“Tama ka
pare, bukas na bukas sasabihin ko sa kanya ang totoo.” Wika nito nang ma
realized nyang may punto ako.
Pinagpatuloy
namin ang inuman at pinagplanuhan ni Rome kung paano nya gagawin ang pagtatapat
kay Ace. Sinuportahan naman namin sya sa kanyang gagawin para makadagdag ng
lakas nang loob na masabi nya kay Ace ang tungkol sa dinadala nya.
Hindi pa rin
maalis sa isip ko si Amber. Alam ko ang mga bagay na maari nitong gawin at sa
tingin ko ay pera ang habol nito kay Rome. Sinabihan ko rin si Rome na wag
sabihin kay Amber na magkakilala kami. Nagtaka man ay napapayag ko rin ito.
Naputol lang
ang usapan namin nang dumating si Dorwin. Naka walking shorts nalang ito at
naka white t-shirt. Kinumusta naman nila ito hanggang sa mauwi nanaman sa
tuksuhan lalo na nung mapansin ni Carlo ang singsing na ibinigay ni Dorwin
kagabi.
Naging okey
na rin si Rome. Kita sa mga mata nito ang relief nang maisiwalat nito ang
kanyang dinadala sa amin. Tinawagan na nito si Ace at sinabing sa kanila ito
uuwi pagkatapos naming maginuman. Gusto man ni Ace na pumunta ay sinabihan
nalang sya ni Rome na hintayin nalang nito ito sa bahay tutal malapit na rin kaming
matapos.
Talagang
malakas ang pakiramdam ni Dorwin dahil nung tinatahak na namin ang daan pauwi
ay tinanong ako nito kung may problema daw ba. Sa una ay sinabi kong wala pero
hindi ito naniwala sa akin. Alam daw nya kong may itinatago ako sa kanya kaya
napilitan akong magkwento tungkol sa problema ni Rome kay Amber pati na ang
ugali nito ay sinabi ko sa kanya. Hindi naman sya nagalit kay Rome sa ginawa
nito dahil nuong pinatawad daw ni Ace si Rome sa kasalanan nito ay kasama na
rin ang pagtangap nito sa mga pweding maging resulta sa nang yari. Nangako rin
ito na tutulungan si Rome na ipaintindi kay Ace sa sitwasyon.
Dalawang
araw ang lumipas. Nabalitaan namin na nagalit nga si Ace kay Rome kaya naman
tinulungan namin itong magpaliwanag. Pero naging matigas si Ace hindi na nito
kinakausap si Rome at hindi rin ito pinapapasok ng bahay. Walang magawa si Rome
kung hindi ang hintayin na lumamig ang ulo nito para makapagpaliwanag sya. Wala
rin kaming magawa dahil ayaw nitong pagusapan ang problema.
Lumipas pa
ang mga araw at nanghihingi na naman ng pera si Amber. Walang magawa si Rome kung
hindi ang magbigay dahil sa mga pananakot nito. Ang ipinagtataka lang ni Rome
ay kung bakit ayaw ibigay ni Amber ang address nito kahit anong pilit nyang
hingin. Gusto kasi ni Rome na kausapin si Amber at deretsahang sabihin na wag
itong umasa na pakakasalan nya dahil si Ace talaga ang mahal nito. Kahit
papaano ay naawa ako sa kalagayan ni Rome lagi nalang itong tulala at
naglalasing simula nang hindi na ito kinakausap ni Ace. Sinubukan ko ring
ipaintindi kay Ace ang sitwasyon ni Rome pero ayaw nitong makinig. Katulad nang
dati ay sarado ang puso at isip nito.
Kadarating
ko lang nang bahay mag aalas nuebe na nang gabi. Nabungaran ko si Dorwin na
magisang nagiinum sa sala habang nanunuod ng tv.
“Oh, bakit
umiinum magisa ang mahal ko?” Bungad ko rito at binigayan ko sya nang halik sa
labi.
“Tinatawagan
kita sa cellphone mo hindi ka naman sumasagot.” Tugon nito sa akin.
“Nag empty
yung cellphone ko, eh.” Ang sabi ko at tinabihan ko syang umupo sa sofa.
“Sana
nagtext ka manlang na hindi ka dito kakain para hindi na ako nagabala pang
bumili.” Malamig nitong tugon na hindi manlang ibinabaling ang tingin nito sa
akin.
