"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."
He came to a new descision. Nakakatakot man ay handa siyang sumubok din. Hinagilapniya ang cellphone at tinawagan si Juancho. Ang kaso ay hindi nito sinasagot iyon.
Baka naman tulog pa siya, sa loob loob niya.
Pagkalipas ng isang oras ay sinubukan uli ni Andrew na tawagan ang binata pero sa pagkakataong iyon ay sa voice-mail punta ang kanyang tawag. Hindi siya mapakali. Parang hindi siya makatiis na manahimik lang sa bahay at maghintay na sagutin ng lalaki ang tawag. Gustong-gusto na talaga niya itong makiusap.
Pagkatapos mag-isip ay nagmamadaling nagbihis si Andrew para puntahan si Juancho. Medyo pinanghihinaan siya ng loob nang nasa palapag na siya na kinaroroonan ng unit ng binata. He was definitely venturing into new territory. Bukod sa noon lang siya nakaramdam ng mga nararamdaman niya ngayon, ni sa hinagap ay hindi naisip na darating ang panahong siya pa ang hihingi ng tawad sa lalaki, ang makikiusap na mahalin siya nito.
Habang nag-uurong sulong siya kung tutuloy na ba siya sa kahabaan ng pasilyo ay bumukas ang pinto ng unit ni Juancho. Lumabas ito pero hindi ito nag-iisa. May kasama itong babae at parehong ma bitbit na bag ang mga ito. Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi maganda ang kutob niya. Puwedeng magkatrabaho lang ang dalawa pero kung makaangkla ang babae kay Juancho ay parang nandito ang lahat ng karapatan na gawin iyon. Parang pamilyar din ang mukha nito. Tinitigan niya ang babae. Hindi niya matandaan kung ssan niya ito nakita.
Tumigil sa paglalakad si Juancho at kinapa-kapa nito ang bulsa. Natigil din sa paglalakad ang babae.
"Sam, wait lang ha? Naiwan ko iyon cellphone ko," sabi ni Juancho at saka ito bumalik sa unit nito.
Sam? Nang marinig ni Andrew ang pangalan ng babae ay agad niyang napagtanto kung bakit parang pamilyar ito sa kanya. Napakatagal na panahon mula nang huli niya itong makita pero hindi gaanong nagbago ang itsura nito kaya kahit papaano ay nakilala niya ito. Naglaro sa isip niya ang hitsura nito nang pumasok ito sa opisina ng daddy niya at kumandong dito. That was Sam, his half sister. Hindi niya alam na kilala pala ito ni Juancho. Ni minsan ay hindi ito nabanggit sa kanya ng binata. Pero hindi naman lahat ng aspeto ng buhay nito ay ikinukuwento nito sa kanya. Ang tanong, magkaano ano ang mga ito?
Hindi pa ba obvious? Hindi naman siguro magkaibigan lang ang mga ito base sa pag-angkla ni Sam kay Juancho. Hindi kaya nagsawa na rin ang binata sa klase ng relasyong mayroon sila at sinukuan na siya? Isang buwan silang halos walang komunikasyon at maraming puwedeng mangyari sa loob ng panahong iyon.
Ang una niyang reaksiyon ay ang komprontahin ang mga ito pero nabahag ang kanyang buntot nang maalala ang tagpo sa opisina ng kanyang daddy maraming taon na ang nakalilipas. Kagaya noon, siya ang tila walang mapanghahawakang kahit ano. At kagaya rin ba noon ay lalabas siyang talunan sa harap ng kapatid niya sa ama? Hindi niya kaya. Pumihit siya, saka mabilis na naglakad palayo.
Screw all men and screw love! Tama lang naman palang maging allergic siya roon.
Sa opisina na lang muna siya tumuloy. His work had always been his solace. Hindi nga ba at sa loob ng mahabang panahon ay iyon lang nag pinagbubuhusan niya ng atensiyon? Pero kahit doon pala ay may naghihintay na sama ng loob sa kanya. Uupo sa dapat siya nang maagaw ang pansin niya ng puting envelope na nakapatong doon. Agad niya iyong binuksan. Galing iyon kay Juancho.
With much regret, I would like to formally terminate my contract with your company. Unforseen circmstances have occured which makes it difficult for me to continue being associated with your agency. I am willing to face whatever sanction or charges you would wish to pursue against me.
Pormal ang tono ng kabuuan ng sulat pero may idinagdag ang lalaki sa bandang dulo niyon.
P.S.
I wish you happiness and I am sure you'd find it if only you'd stop running away.
Nanlabo ang mga mata ni Andrew sanhi ng pagbalong ng kanyang mga luha. Nilakumos niya ang sulat. Parang nawalan siya bigla ng lakas. Napaupo siya sa swivel chair, saka sumubsob sa mesa. Sandali lang niya pinagbigayan ang pagnanais na umiyak. Mayamaya ay tinuyo niya ang kanyang mga mata.
Nabuhay siya nang walang Juancho sa loob ng mahabang panahon. Makakaya naman siguro niyang mabuhay sa susunod na maraming taon kahit wala ito.
Sawi man sa pag-ibig si Andrew ay hindi yata tama na mabawasanang kaligayahang nakikita niya sa mommy niya dahil lang sa pagluluksa niya.
Give her a break. Iyon ang balak niyang ipagkaloob dito. Kaya nga kapag isinasama siya nito o kaya ay binibisita siya nito ay hindi niya ipinaparamdam dito ang pagtutol sa pagpapakasal nito at hindi rin niya ipinahahalata na may iniinda siya.
Mukhang masayang-masaya ang mommy niya. Bata pa siya nang magkaroon ito ng ilang boyfriends pero sa nahinuha niya ay hindi niya nakita sa mga lalaking iyon ang pagmamahal na nababakas niya sa mga mata ni George tuwing mahuhuli niyang nakatingin ito sa kanyang mommy. He just hoped that this time around his mother would be lucky.
Siya naman ay itutuloy ang dating gawi. At magiging madilim na sikreto na lang niya na may pagkakataon sa buhay niya na may lalaking hinayaan niya ang sarili na mahalin. Inamin pa niya na mahal niya ito. Siguro ay ganoon talaga ang buhay. Some were lucky, some were not.
"Why the long face, baby boy?" Itinaas ng mommy niya ang kanyang baba.
"What long face?" Pinilit niyang ngumiti.
"Gosssh!" Ginaya pa nito ang asta ng mga teenager. "Ako pa ba naman ang lolokohin mo, eh, mula nang ipinanganak kita, nanay mo na ako. May dinaramdam ka? Out with it," anito.
"Wala, 'My. At imbes na kinukulit n'yo ako, dapat nag-eenjoy kayo." Nasa Boracay sila ng mga sandaling iyon. Piniliit siya ng kanyang mommy na sumama. Sandali lang daw ang mga ito sa Pilipinas kaya gusto nitong samantalahin ang pagkakataon na makapiling siya. Hindi naman niya magawang tumanggi.
"Nag-eenjoy naman ako." Ikiniling nito ang ulo para masagap ang sariwang hangin. Pinili nito na sa outdoor restaurant ng pinuntahan nilang resort sila kumain dahil gusto raw nitong makasagap ng sariwang hanging-dagat. Iniwan nila kanina si George sa spa ng resort.
"Have fun. You need some bonding time, I'm sure," ani George.
He was getting to like the guy more and more. Mukhang handa itong gawin ang lahat para mapaligaya ang mommy niya.
"I'm so happy, son. Kung sana lang pati ika----"
"'My, let's not spoil the mood," putol ni Andrew.
"Okay, kaya lang---"
"Uhmm, excuse me..."
Sabay silang tumingin sa nagsalita. Sabay ring napaawang ang bibig nilang mag-ina.
Nakatingin lang si Andrew sa lalaki na tinawag ng mommy niyang "Andres". Hindi niya magawang tawagin ito ng "daddy" dahil hindi naman ito pagpakaama sa kanya sa buong buhay niya.
"Andres!" bulalas ng mommy niya, sabay tutop ng dibdib nito. Ito ang unang nakabawi sa pagkabigla. "Oh, my. What a surprise. Fancy meeting you here. Ano ang ginagawa mo rito? Nagbabakasyon?"
"I'm with my daughter Sam and her man. She insisted that I come along because she wants me to get to know him better, as if I don't see and hear enough of him as it is." Umiling-iling ito. "Daddy's girl ang isang iyon, palibhasa nag-iisang anak namin ni Laura." Gumawi ang tingin nito sa kanya. "Hello." May pag-aalinlangan sa ngiti nito. "You're Andrew, right? You've grown to be a fine young man."
"Mabuti at natatandaan niyo pa ang pangalan ko," puno ng panunumbat na sabi ni Andrew.
"Ever since you mentioned it to me, I never forgot it. And I have been thinking about you all these years," sabi naman ng ama niya.
"Yeah, right," hindi naniniwalang sabi niya.
"Anak...." saway sa kanya ng mommy niya. Nagpapahinuhod ang tinig nito kasabay ang paghawak nito sa kanyang kamay.
