Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Maraming thank you sa paghihintay sa Chapter na ito guys! At maraming maraming salamat din sa suportang ibinibigay niya sa 9 Mornings Book2. Sobra akong natutuwa at ginagahan pang lalo sa mga comments niyo. Sana, hindi niyo iyon kasawaang gawin.
Sa mga susunod na Chapter, asahan niyong sisimulan na nating guluhin ang mundo ni Boromeo. HAHA Isa-isa na rin nating ilalabas ang ibang mga characters sa k’wentong ito. Hulaan niyo ang mga magiging papel nila sa k’wento. Hihi
Lester from Cebu, Mhi Mhiko, ManilaActor, Jubert, Poging Cord (Syempre na miss din kita), Reymond Lee, Bharu, Jayvin, Luilao, Ryan.M, Xzkyel Daniel Padilla, Makboy, Pat (PatPat), KJ, Russ (Ever supportive), Lexin, Tzekai Balaso (Mabuti naman at okay na diyan), EuseThadeus (Bunso), Beucharist, Robert_Mendoza, Jemyro, Richie, Philip Zamora, Marc, Dave of Baguio (Welcome Aboard), Pangz, Pancookie, Crismardo, Jasper Paulito (Sana kasing tapang rin niya ako), Jayjay (Supah Minion), Slushe.Love, Migz, Ryge Stan, Potpotchie (Kyut ng name), Bobby Evasco (Sige ikaw na si Eros), Monty, Roan (Masaya ako na hindi ka pa rin nawawala sa mga taga comment ko), Lance, Franz, Jec, at syempre kay DondeEstaMichifu.
Sa mga Anonymous at Silent Readers maraming salamat din sa pagbabasa mga paps!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“Totoo pala talaga ang mga narinig ko. Mababait ang mga may-ari ng Seventh bar pati ang mga partners nila. No wonder halos dumugin ang bar ng mga tao. Isama mo pang sa kanila dating tumutugtog ang sumisikat na ngayong banda na Skyband.” Ang magiliw na komento ni Eros patungkol sa mga kaibigan niya.
“Mukha ngang nag-enjoy ka.” Patuya naman niyang tugon.
Kasalukuyang binabaybay nila ngayon ang daan papunta sa bahay nito. Pasado alas-tres na rin ng madaling araw at katatapos lang nilang mag-inuman. Kung inuman ngang maituturing iyon. Since na halos puro kadaldalan naman talaga ang nangyari. Ang masama pa, siya ang naging bida sa gabing iyon na ikinaiinis niya ng husto.
“Galit ka?”
Lalo lamang nadagdagan ang inis niya sa kainosentehang nabakasan sa boses nito. As if isang nakakamanghang bagay ang inaasta niya.
“Sa tingin mo, dapat ba akong matuwa? You guys were talking about me as if I was not there at all. At ikaw naman, nakikisakay pa sa kanila at binubusog sila ng mga tanong.” Ayos na sana, eh. Namangha na sana siya sa pagiging gutsy nito pero ang samahan pa iyon ng pagiging curious nito sa kanya dahilan para maging matanong ito, he was crossing the line. Buti sana kung wala siya doon at `di niya naririnig ang lahat.
“Was it bad? They were your friends’ right? Tsaka wala naman akong masamang naging tanong sa kanila tungkol sa’yo.”
Napabaling siya rito. Halos puputok na ang ugat niya sa noon sa pagkapikon.
“It was! Para na akong hinubaran ng mga kaibigan ko sa harap mo because of those stupid questions of yours!” Ang napataas na boses niyang sabi.
“T-Tinanong ko lang naman sila kung ano ang mga nangyari sa’yo after kong mag-transfer noong college. Masama ba `yon?” Pangangatwiran naman nito.
Napabuntong hininga siya. Puputi talaga ang lahat ng buhok niya sa isang `to. Hanggang saan ba ang kainosentehan nito sa mga bagay-bagay? It’s as if he’s talking to kid! At hindi na talaga ito nakakatuwa.
“Are you satisfied now? Nakontento ka naman ba sa mga narinig mong escapade ko after what had happened to me and Abagail? Kung papaano ako magpakagago at magwala para mabawi ang naapakan kong pride? Did you enjoy every details of it? Ang galing magkwento ng mga kaibigan ko, `no? Napakadetalyado.” Patuya niyang wika rito.
Abagail was his high school sweetheart. Ito lamang ang babaeng masasabi niyang pinaghirapan niyang makuha kaya naman nang maging sila nito, halos i-trato niya itong prinsesa. Kahit maraming babae noon ang nagpapakita ng interes sa kanya, he remained faithful to her. Hindi niya sukat akalain na magagawa siya nitong gaguhin.
Nang malaman niya mula kay Vincent ang relasyon nito at ng pinsan niya, his world turned upside down. Gone was the naïve fool Brian Ramirez. Natoto na siyang makipaglaro. At gawing pleasure ang magpapalit-palit ng babae. Ang gawin ang mga itong taga togon sa tawag ng kanyang katawan. But it didn’t help him not to feel empty and alone. That’s why he decided to stop at maghanap ng katuwang sa buhay. Pero hayon, sa muling pagkakataon ay nagago ulit siya. Ang pinagkaibihan nga lang, wala siyang emosyon na ini-invest kay Cassandra pero, nasaktan pa rin ang pride niya.
“Hindi ko naman akalain na gano’n ang kalalabasan. I have heard a lot of things tungkol sa’yo. Kung gaano ka kamasayahin at ka-jolly sa lahat. Hindi ko kasi nakita iyon noong nasa parehong paaralan pa tayo. You were too serious and focus that time. And I thought your friends can feed me with all the details kung papaano nangyari `yon. Pero iba ang mga narinig ko.” May himig ng lungkot na pagpapaliwanag nito.
Yes, he was playing a masquerade game. Gusto niyang ipakita sa lahat ng tao na masaya siya sa buhay niya. Na kahit nag-iisa siya ay okay lang. At akala niya ay bumenta iyon sa lahat, hindi pala. Dahil alam ng mga kaibigan niya ang totoong nararamdaman niya. Na sa likod ng kaligaligan niya sa buhay, sa mga tawa niya at kabaliwan ay nagtatago ang taong takot mag-isa. And hate it.
“Masyado mo kasing inuusisa ang buhay ko.” Malamig niyang wika. “Masyado kang pakialamero.”
“I’m sorry.”
Napa palatak siya at nanggigigil na binayo ang manibela nang mahimigan ang lungkot sa boses nito. Bigla na naman kasing gumapang sa buong sistema niya ang kakaibang pakiramdam na para bang may mali siyang nagawa. At dahil lamang iyon sa simpleng sorry nito. Pero kung pag-iisipan niyang mabuti, tama nga ba na isisisi niya rito ang mga nangyari? Oo nga’t naging matanong ito. Pero hindi naman ito namilit makakuha ng sagot. Ang mga kaibigan niya ang nagkusang ibahagi rito ang lahat.
Ano ba itong nangyayari sa kanya? Kanina lang ay siguradong-sigurado siya na kasalanan nito ang lahat. Tapos ngayon, heto siya at kinukwestyon na ang sarili kung tama bang inaaway niya ito. At dahil lamang nalungkot ito at nasaktan niya?
‘God! I must be crazy!’ Hindi niya maiwasang maisambit sa sarili. ‘Bakit pagdating sa taong ito, hindi ko magawang ma-justify sa sarili ko na tama ako?’
Nakakabingi ang katahimikang namagitan sa kanilang dalawa. Hindi na ito muling nagsalita pa habang siya naman ay naguguluhan sa kanyang sarili. Everything to this person is new to him. His incorrigible guts, genuinity, and most specially his effect on him. Gusto na lamang niyang tupusin ang lahat. Habang tumatagal kasi na nakakasama niya ito, ay lalo siyang naguguluhan. Subalit may parte naman sa kanya ang gustong alamin kung bakit gano’n na lamang ang epekto nito sa kanya. Curiosity? Siguro `yon nga iyon.