“Sorry mahal,
binisita ko kasi pinsan mo sinabayan ko nang magdinner di pa kasi kumakain sabi
ni manang Leth.” Pagpapaliwanag ko sa kanya. Ngayon ko lang nakitang nagtatampo
ito sa akin dahil hindi ako nakauwi nang hapunan kaya napangiti ako.
“Kumusta
naman si pinsan?” Pambabaliwala nito sa panlalabing ko.
“Ayon, emo
pa rin.” Patawa kong sagot. “Ayaw talagang kausapin si pareng Rome eh.” Dagdag
wika ko pa.
“Yung babae
ano na ang balita?”
“Puro pera
ang hinihingi ni ayaw nga raw magpakita kay pareng Rome.” Pagkwekwento ko rito.
“Ano plano
nyo ngayon?” Sa wakas humarap na ito sa akin.
“Ang ma
prove kung si Rome ba ang ama nang dinadala nito.” Tugon ko rito.
“Pag si Rome
ang ama ano ang susunod?” Abogadong abogado kung makapagtanong si kolokoy.
“Susuportahan
ni Rome ang bata pero di nya papakasalan.”
“Paano kung ipilit
ng magulang na ipakasal sila?”
Sa tanong
nyang iyon ay hindi ako nakasagot. Hindi nga nasabi ni Rome sa amin ang plan B
nito. Kung may balak ba itong tumakas at mangibang bansa.
“Masasaktan
si Ace kung mangyayari yon.” Sabi nito sa seryosong tono.
“Hindi
hahayaan ni Rome na matali sya sa babaeng yon. That girl is a bitch and a gold
digger hindi ang tipo nya ang pinapakasalan.” May diin kong sabi. Hindi ko alam
kong bakit naapektohan ako sa sinabi nito siguro dahil naawa ako kay Ace.
“Granted na
hindi hahayaan ni Rome na makasal sya, pero what if pilitin sya? Ano ang
gagawin mo?” TIla nang hahamon nitong tanong.
Muli hindi
nanaman ako nakaimik. Tama sya ano ang magagawa kong kung magkataon? Paano ko
tutulungan si Ace? Ano ang pwedi kong gawin para maiwasang masaktan sya?
“Maligo
kana, Tatapusin ko lang to at aakyat na rin ako sa kwarto.” Pagbasag nito sa
katahimikang namayani sa amin.
Tango ang
isinagot ko rito at tinungo na ang kwarto. Habang naliligo ay iniisip ko pa rin
kung ano ang pwedi kong gawin. Nung una kasi akala ko madali lang malusutan ang
problemang ito pero habang dumadaan ang mga araw ay mas lalo itong lumalala.
Pati ang relasyon ni Rome at Ace ay unti unti nang nasisira sa bawat araw na
dumaraan.
Pagkalabas
ko nang kwarto ay naka upo na si Dorwin sa kama habang naka sandal sa headboard
at nagbabasa nang isang libro. Tahimik kong tinungo ang cabinet para magbihis.
“Susubukan
kong kausapin si Ace para kay Rome.” Ang biglang sabi nito. Napalingon ako sa
kanya na may pagtataka. Hindi kasi nito naging ugali ang pakialaman ang
problema nang pinsan nito at ni Rome.
“Don’t get
me wrong sa sinabi ko kanina. Sobra kana kasing attached sa problema nila na
nakakalimutan mong may mga unfinished problem ka rin sa buhay.” Malalim nitong
sabi sabay bigay nang isang pilit na ngiti.
Alam ko ang
tinutukoy nito pero hindi ko nalang sya sinagot. Ayaw kong ito pa ang
pagsimulan namin ng away. Sa loob ng pitong buwan na pagsasama namin ni Dorwin
lagi kong iniiwasan ang magaway kami dahil alam kong sa isang pagaaway lang
namin ay maari itong humantong sa hiwalayan. Ganun ka fragile ang relasyon
namin noon para itong baso na paghinigpitan mo masyado ang hawak ay mababasag.
“Birthday
bukas ni Brian he’s expecting us to come.” Pagpapaalala nito sa akin.
“Yeah,
tinawagan nya ako kanina before ako mag-empty.” Sagot ko rito at tumabi na sa
kanya.
“Sasama ka
ba? Baka may lakad ka bukas?”
“Syempre
naman sasama ako.”
