Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Bilang pasasalamat ko sa pagbibigay niyo ng panahong magkomento sa bawat chapter ng k’wento ko ay hindi ko na patatagalin ang Chapter 04. Hehe! Nakakagana kasi ang mga comments niyo kaya sana ituloy niyo lang guys.
Allen RN, Ryan.M, Beucharist, Marc, TheLegazpiCity, Mhi Mhiko, KJ, Lawfer (Formless Cat), Eusethadeus (BUNSO!), Makatiboy (Sinusulat ko pa lang noon ang Book1 ng dumating ka sa blog ko. Hehe), Reymond Lee (Na walang sawang nakikipagkulitan sa page), DondeEstaMichifu (Astig pangalan mo), Christian Jayson Agero, Russ (Ever supportive), Slushe.Love (Naalala ko rin na matagal na kitang reader. Salamat!), Tzekai Balaso, Mark13, Bobby Evasco, Luilao, Rheinne, Jayvin, Juber (Dunno if ikaw rin si Jubert Co), Jheslhee Oraquiao, Poging Cord (Yow!), JayJay (Supah Minion), PanCookie (Cookies!YUM!), Chie, Richie, Jemyro , Pat (Patpat) and of course Migz!
Anonymous and Silent Readers as well! Salamat sa pagbabasa ng k’wento ko!!
Sana ay ma-enjoy niyo ang chapter na ito tulad ng sobrang pag-enjoy ko habang sinusulat ito. Haha! Oo, sobra akong nag-enjoy na matagal ko na ring hindi nararamdaman. HAPPY READING GUYS!!! INGATZ!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Parang masisiraan na ng bait si Brian. Kung kailan malapit na niyang mapagtagumapayan ang kanyang paghihiganti ay heto naman at isa-isang nagsusulputan ang mga problema. Una, si Eros Drake na hindi lang pinasakit ang ulo niya sa ibayong pag-iisip sa pagbabalak niyang pakikipagkita rito, napuyat pa siya. At ngayon naman ay, ang kanyang ina.
“Walang masama sa ginawa ko. Natural lang sa isang negosyante na protektahan ang negosyo niya. It’s not as if I stole someone’s position.”
“But you insulted your Tito Leo, Brian. Ni hindi ka man lang daw kumonsulta sa kanya sa mga ginawa mo. You made a fool out of him.”
“Oh, c’mon Ma, hindi na ako bata para magpaalam pa sa mga gagawin ko. Kung na-insulto ko man siya, eh, di sorry.” Malapit na talaga siyang malagasan ng buhok. Bakit nga ba niya naisipan pang sagutin ang tawag nito.
“Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ng ama mo at ibinigay niya sa’yo ang natitirang shares namin sa kompanya. Hindi ba niya naisip ang magiging impact ng ginawa niya? God! Men are so insensitive!”
“Ginawa lang ni Papa ang dapat. I deserve the remaining stock. Ako ang nagpakahirap sa kompanyang `yon kaya dapat sa akin mapupunta `yon. Insensitive? I’m sorry to say this Ma, but it seems to me na ikaw itong insensitive. Did you ever ask yourself kung ano ang nararamdaman ko every time na pagtatakpan at ipagtatanggol mo si Xander sa mga kalokohan niya? Baka nakakalimutan niyong ako ang anak ninyo.”
“Babalik na naman ba tayo sa usaping `yan? Kailan mo ba mare-realize na iniligtas ka lang ni Xander? Papaano pala kung pinakasalan mo talaga ang babaeng `yon? You should be thankful to him for saving you from marrying a worthless woman.”
Mahigpit niyang naikuyom ang kanyang kamay sa narinig. He can’t believe it. Papaano naging pabor sa kanya ang ginawa ng pinsan niya?
“You know what, Ma? This conversation is bullshit. Kung ang itinawag niyo lang sa akin ay ang kumbinsihin akong ibalik sa pangangalaga ni Tito Leo ang share ninyo ni Papa, I won’t do it. So can we just drop this talk at marami pa akong gagawin.”
“Watch your words Brian! Hindi kita pinalaki para sagot-sagutin ako ng ganyan. Bakit ba ang tigas ng ulo mo at napakahirap mong paliwanagan? Give up that company! Sumunod kana sa amin dito. Mas maganda ang naghihintay sa’yo rito.”
“Tulad ng palagi kong sinasabi sa inyo, hindi ako ang pupunta diyan. Kung gusto mo talaga akong makita, kayo ang umuwi rito. Got to go now. May mga naghihintay pa sa aking trabaho.” Saka niya pinutol ang linya.
He can’t believe his mom. Papaano ito napapaikot ng kanyang pinsan at tiyuhin? Mahalaga ba talaga siya rito? Dahil kong mahalaga nga siya, paano nito natatanggap ang mga kawalanghiyaan na pinaggagagawa ng pinsan niya sa kanya?
‘Great! This is so great!’
Natuptup niya ang kanyang nuo habang napapa-iling. Hanggang kailan ba niya hahayaang bigyan siya ng sakit ng ulo ng pinsan niyang iyon? To think na walang takot pa nitong sinabi sa kanyang ina ang ginawa nitong pang-aagaw sa girlfriend niya. Ano ba ang gusto nitong patunayan?
“Hindi ako sanay na nakikita kang depressed ng ganyan.”
Nang mang-angat siya ng tingin ay sinalubong siya ng nakangiting si Red.
“Pare…” Naiusal lang niya. Mabibilang lang sa kanyang mga kamay ang pagdalaw nito sa kanyang opisina.
“Wrong timing `ata ako sa pagdalaw.” Isa rin ito sa malalapit na tao sa kanya. Simula nang ipakilala ito ng kasintahan nito na si Dorwin sa kanila ay agad niyang nakasundo ito.
Umayos siya ng upo.
“Asan ang mga bulaklak at chocolates?” Nakangisi niyang wika rito. “Hindi ba `yon ang malimit na dala ng mga dumadalaw at umaakyat ng ligaw?”
“Naibigay ko na kay Dorwin.” Ngingisi-ngisi naman nitong tugon. Isa rin sa magandang katangian nito ay nasaksakyan nito ang topak nilang dalawa ni Dave. “What’s wrong? Bakit mukhang pasan mo ang mundo?”
“Wala naman. Kaunting problema lang. Anyway, what brings you here? Magugunaw na ba ang mundo?”
“Kung magugunaw na nga mundo, hindi ikaw ang pupuntahan ko kung hindi si Dorwin. I’m here to ask for your advice. Pero mukhang ikaw itong nangangailangan niyon.” Tugon nito.
“ Wala iyon. Napagtrip-an lang ni Mama na ulanin ako ng sermon. Anong klaseng advice ba `yang kailangan mo? `Wag mong sabihin na nagbabalak ka ng iwanan si Dorwin.”
“Malabong mangyari `yon. Ga-graduate na si Marky this year. Nakapangako ako na reregaluhan ko siya ng sasakyan. Ano sa tingin mo ang maganda?”
“Talagang sineryoso mo na ang maging Tatay sa mga kapatid mo, ah. Pero December pa lang di ba? Nagmamadali ka bang gumastos?” Nakangiti niyang sabi. Bilib talaga siya sa pagiging mapagmahal nito sa mga kapatid na kung tutuusin ay half-brother at sister lang nito. Ito marahil ang isa sa mga katangian nito kung bakit mahal na mahal ito ng kanyang kaibigan.
“Kailangan, eh. Ayaw kong maranasan nila ang naranasan ko noong mawala ang Papa ko. Tsaka, balak kong surpresahin siya ngayong pasko.” Tugon nito.
“Bakit hindi si Dave ang kinunsulta mo? Mas maraming alam `yon sa mga sasakyan.”
Napakamot ito sa ulo at agad na niyang nalaman na may iba pa itong pakay sa kanya.
“Pambihira ka! Gusto mo ring makibalita sa nangyari kagabi `no?”
Nang ngumisi ito sa kanya ng nakakaloko ay nakuha na niya ang sagot. Na-i-tsismis na ng mga walang budhi niyang kaibigan dito ang engkwentro nila ng Eros Drake na `yon at mukhang pati na rin ang nakakabaliw na paghanga nito sa kanya.
“How does it feel pare?” Ngingiti-ngiti nitong tanong.
“Anong how does it feel?” Nakakunot ang noo naman niyang balik.
“How does it feel na may nabibighani sa kaguwapohan mo?”
“`Wag kang mang-asar. Hindi ko ikinatutuwa ang bagay na `yon. Ni hindi nga ako makatulog kagabi sa takot ko na baka bangungotin ako, eh. Pinagsisisihan ko talaga na pumayag-payag pa ako sa mga kalokohan ni Dave.”
“Oh? Eh, sabi naman ni Dave ayos naman daw ang hitsura ng Eros Drake na `yon, ah.”
“Ayos kung sa ayos but it doesn’t change na fact na lalake siya.” Hindi niya i-de-deny na biniyayaan rin ng hitsura ang Eros na `yon. In fact, may kakaibang dating ang ekspresyon ng mukha nito na nagawa siyang matulala at makaramdam ng matinding kaba. “Kaya `wag niyong gawing isang normal na bagay ang kahibangan niya kung totoo man `yon.”
“Sabi mo, eh.” Ngingiti-ngiti naman nitong wika.
“Look, pare. Masaya ako para inyo nina Niel, Dave, Rome, Claude at sa iba pa nating kaibigan na may kakaibang relasyon. Hindi rin ako kontra roon. Pero hindi ako magiging tulad ninyo.”
“Woah! Wala naman akong sinabing magiging katulad ka namin, ah.” Depensa naman nito.
“I’m just setting the records clear.”
“Okay.”
Napabuntong hininga siya. Bakit ba siya nagpapakahirap magpaliwanag sa mga ito, eh, alam naman niyang walang k’wenta iyon. Ang mga kaibigan niya ang tipo ng tao na gagawin at gagawin ang bagay na gustong gawin ng mga ito. At sa kasamaang palad, mukhang ang asarin siya ang bagong trip ng mga ito ngayon.
Kinagabihan. Nauwi sa malalim na pag-iisip si Brian habang mag-isang umiinum sa kanyang bahay. Bumabalik sa kanya ang naging engkwentro nila ng kanyang ina. At hindi man niya ipinahalata kanina kay Red, nasaktan siya. Paano nito hindi naiintindihan na dinehado at harap-harapan siyang ginago ni Xander. Bakit tila parang sa pinsan pa niya ito kumakampi? Hindi ba mahalaga rito ang kanyang nararamdaman?
Noon, hindi niya masyadong pinapansin ang pagkawili ng kanyang ina sa kanyang pinsan dahil na rin sa presensiya ng kanyang ama. Ito kasi ang kanyang naging kadikit noong mga panahon na hindi pa ang mga ito naiisipang mangibang bansa. Sa kanyang ama niya rin natutohan kung papaano humawak ng negosyo. Inakala niya na sapat na sa kanya ang atensyon nito subalit habang tumatagal at habang nagkaka-edad siya hinahanap na rin niya ang atensyon mula sa kanyang ina.
Patapos siya ng high school nang malaman niya ang unti-unting pagbagsak ng kumpanyang itinayo ng kanyang mga magulang. Doon rin napagdisisyunan ng mga ito na mangibang bansa. Aaminin niyang pagrerebelde ang rason niya noon kung bakit hindi siya sumama sa mga ito sa ibang bansa sapagkat ang totoo, ayaw niyang umalis ang mga ito. Idinahilan niya na mas gusto niyang sa Pilipinas tapusin ang pag-aaral para mapigilan ang mga itong umalis subalit hindi nangyari iyon. Nagsimula siyang mamuhay ng mag-isa hanggang sa makilala niya sa pamamagitan ni Vincent na mga taong umagapay sa kanya –ang kanya ngayong mga kaibigan.
He thought na ayos na ang lahat. Na okay lang na malayo ang kanyang mga magulang dahil nariyan naman ang kanyang mga kaibigan. Subalit, nang makahanap na ang mga ito ng mga taong paglalaanan ng atensyon, muli siyang nakaramdam na parang naiwan siya ulit. That’s why he decided to settle down. Kasama ang taong hindi siya kailan man iiwan. Pero hayon at isang malaking gulo ang naging hatid niyon sa kanya.
“Pambihirang buhay `to!” Naisambit niya sa sobrang frustration. “Ano bang mali sa akin at ang hilig nila akong iwan?”
Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang nakakaramdam siya ng self-pity. He has the looks, career, at mabait naman siya kahit papaano. Hindi pa ba sapat `yon?
Naputol ang pagsi-sentimento niya nang mag-vibrate ang kanyang cellphone.
‘Kamusta?’
Napakunot-nuo siya. Hindi naka-rehistro sa kanyang contact ang number at dahil doon, ay inisip niyang isa lamang ito sa mga babaeng na-i-date niya noon. Mahilig ang mga itong gawing pastime ang mangulit sa kanya kapag feel ng mga itong maikama siya at wala siya sa mood ngayon para roon.
Muli siyang nagsalin ng alak sa kanyang baso. Magpapakalango na lamang siya para maging mahimbing ang tulog niya mamaya. Ngunit nakaka-ilang shots na siya ay hindi pa rin mawala-wala ang pinaghalong inis at pagkaboryo niya sa araw na `yon. Nagsusumiksik pa rin sa kanyang isipin ang nangyaring pag-uusap nila ng kanyang ina na siya naman ikinapipikon niya ng husto. Sa huli, naisipan niyang patulan ang kung sino mang nag-text sa kanya. Matagal-tagal na rin siyang walang sex life dahil nawalan siya ng gana sa ginawang katarantaduhan ng babaeng dapat pakakasalan niya.
‘I’m okay. Where are you?’ Ito ang linyang palaging ginagamit niya sa mga ito. Ayaw naman kasi niyang mabuking na kahit kailan ay hindi siya nag-aaksaya ng oras na i-save ang mga number ng kanyang mga ka-fling. Cardinal rule nila ni Dave `yon bago ito magpakasanto kay Alex.
Wala pang ilang sigundo ay nag-reply ito.
‘Wow! Nag-reply ka. Nasa bahay lang . Why?’
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Agad niyang tinawagan ito. Mukhang mapapalaban siya ngayon. Tamang-tama lang `yon para maaliw niya ang sarili at maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.
Naka-apat na ring muna siya bago siya nito sinagot. Syempre, tulad ng nakagawian ay awtomaking pina-sexy niya ang kanyang boses.
“So, what do you have for me tonight?” Agad niyang tanong rito using his manly and sexy voice na syempre natutohan niya sa mga taon ng pakikipagsapalaran nila ni Dave.
“H-Ha?”
Natilihan siya nang marinig ang boses ng taong nasa kabilang linya. Hindi iyon boses ng isang babae kung hindi boses ng isang lalake.
“S-Sino `to?” Pinaghalong pagtataka at hiya niyang naitanong.
“Si B-Brian ba `to? Ako to si Eros.”
Nagimbal siya na halos mabitiwan na niya ang hawak na cellphone nang magpakilala ito. Paanong nangyari `yon?
“E-Eros? Eros Drake Cuevas? S-Saan mo nakuha ang number ko?” Pakiramdam niya ay binuhasan siya ng nagyeyelong tubig. Ni hindi niya nagawang maituwid ang kanyang boses.
“Ah… Eh… Binigay sa akin ni Dave.” Hindi nakatakas sa kanya ang pinaghalong pag-aalangan at tuwa sa boses nito.
“Si D-Dave?”
‘Great! Makakapatay talaga ako ngayon ng tao!’
“Yeah. I hope hindi kita na disturbo. Sabi kasi niya sa akin, balak mo raw akong kausapin tungkol sa pagbibigay ko ng pictures ng ex mo at ng pinsan mo sa kanila.”
‘At talagang inunahan pa ako ng halimaw na `yon! Drat!’
Pambihira naman! Hindi pa siya handang makausap o makaharap ito. Nagtatalo pa ang isip niya kung itutuloy ba niya ang binabalak niyang `yon dahil nga baka hindi niya magustohan ang mga maririnig dito tapos heto’t binigay-bigay pa ng gago niyang kaibigan ang number niya rito? At bakit siya nanginginig? Ano ba talaga ang meron sa taong `to?
“Hello, Brian?”
“Y-Yeah, I’m still here.” What the fuck is wrong with him. Kailan pa siya nakaramdam ng takot at pagkabalisa sa isang tao? This is not him. Kailan niyang ayusin ang composure niya. “A-About the pictures. Yeah, balak nga kitang kausapin tungkol doon. Marami akong gustong klaruhin.”
Mukhang mapapasubo na talaga siya ng wala sa oras. Wala naman siguro itong gagawin na hindi niya magugustohan. Sa pagkaka-alala niya, mukha naman itong respetadong tao. Maganda na ring harapin niya ito agad para mawala na ito sa kanyang landas because he really made him a uncomfortable just by hearing his voice.
“Gano’n ba? Well I guess I owe you a lot of explanation then. Do you want to discuss it now over the phone?” Hindi niya talaga ito maintindihan. Imbes na mag-alangan ito ay tila ba ikinatutuwa pa nito ang gagawin niyang interrogation. Normal ba talaga ito?
“No. Gusto kong personal kitang makausap.” Hindi niya malalaman kung nagsasabi ito ng totoo o hindi kung sa telepono sila mag-uusap nito.
“Talaga?” Ang tila naman biglang na-excite nitong sabi sa kabilang linya. “Ngayon na ba? Wait lang magbibihis lang ako. I-text mo na lang sa akin kung saan tayo magkikita.”
“W-Wait! Hindi ngayon. Siguro bukas na lang. Wala ako sa mood lumabas.” God! Mukhang tama nga yata ang kanyang mga kaibigan. May pagnanasa nga ito sa kanya!
“Gano’n ba?” He was taken aback hearing the disappointment in Eros voice at sa `di malamang dahilan, sa kauna-unahang pagkakataon sa tanang buhay niya biglang nagbago ang kanyang isip.
“Go get yourself ready. Are you familiar with Seventh bar? Sa tabi niyon, ay ang Keros Café. Doon na lang tayo magkita after thirty minutes.”
Huli na para bawiin pa niya ang kanyang mga nasabi. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at biglang nagbago ang kanyang isip na para bang on that split moment, isang hindi pamilyar na pagkatao ang nabuhay sa kanya.
Sinadya ni Brian na hindi mahuli sa usapan para siya na mismo ang makapili ng puwesto nila. Doon sa veranda kung saan dating pumuwesto si Dave ang napili niya. Nag-order na rin siya ng kape para kahit papaano ay mawala ang tama ng alak na ininum niya kanina.
Mula sa veranda ay kita niya ang medyo may karamihan ng tao sa Seventh Bar. Hindi na talaga maikakailang isa na ang bar na `yon sa sikat na bar sa lugar nila. Subalit kahit saan niya ibaling ang atensyon, hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang kakaibang nangyari sa kanya kanina. He can’t believe that there’s someone who can make him feel agitated and at the same time persuade him to do something he never did before. He was so sure kanina na hindi pa siya handang makaharap ito pero, biglang nagbago iyon nang mabakasan niya ng disappointment ang boses nito. Para siyang na-guilty na hindi niya maipaliwanag.
‘What’s wrong with me?’ Naibulong niya sa kanyang isipan. Naguguluhan na siya sa kanyang sarili. Nagpa-apekto siya sa isang tao na kakikilala pa lang niya kahapon at may posibilidad pang kaaway niya.
‘Pagod lang siguro ako.’ Muling wika niya sa kanyang isipin. Malaki ang posibilidad na dala ng pagod kaya nawala siya sa sarili kanina. Ilang kontrata rin ang kinailangan niyang i-review para sa mga bagong distributor nila. Sinamahan pa ng diskusyon nila ng kanyang ina.
“Narito ka na pala. Nice spot!”
Nang mang-angat siya ng tingin ay agad na bumulaga sa kanya ang taong dahilan kung bakit naglalakbay sa ibang planeta ang kanyang isipan. He was smiling at him with a unique expression in his eyes na naghahatid ng matinding kaba sa kanya.
He tried his best to return a nonchalant smile dahil sa muling pagkakataon, binulabog na naman nito ang kanyang buong systema.
“Hi.” Bati niya rito. “Take a seat.”
Umupo naman ito.
“Nagulat talaga ako kanina nang mag-reply ka sa text ko. I wasn’t expecting that pero lalo akong nagulat nang tumawag ka. How are you Brian?” Ito pa ang isa sa mga dahilan kung bakit nagugulo nito ang isip niya. How can this person talk to him without a hint of discomfort?
“Am great. Medyo pagod lang sa trabaho.” Tugon niya rito.
“Mukha ka ngang stressed.” Nakangiti naman nitong pagpansin. “But as always, you look epicly gorgeous.”
Sa narinig dito ay hindi niya maiwasang maubo. Kakaiba talaga ang pagiging forward nito. And damn hindi niya inaasahan `yon. Wala na bang katapusan ang mga panggugulat nito sa kanya?
Itutuloy:
41 comments:
wow ako nauna ngayon!!!!!basa basa muna hehehehe
Sobrang enjoy ahahha...super kilig na din...cant wait for the next chapter..thanks Z!!!
Ang daya dapat ako nauna eh?
wew. . ganda talaga nitong chapter na 2 . . .
as expected... your story is superb... :) ang ganda ng pagkakaplot... hehehehe.... idol ka talaga daddy zeke... :)
ehhh...namn..kinikilig ako....hahaha...:"kapag tumibok ang puso...wala ka ng magagawa kundi sundin ito"..parang gusto kong kantahin yan kay boromeo..hahaha
Nyay! Yung kilig na kilig ka. Hahaha ur exceptional talaga! I'm lost with words na talaga. Haha sarap sarap basahin hahaha sana man mahaba tuwing kailan ba yung posting? Basta I'm so inlove with this na talaga. :-) :-) :-) :-) again thanks and I can't wait for more. Haha nabasa kuna din lahat ng kwento mo hahaha and as it is walang katulad. You take care and keep it up. God Blessed you. :-) :-)
-marc
As expected . The best as ever .
Bilis ng update :D like like .. Hehe
hahaha kakaiba c Eros. I like his attitude! Salamat dto kuya Zeke! Û
Hello kuya zeke. Nice story talaga hehehe.
as usual pabitin c otor...hahaha
Nice kuya zeke. Inaabangan ko to lagi...enjoy ako sa pagbabasa at sana may pic si eros kasi umiiba ang aura ni brian pagkaharap o kausap si eros. Eros pa lng love na hahaa. Cguro parang si apollo si eros as described sa book ng percy jackson heheheh
This is just amazing! Haha... I like this encounter! Deny to death si Brian!!! Hahaha. Cant wait for the next one Zekey! :-)
Pat
Tagasubaybay
Unti unti ng sumasanib ang ibang brian sa katauhan nya... At anong tawag jan DATE na ba yan...hahaha... Gogogo Eros and Brian... Pakiligin nyo pa ko...
2lad ng dati bitin nnman hehe..
Cool. Ung chapter na 2...
Nkadlawang uc aq sa pag babasa ehh.hahaha.
Prang may something din kay xander!!!
Tingin q lang haha.
Gudluck sa nxt chapter kuya zekk
#ryan.m.
Yung "Donde Esta Michifu?" (Trans: Where is Michifu?) kasi eh yung activity dun sa isang spanish workbook for college studes. eh sa sobrang nakakaenjoy yung lesson.. ayun (nag-explain talaga) :D
-DondeEstaMichifu
'but as always u look epicly gorgeous'
wla nah! nganga na c boromeo.
d na umubra mga ka gonggonan at ka baliwan nya.
pa deny2x ka pa eh date yang ginagawa nyo teh.
TC99M
Hahahaha. Naeexcite ako kung ano mgging flow ng story. ^^,
Keep it up boss. Lels/
-PanCookie
At napacomment ako gamit ang phone ko.. Hahaha!!
Great!! Just Great!! Si Brian na ba ang susunod na Denial King after MAKI? ahahaha!!
Iilan lang silang nadeny ng tunay nanararamdaman at mapapasama na yata si Brian dun.. XD
anyways.. IDOL!!! Ilabas mo na pic ni Eros!! Im getting eggzoited na!! XD
-SupahMinion
i miss these people... buti at nagbalik na cla....
ano ba ng nanay ni brian c xander? anak ba nya?...
cant wait for chap 5...
