Monday, November 18, 2013

Author's Note



Author's update and note:



Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng ilan sa inyo na isa rin kaming biktima ng pamilya ko sa nag daang bagyo. Kung nanunuod kayo ng news specially CNN, isa ang Palo sa mga kalapiy lugar ng Tacloban ang maraming namatay.



Fortunately, kumpleto kaming nakaligtas sa pinaghalong malakas na hangin at biglaang pagtaas ng tubig. Hindi ko nga ma-imagine o mas matamang sabihin na hindi ko na maalala kung papaano namin nagawang mag survive. Halos lunurin ng tubig ang two storey naming bahay. At bukod pa doon, inanod ng tubig na yon ang mga natumbang puno at nagsiliparang bubong dahilan para halos lahat ng nagtangkang languyin ang baha para ma-save nila ang buhay nila ay kung hindi man sugatang aahon ay di na nakakaahon.



I dunno if we can still call our selves lucky that we survive the typhoon. Kasi mas malala pa pala ang makikita namin pagkatapos ng almost four hours na struggle. Lumulutang sa kung saan-saan na lang ang mga patay. Yong iba, isang buong pamilya habang yong ilan naman kung hindi isa ay dalawa na lang silang nabuhay. Mas malakas pa sa huni ng hangin ng bagyo ang mga iyakan nila at bakas sa mga mukha nila ang kawalan ng pag-asa, hinagpis, at pagkatuliro. Syempre dahil hindi lang buhay ang kinuha ng bagyo sa aming mga taga Leyte. Pati ari-arian namin kinuha rin.



"Papaano kami magsisimula at babangon?" Iyan ang naging katanungan naming lahat after ng bagyo. Sa isang iglap lang, kinuha sa amin ang lahat. Even I wala akong na save. Ni wala nga akong nakuhang damit dahil lahat inanod. All my gadgets rin lumubog sa tubig kasama ang laptop ko. Iyon nga lang, eh, halos mangiyak-ngiyak na ako ano pa kaya sa mga taong nagpundar, nangutang at nagsikap sa trabaho para lang makapagpatayo ng magandang bahay at makabili ng mga magagandang gamit at sasakyan? Iyong mga namatayan?



Kaya sana maintindihan niyo na pansamantala munang mapuputol ang posting ko ng 9 Mornings. Kahit kasi gustohin ko mang ituloy iyon ay hindi ko rin magagawa. Kailangan kong maghanap muna ng trabaho para matulungan ko ang parents ko. Bigla kasing hihinto ang kabuhayan namin dahil sa nangyari at mauubos ang natitira naming pera kung pulos gastos lang ang gagawin namin at walang papasok na pera. Wala na rin akong laptop na magagamit since inanodnrin siya ng tubig kaya imposible talaga.



Iyon lang po mga paps! Sa lahat ng nagparamdam ng pag-aalala para sa akin at sa pamilya ko, maraming salamat! At sa lahat ng tumangkilik sa mga kwentong gawa ko, salamat din guys. Mawawala muna ako at hindi ako sigurado kung makakabalik pa ba ako. Basta once na makaipon ako ulit, unang nasa listahan ko ay ang bumili ulit ng laptop para makapagsulat ulit ako.




Zildjian