Pangako, Mahal ko
Written by: Echo
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any
resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The
author retains all rights to the work, and requests that in any use of this
material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in
any manner without my permission.
*jethro*
Naging kami ni luis, nakilala ko sya sa bar at
nagkaron kami ng relasyon. Minsan nagiguilty na ko pero kasalanan to lahat ni
paul sya ang unang nanlamig kaya gumanti lang ako.
Patuloy ang relasyon.namin ni luis at tuluyan ng
nasira ang relasyon namin ni paul. Magkasama pa din kame pero parang wala na.
Napapansin ko pa din ang pag-alis ni paul pero wala
na kong pakielam..bahala na sya..
Isang araw nagpunta ako ng bar para mag-unwind,
nagulat ako sa nakita ko...si luis may kadikit na lalaki at kahalikan!
nilapitan ko sila at nagulat sya.."TAPOS NA TAYO!" sabi sa kanya
biglang labas ng bar.
Nagsisisi ako sa mga nagawa ko kay paul at naiinis
ako sa sarili ko pero kasalanan nya din kung bakit ko ginawa yun!
Habang nasa park ako biglang nagtext si paul.
paul: jethro umalis na ko ng bahay. mahal na mahal
kita pero hindi ko na kaya. nakita kita may kasama ka ng iba at mukang
kinalimutan mo na ko. lagi mong aalagaan sarili mo ha at sana maging masaya
kayo...i love you more mahal ko.
TANG***!! karma ba to sakin?? bakit??
huhuhu..napahagulgol na ko sa mga nangyari sakin.
Lumipas ang mga araw ng ako na lang mag-isa.
Namimiss ko na din si paul, pero siguro may iba na din yun, okay lang magsama
sila!
Naglilinis ako ng bahay dahil day-off ko, may nakita
akong mga papel sa kabinet, mga reseta ng gamot hindi ko naman alam kung para
san yun pero bigla akong kinabahan naisip kong baka kay paul yun??
patuloy ako sa paghalungkat sa kabinet ng may nakita
akong maliit na notebook. Pag buklat ko may mga nabasa ako tungkol sa mga
nangyayari kay paul. Patuloy ko tong binabasa at hindi ko namamalayang
bumubuhos na ang mga luha ko.
*paul*
Sa pag-alis ko sa bahay namin ay sobra-sobra akong
nasaktan.Iniisip ko na lang na masaya na sila. Lumala na ang sakit ko at
tinaningan ko ng duktor. Isa sa dahilan kung bakit ako umalis dahil kailangan
kong tumira sa ospital bilin na din ng duktor ko.
Miss na miss ko na sya, hawak ko lagi ang litrato
namin dahil sa tuwing nakikita ko yun ay nawawala ang mga sakit na nararamdaman
ko.
Habang tumatagal ay para akong nauubos na
kandila...isang gabi nakatulog ako at sa panaginip ko ay maliwanag parang
walang katapusan..nakita ko si jethro nasa malayo, hinabol ko pero hindi ko
maabutan hanggang sa napagod na ko.
*jethro*
Hindi ako makapaniwala..si paul may sakit! at lahat
ng ginawa nya ay para hindi ako masaktan! ...iyak ako ng iyak, hindi ko alam
kung anung gagawin ko!...bakit mo inilihim sakin?? mahal na mahal pa din
kita.Kailangan ko syang mahanap.
Sa pag tanong-tanong ko nahanap ko sya sa isang
ospital at nakita ko dun ang kanyang mga magulang. Kinabahan ako kung anung
lagay nya, pag pasok ko sa kwarto ay nakita ko si paul nakahiga, walang malay
at andaming mga tubo na nakasaksak sa kanya.Nanlulumo ako sa aking nakikita,
napaluhod na lang ako at humagulgol. Nilapitan ko sya at niyakap. "PATAWAD
MAHAL KO" ang paulit-ulit kong binubulong sa kanya kasabay ng pag-agos ng
aking mga luha.
Mula nun ay araw-araw na kong nasa tabi nya. Nag
file na din ako ng leave para mabantayan ko sya talaga.
Isang araw kailangan kong umuwi para maligo at
magpalit ng damit. Pagbalik ko ng ospital may mga umiiyak sa labas ng kwarto
nya, kinabahan na ko at naiiyak na kaya tumakbo ako sa loob ng kwarto nya. Pag
pasok ko umiiyak ang mama at papa nya, nakita ko sya wala na ang mga tubong
nakasaksak sa kanya at wala na din ang mga aparatong ginagamit sa kanya.
Humagulgol na ko ng iyak at niyakap
sya."Gumising ka mahal ko wag mo kong iiwan please!! gumising ka!!
nagmamakaawa ako!! patawarin mo ko sa mga nagawa ko huhuhuhuhu"
..naramdaman ko na lang na dumidilim ang paningin ko at nahimatay na pla ako.
Tatlong araw binurol si paul, at sa mga panahong yun
ay lutang ako, manhid at laging wala sa sarili. Minsan ay bigla na lang ako
iiyak. Sobrang sakit ng iwan ka ng taong mahal mo.
Araw ng libing ni paul. Lahat ng malapit sa kanya ay
nagsalita maliban sakin, hindi ko kaya ni hindi ko magawang magsalita, iyak
lang ako ng iyak.
Nagsialisan na silang lahat ako na lang natira.
Tinititigan ko ang kanyang nitso, habang lumuluha.
"mahal ngayun iniwan mo na ko, paano na ko
ngayun?? antayin mo ko jan sa langit ah' jan natin itutuloy ang pagmamahal
natin" kasabay ng pagtangis ko bumuhos ang ulan, tila lumuluha din ang
kalangitan.
"mahal pangako mag momove-on na ko para sayo
basta intayin mo ko jan ah mahal na mahal kita"
Hinalikan ko ang kanyang lapida at lumakad na palayo
habang patuloy pa din ang buhos ng ulan.
Wakas...
4 comments:
Hmpp oh hart breaking mn to..
Kainis... Nkakaiyak...
Urrrgghhh.. Mr author sana Ndi sya nmtay
...sna they live happily ever after(fairy tale LNG teh). Whahaha
But anyway,,, ang Ganda po kaso nkakadismaya
Yung ending.....
❤CHADIE
Ganda ng story kaso nakakaiyak pinatay mo kasi ung bida e... Huhuhu....
akala ko super haba....ahaha my bad, nagcomment pa naman ako sa first chapter na sana mas mahaba yung mga kasunod... maganda kaso maikli at tragic yug huli.:))
haizt! naglihiman nanaman kaya naging tragic ang ending.ang bigat tuloy sa dibdib. . . huh!
Post a Comment