___________________
Kinabukasan
ay maagang umalis si Dorwin para pumunta sa kanyang opisina. Ako naman ay naiwan
lang sa bahay, hindi pa rin mawala sa aking isipan kong ano ang magandang gagawin
para ma save ang relasyon ni Ace at Rome. Parang ako ang nasakalagayan ngayon
ni Rome, balisa ako sa pagiisip ng paraan, pero kahit anong isip ko walang
pumapasok na ideya sa akin.
Imbes na
pilitin ang sariling magisip ay itinuon ko nalang ang pansin ko sa paglilinis
nang bahay. Saturday kasi ang schedule ko mag general cleaning. Pupuntahan ko na
sana ang lalagyan ng walis nang marinig kong nag ring ang cellphone ko.
“Oh pare,
bakit?” Bungad ko sa taong tumawag.
“Sigurado ka
ba dyan? Saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan?” Paninigurado kong
tanong.
Tatango-tango
ako habang ikwenukwento nya ang buong detalye sa mga nalaman nya.
“Sige pare,
forward mo sa akin ang number tingnan ko kung ano ang magagawa ko.” Tugon ko
rito matapos mailahad ang lahad.
“Hindi na
pare, mas magandang ako nalang muna ang dumeskarte.”
“Sige,
update kita.” At pinutol ko na ang linya.
Napunta ako
sa malim na pagiisip ng matapos kong kausapin si Carlo. May mga impormasyon na
itong nakalap tungkol kay Amber. Hindi raw totoo na umalis si Amber pabalik
nang manila nagsinungaling ito kay Rome.
“Hindi kaya?”
Bigla kong nasabi. Sakto naman na karereceive ko lang ng business card na
pinala ni Carlo. Agad ko itong tinawagan para kumpirmahin kong tama ang hinala
ko.
Nakailang
ring din ito bago ito sumagot.
“Hello?” Hindi
ko makakalimutan ang boses nito sa telepono. Nakailang SOP rin kami nung
college.
“Amber
kamusta?” Bati ko sa kanya.
“Who’s this?”
Mataray nitong balik sagot.
“It’s me
Red.”
“Oh my god!
Hello Red, napatawag ka ata? Ano ang kailangan mo?” Ang malandi nitong sagot sa
akin.
“Wala naman
nangungumusta lang at gusto ko rin sanang magsorry about what happened nung
last encounter natin. Alam mo naman ako pa iba-iba nang ugali.”
“I know
right?” Sabi nito sabay tawa na animoy kinikilig.
“I wanna
make it up to you. How about lunch?”
Hindi muna
ito sumagot parang nagaalangan.
“Amber? Still
there?” Pagtawag pansin ko sa kanya.
“Lunch saan
naman?” Tugon nito.
“May problema
ba? Bakit ang tagal mong sumagot?” Tanong ko rito.
“Wala naman
uminum lang nang tubig.”
“Ah, okey.
So, lunch?” Pangungulit ko sa kanya. Kailangan kong makumperma kung tama ang
hinala ko.
“Lunch lang
ba talaga ang gusto mo? What if we skip the lunch thingy punta nalang tayo sa
isang lugar na private?” Malanding sagot nito sa akin.
Halatang may
iniiwasan ito. Si Amber ang tipong ipagyayabang at pipili nang lugar na matao
para makipag sosyalan.
“Mas gusto
ko nga yang idea mo. So, san mo naman gusto?” Pagsakay ko sa gusto nya.
“How about
Agalon. Mas romantic kung sa beach tayo magtsek in.
Pinili nito ang
lugar na hindi pupuntahan ng isang tao nang basta basta lang. Medyo may
kamahalan din kasi ang Resort na yon at kailangan ka talagang kumuha nang room
para makapasok doon.
“Alright,
san tayo magkikita and what time?” Tanong ko rito pinaramdam ko talaga ang
excitement ko sa lakad namin, pero ang hindi nya alam may malaking surpresa ako
sa kanya.
“Wow! Mapera
kana talaga ngayon hon. After lunch nalang maghahanda pa ako nang mga gagamitin
kong bathing suites matagal-tagal na rin ako dito pero di pa ako nakakapasok sa
resort na yon. Text kita kung ready na ako at kung saan tayo magmemeet.” Excited
nitong sabi.
“Okey.”
Dali-dali
kong tinawagan si Carlo at si Rome pareho silang hindi makapaniwala sa mga
sinabi ko tungkol sa pagkikita namin ni Amber. Nasabi ko rin sa kanila ang
hinala ko na hindi ito totoong buntis. Malaking tulong na walang kamalay malay
si Amber na kaibigan ko ang taong pinagkakaperahan nya.
Mga ilang minuto
rin ang lumipas at dumating sina Carlo kasama ang buong barkada maliban kay Ace
na hindi sinasagot ang mga tawag namin.
Galit na
galit sina Tonet at Angela lalo na si Mina sa ginawa ni Amber. Sila na daw ang
bahala sa babaeng yon nakakatawa nga ang ginagawa nilang plano kung papaano nila
ito bubogbugin sa ginawa nito kay Rome.
Si Rome
naman ay bakas sa mukha ang galit pero pinayuhan ito ni Chad at Carlo na wag
magpadala dahil paniguradong makakasuhan ito nang violence against women.
Tinawagan ko rin si Dorwin at ipinaalam ang mga nalaman ko pati na rin ang
planong pagkikita namin ni Amber sinabi naman nitong i-update ko sya.
2:00pm
hinihintay namin ang pagdating ni Amber sa isang coffee shop. Gamit namin ang
sasakyan ni Carlo hindi kasi pweding gamitin ang sasakyan ni Rome dahil nakita
na ito ni Amber. Sina Mina, Angela at Chad ay nasa likod namin naka park
naghihintay sa pagdating nito.
Kita naming bumaba
ito nang jeep naka shades pa ito walang kaalam alam sa mangyayari. Halos mag
puyos naman ng galit si Rome nang makita nya ito na walang bakas nang
pagbubuntis. Tama ang hinala ko pinagkaperahan lang ni Amber si Rome.
“That bitch!”
Galit na sambit ni Rome.
“Relax Rome,
Baka mahalata tayo masira pa ang plano.” Saway ni Tonet rito.
“Paano ako
magrerelax eh yang babaeng yan ang dahilan kong bakit galit na galit sa akin
ngayon si Ace!” Malakas na sabi nito.
“Shhhh..
Ayan na sya.” Pagsaway ulit nito kay Rome. “Red, go do you part.” Dagdag wika
pa nito.
“Game.
Hintayin nyo kami paglabas namin saka kayo magpakita.” At agad na akong lumabas
ng kotse at tinungo ang coffee shop kung saan kami magkikita ni Amber.
Nakaplastar ang ngiti sa aking mukha, ngiti nang tagumpay.
Nang makita
ako ay nagliwanag agad ang mukha nito.
“Hon!”
Magiliw nitong bati sa akin nang makalapit ako sa kanya. “Akala ko di mo
tututohanin to eh.” Sabi nito sabay bigay ng halik sa akin.
“Pwedi ba
naman yon.” Nakangisi kong sabi.
“God! Ang
gwapo mo pa rin hon. Can’t wait mamaya.” At humagikhik ito na animoy kinikilig.
Tumawa rin
ako sa lantarang panlalandi nito kahit may mga tao sa katabi naming lamesa.
“I have a
surprise for you.” Ang wika ko na di parin mawala ang ngiti sa aking mukha.
“Talaga? Ano
naman yon?” Excited nitong sagot
“Tara sa
labas.” At kinuha ko ang kamay nito para igaya palabas ng coffee shop.
Ipinulupot pa nito ang kanyang kamay sa aking bewang.
Pagkalabas
namin ay agad na bumaba sina Carlo, Tonet, At Rome sa kotse pati narin sina
Chad, Angela at Mina.
Kita sa mga
mata ni Amber ang pagkabigla nang makita si Rome. Napalingon ito sa akin binigyan
ko sya nang nakakagagong ngiti.
“A-anong
ibig sabihin nito Red?” Ang tila kinakabahang sambit nito.
“Game over
bitch.” Tinanggal ko ang nakapulupot nitong kamay sa aking bewang.
Itutuloy:
53 comments:
gusto ko ung flow..hahahaha..natutuwa ako...galing mo talaga kuya zild...hahaha...thumbs up..haha..cant wait for the nexr chapter...hahahha..go go go
-ram <3
ky rome umikot ang chapter at wlang gaanong eksena c dorwin
hulaan q, nkta ni dorwin my ksmang iba c red at dhl d nia alam ang plano eh mgagalit xa
sori la aq msbing matino sa ngaun haiz
HAHAHA. kala ko ano na. go girls kalbuhin nyo na yan :)
komento nlang uli aq mmia pg nhmasmasan na utak q o.o
Rue - Mali!!!!!! walang ganun na mangyayari alam kaya ni Dorwin.. halatang di mo binasa ng maigi :)) may rason kong bakit sila kasali sa mga chapters na to at malalaman nyo bakit.. :D
uu nga mli aq, alam pla ni dorwin..
aminado aq d q bnsang mbuti, dami q nilaktawan at ksalanan m to >_> ~spoiler~
wahahahahahahahah!!!! bakit ka kasi nagpapapaniwala sa akin. lahat nang sinasabi ko about sa kwento hindi 22o :D
yey! update! :) basa muna. . =p
haha natawa ako dun ah! 'game over bitch'. haha! Cge Tonet, Angela at Mina, bugbugin na yan! =D
galing ni Red, savior!
whahahahahahahahaha............ natawa ako sa event sa chapter n 2.... Kudos again
wuhahahahah...natawa ako sa last part.....LOL
Salamat naman at nag enjoy kayo sa chapter na to guys.. sana subaybayan nyo ang susunod na chapter... :D ^_____^
Dave17 nice plan dabarkads! Astig ng takb0 ng st0ry pro wg xna mdamay ang red0rwin,hmm
x imaginati0n q ms gwapo c red kexa x pix hehe pro ang gwap0 ni r0me hehe
nxt n mizu sir zildjian
Dave17 - kanya kanyang imagination lang yan :D kaya okey lang yan :))
wow! ang cute naman Mr. Author!!!! Ang akala ko talaga ay buntis na iyong babae at tuluyan ng magkakahiwalay ang dalawang magsing-iro na iyon,,,,kahit medyo delay ang post nyo po nito ay napasaya nyo ulit akuh,,,,inabot na tuloy ako ng madaling araw sa paghihintay ng pag-update nyo,,,hay,,naku napuyat tuloy akuh,,,may pasok pa naman akuh,,,,pero by the way,,,ang saya-saya kuh na hindi talaga buntis ang amber na iyon,,,nakaka-inis yung babaeng iyon,,,at sana maintindihan ni Ace ang nangyari sa kay Rome,, hay salamat at makakatulog na rin,,medyo antok,,pasaway ka kasi Mr. Author,,1!! Ingatan ka nawa ng Panginoon at nawa'y mas lalo pa Nyang pagyamanani ang iyong talento,,,,mornyt
Beucharist
love this one liner Z - "game over bitch!!!"
hahahaha
regards,
R3b3l^+ion
Z... i happen to read roman's story in his blog... kaso di ako makapag comment dun kasi walang anonymous sa drop downs... so i hope you would not mind if i post my comment here para mabasa ni roman...
roman, this comment is for you. i hope you take my comments constructively:
roman... hello.
i see you commenting in Z's blog. it was by chance that i clicked on your name doon and i got to see your blog...
so first things first... i am glad that you found the time to write a story. your story seems interesting. i do not know what you are planning, but this i got to say: please ensure that if you write a story, dapat masundan ito. and most importantly matapos ito.
ito yung una kong comment kay Z when he started posting his first story - TRT. and i am happy that Z has continued writing and got to finish TRT and continued on with AA.
honestly, i did not expect TRT to be concluded. i was doubting that Z would be able to finish it. di ko pa kasi kilala si Z noon and di ako sure if ok nga ba ang TRT.
but look at where Z is right now... di ba ang ganda ng AA...and that one liner "game over bitch" hahaha...
so what i am saying is: if you want to become a better writer, make sure that you continue writing...
you see what you write comes out from what you see in your mind's eye...then you describe what you see from the "movie" in your head. so describing something takes practice. that's why you need to continue writing.
second, try to adjust your language to the standards currently being used. i know for a fact that you are bisaya. don't get me wrong, i am ilonggo hehehe. but when we write in tagalog, we have to follow writing and spelling conventions. i.e, kasi instead of kase; lamesa instead of lamisa etc etc...
that way, you can be sure that your readers will have a good perception of your writing prowess...
i will not comment yet on your plot and your theme. i do not see that yet. but i trust that you will "write from the heart"... that is where creative genius is born, and that is where creative genius will grow...
so please keep writing... and good luck...
Z, thanks for letting me use your blog to comment on roman's story...
regards,
R3b3l^+ion
grrrrr. .sobra akong naeexcite. mukha akong gago, pagdating ko sa office imbes mag check ng files e , ito inyuuna kong buksan for the updates:D KUDOS author, you're the man, I admire your magnificent thoughts:D KUDOS! jekxaranza@yahoo.com
nice nice! sana nga resolved na yung problema ni rome na yan. hehe pero mukhang napapabayaan na ni red si dorwin.
salamat Z at may babasahin ako ngayong kakagising ko lang haha! medyo tulog pa utak ko kaya di ako masyadong makapagcomment pero ang ganda siguro talaga kung lahat ng mali nakakarma.
HAhahah panalo ung sinabi ni Red.... "Game over bitch!" hahaha sna mgkabati na cna Rome nd Ace ang laki n ng mga ngawa ni Red na tulong sa knila... hehehehe :))
good job author!!
sana mabilis na uli ung update.. thanks!
-xndr-
kuya z alam ko yung feeling ni Ace. masakit talaga..... patama sa akin tong chapter na to.... pero masaya pa rin ako dahil asa akin pa rin siya.
fuck that bitch!!!
sarap itali sa poste ng patiwarik.
kaasar si Amber! Ipalapa sa mga lion o SUNUGIN NG BUHAY!!! nakakatuwa yung chapter na 'to lalo na yung magkakaibigan tulong-tulong sa lahat ng bagay. KINIKILIG AKO SUPERRRRR!!! Da best ka author!!!
/vince24
yey..nabasa ko na sa wakas!!!!
and again im late haha bongga lang talaga!
ay so dapat pla d ako naniniwala sa mga cnasabi mo gnun ba un?
ewan, bnasa ko agad peo wla akong naramdaman, wla ung excitement... ksalanan m tlaga i2 >_>
stapadora... ambersyosa..,
Game over bitch!!!!
Ang dami nang comment salamat guys..
Sino magaakalang papatok ang last line ni Red HAHAHAHA.. :D game over bitch! :D
wow what a twist
Walang selos effect from Dorwin? I wonder about his plans :-)
^_^ abangan kung ano mangyayari :))
kawawang amber.. nagseselos na si dorwin kay ace palagi na lng si ace ang naiisip ni red gayong sila na ni dorwin. tsk
such a bitch talaga. Amber pala name nung girl na yun. Sakit sa ulo ngayon pa lang nararamdaman ko na magiging reaction ni Ace pag nalaman niya to.
feeling ko me malaking role si Amber sa buhay nina Red at Dorwin...
rstjr029
Bitch,,buti nga pero sayang dapat ginamit muna ni red ng check in muna sila and then after bago nila comprontahin hehehhehe.
Wow..hehehe..talaga may koneksiyon talaga sila Rome at Ace. Excited na ako sa mangyayari.hehehe..
hehehe..pero sana after naman ng problem ni Ace yung problema niya naman.Kasi tama si Dorwin masyado pa rin siye affected kay Ace paano niya magagawa maging masaya ang bawat isa kung pati ang sarili niya hindi niya maayos. Hehehe.
tama nga ang hinala ko na nabuntis ni Rome ang babae kaya sya namumuroblema ang hinde ko lang maisip na si Amber pala ang babae na yun....
tuloy tuloy mo lang Zildjian....
kaya lang parang mas marami ang part ng The Right Time nina Ace at Rome kaysa After All nina Red at Dorwin....
hay dear author, naiinis ako kay Ace kasi parang napakakitid ng isip niya.. nakalimutan na yata niya na noong tinanggap ulit niya si Rome eh tinanggap din niya lahat ng repercussions ng mga ginawa ni Rome noon.. Bilib din talaga ako kay Red kasi nag eeffort talaga siya na masave relationship ni Ace and Rome.. Galing din ng mga friends nila kasi wala talaga silang iwanan.. As for Dorwin, di naman niya kailangang magselos kasi never naman niya sinabing mahal niya si Red eh kahit na lagi inuulit ni Red na mahal niya si Dorwin.. Dear Author, pag ayusin mo na si Ace at Rome ha, di kasi masaya pag di sila ayos eh.. thanks...
nice nice nice....
tropang wagas talaga sila nagtutulungan....
ano na kaya ang mangyayari kay amber hehehehe....
magkaka ayos na kaya si rome at ace....
nice friendship talaga saludo ako hehehehe....
tnx mr. author....
hehe..tama nga ang hinala ko nung nakaraang chapter na yung naka-one-night-stand ni rome ang manggugulo.pero di ko nahulaan na si amber pala un..haha..
nice one Mr. Z...
Ano kaya ang mangyayari sa next chapter...
Wow. Na-excite naman ako sa chapter na ito. "Game over bitch." Panalo ito...hehehe.. Ang galing ni Mr. Z. :)
game over na hahaha so happy na wala na si Bitch!! nakakainit ng Dugo. anyway kya chekky :P so nice still reading , good job :)
wow, the best ka talaga z!!! pulidong-pulido pagkagawa.. and of course gusto ko 'to dahil favorable anf outcome for rome at supah ace!
back to redwin na naman! LOL
-rover:D
"Game over bitch." Wahahaha. Ibang klase ka talaga Mr. Zildjian.
Two thumbs up ako sa chapter na to, kaso mukhang may mngyayaring masama sa relationship ni Dorwin at Red. :o
Sana naman wala. Haaaay.
Good job po!! :)
- Tam
"GAME OVER BITCH"
ITUTUTLOY....
KAINIS KA NAMN MAMBITIN AUTHOR! HAHAH XD,, GANDA!
BUTI NAMN EH NABUNUTAN AN KO NG MALAKING TINIK! ,,HEHE
ANG SAYA KO AT HINDI TOTOO ANG LAHAT! ,, :D!,,
SANA MABILIS ANG PAG UPDATE NEXT NA PO!, :D!
(IAN)
hahaha. i love it!!! weeeeehhhh......
done reading the other chapters.. :)
Hahaha... Huli man daw ako mag comment huli pa rin hahaha... I love it... GAME OVER BITCH... Pero tama si J.V. Sana mas maganda kung pinapasok mo na rin muna sa room si RED and AMBER... para mas maganda ang scenario hahaha... Mas kaselos selos kay DORWIN...
The occurrences in the story have really affected me.
It shows that there are really people in this world who don't even give a damn whether they affect people's lives or not with their doings and worse is that they don't even care if what they do affects the people's relationships with others; A cruel yet true reality of life.
Really nice arrangement of events Kuya Zild!
What affected me most, even though the story now revolves around the life of Red is Supah Ace's and Rome's problem with Amber. It really affected me when Supah Ace heard Rome's dilemma and the affect it has on their lives which includes their friends.
Got that b*itch red-handed, no pun intended. I hope the events that follow will have the right treatments for the character of Amber.
If you have friends that really care, even if they don't get enough sleep, they will do anything especially to mend a friend's broken relationship with his special someone. They say love conquers all obstacles but they forget that sometimes, friends also help in conquering those obstacles.
------
I really hate reading Supah Ace being hurt... I'm affected as well... seriously! hahaha!
And to Rome, love conquers all especially with the help of true friends along the way. Be grateful, friends like those who support you and your relationship with Supah Ace are rare to come by.
Also, I admire Red for his courage that in spite of still being hurt within the confines of his heart, still helped Rome save his relationship with Supah Ace.
-----
Oh ayan Kuya Zild! My comment! hahaha!
Sorry I didn't get to comment immediately the night or should i say, 'morning'... SUPER EARLY MORNING that you posted this! hahaha!
(Kung ikaw, mahilig mag-proofread, ako rin! hahaha! :D )
Nice job Kuya Zild!
I can't wait to read the next chapter to see what events will follow and what happens to Amber as she comes across Rome's group of friends, a group she would have regret messing with especially hurting a relationship within their group.
Go! lang ng Go! Kuya Zild!
Always supportive,
- Jay! :)
Huwow!! Love it!! Sana may cat fight!! Wahehehe.. Baka magselos naman ng bongga si Dorwin sa attention na binibigay ni Red sa relationship nila Ace at Rome.
-icy-
jay - pang ending naman ang comment mo LOL ang haba hahahaha...
Icy - heheheh mukhang iba ang mangyayari :D it's not Dorwin who will get jealous heheheh :D
whahahaha
-jojie
shaks!!kinabahan ako dun ah!weew!akala q talaga nkabuntis n tlaga c rome eh!buti nlng bumawi ka mr author..pinakaba mo me!haha...
-monty
Post a Comment