Pasko na! Kung hindi lang kay Yolanda, na-post ko na sana ang finale ng 9 mornings book 2. Excited pa naman ako sa kalalabasan ng kwentong yon. Pambihira!
Anyway, greet ko na lang kayong lahat ng MERRY CHRISTMAS guys. Salamat sa pagtangkilik niyo sa mga kwentong gawa ko. Sana magkita-kita pa ulit tayo.
-Zildjian
Wednesday, December 25, 2013
Monday, November 18, 2013
Author's Note
Author's update and note:
Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng ilan sa inyo na isa rin kaming biktima ng pamilya ko sa nag daang bagyo. Kung nanunuod kayo ng news specially CNN, isa ang Palo sa mga kalapiy lugar ng Tacloban ang maraming namatay.
Fortunately, kumpleto kaming nakaligtas sa pinaghalong malakas na hangin at biglaang pagtaas ng tubig. Hindi ko nga ma-imagine o mas matamang sabihin na hindi ko na maalala kung papaano namin nagawang mag survive. Halos lunurin ng tubig ang two storey naming bahay. At bukod pa doon, inanod ng tubig na yon ang mga natumbang puno at nagsiliparang bubong dahilan para halos lahat ng nagtangkang languyin ang baha para ma-save nila ang buhay nila ay kung hindi man sugatang aahon ay di na nakakaahon.
I dunno if we can still call our selves lucky that we survive the typhoon. Kasi mas malala pa pala ang makikita namin pagkatapos ng almost four hours na struggle. Lumulutang sa kung saan-saan na lang ang mga patay. Yong iba, isang buong pamilya habang yong ilan naman kung hindi isa ay dalawa na lang silang nabuhay. Mas malakas pa sa huni ng hangin ng bagyo ang mga iyakan nila at bakas sa mga mukha nila ang kawalan ng pag-asa, hinagpis, at pagkatuliro. Syempre dahil hindi lang buhay ang kinuha ng bagyo sa aming mga taga Leyte. Pati ari-arian namin kinuha rin.
"Papaano kami magsisimula at babangon?" Iyan ang naging katanungan naming lahat after ng bagyo. Sa isang iglap lang, kinuha sa amin ang lahat. Even I wala akong na save. Ni wala nga akong nakuhang damit dahil lahat inanod. All my gadgets rin lumubog sa tubig kasama ang laptop ko. Iyon nga lang, eh, halos mangiyak-ngiyak na ako ano pa kaya sa mga taong nagpundar, nangutang at nagsikap sa trabaho para lang makapagpatayo ng magandang bahay at makabili ng mga magagandang gamit at sasakyan? Iyong mga namatayan?
Kaya sana maintindihan niyo na pansamantala munang mapuputol ang posting ko ng 9 Mornings. Kahit kasi gustohin ko mang ituloy iyon ay hindi ko rin magagawa. Kailangan kong maghanap muna ng trabaho para matulungan ko ang parents ko. Bigla kasing hihinto ang kabuhayan namin dahil sa nangyari at mauubos ang natitira naming pera kung pulos gastos lang ang gagawin namin at walang papasok na pera. Wala na rin akong laptop na magagamit since inanodnrin siya ng tubig kaya imposible talaga.
Iyon lang po mga paps! Sa lahat ng nagparamdam ng pag-aalala para sa akin at sa pamilya ko, maraming salamat! At sa lahat ng tumangkilik sa mga kwentong gawa ko, salamat din guys. Mawawala muna ako at hindi ako sigurado kung makakabalik pa ba ako. Basta once na makaipon ako ulit, unang nasa listahan ko ay ang bumili ulit ng laptop para makapagsulat ulit ako.
Zildjian
Wednesday, November 6, 2013
9 Mornings Book2: Chapter 11
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Chapter 11 guys! Grabe! Inabot ako ng madaling araw matapos lang ang chapter na ito. `Di bale, mahaba naman ito. Sana nga lang ay magustohan niyo siya. Hehehe
Gusto ko sanang pasalamatan ang mga taong nag-iwan ng kanilang comment sa Chapter 10 kahit natagalan iyon.
Reymond Lee, PanCookie, Ivan D., Marlon, Russ, Jhay Pin, Patryckjr, Tzekai Balaso, Mark13, Allen RN, Kimbelnel, Lee, MicG, Migz, Mhi Mhiko, Slushe.Love, Jasper Paulito, Pat (PatPat), Xzkyel Daniel Padilla, Kristoff Shaun, Jamespottt, Marc Abellera, Neb, Jayvin, SilentReader, Jemyro, Philip Zamora, JR, Rober_Mendoza, Jake Wong, Luilao, Xrtian, TheLegazpiCity, Monty, ManilaActor, Beucharist, Jec, Bharu, JayJay (SupahMinion), MAKBOY, RandzMesia, Roan, Racs, Jheslhee, Ryge Stan, Franz, Eusethadeus (Bunso), TC99M, and Lexin.
Hindi ko kasasawaang isa-isang isulat ang pangalan niyo guys tulad niyo na hindi rin nagsasawang mag-iwan ng comment sa bawat chapter ko. Maraming maraming salamat!!! ENJOY READING!!!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Sunday, November 3, 2013
9 Mornings Book2: Chapter 10
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Maraming salamat sa pag-intindi niyo at syempre sa paghihintay niyo sa Chapter na ito. Balik na ulit sa normal ang posting ng k’wentong ito. Kaya smile na kayo mga repapipz.
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi pa gaanong nagko-connect sa title nito ang k’wento ay iyon ay dahil nasa development stage pa lang tayo. Pero chill lang kayo dahil sa mga susunod na chapters, malalaman niyo na kung bakit ito ang 9 Mornings Book 2 ko. Hihihi
Enjoy reading guys! Sana, huwag niyong kasawaan ang k’wentong ito!!!!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Wednesday, October 23, 2013
9 Mornings Book2: Chapter 09
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Pasensiya na guys kung nahuli ang Chapter na ito. Magpapa-alam rin ako sa inyo na magiging hiatus ulit ang status ng k’wentong ito for 8 days. My Lola just passed away kaninang madaling araw. At kailangan kaming magpipinsan ng mga magulang namin. Sana maintindihan niyo.
Lester from Cebu, TC99M, Philip Zamora, James, Marc Abellera, Jec, Franz, Crismardo, Xzkyel Padilla, Monty, Jaguar, Paul Michael Tan, Bobby Evasco, Ryan.M, Reymond Lee, Russ, Nue, Ivan D, Makboy, KJ, Lexin, Pat (Tagasubaybay), JayVin, ManilaActor, Lawfer, MicG, Migz, EuesThadeus, Bharu, Slushe.Love, Frontier, Dev Nic (Baby Vampy), Jasper Paulito, Roan, Iam Marky, Potpotchie, Jemyro, Randzmesia, Dilos, Jubert, JayJay (Supah Minion), Richie, Luilao, Dave of Baguio, Beucharist, Ryge Stan, Racs, Rheinne, PanCookie, TheLegazpiCity, Tzekai Balaso, and Arc.
Gusto kong malaman niyo na sobra kong na-a-appreciate ang mga comment niyo guys. At ikinatutuwa ko ng husto iyon. Sana hindi niyo makasawaan.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Saturday, October 19, 2013
9 Mornings Book2: Chapter 08
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Maraming thank you sa paghihintay sa Chapter na ito guys! At maraming maraming salamat din sa suportang ibinibigay niya sa 9 Mornings Book2. Sobra akong natutuwa at ginagahan pang lalo sa mga comments niyo. Sana, hindi niyo iyon kasawaang gawin.
Sa mga susunod na Chapter, asahan niyong sisimulan na nating guluhin ang mundo ni Boromeo. HAHA Isa-isa na rin nating ilalabas ang ibang mga characters sa k’wentong ito. Hulaan niyo ang mga magiging papel nila sa k’wento. Hihi
Lester from Cebu, Mhi Mhiko, ManilaActor, Jubert, Poging Cord (Syempre na miss din kita), Reymond Lee, Bharu, Jayvin, Luilao, Ryan.M, Xzkyel Daniel Padilla, Makboy, Pat (PatPat), KJ, Russ (Ever supportive), Lexin, Tzekai Balaso (Mabuti naman at okay na diyan), EuseThadeus (Bunso), Beucharist, Robert_Mendoza, Jemyro, Richie, Philip Zamora, Marc, Dave of Baguio (Welcome Aboard), Pangz, Pancookie, Crismardo, Jasper Paulito (Sana kasing tapang rin niya ako), Jayjay (Supah Minion), Slushe.Love, Migz, Ryge Stan, Potpotchie (Kyut ng name), Bobby Evasco (Sige ikaw na si Eros), Monty, Roan (Masaya ako na hindi ka pa rin nawawala sa mga taga comment ko), Lance, Franz, Jec, at syempre kay DondeEstaMichifu.
Sa mga Anonymous at Silent Readers maraming salamat din sa pagbabasa mga paps!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Thursday, October 17, 2013
9 Mornings Book2: Chapter 07
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
On time ako ngayon! Haha! Well, magsisimula ng umarangkada ang k’wentong ito. Pero huwag niyo sanang ikataka kung bakit mabagal ang pacing ng k’wento. Sinasadya ko iyon mga paps dahil malayo-layo pa ang pasko. But rest assured, na pipilitin kong hind maging dragging ang bawat chapters.
Say present when your name is called! Hahaha!
Jayvin, Bon-Bon, Reymond Lee, Chris (Na-miss kita! Kala ko di kana mababalik dito), Mhi Mhiko, Richie, Makboy, Poging Cord, Cry, Dev Nic (Baby Vamps), Patryckjr, Russ (ever supportive), Marc, Rheinne, Bharu, Jemyro, Pangz (Batibot), KJ, Xzkyel Padilla,Philip Zamora, The LegazpiCity, Beucharist (Oo nga ang dami na.), DondeEstaMichifu, Monty, Jec, ManilaActor, PanCookie, Luilao, Mark13, JayJay (Supah Minion), Ryge Stan (Welcome back), Franz, Slushe.Love, Roan, Chie, Lance, Rascal, Bobby Evasco, Jasper Paulito (Nash ang name niyang model), Migz (Am glad you’re enjoying this book), Christian Jayson Agero, Paul Michael Tan, Pat (PatPat), Lexin (Maulan dito), Eusethadues (Bunso!), Jheslhee Oracquiao, at syempre si TC99M.
Sa Anonymous at Silent Readers maraming salamat sa pagbabasa guys!
Nagulat ako na umabot ng 51 comments ang chapter 06. 1st time mangyari iyon sa Chapter kung saan nagsisimula pa lang ang development ng k’wento. Sobrang thank you guys! Mas na-inspire akong magsulat. Happy Reading!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Tuesday, October 15, 2013
9 Mornings Book2: Chapter 06
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Tulad nga ng sabi ko sa inyo, ang k’wentong ito ay regalo ko sa inyong lahat ngayong pasko. Kung bakit maaga kong sinumulan ang posting ay dahil hindi ako nakakasiguro na hindi ako magmimintis ng posting. Ma-enjoy niyo sana ang k’wentong ito.
Reymond Lee, TheLegazpiCity, Tzekai Balaso, TC99M, Jec, Cris Mardo, Franz, Dev Nic (Baby Vampy), Richie, Xzkyel Daniel Padilla, Bon-Bon, NathanJohn, Cry, Lexin (Hindi kana huli ngayon), Mhi Mhiko, Jayvin, Pat (PatPat), Poging Cord (kapag may kumontra, pa-salvage natin. Hehe), Monty, Marc, Bharu, Luilao, Migz, Slushe.Love, Russ, Bobby Evasco, James, Mark13, Ryge Stan, JayJay (Supah Minion), ManilaActor, Beucharist, KJ (Yan din a kita nakalimutan), EuseThadeus (Bunso), PanCookie (Ano ang sasabihin mo sa partner mo? Hehe), Philip Zamora and ofcourse Jubert.
Anonymous and Silent Readers maraming salamat din sa pagbabasa ng chapter 05.
Hinabaan ko ang chapter na ito dahil umandar ang pagiging abnoy ko. Sana magustohan niyo rin siya guys! Happy reading!!! Ingatz!!
Sunday, October 13, 2013
9 Mornings Book2: Chapter 05
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Dyaaaaraaan! Heto na ang chapter 05 ng 9 Mornings. Wew! Habang tumatagal ang k’wentong ito ay nagsisimula na niyang pasakitin ang ulo ko. Haha Pero masaya pa rin ako dahil sa magagandang feed back niyo na talaga namang nagpapagana sa akin lalo.
Rheinne, Mhi Mhiko, Euse Thadeus (Bunso), Allen RN, Marc, Bon-Bon, Tzekai Balaso, ReadmyMouth (long time no see. Hehe), TheLegazpiCity, Pat (PatPat), Jheslhee Oracquiao, Ryan.M, DondeEstaMichifu (Where is Michifu daw ang translation ng pangalan niya), TC99M, PanCookie, Jayjay(SupahMinion), Mars (Welcome back), Russ, Mark13, Cry (yow), Lance, Bobby Evasco, Jubert Co, Raymond Lee, Roan, Jayvin, Pangz (Batibot), Poging Cord (Na applicable talaga sa kanya), Slushe.Love, Luilao, Lexin (Nahuli ka!) at syempre kay Migz.
Anonymous at Silent Reader salamat din sa pagbabasa.
Tulad ng request niyo. Kasama sa bagong cover ng k’wentong ito ang picture ni Eros. Sana ma-enjoy niyo ang pagbabasa! Ingatz!!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Thursday, October 10, 2013
9 Mornings Book2: Chapter 04
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Bilang pasasalamat ko sa pagbibigay niyo ng panahong magkomento sa bawat chapter ng k’wento ko ay hindi ko na patatagalin ang Chapter 04. Hehe! Nakakagana kasi ang mga comments niyo kaya sana ituloy niyo lang guys.
Allen RN, Ryan.M, Beucharist, Marc, TheLegazpiCity, Mhi Mhiko, KJ, Lawfer (Formless Cat), Eusethadeus (BUNSO!), Makatiboy (Sinusulat ko pa lang noon ang Book1 ng dumating ka sa blog ko. Hehe), Reymond Lee (Na walang sawang nakikipagkulitan sa page), DondeEstaMichifu (Astig pangalan mo), Christian Jayson Agero, Russ (Ever supportive), Slushe.Love (Naalala ko rin na matagal na kitang reader. Salamat!), Tzekai Balaso, Mark13, Bobby Evasco, Luilao, Rheinne, Jayvin, Juber (Dunno if ikaw rin si Jubert Co), Jheslhee Oraquiao, Poging Cord (Yow!), JayJay (Supah Minion), PanCookie (Cookies!YUM!), Chie, Richie, Jemyro , Pat (Patpat) and of course Migz!
Anonymous and Silent Readers as well! Salamat sa pagbabasa ng k’wento ko!!
Sana ay ma-enjoy niyo ang chapter na ito tulad ng sobrang pag-enjoy ko habang sinusulat ito. Haha! Oo, sobra akong nag-enjoy na matagal ko na ring hindi nararamdaman. HAPPY READING GUYS!!! INGATZ!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Tuesday, October 8, 2013
9 Mornings Book2: Chapter 03
Cover Created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Maraming salamat ulit sa mga taong nagbigay ng kanilang oras para basahin ang Chapter 02 ng 9 Mornings. Sobrang nakakagana ang mga comment niyo guys kaya hayaan niyong batiin ko kayo.
Raymond Lee, Allen RN, Jheslhee Oracquio, PanCookie (na maganda ang pangalan), Bon-Bon (yow!), Dev Nic (Baby Vampy), Luilao, Tzekai Balaso, Roan (Nice name din), Chubbz, Rheinne, Jubert, Kimbelnel, Bobby Evasco, Mhi Mhiko, Jemyro, Mark13, Lawfer (Formless Cat), Chie, TheLegazpiCity, Monty, JayJay (Minion), Christian Jayson, Pat (Tagasubaybay), Jayvin, Jake Wong, Bharu, at syempre kay Robert_Mendoza
Salamat din sa mga Silent Readers at Anonymous sa pagbibigay ng panahon sa k’wentong ko!
Naway magustohan niyo sana ang Chapter na ito guys! Enjoy reading!!! INGATZ!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Friday, October 4, 2013
9 Mornings Book2: Chapter 02
Cover Created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Yow! Masayang-masaya ako na kahit nawala ako ng matagal na panahon ay may mga readers pa rin pala ako. Lalo na dahil sa magandang pagtanggap niyo sa bagong k’wento ko. Kaya maraming thank you kina ––
Bon-Bon, Jheslhee Oracquiao, Dev Nic (Baby Vampy), Pangz, Russ (ever supportive), Migz (Na muling nagbalik), Slushe.Love, Rheinne, PanCookie (Ganda ng name), Chubbz, Mark13, Bobby Evasco, Mhi Mhiko, Reymond Lee, Jake Wong, JayJay, TheLegazpiCity, Jubert Co, Monty, Tzekai Balaso, Jayvin, KJ (Welcome Aboard), Roan (Yow), Luilao, at syempre kay Jemyro
Salamat din sa mga Anonymous na hindi nagbigay ng pangalan at syempre sa mga Silent Readers.
Alam kong medyo malayo-layo pa ang pasko kaya sabay-sabay nating hintayin iyon habang tumatakbo ang k’wento ni Brian. Happy Reading Guys!! Enjoy!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Tuesday, October 1, 2013
9 Mornings Book2: Chapter 01
Cover Created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Maraming salamat sa mga taong nag-iwan ng kanilang komento sa Prologue! Ang buong akala ko ay wala ng nagbabasa dito sa blog ko. Mabuti na lang pala at kahit matagal akong nawala ay nariyan pa rin kayo mga paps.
JJJ, Bobby Evasco, Dev Nic (Baby Vampy), Mhi Mhiko, Pancookie, Jheslhee Oracquaio, Reymond Lee, Makatiboy (Makboy), Slushe.Love, Tzekai Balaso, Chie, Jay-Jay, Jec Isidro, Roan, Robert_Mendoza, Lawfer (Katanashi No Rue), Monty and Pangz.
Heto na po ang Chapter 01 ng 9 Mornings Book2. Sana ay magustohan niyo ang bagong librong ito. Marami akong naka-abang na surpresa para sa inyo at syempre marami rin akong kalokohan sa k’wentong ito. Enjoy Reading guys and keep the comments coming! Para mas ganahan pa akong magsulat. Hihihi
HAPPY READING!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Friday, September 27, 2013
9 Mornings Book2: Prologue
Cover Created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Sisimulan ko na ang posting nitong 9 Mornings ko since 89 Days na lang at magpapasko na. May kahabaan rin kasi ang k'wentong ito at baka pumalya na naman ako sa every other day posting ko kaya mas mainam siguro kong habang maaga ay nasimulan na siya.
Sana nga lang ay magustohan niyo ang panibagong likha kong `to. At sana, hindi rin niyo kasawaan ang mag-iwan ng comment. HAPPY READING GUYS!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Thursday, September 26, 2013
9 Mornings Book2 (Teaser)
Cover Created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Oha! Oha! Sa wakas! Pagkatapos ng ilang dekada ay naisipan ko na ring gawan ng k’wento si Brian! HA HA HA! At syempre, dahil best friend sila ni Renzell Dave ay paniguradong maraming kalokohan na naman ang mangyayari. Dapat ay noong isang taon ko pa ginawa ang k’wentong ito pero dala ng isang malagim na pangyayari ay hindi nangyari `yon. Nyahaha!
Alam kong halos lahat `ata tayo ay naghihintay sa pasko. Kaya naman, para hind imaging boring ang paghihintay natin ng pasko ay samahan niyo si Brian sa pakikibaka niya sa buhay. Ito ang magiging regalo ko sa inyo para sa walang sawa niyong pagtangkilik sa mga k’wentong gawa ko. Ingatssss!!!!
Thursday, August 22, 2013
Taking Chances Finale
"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."
Maraming Salamat sa lahat po ng nagbasa at tumangkilik sa story nila Andrew at Juancho. Kay Zildjian sa pagbibigay ng space para ma-post ang story na ito...
Sa mga nag-comments po, hindi ko po kayo iisa isahin... alam nyo na po kung sino sino kayo... Maraming salamat po..
Keep safe guys lalo na ngaung panahon ng kalamidad...
Mag-aalas nuwebe na nang sa wakas ay tumigil sa pagtipa sa laptop niya si Andrew. Nasa opisina pa siya, inaasikaso ang nabinbing mga paperworks. He had been so busy lately he didn't even have time to check his emails.
Sunod-sunod na events at parties ang inatupag niya. May kinalaman ang lahat ng mga iyon sa trabaho pero hindiibig sabihin na hindi siya puwedeng mag-enjoy. Andrew the party boy is back. And back with a vengeance. Iyon nga lang, kung dati ay parang nabubuhay ang dugo niya kapag nasa mga ganoong events, now he discovered na nakakasawa pala ito at nakakapagod. Tila may bahagi sa kanyang pagkatao na hinahanap iyong simple at tahimik na kasiyahan lang. A quiet evening spent simply talking with someone, a walk by the beach on a moonlit night...
Letse! Naiinis is Andrew sa sarili nang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Hanggang kailan ba niya iindahin ang pagkawala ni Juancho.
He doesn't mean all that muchto you, right? He was just someone to pass time with.
Pero kahit ilang ulit yata niyang sabihin iyon sa sarili ay iba pa rin ang isinasagot ng kanyang puso. He meant a great deal to him. And now he was gone, too. Just like other people in his life who mattered to him. Bumali ang daddy niya, oo, pero bahagya lang pinaghilom ng pangyayaring iyon ang mga sugat na nalikha sa pagkatao niya na bunga ng pagtatwa nito noon sa kanya.
Which should remind you all the more not to put your trust in people, sabi ng isang tinig sa kanyang isip. Sa halip na mapaiyak pa siya ay minabuti niyang ibalik ang pansin sa ginagawa. May maa-accomplist pa siya. Pero bago pa niya maabot ang keyboard ay may kumatok sa pinto ng kanyang opisina.
"Son..." Ulo ng kanyang mommy ang sumungaw mula dito.
"O, 'My, napadpad kayo?
"Gabi na, puro trabaho ka pa rin?" Hindi agad pumasok ang kanyang ina at sa halip ay nanatili lang itong nakatayo sa bukana ng pinto.
"Parang hindi n'yo ako kilala. Eh, kayo ba. ba't napagawi kayo rito? Kasama niyo si George?
Umiling ang kanyang mommy. "May nakiusap lang sa akin na samahan ko siya rito." Noon ito umalis sa tapat ng pinto.
"An---Andrew..."
Natigilan siya sa pagsulpot ng daddy niya.
"You left in such a hurry before. Para tuloy bitin ang paghingi ko ng tawad sa iyo" sabi nito.
"Don't sweat it. O-okay na ako roon."
"Your mom doesn't think so." Sumulyap ito sa mommy niya. "Andrew, anak, I hate it that I wounded you so badly before that you... you seem to have completely lost your faith in people...."
"Gee... Dad, don't take all the blame. Hindi n'yo mag-isang ginawa iyon. There are other..... What?!" Napansin ni Andrew ang pagngiti ng daddy niya.
"You called me "dad". It's been a long time since I last heard you say that to me and I am just glad to hear that now it is under better circumstances." Lumapit ito sa kanya, tumalungko sa tabi ng swivel chair niya. "Hindi ko na maibabalik ang mga panahong nawala sa atin pero gusto kong bumawi. I want to be your daddy in ways I never was to you before. Will you let me?"
Naramdaman niya ang unti-unting pagkatunaw ng tila makapal na yelong bumabalot sa puso niya. "O-of course." Gumaralgal ang tinig niya, nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.
"Thank you." Tumayo ito, saka umakmang yayakapin siya pero tumigil ito, tila nag-aalangan, siguro ay naisip na baka ayaw niyang gawin ito. Siya ang yumakap dito. And they hugged each other so tightly.
"Your sister is getting married. He wants you to be part of the entourage."
"So soon?" bulalas ni Andrew.
"Well, she said she's already sure of the guy and she is sure of his feelings for her, too. Kahit ako, medo tutol pa sana pero mapilit ang kapatid mo, eh. So will you be her bestman?
"No!" agad-agad siyang tumanggi.
"But why? Galit ka ba kay Sam? I'm su----"
"It's not that," putol niya sa daddy niya.
"Ehh... ano pala?" nagtatakang tanong naman nito.
"Basta ayaw ko." pagmamatigas ni Andrew.
"Son..." sabad naman ng kanyang mommy.
"I...I know her husband-to-be, okay." There he said it. Hindi siya makaisip ng maidadahilan kaya nagpasya siyang sabihin na lang ang katotohanan. "And I... I don't like him."
"What?!" Sabay na bulalas ng kanyang mommy at daddy na halatang naguguluhan.
"Ano ang kasalanan sa iyo ni Kurt?"
Marahas na napabaling ang ulo ni Andrew sa pinto. Bukod sa hindi ang inaasahang pangalan ang narinig niya, ibang tinig din ang sumabit niyon.
"What are you doing here?" Naningkit sa galit ang mga mata niya pagkakakita kay Juancho. "Hindi ba't pinapa-terminate no ma ang kontrata mo?"
"Gusto ko sanang makausap ka tungkol doon," sabi nito.
"Bakit? Nakapag-isip-isip ka na at natakot na mademanda?" tanong ni Andrew kay Juancho.
"Hindi iyon." Sumulyap ito sa mga taong kasama nila sa silid. "Pero teka, bakit galit ka 'kamo kay Kurt?"
"Kurt?" Parang naligaw ng landas ang pag-iisip ni Andrew.
"My daughter's fiance," paglilinaw ng daddy niya.
"Si Kurt ang boyfriend ni Sam? The same Kurt who used to be under my agency?" paniniguro ni Andrew.
"Oo, iyong sinabi ko sa iyo na naging kaibigan ko na rin. Narinig ko kasi ang pangalan ni Sam kaya sumabad na ako," saad ni Juancho sa pag-uusap nilang mag-ama.
Napaismid siya. "Some friend you are."
"Ano ang ibig mo sabihn doon?" nakakunot-noong tanong ni Juancho.
"Kaibigan mo siya, tapos iyong girlfriend ni---"
"Ay naging kaibigan ko na rin. So much, so noong magkaproblema sila ay sa akin siya lumapit," putol ni Juancho sa kanya.
"Ha?" ang hindi makapaniwalang reaksiyon ni Andrew.
"May pagkasaway rin si Sam. Namana ata niya iyon sa akin," sabi naman ng kanyang daddy. "Ewan ko kung ano ang pinag-awayan nila ni Kurt pero muntik na iyong maging dahilan ng tuluyan nilang paghihiwalay. Fortunately, they kissed and made uo and it must have shaken them both up so that they decided to get married. So, ikaw pala iyong kaibigan ni Kurt na pinupuntahan ni Sam," sabi nito saka bumaling kay Juancho.
"Yes, Sir. Ako po si Juancho, naipakilala ka na po ni Sam sa akin sa picture," pagpapakilalang binata.
"Nice to meet you. Pero teka, mukhang may dapat kayong pag-sapan nitong anak ko."
"Anak n'yo?" gulat na tanong ni Juancho.
"So many things have been happening lately, you man and I think you and Andrew should talk about it. Jackie..." Tumingin ito sa mommy niya.
"Sige, son, doon lang muna kami sa labas." Sumama na ang mommy niya sa daddy niya.
"So, ano na?" tanong niya kay Juancho na halatang naguguluhan pa rin.
"Kagaya ng sinabi ko kanina, gusto kitang makausap. H--hindi ako naging masaya sa paghihiwalay natin, Andrew. S--siguro ay naging unfair at unreasonable ako. Nilinaw mo nga naman sa akin sa simula pa lang na hindi ikaw ang tipong pumapasok sa malalalim na uganayan pero sa bandang huli ay parang... parang iyon ang gusto kong mangyari. Hindi tama at para doon ay humingi ako ng paumanhin."
Hindi nakaimik si Andrew. Hindi malinaw sa kanya kung ano ang pakay nito sa kanya. Baka paghingi lang ng dispensa. Kaya iyon lang, sana a tapusin na nito iyon dahil... dahil nahihirapan na siya na tingnan lang ito at huwag sugurin ng yakap. Na-miss niya ito kahit pa nilalabanan niyang pilit ang damdamin na iyon. Ni hindi nga niya maamin-amin na iyon ang nadarama niya.
Itinuon nito ang mga mata sa kanya, hinagod siya ng tingin na tila ba nasasabik itong makita siya.
"I... I've been so miserable. Kaninang pagpunta ko rito ay sinabi ko sa sarili ko na sige na, kahit ano lang ang kaya mong ibigay, tatanggapin ko na. Basta lang makasama kita, na-realize ko, hindi ko pala kaya. Dahil.... dahil masyado ka nang naging mahalaga sa akin. Pasensiya na kung ginagawa ko iyong sabi mo ay ayaw na ayaw mo, iyong pie-pressure ka at hinihingan ng higit sa gusto mong ibigay. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Kailangan ko lang maipaalam sa iyo ang nararamdaman ko. Alam ko rin, kung minsan o kaya, madalas pa nga, na may mga tao na nangangako na napapako sa bandang huli. May mga tao na umaalis at iniiwan ang mga nagtiwala sa kanila. Pero mayroon din naman na handang gawin ang lahat para matupad ang pangakong mananatili sa tabi ng mahal nila sa buhay hanggang sa kanila huling hininga."I can be that person to you. Hindi ako aalis, hindi mawawala dahil kapag ginawa ko iyon ay para ko na rin yatang inalisan ng buhay ang sarili ko. Pagtawanan mo na ako kung gusto mo. Sabihin mo nang baduy o madrama ako. Pero kailangan kita para maging masaya ako," mahabang sabi ni Juancho
I don't need anyone, I shouldn't need anyone to make me happy. Mula noon ay iyon ang naging paniniwala niya. Pero ang bilis niyang nawari na may punto pala na hindi na niya kayang utuin ang sarili sa mating paniniwala na yion. Because the truth is, he did need someone.
"Mahal kita, Andrew. For better or for worse. If only you'd let me into your life." sabi ni Juancho.
Hindi nakapagsalita si Andrew. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang saya. Mahal siya ni Juancho.
"Pero kung... Kung ayaw mo talaga, nagpapasalamat na rin ako sa chance na naibigay mo sa akin na mapalapit sa'yo because you're one hell of a special guy," inabot ni Juancho ang pisngi niya, hinaplos iyon sandali, saka umakmang tatalikod na.
"I think... I think what you just said deserves a kiss," mahinang sabi ni Andrew.
Agad na tumingin sa kanya si Juancho. Mababakas sa mukha nito ang pagkamangha. "A--ano ang ibig sabihin kapag.... kapag hinalikan kita?"
"Magiging bato ka," sabi Andrew at saka tumawa.
Lumapit ito sa kanya, kinabig siya ngunit pinanatili ang maliit na distansya sa pagitan nila. Tinitigan siya nito. "If I kiss you and you let me, does that mean you're agreeing to be mine forever? With string, with commitments..."
"Has anyone told you that you talk to much?" tanong ni Andrew, saka kinabig ang ulo nito at binigyan ito ng isang maalab na halik.
Pareho silang naghahabol ng hiniga nag maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Pumunta ako sa unit mo," panimula ni Andrew. Ikinuwento niya rito ang nakita niya.
"Nagselos ka, no?" pabirong tanong ni Juancho na mababakas ang katuwaan sa tinig.
"Nainsulto, no, I mean, hayun ako, handang magbago ng pananaw... tapos makita-kita ko na may kasama kang iba. At half-sister ko pa."
"Eh, kasi naman, ang bilis mong bumuo ng konklusiyon. Kung nagtanong ka sana.... Of course hindi ako magtatanong. Bukod sa mataas ang pride mo, mas madaling paniwalaan na gago ako kagaya ng maraming kakilala mo" sabi ni Juancho.
Napayuko na lang si Andrew pero itinaas din nito ang mukha niya.
"Hindi ako makapaniwala na kapatid mo si Sam. Pero peksman, walang namamagitan sa amin. Kaibigan ko si Kurt at hindi ko siya gagaguhin."
Kayang kaya paniwalaan iyon ni Andrew. Juancho was definitely that kind of guy.
"Ako ang nakaisip ng ideyang sundan ni San si Kurt sa rest house nito. Alam ko na nandoon ang kaibigan ko dahil nakausap ko siya." Itinuloy nito ang pagpapaliwanag. "Nakiusap siya sa akin na samahan ko siya. Kinakabahan daw kasi siya. She was afraid she had gone too far that time, na hindi na siya mapapatawad ni Kurt."
"Ano ba kasi kasalanan niya?" tanong ni Andrew.
"She kept pushing him away because she felt that he was too good too be true."
"Ha?" gulat na reaksiyon ni Andrew.
"Hindi maganda ang naging karanasan ni Sam sa dalawang naging boyfriend niya bago si Kurt. Kaya hirap siyang maniwala na hindi siya sasaktan ni Kurt. Pero dahil doon ay parang siya pa mismo ang gumawa ng paraan para masaktan siya," pagkukuwento ni Juancho.
"Like some people I know," mahinang sabi ni Andrew. Mukhang hindi lang pala siya ang may bitbit na emotional baggage. Come to think of it, no one is probably angst-free. Ang buhay kasi ay isang pakikibaka at bawat sagupaan ay may iniiwang pilat. Nasa tao na lang kung paano pangingibabawan ang masamang karanasan sila. At siya, handa na niyang tanggapin na puwede pa rin siyang masaktan kahit ano pa ang ipinangako ni Juancho pero ang mas mahalaga ay magiging masaya rin siya. "I love you so much. I hope you realize that now," pagtatapat niya kay Juancho.
Ngumiti ito. "Tamang-tama, nandiyan lang sa labas ang mga magulang mo. Baka puwedeng mamanhikan na ako, kahit ako na lang muna."
"Excuse me, hindi uubra sa akin ang installment na pamamanhikan. Gusto ko isang bagsak lang. Iyong pormal. Iyong---"
"Bukas na bukas din ay isasama ko ang buong angkan ko para mamanhikan sa inyo para patunayan sa iyo na handang-handa akong maging sa iyo habang-buhay," putol nito kay Andrew.
Hindi na siya nakahirit pa dahil sinakop na ng mga labi nito ang kanyang mga labi. And with that he knew, he was willing to take chance to find happiness...
FIN

Sunday, August 18, 2013
Taking Chances Chapter 10
"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."
He came to a new descision. Nakakatakot man ay handa siyang sumubok din. Hinagilapniya ang cellphone at tinawagan si Juancho. Ang kaso ay hindi nito sinasagot iyon.
Baka naman tulog pa siya, sa loob loob niya.
Pagkalipas ng isang oras ay sinubukan uli ni Andrew na tawagan ang binata pero sa pagkakataong iyon ay sa voice-mail punta ang kanyang tawag. Hindi siya mapakali. Parang hindi siya makatiis na manahimik lang sa bahay at maghintay na sagutin ng lalaki ang tawag. Gustong-gusto na talaga niya itong makiusap.
Pagkatapos mag-isip ay nagmamadaling nagbihis si Andrew para puntahan si Juancho. Medyo pinanghihinaan siya ng loob nang nasa palapag na siya na kinaroroonan ng unit ng binata. He was definitely venturing into new territory. Bukod sa noon lang siya nakaramdam ng mga nararamdaman niya ngayon, ni sa hinagap ay hindi naisip na darating ang panahong siya pa ang hihingi ng tawad sa lalaki, ang makikiusap na mahalin siya nito.
Habang nag-uurong sulong siya kung tutuloy na ba siya sa kahabaan ng pasilyo ay bumukas ang pinto ng unit ni Juancho. Lumabas ito pero hindi ito nag-iisa. May kasama itong babae at parehong ma bitbit na bag ang mga ito. Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi maganda ang kutob niya. Puwedeng magkatrabaho lang ang dalawa pero kung makaangkla ang babae kay Juancho ay parang nandito ang lahat ng karapatan na gawin iyon. Parang pamilyar din ang mukha nito. Tinitigan niya ang babae. Hindi niya matandaan kung ssan niya ito nakita.
Tumigil sa paglalakad si Juancho at kinapa-kapa nito ang bulsa. Natigil din sa paglalakad ang babae.
"Sam, wait lang ha? Naiwan ko iyon cellphone ko," sabi ni Juancho at saka ito bumalik sa unit nito.
Sam? Nang marinig ni Andrew ang pangalan ng babae ay agad niyang napagtanto kung bakit parang pamilyar ito sa kanya. Napakatagal na panahon mula nang huli niya itong makita pero hindi gaanong nagbago ang itsura nito kaya kahit papaano ay nakilala niya ito. Naglaro sa isip niya ang hitsura nito nang pumasok ito sa opisina ng daddy niya at kumandong dito. That was Sam, his half sister. Hindi niya alam na kilala pala ito ni Juancho. Ni minsan ay hindi ito nabanggit sa kanya ng binata. Pero hindi naman lahat ng aspeto ng buhay nito ay ikinukuwento nito sa kanya. Ang tanong, magkaano ano ang mga ito?
Hindi pa ba obvious? Hindi naman siguro magkaibigan lang ang mga ito base sa pag-angkla ni Sam kay Juancho. Hindi kaya nagsawa na rin ang binata sa klase ng relasyong mayroon sila at sinukuan na siya? Isang buwan silang halos walang komunikasyon at maraming puwedeng mangyari sa loob ng panahong iyon.
Ang una niyang reaksiyon ay ang komprontahin ang mga ito pero nabahag ang kanyang buntot nang maalala ang tagpo sa opisina ng kanyang daddy maraming taon na ang nakalilipas. Kagaya noon, siya ang tila walang mapanghahawakang kahit ano. At kagaya rin ba noon ay lalabas siyang talunan sa harap ng kapatid niya sa ama? Hindi niya kaya. Pumihit siya, saka mabilis na naglakad palayo.
Screw all men and screw love! Tama lang naman palang maging allergic siya roon.
Sa opisina na lang muna siya tumuloy. His work had always been his solace. Hindi nga ba at sa loob ng mahabang panahon ay iyon lang nag pinagbubuhusan niya ng atensiyon? Pero kahit doon pala ay may naghihintay na sama ng loob sa kanya. Uupo sa dapat siya nang maagaw ang pansin niya ng puting envelope na nakapatong doon. Agad niya iyong binuksan. Galing iyon kay Juancho.
With much regret, I would like to formally terminate my contract with your company. Unforseen circmstances have occured which makes it difficult for me to continue being associated with your agency. I am willing to face whatever sanction or charges you would wish to pursue against me.
Pormal ang tono ng kabuuan ng sulat pero may idinagdag ang lalaki sa bandang dulo niyon.
P.S.
I wish you happiness and I am sure you'd find it if only you'd stop running away.
Nanlabo ang mga mata ni Andrew sanhi ng pagbalong ng kanyang mga luha. Nilakumos niya ang sulat. Parang nawalan siya bigla ng lakas. Napaupo siya sa swivel chair, saka sumubsob sa mesa. Sandali lang niya pinagbigayan ang pagnanais na umiyak. Mayamaya ay tinuyo niya ang kanyang mga mata.
Nabuhay siya nang walang Juancho sa loob ng mahabang panahon. Makakaya naman siguro niyang mabuhay sa susunod na maraming taon kahit wala ito.
Sawi man sa pag-ibig si Andrew ay hindi yata tama na mabawasanang kaligayahang nakikita niya sa mommy niya dahil lang sa pagluluksa niya.
Give her a break. Iyon ang balak niyang ipagkaloob dito. Kaya nga kapag isinasama siya nito o kaya ay binibisita siya nito ay hindi niya ipinaparamdam dito ang pagtutol sa pagpapakasal nito at hindi rin niya ipinahahalata na may iniinda siya.
Mukhang masayang-masaya ang mommy niya. Bata pa siya nang magkaroon ito ng ilang boyfriends pero sa nahinuha niya ay hindi niya nakita sa mga lalaking iyon ang pagmamahal na nababakas niya sa mga mata ni George tuwing mahuhuli niyang nakatingin ito sa kanyang mommy. He just hoped that this time around his mother would be lucky.
Siya naman ay itutuloy ang dating gawi. At magiging madilim na sikreto na lang niya na may pagkakataon sa buhay niya na may lalaking hinayaan niya ang sarili na mahalin. Inamin pa niya na mahal niya ito. Siguro ay ganoon talaga ang buhay. Some were lucky, some were not.
"Why the long face, baby boy?" Itinaas ng mommy niya ang kanyang baba.
"What long face?" Pinilit niyang ngumiti.
"Gosssh!" Ginaya pa nito ang asta ng mga teenager. "Ako pa ba naman ang lolokohin mo, eh, mula nang ipinanganak kita, nanay mo na ako. May dinaramdam ka? Out with it," anito.
"Wala, 'My. At imbes na kinukulit n'yo ako, dapat nag-eenjoy kayo." Nasa Boracay sila ng mga sandaling iyon. Piniliit siya ng kanyang mommy na sumama. Sandali lang daw ang mga ito sa Pilipinas kaya gusto nitong samantalahin ang pagkakataon na makapiling siya. Hindi naman niya magawang tumanggi.
"Nag-eenjoy naman ako." Ikiniling nito ang ulo para masagap ang sariwang hangin. Pinili nito na sa outdoor restaurant ng pinuntahan nilang resort sila kumain dahil gusto raw nitong makasagap ng sariwang hanging-dagat. Iniwan nila kanina si George sa spa ng resort.
"Have fun. You need some bonding time, I'm sure," ani George.
He was getting to like the guy more and more. Mukhang handa itong gawin ang lahat para mapaligaya ang mommy niya.
"I'm so happy, son. Kung sana lang pati ika----"
"'My, let's not spoil the mood," putol ni Andrew.
"Okay, kaya lang---"
"Uhmm, excuse me..."
Sabay silang tumingin sa nagsalita. Sabay ring napaawang ang bibig nilang mag-ina.
Nakatingin lang si Andrew sa lalaki na tinawag ng mommy niyang "Andres". Hindi niya magawang tawagin ito ng "daddy" dahil hindi naman ito pagpakaama sa kanya sa buong buhay niya.
"Andres!" bulalas ng mommy niya, sabay tutop ng dibdib nito. Ito ang unang nakabawi sa pagkabigla. "Oh, my. What a surprise. Fancy meeting you here. Ano ang ginagawa mo rito? Nagbabakasyon?"
"I'm with my daughter Sam and her man. She insisted that I come along because she wants me to get to know him better, as if I don't see and hear enough of him as it is." Umiling-iling ito. "Daddy's girl ang isang iyon, palibhasa nag-iisang anak namin ni Laura." Gumawi ang tingin nito sa kanya. "Hello." May pag-aalinlangan sa ngiti nito. "You're Andrew, right? You've grown to be a fine young man."
"Mabuti at natatandaan niyo pa ang pangalan ko," puno ng panunumbat na sabi ni Andrew.
"Ever since you mentioned it to me, I never forgot it. And I have been thinking about you all these years," sabi naman ng ama niya.
"Yeah, right," hindi naniniwalang sabi niya.
"Anak...." saway sa kanya ng mommy niya. Nagpapahinuhod ang tinig nito kasabay ang paghawak nito sa kanyang kamay.
"I can understand if he's mad at me. He has every right to be. Kahit ikaw ay may karapatan din. I've no excuse for doing that except to say that I've been a fool... and a coward." Humugot ng hininga ang ama niya. Halatang hindi madali para dito ang sinasabi. "I'm not sure if you know pero ang pamilya ni Laura ang mayaman at sa kompanya nila ako nagtatrabaho pagkatapos naming makasal. I had big dreams and getting rich was one of them. Her father, well, he wouldn't hand me anything on a silver plate. I had to work hard to get ahead and when I did, it made me feel like a king. I also earned the respect of the old goat and that is hard to come by."
Bumaling ang ama niya sa kanya.
"Noong bigla kang sumulpot sa opisina ko, nasa punto ang father-in-law ko ng pamimili kung sino sa amin ng asawa ng kapatid ni Laura ang hahalili sa kanya bilang CEO ng kompanya. I... I didn't want anything to jeopardize my chances."
"Na puwedeng mangyari kung malaman niyang may iba ka pang anak, right?" Nag-ibayo ang pait na nadama ni Andrew. "That's why you told me that I wasn't good enough to be your son and made me feel like crap."
"I an sorry about that. Nag-panic lang talaga ako kaya nasabi ko ang bagay na alam kong makakasakit sa iyo nang sapat para huwag mo na akong guluhin. But I swear, all these years I never stopped regretting what I did. Ilang beses ko na ring iniisip na hanapin ka."
"Then why didn't you?" tanong ni Andrew.
"So much time has passed. I am not sure if you'd still want to see me, to be reminded of the father who turned his back on you. But I never stopped thinking about you. Nagpapasalamat nga ako sa pagkakataong ito na nakita ko kayo," paliwanag ng kanyang ama.
"Daddy, I have been looking all over for you."
Lumapit sa kanila ang babaeng noon pa man ay kilala na ni Andrew.
"Sam, where's your man?" tanong ng ama nila rito.
"He just went to buy some stuff. Papunta na rin iyon dito. So who are they, Daddy?" tanong ni Sam.
"I'm sorry you have to find out this way. But you do have to find out because I don't want to keep on pretending anymore that I don't have a son," paliwanag nito sa half sister niya.
Tumingin sa kanya si Sam na parang may sinasariwa sa alaala. "That boy at the office...." Bumaling ito sa daddy niya.
"You kept bugging me about him. I guess even then you had your suspicions, huh?" sabi ng kanyang ama.
"I did." Ibinalik nito ang mga mata kay Andrew. " This is really quite a shock but, well... I guess it's nice to have meet you, kuya."
"M--me too." Pinilit ni Andrew na sabihin iyon.
Nag-ring ang phone ni Sam. "Excuse me," anito atsaka sinagot ang tawag. "Yes, sweetheart, I'm here with Dad already. Where are you? Yeah? Okay make it quick. Bye. I love you." Tinapos nito ang tawag. "He's on his way here Dad."
Nahulaan agad ni Andrew kung sino ang kausap ni Sam.
Boy, is he in for a shock. May kasamang pait sa kalooban ang iniisip niya na iyon. Hindi ni Andrew ma-imagine ang magiging reaksiyon ni Juancho kapag nagkaharap sila at sa ganoong sitwasyon pa. Heck, he could't imagine what his reaction would be. Noon siya nagsimulang mag-panic. Paano kung mag-breakdown siya sa harap ng mga ito?
"Ahm...I... I have to go," sabi niya.
"Ha? Pero, anak....?" Sinubukan si Andrew pigilan ng mommy niya.
"I really have to go." Tinaggal niya ang kamay ng mommy niya na nakahawak sa kamay niya, sala tinalikuran ang mga ito.
"O, sige Andres, aalis na rin ako. Nice seeing you again and nice meeting you daughter," narinig niyang sabi ng kanyang momy.
"Ano bang nangyari sa iyo?" Humihingal ang kanyang mommy ng maabutan siya nito. "Masama pa rin ba ang loob mo sa daddy mo a----"
"No, 'My. Su---sumakit lang bigla ang ulo ko. Okay lang ba kung bumalik na tayo sa villa? tanong ni Andrew sa ina.
"Oo naman. Tayo na." sabi kaagad nito kahit may pagdududa sa tinig nito. Mabuti na lang at hindi na ito nag usisa pa.
...itutuloy

Friday, August 16, 2013
I Love You! (ShortStory)
By: EuseThadeus
Sana po ay magustuhan ninyo ang short story na aking nalikha... maraming salamat po... :)
Tuesday, August 13, 2013
Taking Chances Chapter 09
"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."
Gustong magsisi ni Juancho sa naging reaksiyon niya. Kung sinunod lang niya ang payo sa sarili kanina na kumalma siya at hayaan si Andrew sa ginagawa nito ay hindi na sana sila nagkagulo.
Naiintindihan niya kung bakit nagagalit si Andrew. Bukod nga naman sa umasta siya na parang may karapatan siya na bawalan ito sa gust nitong gawin ay gumawa pa siya ng eskandalo. May ilang media people sa pagtitipon kaya malamang na bukas ay mapapanood niya ang sarili sa balita o kaya ay mababasa ang pagiging basag-ulero niya sa kung saang tabloid.
Kalmado at pasensyoso siyang tao. Iyon nga lang, kapag napatid ang pagtitimpi niya ay mahirap awatin ang kanyang galit. Nadala lang siya kaya kung ano-ano na ang pinagsasabi niya. Isa pa, hindi na rin yata niya kayang magpanggap na okay lang sa kanya ang kung ano mang relasyon ang namamagitan sa kanila ni Andrew. Dahil sa totoo lang ay hindi iyon okay sa kanya. Hindi siya sanay ng ganoon. Hindi niya iyon gusto. Nagtitiis lang siya dahil iyon lang ang paraan para huwag magtatakbo palayo sa kanya ng binata.
Hindi niya binalak tanungin si Andrew kung ano ba sila. Pero mabuti na rin siguro na ginawa niya iyon. Nalilito na rin kasi siya. May bahagi niya na gustong maniwala na may patutunguhan sila pero hindi rin naman siya sigurado.
Ngayon, sigurado ka na. Nakaramdam siya ng sakit nang maiisip niya ang ipinahihiwatig na sagot ni Andrew. I can't believe you're even asking me that. Parang sinabi na rin nito na... Ano ang karapatan mong mag-isip na may dapat akong ibigay sa iyo ng higit pa sa natatamasa mo?
Nasakatan ang ego niya pero kaya pa naman niya iyon. Ang mahirap tanggapin ay ang katotohanang pinipilit niyang iwasan--- na baka sa kabila ng lahat, sa kabila ng pagpipigil niya, ay minahal pa rin niya si Andrew at ito ay hindi ganoon ang nararamdaman para sa kanya.
Hindi naman siguro dahil may kulang sa pagkatao niya kaya hindi sila pareho ng nararamdaman. Baka hindi lang talaga kaya ni Andrew ang magmahal. Sinabi naman na nito noon pa. Siya lang ang tatanga-tangang umasa na magbabago ang pananaw nito. Siya ang sira-ulong nagmahal dito. Kaya ngayon ay inaani niya ang epekto ng kahibangan niya. Pero kung hinayaan na lang sana niyang manatili sa estadong gusto ni Andrew ang ugnayan nila ay hindi sila mag-aaway.
Kaya mong hanggang ganoon na lang? tanong sa kanya ng isang parte ng kanyang isip.
Parang hindi na. Masyado nang lumalim ang pagtingin niya kay Andrew pero kung ganoong klaro na sa kanya na wala silang patutunguhan ay mas maganda siguro na tapusin na niya iyon. Napakasakit nga lang.
Pagdating nila sa condo building ay inihatid pa rin niya si Andrew hanggang unit nito. Pero sa pagkakataong iyon, kahit gustong gusto pa rin sana niyang gawin ay hindi na niya ito binigyan ng goodnight kiss.
Pinanood ni Andrew ang pag-alis ni Juancho, saka siya pumasok sa kanyang unit at dumeretso sa kanyang kwarto.
How the guy had changed. Pero sa kabila ng suwabeng image nito ngayon ay nasisilip pa rin niya ang dating Juancho na nakilala niya. Iyong simple, mabait, mahiyain. Those traits of his still showed through and they added more to his charm and appeal. Kahit kasi sobrang in demand na nito sa bagong propesyonay ni minsan hindi niya ito nakitan ng indikasyon na lumalaki ang ulo nito or ung pagiging masyadong bilib sa sarili.
And you're letting him get away? tanong sa kanya ng isang parte g pagkatao niya.
Parang may sumuntok sa dibdib ni Andrew sa ideyang hindi na niya ito makakasama tulad ng dati at sa malamang ay iwasan na siya nito. And someday soon, Juancho would probably disappear in his life for good.
Eh, ano pala ang gusto mo? sarkastikong sabi ng isip niya. Hindi niya alam. Iyon ang malaking problema niya. Nahiga siya sa kama.
You're not stupid Andrew. You know what he wants... so you choice is this... Give it to him or let him go...
Ang gusto ni Juancho ay gawin ilang seryoso ang relasyon nila at may bahagi ng pagkatao niya ang tila nahihimok nang pumayag.
And then what? Paano kapag nawala na ang kung ano mang spark or magic o chemistry na namamagitan sa inyo? anang parte niya na puno ng takot.
You were content being alone before. You can be again, sagot naman ng matapang na parte niya.
Mas sanay siya sa ganoong kalakaran kaysa iyong may nagpapagulo ng kanyang isip. But even as he seemed to have made his decision, he couldn't ignore the pain that lance at his heart.
Heartless biatch. Naalala niya ang bansag sa kanya ni Basty. Tinatanggap niya iyon dahil siya rin naman ay naniniwala na wala siyang puso. At least, not the kind that knows how to feel deeply for a guy. Kung hindi ba naman ay bakit napakadali para sa kanya ang makipaglaro lang sa mga lalaking nakikilala niya na hindi magtatagal ay ididispatsa rin lang niya kapag nagsawa na siya or nairita na sa mga ito.
And then came Juancho. Mukhang matagal-tagal bago niya ito makakalimutan. Iyon ay kung ang pag-iyak niya nang mga oras na iyon ang pagbabasehan. He cried his eyes out over what happened between them even if he tried to control the tears. Hindi umubra ang pagkumbinsi niya sa sarili na mas mabuti nga na maghiwalay na sila dahil.... dahil baka kung saan pa mauwi iyon. Aminado naman siya na may nararamdaman siya para kay Juancho, and that starting to bother him.
Halos magdamag na umiyak si Andrew. Kinaumagahan, bukad sa napakasakit ng ulo niya ay mugtong mugto pa ang kanyang mga mata. Sa kauna unahang pagkakataon ng buhay niya ay nagpasya siyang huwag munang pumasok sa opisina. Mukha naman kasing hindi rin siya makakapag concentrate sa mga gagawain iya at nakakasiguro siya na hindi rin siya tatantanan ni Basty. Ang tanging gusto niya ay maglungga sa kanyang kuwarto at hintayin na humupa kahit konti lang ang sakit na nararamdaman niya.
Pero mukhang hindi mangyayari iyon. Katatapos lang niyang magkape nang marinig niya ang doorbell. Kumabog agad ang kanyang dibdib. Si Juancho ba iyon? Nataranta siya. Kung ito nga, ano ang gagawin niya? Tatanggapin pa ba niya ito uli? Gusto niya. Gustong-gusto. Pero kung maghihiwalay rin lng sila later on....
"Anybody home?"
Napatda si Andrew nang marinig ang tinig na iyon. Hindi iyon boses ni Juancho. In fact, he didn't expect to hear the voice in person.
Dali-dali siyang pumunta sa pinto para tiyakin kung tama ang hinala niya.
"Mommy!" Hindi mapakali si Andrew. Boses nga ng mommy niya ang kanyang naririnig.
"Surprise!" Inilahad nito ang dalawang kamay sa kanya. Agad naman siyang yumakap dito.
"Anong ginagawa n'yo rito?" I thought you'd be staying with Chelsea for another month."
Well, alam mo nman, kung minsan, kahit plano tayo ng plano, kara-karaka ay basta na lang naiibaiyon. That's called life."
"At ano ang dahilan ng pag-iiba ng plano mo? tanong ni Andrew. "It must be something pretty big for you to..." Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil nakuha ng lalaking papalapit sa kanila ang kanyang pansin.
"He's the reason." Ngiting-ngiting bumaling sa lalaki ang mommy niya. "Excited na ako na dalhin siya rito sa Pilipinas."
"Well, honey, is he the son you kept telling me about? tanong ng lalaki na ipinaikot ang isang kamay sa baywang ng kanyang ina.
Ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ni Andrew. Honey? Napatingin uli siya sa lalaki. Blonde-haired, blue-eyed ito. Mukhang purong Amerikano.
"Geogre, this is Andrew, my handsome son. Andrew this is George, my.... husband."
"Husband?" malakas na bulalas ni Andrew.
Luminga-linga ang momyy niya, parang naiilang.
"Let's take this inside, shall we?" sabi nito.
Noon lang niya naalalang papasukin ang mga ito.
"Husband?" ulit ni Andrew ng nasa loob na sila.
"Yes, dear. George and I got married in Vegas." Inilaha nito ang kamay sa kanya kung saan kumikislap sa tama ng liwanag ang mga batong nakapalibot sa suot nitong wedding ring. "I wanted to have a more solemn wedding, the kind I have been dreaming about all my life..."
"I was the one who was in a hurry," sabad naman ni George. Inabot nito ang kamay ng mommy niya na ikinulong nito sa dalawang palad nito. "I asked her to marry me but she didn't want to believe me. Imagine her surprise when I took her to Vegas where we could get married in a hurry."
"I can't believe this." Hindi na naitago ni Andrew ang pagkadismaya. "My, bakit?"
"Ano bang bakit ka diyan? Mahirap bang hulaan ang sagot? I'm in love."
"Gaano n'yo na ba siya katagal na kakilala? Mahirap na hindi mainis dito. Ang akala pa naman niya ay natuto na ito pero hayun at hibang pa rin pala ito. Mas lumala pa yata dahil sa pagpapakasal nito nang ganoon-ganoon na lang."
"Bago ako pumunta kina Chelsea ay kilala ko na siya," kwento ng ina niya.
"I worked in the Philippines for a few years," sambot naman ni Geogre. "I met your mother in Subic. We got to know each other pretty well. In short, niligawan ko siya." Marunong pala itong magtagalog.
"But she kept taking everything I said with a grain of salt. I had to go back home because I was called back to our mother company but we continued to communicate," dagdag na paliwanag ni George.
"Wala na akong balak pa sumabak sa pag-ibig. Sino ba naman ang hindi madadala sa mga pinagdaanan ko, di ba? Kaya nga puro deadma ang ginawa ko sa matatamis na salita nitong si George. But he was persistent. And imagine my surprise when he travelled cross country just to see me when he learned na I was with Chelsea." Tumingin ito sa lalaki, punong -puno ng pagmamahal ang mga mata nito, saka nito hinaplos ang pisngi ni George.
"Mas naging close kaming lalo noong nandoon na ako. Imagine-in mo ang effort niya. He has to travel how many kilometers para lang makita at magkasama kami every weekend. Hindi ko inaasahan ito. Hindi ko binalak. Pero tinamaan ako ulit. And this time, I have a good feeling about this. Eh, ita mo naman anak, pinakasalan niya ako. Siya pa ang nagpursige. Samantalang ung mga ibang lalaking minahal ko, eh, ako ung laging naghahabol. Patunay lang siguro na kung minsan, may himala rin. May suwerte. Kaya kapag dumating iyon, hindi dapat pakawalan." Pagkatapos noon ay inihilig ng mommy niya ang ulo nito sa asawa. Si George naman ay hinalikan ito sa ulo.
"I wanted to meet you, to tell you how much I love your mother and that I intend to love her for the rest of our lives" pahayag naman ni George.
"Ayyyy! Kinikilig naman ako," bulaslas ng kanyang mommy.
Nag-iinit ang mga sulok ng mga mata ni Andrew pero pinigilan niya ang mapa-iyak. Masaya ang mommy niya ngaun, hayun at kinikilig-kilig pa. But what about later when the magic or whatever it was that drews two people together have faded? Iiyak na naman ito.
"Kaya nga kita pinipilit na maghanap-hanap dahil kung minsan, iyong suwerte natin, nasa tabi-tabi lang" sabi ng mommy niya ng tumingin ito sa kanya. "Ayoko lang isipin na ang nasaksihan mong masamang karanasan ko ang maging dahilan para iwasan mo ang tsansang lumigaya. At iyong ginawa ng daddy mo, malas na lang niya iyon dahil hindi niya nakilala ang isang napakabuting anak na kagaya mo. Son, come on, be happy for me."
"I...I'm trying" sagot ni Andrew.
"I'm not expecting you to jump for joy. Ikaw, mas kay Chelsea, ang naging saksi sa dalamhati ko. But this time, I sure hope you'd be willing to witness my happines. But relax walang dahilan para madaliin kita."
Iba na ang pinag-usapan nila pagkatapos niyon. PAgkatapos niyan dulutan ng merienda ang mga ito ay nagpaalam na rin ang mommy niya at asawa nito. Magpapahinga lang daw muna ang mga ito sa hotel na tinutuluyan ng mga ito.
Halos kaaalis pa lang ng mommy niya ng mag-ring ang cellphone niya. Si Chelsea ang tumatawag.
"Nakarating na ba diyan sila mommy? tanong nito.
"Yeah."
"So, are you still breathing? Baka under shock ka pa?" ang tatawa-tawang tanong ni Chelsa.
"Medyo."
"I thought so" sagot Chelsea. "At parang nahuhulaan ko rin ang iniisip mo. That she is making a fool of herself. Kahit nga ako ay iyon ang unang reaksiyon nang ikuwento niya sa akin ang tungkol kay George. But I met the guy many times and he seems genuinely in love with our mother."
"Sa simula naman, eh, ganoon, di ba?" tanong ni Andrew.
"Puwede namang magsurvive ang pagmamahal. Basta siguro handa ka rin lang masaktan muna habang hinahanap mo iyon. Anyway, hindi ko misyon na baguhin ang attitude mo. That would a Herculean task that I am not up for. Gusto ko lang... gusto ko lang na makiusap sa iyo. Try not to give her a hard time. She just seems so happy, hapier than I've ever seen her in her entire life. Gustong-gusto rin niya na isali ka sa kaligayahan niya."
"Ano bang palagay mo na gagawin ko? Ang utusan siya na mag-file ng divorce ora mismo? I guess she's old enough to know what she's doing." sabi ni Andrew sa kapatid niya.
"She has thought long ang hard about this, so I'm sure she went into this with her eyes wide open. Sabi nga niya sa akin ay handa raw siyang masaktan kung iyon ang paraan para matagpuan niya ang kaligayahan. Anyway, say 'hi' to her for me" masayang sabi ni Chelsea.
"I will. Paki-kiss na rin ang mga pamangkin ko para sa akin."
"I will." pagtatapos ni Chelsea ng usapan nila.
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Andrew pagkatapos nilang mag-usap ni Chelsea. His mother was so much braver than him. Ilang beses na nga itong nasugatan pero handa pa rin itong masaktan. Samantalang siya, kahit isang sugat ay wala pang tinatamo pero napakaduwag niya. Ni ayaw niyang harapin ang katotohanan na mas mahalaga na sa kanya si Juancho kaysa sa ipinagpipilitan niya sa sarili. Na para na nga siyang mamamatay kapag naiisip niyang mawawala na ito ng tuluyan sa buhay niya.
What if mawala rin naman siya later? tanong ng isang parte ng kanyang isip.
Then cry your heart out, pick up the pieces and start over. Patunay ang mommy niya na hindi nakakamatay ang masawi sa pag ibig.
... itutuloy