Tuesday, August 13, 2013

Taking Chances Chapter 09





"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."







Gustong magsisi ni Juancho sa naging reaksiyon niya. Kung sinunod lang niya ang payo sa sarili kanina na kumalma siya at hayaan si Andrew sa ginagawa nito ay hindi na sana sila nagkagulo.


Naiintindihan niya kung bakit nagagalit si Andrew. Bukod nga naman sa umasta siya na parang may karapatan siya na bawalan ito sa gust nitong gawin ay gumawa pa siya ng eskandalo. May ilang media people sa pagtitipon kaya malamang na bukas ay mapapanood niya ang sarili sa balita o kaya ay mababasa ang pagiging basag-ulero niya sa kung saang tabloid.



Kalmado at pasensyoso siyang tao. Iyon nga lang, kapag napatid ang pagtitimpi niya ay mahirap awatin ang kanyang galit. Nadala lang siya kaya kung ano-ano na ang pinagsasabi niya. Isa pa, hindi na rin yata niya kayang magpanggap na okay lang sa kanya ang kung ano mang relasyon ang namamagitan sa kanila ni Andrew. Dahil sa totoo lang ay hindi iyon okay sa kanya. Hindi siya sanay ng ganoon. Hindi niya iyon gusto. Nagtitiis lang siya dahil iyon lang ang paraan para huwag magtatakbo palayo sa kanya ng binata.



Hindi niya binalak tanungin si Andrew kung ano ba sila. Pero mabuti na rin siguro na ginawa niya iyon. Nalilito na rin kasi siya. May bahagi niya na gustong maniwala na may patutunguhan sila pero hindi rin naman siya sigurado.



Ngayon, sigurado ka na. Nakaramdam siya ng sakit nang maiisip niya ang ipinahihiwatig na sagot ni Andrew. I can't believe you're even asking me that. Parang sinabi na rin nito na... Ano ang karapatan mong mag-isip na may dapat akong ibigay sa iyo ng higit pa sa natatamasa mo?



Nasakatan ang ego niya pero kaya pa naman niya iyon. Ang mahirap tanggapin ay ang katotohanang pinipilit niyang iwasan--- na baka sa kabila ng lahat, sa kabila ng pagpipigil niya, ay minahal pa rin niya si Andrew at ito ay hindi ganoon ang nararamdaman para sa kanya.



Hindi naman siguro dahil may kulang sa pagkatao niya kaya hindi sila pareho ng nararamdaman. Baka hindi lang talaga kaya ni Andrew ang magmahal. Sinabi naman na nito noon pa. Siya lang ang tatanga-tangang umasa na magbabago ang pananaw nito. Siya ang sira-ulong nagmahal dito. Kaya ngayon ay inaani niya ang epekto ng kahibangan niya. Pero kung hinayaan na lang sana niyang manatili sa estadong gusto ni Andrew ang ugnayan nila ay hindi sila mag-aaway.



Kaya mong hanggang ganoon na lang? tanong sa kanya ng isang parte ng kanyang isip.



Parang hindi na. Masyado nang lumalim ang pagtingin niya kay Andrew pero kung ganoong klaro na sa kanya na wala silang patutunguhan ay mas maganda siguro na tapusin na niya iyon. Napakasakit nga lang.



Pagdating nila sa condo building ay inihatid pa rin niya si Andrew hanggang unit nito. Pero sa pagkakataong iyon, kahit gustong gusto pa rin sana niyang gawin ay hindi na niya ito binigyan ng goodnight kiss.



Pinanood ni Andrew ang pag-alis ni Juancho, saka siya pumasok sa kanyang unit at dumeretso sa kanyang kwarto.



How the guy had changed. Pero sa kabila ng suwabeng image nito ngayon ay nasisilip pa rin niya ang dating Juancho na nakilala niya. Iyong simple, mabait, mahiyain. Those traits of his still showed through and they added more to his charm and appeal. Kahit kasi sobrang in demand na nito sa bagong propesyonay ni minsan hindi niya ito nakitan ng indikasyon na lumalaki ang ulo nito or ung pagiging masyadong bilib sa sarili.



And you're letting him get away? tanong sa kanya ng isang parte g pagkatao niya.



