Pangako, Mahal ko
Written by: Echo
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Ako si Paul 22 years old at may live-in partner ako,
si Jethro 24 years old na sya at 3 taon na kaming nagsasama.
Sobrang saya ng pagsasama namin going strong ika
nga. Magkaklase kami nyan nung college at dun nabuo ang kakaiba naming
pagtitinginan.
Sa tatlong taon na yun ay madami din kaming pagsubok
na pinagdaanan tulad ng pagtanggap samin ng aming pamilya. Nung una ay sobrang
tutol sila pero lumipas ang panahon ay natanggap na din nila, siguro nakita
nila na tunay ang pagmamahalan namin at nakikita nilang masaya kami.
Pero masusubok din pala ang aming pagsasama ng dahil
sa aking sakit. Ilang buwan ko na din natuklasan na may sakit pala ako sa puso,
at pag hindi maagapan ay maaari ko itong ikamatay.
"mahal
kamusta ang trabaho??"
sabi ko kay jethro
"eto pagod mahal kiss mo nga ako" sabi ni
jethro na nakanguso pa ang bibig miya mo ay batang gustong magpahalik..
"hmmmmmwuah!...sarap ba?"
"opo! isa pa tas punta tayo sa kwarto!"
"loko loko! magbihis kana at kakaen na
tayo" nakangiti kong tugon sa kanya...
Sabay kaming kumain at andami nyang ikinekwento
tungkol sa nangyari na naman sa trabaho nya. Nakikinig lang ako at minsay
nangingiti. Hindi ko magawang sumaya dahil iniisip ko ang aking karamdaman.
"mahal may problema ka ba? parang ang lalim ng
iniisip mo eh?" - takang tanong sakin ni jethro
"ha?? wala to siguro pagod lang" tugon
ko..
"sigurado ka ah?"
"opo" maikling tugon ko at nagpakawala ako
ng matamis na ngiti..
Lumipas ang mga araw na okay ang pagsasama namin ni
jethro maliban sa minsanang pagkirot ng puso ko, iniinom ko naman ang gamot ko
pag nararamdaman ko yun.
Sa paglipas ng mga araw lalung tumindi ang aking
nararamdaman, dahilan para mapabayaan ko na si jethro. Umaalis ako ng hindi nya
nalalaman para magpacheck-up, napapansin nya yun at yun ang minsan na nagiging
dahilan ng aming pag-aaway. Ayokong
malaman nya ang aking kalagayan, ayokong kaawaan nya ako, at pinangako ko sa
kanya na ako ang mag-aalaga sa kanya.
Napapadalas na din ang aming pag-aaway at hindi ko
naman masabi ang dahilan ng lahat, kaya pinanindigan ko na din ang mga
kasinungalingan ko.
*jethro*
Nararamdaman kong nag-iiba na sya, hindi na katulad
ng dati na sobra syang maalaga sakin. Pag tinatanong ko kung anung problema
laging wala. Minsan naiisip kong baka meron na syang ibang mahal at nagsasawa
na sya sakin?? hirap na din ako.
Naisipan kong magrebelde sa relasyon namin. Kung may
iba na sya kaya ko din syang palitan.
Minsan gabing gabi na ko nauwi ng bahay namin at
kung minsa'y lasing pa. Inaasikaso nya naman ako at ang masakit dun ay hindi
man lang sya magalit sakin?? parang wala lang?? kaya tinuloy ko ang aking
pagrerebelde hanggang sa marealize nyang hindi nya ko kayang mawala.
*paul*
Hindi ko maintindihan kung bakit nya yun ginagawa,
sobrang sakit na pero wala akong magawa. Nagbulag-bulagan ako sa mga ginagawa
nya, hinayaan ko sya sa mga gusto nya kahit na sobrang sakit na. Natatandaan ko
sabi ng duktor ng magpakonsulta ako ay makakasama daw ang sobrang mga emosyon
at stress, pero eto hindi ko mapigilan. Minsan sinusulat ko na lang lahat ng
nararamdaman ko sa aking maliit na notebook para kahit paano ay mabawasan ng
bigat na nararamdaman ko.
Walang pagbabago sa problema namin at ang masakit ay
nararamdaman kong nanlalamig na sya sakin.
Isang gabi habang mahimbing syang natutulog ay
biglang umilaw ang kanyang cellphone may message, binuksan ko kahit hindi ko
ugaling kalikutin ang telepono nya..
1message from luis:
"bhe salamat kanina ah' masaya akong nakasama
na naman kita, mahal na mahal kita."
pagkabasa ko nun ay sumikip bigla ang dibdib ko at
automatic na dumadaloy mga luha ko.
"bakit? bakit? bakit?" paulit-ulit kong
pagtangis kasabay ng mga luhang patuloy na dumadaloy. Panginoon bakit ito
nangyayari sa akin?? bakit po?? makasalanan ba ako?? mahal na mahal ko lang
naman si jethro eh bakit ko kailangan maranasan ito?? please please.... Nakatulugan ko na ang pag iyak ko.
Nagising ako ng maaga para ipagluto sya ng almusal.
Habang kumakaen sya ay pinagmamasdan ko lang sya, nalulungkot ako sa nangyayari
samin.
Sabado umalis si jethro ng umaga may meeting daw
sya. Bandang hapon naisipan kong umalis at mag-gala, nagpunta ako ng mall at
naglibot-libot ako.
Hindi ko
inaasahan na makikita ko dito si jethro may kasama, at kaakbay nya pa
ito..nagtatawanan pa habang naglalakad. Natulala ako at hindi ako makagalaw.
Naninikip na naman ang dibdib ko at walang humpay na naman ang pagdaloy ng mga
luha ko.
Sobrang sakit na naman...dali-dali akong umuwi ng
bahay at duon ay binuhos ko lahat ng sama ng loob ko. At muli nanikip na naman
ang dibdib ko, kinuha ko ang aking mga gamot para inumin at nararamdaman kong
nanghihina na ako.
Itutuloy...
13 comments:
syeeet! ang ganda,thumbs up powh,,
chadie
Wow heavy ang emotion mraramdaman mo tlga kuya post mo agad ang ksunod ha mwaaah
Rez of bacolod
I dont like the font and yung double question mark at wag mong masyadong gamitin ang "nanikip nanaman ang dibdib ko" paulit ulit na kase. Yung pangalan ng tao, it should start with capital letter.
maganda sya... pero sana mas ibuild up mo pa yung plot mo... tsaka sana mas may emotion.. other than that okay sya...
Term paper ba ito? Ang strict mo ha!!! Hahaha...
Ang dmi mu naman arte nkikibasa ka lang.mtuto kang pahalagahan ang effort ng iba..dapt ngpapasalamat ka n lng at nagpost p xia.
hayaan niyo siya. i also believe one should learn redundancy. the writer should take this as a positive thing to improve and not negatively. take it as constructive not destructive.
teacher kaba?sa ospital ka pununta na ninikip dibdib mo eh baka high blood nayan....
tnx sa pagshare ng iyung kwento , hope wag magpaapekto sa mga comment ha. just enjoy at ituloy mo yan.
Ang importante ang laman ng story.. Nice one mr. Author..
-rom-
Oo nga! dapat I take nung writer as positive yung comment nung isa dun sa taas. Sa nakikita ko walang masama dun sa sinabi nung nagpuna. We are in the new millenium people! You gotta stop being so freakishly sensitive. If you want your writing to be entertaining you should know the pros and cons diba?
Btw, sa palagay ko if talagang pinahahalagahan nyo yung pagsusulat nya then dapat hindi bias yung comment nyo. Tell him what's wrong para alam niya yung gagawin niya next time.
whoa!!! ang ganda...sana mas mahaba yung mga sususnod na chapters:))
Post a Comment