Wednesday, September 12, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 8



            Hello po sa lahat!! Kamusta? ^_^

            Una, gusto ko po muna pasalamat pa din ang lahat lahat sa pagtyatyaga kahit po ang tagal ng aking pagpopost.. Medyo busy lang po talaga.. Pasensya na po.

            Pangalawa, ay gusto ko po pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


           Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^

           Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
            Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
           Blogsite - darkkenstories.blogspot.com

           COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED








Kinaumagahan ay maagang nagising ang lahat at sabay sabay kaming nagalmusal. Nakakatuwang pagmasdan dahil ang mga conyo at sososyal sosyal sa school ay heto ngayon at nakikibagay sa simpleng mundo ko. I never expected much. Lage kong sinasabi na simpleng buhay lang naman talaga ang gusto ko. Pero mas higit pa sa hiniling ko ang binigay kaya naman malaki ang pasasalamat ko.

Matapos makapag almusal ay sinimulan na naming mamili agad ng materyales para sa pag gawa ng tindahan. Nang makabili naman ay pinagtulong tulungan naming magkakaibigan ang tindahan. AT dahil na rin sa kilala ang aking Itay sa amin, maraming mga kapitbahay ang nakitulong kahit pa pang meryende lang ang kaya naming ibigay.

Mas naging close naman ang bawat isa. Mga bagong pagkakaibigang namuo. At talaga namang ang sarap sa pakiramdam. Mga ugali at kinasanayan na lumalabas dahil na rin sa pagsasama sa iisang banyo. Tulad na lang si Gino, sa laki ng katawan nito ay sino bang magaakalang matatakutin din pala ito. At sila Chelsea at Brian na sobrang pagkapayat ay napakalakas pa lang kumain. Lagi naman nilang sinasabi na syempre daw sporty sila kaya malakas sila kumain. Nagtatawanan naman ang lahat dahil jinujustify pa talaga nila ang pagiging matakaw nila. Si Kulas naman, sino bang magaakala na kaya pala nito maging emotional at magalang? Sabi na, misunderstood lang talaga sya kaya nilalabas nya ang astigg image nya para pagtakpan ito. At si Andoy, kalalakeng tao pero mas matagal pang maligo kay Melai. At si Melai naman, kababaeng tao ay ang lakas pa lang humilik.

Sa dalawang linggong paghihirap naming magkakaibigan ay nabuo din naming sa wakas ang tindahan. Nang matapos naman ay nagkaroon kami ng maliit na celebrasyon. Nagtulong tulong kami sa pagluluto at nagkaroon ng kaunting inuman.

Napalapit na rin sa mga magulang ko ang mga kaibigan ko kaya naman sinagad na nila ang bakasyon sa amin. Kahit pa may ilang linggo pa bago magpasukan ay hindi muna sila umuwi. Tumulong din sila sa gawaing bahay at natutong magtrabaho.

Si Andoy at Melai ay naiwan sa bahay upang magbantay sa tindahan at sa bahay. Sila Karen, Chelsea at Kulas naman ay sumama kay Inay sa paglalako. Habang sila Kulas, Gino at Brian ay sumama kay Itay sa pagtratrabaho. At syempre kami ni Andre ay bumalik kaila Mang Ramon. Yang ang naging routine namin kapag may pasok. Tuwing wala naman ay namamasyal kami sa mga ilog at talon na malapit sa amin. It was the best vacation ever!

Minsan nasa talon kami…

“Naaalala mo noon, tumatakas pa tayo sa klase para lang maligo dito?”, biglang sabi ni Karen. Napangiti ako.

“Oo nga, eh.. Ang saya nung mga araw na yun.”

“Oo kaya! Kahit pa na-oop ako dahil lage kau magkasama ni…”, sabay pagtigil nito. She meant Larc. Nakaramdam ako ng kaunting lungkot. Pero mas malaki ang panghihinayang.

“Tapos na yun Karen. Hindi siguro lahat ng mga bagay na meron ka ay sayo panghabang buhay…”, ngiti kong sagot kay Karen.

Hindi naming napansin na nasalikod pala naming si Andre.

“What if one day.. What if lang, makipag ayos sya sayo?”, medyo malungkot nitong sabi.

“Edi makipag ayos sya. Siguro panahon na ang makakapagsabi kung magkakaayos pa kami. Ang mahalaga sakin ngayon, ikaw ang nasa tabi ko.”, paniniguro k okay Andre. Nagbigay naman ito ng ngiti.

“Friend… Prangkahan lang ha… Nahahawa ka na kay Andre! Ang korny mo na rin!”, pagbibiro ni Karen.

“Oo nga eh. Ewan ko ba dito! Ang korny korny, pero mahal na mahal ko!”, pag ngiti ko kay Andre. Napangiti lang din naman ito at medyo namula.

Buong maghapon kaming nagaliw sa talon kasama ang mga kaibigan at mga magulang. Nagbaon kami ng pagkain at inumin para hindi kami gutumin. Ang Inay naman at si Andre ang naging abala sa pagluluto. Tinawag naman ako ng Itay at mamumulot daw kami ng kahoy para pang ihaw.

“Anak, mamimis ka ulit namin.”, seryosong sabi ng Itay.

“Ako din, tay. Mamimis ko kayo.”

“Mabait si Andre ha. Kayo na ba?”, pag ngiti nito.

“Po?”, namula kong tanong.

“Matanda lang ako, anak. Pero hindi tanga. Kitang kita naman, eh.”, ngiting biro ng Itay.

“Eh… Tay…”

“Huwag ka nga mahiya dyan! Pero sa totoo lang, nung una, ayaw ko sakanya. Kasi alam kong nasaktan ka nya eh. Bilang magulang mo, masakit para sakin yun dahil ilang taon kitang inalagan. Pero sa nakikita ko ngayon, gusto ko sya hindi dahil sa mga naitulong nya sa atin. Ngunit sa naitulong nya para mapabuti ka.”

Napangiti naman ako sa Itay.

“Wala akong maipapayo tungkol sa ganyang relasyon, pero ang masasabi ko anak ay magtiwala kayo sa isa’t isa. Yun lang din ang naging pundasyon naming ng Inay mo kaya kami nagtagal.”, payo ng Itay. Ngumiti lang ako ulit.

“Malaki ka na talaga, anak! Magiingat ka ha!”, maiyak iyak na sabi ng Itay. Napaluha naman ako lalo ng bigla akong yakapin ng Itay at hinalikan sa noo.

“Salamat Itay. Mahal na mahal ko po kayo ng Inay.”

Matapos ang lahat ng saya ay dumating na ang malungkot na bahagi n gaming kwento. Panahon na para umuwi at bumalik. Tapos na ang bakasyon. Kung nung una akong umalis para pumunta sa Manila ay naging emosyonal kami, ngayon, ay mas naging emosyonal dahil hindi lang ako ang nalungkot sa pag-alis namin. Maski ang mga kaibigan ko na kahit sa maiksing panahon ay napalapit na rin sa lugar naming. Nangako silang babalik dito muli sa bakasyon. Nagpasalamat din naman ang Itay sa pakikisama at nakiusap na alagaan ako.



Hindi katulad ng inaasahan ko ay naging maayos ang takbo ng lahat. Naging masaya ang buong taon naming lahat. Matapos ang bakasyon ay doon na ako tumira sa bahay ni Andre. Hindi sa bahay ng magulang nya ngunit ang bahay na bigay ng magulang nya sakanya. Kahit pa hindi kami sa sigurado sa mangyayari sa hinaharap ay sinimulan naming bumuo ng sarili naming future. Mga plano na nais naming matupad magkasama. Naging close na din ulit si Andre sa pamilya nya. At naging kaclose ko na rin ang mga kapatid nito. From time to time ay pumupunta kami sa bahay ng parents nya para bumisita. Lalo na kapag may okasyon. Ganun din sa mga magulang ko, pag may libreng panahon ay bumibisita kami sa amin. Sa dinaan ng isang taon, ay agad lumaki ang tindahan naming, at dahil na rin sa tulong ng mga magulang ni Andre ay nagka sariling pwesto na kami sa bayan. Isang maliit na grocery. Tumigil na sa pagsasaka ang Itay at tumulong na lang sa Inay sa pagaasikaso sa negosyo.

Sa mga kaibigan naman namin ay nagkaroon din ng mga pagbabago. Si Kulas na dating barumbado at maloko ay napatino ni Karen. Sila pa rin hanggang ngayon. Nakakatuwa lalo na si Kulas dahil halata ang malaking pagbabago nito. Medyo maloko pa din ito, pero hindi na tulad ng dati. Lalo tuloy dumami ang fans at kaibigan nito. Dahil na rin sa pagkamasipag din ni Karen sa pagaaral ay naimpluwensyahan nito si Kulas kaya naman gumanda na ang tingin ng mga teachers sakanya. Hindi na sya “just another varsity player”.

Si Chelsea naman ay napanalo pa rin ang Cheer Dance competition . Hindi nya hinayaan maagaw ang title ng pagiging champion ng University namin. Ngayon ay nagbabalak ito na magtayo ng sariling dance studio.

Si Brian naman ang pinakanagulat kaming lahat. Isang araw ay umamin ito sa amin na bisexual ito. Mayroon din pala itong kinakasamang boyfriend magtatatlong taon na. Nagulat kami ng sabihin nyang si Charles pala yun, ang pinakilala nyang pinsan sa amin. Natakot at umiyak pa ito ng umamin sya sa amin. Pero komportable na daw sya aminin ito sa amin dahil alam nyang hindi naming sya tatalikuran. At syempre, hindi naman namin sya binigo. Kami pa ang nag udyok sakanya na isama si Charles sa mga lakad naming ng lubusan naming makilala. Nakiusap din sya n asana kami na lang muna ang may alam dahil hindi pa sya handing magladlad sa lahat. Tinupad naman naming yun.

As for Gino, and Andoy at Melai, nagplano ang tatlo na magsama sama sa iisang company after nila makapasa sa exam at makakuha ng lisensya bilang mga engineer at architect. As usual, away bati pa din sila Andoy at Melai, pero never naging issue sakanila ang hiwalayan. They remained storong as always.

At malamang, maraming magtatanong kung anong nangyari kay Larc. Well, nung pumasok akong muli ay hindi na kami muling nakapagusap. Lalo ng mabalitaan nito na kami na ni Andre. I would see him looking at me from a distance from time to time. Pero hindi ni minsan ito lumapit pa muli sakin. Pero hanggang ngayon ay malaki pa rin ang galit ni Karen kay Larc kaya tuluyan na nitong hindi kinausap. Pero bali balita na balak na daw magmigrate ni Larc sa ibang bansa.

Malungkot, dahil may mga times na namimis ko si Larc bilang bestfriend. Mga titigan moments, sweet moments, at ang mga suyuan naming na akala mo ay magjowa kami. Hindi ako nakakalimot na we were once bestfriends. We may not be meant to be as lovers, pero okay na rin siguro dahil we spent 12 years of loving and taking care of each other. Nagkabuhol buhol nga lang ang lahat. Pero kahit pa may galit sa puso ko para kay Larc ay hindi ko maitatangging may lugar pa rin sya a puso ko. May mga alalaala na hindi kayang burahin ng kahit ano pa mang nangyari.

As for me, tulad ng pinlano ko ay grumaduate ako with flying colors. Na achieve ko ang gusto kong maachieve. At sigurado ko ngayon na maiaahon ko na ng tuluyan ang mga magulang sa kahirapan. Alam ko ding mas matatag na ako dahil kasama ko si Andre sa tabi ko. Sa isang taon mahigit naming bilang kami ay mas tumatatag kami. Balak naming magtayo ng isang coffee shop. Pagtutulungan naming palaguin yun habang nagrereview ako at makakuha ng license at maging ganap na CPA.


After 1 year…

Si Andre.

Ring. Ring. Narinig ko ang cellphone kong tumunog. Pagtingin ko ay pangalan ni Ryan ang lumabas sa caller id.

“Hello?”, pagsagot ko.

“Hello mahal ko.”

“Oh, asan ka na po?”

“Eto na paparating na po. Medyo natraffic lang.”

“Sabi ko naman kasi sayo, sumabay ka na sakin.”

“Eh kasi naman po, nagpasaway pa kanina yung kapatid mo. Sinundo ko pa sa boyfriend nya. Kaso nagtext na magddrive na lang daw sya.”

“Ah ganon ba. Sige, uwi ka na. Pinagluto kita.”, malambing kong sagot.

“Aba! Natuto ka na talaga magluto, ha! Masarap ba yan?”, biro ni Ryan.

“Oo naman! Masarap din yung nagturo, eh! I mean, magaling pala! He.He.He”, biro ko.

“Nako! Ewan ko sayo! Hanggang ngayon ang korny mo pa din!”

“Kilig ka naman.”

“Everyday.”

“Oh sya, magconcentrate ka sa pagddrive mo ha. Mag-ingat ka at naulan!”

“Opo mahal ko. I love you..”, magiliw na sagot nya.

“Talaga? Mahal mo ko?”, tanong ko.

“Naku, naglambing nanaman po sya. Uh-hmmm. Oo naman! Mahal na mahal ka ni Ryan.”, malambing na sagot nito.

“Talaga ha.” Napangiti ako.

“Oh basta, magingat ka din dyan ha. Pag nagluluto ka, yung kamay mo, baka mahiwa ka nanaman. Pagtapos mo magluto, patayin ang gas. At tandaan mo. Mahal na mahal na mahal kita… Kahit anong mangyari. Tandaan mo yan.”

“Opo na po.”

“Nako, huwag kang umopo dyan! Lage mo na lang naiiwan nakabukas ang gas. Buti sana kung andyan ako lagi para magpatay ng gas.”

“Makapg salita ka naman, kala mo magaabroad! Hahaha!”

“Loko ka talaga. Basta ingat ka po, ha. I love you……..”

“I love you more.”

Napangiti akong muli pagbaba ako ng telepono. It’s been 1 year and 3 months since naging kami ni Ryan at ganun katagal na rin kami nagsasama sa iisang bubong. Hinding hindi ko makakalimutan ang last year naming sa college dahil yun ang pinakamasayang part ng buhay ko. Na achieve ko din ang mga bagay na di ko alam na kayak o palang gawin kundi dahil kay Ryan. He has motivated me to be a better person.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga akripisyo na rin para sakin. Marami syang naituro sakin, aside sa mga pagtulong nya sa subjects ko ay mga gawaing bahay, magluto, maglinis, at pano maging independent. Sya rin ang dahilan kung bakit muli akong naging close sa family ko. Nakakatuwa din naman dahil anak na rin ang turing nila Mom and Dad sakanya. Hindi naman din kasi mahirap pakisamahan at mahalin si Ryan, kaya din siguro agad nabihag nya ang puso ng pamilya ko.

Everyday he would cook breakfast for me. Kahit pa sobrang pagod o kaya naman ay may pinuntahang party at nalasing ay hindi sya pumapalya sa pagluluto ng agahan para sakin. Kung tutuusin ay napaka simpleng bagay lang pero sobrang nakakapag patouch sakin. Minsan pa, breakfast in bed.

Ngayon naman, aside sa inaasikaso naming maliit na coffee shop na niregalo samin ng magulang ko, ay abala din si Ryan sa pagrereview nya. Todo suporta ako sakanya katulad ng ginagawa nya sakin. Habang nagrereview sya ay ako naman ang nagaasikaso sa munting negosyo naming. At dahil ako rin ang sumunod na matanda sa magkakapatid, isa ako sa namamahala sa family business naming. Kaya full time din ako sa trabaho. Nagkataon lang off ko ngayon kaya nagdesisyon akong ipagluto si Ryan.

Habang nagluluto naman ako ay naalala ko ang first time na pinagluto ko si Ryan. Anniversary naming yun. Actually, a week before ay nagiisip na ako kung saan kami pwede magcelebrate ng anniversary namin. Ayoko naman ng simpleng kain lang sa labas dahil parang walang effort. Kaya ang ginawa ko ay nagluto na lang ako ng dinner para sa aming dalawa. Naalala ko pa na halos kabadong kabado pa ako dahil baka pangit ang lasa.


1st anniversary

“Saan ba tayo pupunta?”, tanong ni Ryan.

“Babalik tayo sa nakaraan.”, ngiting sagot ko.

“Nako, huwag mo sabihing magpapageant show nanaman kayo nila Karen, ha! lumang gimik na yan!”

“Hahaha! Hindi ah! Pero nakareserve ang special bikini brief para mamaya.”, pilyong sagot ko.

“Ikaw! Ambabuy mo!”, pagtawa ni Ryan.

“Virgin lang?”, biro ko.

“Kunwari! Bakit ba?!”, sabay tawa ni Ryan.

“Pagbigyan!!”

Pinasyal ko syang muli sa park na naging napaka memorable na sa amin dahil every 4th day of the month o monthsary namin ay pumupunta kami dun at doon nagcecelebrate. Kakain kami ng fishball at gulaman habang nagkkwentuhan at binabalikan ang mga nagdaang bwan para sa amin. Nakilala na rin kami ni Manong dahil naging suki na nya kami.

“Alam mo, hindi ako nagsasawa sa fishball na to.”, bungad ko.

“Bakit naman?”

“Eh kasi ito ang unang kinain ko na libre mo sakin, eh.”

“Hahaha! Ewan! Ang korny mo pa din.”

“Pero kini..”

“Oo na! Kinilig na!”

“Pero matanong ko lang, ano yung unang pumasok sa utak mo nung ginising kita at ako ang nakita mo?”, kilig kong tanong.

“Hmmm. Nung una kasi, akala ko guard ang gumising sakin. Kaso naisip ko, ay sosyal! Inglisero si Manong! Pero nagtaka ko bat alam pangalan ko, kaya dumilat ako. At pag dilat ko at nakita ka, sabi ko talaga. –Sa lahat ba naman ng makikita ko, ito pa!”, tawa ni Ryan.

“Oh, tapos?”, kilig kong tanong.

“Nako, ikkwento ko nanaman? Bwan bwan ko na lang kinekwento to ah!”

“Sige na….”, pangungulit ko.

“Nakoooo. Pero ayun na nga, Nabuko mo ko sa nangyari, tapos kumain tayo at nagkakilanlan. Nagtataka nga ako sayo nun dahil ibang iba ka noong araw nay un. Nasanay kasi ako na “Alalay” ang tingin mo sakin. Tapos pinauwi kita….”

“Tapos..?!”, mas kilig kong tanong.

“Hala! Kinilig!”

“Syempre! Dali! Kwento mo na!”

“Tapos ayaw mo nga umuwi. Tapos inuwi mo ko sa inyo…”,medyo kilig na kwento ni Ryan.
“Oo. Tapos nung makatulog ka na ay kunwari tulog din ako pero buong gabi kita tinitigan…”, sagot ko. Nakita kong natahimik si Ryan. Halatang kinilig. Nakatingin lang ito at nagbibigay ng ipit na ngiti.

“Ewan ko sayo! Ang korny mo!!”, depensa ni Ryan.

“Pero wala ng mas kokorny pa sa ginawa mo nung una nating date!”, dagdag nya.

“Bakit nanaman?!”, pagkukunwari ko. Pero kilig na kilig na ko.

“Kunwari ka pa. Tandaan ko nun, nagtxt ka na magmeet tayo sa front gate ng school. Ako naman, si punta. Tapos dinala mo ulit ako dito sa park, pero sobrang seryoso ka sa sasakyan kala ko anong nangyari, yun pala, style mo lang yun! Tapos tinanong kita kung bakit ka ba titig ng titig dahil naiilang na ko.”

“Oh, anong tinanong mo..”

“Ewan..”

“Ewan daw… Ano nga.”

“Type. Mo. ko?”

Natawa ako sa pagkasabi ni Ryan dahil kinikilig na nahihiya. Humagalpak naman ako ng tawa.

“Tamo, natawa ka sa kakornihan mo!! Tara na nga!”

After nga ng monthly ritual naming sa park ay umuwi na kami sa amin at doon ako unang nagluto para akanya. Kinakabahan pa talaga ako nun dahil first time ko magluto na ako lang.

“Hmmmm. Tikman nga natin!”, taas kilay na sabi ni Ryan.

“Oh! Teka!”

“Bakit?!”, tarantang tanong ni Ryan.

“Pikit ka muna!”, nahihiya kong sabi.

“Eh bat galit ka?!”

“Basta! Pikit ka muna!!”

Pagpikit naman ni Ryan ay hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya naman nilagay ko na lang sa plato nya ang gusto ko ibigay.

“Ano na?!”, tanong nito.

“Dilat na!”, galit kong sabi.

Naging slow motion ang lahat sakin. Parang dahan dahan na dumilat si Ryan at dahan dahan ko din nakita ang pag ngiti nya ng makita nya ang sing sing sa plato nya. Hindi ko na inintindi ang mga sumunod na detalye dahil yun talaga ang pinakatumatak sa utak ko. Ang mga tingin nay un. Korny man pero parang may spark talaga, eh. Mas lalo akong nainlove sa mga tingin nyang yun…..




Hindi ko mapigilan ang hindi pag ngiti habang nagluluto. Naeexcite ako dahil pagtapos ng salubong sa monthsary naming ngayon ay pupunta kami muli sa park at marinig muli ang kwento nya. Ang paulit ulit na kwentong hinding hindi ko pagsasawaan.

Nagset na ako ng table at tanging hinintay na lang ang paguwi ni Ryan. Handan a ang cake at ang regalo ko para sakanya. Pinaframe ko ang anniversary picture naming at bumili din ako ng necklace. Time check, 10:16 pm.

Nanood na lang muna ako ng tv habang naghihintay kay Ryan. Malamang traffic ngayon dahil sa ulan kaya baka 1 hour pa bago yun makauwi. Hindi ko naman mapigilan ang excitement kaya naman hindi din ako makafocus sa pinapanood ko.

Sa di maintindihang dahilan ay may dulot na kaba sa akin bigla ang ulan. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Baka dahil lang sa excited ako.

Napatingin ako muli sa orasan, 11:34 pm na. Wala pa ding Ryan na dumadating. Mas lalo akong kinabahan. Agad akong dumial sa cellphone ko at tumawag kay Ryan. Ring lang ng ring. Mas lalo akong kinabahan.

Hindi na ako mapakali kaya sunod sunod ang mga naging tawag k okay Ryan.

“Baka napaparanoid lang ako.”, sa loob loob ko.

11:57 pm. Wala pa ring Ryan na dumadating at wala ding sumasagot a telepono nya. Nababaliw na din ako kakaisip. Baka naman may surprise lang sakin si Ryan. Baka hinihintay nya lang na mag alas dose. Sana… Sana ganun nga… Sana walang nangyaring masama sakanya…

Matapos ang tatlong minute ay nagring ang cellphone ko. Agad kong tiningnan at nakitang kay Ryan galing ang tawag. Kaya agad agad ko itong sinagot.

“Hello?! Ryan, asan ka na?!”, alala kong tanong.

“Hello, Mahal ko. Happy Monthsary po!”

“Happy Monthsary din mahal ko.. Teka, asan ka nab a? At bat di mo sinasagot ang tawag ko?!”, medyo inis kong tugon.

“Pasensya na mahal ko. Nakasilent kasi. Pauwi na ko. Binati lang kita. Tandaan mo, mahal na mahal kita ha… Mahal na mahal…”, malambing na sagot nito.

Agad naman akong nabunutan ng tinik. Paranoid lang pala talaga ako. Akala ko kasi kung anon a ang nangyari kay Ryan. Kung nagkataon, hindi ko alam ang gagawin ko.

“Ikaw talaga. Pinag-alala mo ko. Ingat ka, ha.”

“Opo mahal ko. Sabihin mo muna, mahal na mahal mo ko.”, lambing nito. Napangiti ako.

“Opo nap o. Mahal na mahal po kita..”

“Sige mahal ko. Hintayin mo ko, ha…. Mahal na mahal kita.”

“I love you too…”, sagot ko.

Pagkababa ko ng telepono ay pawisan akong naupo sa sofa. Tumawag na si Ryan pero hindi pa rin ako komportable hanggat wala sya sa bahay. Pero atleast alam ko ng ok sya.

Kakaupo ko pa lang ng biglang magring ang cellphone ko. Napatingin ako sa orasan. 11:5. Nakatulog pala ako.

“Hello Mahal ko…”, malambing kong sagot.

“Hello Andre?! Andre!!”, sigaw ng boses sa kabilang linya. Babae. Nagulat ako. Napatingin ako sa cellphone ko at pangalan ni Karen ang lumabas.

“He-hello?! Oh, Karen, bakit? Anong balita?”, casual pero kaba kong tanong.

“Andre…. Si Ryan…..”



2 comments:

Unknown said...

Kinabahan naman ako, sana walang nangayaring masama kay ryan, kung meron man, hindi sana malubha kalagayan nya, tnx sa update mr ken.

Anonymous said...

oh come on.. please Ryan be safe.. :(

God bless.. -- Roan ^^,

Post a Comment