Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Maraming salamat sa pag-intindi niyo at syempre sa paghihintay niyo sa Chapter na ito. Balik na ulit sa normal ang posting ng k’wentong ito. Kaya smile na kayo mga repapipz.
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi pa gaanong nagko-connect sa title nito ang k’wento ay iyon ay dahil nasa development stage pa lang tayo. Pero chill lang kayo dahil sa mga susunod na chapters, malalaman niyo na kung bakit ito ang 9 Mornings Book 2 ko. Hihihi
Enjoy reading guys! Sana, huwag niyong kasawaan ang k’wentong ito!!!!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“Those are the results sa ginawa naming pag-audit kay Xander. Hindi na ako nagulat sa kinalabasan niyan. Since birth, wala talaga akong tiwala diyan sa pinsan mo. But are you sure that you’re going to present that to the board members? Malaking gulo at eskandalo ito kapag nagkataon. Ilalagay mo sa alanganin hindi lang si Xander kung hindi pati na rin ang tatay niya.”
“`Yon naman talaga ang gusto ko.” Tugon naman niya sa kausap na si Melba. Ang head ng team na kinuha niya para i-audit ang walang hiya niyang pinsan.
Napailing ito.
“Ang akala ko, simpleng babaero ka lang na walang ibang alam kung hindi ang ipagyabang sa buong mundo ang kakisigan mo. Hindi ko alam na may itinatago ka rin pa lang kasamaan.”
“That’s the reason kaya walang nagkakamaling kantiin kami noong college. Dahil sa kabila ng kabaitan at pagiging kalog namin, ay masama rin kaming kaaway.” Ngingisi-ngisi naman niyang tugon.
“Talagang pinanindigan mo ng idolohin ang kayabangan ni Renzell Dave, `no?” Komento nito. “Sabagay, may ipagyayabang naman talaga kayo.”
“Ikaw lang ang nayayabangan sa amin. Tsaka, bakit ba ang laki ng galit mo sa aming dalawa ni Dave? Ano ba ang kasalanan namin sa’yo?”
“Iyang pagiging mga babaero niyo.” Agad nitong tugon.
“C’mon Melba, kasalanan ba namin kung biniyayaan kami ng magandang mukha na dahilan para pagkagulohan kami ng mga kababaehan? Besides, that was before. Pareho na kaming nagbago ni Dave.”
“Si Renzell Dave lang ang nagbago, Boromeo.” Kontra naman nito. “Tsaka pwede bang tigil-tigilan mo ako sa kahanginan mo. Hibang lang ang mga babaeng nagpauto sa’yo.”
“Brian, Melba.” Pagtatama niya.
“Whatever! Ubusin na natin itong mga pagkain at baka may makakita pa sa atin dito na kalaguyo mo’t isiping may relasyon tayo. Wala akong balak ma-eskandalo at lalong wala akong balak mapagkamalang girlfriend mo.”
“Let me remind you na ikaw itong nag-request na ilibre kita kaya wala ka sa lugar na ikahiya ako.” Ngingiti-ngiti niyang sabi. Medyo nasanay na siya sa pagiging tigress nito at mga patama nito sa kanyang ego.
“You owe me a lot so don’t expect me to say thank you. Hindi biro ang pinagdaanan ko sa pinsan mo’t ama niya.”
“You have all the right na tanggihan ang pinagawa ko sa’yo. Why did you agree? Hindi mo naman pwedeng sabihin na dahil boss mo ako since alam ko naman na you don’t consider me as one.” He casually asked.
Tumigil ito sa pag nguya saka iniabot ang juice para inumin iyon sabay kibit balikat.
“Dahil hindi ko nagustohan ang ginawa sa’yo ng pinsan mo.”
Natural nagulat siya dahilan para mabitwan niya ang hawak na kutsara. Hindi niya inaasahan na may alam ito patungkol sa atraso sa kanya ng walang hiya niyang pinsan. Ang alam niya, walang ni isa sa kanyang mga taohan ang nakakalam niyon.
“Don’t act surprised Boromeo. Hindi mo maitatago sa lahat ng empleyado mo ang totoo. Baka nakakalimutan mong nasa iisang lugar lang tayo. Same goes to your ex-fiancé and Xander.” Wika pa nito.
