Nakasakay na ako sa jeep. Swerte naman na konte lang ang pasahero kaya malaya akong nakapag isip-isip. Kung buhay lang sana si papa hindi sana ganito ang buhay ko ngayon. Napapikit ako nang muling bumalik sa akin ang mga nangyari sa bahay, ang naging sagutan namin nang magaling na asawa ni mama at ang pinakamasakit sa lahat ang hayaan ni mama na palayasin ako nang kanyang asawa. Pumatak ang isang luha sa aking kaliwang mata na pinunasan ko naman agad para walang makapansin sa aking pighati.
Ilang minuto ang nakalipas at nasa tapat na ako nang bahay nang nagiisang taong naisip ko na makakatulong sa akin. Pinindot ko ang door bell nang dalawang beses na magkaksunod. Iniluwa nang pintuan ang isang babae at pinagbuksan ako nang gate.
“Ser Red kayo po pala.”
“Dyan ba si Carlo?” Ang nakangiti kong tanong sa kanya.
“Naku wala po si Ser Carlo. Maaga po silang umalis ni maam Tonet.” Alam kong matagal nang may tama sa akin ang katulong nila Carlo. Halata dito ang pagpapacute nya sa akin dahil sa pilit na pinapaganda nito ang boses nya.
“San daw sila pupunta?”
“Hindi ko po alam eh. Baka pauwi na ang mga iyon kung gusto mo hintayin mo nalang sa loob.”
Napaisip naman ako kung dapat ko pabang hintayin si Carlo na dumating. Ang balak ko kasi ay magpapatulong lang ako ditong mag hanap nang pansamantalang matutuluyan. Ayaw ko rin na ipaalam kay Tonet ang tunay kong kalagayan panigurado kakalat ito sa buong grupo.
“Bakit po kayo may dalang bag Ser?” Pagbasag nito sa aking pagiisip.
“Ah wala naman dadalhin ko sa laundry shop.” Pagsisinungaling ko dito.
“Gusto nyo ako nalang ang maglaba nyang mga damit nyo?” Ang nakangiti nitong sabi sa akin.
Natawa ako sa sinabi nito. Kung sana isa sa mga babae ko na handang magpaalipin sa akin ang minahal ko masaya siguro ang buhay ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa langit at nakita kong papalapit na ang pagsakop nang kadiliman.
“Ikaw talaga. Paki sabi nalang kay Carlo na dumaan ako dito. Kung may panahon sya pakisabing puntahan ako sa bar.”
“Opo. Sasabihin ko po.”
Agad kong tinahak ang daan pabalik sa sakayan nang jeep. Naisipan kong sa bar nalang hintayin si Carlo para humingi nang tulong. Si Carlo ang bestfriend ko since high school alam nya lahat ng pinagdaraanan ko sa bahay. Sya lang ang nagiisang taong nagpagsasabihin ko sa aking mga problema.
Marami na ang tao sa bar kahit magaalas nuebe palang nang gabi, ngayon kasi ang acoustic night. Kanina ko pa hinihintay na dumating si Carlo tinawagan ko na rin ito sa CP nya ngunit nakapatay ito. Dumating ang banda na tutugtog sa gabing iyon na agad namang nagsetup sa stage. Nasa may bar counter lang ako nakaupo at pinanunuod sila habang umiinum.
Malakipas ang ilang minutong paghihintay nang mga tao ay sinimulan na nang banda ang 1st set nila. 10 songs kada set ang naging usapan namin.
Halata sa mga taong nan doon ang pagkawili nila sa mga acoustic songs. Yung iba ay nag bibigay nang request nila habang yung iba naman ay nakuntento nalang sa pakikinig at paminsan minsang pagsabay sa kanta. Maganda ang napili ni Mina na tumugtog kabarkada daw ito nang isang ka klase nya nung college na syang nag refer sa kanya sa mga ito.
Nasa ganun akong pakikinig nang maramdaman ko na may tumabi sa akin at um-order nang inumin. Pamilyar ang boses nito kaya naman bigla akong napalingon sa gawi nya. Gulat ang rumehistro sa akin nang makita ko si Dorwin na nakangiti sa akin. Naka ¾ long sleeves ito na puti at naka black maong pants hayop sa porma ang gago.
“Kamusta?” Bati nito sa akin hindi parin nawawala ang ngiti nito.
“Okey lang.” Matipid kong sagot sa kanya at ibinalik ko ang aking tingin sa bandang tumutugtog.
“Maganda ang napili nyong banda ah.”
Tango lang nang naging sagot ko sa kanya para makaiwas sa argumento. Wala ako ngayon sa mood makipag bangayan sa taong to.
“I saw you earlier na may dalang bag magpapalaundry ka ata.”
Sa sinabi nyang yon napalingon ako sa kanyang na may nagtatakang tanong.
“I know what you’re thinking. Hindi kita sinusundan nagtakaon lang na nung pasakay ka nang jeep dumaan ako.”
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa stage.
“Look, alam kung hindi naging maganda ang last encounter natin gusto kong magso…” Hindi ko na sya pinatapos pa sa kanyang sasabihin. Hinarap ko sya sabay sabing.
“Wala na iyon sa akin. Wala lang ako sa mood makipagtalo ngayon sayo.”
“Good. Hindi naman kasi ako nagpunta dito para makipagtalo. Im here to unwind masyadong marami ang nangyaring hindi maganda sa araw na ito ayaw ko nang dagdagan pa.”
Hindi na ako sumagot pa sa kanya at hindi na rin sya nangulit pa sa akin. Pinili na lang naming makinig at ipagpatuloy ang paginum. Iniisip ko kung san ako pupulutin mamaya para makapag pahinga at makaligo. Ang lagkit nang pakiramdam ko dahil hindi pa ako nakaligo sa araw na iyon ni hindi nga ako nakapag palit manlang nang pantaloon.
Natapos ang 1st set nang banda. Medyo tinamaan agad ako sa kadahilanang nakalimutan kong hindi pa pala ako nag didinner sa dami nang tumatakbo sa aking isip. Napalingon ako sa gawi ni Dorwin na nakatingin pala sa akin.
“Ang lalim naman ata nang iniisip mo.” Ani nito sa akin.
“Ganito lang talaga ako pagtinatamaan nang alak.”
“Oo nga pala emo ka pagnalalasing.” Nakangisi nitong sabi. “Pero ang aga mo naman atang tinamaan ngayon.” Dagdag wika pa nito.
“Hindi ako naghapunan kaya tinamaan agad ako.” Simpleng sagot ko sa kanya.
“Hindi magandang uminum nang walang laman ang tyan.”
“Wala akong choice walang tatao dito.” Sagot ko sa kanya habang ang tingin ko ay nasa baso nang iniinum ko.
Kinawayan nito ang waiter at hiningi ang bill nya. Nagtataka man kung bakit aalis na sya ay pinili ko nalang manahimik. Pagkabigay sa kanya nang sukli ay agad syang umalis naiwan akong magisa at pinagpatuloy nalang ang paginum ko.
Nagsimula ang second set nang banda. Nasa ikatlong kanta na sila nang bumalik si Dorwin na may bitbit na pagkain. Napanganga naman ako akala ko kasi umuwi na ito at nagpapahinga na.
“Akala ko umuwi kana.” Sabi ko sa kanya.
“Nakaramdam ako nang gutom kanina.” Sabi nito habang nakangiti. “Care to join me? Pang dalawang tao ang in-order ko.”
Nakatingin lang ako sa kanya. Ang amo nang mukha nito parang si Ace lang ang nasa harap ko sa tuwing makikita ko itong nakangiti. Sa na alala nanumbalik nanaman sa akin ang damdamin na pilit kong kinakalimutan.
“Doon tayo sa labas?” Sabi nito na naging dahilan nang pagbalik nang ulirat ko.
“Ahh.. ehhh ikaw nalang.” Nagaalangan kong sagot sa kanya.
“C’mon Red hindi ka pa nag didinner di ba? Tara na.” Sabay hatak nito sa akin palabas. Kita ko na napatingin sa gawi namin ang ibang mga tao sa loob.
Naupo kaming magkaharap.
“Kain na tayo habang mainit pa to.” Sabi nito sa akin habang inilalabas nya ang mga binili nya.
Isang buong letchon manok at kanin ang dala ni Dorwin at may dala din itong 1.5 na coke. Nakakagutom ang amoy nang pagkain natakam ako wala na akong pakialam kung ano man ang kapalit nito basta kakain ako.
Kita ko naman na tuwang tuwa si Dorwin habang pinagmamasdan akong kumakain.
“Bakit di ka pa kumain akala ko ba nagugutom ka?” Tanong ko dito.
“Busog na ako sa panunuod sayo.” Nakangiti nitong sabi.
Nakaramdam naman ako nang hiya kaya bigla akong napahinto sa pagsubo.
“Wag kanang mahiya sa akin tuloy mo lang.” Wika nito.
“Anong kapalit nito?” Tanong ko sa kanya.
“Wala.” Maikling sagot nito.
“Hindi ako naniniwala at ayaw kong may utang na loob ako sa isang tao kaya sige payag ako sa balak mo.” Sabi ko dito na may seryosong tingin sa kanya.
“Alright mapilit ka eh. Gusto ko sa bahay ka matulog ngayon.” Wika nito habang nakangiti.
Paborable din naman sa akin kung sa kanila ako makikituloy kahit kapalit pa nito ang pagpapagamit sa nang aking katawan. Wala na akong ibang choice sa ngayon. Hamitan lang din naman ang gusto nya di makipag gamitan. Sabi ko sa aking isip.
“Game. Pero mamayang alas 5 pa kami magsasara.” Sagot ko sa kanya.
“Walang problema hintayin kita.”
