Tuesday, September 11, 2012

Bittersweet Chapter 21



Model: James
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Author's Note:


Hay salamat natapos din ang pakikibaka ko sa chapter na ito. HAHAHA  Wala na muna akong maraming sasabihin dahil talagang sabog na sabog na ako sa chapter na ito.

Gusto ko nga rin palang batiin sina Stan, Lexin, Nice, Earl, Nin, Cholo, Nivs, JR –Kung bakit sila ang binati ko sa chapter na ito ay hindi ko alam. HAHAHA Basta na lang silang pumasok sa kokote ko.

Hinihingi ko rin po sana na mag-ewan kayo ng pangalan o pen-name kapag nag-comment kayo para mabati at mapasalamatan ko kayo sa gagawin kong special posting ng mga pangalan ng mga taong sumuporta at sumubaybay sa kwentong ito. Isa po iyon sa mga nakagawian ko bago ko isara ang k’wento.

Ito po ang pre-finale ng Bittersweet at dahil hindi ko nakaugalian ang mambitin sa finale, asahan niyong gagawin ko ang lahat ma-kontento lang kayo at kiligin!

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Kaharap ngayon ni Nhad ang taong minsan na rin niyang hindi pinahalagahan. Iyon ay dahil pinairal niya ang kakitiran ng kanyang isipan. Ngayong malinaw na sa kanya ang lahat at natanggap na niya ang kanyang mga pagkakamali ay siya namang paglabo ng pag-asang muli niyang makuha ang taong sa kabila ng kanyang pagpipigil na magmahal ulit ng todo ay nakuha siyang pa-ibigin nang hindi niya namamalayan.


Yes, unconsciously ay naibigay niya ang kanyang puso kay Andy pero tulad ng sinabi sa kanya nang kanyang pinsan, hinayaan niyang makawala sa kanya ang pangalawang pagkakataong ibinigay sa kanya ng tadhana at sobrang sakit ang dala ng katotohanang iyon sa kanya.


“Gusto mo raw akong makusap?” Si Andy ang bumasag sakatahimikan. Naroon pa rin ang kaibigan nitong si Miles na parang walang pakialam na nakasalampak sa sofa habang si Jasper ay naka-akbay pa rin dito.


“O-Oo.Kung maari sana.”  Kahit anong subok niyang ituwid ang pagsasalita ay hindi niya magawa.


Binalingan nito ang naka-akbay na si Jasper na para bang ito ang magde-desisyon kung pagbibigyan ba siya o hindi. At aaminin niyang nakadama siya ng selos. Kung ipinaglaban sana niya ang karapatan niya noon ay siya sana ngayon ang nakaakbay dito. Ngayon niya napagtanto ang malaking pagkakamali niya. Ngayong huli ang lahat para sa kanila.


“10 minutes.” Wika ni Jasper tanda ng pagsang-ayon saka siya binalingan. “Sampung minuto lang ang p’wede kong maibigay sa’yo para makausap siya. Pagkatapos niyon, p’wede ka nang umalis. Miles, doon tayo sa kusina at may beer ako sa ref.”


Ilang saglit pa ay naiwan na silang dalawa ni Andy sa sala ng bahay. Nakatayo itong nakatitig sa kanya na wala manlang pagkailang na mababakasan sa mga mata nito habang siya, ay hindi na magkamayaw ang kabang nararamdaman.


“G-Gusto ko sanang humingi ng tawad sa’yo.”Pagbubukas niya ng usapan. Alam niyang wala na siyang panahong magpaligoy-ligoy pa dahil sampung minuto lamang ang ibinigay sa kanya ni Jasper.


“Para saan?” Ani naman nito sa kaswal na tinig. “Kung may dapat mang humingi ng tawad sa ating dalawa ay ako ‘yon. Iniwan kita ng walang pasabi.”


Kung noong alipin pa siya ng kanyang galit at kakitiran ng kanyang isip ay baka nga ito pa dapat ang manghingi ng tawad sa kanya. Ngunit naliwanagan na siya at nakita na niya ang kanyang mga pagkakamali.


“Dapat ipinaglaban kita noon.”Sa halip ay wika niya. “Hindi ko dapat basta na lang hinayaan kang lumayo sa akin.”


Hindi ito tumugon. Nanatiling nakatitig ito sa kanya.


“I’m sorry Ands.Alam ko na ngayon ang mga pagkakamali ko. Naging makitid ang utak ko at naging sarado ako sa mga paliwanag mo. Hindi ko inisip na hindi lamang ako sa ating dalawa ang may pinagdaanan. Ipinagdamot ko sa’yo ang pag-intindi ko.”


Umiling ito.


“Wala kang dapat ipaghingi ng tawad, Nhad. Kung ikaw ay nabulag sa galit mo, ako naman ay nabulag ng husto sa pagpupumilit kong sumaya. So you see, pareho lang tayong nagkamali, Nhad. Pareho lang nating ipinilit ang relasyon natin. Ako, dahil nangangailangan ako ng pagmamahal sa isang tao at ikaw, dahil nangangailangan ka naman ng taong magbubura ng sakit na sanhi ng nakaraan mo. Ang naging relasyon natin ay hindi dahil sa mahal natin ang isa’t isa. It happened because we needed each other. Hindi natin kailangang humingi ng tawad sa isa’t isa.”


Ano ang gusto nitong palabasin? Ibig bang sabihin nito ay wala rin itong pagmamahal sa kanya? Is he saying that their so called relationship before was just for their convenience. Para lamang matugunan ang mga pangangailangan nila noon?Hindi yata niya matatanggap ang gano’n.


“S-Sinasabi mo bang hindi mo ako minahal, Andy?” Ang tila kinakapos sa hanging naisambit niya.


Nagkibit balikat ito.


Ano ba ang nangyari dito?Bakit parang ibang tao ang kaharap niya ngayon. Hindi na niya makita ang dating Andy dito. Napakalamig at napaka passive ng pakikitungo nito sa kanya.


“I should’ve fight for you.” Wala sa sarili niyang naiwika.


“Pero hindi mo ginawa.” Doon na niya tuluyang nakita ang katotohanang ikinukubli nang mga mata nito. Naroon ang pait at galit.


“Ands…”


“Isang napakahirap na desisyon ang ginawa ko nang araw na matapos mo akong maihatid sa apartment ko –ang araw kung saan inabandona mo ako. Umasa ako na darating ka. Na ililigtas mo ako at ipaglalaban mo ang relasyon natin. I expected you to save me Nhad dahil sa mga panahong iyon, wala akong ibang choice kung hindi ang magsakripisyo at umasang darating ka para kunin ako. Pero hindi nangyari iyon.” Tuluyan na nitong pinakawalan ang tinitimping emosyon.


Akamang lalapitan sana niya ito nang pigilan siya nito sa pamamagitan ng pag-iling.


“Ands, miniwala ka––”


“Tanggap ko na.” Pagputol nito sa kanya. “Nakakatawa nga lang isipin na matatagalan bago ko matanggap na hindi mo naman talaga ako minahal. Na lahat ng mga magagandang ipinakita mo sa akin ay hindi pagmamahal kung hindi para lamang mapatunayan mo sa sarili mo na nakalimutan mo na ang kabiguan mo kay Ken.”


“Hindi ko sinasadya iyon, Ands.”Maagap niyang tugon. “Alam ng Diyos kung gaano ko pinaniwalaan na kaya ako sobrang eager na makuha ang pagmamahal mo ay dahil sa gusto ko ring lumigaya at mahalin. I admit na ang mga nangyari sa naging relasyon ko noon kay Ken ay nakaapekto sa akin ng husto. Pero ––”


“Tapos na ang sampung minuto mo.” Biglang sulpot na wika ni Jasper.


“Sandali.”Maagap niyang pagtutol. May mga gusto pa siyang sabihin dito na hindi pa niya nasasabi.


“Umalis kana, Nhad.” Ang wika ni Andy. “At sana ito na ang huling beses na magkikita pa tayo.”


“Ands?”Hindi siya makapaniwala. Hanggang dito na nga lang ba talaga sila? Wala na nga ba talaga siyang magagawa pa?


Binigyan niya ito nang nagmamakaawang tingin.Gusto pa niya itong makausap. Gusto pa niyang sabihin dito ang mga bagay na kanyang natuklasan sa mga nagdaang buwan simula ng mawala ito sa kanya.Pero kailangan pa ba iyon? May magagawa pa ba ang mga sasabihin niya para mabago ang lahat? Tama ang kanyang kuya Pat, he already lost his chance. Huling-huli na talaga siya.


“Kalimutan mo na lang ang lahat Nhad, dahil iyon na ang ginawa ko.” Wika nito sa kanya.


Kalimutan? Kung hindi sana sila nagkaharap ngayon ay posibleng mangyari iyon. Subalit ngayong mas lalong pinatatag ng mga sinabi nito ang kanyang mga pagkakamali, papaano siya matatahimik?


“P’wedi ka nang lumabas.” Ani naman ni Jasper sa nag-uutos na boses.“At huwag mo na kaming guguluhin pa.”





Natagpuan na lamang ni Nhad ang kanyang sarili na nilulunod ang sarili sa alak sa isang bar. Ang ginawa niyang suppression sa kanyang nararamdaman sa mga nagdaang araw simula ng mawala sa kanya si Andy ay tuluyan ng umapaw. Pagsisisi, paghihinagpis at panghihinayang ang halo-halong damdaming sumakop sa kanya matapos ang naging pag-uusap nila ni Andy.


The coldness of Andy’s voice made his heart ache. Ngayon niya napagtanto na ang pagiging sarado niya sa mga paliwanag nito ay isang napakalaking pagkakamaling nagawa niya.


“Hindi mo alam kung gaano kabigat para kay Andy ang naging desisyon niya ngayon at lalong hindi mo rin alam kung bakit niya ginawa iyon. Huwag mo siyang husgahan dahil hindi katulad mo ang kaibigan ko na makitid ang utak at tanging sariling damdamin lamang ang binibigyan ng pansin!”


Paulit-ulit ang mga salita ni Miles sa kanyang isipan. Tama ito, sa nakita niya kaninang pait sa mga mata ni Andy, doon niya napatunayan na tama si Miles. Hindi niya sinubukang alamin ang lahat.Naging makitid at makasarili siya.


Napapailing niyang inubos ang laman ng kanyang hawak na baso. Napabigat ng kanyang pakiramdam, at talagang linalamon siya ng matinding pagsisisi. Hindi niya matanggap na tuluyan na nga niyang ipinatalo ang pangalawang pagkakataong ibinigay sa kanya.


“Fancy seeing you here.”


Mula sa malalim na pag-iisip ay nabaling ang kanyang atensyon sa hudyong um-isturbo sa kanya. Bahagya pa siyang napakunot-noo nang hindi niya agad ito makilala.


“Di ba ikaw yong––”


“G’wapo?” Pagputol nito sa kanya. “Masyadong obvious naman di ba?”Ang nakangisi pa nitong dagdag.


“Dave, nakahanap ka naba –– oh, kilala kita, ah.”


Dahil sa bagong dating ay tuluyan na niyang na-alala kung sino ang mga ito.


“Di ba kayo ang mga kaibigan ng Ate ni Andy?” Pangungumpirma niya.


“At ikaw `yong walang k’wentang EX boyfriend ni Andy.” Maagap namang sabi ni Dave sa kanya na kahit nasa himig nito ang pagbibiro ay`di niya maiwasang tamaan.


“Dave.” May pagsaway na wika ni ng kasama nito na kung hindi siya nagkakamali ay si Red Sanoria.


Nagkibit balikat lamang ito bago muling nagsalita.


“Mukhang may pinagdaraanan ka kabayan, ah.” Saka nito binalingan ang kasama. “Sabi sa’yo may magandang mangyayari sa pagpasok natin sa bar na ‘to, eh.”


Nagpapalit-palit siya ng tingin sa dalawa. Hindi siya p’weding magkamali, ang mga ito ang kaibigan ng kapatid ng kanyang dating kasintahan.


Dati.Medyo nakaramdam siya ng lungkot sa katotohanang iyon.


“Mukhang nag-iisa ka lang.” Untag sa kanya ni Red.


Bahagya siyang tumango.


“Kung gano’n sasamahan ka namin. Tutal, nasusuka na akong makinuman itong hilaw kong bayaw.” Sabat naman ni Dave saka ito tumawag ng waiter. “Bigyan mo kami ng malakas na inumin na p’wede niyong maibigay.Iyong kayang magpatirik ng mata ng isang taong bigo.”Saka nito hinila ang isang upuan.


Napakabilis ng pangyayari. Kanina lang ay nag-iisa lamang siya sa mesang kanyang inukupahan tapos ngayon, heto’t may kasama na siya sa kanyang paglalasing. Nalaman niyang kaya pala naligaw ang mga ito sa lugar nila ay dahil sa isang business na balak itayo ng mga ito sa lugar nila. Unti-unti na ngang dumadami ang mga negosyanteng nakakapansin sa lugar nila.


“Isa pala sa may-ari ng Kero’s Café ang boyfriend mo.” Patukoy niya sa coffee shop kung saan kilala niya ang isa sa may-ari, si Nicollo Alegre.


“Sort of.”


Hindi niya sukat akalain na ang Alex na naririnig lamang niya noon sa mga kaibigan ni Ken ay ang Alex na nakilala niya ng sumama siya kay Andy sa lugar kung saan ito lumaki. Masyado nga talagang maliit ang mundo.


Sumilay ang napakagandang ngiti rito ng tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa lamesa dali-dali nitong sinagot iyon.


“Maldita!” Masya nitong bungad sa taong tumawag at nagmamadali itong tumayo para lumabas sa naturang bar marahil upang makaiwas sa ingay.


“Mabuti pa si Alex hindi nakatiis. `Yong damulag ko, hindi man lang ako naalalang i-text. Nakakasama ng loob.” Biglang wika ni Red ng maiwan silang dalawa at nagpakawala ito ng buntong hininga. Hindi na lamang niya pinansin ang pagsisintemyento nito. Sa halip, muli niyang sinalinan ng alak ang kanyang baso saka iyon inisang lagok.


“Gusto mo talagang malasing, ano?” Pagpansin sa kanya ni Red. “Let me guess, nagpapakalunod ka sa alak ngayon dahil may gusto kang kalimutan?”


Napatitig siya rito bakas ang pagtatanong sa kanyang mga mata sa kung papaano siya nito natumbok. Gano’n na ba sa obvious ang kanyang dinadala?


“May mga pagkakataon sa buhay natin na kailangan munang mawala ang isang bagay bago natin ma-realize kung gaano ito kahalaga. Pero hindi lahat ng natatauhan ay may binabalikan hindi ba?”Sa halip ay wika nito.


Naguguluhan man sa mga pinagsasabi nito ay marahan siyang tumango rito bilang pagsangayon.


“At ang tanging magagawa na lamang ng taong iyon ay ang tanggapin ang lahat.”


Muli siyang tahimik na tumango . Iyon na nga lang siguro ang tanging magagawa niya –ang tanggapin na wala na siyang magagawa pa.


Mataman siya nitong pinakatitigan.


“You’re helpless.” Kapagkuwan ay wika nito bago muling sumimsim ng alak.


“I know.” Paanas niyang sabi. “Napakalaki kong gago.”


Isang nangangailangan ng paliwanag na tingin ang ibinalik nito sa kanya at nahuli na lamang niyang ang kanyang sariling nangungumpisal kay Red. Dito niya isiniwalat lahat ng hindi niya nasabi kanina kay Andy. Kung papaano niya pinagsisisihan ang kanyang mga pagkakamali hanggang sa kanyang mga naging reyalisasyon noong mawala ito kanina. Wala siyang itinira nakatulong ng husto ang tama ng alak sa kanya para mailabas ang lahat ng walang pag-aalinlangan.


“So, are you saying na unconsciously, minahal mo talaga siya?” Tila hindi makapaniwalang naiwika nito matapos ang kanyang pangungumpisal.


“Mahirap paniwalaan pero iyon ang totoo. Hindi ko itatanggi na tama ang lahat ng mga sinabi ni kuya Pat, na ang dahilan ko lang noon kung bakit nakipagrelasyon ako kay Andy ay para mapagtakpan ko ang sugat na naiwan sa akin ni Ken. I unconsciously used Andy, but at the same time, I was also unconsciously falling for him. At nalaman ko lamang iyon no’ng mawala siya. Dahil kahit anong pilit kong isaksak sa kokote ko na ako ang na-agrabyado, pinalalambot naman ng mga ala-ala niya ang puso ko.” Mahaba niyang pagsisiwalat.


“What a complicated person you are.” Napapalatak nitong komento sa kanyang mga sinabi. “So, itutuloy mo pa ba ang pag-alis mo ng bansa?”


“Wala na akong dahilan para manirahan dito. At ngayong alam na ng parents ko ang tungkol sa akin. Nasisiguro kong ipagpipilitan na talaga nilang sumunod ako sa ibang bansa.”


“Sigurado ka bang nagkabalikan na si Andy at Jasper?” Ito na mismo ang naglagay ng alak sa kanyang baso.


“Sa nakita ko sa kanila kanina, mukhang sila na.” Bahagya pa siyang napailing ng ma-alala ang ginawang paghingi ng permiso ni Andy kanina kay Jasper kung dapat ba siyang pagbigayang kausapin. Inisang lagok na lamang niya ang alak para mapagtakpat ang pait na dulot sa kanya ng senaryong iyon.


“Oh, boy.” Napapailing na wika ni Red. “Dapat ka ngang magpakalunod sa alak.”


Ilang saglit pa ay nakabalik na sa kanilang mesa ang bayaw nitong si Dave. Abot tenga ang ngiti nito na animoy nanalo sa lotto.


“Ayos na?”Tanong nito kay Red.


Tumango lamang ito dito.


“Good! Malapit na tayong makauwi sa mga misis natin.”


Dahil hindi naman niya maintindihan ang mga ito ay inabala na lamang niya ang sarili sa pag-inum ng alak. Nang tumayo siya para sana gumamit ng CR ay doon lamang niya naramdaman ang epekto ng alak sa kanyang buong katawan.Agad siyang nahilo at napabalik ng upo.


“Holy shit!”Ang naibulalas siya.


“`Yan ang Chivas, hindi mo malalaman ang epekto hanggat hindi ka gumagalaw.” Nakangising wika ni Dave sa kanya.


“Magbayad kana Dave, aalis na tayo.” Ani naman ni Red.


“At bakit ako ang magbabayad?”


“Dahil ikaw naman ang nag-order.”


“Pambihira ka!Wala kang pinagkaiba kay Brian.Pareho kayong tuso!”


“Oh sige, ako na lang ang magbabayad pero asahan mong makakarating ito kay Alex.” Ani naman ni Red.


“Sabi ko nga ako ang magbabayad.”


Masyado ng malabo sa kanya ang mga nangyayari dahil sa ibayong pagkahilo. Naramdaman na lamang niya na may dalawang taong pinagtulungan siyang maitayo ni hindi na niya nagawa pang tingnan kong sino ang mga iyon.





Kinabukasan, hapo ang ulo nang magmulat si Nhad. Agad niyang napansin na hindi pamilyar sa kanya ang kanyang kinaroroonan. Bigla siyang nataranta at napabangon mula sa pagkakahiga na isa namang malaking pagkakamali dahil lalo lamang niyang naramdaman ang nanunuot na kirot sa kanyang sintido.


“Damn!” Naibulalas niya habang sapo ng dalawang kamay ang kanyang ulo.


“Ang lakas maka-hangover ng chivas, no?”


Napaangat siya ng tingin at doon niya napansin na hindi lang pala siya ang naroon sa k’wartong iyon.


“K-Kuya Claude?”


“Mukhang naparami ka ng inom kagabi, ah.”


“Nasaan ako?”


Ang huling natatandaan niya ay sina Red at Dave ang kanyang kasamang nag-iinum sa bar at ang biglaang pagkahilo niya ng magtangka siyang tumayo para sana gumamit ng banyo.


“Nasa private office ng restaurant ko.” Kaswal namang tugon sa kanya ng kanyang kuya Claude.


Napakunot ang kanyang noo sa tinuran nito. Kilala niya ito sa pamamagitan ng kanyang kuya Pat pero hindi sila gaanong close nito kaya paano siya napunta doon?”


“Mabuti naman at gising kana.”


Nabaling ang tingin niya sa may pintuan ng silid na kinaroroonan niya at doon nakita ang nakatayong sina Dave, Red, Rome at…


“K-Kuya Pat?”


“Ako nga.Bakit parang mukha kang nakakita ka ng multo?”Nakangiting wika nito.“Kailangan mo nang bumangon riyan at marami pa tayong gagawin ngayong araw.”


“H-Ha?”Ang nagugulumihan naman niyang naisambit.Masyado pa sigurong nangungulap ang utak niya dala ng hangover.


“Tutulungan ka naming bawiin ang kung ano ang dapat na sa’yo.” Nakangiting wika sa kanya ni Rome.


“Hindi ko kayo maintindihan.” Pagsasabi niya ng totoo.


“Mamaya na namin ipapaliwanag ang lahat.Dumertso ka muna sa banyo at maligo nang mabawasan iyang hangover mo.”Wika ng kanyang kuya Pat.


Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod na lamang dito. Nang matapos siyang maligo at makapagbihis gamit ang damit na ipinahiram sa kanya ng kanyang kuya Claude ay doon niya nalaman na ang lahat.


“Nakaplano ang pagkikita natin kagabi?” Ang hindi niya makapaniwalang naisatinig. “Bakit?”


Kita niya kung papaano mapasimangot si Dave.


“Dahil sa kagagawan mo.”


“Anong kagagawan ko?” Ang naguguluhan naman niyang naisatinig.


“Itinago ni Andy sa kapatid niya ang nangyari sa inyong dalawa pati na rin ang pagre-resign niya sa trabaho. Nalaman lamang ni Angela ang lahat ng pumunta si Alex dito noong isang Linggo at puntahan niya si Andy sa apartment nito para ibigay ang pinadalang pera ni Angela.” Ani ni Red. 


“Nang ibalita niAlex kay Angela ang natuklasan niya na umalis na si Andy sa pangungupahan sa apartment ay agad ka niyang tinawagan pero hindi mo sinagot ang mga tawag niya.” Si Rome naman ang nagpatuloy.


“Nagpalit ako ng cellphone.”Pag-amin niya.Nasira kasi ang dati niyang cellphone no’ng gabing makausap niya si Miles.Iyon kasi ang napagbuntunan niya ng kanyang galit.


“Kinutuban ang babaeng machine gun ang bibig.” Si Dave. “Tinawagan niya ang isa sa mga kaibigan ni Andy na loyalista sa kanya –si Miles. At doon niya nalaman ang lahat ng mga nangyari.”


“Galit na galit si Angela sa ginawa mo sa kapatid niya, Nhad. Nangako ka sa kanya na ikaw ang mag-aalaga kay Andy dito sa lugar niyo. Kami man, nakadama rin ng galit sa’yo lalo na ang mga asawa namin. Matinding sakripisyo ang ginawa ni Andy para kay Jasper. Idenetalye iyon ni Miles sa aming lahat kaya di mo masisisi ang mga asawa namin kung bakit nila kami ipanadala para bugbugin ka.” Si Red.


“At hindi kami p’weding bumalik sa kanila hanggat hindi ka namin nababalian ng buto.Gano’n sila ka seryoso.” Dagdag pang wika niRome.


“I expected you to save me Nhad dahil sa mga panahong iyon, wala akong ibang choice kung hindi ang magsakripisyo at umasa na darating ka para kunin ako. Pero hindi nangyari iyon.”


Muling umalingawngaw sa kanya ang mga katagang binitiwan sa kanya ni Andy. Naroon ang panunumbat at matinding galit sa mga mata nito.


“Kung gano’n bakit `di niyo ginawa?” Mas mabuti nga sigurong bugbugin na lamang siya ng mga ito. Bakas sakaling mabawasan niyon ang kanyang kasalanan.


“Dahil kay Pat.”Ang wika ng kanyang kuya Claude. “Binalaan siya ni Misis.”


Napatingin siya sa kanyang kuya Pat na may pagtatanong sa kanyang mga mata.


“Iyon ang dahilan kung bakit ako nakipag-usap sa’yo kagabi. Gusto kong patunayan sa kanila na may matinding rason ka kung bakit mo nagawa iyon. Hindi lang namin in-expect na may iba pa pala kaming malalaman.”


Hindi niya naintindihan ang sinabi nito.


“Yung mga ikinumpisal mo kay Red.”Ang nakangising sabat ni Rome.


“Okey since na nalinawan na si Nhad, ano na ngayon ang sunod nating hakbang?” Ang pag-iiba na ng usapan na wika ng kanyang kuya Claude.


“Time to go get Andy.” Ang tila naman excited na wika ni Rome.


“Mahihirapan tayo sa bagay na ‘yan. P’wedi tayong makasuhan ng trespassing kapag basta na lamang tayong sumulong sa bahay ni Jasper.” Ang wika ni Red.


Tumayo na si Dave.


“Wala na akong balak na patagalin pa itong misyon natin. Gusto ko nang makatabing matulog si Maldita. Wala akong pakialam kung makasuhan man tayo, nariyan naman si kambal para maging abogado natin.”


“Tumpak!Sangayon ako diyan!” Ani naman ni Rome saka sumunod rin itong tumayo.


“Ako ang malalagot kay Damulag sa gagawin nating ito pero sige na nga!” Ani naman ni Red.


“Sasama ako since ayaw rin akong pauwiin ni Misis sa bahay namin hanggang hindi naayos ang gulong ito.”


Napapantastikohan siya sa ipinapakitang suporta sa kanya ng mga taong minsan lamang niyang nakilala. Pero hindi rin niya maiwasang makadama ng pag-aalinlangan sa kanilang gagawin. Paano kung hindi magustohan ni Andy ang gagawin nila? Hindi nga ba’t malinaw na sinabi nito sa kanya na huwag na siyang magpapakita pa dito at kalimutan na lamang niya ang lahat tulad ng ginawa nito?


“Nhad?” Untag sa kanya ni Red.


“Paano kung hindi magustohan ni Andy ang gagawin natin?” Isinaboses na niya ang kanyang pangamba.


“Hindi importante kung magugustohan niya o hindi ang gagawin natin. Ang importante, masabi mo sa kanya  ang lahat ng sinabi mo sa akin kagabi. This is your last chance, Nhad ito ang huling baraha mo.” Ang wika ni Red sa kanya.


“Ito na ang pagkakataon mong ipaglaban ang hindi mo naipaglaban noon.”Dagdag namang wika ng kanyang kuya Pat.


“Ano?” Ang tila naiinip namang wika sa kanya ni Dave.


“Bahala na nga!”Pagsangayon naman niya. Hindi na siya papayag na basta na lamang ipapatalo ang lahat ng hindi siya lumalaban. Ipaglalaban niya si Andy kahit walang kasiguraduhan ang kalalabasan ng lahat.


“Ganyan dapat!”Ang pasigaw namang wika ni Rome.


Agad na nga silang tumalima gamit ang sasakyan ni Dave. Nagpa-iwan ang kanyang kuya Pat dahil may iba pa raw itong bagay na gagawin. Hindi na niya ito natanong pa dahil sa sobrang pagmamadali ng kanyang mga kasama. Mas excited pa ang mga ito sa kanya.



Nang sa wakas ay lumiko na sila patungo sa bahay ni Jasper ay siya namang pag-usbong ng kaba na nararamdaman niya na lalo lamang nadagdagan nang makita niya ang mga sasakyang nakaparada sa tapat nito.


“Mukhang inaasahan na nila tayo, ah.” Ani ni Rome.


“Mukha nga.” Pagsang-ayon naman ni Red.


“Eh `di mas exciting.” Ngingisi-ngisi namang wika ni Dave.


“Sinabi mo pa!” Pagsang-ayon naman dito ng kanyang kuya Claude.


Nang sa wakas ay naipara nila ang kanilang sasakyan ay agad na silang bumaba at tinungo ang gate ngunit hindi pa man sila tuluyang nakakalapit ay sinalubong na sila ng limang kaibigan ni Andy na sina Miles, Zandro, Marx, Keith at Jasper.


“Nandito kami para kunin si Andy.” Walang pag-aalinlangang pagde-deklara ni Dave sa kanilang pakay.


“Walang kahit na sino man ang p’weding kumuha sa kanya.” Ang hindi naman nagpatinag na wika ni Jasper.






Itutuloy:

43 comments:

Anonymous said...

wahahahaha....parang engot lang si dave at jasper sa huli...wahahaha....mabuti di nabugbog si nhad...sayang ang kakisigan nun...wahahaha...exciting na ang next chap...feeling ko si jasper at nhad ang mgkakatuluyan...wahahahaha....i still smell something fishy...oh well.hintayin ko na lang ang finale...wahahah...nice one zeke...wahahaha..

-Berto-

Unknown said...

Himala 1st ako sa comment...bongga ang chapter na ito..bawian ang bet..nakakaloka..

TheLegazpiCity said...

exciting naman ito...sabunutan na lng kaya...ahihihi

Anonymous said...

OMG... SANA WALANG MANGYARING MASAMA... HMMMM :((


ganda ng part na to, exciting... super... hehehhe.... gusto ko na mabasa yung susunod.... sana magkatuluyan na si nhad at andy... grabe talaga, napakadami nang hirap ni nhad sa buhay, dapat na silang lumigaya ni andy sa piling ng isa't-isa... hmmmmmm... at dapat wala nang maginarte pa sa kanila dahil pupunta ako sa kinaroroonan nila para sapakin lang alin man kay nhad o kay andy... hahahaha.... (Hintayin nyo sa story ko... chos....)


nice work daddy zeke... muah...


-eusethadeus-

Anonymous said...

sori ngaun Lng ako nkapag.comment sah story moh...
masyadong busy eh...
but i nver faiLed to read the story though...
hehehe...

wat can i say kuya z??...
you nver failed to impress me wid each chapter that u post...
nkakaLungkot Lng dahiL Last chapter nah ang next chapter...
sana kasaLi ako sah next story moh kuya Z...
hehehe...



- edrich

Anonymous said...

You never fail to amaze me. Miss you.

Anonymous said...

Waah! Nabitin na talaga aq z! Excited na sa su2nod na chapter! Tnx idol sa pagbati.. :-)-

stan

ryan lee said...

Boom pasabuginn yn c jasper... I really hate him he is so selfish s umpisa plang... Go nhad kaya mU yan wag k susuko.... Kktuwa nmn sila kuya pat, rome, red, claude at lalo n c dave kalog talaga to from d start.... Nxt chapter exciting.....

eelkahr said...

kaloka!!!!!!
parang agawang base lang ah.....
GANDAH MO ANDS.......

sana walang twist sa part ng agawan....
sana agawan tlaga para masaya....

Anonymous said...

kyaaaaa! wow, invader na pala ako ngayon, basta-basta na lang pumapasok sa kokote mo. haha. wag kang magkakamali na biguin at saktan si nhad. kung hindi masasakyan ka. hahaha. btw, nakakatuwa lahat ng leading man sa first series mo present ah. finale na next chapter! yey! o yan di na ako magcocomment komplikado ng di mo naintindahan. tagalog yan para maintindihan mo. (the mistress) HAHAHA. kthnxbye. :D

~06301 c:

Unknown said...

hehe ayos toh!

Lawfer said...

pgkbsa q knina d2 d q maiwasang icping kwento m to x3

okay aabangan q ung ending...fiction o reality?

Anonymous said...

Thanks kuya Z, two thumbs up.. Excited nko sa ending- jordan rey

Unknown said...

ayy panalo ang eksena ng super friends!!! :p hala ending na next, positivity!!!

Unknown said...

Waaaaahhhhhh. Can't wait for the next chapter.... Hehe

jaycee mejica said...

oh. my gulay :) Labanan lang ang peg ??

Yhad S. Beucharist said...

:) hhehehe!!! magkakaroon na ata ng world war III!!!
abanngan namin ang final chapter nito. Ingatzzzzzzz palagi!!

--makki-- said...

bwahahaha! tugs!tugs!tugs! Gusto ko sa ending eh mag rumble sila! :)) loko lang... :P ang mga topak mag-co-collide na! clash of the Freakin' Freaks na to! LOL nice one poy!

MARK13 said...

Gyera na ito,hahaha...,ganda ng chapter na ito,the best!!!

thumbs up ako sayo kuya zild :))

Anonymous said...

haha hindi parin nagbabago si dave, nkakatawa parin at adik parin. Haha!

Ang lakas makababae ng mga "misis" nila ah! Haha!

Zeke!!! Promise gusto ko ang chapter na to! Ang ganda!!

Pero bakit pre-finale na???? Ayoko pa!! Lol.

Next na next na!!!

manila_sex_actor said...

grabe!!!

away ito ngayon!!!

ganda ng episode ngayon kasi parang may action n mangyayari

zenki of kuwait said...

exciting ito....

ang galing mo talaga mr. author tnx...

Tommy said...

the fantastic 4 :))) dave,red,claude and rome HAHAHAHA! go nhad! ipaglaban mo ang sayo!!! eggxoizted na ako sa finale! :D GO PIGLET! galing mo talaga :D

Anonymous said...

grabe to exciting hahah cge simulaN na ang gyera hahha

ano kaya ang gagawin ni pat may lovestory na cya cguro hahha sana si brian na yun hahha

jubert:)

Anonymous said...

wahahahaha, anggaling naman ng utak mu, akalain mung ang mga taong tutulong ke nhad ay yung mga taong least expected niya...anu kaya ang mangyayari... galing mu poy..

_iamronald

Unknown said...

Wow... i miss ol the character dito lalo na cna red,rome,pat n claude... sa wakas ngaparamdam na ulit ang mga originals...

Go nhad... susuportahan ka namin.... sana mabawi mo ulit c andy...
peo guxto ko din c casper the unwanted sperm pra kay andy... haizt kakalito.. kahit cno sa kanila pwede.. The Winner Takes it Ol...

Now lang ako nag comment mtagal na akong avid/ silent reader sa blog mo zky... since 2011 pah.... love ol ur stories,,,
keep up da gud work

Anonymous said...

I CAN'T WAIT FOR THE FINALE^^

PUSH NHAD^^

Anonymous said...

Wow, I knew the seventh bar guys had to step in the scene at some point, pero di ko in-expect na ganito ang entrance nila. Mag-basketball na lang sila, tutal 5 on 5 pala ang labanan. Hahaha! (And yeah, the "tops" of the first 4 series are here. LOL)

On a serious note, why do I feel like there's gonna be a bittersweet ending? Feeling ko someone will be endangered here. (I really hope not.) And wala pa palang closure si Andy and ang parents niya. Will that happen in the last chapter or do we expect this in your next series?

Speaking of next series, now I wanna see a Pat-Jasper love story. (Assuming that Andy and Nhad will have their own happy ending.)

- Edmond

kiero143 said...

waaaaaaaaah...grabeeng war to...world war 3 ba??sayang alang kapares si Miles, dapat kasi kasama dun si Chelsea or Angela...hahahaha...or di kaya si Mina...

anyways ang galing tlga...can't wait na for the final chapter...


i hate you Andy...And you too Jasper!!...sana mabugbog yang jasper na yan..tsaka mga kasama nya...(evil laugh)....go lang ng go

foxriver said...

cliffhanger!!!!! One of the things I love about u Zildj, is how you connect these people together and there by showing friendship to eternity!!!!!awesome awesome job!!!!!

Edmond said...

I agree. The way he tells his stories eh yung tipong nanaisin mo (as a reader) na tumira sa ganong klaseng universe. Hindi perfect, pero alam mong you belong. =)

nivz said...

kiel....galing tlga...next na..hehehe gudluck legendary kiel..keep it up..thanks nga pla sa pagsama saken sa pgbati mo.hehehe

Anonymous said...

Nice zild. Pakipatay si jasper hehe

-emman

Anonymous said...

eto na naman ang mga kalokohan ng barkada ng 7th bar..hahaha..go go go nhad..parang rambulan lang..hahaha..nice one zeke..next chapter na agad pleaseeeeeeeeeeeeeeee.. :)

-J

j20green said...

wala nmn magagawa c jasper. pg pumalag si jasper bugbugin nalng cya. sana makuha nila si andy.
nxt chap na. nkakatuwa nmn sila red.

Anonymous said...

>_< Excited para sa rambulan este sa ending
-darwin19

robert_mendoza94@yahoo.com said...

may napansin ako sa mga kwento mo ZILD! D NAWAWALA SA MGA KWENTO MO ANG PAGPAPAHALAGA NG FRIENDSHIP!a very unique attitude of a person now a days. ur ONE IN A MILLION FREND. . . GALENG MO TALAGA AT NAISAMA MO UNG MGA ORIGINAL NA CHARACTER SA PAST STORIES MO, HE HE HE. GO NHAD , GIVE UR BEST SHOT PARA SA LOVE MO KAY ANDY. NEXT CHAPTER NA PO.

Anonymous said...

this is the most exciting chapter ever!!! hehehe.. :)

-London-

Anonymous said...

Weew! Ansabe ng pangenge-alam ni dave and da gang .. Haha baliw talaga kahit kelan si dave^_^ .. Love this chapter author for the 1stime nag coment aq haha ..

---JAYVIN

Jamespottt said...

Gang War na to!

ang ganda lang ni Andy. tsk tsk.

Lexin said...

tagal ko tinitigan screen pagkatapos ko basahin..
^_^

JR said...

ayun nakasama ako sa binayi... ang saya... ang layo pa ng babasahin ko...

salamat ulit ace

Anonymous said...

wala talagang kupas ang mga mokong na sina red,rome,dave et'al..haha

exciting ng chapter neto!haha..bka nmn mamaya sabunutan lang ang ggwin nla?!hahahaha..kalerkey un!:P

-monty

Post a Comment