Pumara ang sasakyan niya sa tapat ng bahay nito. Tulad nang una niyang paghatid dito, madilim na ang loob ng bahay. At ang tanging ilaw sa labas ay ang nagmumula sa magkabilang poste ng gate ng mga ito.
“S-Salamat. Mag-iingat ka.” Pagpapaalam nito. Wala na ang sigla at pagka kumportable sa boses nito na siyang nakasanayan niya rito. Mukhang tinamaan nga ito ng mga sinabi niya.
Akmang bababa na sana ito ng sasakyan nang maagap niya itong hawakan sa braso.
“W-Wait.” It was the first time that their bare skin made contact. At kung noong himasin nito ang likod niya para daluhan siya ay nakaramdam siya ng kuryente, ngayon naman para siyang napaso. Ang pinagkaibahan lang, masarap sa pakiramdam ang pagkapasong naramdaman niya.
Napabaling ito sa kanya na may nagtatanong na tingin.
Nagbuntong hininga siya.
“I’m sorry for being a crass. Hindi ko dapat sa’yo ibubunton ang galit ko. Ang mga kaibigan ko naman talaga ang dapat sinisisi ko dahil na sobrahan sila sa pagiging madaldal. I just don’t want to be reminded about that nasty past of mine. Nasasaktan pa rin kasi ako kapag naalala ko `yon. Hindi lang kasi ang babaeng pinaglaanan ko ng lahat ang naagaw sa akin, pati rin ang mama ko.” And again, he just found himself explaining.
“Kung bakit naman kasi nagkaroon pa ako ng mga kaibigang madadaldal. Ang akala ko pa naman ako lang ang madaldal sa amin.” Ang paninisi pa niya sa mga kaibigan. “Pasensiya kana.”
Kung bakit nagpapaliwanag siya rito at humihingi ng tawad ay hindi niya alam. Ang alam lamang niya sa mga oras na `yon, ay ayaw niya sa kaalamang nasaktan niya ito. He doesn’t deserve it. After all, ito ang taong gumawa ng paraan para matulungan siyang malaman ang ginagawang milagro ng babaeng dapat niyang pakakasalan.
“Nagtatampo ka pa rin?” Nag-aalang tanong niya nang hindi ito tumugon.
Sa tulong ng ilaw na nagmumula sa gate, ay unti-unting niyang nakitang nagliwanag ang mukha nito. At bumalik sa nakasanayan niyang sigla ang ekspresyon ng mga mata nito.
“Hindi na.” Nakangiti na nitong wika. “Nagulat lang ako na nag-sorry ka. Akala ko kasi talagang nagalit kana sa akin. Masyado na nga siguro akong nagiging mausisa na pati ang mga hindi ko dapat pinakikialaman sa buhay mo ay napapakialaman ko na. Pasensiya na rin.”
Ito `yon, eh. Ito ang rason kung bakit naiiba ito sa lahat ng mga taong nakilala niya. Kung ang ibang tao ay gagawing advantage ng mga ito ang paghingi ng tawad ng isang tao at lalong ipamukha sa’yo ang pagkakamali mo, iba ang taong ito. He will take his share para hindi mo isiping kasalanan mo ang lahat.
Sa kauna-unang pagkakataon simula ng magkakilala sila, ay nagawa niyang makapag bigay ng isang napakagandang ngiti rito. It was a smile of appreciation. Tama ang mga kaibigan niya, this person is really something.
“Apology accepted.” Ang naka plastar pa rin ang ngiti niyang tugon.
“Sa wakas. Nakita ko rin `yang ngiti mo.” Tugon nito. “Ang gandang pabaon. Siguradong maganda ang tulog ko nito.” Ngingiti-ngiti pa nitong dagdag.
Kung sa ibang pagkakataon nito sinabi `yon, baka kung anu-ano na naman ang naging reaksyon niya o baka nga nag-panic na naman siya. Pero masyadong maganda ang pakiramdam niya ngayon dahilan para mapatawa siya ng malakas.
“Hindi talaga uso sa’yo ang paligoy-ligoy. Sasabihin at sasabihin mo talaga ang gusto mong sabihin ng walang pagdadalawang isip.” Tatawa-tawa niyang sabi.
“Syempre!” Nangisi naman nitong tugon. “Oh, siya. Bababa na ako at masyado ng late. Ikaw, umuwi kana rin at magpahinga. Ingat sa pagmamaneho.”
Isa pang gusto niya sa pag-uugali nito ay hindi ito mahirap paliwanagan. Kung noong mga nakaraang araw ay kaaway ang tingin niya rito, now, he found him in a new light. Mukhang pwede nga sila nitong maging magkaibigan.
Tuluyan na nga itong bumaba ng sasakyan. Pero hindi tulad noong unang inihatid niya ito, di muna siya agad umalis. Hinintay niya muna itong pumasok sa gate.
“Oh? Bakit `di ka pa lumalarga.” Ang tanong nito sa kanya.
“Hintayin kitang makapasok.”
“`Wag na. Baka makita mo pa kung ano ang gagawin ko.” Nakangiti nitong tugon.
Napakunot-noo naman siya sa pagtataka.
“Bakit, ano ba ang gagawin mo?” He curiously asked.
“Gusto mo talagang makita? `Wag mo akong pagtawanan, ha?” Ani nito saka lumapit sa gate.
Nagulat na lang siya na imbes na buksan nito iyon ay sumampa ito sa gate. Napababa tuloy siya ng sasakyan.
“Ano’ng ginagawa mo?”
“Shhh! `Wag kang maingay.” Ani nito. “Ito ang tinatawag kong ninja moves. Alas-nuebe pa lang kasi, naka-kandado na ang gate namin at na kay mama ang susi. Ibig sabihin, bawal ng lumabas.” Nakangisi nitong tugon.
“Tumakas ka lang?” Naibulalas niya.
Tumalon muna ito sa kabilang banda. Ngayon ay nasa loob na ito.
“Medyo.” Nakangisi’t halos pabulong nitong tugon. “Siya, mag-iingat ka sa pagmamaneho. Salamat ulit sa napakagandang gabi.”
Nakahiga na si Brian sa kanyang kama pero hindi pa rin mawala-wala ang nakaguhit na ngiti sa kanyang mukha. He’s still amazed about Eros. Kung papaano nito hindi gawing komplikado ang mga bagay-bagay. Ang nakakahawang kagiliwan nito at ang pagsampa nito sa gate kanina.
Napapantastikuhan talaga siya rito. Habang tumatagal niya itong nakikilaala, marami siyang mga interesenting bagay na nalalaman patungkol dito. Oo, hindi pa rin niya maipaliwanag ang kakaibang epekto nito sa kanya pero malakas ang pakiramdam niya na malalaman niya iyon kapag dumikit pa siya dito. Mukhang kahit papaano, may maganda naman pa lang naidulot ang kabaliwang naisip ng kanyang mga kaibigan.
Tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang bedside table. Inabot niya iyon at binasa ang mensahe para lamang lalo pa siyang mapangiti.
‘Nahuli aq ni mama. Katakot-takot na sermon ang inabot ko kaya hindi aq nakapag text agad. Hope safe kng nakauwi. Mornyt.’
Agad niya itong reneplayan.
‘Palpak naman pala ang ninja moves mo. Akala ko ba below eighteen lng ang may curfew? Buti hindi ka napalo ng mama mo?’
Ilang saglit lang ay nag-reply ulit ito.
‘Wow!Nag-reply ka! Hindi pa sila sanay na mga pagbabago q. At hindi namamalo ang mama q. Takot `yon ma-bantay bata. Hehe”
‘Bantay bata talaga? Sabagay, mukha ka ngang bata.’ Hindi ang ugali nito ang tinutukoy niya kung hindi ang hitsura nito. Para sa kanya kasi, hindi bagay ang edad nitong twenty-eight sa mukha nito. Mukha lang kasi itong nasa twentytwo.
‘Compliment ba `yon?’ Replay nito.
Sa tanong nitong iyon ay biglang pumasok sa kanyang isipan ang inosenteng imahe nito kapag nagtatanong. Sa muling pagkakataon ay napangiti siya.
‘That’s for you to find out.’
‘Ang daya mo naman! Oh, siya sige, matulog na tayo habang hindi pa nawawala sa isipan ko ang ngiti mo kanina.Mornyt Brian.’
‘Hahaha! Sige, mornyt.’
Nangingiti niyang ibinalik ang cellphone sa kanyang bedside table. Ayaw na niyang masyadong mag-isip sa nangyayari sa kanya. Sapagkat mas nangingibabaw ang napagandang pakiramdam na hatid ng taong ginugulo ang kanyang sistema.
Hindi rin naman siguro siya nakikipag-flirt dito. Ang kaibiganin ito ay ang misyon niya mula sa mga kaibigan. At sa tingin niya, iyon ang ginagawa niya ngayon at mukhang hindi siya mahihirapan.
Normal na para kay Brian ang late na gumising kapag ganitong weekend. Sa mga araw kasing ito siya bumabawi ng pahinga. Sa `di malamang dahilan, agad na hinanap ng kanyang kamay ang kanyang cellphone.
“Mukhang tulog pa si Spiderman.” Nakangiting naiwika niya ng walang makitang mensahe galing kay Eros. Weird pero ito ang unang pumasok sa isip niya sa araw na `yon. At mukhang inaasahan pa niya itong mag-text sa kanya.
Nagpasya siyang bumangon at dumeretso sa banyo para maligo. Iyon na ang nakasanayan niya sa araw-araw. Pagkatapos ay saka lamang siya lumabas ng k’warto para naman tunguhin ang kusina. Medyo nagsisimula ng mag welga ang mga alaga niya sa tiyan. Doon niya nakita si manang Delia.
“Ano ho ba ang niluto niyo para sa tanghalian manang?”
“Mabuti naman at gising kana. Ipinagluto kita ng sinigang na baboy.” Ani nito.
“Tamang tama!” Bigla naman niyang natakam na sabi sabay puwesto sa hapag. “Matikman nga kung kasing sarap `yan ng dati mong gawa.” Nakangiti pa niyang dagdag.
“Mukhang hindi mo kailangan ngayon ng aspirin, ah.” Puna nito habang ipinaghahanda siya. “Marami na nga pala’ng tumawag sa’yo. Isa na doon ang mama mo.”
Nabura ang ngiti sa mukha niya. Parang alam na niya kung ano na naman ang itinawag ng kanyang ina. Nasisiguro niyang hindi iyon para kamustahin ang araw niya. Naisumbong na siguro ni Xander dito na ipina-o-audit niya ito.
“Sinu-sino pa ang tumawag manang?” Wala siyang balak kausapin o tawagan ang kanyang ina. Wala siya sa mood ngayon makipagtalo rito.
“Ilan sa kanila ay ang mga kaibigan mo at si Miss Melba.”
Alam na rin niya kung ano ang kailangan ng kanyang mga kaibigan. Nakikiusyuso na naman siguro ang mga ito. Wala talagang magawa ang mga ito sa buhay.
“Ano ang sabi ni Melba?” Sa halip ay naitanong niya rito. Si Melba ang head ng auditing team na kinuha niya para i-audit si Xander. Bihira nitong disturbohin siya kapag ganitong araw ng kanyang pahinga.
“Pinapasabi lamang niya na malapit na raw silang matapos. At baka sa Lunes, ay maisumete na niya ang report na pinapagawa mo. Ibinilin niya rin na sabihin sa’yong katakot-takot raw na pagbabanta ang natanggap niya sa Tito Leo mo at kay Xander. Kaya dapat lang daw na malaki ang maging bonus niya.”
Napangiwi siya. Inaasahan na niyang hindi basta-basta tatanggapin ng tinamaan ng magaling na mag-amang `yon ang ginawa niya. Mabuti na lamang at si Melba ang tipo ng taong hindi madaling masindak. Mula rin ito sa kaparehong paaralan na pinagtapusan nila nina Dave. Naging magkaklase sila nito sa marketing. Ang masama lang, ay hindi boss ang tingin nito sa kanya kung hindi isang babaerong kaklase.
“Iyon lang ba ang sabi niya manang?” Alam niyang meron pa.
Napailing si manang Delia.
“Oras daw na hindi mo siya inilibre at tinaasan ng bonus, sisiguradohin daw niyang tuluyan niyang puputulin iyang ipinagmamalaki mo.”
Naubo siya. Sinasabi na nga ba’t hindi nito palalampasin ang pagkakataon na pagbantaan siya. Isa itong tigress pagdating sa kanya. Kinasusuklaman nito ng husto ang reputasyon nila ni Dave pero hanggang doon lamang `yon. Hanggat hindi raw niya ito isinasali sa mga koleksyon niya ng babae, ay magiging civil ito sa kanya.
“Sisiguradohin kong hindi ko makakalimutan ang bilin niya. Hindi pa naman `yon nangingiming tutuhanin ang mga banta niya.” Napapailing na lamang niyang sabi.
Bumalik sa k’warto si Brian matapos mananghalian. Wala sana siyang planong lumabas ng araw na `yon pero hindi naman niya maiwasang makaramdam ng boredom. Naisip niyang puntahan ang kanyang mga kaibigan pero sa huli, nagdesisyon siyang huwag na munang magpakita sa mga ito. Hindi pa siya handa para sa pangalawang round ng panunukso ng mga ito.
Pabaling-baling siya sa kanyang kama. Hindi alam kung ano ba ang kanyang gagawin. Sinubukan niyang matulog ulit pero hindi naman niya magawa. Inabot niya muli ang kanyang cellphone para tingnan ang messages niya. Pulos mga text galing sa kanyang mga kaibigan lamang ang mga bagong laman niyon na hindi niya na pinag-aksayahang basahin.
“Pambihira! Hindi pa ba gising ang isang `yon?” Naibulalas niya at inihagis ang kanyang cellphone sa kung saang parte ng kanyang kama. “Ang takaw naman niyang matulog!” Himutok pa niya.
Hindi niya alam kung bakit bigla niyang hinahanap-hanap ngayon ang taong `yon. Basta gusto niya itong makausap. Nakakatawa. Kaninang madaling araw lang sila nito medyo nagkasundo pero kung umasta siya ngayon, para bang sobrang close na nila.
Bigla niyang naalala ang pustahan nila ng kanyang mga kaibigan at kung ano ang patutunayan niya sa mga ito.
‘Nakakabahala ang kakaibang epekto niya sa akin. Pero kapag kausap ko naman siya at nakikita ko ang mga ngiti niya, gumagaan ang pakiramdam ko. But I’m sure he’s not my type. Malabong mangyari `yon.’ Pangungumbinsi niya sa kanyang sarili.
Nungka siyang magkakagusto sa kapwa niya lalake. Magugunaw muna ang buong mundo bago mangyari `yon. At hanggat `yon ang pinaniniwalaan niya, wala siyang dapat ikatakot sa paglalapit nila ng taong `yon. Malalampasan niya ang kalokohan ng kanyang mga kaibigan.
Tumunog ang kanyang cellphone dahilan para mapabalikwas siya ng higa. Nagkukumahog niya itong hinanap. Nang matagpuan niya ito sa ilalim ng kanyang kumot ay agad niyang tiningnan kung kanino galing ang bagong mensaheng iyon. Bigla-bigla na lamang nagrigodon ang puso niya nang makita ang pangalan ng taong kanina pa niya inaabangan.
“Eros!” Ang wala sa sarili niyang naibulalas ang pangalan nito.
Itutuloy: