Sunday, September 16, 2012

The Devil Beside Me (Teaser)



Story Cover Created by: Makki
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
 
Author's Note:


Actually, wala sa plano ang paggawa ko sa series na ito lalo na ang mga character ko dito. Tulad nga ng sabi ko, ginawa ko lamang sila bilang panggulo no’ng kasagsagan ng Chances. Pero heto’t isusulat ko na ang panghuling libro. Ang bilis talaga ng panahon. HA! HA! HA!

Ang magiging takbo ng k’wentong ito ay talagang matagal ko nang pinag-isipan. Sila nga dapat ang unang sasalang sa series na ito ngunit napag-isip-isip ko na hindi ito magiging madali para sa akin at kailangan ko pa ng kaunting experience para mapaganda at maging mas masaya ang bawat senaryo sa k’wento. Asahan niyo ang light approach ko sa k’wento ito. Patatawanin at pakikiligin ko kayo ng husto sa huling libro kong ito.



Sa limang magkakaibigan si Jay Iglesias ang nabansagang walang sense of commitment and responsibility sapagkat walang trabaho at relasyon ang nagtatagal sa kanya. Madali raw siyang magsawa at mawalan ng gana sa ano mang bagay na kanyang pinapasukan.


Sumuko na ang kanyang mga magulang na mapilit siyang panghawakan ang kanilang negosyo ngunit hindi ang kanyang mga kaibigan. Matatag ang desposisyon ng mga ito na mapatino siya at maging isang responsableng tao lalo na ang kanyang kababatang si Maki. Mga bata pa lamang sila ay madali na siyang napapasunod ni Maki sa mga gusto nito sa pamamagitan ng mga pamba-blackmail at kung anu-ano pang taktika para lamang hindi siya maka-alma.


Ayos lamang sa kanya ang ginagawang pagmamanipula sa nito sa kanya. Nagi-enjoy din naman kasi siya sa nakukuha niyang atensyon dito at kapag napapasakit niya ng husto ang ulo nito. Isama mo pang kapag tinutukso sila nito ng mga kaibigan nila ay naasar itong lalo. Ngunit sumobra ang pagiging pakialamero nito nang pati ang kanyang pakikipagrelasyon ay pinakialaman nito. Nagdulot iyon ng gulo sa pagitan nilang dalawa.


Ano ang mangyayari sa pagkaka-ibigang pinatatag ng panahon? Mauuwi ba ito sa tuluyang pagwawakas o  isang mas malalim na damdamin ang mapupukaw?