“K-Kailan mo nalaman ang tungkol sa bagay na `yon? At sinu-sino pa sa kompanya ang nakakalam ng nangyari?”
“Don’t worry, kami lang sa team ko. Two months after mong umatras sa kasal, one of my team happens to saw Cassandra and Xander sa isang private resort. Then we came to a conclusion na iyon ang dahilan ng biglaan mong pag-atras. It makes sense. Ikaw ang tipo ng taong mas pipiliin pang lumabas na masama kesa aminin sa buong mundo na ang babaeng pinagbalakan mong pakasalan ay kinaliwa ka at sa pinsan mo pa. It’s bad for your ego after all.”
Hindi siya nakapagsalita dahil wala siyang makapang sasabihin? Kung may tunay man na nakakakilala sa kanya sa buong kompanya ay ito iyon. Dahil college pa lamang sila ay nakilatis na siya nito.
“Huwag mong isipin na ikinatutuwa ko ang nangyari sa’yo.” Muling sabi nito saka sumubo ulit ng pagkain. “I may not like you for being a womanizer, pero mas hindi ko gusto ang mga taong mang aagaw at mga babaeng sobrang mag-ambisyon kaya kita tinulungan.”
Sa puntong iyon ay napangiti na siya. Aminado siyang hindi niya inaasahan ang mga sinabi nito dahil ang totoo, inisip talaga niya na isisisi pa nito sa kanya ang nangyari at sasabihing karma na iyon sa kanya.
“Thanks, Melba.” Nakangiti niyang sabi. “Kapag naisip mo ulit na magpalibre sa akin, sabihin mo lang. Kahit isama mo pa ang buong team mo pati pamilya mo.”
“Ang yabang mo talaga.” Tugon naman nito sabay irap na kanya lamang tinawanan.
Nagpatuloy ang launch nilang iyon habang nag-uusap ng kung anu-ano. Ikinatutuwa niya na sa `di malamang dahilan ay medyo naging malapit na rin sa kanya si Melba. Noon kasi ay pulos tungkol sa trabaho lamang ang laman ng kanilang usapan sa tuwing magkakaroon sila ng ganitong pagkakataon. Palagi kasing nakataas ang depensa nito sa kanya kaya sa tuwing susubukan niyang makipaglapit dito ay agad siya nitong sinusungitan.
Nasa kasagsagan sila ng kanilang masayang tanghalian nang tumunog ang cellphone niya. Nagmamadali niya iyong kinuha mula sa kanyang bulsa at agad na sumilay ang ngiti sa kanyang mukha nang makita ang pangalan ng taong nagpadala ng mensahe.
“Pati ba naman tanghalian hindi mo panapalampas?” Agad na pansin sa kanya ni Melba nang makita nitong ngingiti-ngiti siya.
“Huh? Anong pinagsasabi mo?” Ang naguluhan naman niyang tugon saka muling ibinalik sa kanyang bulsa ang cellphone.
“Tirik na tirik pa ang araw pero mukhang may kalampungan kana.” Bakas ang panunukso sa boses nito.
“Kalampungan? It was just my friend.”
“Friend? Eh, bakit iba ang nakikita ko sa mga mata mo?”
Natawa siya. Talaga nga `atang normal na lamang sa mga babae ang pagiging mausisa at malisyosa.
“Bakit, ano ba ang nakikita mo sa mga mata ko?” Pagsakay naman niya.
“That whoever that person is hindi lang isang kaibigan ang nararamdaman mo sa kanya. Dahil hindi aabot hanggang sa mga mata mo iyang ngiti mo kung isa lamang siyang kaibigan sa’yo.”
Napahalakhak siya sa tinuran nito hindi makapaniwala sa narinig. Mukhang hindi lamang pala ekslusibo sa kanyang mga kaibigan ang gano’ng kahibangan.
“He’s not a she Melba. Lalake ang nagtext sa akin at kaibigan ko lang siya. Kaya imposible iyang sinasabi mo. Pambihira! Mukhang hindi maganda sa katawan mo ang napaparami ng kain. Hindi ka lang bumait sa akin ngayon, kung anu-ano pang kalokohan ang naisip mo.”
“Whatever you say, Boromeo.”
Nakabalik na si Brian sa kanyang opisina at kahit anong pigil niya sa kanyang isip na huwag bigyan ng pansin ang sinabi kanina sa kanya ni Melba ay hindi niya magawa. Aaminin niyang hindi man niya ipinahalata kanina dito, ay na-bothered siya sa sinabi nito.
Ano na nga ba ang nangyayari? Ilang araw na silang palaging magkasama ni Eros at sa mga araw na iyon ay ramdam rin niya na unti-unti ay may nagbabago sa kanya. At isa na doon ay ang pananabik niya sa mga text nito tulad na lamang kanina. Hindi pa iyon nangyayari sa kanya sa mga dati niyang nakarelasyon o maski sa kanyang mga kaibigan. Pero imbes na ikatakot niya ang mga pagbabagong nangyayari, ay kabaliktaran naman ang nagiging reaksyon niya.
Muli niyang kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa at sa pangalawang pagkakataon ay binasa niya ang mensahe ni Eros.
‘Lunch time! Pakabusog ka para lalo ka pang maging pogi.’
Again, it gives him the same reaction. Muli na naman siyang napangiti pagkabasa niya ulit ng mensahe nito imbes na mailang. Katulad iyon noong marinig niya ang sagot nito nang itinanong niya rito kung ano ang nagustohan nito sa kanya.
“Ibig bang sabihin posible talaga ang sinasabi nila? Na may parte talaga sa akin ang tumatanggap sa ideyang gusto niya ako?” Hindi niya naiwasang maitanong.
Wala sa sarili niyang napindot ang reply button at ang sumunod na nangyari ay nagtitipa na siya ng text rito.
‘Katatapos ko lang mag-lunch. How about you?’
Pagka-send niya niyon ay napabuntong hininga siya. Mahirap mang aminin pero mas nangingibabaw sa kanya ang magandang pakiramdam na hatid ng taong gumugulo sa kanyang sistema sa tuwing makakausap niya ito o magpapalitan sila ng text. Tinatalo niyon ang mga pagdadalawang isip niya at mga agam-agam na nabubuo sa kanyang isipan.
Hindi nagtagal ay nag-reply ito.
‘Tapos na rin. Nakapaghugas na nga ako ng mga pinggan, eh.’
Agad siyang nag-reply.
‘Marunong pa lang maghugas ng pinggan si Spiderman. Ilang baso’t plato naman ang nabasag mo?’ Gano’n sila kung magpalitan ng text.,walang ka-sense-sense pero ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng boredom.
Inaasahan niyang magre-reply agad ito tulad ng palaging nangyayari pero limang minuto na ang nakalipas ay wala pa siyang natatanggap na reply.
“Ano kaya ang nangyari doon?” Naitanong niya sa sarili.
Ipinatong na lamang niya ang kanyang cellphone sa mesa at inabala ang sarili sa kaninang naiwang mga proposals. Subalit hindi na niya nagawa pang makapag-focus. Panay ang tingin niya sa kanyang cellphone para i-check kung may signal ba iyon o may reply na galing dito.
“Pambihira!” Kapag kuwan ay wika niya saka dinampot ang kanyang cellphone. Tatawagan niya ito.
Unang inasahan niya ay maririnig niya ang voice operator na nagsasabing cannot be reach ang tinatawagan niya pero biglang umapaw ang inis niya nang mag-ring ang cellphone nito.
“Aba’t talagang hindi lang niya ako rin-e-play-an, ha?” Nagngingit-ngit niyang naisambit.
Nakakatatlong ring na siya nang mag-connect iyon.
“Oh, napatawag ka?” Bakas ang pagkagiliw nitong wika sa kabilang linya.
“Bakit bigla ka na lang hindi nagreply?” May bahid naman ng inis niyang sabi. “May ginagawa ka ba? Hindi ka naman empty, ah.”
Nagulat siya sa kanyang sarili. Bakit gano’n na lang siya kung makapag-react? Kailan pa naging obligasyon nito ang reply-an ang bawat text niya? At bakit bigla na lamang `ata siyang naging demanding dito?