Parang may sumuntok sa dibdib ni Andrew sa ideyang hindi na niya ito makakasama tulad ng dati at sa malamang ay iwasan na siya nito. And someday soon, Juancho would probably disappear in his life for good.



Eh, ano pala ang gusto mo? sarkastikong sabi ng isip niya. Hindi niya alam. Iyon ang malaking problema niya. Nahiga siya sa kama.



You're not stupid Andrew. You know what he wants... so you choice is this... Give it to him or let him go...



Ang gusto ni Juancho ay gawin ilang seryoso ang relasyon nila at may bahagi ng pagkatao niya ang tila nahihimok nang pumayag.


And then what? Paano kapag nawala na ang kung ano mang spark or magic o chemistry na namamagitan sa inyo? anang parte niya na puno ng takot.


You were content being alone before. You can be again, sagot naman ng matapang na parte niya.


Mas sanay siya sa ganoong kalakaran kaysa iyong may nagpapagulo ng kanyang isip. But even as he seemed to have made his decision, he couldn't ignore the pain that lance at his heart.


Heartless biatch. Naalala niya ang bansag sa kanya ni Basty. Tinatanggap niya iyon dahil siya rin naman ay naniniwala na wala siyang puso. At least, not the kind that knows how to feel deeply for a guy. Kung hindi ba naman ay bakit napakadali para sa kanya ang makipaglaro lang sa mga lalaking nakikilala niya na hindi magtatagal ay ididispatsa rin lang niya kapag nagsawa na siya or nairita na sa mga ito.


And then came Juancho. Mukhang matagal-tagal bago niya ito makakalimutan. Iyon ay kung ang pag-iyak niya nang mga oras na iyon ang pagbabasehan. He cried his eyes out over what happened between them even if he tried to control the tears. Hindi umubra ang pagkumbinsi niya sa sarili na mas mabuti nga na maghiwalay na sila dahil.... dahil baka kung saan pa mauwi iyon. Aminado naman siya na may nararamdaman siya para kay Juancho, and that starting to bother him.


Halos magdamag na umiyak si Andrew. Kinaumagahan, bukad sa napakasakit ng ulo niya ay mugtong mugto pa ang kanyang mga mata. Sa kauna unahang pagkakataon ng buhay niya ay nagpasya siyang huwag munang pumasok sa opisina. Mukha naman kasing hindi rin siya makakapag concentrate sa mga gagawain iya at nakakasiguro siya na hindi rin siya tatantanan ni Basty. Ang tanging gusto niya ay maglungga sa kanyang kuwarto at hintayin na humupa kahit konti lang ang sakit na nararamdaman niya.


Pero mukhang hindi mangyayari iyon. Katatapos lang niyang magkape nang marinig niya ang doorbell. Kumabog agad ang kanyang dibdib. Si Juancho ba iyon? Nataranta siya. Kung ito nga, ano ang gagawin niya? Tatanggapin pa ba niya ito uli? Gusto niya. Gustong-gusto. Pero kung maghihiwalay rin lng sila later on....


"Anybody home?"


Napatda si Andrew nang marinig ang tinig na iyon. Hindi iyon boses ni Juancho. In fact, he didn't expect to hear the voice in person.


Dali-dali siyang pumunta sa pinto para tiyakin kung tama ang hinala niya.


"Mommy!" Hindi mapakali si Andrew. Boses nga ng mommy niya ang kanyang naririnig.


"Surprise!" Inilahad nito ang dalawang kamay sa kanya. Agad naman siyang yumakap dito.


"Anong ginagawa n'yo rito?" I thought you'd be staying with Chelsea for another month."


Well, alam mo nman, kung minsan, kahit plano tayo ng plano, kara-karaka ay basta na lang naiibaiyon. That's called life."



"At ano ang dahilan ng pag-iiba ng plano mo? tanong ni Andrew. "It must be something pretty big for you to..." Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil nakuha ng lalaking papalapit sa kanila ang kanyang pansin.



"He's the reason." Ngiting-ngiting bumaling sa lalaki ang mommy niya. "Excited na ako na dalhin siya rito sa Pilipinas."



"Well, honey, is he the son you kept telling me about? tanong ng lalaki na ipinaikot ang isang kamay sa baywang ng kanyang ina.



Ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata  ni Andrew. Honey? Napatingin uli siya sa lalaki. Blonde-haired, blue-eyed ito. Mukhang purong Amerikano.


"Geogre, this is Andrew, my handsome son. Andrew this is George, my.... husband."


"Husband?" malakas na bulalas ni Andrew.



Luminga-linga ang momyy niya, parang naiilang.


"Let's take this inside, shall we?" sabi nito.


Noon lang niya naalalang papasukin ang mga ito.


"Husband?" ulit ni Andrew ng nasa loob na sila.


"Yes, dear. George and I got married in Vegas." Inilaha nito ang kamay sa kanya kung saan kumikislap sa tama ng liwanag ang mga batong nakapalibot sa suot nitong wedding ring. "I wanted to have a more solemn wedding, the kind I have been dreaming about all my life..."


"I was the one who was in a hurry," sabad naman ni George. Inabot nito ang kamay ng mommy niya na ikinulong nito sa dalawang palad nito. "I asked her to marry me but she didn't want to believe me. Imagine her surprise when I took her to Vegas where we could get married in a hurry."



"I can't believe this." Hindi na naitago ni Andrew ang pagkadismaya. "My, bakit?"



"Ano bang bakit ka diyan? Mahirap bang hulaan ang sagot? I'm in love."



"Gaano n'yo na ba siya katagal na kakilala? Mahirap na hindi mainis dito. Ang akala pa naman niya ay natuto na ito pero hayun at hibang pa rin pala ito. Mas lumala pa yata dahil sa pagpapakasal nito nang ganoon-ganoon na lang."



"Bago ako pumunta kina Chelsea ay kilala ko na siya," kwento ng ina niya.


"I worked in the Philippines for a few years," sambot naman ni Geogre. "I met your mother in Subic. We got to know each other pretty well. In short, niligawan ko siya." Marunong pala itong magtagalog.


"But she kept taking everything I said with a grain of salt. I had to go back home because I was called back to our mother company but we continued to communicate," dagdag na paliwanag ni George.


"Wala na akong balak pa sumabak sa pag-ibig. Sino ba naman ang hindi madadala sa mga pinagdaanan ko, di ba? Kaya nga puro deadma ang ginawa ko sa matatamis na salita nitong si George. But he was persistent. And imagine my surprise when he travelled cross country just to see me when he learned na I was with Chelsea." Tumingin ito sa lalaki, punong -puno ng pagmamahal ang mga mata nito, saka nito hinaplos ang pisngi ni George.


"Mas naging close kaming lalo noong nandoon na ako. Imagine-in mo ang effort niya. He has to travel how many kilometers para lang makita at magkasama kami every weekend. Hindi ko inaasahan ito. Hindi ko binalak. Pero tinamaan ako ulit. And this time, I have a good feeling about this. Eh, ita mo naman anak, pinakasalan niya ako. Siya pa ang nagpursige. Samantalang ung mga ibang lalaking minahal ko, eh, ako ung laging naghahabol. Patunay lang siguro na kung minsan, may himala rin. May suwerte. Kaya kapag dumating iyon, hindi dapat pakawalan." Pagkatapos noon ay inihilig ng mommy niya ang ulo nito sa asawa. Si George naman ay hinalikan ito sa ulo.


"I wanted to meet you, to tell you how much I love your mother and that I intend to love her for the rest of our lives" pahayag naman ni George.


"Ayyyy! Kinikilig naman ako," bulaslas ng kanyang mommy.


Nag-iinit ang mga sulok ng mga mata ni Andrew pero pinigilan niya ang mapa-iyak. Masaya ang mommy niya ngaun, hayun at kinikilig-kilig pa. But what about later when the magic or whatever it was that drews two people together have faded? Iiyak na naman ito.


"Kaya nga kita pinipilit na maghanap-hanap dahil kung minsan, iyong suwerte natin, nasa tabi-tabi lang" sabi ng mommy niya ng tumingin ito sa kanya. "Ayoko lang isipin na ang nasaksihan mong masamang karanasan ko ang maging dahilan para iwasan mo ang tsansang lumigaya. At iyong ginawa ng daddy mo, malas na lang niya iyon dahil hindi niya nakilala ang isang napakabuting anak na kagaya mo. Son,  come on, be happy for me."


"I...I'm trying" sagot ni Andrew.



"I'm not expecting you to jump for joy. Ikaw, mas kay Chelsea, ang naging saksi sa dalamhati ko. But this time, I sure hope you'd be willing to witness my happines. But relax walang dahilan para madaliin kita."


Iba na ang pinag-usapan nila pagkatapos niyon. PAgkatapos niyan dulutan ng merienda ang mga ito ay nagpaalam na rin ang mommy niya at asawa nito. Magpapahinga lang daw muna ang mga ito sa hotel na tinutuluyan ng mga ito.


Halos kaaalis pa lang ng mommy niya ng mag-ring ang cellphone niya. Si Chelsea ang tumatawag.


"Nakarating na ba diyan sila mommy? tanong nito.


"Yeah."


"So, are you still breathing? Baka under shock ka pa?" ang tatawa-tawang tanong ni Chelsa.


"Medyo."


"I thought so" sagot Chelsea. "At parang nahuhulaan ko rin ang iniisip mo. That she is making a fool of herself. Kahit nga ako ay iyon ang unang reaksiyon nang ikuwento niya sa akin ang tungkol kay George. But I met the guy many times and he seems genuinely in love with our mother."


"Sa simula naman, eh, ganoon, di ba?" tanong ni Andrew.


"Puwede namang magsurvive ang pagmamahal. Basta siguro handa ka rin lang masaktan muna habang hinahanap mo iyon. Anyway, hindi ko misyon na baguhin ang attitude mo. That would a Herculean task that I am not up for. Gusto ko lang... gusto ko lang na makiusap sa iyo. Try not to give her a hard time. She just seems so happy, hapier than I've ever seen her in her entire life. Gustong-gusto rin niya na isali ka sa kaligayahan niya."


"Ano bang palagay mo na gagawin ko? Ang utusan siya na mag-file ng divorce ora mismo? I guess she's old enough to know what she's doing." sabi ni Andrew sa kapatid niya.


"She has thought long ang hard about this, so I'm sure she went into this with her eyes wide open. Sabi nga niya sa akin ay handa raw siyang masaktan kung iyon ang paraan para matagpuan niya ang kaligayahan. Anyway, say 'hi' to her for me" masayang sabi ni Chelsea.


"I will. Paki-kiss na rin ang mga pamangkin ko para sa akin."


"I will." pagtatapos ni Chelsea ng usapan nila.



Nahulog sa malalim na pag-iisip si Andrew pagkatapos nilang mag-usap ni Chelsea. His mother was so much braver than him. Ilang beses na nga itong nasugatan pero handa pa rin itong masaktan. Samantalang siya, kahit isang sugat  ay wala pang tinatamo pero napakaduwag niya. Ni ayaw niyang harapin ang katotohanan na mas mahalaga na sa kanya si Juancho kaysa sa ipinagpipilitan niya sa sarili. Na para na nga siyang mamamatay kapag naiisip niyang mawawala na ito ng tuluyan sa buhay niya.


What if mawala rin naman siya later? tanong ng isang parte ng kanyang isip.


Then cry your heart out, pick up the pieces and start over. Patunay ang mommy niya na hindi nakakamatay ang masawi sa pag ibig.




... itutuloy

3 comments:

Anonymous said...

I think this is one of the most vital information for me. And i am glad reading your article.
But wanna remark on few general things, The website style is wonderful,
the articles is really excellent : D. Good job, cheers

Look into my web blog; Fake Louis Vuitton Bags

Anonymous said...

Hi there I am so happy I found your site, I really found you by mistake, while I was searching on Aol for something else,
Regardless I am here now and would just like to say
kudos for a tremendous post and a all round entertaining blog (I also love the
theme/design), I don't have time to read through it all at the moment but I have book-marked it and
also included your RSS feeds, so when I have time I
will be back to read a great deal more, Please do keep up the
great work.

Here is my webpage; Paramotor how much are hang gliders - Paramotoring Master

Anonymous said...

Write more, thats all I have to say. Literally, it seems as though you relied on the
video to make your point. You clearly know what youre talking about, why
throw away your intelligence on just posting videos
to your site when you could be giving us something informative to read?



Feel free to surf to my blog best head gasket repair

Post a Comment