Model: James
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:
Yey! Natapos ko rin ang chapter na ito! Wew! Talagang
pinasakit ni Nhad ang sintido ko ng todo! Ha! Ha! Ha! Anyway, dalawang chapter
na lang po ang natitira sa k’wentong ito. Gusto ko ring i-promote ang susunod
kung kwento na mamabasa niyo ang teaser bago ko i-post ang finale.
Hinihingi ko po sa lahat na magko-comment na mag-iwan ng pen
name para mabanggit ko kayo sa mga taong pasasalamatan ko sa nalalapit na
finale na ito. Nakagawian ko po iyon na natigil lang pansamantala no’ng
kasagsagan ng Complicated Cupid dala ng masyado akong na-praning kay Lantis at
Nicollo. HAHAHA
Edrich –Advance Happy
birthday sayo!! Birthday niya sa Sept. 11 at di ako sigurado kung aabot ang
chapter 21 sa birthday niya kaya dito ko na lang siya babatiin. HAHAHA
Sa mga Anonymous
at Silent Readers ko, kamusta kayo
mga paps? LOL
ENJOY READING Y’ALL!!!
AND KEEP THE COMMENTS COMING!!! ^_^ V Ang hindi mag-comment, pangit! HAHAHA
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Inilibot
ni Nhad ang kanyang tingin sa kabuohan ng bar na kanya ngayong pinasukan ngunit
hindi ang inaasahan niyang magulo, maraming tao, at halos puno ng usok na bar
ang kanyang kinaruroonan. Ibang-iba ito sa mga bar na kanya ng dating
napasukan. May karamihan rin ang costumers na naroon ngunit taliwas sa kanyang
nakasanayan sa isang bar, ang mga naroon
ay hindi nagkakagulo, hindi rin ang mga ito maingay bagkus, tahimik ang mga
itong nakaupo sa mga mesang inuukupahan at matamang nakikinig sa performance ng
isang acoustic band. Agad siyang nakadama ng kakaibang lungkot.
Damn! Hindi na dapat
ako nagpupunta sa mga ganitong lugar!Piping reklamo niya.
Totoo iyon. Wala na siyang balak pumasok pa sa mga bar sapagkat
ibinabalik lamang nito ang isang ala-ala na hanggang ngayon ay hindi pa rin
niya magawang kalimutan. Ngunit dahil sa isang importanteng tao ay wala siyang
nagawa kung hindi ang mapasugod.
Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Dapat ay matagal
na siyang nakalimot o mas tamang sabihing kay tagal niyang sinikap na makalimot
pero sa tuwing may papupuntahan siyang lugar o may isang bagay na nagpapa-alala
sa kanyang nakaraan ay hindi niya maiwasang pamigatan ng damdamin. Sinubukan na
rin niyang kumbinsihin ang sarili sa mga nagdaang araw na wala na iyong silbi,
na hindi dapat niya pag-aksayahan ng oras ang isang bagay na tuluyan ng nawala
sa kanya subalit `di niya magawa.
“Hanapin mo sa sarili
mo ang rason kung bakit mo kailangang pakinggan ang dahilan niya Nhad. At kapag
nahanap mo iyon, puntahan mo lang ako. Kailangan ka ng kaibigan namin.”
At tulad ng palaging nangyayari kapag bumabalik sa kanya ang ala-alang nais niyang kalimutan ay muli niyang narinig sa kanyang isipan ang mga huling sinabi sa kanya ni Miles. Mahigit dalawang buwan na ang nakakaraan pero heto’t hanggang ngayon ay umaalingaw-ngaw pa rin sa kanyang isipan ang mga binitawan nitong salita.
He was so furious that night. Hindi niya matanggap ang mga mabibigat na
paratang na binitiwan nito sa kanya. Ang palabasing siya pa ang may mali, na
isa siyang makasarili sa kabila ng katotohanang siya ang iniwan ng hindi
manlang nakakatanggap ng paliwanag.Nais niyang kay Miles ibuhos ang lahat ng
galit niya sa gabing iyon pero hindi niya nagawa dahil talagang literal siyang
nawalan ng lakas sa pinaghalong galit at disappointment.
Sa mga unang nagdaang araw matapos ang kumprontasyon nila ni
Miles, aaminin niyang umasa siya. Umasa siyang pupuntahan siya ni Andy para
magpaliwanag sa ginawa nito pero hindi iyon nangyari. Lalo lamang tuloy sumidhi
ang galit niya ngunit hindi lamang iyon para sa dating kasintahan kung hindi
pati na rin sa kanyang sarili sapagkat sa pangalawang pagkakataon sinampal siya
ng katotohanan na wala talaga siyang kakayahang paibigin ang mga taong gusto
niya.
Nabalik lamang siya sa reyalidad nang bahagyang mabangga
siya ng isang papasok na costumer. Agad siyang nagpasingtabi at muling inilibot
ang kanyang tingin para hanapin ang taong kakatagpuin niya sa bar na iyon.
Hindi naman siya nahirapan.Sa isang sulok ng bar ay nakita niya ang kanyang
hinahanap na mag-isang umiinum sa mesang inuukupahan nito at tulad rin ng ibang
costumer ay nasa bandang tumutugtog ang atensyon nito.Agad niya itong
linapitan.
“Kung hindi lang ikaw ang nagyaya ay hindi talaga ako
magpupunta.” Bati niya sa taong kanyang kausap. Hindi rin niya naitago ang
iritasyong sa kanyang boses.
Nabaling naman ang tingin nito sa kanya. Ilang taon na ang
nakakalipas pero halos wala pa ring nagbago sa hitsura nito. Kung may nagbago
man ay wala na ang lungkot na lagi niyang nakikita sa mga mata nito. Pero
naroon pa rin ang kakaibang aura ng isang taong nag-iisa sa buhay.
“Ganyan na ba ngayon ang tamang pagbati sa nakakatanda sayo,
Nhad?”
Hinila niya ang isang upuan na nasa harap ng kinauupuan nito
at doon naupo.
“It’s a surprise na lumabas ka sa lungga mo at makipagkita
sa akin.” Pambabaliwala niya sa pagiging sarkastiko nito.
“Kaya ba hindi mo napigilang makipagkita sa akin?” Nakataas
ang kilay naman nitong balik sa kanya.
Wala siyang balak magtagal sa lugar na iyon kaya agad na
niya itong deretsong tinanong.
“What do you want now kuya Pat? It’s very unlikely of you na
lumalabas at makipagkita sa akin para lamang makipag-inuman.”
Natawa ito na ikinagulat niya. Hindi tuloy niya napagiling
pakatitigan ito.Masayahing tao ang pinsan niyang ito pero noon iyon. Noong mga
panahon bago mangyari ang isang insidenteng bumago ng husto rito –ang pagpapakamatay
ng nag-iisa nitong kapatid dahil sa kabiguan at naging kasalanan sa taong
pinili nitong mahalin.
“Arogante kana ngayon, Leonard.It seems that the tamed lion
has finally decided to show its fangs.” Kinawayan nito ang isang waiter at
um-oder ng beer na nasisiguro niyang para sa kanya.
“Walang magandang naidulot para sa akin ang pagiging mabait
ko.”Tugon niya rito ng muli silang maiwang dalawa.
Napatango-tango ito na animoy sumasang-ayon pero hindi naman nakatakas sa kanya ang
nanunuring tingin nito. Animoy pilit nitong binabasa ang laman ng kanyang utak.
“Is it true na plano mong sumunod sa parents mo?”Kapagkuwan
ay tanong nito. Very casual ang dating ng kanyang pinsan pero hindi niya maiwasang
mailang.
Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin. Paano nakarating
rito ang balitang iyon at kailan pa ito nagkaroon ng interes na mang-usisa? Sa
pagkaka-alam niya, simula ng bumalik ito mula sa ibang bansa ay naging mailap
na ito. Mas pinili nitong mamuhay na mag-isa at personal na pamahalaan ang mga
naiwang lupain ng mama nito.
“Your mom called me last night. Sinabi niya sa akin ang
balak mong sumunod sa kanila. According to her, pati si Lola ay nakumbinsi mo
rin daw. To be honest, I was a bit surprised. Mahal na mahal ka talaga ni Lola
para mapilit mo siya sa isang bagay na ayaw na ayaw niya. Pero hindi ang
pagkakumbinsi mo sa kanya ang dahilan kung bakit ako nakipagkita sa’yo, Nhad.
I’m here to personally ask you what made you decide na sumunod sa mga magulang
mo?”
“Naisip ko lang na it’s about time na makumpleto na kami.”
Kaswal niyang sagot.
“Iyan ba talaga ang totoong rason?” Nanunubok naman nitong
balik sa kanya. “Alam ko ang tungkol kay Kenneth at Andy, Leonard at alam ko
rin ang lahat ng nangyari.”
Nagulat siya at hindi agad nakapag-react saka niya na-alala
na hindi nga imposibleng malaman nito ang tungkol sa dalawang taong naging
sanhi ng malaking pagbabago sa kanya. Parehong konektado ang dalawa sa kanyang
kuya Claude at kuya Laurence. Mabuti na lamang at sumingit ang waiter na
tinawag nito kanina para ibigay sa kanya ang inumin.
“What happened, Leonard?” Pat’s voice was demanding.
“I don’t want to talk about it kuya.” Wika niya saka lumagok sa bagong dating na
beer. Bahagya pa siyang napapikit sa hatid lamig at pait niyon sa kanyang
lalamunan.
“No. We will talk about it dahil nasisiguro kong ang
nangyari ang dahilan kung bakit ka biglaang nagdesisyong sumunod sa mga
magulang mo. Your mom is worried, Leonard, and she knew that there’s something
wrong. Kaya niya ako tinawagan at pinakiusapang makipagkita sa’yo.”
“I don’t need someone to check on me. I can well take care
of myself and my decision has nothing to do with my past relationships.” Mariin
niyang tugon.
“Alam ng parents mo ang mga nangyari sa’yo sa mga nagdaang
buwan. Mula sa gabi-gabing paglalasing mo hanggang sa pagkaka-ospital mo.”
Napanganga siya sa pagkabigla. Paanong malalaman ng parent
niya iyon? Siniguro niya sa kanilang maid na wala itong babanggitin tungkol sa
mga nangyari sa kanya lalo na ang pagkaka-ospital niya noon.
“Sinabi ko sa kanila.” Pagpapatuloy nito.
“You what?!” Hindi niya napigilan ang magtaas ng boses
dahilan upang mabaling ang atensyon sa kanila ng ibang costumers.
“Calm down.” Kaswal na pagsaway sa kanya ng kanyang kuya
Pat. “Bago ako bumalik dito sa pilipinas ay naatasan na ako ng mama mo na
bantayan ka.”
“Don’t tell me––.”
“Alam na nila ang totoo tungkol sa’yo, matagal na.” Pagputol
sa kanya ng kanyang kuya Pat. Wala siyang makapang takot sa katotohanang alam
na ng kanyang mga magulang ang tungkol sa kanya.
“You’re parents are not that stupid, Leonard. Alam nila ang
dahilan kung bakit ayaw mong sumunod sa kanila. Kung bakit mas pinili mong
samahan si Lola dito bukod sa ito ang nagpalaki sa’yo. You wanted to be free,
to do the things you want to do at kasama na doon ang kalayaan mong pumili ng
taong mamahalin mo. Malaki ang naging impact sa pamilya natin ang nangyari kay
Alfie. Ayaw nilang isa pa sa atin ang matutulad sa sinapit niya.”
Bumakas ang kalungkutan sa mga mata ng kanyang pinsan.
Hanggang ngayon, hindi pa talaga nito tuluyang natatanggap ang sinapit ng
nag-iisa nitong kapatid na labis nitong pinahalagahan. Pero alam niyang hindi
lamang para sa kapatid nito ang lungkot na iyon dahil alam niya ang
katotohanang pilit na ikinukubli ng kanyang pinsan.
“Pero hindi nasunod ang gusto nilang mangyari.”Pagpapatuloy
nito. “Sinundan ko ang yapak ng kapatid ko at ang malala pa doon ay kaparehong
tao ang pinili naming mahalin.” Ito ang isa sa mga dahilan ng kalungkutan nito
at matagal na niyang alam iyon.
“At pareho kayong nabigo.”Mapait niyang dugtong. “Tulad ko.”Dagdag
pa niyang sabi.
Noong magdesisyon siyang sumubok makipagrelasyon ay palagi
niyang sinasabi na hindi siya matutulad sa nangyari sa kanyang mga pinsan. Na
gagawin niya ang lahat para maipakita sa kanyang mga magulang na liligaya siya
sa buhay na kanyang pinili. Kung hindi man ay makakaya niyang dalhin ang
kanyang pagkabigo ngunit kabaliktaran ang lahat ng nangyari. Pero hindi pa man
niya nagagawang ipagtapat ang lahat sa mga ito ay heto’t naunahan na pala siya.
Ang masama pa nito ay alam ng mga ito ang masamang sinapit niya sa kanyang mga
naging relasyon.
“Dahil tinularan mo ang mga pagkakamaling ginawa namin.”Ani
ng kanyang kuya Pat.
“Hindi mo na kailangang ipangalandakan iyan sa akin. Tanggap
ko nang tama sila, walang patutunguhan ang pinili nating buhay.”Mahirap mang
tanggapin pero mukhang tama ang kanilang pamilya.Walang magandang maidudulot
ang pinili nilang buhay –ang magmahal ng kapwa nila lalake.
Bahagya itong natawa.
“Stupid. Hindi iyan ang ibig kung sabihin.”
Nangunot naman ang kanyang noo sa tinuran nito.
“You see. Alfie and I decided to love the same person. Iba
nga lang ang naging paraan namin para takasan ang aming pagkabigo. Gumawa si
Alfie ng isang bagay na sumira sa kanilang dalawa ni Lance habang ako naman ay
tinanggap sa aking sarili na hindi niya ako p’wedeng mahalin.” Huminto ito para
uminom bago muling nagpatuloy.
“Pareho naming tinakasan ang pagkakataong maipaglaban ang
taong mahal namin at iyon ang tinularan mo sa amin. Pero hindi tulad namin,
binigyan ka ng pangalawang pagkakataon ng tadhanang itama ang naging mali mo.”
Lalong nangunot ang kanyang noo dala ng ibayong
pagtataka.Hindi niya makuha ang ibig sabihin ng kanyang pinsan.
“You failed with Kenneth dahil hindi mo siya ipinaglaban
noon. Basta mo na lang siya isinuko kay Martin.”
“Hindi totoo `yan.” Mariin niyang pagtanggi. “Lumaban ako,
nagmakaawa, pero hindi ko nagawang maibalik siya sa akin.”
“Yep, alam ko rin iyan at doon ka pumalpak sa buhay mo,
Nhad. Hindi mo nakita ang dapat mong makita sa gabing tinanggihan ka ni Kenneth.”
“Ano ba talaga ang gusto mong palabasin kuya Pat?”
Nagsisimula na siyang makaramdam ng iritasyon.
Napabuntong hininga ito.
“Kenneth was not the right person for you, Nhad. Ipinahiram
lang siya sa’yo para turuan kang maging matatag at maging handa sa pagdating ng
taong para sa’yo.Pero imbes na magpatatag sa’yo ang kabiguan mo sakanya, iyon
pa ang ginamit mo para muling masira ang pangalawang pagkakataong ibinigay
sa’yo.”
“Walang kinalaman ang naging relasyon ko kay Ken sa pag-iwan
sa akin ni Andy!”
“Hindi si Andy ang nang-iwan sa’yo kung hindi ikaw. Ikaw ang
tumalikod sa kanyaat dahil iyon sa naging relasyon mo kay Kenneth. Natakot kang
masaktan, maulit ang mga nangyari noon. Ang magpapatunay sa mga sinabi ko ay
ang suppression na ginawa mo sa nagdaang mga buwan simula ng mawala si Andy
sa’yo. Hindi ka nagwala, hindi mo pinakita sa mga tao na nasasaktan ka dahil
ayaw mong tanggapin ang katotohanang isinampal sa’yo noong gabing kausapin ka
ng isa sa mga kaibigan niya. You see,iyan ang naging epekto sa’yo ng pagkabigo
mo kay Kenneth. Nawalan ka ng kakayahang ipagkatiwala sa iba ang puso mo. At
alam mo bang lahat ng iyan ay napapansin sa’yo ni Andy? But he opted to stay
beside you. Pinili niyang intindihan ka kahit may mga problema rin siyang
nangangailangan ng tulong at pag-intindi mo.”
Hindi siya nakapagsalita sa mga reyalisasyong ibinigay sa
kanya ng kanyang pinsan. Kalahati sa kanya ang tumututol sa mga sinabi nito
ngunit kalahati rin naman niyon ay sumasang-ayon.
“Sinabi mo sa sarili mo nang dumating si Andy sa buhay mo na
kaya mo nang kalimutan ang lahat. Na handa ka na ulit sumugal. But the truth
was you chose to live a life with pain mixed with pleasure. A bittersweet
life.”
Ngayon lang niya tuluyang naintindihan ang lahat. Kung bakit
sobrang eager siyang makuha ang pagmamahal ni Andy. Pinaniwalaan niyang ang
rason niya ay dahil gusto niyang lumigaya at mahalin. Pero ngayon, alam na niya
ang totoong dahilan. Gusto niyang makuha ang pagmamahal ni Andy dahil gusto
niyang makalimot ng tuluyan. Gusto niyang pawiin ang sakit na dulot ng kanyang
pagkabigo sa pamamagitan ng pagmamahal na iyon ni Andy sa kanya. Tama ang
kanyang kuya Pat at si Miles. Naging makasarili siya at walang ibang
pinahalagahan kung hindi ang sarili niya.
Bigla siyang tumayo.
“Saan ka pupunta?” Kaswal na tanong sa kanya ni Pat.
“Kakausapin ko siya.” Ang may determinasyon niyang sabi.
“Don’t you think it’s already too late para kausapin mo pa
siya? Baka nakakalimutan mong mahigit dalawang buwan na simula ng abandunahin
mo siya. Nasisiguro kong hindi na kailangan ni Andy ang kahit na anong
paliwanag mo ngayon. Tanggapin mo na lang ang katotohanang ipinatalo mo na ang pangalawang
pagkakataong ibinigay sa’yo.”
Natigilan siya.Ano pa nga ba ang silbi ng gagawin niyang
pakikipagkita ngayon kay Andy?Huli na ang lahat. Marami na siyang sinayang na
mga araw dahil inakala niyang siya itong nadehado. Na siya itong pinaglaruan at
ginago.
“K-Kailangan niyang marinig ang mga paliwanag ko.”
“Paliwanag mo?At bakit ka magpapaliwanag sa kanya?” Ang tila
nanunubok na wika ng kanyang pinsan.
“Inaamin kong nabulag ako ng galit ko. Ginamit ko ang
pagmamahal ni Andy para sa sarili kong pangangailangan. Hindi ko manlang inisip
na siya man ay may pangangailangan din sa akin. Aaminin ko ring naging bulag
ako sa katotohanan sa mga nagdaang buwan, pero may isang bagay akong nasiguro
sa sarili ko sa pagkawala ni Andy na naging dahilan upang magdesisyon akong
lumayo.”
“At iyon ay?”
“Hindi ko na siya kayang tiisin kuya. Alam ko sa sarili ko
na isa sa mga araw na ito ay hindi ko na mapipigilang puntahan siya at
kausapin. At sobra ko iyong ikinakatakot dahil alam kong masasaktan ako sa
posibleng sasalubong sa akin kapag nagkaharap kami.”
“Wala akong makitang pagbabago sa sitwasyon mo ngayon, Nhad.
It doesn’t mean na natauhan kana ay magbabago na ang lahat.” Maagap na wika
nito bakas ang pagpapa-alala sa kanya.
“Hindi na importante sa akin ngayon kung ano ang p’wede kong malaman sa muling paghaharap naming ito. Mas
importante sa akin ang makahingi ng tawad sa mga pagkukulang ko sa kanya noon.”
“I see.”Napapatango nitong sabi.
Tinungo niya ang bar na pinagta-trabahuan ni Andy. Ang bar na sa loob ng mahigit dalawang buwan
ay iniwasan niyang madaanan at puntahan sa takot na hindi siya makapagpigil at
pumasok siya at harapin si Andy. Nang makababa siya sa kanyang sasakyan ay
ibayong kaba ang kanyang naramdaman. Muli na niyang makikita ang dating
kasintahan. Ngunit ang inaasahan niyang muli nilang pagkikita ay agad na
naglaho nang mapag-alaman niya sa kaibigang bouncer na mahigit isang buwan ng
nag-resign si Andy bilang barista sa bar na iyon.
Bagsak ang balikat siyang bumalik sa kanyang sasakyan. Sunod
niyang pinuntahan ay ang apartment nito subalit muli lamang siyang nabigo
sapakat sarado iyon at walang bakas na may tao sa loob hanggang sa maalala niya
si Miles.
Hindi nahirapan si Nhad na tuntunin ang bahay ni Miles,
sapagkat minsan na niya itong napuntahan kasama si Andy. Pumara ang kanyang
sasakyan sa tapat ng mataas na puting gate ng bahay nito. Mabilis siyang
bumababa sa kanyang sasakyan. Alam niyang pangdi-disturbo ang gagawin niya
dahil pasado alas-nuebe na iyon ng gabi pero wala na siyang pakialam. Hindi
naman siya nahirapan, matapos niyang makapag-doorbell ng tatlong beses ay may
nagbukas sa kanya na isang babae. Sa pananamit nito ay nasisiguro niyang katulong
iyon.
“Nariyan ba si Miles?”Pormal niyang tanong rito.
“Opo. Kanina pa niya kayo hinihintay. Pasok po kayo.”
Napakunot ang noo niya. Hinihintay siya ni Miles? Imposible
yata iyon wala itong kaalam-alam na pupunta siya sa gabing iyon. Malamang ay isa
sa mga kaibigan nito ang hihintay at napagkamalan lamang siya ng katulong.
“Hindi na. Paki sabi na lang na hihintayin ko siya dito sa
labas.” Pambabaliwala niya sa maling akala ng katulong. Hindi na rin niya ito
itinama sa takot na baka hindi siya harapin ni Miles kapag nalaman nitong siya
ang naghihintay dito. Posible iyon lalo pa’t hindi maganda ang huling
ingk’wentro nila.
Agad namang tumalima ang katulong at nang sumunod na bumukas
ang maliit na bahagi ng gate ay iniluwa niyon si Miles. Subalit ang inaasahan
niyang pagrehistro ng gulat sa mukha nito ay hindi nangyari.
“Ikaw pala, Nhad.”Kaswal nitong sabi.“Kaya ka ba nandito
dahil hinahanap mo si Andy?”
“Oo. Gusto ko siyang makausap.” Walang paligoy-ligoy niyang
sabi.
“Huli kana, Nhad. Hindi mo na––”
“Wala akong pakialam kung huli na ako. Gusto ko lang siyang
makausap, Miles.” Hindi na niya ito hinayaang tapusin nito ang iba pa niyang
sasabihin. Dahil kahit ano pa man iyon buo na talaga ang desisyon niya.
Pinakatitigan siya nito ng husto bago siya nito linagpasan
at umikot papunta sa kabilang bahagi ng kanyang sasakyan at buksan ang pintuan
sa may passenger seat.
“Ano pa ang tinatayo-tayo mo riyan?Tara at sasamahan kita
kay Andy.”
Naguguluhan man ay pumasok na siya sa kanyang sasakyan at
agad na in-start ang makina nito. Habang nasa daan ay napag-alaman niya kung
saan naroon si Andy at iyon ay sa bahay pa rin ni Jasper. Nalaman rin niyang
kasabay ng pagre-resign ni Andy sa bar ay iniwan na rin nito ang pangungupahan
sa apartment at doon na sa bahay ni Jasper piniling tumira.
Hindi na siya nabigla sa mga nalaman dito pero hindi rin
niya napigilan ang makadama ng sakit at matinding paninibugho. Ang isiping
magkatabing natutulog si Andy at Jasper ay talagang nagpapasikip sa kanyang paghinga.
Pero ano nga ba ang kaparatan niyang magselos? Siya naman itong hinayaan na
lang na mawala sa kanya si Andy.
“Andy deserves to be happy. All his life, palagi na lang
siyang nagsasakripisyo para sa ibang tao. Ewan ko ba kasi sa isang iyon, ang hilig
magkagusto sa mga taong walang k’wenta.”
Napabaling siya kay Miles dahil sa tinuran nito. Batid
niyang siya ang pinapatamaan nito pero hindi niya magawang umalma dahil alam
niyang totoo iyon. Napakawalang k’wenta niyang tao at napakamakasarili.
Ilang saglit lang ay narating na nila ang bahay ni Jasper.
At hayon na naman ang kabang kanina lang ay naramdaman niya senyales na
talagang naroon na ang taong hinahanap niya.
“Tara sa loob, naroon si Andy.”
Bahagya siyang nag-atubili pero hindi na niya iyon pinansin
pa at bumaba na sa kanyang sasakyan. Mula sa gate ng bahay ni Jasper ay
kailangan pa nilang maglakad para marating ang main door ng bahay. Habang
papalapit sila ay siya namang lalong pagtindi ng kaba na nararamdaman niya.
Kung tutuusin ay p’wedi pa siyang umatras subalit mas malakas pa rin ang
kanyang pagkagusto na makita ang dating kasintahan kahit alam niyang wala na
siyang aasahan pa rito.
Nang marating nila ang main door ay si Miles na mismo ang
kumatok niyon. Ilang saglit ay bumakas iyon at iniluwa si Jasper. Agad na
nagtama ang kanilang mga tingin.
“Mukang naligaw ‘ata itong kasama mo, Miles.” Wika nito na
sa kanya nakatingin. Hindi siya nagpatalo at tinapatan ito ng kaparehong
tingin.
“Gusto niyang makausap si Andy, Casper.” Ani naman ni Miles.
Batid niyang sinusukat siya nito sa uri ng tingin nito sa
kanya pero hindi siya nagbawi ng tingin. Tinapatan niya iyon at ipinakita rito
na hindi siya basta-basta magpapatinag. Si Jasper ang unang nagbawi ng tingin
sa kanilang dalawa.
“Hindi mo na siya dapat dinala rito, Miles.” Bakas ang
iritasyon sa boses nito.
“Wala akong makitang mali sa ginawa ko, Casper.” Kaswal na
tugon naman ni Miles dito. Halatang hindi ito apektado sa ipanakitang iritasyon
ng kaibigan.
Muli siyang binalingan ni Jasper bago nito linuwagan ang
pagkakabukas ng pintuan tanda nagpapatuloy nito sa kanila. Nang nasa loob na
sila ng bahay nito ay agad sila nitong iniwan.
“Good luck.” Wika sa kanya ni Miles saka ito pasalampak na
naupo sa sofa.
Magtatanong na sana siya kung ano ang ibig nitong sabihin
nang makita niya si Jasper na pabalik na habang nakaakbay kay Andy. Biglang
nanikip ang kanyang dibdib. Inaasahan na niya iyon pero iba pa rin pala kapag
harap-harapan ng isinasampal sa’yo ang katotohanan.
Javier Colon Stitch By Stitch
Powered by mp3allmusic.com
Javier Colon Stitch By Stitch
Powered by mp3allmusic.com
Itutuloy:
40 comments:
grabe ka mambitin!...wahahaha...ang sama sama mo...wahahaha...peace!!!...ang adik ni nhad...two months talaga bago nya marealize kagaguhan nya...wahahaha...i smell something fishy lang...wahahaha...di ko muna sasabihin baka maspoil ko yung kwento..wahahaha..nice one zeke...haha...
-Berto-
naman zeke!! Ive been waiting for this chapter!!!!
Bakit sa part na yun mo binitin???? Waaaaah!!!
how sad sabi ko na nga ba eh, sad ending talaga ito eh, huhuhu!!!
Intense nmn un last part..... Badtrip ng sobra c casper jasper epal!!!!! Argggghhhh....
Fight Nhad ! Andy deserves to be happy :))
ganda ng chapter na ito... worth it ang paghihintay :]
waaaaaaaaaaah! GOODLUCK! lol nice one poy! bwahahaha exciting ang pagtatagpo! Bespren Vs. Boypren (Ex)!!! SA PULA o sa PUTI!
bitin n nmn kiel...hehehe no b yan....muzta na kiel????hehehe
kya zilds.... bitin naman po.... muntik na pong tumulo luha ko... heheheh ---nin1989
INTENSE!! :))) ang galing mo talaga GREAT ZILD AUTHOR BWHAHAHA!. GO NHAD! IPAGLABAN MO ANG IYO :D
sobra ka poy...tagal mu kaming pinaghintay sa chapter na to taz sa ganun lang natapos...hay may kutob ako na natanggap na ni casper the unwanted sperm ang katotohanan about andy na hhindi na siya ang mahal nito at palabas lang niila lahat yun...hay sobra naman maka pambitin talaga..
_iamronald
Makapambitin wagas.... Waaaaahhhhh sana di pa huli ang lahat para kay Nhad....
hehehe every last word ay kinakabahan ako Z..hehehe..
pwedeng next na agad kuya zeke..hahaha..ito na yung hinihintay ko..away na..ahahaha..game!! fight!!
-J
naku mahirap talaga ang taong di marunong makinig at nagiging huli na ang lahat pero huli na nga ba ang lahat para magbago ang isang tao
Kinakabahan talaga ako habang nagbabasa nakakapagpakababag ng sobra sobra! Tsk! Binitin mo na naman kami ZEK! Master kana talaga sa pambibitin hahahaha! Next na please!!!!!!!! Mwuah
Pat
Tagasubaybay
Mula pa nung mga bata pa si Ace at Rome
MARAMING MARAMING SALAMAT PO KUYA Z!! Punta po kayo dito sa bahay sa tuesday hah! Hintayin po kita. LOLS =))))) hehe Advance HAPPY HAPPY BIRTHDAY din po senyo!! Ingat palage. God Bless po. Ano kayang nangyari kay Andy? Pag binabasa ko po tong Bittersweet feel na feel ko, ako si Andy! Haha :) feeler lang. Anyways, good luck kuya, sana may new story ulet.
- drich here..
parang may idea na ako sa mga nangyayari... hahahaha... nakakatuwa tong chapter na to.. nagbabalik pa si pat... excited na ako sa next chapter.. nice one author!!! :) silent_al
Battle of the Performance ba itachiwa??
di ba pwedeng extend hanggang chapter 25?! :)
- London
nakakainis ka zeke!!! haha. gaaaahhhh! ung mga cliffhangers mo talaga walang palya kahit kailan. :D
what??as in??ngkabalikan si Jasper tsaka si Andy?? i hate it..dapat si Nhad yun...si Jasper ang may kasalanan nito...hindi sya marunong tumanggap ng pagkatalo...he's too selfish!!i hate him...sayang kagwapuhan nya...ang pangit ng ugali nya...
next please...nakakainis tong chapter na to...hahaist...sana makahanap nalang si Nhad ng taong mgmamahal sa kanya...at maipakita nya kay Andy...hahahahha
ayan na ang face off.. :p go nhad..!!!!
Next. Chapter na po....heheh
waaaaah excited na ko. whew! haha intense! salamat zildjan!!!
-JayAr
advance happy birthday po!
Kala ko pa naman mag-cameo appearance uli ang 7th High barkada sa chapter na 'to. Pero ayos na rin at nagbalik si Pat.
- Edmond
Nakakabaliw lang! yun lang! waaaah!
good to read that jasper/casper is doing just fine. im so proud of andy, such a good friend and selfless. (maka-proud naman ako, haha)
at isa pa. grbe na pagkakadugtong ng mga tauhan, dpat may post bout s family tree ng mga characters e, uber extended branches. haha.
im waiting. waiting for the HAPPY ending of the story. make it a happy one pretty please? 3:
don't you ever give up on Andy, Nhad.. hehe affected much
God bless.. -- Roan ^^,
Naniniwala ako na magiging maganda ang ending nito. Pat said everything. Ang ganda ng realization s story. Galing tlga kuya zeke! -arc
nice chapter kuya zild,..may gyera na namang mangyayari sa pagitan nila Casper at Nhad...
nakakaexcite ang susunod na kabanata,kaabang-abang talaga.... :))
this is brilliant.
excited much grabe ang gandatalaga hahah...mukhang may makakarelasyon na si pat this time sana si brian na yun hahah
jubert:)
why say “ikaw pala” if u’re expecting one’s arrival? lolz
kung mkasinging ng ibng karakter wagas xD
peo nice patch
mganda ung pgkakabitin sa huling bahagi, it adds up to d excitement lalu pa’t mgwawakas na ang kwento
bt there’s one thing i dnt undrstand, ampalaya.
there’s a chasm between nhad and andy bt y didn andy made a move to cross it somehow?
yeah mtgas c nhad, nbulagan at nbingi, bt cnt andy send a plain nd simple “sorry” msg? jst to show he is really sorry for what had happened?
d q tlaga un ma-getz
Ang kasagutan sa tanong mong iyan ay nasa chapter 21 katanashi no rue. Hihihi
sinasabi ko na nga ba't may isa.sa inyo ang magtatanong sa bagay na iyan and im glad na ikaw iyon. Hahaha
nakakainis ka jasper..ur so selfish.. loser talaga.. huhuhuh.. I feel sorry for Andy and Nhad... kuya Z, bakit ganyan na lang yan?sana c Nhad at Andy dapat mag happy ever after..
kuya Z.. dapat Nhad at Andy ang ending at patayin mo na sa last part si Jasper, kakainis...
weh
pinaninindigan m lang na aq ang critic mo adik
bwahahaha
bt anyway, cnu bang d mg-iicp nun eh 2 long months un na kinikimkim nia ung guilt na d man lang nkakapagsabi ng kahit isang payak na appology?
what can one do when one looses what matters most?
unawain nyo na lang si andy....
matagal din naman nya minahal si jasper eh....
hi kuya Z (makagaya lang hahaha)
new lang me here...
sana di ako madisappoint sa mga sinusulat mo ehhehee....
'no man is an island' talaga...dhil me mga pagkakataon na talagang hindi natin kayang ipaintindi sating sarili ang dpt gawin na sa ibang tao naman ntin matututunan...finally, nhad, through pat, e narealize nrn nya...hope things will fall into proper places nrn pra sa kanilang tatlo..
-monty
Post a Comment