-mars
Hahah sir Z.. Bakit khit coffee moment lng cla kilig na ako hehehe galing mu sir sir Z.. Im yourd ever supportive russ
hahaha...what an epic brian,nakakatawa talaga :D
Author sorry po ngayn lng ko nakacomment sa tagal ko ng reader mo. Mga last year pa po. :)) ang ganda n nm po ng chapter nito. Iba n nmn ang twists mo. Thank you mr author! More stories to come!
-Cry
galing zek. ang bilis pa ng updates. gandang christmas gift nito. sana tuloy tuloy ang ganitong pacing ng posting. more power zek.
-lance
HMMMM... baka ngaun aagawin na din ni Xander si Eros pagnalaman niya na may gusto si Eros at Nagmamabutihan sila sa middle story... Oh ano na Brian nganga ka na at naiiba na ang feelings mo ngaun... Hahahahaha Gantihan lang yan sabi Renzel Dave kasi lakas niya mang asar nun nagsisismula pa lang magkagusto si Renzel Dave kay Alexa... ngayon ano namn mga KILIG ni Eros kay Brian... Zeke May POV ba si Eros?...
Ang galing! Yey nakpagcomment din.
kilig kilig din pagmay time
wahahahaa
jubert co
whoah!this is really really is it!nice job!kilig lang and di siya OA.romance is in the air.sino kaya ang didiskarte at manliligaw sa kanilang dalawa?excited na ako haha!
waaahh.. i had to read chapter 3 coz i wasn't feeling it when i read it the first time.. hehe arte much..
oh i also have to apologize to sir Z coz i wasn't able to leave a comment on chapter 3.. super surprised when i saw chapter 4.. kiligness is soo everywhere.. love Eros as in.. cute ni Brian.. loved the part na Eros was disappointed then Brian had to change his mind agad-agad.. hahaha
thanks for the update..
God bless.. -- Roan ^^,
~Motto talaga ni Eros yung "Walang Hiyahiya" haha at "Wag ng magpatumpik tumpik pa. Go na!" lakas ng tama neto kay boromeo. Haha at si brian kunteng konte nalang. Mababaliw din to.
~Naalala ko si claude at lance scene dito ung sa bar sila. Kaso sa keros cafe sila brian eh. Haha
~at oo nga. Bka agawin din ni xander si eros. Haha
~Jayvin
nice
pangz
yow! Aha zeke galing lang yan dun sa famous sticky note ni red "Poging Red" ginaya kulang pero applicable naman talaga sakin un haha
natawa ako dun sa nonchalant smile di ko kasi alam meaning nun haha
- Poging Cord
Waaaa. ito na. mag start na ang kanilang pag iibigan. WOot! :))
Nonchalant = Parang natural lang na ngiti. `Yong tipong hindi ka nagpapakita ng interes. :)
Ayun na haha, simula na ng kilig to the bones hehehehee
lo and behold;the word so called LOVE.this is the second time that ive read it and the feeling is still the same asvthe first one.its making me nuts!zeke,why on earth you made bryan so adorable!?this so so intense!
Akala mo di ko binabasa ha..
Nakakapraning tong isang to..
Nappraning ako kay eros,hehe..
Nice one supah ace!
I am not too sure how to characterize this chapter, but it sure is one easy and enjoyable read. I really like the way you combined heavy and light moments. It simply is the best. Hope that you sustain and continue with this formula until the end as it makes your story an excellent stress reliever. Keep the great work.
Hehehe amazing naman tong chapter na to hehehe. Kakatuwa si eros nagmumukaha tuloy torpe si Brian hehehe.
shaks!!di pala pumasok ung comment q d2..^^
anyways,,nakakakilig ung last part!haha..walang kiyeme talaga tong c eros!para tuloy binabagyo ang mundo ni boromeo.haha!
Mdyo nwala c xander,,,posible kayang agawin dn nya c eros kay boromeo db un ung parang trademark nya e???naisip qlng...kalerkey cguro?;P
-monty
Again, cute ng mga eksena.
bigyan ng korona ang naunang naka basa eheheh charottt
Post a Comment