"I can understand if he's mad at me. He has every right to be. Kahit ikaw ay may karapatan din. I've no excuse for doing that except to say that I've been a fool... and a coward." Humugot ng hininga ang ama niya. Halatang hindi madali para dito ang sinasabi. "I'm not sure if you know pero ang pamilya ni Laura ang mayaman at sa kompanya nila ako nagtatrabaho pagkatapos naming makasal. I had big dreams and getting rich was one of them. Her father, well, he wouldn't hand me anything on a silver plate. I had to work hard to get ahead and when I did, it made me feel like a king. I also earned the respect of the old goat and that is hard to come by."
Bumaling ang ama niya sa kanya.
"Noong bigla kang sumulpot sa opisina ko, nasa punto ang father-in-law ko ng pamimili kung sino sa amin ng asawa ng kapatid ni Laura ang hahalili sa kanya bilang CEO ng kompanya. I... I didn't want anything to jeopardize my chances."
"Na puwedeng mangyari kung malaman niyang may iba ka pang anak, right?" Nag-ibayo ang pait na nadama ni Andrew. "That's why you told me that I wasn't good enough to be your son and made me feel like crap."
"I an sorry about that. Nag-panic lang talaga ako kaya nasabi ko ang bagay na alam kong makakasakit sa iyo nang sapat para huwag mo na akong guluhin. But I swear, all these years I never stopped regretting what I did. Ilang beses ko na ring iniisip na hanapin ka."
"Then why didn't you?" tanong ni Andrew.
"So much time has passed. I am not sure if you'd still want to see me, to be reminded of the father who turned his back on you. But I never stopped thinking about you. Nagpapasalamat nga ako sa pagkakataong ito na nakita ko kayo," paliwanag ng kanyang ama.
"Daddy, I have been looking all over for you."
Lumapit sa kanila ang babaeng noon pa man ay kilala na ni Andrew.
"Sam, where's your man?" tanong ng ama nila rito.
"He just went to buy some stuff. Papunta na rin iyon dito. So who are they, Daddy?" tanong ni Sam.
"I'm sorry you have to find out this way. But you do have to find out because I don't want to keep on pretending anymore that I don't have a son," paliwanag nito sa half sister niya.
Tumingin sa kanya si Sam na parang may sinasariwa sa alaala. "That boy at the office...." Bumaling ito sa daddy niya.
"You kept bugging me about him. I guess even then you had your suspicions, huh?" sabi ng kanyang ama.
"I did." Ibinalik nito ang mga mata kay Andrew. " This is really quite a shock but, well... I guess it's nice to have meet you, kuya."
"M--me too." Pinilit ni Andrew na sabihin iyon.
Nag-ring ang phone ni Sam. "Excuse me," anito atsaka sinagot ang tawag. "Yes, sweetheart, I'm here with Dad already. Where are you? Yeah? Okay make it quick. Bye. I love you." Tinapos nito ang tawag. "He's on his way here Dad."
Nahulaan agad ni Andrew kung sino ang kausap ni Sam.
Boy, is he in for a shock. May kasamang pait sa kalooban ang iniisip niya na iyon. Hindi ni Andrew ma-imagine ang magiging reaksiyon ni Juancho kapag nagkaharap sila at sa ganoong sitwasyon pa. Heck, he could't imagine what his reaction would be. Noon siya nagsimulang mag-panic. Paano kung mag-breakdown siya sa harap ng mga ito?
"Ahm...I... I have to go," sabi niya.
"Ha? Pero, anak....?" Sinubukan si Andrew pigilan ng mommy niya.
"I really have to go." Tinaggal niya ang kamay ng mommy niya na nakahawak sa kamay niya, sala tinalikuran ang mga ito.
"O, sige Andres, aalis na rin ako. Nice seeing you again and nice meeting you daughter," narinig niyang sabi ng kanyang momy.
"Ano bang nangyari sa iyo?" Humihingal ang kanyang mommy ng maabutan siya nito. "Masama pa rin ba ang loob mo sa daddy mo a----"
"No, 'My. Su---sumakit lang bigla ang ulo ko. Okay lang ba kung bumalik na tayo sa villa? tanong ni Andrew sa ina.
"Oo naman. Tayo na." sabi kaagad nito kahit may pagdududa sa tinig nito. Mabuti na lang at hindi na ito nag usisa pa.
...itutuloy

1 comments:
I am one of ur silent reader. Ngayon lang ako nkapagcomment. I really love ur story. Naawa ako ke andrew sana lumigaya na xa sa totoong magmmhal sa kanya.tnx for the update.
Randzmesia
Post a Comment