“Sorry naman. Nawalan kasi ako ng load. Heto nga’t minadali ko ang paliligo para makapagpa-load na ako.” Hindi niya alam kung tama ba ang nabosesan niya rito. Tila kasi parang ikinatuwa pa nito na nainis siya sa hindi pag-reply nito.
“Gano’n ba?” Biglang pagkalma niyang sabi. Isa ito sa mga epekto nito sa kanya. Kapag ito na ang nagpapaliwanag ay agad na napapalis ang inis niya. “Akala ko ayaw mo lang talagang mag-reply.”
He heard him chuckled.
“Sows! Pwede ba `yon? Oh, sige na. Magpapa-load na ako. Ihanda mo na ang sarili mo dahil uulanin kita mamaya ng text.”
“Sandali.” Maagap niyang wika. “May gagawin kaba mamaya?”
“Hulaan ko. Yayain mo na naman akong magkape, `no?” Naroon sa boses nito ang pinaghalong tuwa at panunudyo.
“Nope. Gusto kong samahan mo ako mag-dinner.” Nangingiti naman niyang tugon.
“Dinnner? Parang dinner date?”
Napahalakhak siya. Wala talagang pinipiling oras ang kaligaligan nito.
“Call it whatever you want.”
“Wow! Bago `yan, ah. Teka, kailangan ko na rin bang isuli `yong damit na pinahiram mo?”
“Ang tanong, gusto mo pa bang isuli `yon sa akin?” Nangingiting balik tanong naman niya rito.
“Hindi na.” Ang natatawa naman nitong tugon.
Sinasabi na nga ba niyang iyon ang magiging sagot nito, eh. Dahil ito ang tipo ng taong hindi mahilig sa pagkukunwari and that’s what amuse him most.
“Iyon naman pala, eh. So, paano? I will see you later?”
“Sure! Kailan pa ako umatras sa kainan?”
Hindi pa rin matanggal-tangal ang nakaguhit na ngiti sa mukha ni Brian kahit kanina pa niya naibaba ang tawag. Gano’n palagi ang nangyayari sa kanya sa tuwing matatapos niyang makausap ang taong iyon; sa telepono man, sa text o kahit sa personal. Walang mintis nitong napapagaan ang kanyang pakiramdam.
“Sir, excuse me.” Pukaw sa kanya ng kanyang sekretarya na nakadungaw sa pinto. “Nasa labas, ho si sir Leo, at ipinatatanong kung pwede daw ho ba kayong makausap.”
Agad na napawi ang kanyang ngiti nang marinig ang pangalan ng kanyang Tiyuhin. Kung minamalas ka nga naman. Mukhang muling masisira ang mood niya sa araw na iyon. Pero bakit kailangan pa nitong dumaan sa kanyang sekretarya? Eh, pwede naman itong basta na lang na pumasok tulad ng laging ginagawa nito pag gusto nitong makipagtalo sa kanya.
“Send him in, Enes.” Wika niya kahit medyo nagtaka siya.
Ilang saglit lang ay pumasok na nga sa kanyang silid ang kanyang Tiyuhin. But what really surprise him, eh, nang batiin siya nito ng isang magandang ngiti na lalo niyang ikinataka.
“I’m sorry to bother you, hijo. But I really need to talk to you.”
Nangunot ang kanyang noo. Kailan pa ito natutong humingi ng paumanhin sa kanya? Saan na napunta ang kaangasan nito na minana ng kanyang walang hiyang pinsan.
“Hindi yata ako sanay na dumadaan kapa sa sekretarya ko para lang kausapin ako. Gano’n ba ka importante ang pag-uusapan natin na kailangan mo pang magkunwaring inirerespeto mo ang posisyon ko?”
“Huwag ka namang ganyan, hijo.” Ani nito. “Kahit saang angulo mo tingnan, pamangkin pa rin kita at tiyuhin mo pa rin ako.”
“Wow! May ganyan kapa pa lang paniniwala?” Patuya niyang sabi. “Sana inisip mo rin iyan bago ka harap-harapang magpetisyon laban sa akin sa ibang board members.”
“I was just doing my job as one of the board. Don’t take it personal.” Depensa naman nito.
“Ano ang kailangan mo sa akin?” Deretsahan na niyang tanong. Hindi na niya matagalan ang ka-plastikan nito.
Iniabot nito ang hawak nitong folder sa kanya. Sa loob niyon ay naroon ang resulta ng auditing team na kinuha niya.
“Natanggap niyo na pala ang maagang regalo ko sa anak mo.”
“Narito ako para humingi sa’yo ng pabor, Brian. Bilang tiyuhin mo’t asawa ng kapatid ng mama mo. Huwag mo na itong paabutin pa sa board members. Malaking kahihiyan ito hindi lamang sa akin at kay Xander. Pati ang kompanya ay malalagay ulit sa eskandalo.”
“Mga eskandalo na parehong kagagawan ng anak mo.” May diin niyang wika.
“Personal ang problema niyo ng anak ko, Brian. Hindi mo dapat isinasali ang kompanyang ito na pinaghirapan ng Tita mo at mga magulang mong itayo.” Tuluyan ng nabura ang pagbabait-baitan nito.
“Hindi ba dapat kay Xander mo sinasabi ang mga `yan? Dahil kung hindi dahil sa mga kabulastugan niya, wala sanang eskandalong haharapin ang kompanyang ito at hindi sana madadamay ang pangalan mo. Sorry pero hindi ko mapagbibigyan ang pabor na hinihingi mo.”
“Talaga bang wala kanang natitirang amor man lang sa pamilya natin? Ipapahiya mo ako at ang pinsan mo sa kompanyang ito para ano? Para makaganti?” Ang mataas ng boses na wika nito.
“Nang inagawan ba ako ng anak mo ng pakakasalan, nagkaroon ka ba ng ni katiting na amor sa akin? Ni hindi mo nga nagawang lapitan ako para humingi man lang ng tawad sa kawalang hiyaan niya. Tapos ngayon, sasabihin mo sa akin na magkaroon ako ng amor sa inyo? Huwag kang magpatawa. Pareho nating alam na kaya ka narito ngayon ay hindi para sa pamilya natin at sa kompanyang ito. Narito ka dahil alam mong madadamay ka oras na mag-conduct ng throughout investigation ang board. Sapagkat kapag nangyari `yon at mapatunayan nilang pinagnanakawan ng anak mo ang kompanya, pati pangalan mo ay madadamay at tuluyan ka ng mawawalan ng tsansang maagaw pa ito sa akin.” Mahaba niyang sabi.
“Wala ka talagang respeto!” Dumagundong sa buong silid ang boses nito.
“Respeto? Saan nabibili `yan?” Patuya niyang sabi. “Para naman mabilhan ko kayong pareho ng anak mo.”
“Tandaan mo ito, Brian. Hindi ikaw ang taong magpapabagsak sa akin sa kompanyang ito. At lalong hindi ikaw ang sisira sa mga pinaghirapan ko!” Nagbabanta nitong sabi.
“Mag-ama nga kayo ni Xander. Pareho kayong mahilig magbanta.” Nakangisi niyang tugon.
Nagpupuyos sa galit siya nitong punukol ng masamang tingin bago ito humakbang palabas ng kanyang opisina. Napabuntong hininga na lamang siya nang tuluyan na itong mawala. Sa wakas, nagawa na rin niyang mailabas rito ang totoo niyang nararamdaman. Ang mga galit na naipon sa kanyang puso dahil sa mga kagagawan ng mga ito.
Oo aaminin niyang hindi niya masasabing tama ang ginawa niya pero hindi rin naman niya kayang kumbinsihin ang sarili na mali siya. Ibinalik lamang niya ang kasamaan ng mga ito.
Alas-singko-y-medya pa lamang pero madilim na ng lumabas si Brian sa building para umuwi. Isa sa mga pagbabagong nagaganap sa tuwing papalapit na ang pasko. Ang usapan nila ni Eros ay alas-sais-y-medya niya ito susunduin. Balak niya sanang sa opisina na lamang magpalipas ng oras pero heto’t hindi na siya makapaghintay.
Nang makapasok sa kanyang sasakyan ay agad naman niyang kinuha ang cellphone para tumawag sa bahay.
“Manang, si Brian `to. Nakapagluto na ho ba kayo?”
“Ikaw pala. Nailuto ko na ang ibang putahe at malapit na rin akong matapos magprito ng manok. Bakit, parating na ba kayo?”
“Papunta na ako ngayon para sunduin siya. Siguro after thirty minutes, nariyan na kami. Sapat na ba iyon para makapaghanda kayo?” Tugon naman niya.
“Oo naman.”
“Good. Paki damihan na rin ho ang gravy at ginagawang juice iyon ng bisita ko.” Nang dalhin niya si Eros sa pizza house ay doon niya napansin ang kakaibang pagkahilig nito sa gravy. Nakailang hingi ito sa waiter dahil hindi lamang nito iyon ginagawang sabaw sa kanin, ginawa rin nito iyong soft drink.
“Sige sige. Bata ka, halos minadali ko lang lutuin itong mga ipinahanda mo. Bakit kasi huli mo ng sinabi na may bisita ka pa lang inanyayahang maghapunan.” Wika nito sa kabilang linya.
“Kanina ko lang din kasi naisipang anyayahan siya.” Ngingiti-ngiti naman niyang tugon. “Don’t worry, nasisiguro kong magugustohan niyon ang mga luto mo manang. Kaya nga sa bahay ko siya dadalhin at hindi sa restaurant, eh.”
”Sino ba itong bisita mo? Bagong nililigawan mo?”
“Kailan ba ako nagdala ng liniligawan ko diyan sa bahay? Kaibigan ko lang `yon. Tsaka minsan mo na siyang nakita. Siya `yong dating isinama nina Dave diyan.”
“Iyon ba `yong may pagka-inosente ang dating?”
Napangiti siya. Mukhang hindi lamang sila ng kanyang mga kaibigan ang may gano’ng description kay Eros.
“Siya nga ho. Sige na manang balikan niyo na ang linuluto niyo’t baka masunugan pa kayo.” Iyon lang at pinutol na niya ang linya.
Tulad ng kanyang inaasahan, ikinagulat ni Eros nang tawagan niya ito’t sabihin na nasa labas na siya ng bahay ng mga ito. Paano ba naman, napaaga ang dating niya. Halata ring katatapos lamang nitong maligo nang lumabas ito para salubungin siya.
“Akala ko ba six thirty pa ang usapan natin? Mag-aala-sais pa lang, ah.” Ang wika nito nang dumungaw ito sa bintana ng kanyang sasakyan.
“Wala na akong ginagawa sa opisina, eh.” Nakangiti naman niyang tugon.
Nagtaka siya ng bigla itong natigilan habang nakatutok ang tingin sa kanya.
“M-May problema ba?”
Mas lalo siyang nagtaka nang parang wala sa sarili itong umiling.
“Hoy! Anong nangyari sa’yo?”
“Grabe. Mas guwapo ka pala kapag naka-business suit ka.”
Pambihira! Ang kanyang naibulalas sa kanyang isipan. Akala pa man din niya ay kung ano na ang nangyari dito.
“Akala ko naman kong ano na. Sumakay ka na nga! Mukhang hindi ka na naman `ata nakainum ng gamot mo.” Sa halip ay napapailing na lamang niyang naisambit.
Bumubungisngis itong pumasok sa kanyang sasakyan.
Itutuloy:
59 comments:
Nice!prelude na to sa metamorphosis ni brian.nakakasabik!
Hhahahahahahaa kilig. Its nice to know that ur back na boss zildjian. Hehehe.
Everyday ko kc check kung me update na. Haha.
Sweetnesssssss. ^^,
-pancookie
Finally! My long wait is so over! I so miss mu favorite author! Hehehe
Basa mode - Ivan D.
Huehue! Nice chapter! :)
Marlon
Parang mhiwaga tlga c eros.. Npakalow profile pero sabi nga ni Z.. Mlalaman.natin yan s darating n.panhaon
wow.. love it.. done na mag read.. saya nman...
-- jhay pin
i got a feeling na aagawin din ni insan si spoderman...... gulo to gulo....hahaha....
level up na talaga ang kilig at lalo akong na a-amazed kay Eros. Thanks dito kuya Zeke :)
Thanks for the update kuya zekie :)
wooohhh..ang ganda talaga ng story..kilig much na...
Ohh yeah. hahaha
may update na.. Oras oras akong ng'checheck ng update e,ehe.. Xcited sa nxt chapter.. Thanks sa update zild..
_Lee
Hahaha napaka straight forward talaga ni eros. Im glad that sir z has finally come back! Inabangan ko talaga ang next post mo mr author, thank you ulet sa pagsusulat muahhh
MicG
Simbang gabi ata to hehehehe 9 mornings eh!
Nice, nice.. really nice... I waited so long for this chapter... I thoroughly enjoyed this chapter.. Welcome back Zeke...
Love is a DECISION.
It's a reflection of how we honor the one we love by the things we give up just to have that one special person to live inside our hearts and never let him/her go.
May gusto ba si Melba kay Brian or talagang mabait at pranka lang sya kay Brian? :) Ih, excited na ako sa mangyayari sa board meeting and of course sa date ni Brian at Eros. haha ;) xoxo
hahaha... grabe si Boromeo. Inlababu na nga!!!! Padate date pa.
Natatakot lang ako sa gagawin ng mag-amang Leo at Xander.
Naku po baka pati si Eros ay aagawin ni Xander kay Brian... patay na talaga.
Huramintado na si Brian niyan.
Zeke, grabe ka rin. palaging puno ng excitement itong kwentong ito. Palaging kapanapanabik ang susunod na kabanata.
Looking forward to it na naman. hahaha.
Congrats! Kumusta ka nga pala?
Aw..... Building stage pa nga lng siya.... Ano kaya gagawin ni Eros pag may nangyaring masama kay Brian dahil sa Audit report na iyan? hahaha
Yessss!!!! Hehe natutuwa ako para kay Brian at Eros... development stage narin sila hehehe. Pareho kami ni Eros na hinagawang soft drink ang gravy... haha grabe ang tawa ko dun! Nice one Zekey!!! :-) after all... :)
Pat
bitin hahaha!excited na ako sa dinner date!
Kuya Idol Sulit ang Pag hihintay! hehehe! :D ang Cute ng Love story ni nila! :D si Eros Inosente sa mga bagay bagay si Brian naman Sobrang Maligalig at may pag ka sira ang ulo! Ang Cute talaga ng tandem kuya idol! Great job kuya idol! :D next chapter please! hehehehe! :D
sana may posting uli bukas haha!
Nice Z! Muntanga lang mga expression ni Eros. :)
Hahahaha kasweet haha ang cool talaga nila isipin haist, prang laging naka enervon si eros. LOL at ang tito naman nia haist kawawang mga tuta hirap ng ganyan kamag anak muna pero ubod ng ewan kung sabagay marami naman ganyan pamilya muna inaahas kapa. Kawawa talaga mga ganyan pero mukhang masayang talaga si brian ganda talaga ng samahan nila haha nakakatuwa. Love it love it thanks ulit. As expected walang katulad. :-) :-) :-)
First!
Ayii! Hindi lang naka reply nainis na ka agad? Mukhang kakainin na ni Borromeo ung mga salita niya na hindi siya magkakagusto kay Eros. LOL Great job (as always naman kasi :))
Neb
Yun oh! My pa dinner-dinner date pang nalalaman ung dalawa. Haha
demanding ka boromeo ah! Dapt ung gusto mo laging irereport sau kung ano yung gagawin every single moment. Haha tapos ayaw mopang umamin? Haha
~Jayvin
SUPER LIKE!
-silent reader
And your back... Hehe... Natutuwa ako sa palitan ng lines... Bravo mr. Author...
Cute lng ng dating lagi ni Eros! Aliw na aliw nman si Bryan! What a feeling?
Wooh... Next update please... natatawa ako sa kainosentehan ni eros... hahhahahahah.... konti na lang talaga mamahalin na din siya ni bryan.. kasweet eh
-JR
Ayos lang naman ako Jasper. Kaw ba musta?
Hehehe...inusenteng inusente a..
super parin sa kayabangan ng T2 niya, huh, dpat lng na malaman ng board ang kalokohan na ginawa ng pinsan nya sa company. . . ha ha ha . nadedevelop na din unexpectedly c brian kay eros! hmmmmm!
Ganda..nawawala lagi boredom ko pag nagbabasa ako ng mga akda mo Zek.. hehehe
Ayos sa update!!! Ang galing2 thanks po!!!
Kinikilig ako shet! Ahaha nakkarelate ako sa pangiti ngiti! Ahahaha :) great chapter. Looking forward for the next one :)
Ivan D.
Hmmm! Ano kayang struggle sa relationship nila? Un lagi gustong part ko eh. Ahahaha :D
Xrtian'
Ito ung feeling na pinansin kana din ng crush mo...ayieee
Kala ko sa pag-ihi ka lng manginginig pati din pala sa episode na ito...hahaha
yeth!!may update na!^^
natawa nmn aq dun sa gravy issue ni eros!haha..mahilig dn aq sa gravy pero dq p nmn natry na gwing juice un!haha..pero i really like eros!:)
and nice..you're back na Mr author.;)
-monty
nice chapter today...
Good job, sa tkabo ng kwento, naaaliw ako.
tama!
hahaha.. dami kong tawa sa usapan nila.. :)
tama lang ung ginawa nya sa tito nya.. kung dati natitiis nya un, ngaun hindi na.. go boromeo.. :)
-jec
mali ka naman boromeo sa sinabi mong normal lamang sa mga babae ang malisyosa. e yung mga kaibigan mo, diba mga malisyoso din? ang alam dilang babae ang malisyosa. may mga lalaki din na malisyoso.
sa pamilya ni brian ako napocus at hindi sa dinner date nila ni eros. pataasan ng ihi ah. agree nmn ako kay brian. wala kasi akong nakita ni katiting na pagsisisi sa mag-ama. nakiusap nlng sana sya at kahit ano pa madinig nya e magpakakuba nlng sya. parang ayaw nyang tumanggap ng sermon lalo pat sa pamangkin nya. e ganung kasalanan nmn nila talaga. wala nmng masama humingi ng tawad. mamamatay kaba kung magpapakumababa ka at tanggapin ang kasalanan?
bharu
hala ka!!! hahaha... hinahayaan na ni Boromeo yung nararamdaman nya... pano na lang kaya pag inlove na talaga sya... hmmmm..
can't wait...
Next na idol! :D
-SupahMinion
landian na ... hehehehe ... makboy
Start na ng pagbabago ni brian...kiig nman c eros. Tnx sa update.
Randzmesia
thanks for updating sir Z...
kainis naman talaga tong uncle ni Boromeo.. panira ng moment.. grrr..!!!
pero kiligness pa rin nung nairita si Boromeo sa hindi pagrereply ni Eros.. hehehehe
i wonder kung ano kalalabasan ng pustahang ito.. hmmm..
God bless.. -- Roan ^^,
Excited nang umuwi jan sa atin. Bakasyon ako for 2 months sa Pinas. Thanks.
:3 thank you for this chapter kuya zeke!
Thank you for this chapter kuya zeke! :3
dinner date na tlga to tpos ano na ang next... mag didinner narin sila sa aheemmmmm.... nko sulit anf paf aantay ko kuya zekiel...
inosenteng medyo maalam hehehe yan ang description kay Eros hehehe Tnx sa update zake and have a great day.
Yes my update na rin ganda talaga bawat chapter paganda ng paganda hahahaix update na po agad nakaka bitin kase eh pero tnx hehehe
Franz
the wait was worth it... :) nice flow daddy zeke.. imy... :)
-eusethadeus-
KILIGNESS OVERLOAD
pero naisip ko lang. paano kung darating ung tym na inlababo na talaga sa isat isa c boromeo at eros at malalaman e2 ng nanay ni boromeo. anu kaya gagawin ng nanay nya eh mukhang kuntrabida din naman yan sa buhay ni brian?
TC99M
Yun oh! Pbb teens..hehe
Nice 1 supah ace!
ngaun ko lang pala mababasa ang chapter 10 kasi busy ako... haiz... BASA MODE!!!!
Post a Comment