Hindi ko alam kung bakit ganito sya sa desperado sa akin. Sa hitchura nyang yan at sa yaman madali syang makakahanap nang bayaran sa tabi tabi na mas malakas pa ang dating sa akin kung gugustuhin nya. Bakit ako pa ang napili nang taong to na pagnasaan? Ang naitanong ko nalang sa aking isip.
Pagkatapos naming kumain ay nag order sya nang bucket nang beer. Pinagpatuloy namin ang inuman at konteng usapan tungkol sa buhay nya at sa trabaho nya. Paminsan minsan sumasabat ako sa kanya para naman hindi sya magmukhang ewan. Tinanong ko sya kung may alam ba sya about sa proseso sa pagkuha nang insurance. Matalinong tao si Dorwin halata sa pananalita nito kaya naman naging matanong ako sa kanya sa mga bagay na hindi ko maintindihan.
Natapos ang huling set nang banda ngunit marami paring tao sa loob. Yung iba ay may mga tama na at busy sa pakikipagharutan habang ang iba naman ay busy sa usaping trabaho.
“Di ba EE graduate ka? Nag take kanaba nang EE board exam?”
“Hindi pa.” Simpleng sagot ko rito.
“Bakit naman? Sayang ang panahon.” Nagtatakang tanong nito sa akin.
Kibit balikat lang ang isinagot ko sa kanya. Hindi ko kasi masabi na pamilya ko mismo ang dahilan kung bakit hindi pa ako nagtake. Balak ko sana mag self review kaso paano naman ako makakapag review kung araw-araw akong ginugulo nang walang hiyang asawa nang mama ko.
“Ok lang kung ayaw mo sabihin ang dahilan.”
“Hindi mo naman kailangang malaman lahat nang tungkol sa akin.” Malamig kong sagot rito.
“Sabagay tama ka. Pero just in case you need someone to talk to im just one text away.”
“C’mon alam natin pareho ang dahilan kong bakit ka nagbabait baitan sa akin. So, don’t act as if you care.”
Hindi na ito sumagot pa. Nagpatuloy lang kami sa paginum hangang sa unti-unting nababasawan ang tao sa loob.
Alas kwatro nang madaling araw nang lumabas ang huling costumer namin. Agad kong tinungo ang pintuan at ine-lock ang ito sabay lagay nang close sign. Binilang ko muna ang kita namin sa gabing iyon bago tumulong sa pag aayus nang mga lamesa at upuan. Si Dorwin ay nakaupo lang at umiinum parin habang pinapanood kami sa pagliligpit.
Pagkatapos magligpit nagpaalam na ang mga tauhan namin para umuwi na rin. Nang makaalis sila agad kong kinuha ang aking bag na nasa ilalim nang bar counter saka ko inaya si Dorwin na umalis na. Napatingin ito sa malaking bag na dala ko hindi ko na sya binigyan nang pagkakataong makapag tanong.
“Tara na gusto ko nang maligo.”
Agad naman itong sumunod sa akin sa labas. Sinigurado ko munang maganda ang pagkakalagay ko nang kandado bago sumasakay sa sasakyan ni Dorwin.
Walang namagitang usapan sa looob nang kotse habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay nito. Ang tingin ko ay nasa binata habang pinagiisipan ang mga mangyayari sa bahay ni Dorwin. Labag man sa aking kalooban ang pumayag sa gusto nito ito lang ang alam kong paraan para hindi ako magkautang na loob sa kanya. Kung laro ang gusto nya bibigyan ko sya nang magandang laro.
Dumating kami sa tapat nang bahay nito. Agad syang bumaba para buksan ang gate.
Mayaman pero walang katulong? Tanong ko sa aking sarili.
Nang maipasok nito ang sasakyan tinungo namin ang loob nang bahay.
“Gusto mo bang kumain bago matulog?” Tanong nito sa akin nang mailapag ko sa gilid nang pintuan ang bag ko.
“Hindi na, busog pa ako. Maliligo nalang muna ako para masimulan na natin ang gusto mo.” Malamig kong sagot dito.
Tumango ito sa akin sabay sabing “Tara don kana sa kwarto ko maligo.”
Sumunod naman ako sa kanya paakyat. Pagkapasok namin sa kwarto walang hiya hiya kung tinangal lahat ng saplot ko sa katawan. Leteral na napanganga ito nang makita akong naghuhubad sa harapan nya. Lihim akong napangisi sa reaksyon nya parang ito ang unang pagkakataon na makita ako nitong hubad.
“Give me 15 minutes.”
Tinungo ko ang banyo na walang emosyon sa mukha ko. Ngayon na prove ko na sa sarili ko na walang ibang gusto si Dorwin kung hindi ang katawan ko pero hindi ako papayag na sya lang lagi ang makakaisa sa akin. Mag lalaro tayo Dorwin. Ang pabolong kong sabi bago isara ang pintuan nang banyo..
Itutuloy: