By: FUGI
----) Una, labis akong nagulat sa mga
violent reaksyon ninyo, tandaan may mga
sides pa tayong hindi naririnig (hehe), sobrang napressure tuloy ako at hindi
makapag-isip kasi ang dami nyo nang ini-expect na para bang lahat ng maisip
kong pwedeng dahilan ay hindi nyo magugustuhan kasi ramdam kong sobra kayong
naapektuhan, PERO SANA PO AY, AY HAYAAN
NYONG AKO NA LANG ANG MAG-ISIP AT I-ENJOY NYO NALANG ANG BAWAT PAHINA..
PLEASE........! nalalapit na po kasi ang KATAPUSAN..................................................................................
....................................................................................
.................JOKE!
hehe
----) Pangalawa, SORRY po at natagalan ang
post nito sa kadahilan pong hinare ako ng pinsan ko na maging private nurse
para sa kaka ko ulit kasi medyo nanghihina ulit sya, sana ay ay isam nyo sya sa
inyong mga panalangin.. PLEASE!
Sobrang TY
sa ever suportive/ sobrang attached na sa kwentong ito kaya naging ganoon
nalang ang reaksyon nila sa last chapter/ at kung anu-ano na tuloy ang pumasok
sa mga utak ninyo na sina: --makki--, Yume, sam130, jekjec, kevinblues, Master_lee#027, marL, Mr. Brickwall, jemyro, darklord, jemyro, Stringx, JONREY QC, Lloydie
@DownDLine (oo nga, welcome back, saan kaba ng punta nag-alala ako
sayo.. hehe parang magulang ih! Hehe)
@J (syempre naman kababayan, basta
ikaw.. hehe)
@
JAZZ0903 (ang haba
ng komento mo pero sobra naman akong natuwa, salamat salamat, ganoon din sa
pagshare ng a bit about yourself)
@ChuChi (akala mo ba masisindak mo ako! Hehehe pinatulan,,
mag-iingat na ako simula ngayon sayo,,, LOLs),
@akosichristian ( wow CI ka talaga? Sorry sir dapat pala ikaw ang
panalo, hehe talaga ibibigay mo sa akin ang position mo, ahhhhh! Hehe ay san na
po kayo sir ngayon? Sa ibang bansa na? pasama naman.. hehehe)
@Lawfer (sayo ba yung will you wait for me? Humanda ako kasi gagayahin ko ang papel mo,
gaganti ako.. hehehe biro lang... ganda nga pala, may iba ka pa bang nagawa
dati? Ipabasa mo naman sa akin oh! At about sa comment mo sa last chapter dahil
wala kang naramdaman isa lang ang sennyales noon wala ka nang feeling, sobrang
numb ka na, kaawa-awa naman.. LOLs)
@Foxriver (dahil nainggit ka kay makki sya
kiss na rin kita eto na ang POWER KISS KO.. mwwwwahhh.. hehehe, churi naman
kung nawalan ka ng gana kasi naman ako.. hehe)
@Ras (salamat sa pagpapalakas ng loob at
dahil dyan nadadagdagan ang shakra ko.. hehe)
@
nurse_mark (wala pa
kasi akong FB, gagawin ko palang ih! Kung gusto mo imessage mo na lang ako sa
email add ko na fugi90@yahoo.com, send mo number mo dun tas ititext
na lang kita, pwede pa iyon??, doon natin simulan ang ating friendship)
@ sa mga
Lihim na tagasubaybay... TY PO!
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po
ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang
naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na
author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA
TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman
ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang
(50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na
30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10%
lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra
pa kwento
Tahimik
akong humihikbi habang nakasalampak pa rin sa sahig ng CR na iyon
Paulit ulit
ko pa ring naririnig ang mga huling binitawang salita ni ian.....
