Cover Created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Oha! Oha! Sa wakas! Pagkatapos ng ilang dekada ay naisipan ko na ring gawan ng k’wento si Brian! HA HA HA! At syempre, dahil best friend sila ni Renzell Dave ay paniguradong maraming kalokohan na naman ang mangyayari. Dapat ay noong isang taon ko pa ginawa ang k’wentong ito pero dala ng isang malagim na pangyayari ay hindi nangyari `yon. Nyahaha!
Alam kong halos lahat `ata tayo ay naghihintay sa pasko. Kaya naman, para hind imaging boring ang paghihintay natin ng pasko ay samahan niyo si Brian sa pakikibaka niya sa buhay. Ito ang magiging regalo ko sa inyo para sa walang sawa niyong pagtangkilik sa mga k’wentong gawa ko. Ingatssss!!!!
Isang masayahin at mabait na kaibigan. Iyan si Boromeo Ramirez o mas kilala bilang Brian. Dahil nangibang bansa ang mga magulang ay ang mga kaibigan mula pa noong koleheyo ang itinuring niyang pamilya. Sa mga ito lamang niya naramdaman na hindi siya nag-iisa –na may karamay siya sa buhay.
Akala niya ay wala na siyang hahanapin pa, subalit hindi pala permanente ang lahat. Nang magkapamilya ang ilan sa mga kaibigan niya at magkaroon ng mga sariling buhay ang mga ito ay nakaramdam siya ng matinding pag-iisa. He felt that he’s left alone once more. Kaya naman napagdesisyunan niyang humanap ng kaagapay sa buhay at bumuo ng isang pamilya para hindi na siya mag-isa.
Ngunit hindi sang-ayon ang mga kaibigan at magulang niya sa kanyang padalos-dalos na desisyon. Para sa mga ito, ay kahibangan ang kanyang binabalak. Pero dahil desidido na siyang hindi mapag-iwanan ay hindi niya pinakinggan ang mga ito.
Subalit, kung kailan malapit na ang kanyang kasal, ay saka naman sa kanya isasampal ang katotohanan na mali ang pinili niyang tao. Na tama ang kanyang mga kaibigan at magulang. Kinaliwa siya ng babaeng pakakasalan niya at ang malala pa roon ay ang kinasusuklaman pa niyang pinsan ang kalaguyo nito.
Paano ba magalit ang isang Brian Ramirez? At papaano niya mabibigyan ng katuparan ang paghihiganti niya kung ang taong kanyang paghihigantihan, ay kayang patibukin ang kanyang puso sa isang ritmo na kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman.