Saturday, September 8, 2012

Bittersweet Chapter 20





Model: James
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Author's Note:

Yey! Natapos ko rin ang chapter na ito! Wew! Talagang pinasakit ni Nhad ang sintido ko ng todo! Ha! Ha! Ha! Anyway, dalawang chapter na lang po ang natitira sa k’wentong ito. Gusto ko ring i-promote ang susunod kung kwento na mamabasa niyo ang teaser bago ko i-post ang finale.

Hinihingi ko po sa lahat na magko-comment na mag-iwan ng pen name para mabanggit ko kayo sa mga taong pasasalamatan ko sa nalalapit na finale na ito. Nakagawian ko po iyon na natigil lang pansamantala no’ng kasagsagan ng Complicated Cupid dala ng masyado akong na-praning kay Lantis at Nicollo. HAHAHA

Edrich –Advance Happy birthday sayo!! Birthday niya sa Sept. 11 at di ako sigurado kung aabot ang chapter 21 sa birthday niya kaya dito ko na lang siya babatiin. HAHAHA

Sa mga Anonymous at Silent Readers ko, kamusta kayo mga paps? LOL

ENJOY READING Y’ALL!!! AND KEEP THE COMMENTS COMING!!! ^_^  V Ang hindi mag-comment, pangit! HAHAHA

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Inilibot ni Nhad ang kanyang tingin sa kabuohan ng bar na kanya ngayong pinasukan ngunit hindi ang inaasahan niyang magulo, maraming tao, at halos puno ng usok na bar ang kanyang kinaruroonan. Ibang-iba ito sa mga bar na kanya ng dating napasukan. May karamihan rin ang costumers na naroon ngunit taliwas sa kanyang nakasanayan  sa isang bar, ang mga naroon ay hindi nagkakagulo, hindi rin ang mga ito maingay bagkus, tahimik ang mga itong nakaupo sa mga mesang inuukupahan at matamang nakikinig sa performance ng isang acoustic band. Agad siyang nakadama ng kakaibang lungkot.


Damn! Hindi na dapat ako nagpupunta sa mga ganitong lugar!Piping reklamo niya.


Totoo iyon. Wala na siyang balak pumasok pa sa mga bar sapagkat ibinabalik lamang nito ang isang ala-ala na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang kalimutan. Ngunit dahil sa isang importanteng tao ay wala siyang nagawa kung hindi ang mapasugod.


Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Dapat ay matagal na siyang nakalimot o mas tamang sabihing kay tagal niyang sinikap na makalimot pero sa tuwing may papupuntahan siyang lugar o may isang bagay na nagpapa-alala sa kanyang nakaraan ay hindi niya maiwasang pamigatan ng damdamin. Sinubukan na rin niyang kumbinsihin ang sarili sa mga nagdaang araw na wala na iyong silbi, na hindi dapat niya pag-aksayahan ng oras ang isang bagay na tuluyan ng nawala sa kanya subalit `di niya magawa.


“Hanapin mo sa sarili mo ang rason kung bakit mo kailangang pakinggan ang dahilan niya Nhad. At kapag nahanap mo iyon, puntahan mo lang ako. Kailangan ka ng kaibigan namin.”


At tulad ng palaging nangyayari kapag bumabalik sa kanya ang ala-alang nais niyang kalimutan ay muli niyang narinig sa kanyang isipan ang mga huling sinabi sa kanya ni Miles. Mahigit dalawang buwan na ang nakakaraan pero heto’t hanggang ngayon ay umaalingaw-ngaw pa rin sa kanyang isipan ang mga binitawan nitong salita.


He was so furious that night.  Hindi niya matanggap ang mga mabibigat na paratang na binitiwan nito sa kanya. Ang palabasing siya pa ang may mali, na isa siyang makasarili sa kabila ng katotohanang siya ang iniwan ng hindi manlang nakakatanggap ng paliwanag.Nais niyang kay Miles ibuhos ang lahat ng galit niya sa gabing iyon pero hindi niya nagawa dahil talagang literal siyang nawalan ng lakas sa pinaghalong galit at disappointment.


Sa mga unang nagdaang araw matapos ang kumprontasyon nila ni Miles, aaminin niyang umasa siya. Umasa siyang pupuntahan siya ni Andy para magpaliwanag sa ginawa nito pero hindi iyon nangyari. Lalo lamang tuloy sumidhi ang galit niya ngunit hindi lamang iyon para sa dating kasintahan kung hindi pati na rin sa kanyang sarili sapagkat sa pangalawang pagkakataon sinampal siya ng katotohanan na wala talaga siyang kakayahang paibigin ang mga taong gusto niya.


Nabalik lamang siya sa reyalidad nang bahagyang mabangga siya ng isang papasok na costumer. Agad siyang nagpasingtabi at muling inilibot ang kanyang tingin para hanapin ang taong kakatagpuin niya sa bar na iyon. Hindi naman siya nahirapan.Sa isang sulok ng bar ay nakita niya ang kanyang hinahanap na mag-isang umiinum sa mesang inuukupahan nito at tulad rin ng ibang costumer ay nasa bandang tumutugtog ang atensyon nito.Agad niya itong linapitan.


“Kung hindi lang ikaw ang nagyaya ay hindi talaga ako magpupunta.” Bati niya sa taong kanyang kausap. Hindi rin niya naitago ang iritasyong sa kanyang boses.


Nabaling naman ang tingin nito sa kanya. Ilang taon na ang nakakalipas pero halos wala pa ring nagbago sa hitsura nito. Kung may nagbago man ay wala na ang lungkot na lagi niyang nakikita sa mga mata nito. Pero naroon pa rin ang kakaibang aura ng isang taong nag-iisa sa buhay.


“Ganyan na ba ngayon ang tamang pagbati sa nakakatanda sayo, Nhad?”


Hinila niya ang isang upuan na nasa harap ng kinauupuan nito at doon naupo.


“It’s a surprise na lumabas ka sa lungga mo at makipagkita sa akin.” Pambabaliwala niya sa pagiging sarkastiko nito.


“Kaya ba hindi mo napigilang makipagkita sa akin?” Nakataas ang kilay naman nitong balik sa kanya.


Wala siyang balak magtagal sa lugar na iyon kaya agad na niya itong deretsong tinanong.


“What do you want now kuya Pat? It’s very unlikely of you na lumalabas at makipagkita sa akin para lamang makipag-inuman.”


Natawa ito na ikinagulat niya. Hindi tuloy niya napagiling pakatitigan ito.Masayahing tao ang pinsan niyang ito pero noon iyon. Noong mga panahon bago mangyari ang isang insidenteng bumago ng husto rito –ang pagpapakamatay ng nag-iisa nitong kapatid dahil sa kabiguan at naging kasalanan sa taong pinili nitong mahalin.


“Arogante kana ngayon, Leonard.It seems that the tamed lion has finally decided to show its fangs.” Kinawayan nito ang isang waiter at um-oder ng beer na nasisiguro niyang para sa kanya.


“Walang magandang naidulot para sa akin ang pagiging mabait ko.”Tugon niya rito ng muli silang maiwang dalawa.


Napatango-tango ito na animoy sumasang-ayon  pero hindi naman nakatakas sa kanya ang nanunuring tingin nito. Animoy pilit nitong binabasa ang laman ng kanyang utak.


“Is it true na plano mong sumunod sa parents mo?”Kapagkuwan ay tanong nito. Very casual ang dating ng kanyang pinsan pero hindi niya maiwasang mailang.


Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin. Paano nakarating rito ang balitang iyon at kailan pa ito nagkaroon ng interes na mang-usisa? Sa pagkaka-alam niya, simula ng bumalik ito mula sa ibang bansa ay naging mailap na ito. Mas pinili nitong mamuhay na mag-isa at personal na pamahalaan ang mga naiwang lupain ng mama nito.


“Your mom called me last night. Sinabi niya sa akin ang balak mong sumunod sa kanila. According to her, pati si Lola ay nakumbinsi mo rin daw. To be honest, I was a bit surprised. Mahal na mahal ka talaga ni Lola para mapilit mo siya sa isang bagay na ayaw na ayaw niya. Pero hindi ang pagkakumbinsi mo sa kanya ang dahilan kung bakit ako nakipagkita sa’yo, Nhad. I’m here to personally ask you what made you decide na sumunod sa mga magulang mo?”


“Naisip ko lang na it’s about time na makumpleto na kami.” Kaswal niyang sagot.


“Iyan ba talaga ang totoong rason?” Nanunubok naman nitong balik sa kanya. “Alam ko ang tungkol kay Kenneth at Andy, Leonard at alam ko rin ang lahat ng nangyari.”


Nagulat siya at hindi agad nakapag-react saka niya na-alala na hindi nga imposibleng malaman nito ang tungkol sa dalawang taong naging sanhi ng malaking pagbabago sa kanya. Parehong konektado ang dalawa sa kanyang kuya Claude at kuya Laurence. Mabuti na lamang at sumingit ang waiter na tinawag nito kanina para ibigay sa kanya ang inumin.


“What happened, Leonard?” Pat’s voice was demanding.


“I don’t want to talk about it kuya.”  Wika niya saka lumagok sa bagong dating na beer. Bahagya pa siyang napapikit sa hatid lamig at pait niyon sa kanyang lalamunan.


“No. We will talk about it dahil nasisiguro kong ang nangyari ang dahilan kung bakit ka biglaang nagdesisyong sumunod sa mga magulang mo. Your mom is worried, Leonard, and she knew that there’s something wrong. Kaya niya ako tinawagan at pinakiusapang makipagkita sa’yo.”


“I don’t need someone to check on me. I can well take care of myself and my decision has nothing to do with my past relationships.” Mariin niyang tugon.


“Alam ng parents mo ang mga nangyari sa’yo sa mga nagdaang buwan. Mula sa gabi-gabing paglalasing mo hanggang sa pagkaka-ospital mo.”


Napanganga siya sa pagkabigla. Paanong malalaman ng parent niya iyon? Siniguro niya sa kanilang maid na wala itong babanggitin tungkol sa mga nangyari sa kanya lalo na ang pagkaka-ospital niya noon.


“Sinabi ko sa kanila.” Pagpapatuloy nito.


“You what?!” Hindi niya napigilan ang magtaas ng boses dahilan upang mabaling ang atensyon sa kanila ng ibang costumers.


“Calm down.” Kaswal na pagsaway sa kanya ng kanyang kuya Pat. “Bago ako bumalik dito sa pilipinas ay naatasan na ako ng mama mo na bantayan ka.”


“Don’t tell me––.”


“Alam na nila ang totoo tungkol sa’yo, matagal na.” Pagputol sa kanya ng kanyang kuya Pat. Wala siyang makapang takot sa katotohanang alam na ng kanyang mga magulang ang tungkol sa kanya.


“You’re parents are not that stupid, Leonard. Alam nila ang dahilan kung bakit ayaw mong sumunod sa kanila. Kung bakit mas pinili mong samahan si Lola dito bukod sa ito ang nagpalaki sa’yo. You wanted to be free, to do the things you want to do at kasama na doon ang kalayaan mong pumili ng taong mamahalin mo. Malaki ang naging impact sa pamilya natin ang nangyari kay Alfie. Ayaw nilang isa pa sa atin ang matutulad sa sinapit niya.”


Bumakas ang kalungkutan sa mga mata ng kanyang pinsan. Hanggang ngayon, hindi pa talaga nito tuluyang natatanggap ang sinapit ng nag-iisa nitong kapatid na labis nitong pinahalagahan. Pero alam niyang hindi lamang para sa kapatid nito ang lungkot na iyon dahil alam niya ang katotohanang pilit na ikinukubli ng kanyang pinsan.


“Pero hindi nasunod ang gusto nilang mangyari.”Pagpapatuloy nito. “Sinundan ko ang yapak ng kapatid ko at ang malala pa doon ay kaparehong tao ang pinili naming mahalin.” Ito ang isa sa mga dahilan ng kalungkutan nito at matagal na niyang alam iyon.


“At pareho kayong nabigo.”Mapait niyang dugtong. “Tulad ko.”Dagdag pa niyang sabi.


Noong magdesisyon siyang sumubok makipagrelasyon ay palagi niyang sinasabi na hindi siya matutulad sa nangyari sa kanyang mga pinsan. Na gagawin niya ang lahat para maipakita sa kanyang mga magulang na liligaya siya sa buhay na kanyang pinili. Kung hindi man ay makakaya niyang dalhin ang kanyang pagkabigo ngunit kabaliktaran ang lahat ng nangyari. Pero hindi pa man niya nagagawang ipagtapat ang lahat sa mga ito ay heto’t naunahan na pala siya. Ang masama pa nito ay alam ng mga ito ang masamang sinapit niya sa kanyang mga naging relasyon.


“Dahil tinularan mo ang mga pagkakamaling ginawa namin.”Ani ng kanyang kuya Pat.


“Hindi mo na kailangang ipangalandakan iyan sa akin. Tanggap ko nang tama sila, walang patutunguhan ang pinili nating buhay.”Mahirap mang tanggapin pero mukhang tama ang kanilang pamilya.Walang magandang maidudulot ang pinili nilang buhay –ang magmahal ng kapwa nila lalake.


Bahagya itong natawa.


“Stupid. Hindi iyan ang ibig kung sabihin.”


Nangunot naman ang kanyang noo sa tinuran nito.


“You see. Alfie and I decided to love the same person. Iba nga lang ang naging paraan namin para takasan ang aming pagkabigo. Gumawa si Alfie ng isang bagay na sumira sa kanilang dalawa ni Lance habang ako naman ay tinanggap sa aking sarili na hindi niya ako p’wedeng mahalin.” Huminto ito para uminom bago muling nagpatuloy.


“Pareho naming tinakasan ang pagkakataong maipaglaban ang taong mahal namin at iyon ang tinularan mo sa amin. Pero hindi tulad namin, binigyan ka ng pangalawang pagkakataon ng tadhanang itama ang naging mali mo.”


Lalong nangunot ang kanyang noo dala ng ibayong pagtataka.Hindi niya makuha ang ibig sabihin ng kanyang pinsan.


“You failed with Kenneth dahil hindi mo siya ipinaglaban noon. Basta mo na lang siya isinuko kay Martin.”


“Hindi totoo `yan.” Mariin niyang pagtanggi. “Lumaban ako, nagmakaawa, pero hindi ko nagawang maibalik siya sa akin.”


“Yep, alam ko rin iyan at doon ka pumalpak sa buhay mo, Nhad. Hindi mo nakita ang dapat mong makita sa gabing tinanggihan ka ni Kenneth.”


“Ano ba talaga ang gusto mong palabasin kuya Pat?” Nagsisimula na siyang makaramdam ng iritasyon.


Napabuntong hininga ito.


“Kenneth was not the right person for you, Nhad. Ipinahiram lang siya sa’yo para turuan kang maging matatag at maging handa sa pagdating ng taong para sa’yo.Pero imbes na magpatatag sa’yo ang kabiguan mo sakanya, iyon pa ang ginamit mo para muling masira ang pangalawang pagkakataong ibinigay sa’yo.”


“Walang kinalaman ang naging relasyon ko kay Ken sa pag-iwan sa akin ni Andy!”


“Hindi si Andy ang nang-iwan sa’yo kung hindi ikaw. Ikaw ang tumalikod sa kanyaat dahil iyon sa naging relasyon mo kay Kenneth. Natakot kang masaktan, maulit ang mga nangyari noon. Ang magpapatunay sa mga sinabi ko ay ang suppression na ginawa mo sa nagdaang mga buwan simula ng mawala si Andy sa’yo. Hindi ka nagwala, hindi mo pinakita sa mga tao na nasasaktan ka dahil ayaw mong tanggapin ang katotohanang isinampal sa’yo noong gabing kausapin ka ng isa sa mga kaibigan niya. You see,iyan ang naging epekto sa’yo ng pagkabigo mo kay Kenneth. Nawalan ka ng kakayahang ipagkatiwala sa iba ang puso mo. At alam mo bang lahat ng iyan ay napapansin sa’yo ni Andy? But he opted to stay beside you. Pinili niyang intindihan ka kahit may mga problema rin siyang nangangailangan ng tulong at pag-intindi mo.”


Hindi siya nakapagsalita sa mga reyalisasyong ibinigay sa kanya ng kanyang pinsan. Kalahati sa kanya ang tumututol sa mga sinabi nito ngunit kalahati rin naman niyon ay sumasang-ayon.


“Sinabi mo sa sarili mo nang dumating si Andy sa buhay mo na kaya mo nang kalimutan ang lahat. Na handa ka na ulit sumugal. But the truth was you chose to live a life with pain mixed with pleasure. A bittersweet life.”


Ngayon lang niya tuluyang naintindihan ang lahat. Kung bakit sobrang eager siyang makuha ang pagmamahal ni Andy. Pinaniwalaan niyang ang rason niya ay dahil gusto niyang lumigaya at mahalin. Pero ngayon, alam na niya ang totoong dahilan. Gusto niyang makuha ang pagmamahal ni Andy dahil gusto niyang makalimot ng tuluyan. Gusto niyang pawiin ang sakit na dulot ng kanyang pagkabigo sa pamamagitan ng pagmamahal na iyon ni Andy sa kanya. Tama ang kanyang kuya Pat at si Miles. Naging makasarili siya at walang ibang pinahalagahan kung hindi ang sarili niya.


Bigla siyang tumayo.


“Saan ka pupunta?” Kaswal na tanong sa kanya ni Pat.


“Kakausapin ko siya.” Ang may determinasyon niyang sabi.


“Don’t you think it’s already too late para kausapin mo pa siya? Baka nakakalimutan mong mahigit dalawang buwan na simula ng abandunahin mo siya. Nasisiguro kong hindi na kailangan ni Andy ang kahit na anong paliwanag mo ngayon. Tanggapin mo na lang ang katotohanang ipinatalo mo na ang pangalawang pagkakataong ibinigay sa’yo.”


Natigilan siya.Ano pa nga ba ang silbi ng gagawin niyang pakikipagkita ngayon kay Andy?Huli na ang lahat. Marami na siyang sinayang na mga araw dahil inakala niyang siya itong nadehado. Na siya itong pinaglaruan at ginago.


“K-Kailangan niyang marinig ang mga paliwanag ko.”


“Paliwanag mo?At bakit ka magpapaliwanag sa kanya?” Ang tila nanunubok na wika ng kanyang pinsan.


“Inaamin kong nabulag ako ng galit ko. Ginamit ko ang pagmamahal ni Andy para sa sarili kong pangangailangan. Hindi ko manlang inisip na siya man ay may pangangailangan din sa akin. Aaminin ko ring naging bulag ako sa katotohanan sa mga nagdaang buwan, pero may isang bagay akong nasiguro sa sarili ko sa pagkawala ni Andy na naging dahilan upang magdesisyon akong lumayo.”


“At iyon ay?”


“Hindi ko na siya kayang tiisin kuya. Alam ko sa sarili ko na isa sa mga araw na ito ay hindi ko na mapipigilang puntahan siya at kausapin. At sobra ko iyong ikinakatakot dahil alam kong masasaktan ako sa posibleng sasalubong sa akin kapag nagkaharap kami.”


“Wala akong makitang pagbabago sa sitwasyon mo ngayon, Nhad. It doesn’t mean na natauhan kana ay magbabago na ang lahat.” Maagap na wika nito bakas ang pagpapa-alala sa kanya.


“Hindi na importante sa akin ngayon kung ano ang p’wede kong malaman sa muling paghaharap naming ito. Mas importante sa akin ang makahingi ng tawad sa mga pagkukulang ko sa kanya noon.”


“I see.”Napapatango nitong sabi.






Tinungo niya ang bar na pinagta-trabahuan ni Andy.  Ang bar na sa loob ng mahigit dalawang buwan ay iniwasan niyang madaanan at puntahan sa takot na hindi siya makapagpigil at pumasok siya at harapin si Andy. Nang makababa siya sa kanyang sasakyan ay ibayong kaba ang kanyang naramdaman. Muli na niyang makikita ang dating kasintahan. Ngunit ang inaasahan niyang muli nilang pagkikita ay agad na naglaho nang mapag-alaman niya sa kaibigang bouncer na mahigit isang buwan ng nag-resign si Andy bilang barista sa bar na iyon.


Bagsak ang balikat siyang bumalik sa kanyang sasakyan. Sunod niyang pinuntahan ay ang apartment nito subalit muli lamang siyang nabigo sapakat sarado iyon at walang bakas na may tao sa loob hanggang sa maalala niya si Miles.


Hindi nahirapan si Nhad na tuntunin ang bahay ni Miles, sapagkat minsan na niya itong napuntahan kasama si Andy. Pumara ang kanyang sasakyan sa tapat ng mataas na puting gate ng bahay nito. Mabilis siyang bumababa sa kanyang sasakyan. Alam niyang pangdi-disturbo ang gagawin niya dahil pasado alas-nuebe na iyon ng gabi pero wala na siyang pakialam. Hindi naman siya nahirapan, matapos niyang makapag-doorbell ng tatlong beses ay may nagbukas sa kanya na isang babae. Sa pananamit nito ay nasisiguro niyang katulong iyon.


“Nariyan ba si Miles?”Pormal niyang tanong rito.


“Opo. Kanina pa niya kayo hinihintay. Pasok po kayo.”


Napakunot ang noo niya. Hinihintay siya ni Miles? Imposible yata iyon wala itong kaalam-alam na pupunta siya sa gabing iyon. Malamang ay isa sa mga kaibigan nito ang hihintay at napagkamalan lamang siya ng katulong.


“Hindi na. Paki sabi na lang na hihintayin ko siya dito sa labas.” Pambabaliwala niya sa maling akala ng katulong. Hindi na rin niya ito itinama sa takot na baka hindi siya harapin ni Miles kapag nalaman nitong siya ang naghihintay dito. Posible iyon lalo pa’t hindi maganda ang huling ingk’wentro nila.


Agad namang tumalima ang katulong at nang sumunod na bumukas ang maliit na bahagi ng gate ay iniluwa niyon si Miles. Subalit ang inaasahan niyang pagrehistro ng gulat sa mukha nito ay hindi nangyari.


“Ikaw pala, Nhad.”Kaswal nitong sabi.“Kaya ka ba nandito dahil hinahanap mo si Andy?”


“Oo. Gusto ko siyang makausap.” Walang paligoy-ligoy niyang sabi.


“Huli kana, Nhad. Hindi mo na––”


“Wala akong pakialam kung huli na ako. Gusto ko lang siyang makausap, Miles.” Hindi na niya ito hinayaang tapusin nito ang iba pa niyang sasabihin. Dahil kahit ano pa man iyon buo na talaga ang desisyon niya.


Pinakatitigan siya nito ng husto bago siya nito linagpasan at umikot papunta sa kabilang bahagi ng kanyang sasakyan at buksan ang pintuan sa may passenger seat.


“Ano pa ang tinatayo-tayo mo riyan?Tara at sasamahan kita kay Andy.”


Naguguluhan man ay pumasok na siya sa kanyang sasakyan at agad na in-start ang makina nito. Habang nasa daan ay napag-alaman niya kung saan naroon si Andy at iyon ay sa bahay pa rin ni Jasper. Nalaman rin niyang kasabay ng pagre-resign ni Andy sa bar ay iniwan na rin nito ang pangungupahan sa apartment at doon na sa bahay ni Jasper piniling tumira.


Hindi na siya nabigla sa mga nalaman dito pero hindi rin niya napigilan ang makadama ng sakit at matinding paninibugho. Ang isiping magkatabing natutulog si Andy at Jasper ay talagang nagpapasikip sa kanyang paghinga. Pero ano nga ba ang kaparatan niyang magselos? Siya naman itong hinayaan na lang na mawala sa kanya si Andy.


“Andy deserves to be happy. All his life, palagi na lang siyang nagsasakripisyo para sa ibang tao. Ewan ko ba kasi sa isang iyon, ang hilig magkagusto sa mga taong walang k’wenta.”


Napabaling siya kay Miles dahil sa tinuran nito. Batid niyang siya ang pinapatamaan nito pero hindi niya magawang umalma dahil alam niyang totoo iyon. Napakawalang k’wenta niyang tao at napakamakasarili.


Ilang saglit lang ay narating na nila ang bahay ni Jasper. At hayon na naman ang kabang kanina lang ay naramdaman niya senyales na talagang naroon na ang taong hinahanap niya.


“Tara sa loob, naroon si Andy.”


Bahagya siyang nag-atubili pero hindi na niya iyon pinansin pa at bumaba na sa kanyang sasakyan. Mula sa gate ng bahay ni Jasper ay kailangan pa nilang maglakad para marating ang main door ng bahay. Habang papalapit sila ay siya namang lalong pagtindi ng kaba na nararamdaman niya. Kung tutuusin ay p’wedi pa siyang umatras subalit mas malakas pa rin ang kanyang pagkagusto na makita ang dating kasintahan kahit alam niyang wala na siyang aasahan pa rito.


Nang marating nila ang main door ay si Miles na mismo ang kumatok niyon. Ilang saglit ay bumakas iyon at iniluwa si Jasper. Agad na nagtama ang kanilang mga tingin.


“Mukang naligaw ‘ata itong kasama mo, Miles.” Wika nito na sa kanya nakatingin. Hindi siya nagpatalo at tinapatan ito ng kaparehong tingin.


“Gusto niyang makausap si Andy, Casper.” Ani naman ni Miles.


Batid niyang sinusukat siya nito sa uri ng tingin nito sa kanya pero hindi siya nagbawi ng tingin. Tinapatan niya iyon at ipinakita rito na hindi siya basta-basta magpapatinag. Si Jasper ang unang nagbawi ng tingin sa kanilang dalawa.


“Hindi mo na siya dapat dinala rito, Miles.” Bakas ang iritasyon sa boses nito.


“Wala akong makitang mali sa ginawa ko, Casper.” Kaswal na tugon naman ni Miles dito. Halatang hindi ito apektado sa ipanakitang iritasyon ng kaibigan.


Muli siyang binalingan ni Jasper bago nito linuwagan ang pagkakabukas ng pintuan tanda nagpapatuloy nito sa kanila. Nang nasa loob na sila ng bahay nito ay agad sila nitong iniwan.


“Good luck.” Wika sa kanya ni Miles saka ito pasalampak na naupo sa sofa.


Magtatanong na sana siya kung ano ang ibig nitong sabihin nang makita niya si Jasper na pabalik na habang nakaakbay kay Andy. Biglang nanikip ang kanyang dibdib. Inaasahan na niya iyon pero iba pa rin pala kapag harap-harapan ng isinasampal sa’yo ang katotohanan.

Javier Colon Stitch By Stitch

Powered by mp3allmusic.com

Itutuloy:

40 comments:

Anonymous said...

grabe ka mambitin!...wahahaha...ang sama sama mo...wahahaha...peace!!!...ang adik ni nhad...two months talaga bago nya marealize kagaguhan nya...wahahaha...i smell something fishy lang...wahahaha...di ko muna sasabihin baka maspoil ko yung kwento..wahahaha..nice one zeke...haha...

-Berto-

Anonymous said...

naman zeke!! Ive been waiting for this chapter!!!!

Bakit sa part na yun mo binitin???? Waaaaah!!!

Yhad S. Beucharist said...

how sad sabi ko na nga ba eh, sad ending talaga ito eh, huhuhu!!!

ryan lee said...

Intense nmn un last part..... Badtrip ng sobra c casper jasper epal!!!!! Argggghhhh....

jaycee mejica said...

Fight Nhad ! Andy deserves to be happy :))

youcancallmeJM said...

ganda ng chapter na ito... worth it ang paghihintay :]

--makki-- said...

waaaaaaaaaaah! GOODLUCK! lol nice one poy! bwahahaha exciting ang pagtatagpo! Bespren Vs. Boypren (Ex)!!! SA PULA o sa PUTI!

nivz said...

bitin n nmn kiel...hehehe no b yan....muzta na kiel????hehehe

Anonymous said...

kya zilds.... bitin naman po.... muntik na pong tumulo luha ko... heheheh ---nin1989

Tommy said...

INTENSE!! :))) ang galing mo talaga GREAT ZILD AUTHOR BWHAHAHA!. GO NHAD! IPAGLABAN MO ANG IYO :D

Anonymous said...

sobra ka poy...tagal mu kaming pinaghintay sa chapter na to taz sa ganun lang natapos...hay may kutob ako na natanggap na ni casper the unwanted sperm ang katotohanan about andy na hhindi na siya ang mahal nito at palabas lang niila lahat yun...hay sobra naman maka pambitin talaga..

_iamronald

Unknown said...

Makapambitin wagas.... Waaaaahhhhh sana di pa huli ang lahat para kay Nhad....

russ said...

hehehe every last word ay kinakabahan ako Z..hehehe..

Anonymous said...

pwedeng next na agad kuya zeke..hahaha..ito na yung hinihintay ko..away na..ahahaha..game!! fight!!

-J

manila_sex_actor said...

naku mahirap talaga ang taong di marunong makinig at nagiging huli na ang lahat pero huli na nga ba ang lahat para magbago ang isang tao

Anonymous said...

Kinakabahan talaga ako habang nagbabasa nakakapagpakababag ng sobra sobra! Tsk! Binitin mo na naman kami ZEK! Master kana talaga sa pambibitin hahahaha! Next na please!!!!!!!! Mwuah

Pat
Tagasubaybay
Mula pa nung mga bata pa si Ace at Rome

Anonymous said...

MARAMING MARAMING SALAMAT PO KUYA Z!! Punta po kayo dito sa bahay sa tuesday hah! Hintayin po kita. LOLS =))))) hehe Advance HAPPY HAPPY BIRTHDAY din po senyo!! Ingat palage. God Bless po. Ano kayang nangyari kay Andy? Pag binabasa ko po tong Bittersweet feel na feel ko, ako si Andy! Haha :) feeler lang. Anyways, good luck kuya, sana may new story ulet.

- drich here..

Anonymous said...

parang may idea na ako sa mga nangyayari... hahahaha... nakakatuwa tong chapter na to.. nagbabalik pa si pat... excited na ako sa next chapter.. nice one author!!! :) silent_al

TheLegazpiCity said...

Battle of the Performance ba itachiwa??

Anonymous said...

di ba pwedeng extend hanggang chapter 25?! :)

- London

Unknown said...

nakakainis ka zeke!!! haha. gaaaahhhh! ung mga cliffhangers mo talaga walang palya kahit kailan. :D

kiero143 said...

what??as in??ngkabalikan si Jasper tsaka si Andy?? i hate it..dapat si Nhad yun...si Jasper ang may kasalanan nito...hindi sya marunong tumanggap ng pagkatalo...he's too selfish!!i hate him...sayang kagwapuhan nya...ang pangit ng ugali nya...


next please...nakakainis tong chapter na to...hahaist...sana makahanap nalang si Nhad ng taong mgmamahal sa kanya...at maipakita nya kay Andy...hahahahha

Unknown said...

ayan na ang face off.. :p go nhad..!!!!

Unknown said...

Next. Chapter na po....heheh

Anonymous said...

waaaaah excited na ko. whew! haha intense! salamat zildjan!!!
-JayAr

Yhad S. Beucharist said...

advance happy birthday po!

Anonymous said...

Kala ko pa naman mag-cameo appearance uli ang 7th High barkada sa chapter na 'to. Pero ayos na rin at nagbalik si Pat.

- Edmond

Mr. Brickwall said...

Nakakabaliw lang! yun lang! waaaah!

good to read that jasper/casper is doing just fine. im so proud of andy, such a good friend and selfless. (maka-proud naman ako, haha)

at isa pa. grbe na pagkakadugtong ng mga tauhan, dpat may post bout s family tree ng mga characters e, uber extended branches. haha.

im waiting. waiting for the HAPPY ending of the story. make it a happy one pretty please? 3:

Anonymous said...

don't you ever give up on Andy, Nhad.. hehe affected much

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

Naniniwala ako na magiging maganda ang ending nito. Pat said everything. Ang ganda ng realization s story. Galing tlga kuya zeke! -arc

MARK13 said...

nice chapter kuya zild,..may gyera na namang mangyayari sa pagitan nila Casper at Nhad...

nakakaexcite ang susunod na kabanata,kaabang-abang talaga.... :))

Steffano said...

this is brilliant.

Anonymous said...

excited much grabe ang gandatalaga hahah...mukhang may makakarelasyon na si pat this time sana si brian na yun hahah


jubert:)

Lawfer said...

why say “ikaw pala” if u’re expecting one’s arrival? lolz

kung mkasinging ng ibng karakter wagas xD
peo nice patch

mganda ung pgkakabitin sa huling bahagi, it adds up to d excitement lalu pa’t mgwawakas na ang kwento

bt there’s one thing i dnt undrstand, ampalaya.
there’s a chasm between nhad and andy bt y didn andy made a move to cross it somehow?
yeah mtgas c nhad, nbulagan at nbingi, bt cnt andy send a plain nd simple “sorry” msg? jst to show he is really sorry for what had happened?
d q tlaga un ma-getz

Zildjian said...

Ang kasagutan sa tanong mong iyan ay nasa chapter 21 katanashi no rue. Hihihi

sinasabi ko na nga ba't may isa.sa inyo ang magtatanong sa bagay na iyan and im glad na ikaw iyon. Hahaha

mncantila said...

nakakainis ka jasper..ur so selfish.. loser talaga.. huhuhuh.. I feel sorry for Andy and Nhad... kuya Z, bakit ganyan na lang yan?sana c Nhad at Andy dapat mag happy ever after..

mncantila said...

kuya Z.. dapat Nhad at Andy ang ending at patayin mo na sa last part si Jasper, kakainis...

Lawfer said...

weh

pinaninindigan m lang na aq ang critic mo adik
bwahahaha

bt anyway, cnu bang d mg-iicp nun eh 2 long months un na kinikimkim nia ung guilt na d man lang nkakapagsabi ng kahit isang payak na appology?
what can one do when one looses what matters most?

eelkahr said...

unawain nyo na lang si andy....
matagal din naman nya minahal si jasper eh....

hi kuya Z (makagaya lang hahaha)

new lang me here...
sana di ako madisappoint sa mga sinusulat mo ehhehee....

Anonymous said...

'no man is an island' talaga...dhil me mga pagkakataon na talagang hindi natin kayang ipaintindi sating sarili ang dpt gawin na sa ibang tao naman ntin matututunan...finally, nhad, through pat, e narealize nrn nya...hope things will fall into proper places nrn pra sa kanilang tatlo..

-monty

Post a Comment