“Yun din ang
akala ko, pero hindi pala”
“Yun din ang
akala ko, pero hindi pala”
“Yun din ang
akala ko, pero hindi pala”........ na parang patalim na na umaatake hangang sa
kaibuturan ng puso ko pati sa bawat himaymay ng katawan ko
“Ganto ba
talaga ito kasakit? (Yung parang unti-unti kang nilalagutan ng hininga), ang
naitanong ko na lang sa sarili ko sa pagitan ng aking paghikbi
Sa puntong
iyon ay ay hindi ko na namalayan na may pumasok na pala sa loob ng CR na iyon
kung saan ako nagpapakawala ng aking pagtangis at tahimik na ako nitong
inoobserbahan
......
:’(tahimik na paghikbi at sa pagitan noon ay ang parang pagsinoksik na dahilan
para gumalaw ang aking katawan:’[.....
At nang
parang napagod na ang aking mga mata sa pagpapakawala ng mga mumunting butil ng
tubig ay nanatili pa rin ako sa ganoong
posisyon ko, parang naubos na ang lahat ng lakas na meron ako, na kahit ang
lumikha ng kilos o gumalaw ay hindi ko magawa, na parang hindi ko na maramdaman
ang sarili at buong katawan ko, mas nangibabaw pa rin at naging duminante sa sistema ako ang sakit, ang sobrang sakit na
gawa nito (sabay napakapit ako sa dibdib ko) at sobrang lungkot dahil sa parang
nawala na ang nagsisimula palang na na ako, si ian at at at yung love na unti
unti na sanang umuusbong:[........ at sa puntong iyon ay ay nakiisa nang muli
ang aking emosyon at nagpakawala na ulit ng mga mumunting luha ang aking mga
mata na sumisimbolo sa tunay kong nararamdaman:(
Maya maya pa
ay naramdaman kong may lumapat na mga palad sa aking magkabilang balikat at
namalayan ko na lang na itinatayo nya na ako, at nang maangyari iyon ay ay ay
bigla na lang ako nitong ikinulong sa mga bisig niya
Hindi ko
natapunan ng tingin kung sino ang taong iyon pero panatag ako sa kanya,
naramdaman ko ang pagdamay nya kaya naman hindi na ako nahiyang ipakita ang
kahinaan ko
Ipinatong ko
ang aking mukha sa kanang balikat niya at nagsimula na namang kumawala ang
emosyon na lumukob na sa buong pagkataoko dahil sa mga nangyari sa pagitan
namin ni ian
Hindi sya
nagsalita bagkus ay naramdaman ko na lang na hinigpitan niya na lang ang
pagkakayarap niya sa akin na naging dahilan para mapasubsob na ako sa dibdin
nya, hindi ko na rin napigilan ang paglakas ng aking mga hikbi:’(
“Sorry..............!”
bulong nito
Agad napukaw
nito ang atensyon ko at ng itaas ko na ang akin tingin ay nakita ko ang
nag-aalala at ang sobrang lungkot na mababakas sa kanyang mga mata, sa mukha
ni, ni anthony
Sa puntong
iyon ay ay parang parang hindi ko
maintindihan kung bakit sya nagkakaganoon, parang basta may iba, pero siguro ay
ay nakikisimpatsya lang siguro siya sa akin (yun na lang ang naisip ko), at
kaya naman niyakap ko na lang din siya at mas lalo naman ako nitong isiniksik
sa kanya at marahan na hinimas himas ang aking likod
Gumaan kahit
papaano ang pakiramdam ko dahil sa ginawa nya
“Sorry
fugi.........” malungkot na himig na sabi nito, naguguluhan man kung bakit sya
nagkakaganoon ay pinagkibit balikat ko na lang at pinilit na kumalas na lang sa
yakapang iyon, at nakuha naman ni anthony ang gutto kong mangyari kaya ay
niluwagan na rin niya ang pagkakayakap sa akin na naging dahilan para makawala
doon
Agad kong
tinungo ang sink at naghilamos para sana mapawi o matabunan man lang kahit ang
lungkot na mababakas sa aking mukha
Nakailang
hilamos ako para matakpan sana, sana ang lungkot at sakit na nararamdaman ko
pero ng pagtunghayko ay tumambad sa akin ang repleksyong likha ng salamin sa
harap ko.... kitang kita ko sa imaheng iyon ang pighati at kasawian, at sa
puntong iyon hindi na akong makatingin sa salaming iyon, sa salaming
nagpapakita ng imahe kong nawalan ng sigla at buhay:(
Iniiwas ko
na ang paningin ko sa salamin na iyon ata agad nang nilingon si anthony na
kanina pang nakamasid sa mga kilos ko
Hindi alam kong saan galing ang lakas ko para
magpanggap na ayos na ako, na ok na ang lahat kahit ang totoo ay unti-unti na
akong nauupos sa kaloob looban ko
Ako:
anthony, pasensya ka na sa itsura ko kanina na parang batang nakalupasay sa
sahig at nag-iiyak nang ganoon, pinalaki kasi akong ganoon.... (sabay pakawala
ng mapagkunwaying tawa.. hahaha), dyahe naman oh! (pilit pinasigla ang boses
ko), nakita mo tuloy (sabay suntok ng walang kalakas lakas sa kanyang dibdib at
pilit ulit tumawa, nakatitig lang ito sa akin), nabasa ko rin pala uniform mo
(pagpuna ko sabay kuha ng panyo ko para rin makaiwas sa mga tingin niyang iyon,
at ng akmang pupunasan ko na ang uniporme niya ay bigla naman nyang hinablot
ang kamat ko at iniakap niya sa likuran nya habang ang isa nyang kamay ay
iniakap niya sa batok ko at unti unti niya akong minaneobra papalapit sa kanya)
Sa
pagkakataong iyon ay naramdaman ko ang mapagkalinga niyang yakap
Anthony: alam kong sobra kang nasasaktan ngayon at
nasasakatan din akong nakikita kang nagkakaganyan (bulong nito), nandito naman
ako, nandito ako para sayo (sabay halik nya sa ulo ko
Ako: o..ok ako (at napangiti ako sa sinabi kong iyon, ngiting
mapait), .... ayos na naman ako (pero sa
pagkakataong iyon ay pinagkanuno na ulit ako ng emosyon ko, nagpakawala na
naman ng mumunting butil ng tubig ang mga mata ko, hindi na nakayanan ata ng
aking dadamin ang taliwas na sinasabi ng bibig ko)............. sana, sana sana
maging maging maging OK na ako (ang bahadya ko nang nasabi sa pagitan ng mga
hikbi ko)
Biglang lumuwag ang yakap ni anthony sa akin at naramdaman ko
na lang ang paglapat ng mga kamay nito sa magkabila kong pisngi, itununghay nya
ako paharap sa kanya at at dahan dahan nyang pinahidan ng mga daliri nya ang
mga luhang patuloy paring kumakawala sa aking mga mata at ........
Anthony: hayaan mo akong pasiyahin ka.....
...........at at nagulat na lang ako sa sunod niyang
ikinilos, bigla bigla nyang inilapit ang mukha niya sa akin at ang sumunod na
nangyari ay naidikit niya ang mga labi nya sa labi ko
Hindi ako nakagalaw sa mga oras na iyon na naging dahilan
para maangkin niya ng tuloyan ang mga labi ko
Naging masuyo ang ginagawa niyang mga halik at may
pag-iingat, unti unti na ring nagdidikit ang aming mga katawan
Pero agad naman rumehistro ang pigura ni ian sa aking balintataw,
ganoon din ang mga nangyari sa pagitan namin na naging dahilan para magkalakas
akong kumawala at bumitaw sa halikang iyon at at magtatakbo palabas ng CR na
iyon
Halo halong emosyon ang gumugulo sa akin, lungkot at sobrang
sakit dahil sa pagbiliw sa akin ni ian at ngayon nga ay pagkalito, pagkalito sa
mga sinabi at ginawa ni anthony ngayon ngayon lang
Hindi ko alam saan ako pupunta pero ang pag-iwas muna sa
kanila ang ang naisip kong gawin at ang option na meron ako ngayon:(
Itutuloy..............