Monday, July 30, 2012

Bittersweet Chapter 10



Story Cover Created by: MakkiPotPot
Written by: Zildjian
Email: zildjianstories.blogspot.com
Author's Note:

Naman! Heto na ulit ang isa sa mga chapter ng Bittersweet. Ma-enjoy niyo sana ang chapter na ito katulad ng pagka-enjoy kong gawin siya. Hihihi

Special mention naman ngayon si Ako si James ^_^ V

Ang susunod na mga chapter ay tiyak na magpapasaya sa ilang mambabasa sa kwentong ito. Isa iyon sa mga surpresa ko sa inyo kaya sana ma-enjoy niyo. Hihihi Wala na muna akong maraming sasabihin pero salamat sa mga comments niyo guys at sa panahon niyo sa pagbabasa. ^_^ Keep it up! LOL


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Dahil araw naman Linggo – ang natatanging araw na wala siyang pasok ay minabuti ni Andy ang mag-general cleaning. Minsan lang niya itong magawa kapag tinatamaan siya ng sipag. Kaya imbes na gawin niyang pahinga ang araw na iyon ay minabuti na lamang niyang ipagpaliban na muna.


Inuna niya ang mga nakatambak niyang labahan sa kanyang kwarto.  Napailing siya nang mapagtanto kung gaano karami iyon. Noong unang Linggo ay hindi siya nakapaglaba dala ng ulan at ngayon heto’t tambak na ang kanyang maruruming damit, pantalon at boxers.


“Mukhang mapapalaban ang mga kamay ko sa kuskusan, ah.” Naisambit niya saka binitbit ang mga labahan sa banyo para doon ibabad ang mga ito.


Nasanay siya noon sa buhay na may katulong na siyang maglilnis at maglalaba para sa kanya. Iyon ang panahon kung saan nasa puder pa siya ng kanyang mga magulang subalit, nang mag-solo siya sa buhay kinailangan niyang matutunan ang mga bagay na hindi niya nakasanayang gawin. Sariling sikap kung baga.


Kinuha niya ang kanyang pinaka-iingatang mini-speaker sa cabinet. Regalo iyon sa kanya ng isa sa maliligalig niyang kaibigan noong nagdaang pasko. Kinabit iyon sa kanyang cellphone at may background music na siya na lalong magpapagana sa kanyang maglinis. Itinudo niya ang volume niyon, at nagsimula ng magwalis sa kabuohan ng kanyang apartment.


Hindi naman siya nahirapan. Sa loob ng halos dalawang taon ay naperpekto na rin niya ang pagiging houseboy. Naging advantage rin sa kanya ang hindi karamihang gamit para madali niyang maibalik sa magandang ayos ang apartment niya. Konteng walis, punas dito at doon ay natapos siya agad.


Ang sunod naman niyang binigyan ng pansin ang kanyang gabundok ng labahan. Nang muli niyang sipatin ang mga ito habang nakababad sa palanggana ay muli siyang napangiwi. Ang paglalaba ang pinaka-ayaw niyang gawin dahil ito ang kumakain ng oras niya. Mano-mano kasi ang paglalaba niya. Kamay kung kamay. Minsan nga ay naiisip niyang patulan na lang ang suhistyon ni Miles na dalhin na lang sa bahay nito ang kanyang mga labahan at doon ipalsak sa washing machine pero nahihiya siya. Ayaw naman niyang sobrang makaperwisyo ng tao.


Bago pa siya tuluyang tamaring maglaba dala ng pagkalula sa dami niyon ay minabuti na lang niyang sinimulan na ang ritwal. Inuna niya ang mga puting damit niya.


“Pambihira talaga ang buhay, nakakasama ng loob minsan.” Naibulalas niya habang nagsisimula ng magkusot.


“Bakit kasi hindi mo na lang dalhin ‘yan sa Laundry Shop.”


Halos mapatalon siya sa pagkabigla nang marining ang nagsalitang iyon. Nakatalikod kasi siya sa pintuan ng banyo kaya hindi niya napansin na may tao na pala. Nang lingunin niya ito ay ang nakangiting si Nhad ang bumulaga sa kanya na lalo naman niyang ikinagulat.


 “Hindi mo dapat iniiwang nakaawang ang pintuan mo habang busy ka.” Pagpapatuloy nito na halata sa mukha ang pagkawili sa nakikitang reaksyon niya.


Wala. Hindi niya magawang makapag-react. Para siyang na estatwa sa pagkabigla.


Saan ka ba nabigla? Sa presensiya niya o sa hitsura niya? Ang nang-aasar na namang wika ng isang bahagi ng kanyang isip.


Marahan niyang ipiniling ang kanyang ulo para iwaksi sana  ang mga naglalarong salita doon subalit lalo lamang tuloy `ata siyang nagmukhang ewan sa harap nito nang makita niya ang pagpipigil nitong matawa.


Inayos niya ang kanyang sarili. Kung bakit naman kasi bigla-bigla itong sumusulpot. Hayon tuloy at nawawala siya sa kanyang tamang huwisyo. At bakit para yatang nadagdagan ang epekto nito sa kanya ngayon?


“B-Bakit ka nandito?” Ang pilit niyang pagpapakapormal na naisambit.


“Dumadalaw.” He casually answered. “Pasensiya na kung dumiretso na ako dito sa loob, ah. Wala kasing sumasagot sa akin sa labas, eh.”


“Ayos lang iyon. Napalakas yata ang volume ng music ko kaya hindi ko napansin na may tao pala.” Tugon naman niya.


“Mukha nga.” Nakangiti naman nitong balik saka binalingan ang kanyang mga labada. “Ikaw lang mag-isa ang tatapos niyan?”

Napakamot siya sa kanyang batok at mahiya-hiyang tumango. Sa dinarami-rami ba naman kasi ng sitwasyon na p’wedi siyang mabungaran nito bakit sa paglalaba pa niya.


“Bakit hindi mo na lang ipa-laundry ang mga yan? Masyado `atang marami ‘yan para manu-manuhin.”


“Sayang ang pera, eh.” Pag-amin niya. Nagtitipid naman talaga siya sa mga gastusin. Hindi naman kasi gaanong kalakihan ang sahod niya. Tama lamang iyon para pambayad sa upa ng apartment at pambili ng kanyang makakain. Minsan pa nga nag-sho-short siya.


Ewan niya kung tama ang nakita sa mga mata nito. Para kasing may nabakasan siyang amusement doon habang nakatitig sa kanya at napapatango.


“Sabagay tama ka.” Pagsangayon nito. “Pero kakayanin mo ba lahat ‘yan? Gusto mo tulungan kita? Marunong din akong maglaba.”


“Hah?” Ang natanga naman niyang tugon rito. Bakit ba ang hilig yata nito magpakita ng mga bagay na ikinagugulat niya? Oo nga’t alam niyang mabait itong tao pero hangang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang magulat kapag nasasaksihan niya ang kabaitan nito.


Muli itong napangiti.


“Sabi ko, baka gusto mo ng tulong diyan sa paglalaba mo.”


“Ay, hindi na. Ayos lang ako kaya ko `to.” Maagap naman niyang pagtangi.


“Sige na, tutulungan na lang kita promise hindi ka magsisisi. Tinuruan ako ng lola kong maglaba gamit ang kamay.” Pagpupumilit naman nito.


“Huwag na, mababasa ka lang. Kaya ko `to, ang konte nga lang nito, eh.”


“Asus. Konte ba kamo? Eh bakit narinig kita kaninang nagrereklamo?” May pahid ng panunukso naman nitong wika sa kanya.


Huli siya nito. Narinig nga pala nito ang sintemyento niya kanina. Pero kahit na, hindi pa rin niya papayagang tulungan siya nitong maglaba.


“Basta kaya ko na ‘to.” Pagtatapos niya sa kanilang pagtatalo at muli tinalikuran ito para hindi na ito mangulit pa’t maituloy na niya ang naudlot na paglalaba.


Rinig niyang napahagikhik ito dahilan para lingunin niya ito.


“Bakit ka humahagikhik diyan?”


“Wala. Naalala ko lang kasi na ganyan ka rin noong nasa hospital pa ako. Kapag nagtatalo tayo, palagi kang umiiwas agad pag nakakapuntos kana para hindi ako makabawi sa’yo. Honestly, noon kina-iinisan ko ‘yon, pero ngayon ikinatutuwa ko na.” Nakangisi nitong sabi.


“Gano’n? Ayos ‘yan. Isang napakagandang palatandaan iyan na umaayos na ang lagay mo.” Nakangisi naman niyang tugon rito.


“I guess you’re my cure.”


“Banat ba ‘yan?.” Pagbibiro pa niyang lalo rito.


“Nope,nagsasabi lang ako ng totoo. Whenever I’m with you, gumaganda ang pakiramdam ko.” Nakangiti naman nitong balik sa kanya.


At hayon na naman ang kakaibang pakiramdam na palaging nagpapa-conscious sa kanya sa harap nito. Ngiming ngiti na lamang ang ibinalik niya rito at saka mabilis na nag-iwas ng tingin. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili, alam naman niyang gusto lamang nitong makalimot kaya ito lumalapit sa kanya subalit hindi pa rin niya maiwasang tablan sa mga sinasabi nito.


Sabagay, minsan na rin naman niyang hinangaan ang taong ito. Hindi nga ba’t ito ang lalaking muling pumukaw ng interes niya noon. Weird nga kung tutuuisin dahil ni minsan ay hindi na siya lumingon pa sa iba. Tanging nakay Jasper lamang ang atensyon at paghanga niya noon pero ng makita niya si Nhad, kakaiba ang ibinigay nitong pakiramdam sa kanya. Lalo na nang ngitian siya nito at purihin ang mga inuming likha niya.


For almost three years na ikinulong niya ang sarili kay Jasper hindi niya lubos akalain na may isa pa palang tao na kayang pukawin ang lahat sa kanya. Isang taong makakapagpaalala sa kanya na tao pa rin siya na nakakaramdam. Subalit hindi naman nagtagal iyon, dahil ang taong iyon ay may iba ng gusto at ‘yon ay hindi siya. Sa takot niyang mabigo at masaktan ulit, agad niyang kinalimutan ang damdamin dito pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Muli silang pinagtagpo nito.


“Alright.” Kapagkuwan ay wika nito “Since ayaw mo naman akong payagang tulungan ka sa paglalaba, how about if I prepare lunch for the both of us, payag ka?”


Medyo hindi niya naintindihan ang sinabi nito kaya naman muli niya itong nilingon.


“It’s almost lunch time, hindi mo naman siguro balak na hindi kumain para lamang matapos iyan di ba? Baka mag-reklamo iyang mga alaga mo sa tiyan.” He said while grinning.


“Actually, iyon ang balak ko.” Pagsasabi niya ng totoo.


“Hindi healthy ‘yan. Puyat ka na nga sa trabaho, hindi ka pa nakakakain ng tama. ” Hindi pa rin napapalis ang ngiti nito sa mukha.


Kung hindi lang niya alam na bigo ito at nagsusumikap na makapag-move on ay iisipin niyang baliw na ito dahil sa palagi nitong pagngiti.


Ito siguro ang paraan niya para makalimot sa problema. Sabagay, ganito rin naman ako dati, ngiti ng ngiti kahit walang dahilan para lang makapagkunyaring masaya. Naisatinig niya sa kanyang isipan.


“So?” Untag nito sa kanya.


“Ah..ehh…” Wala siyang mahapuhap na isasagot dito. Ang totoo, nakalimutan na nga niya kung ano ang mga sinabi nito. Pagdating talaga sa lalaking ‘to nawawala siya sa tamang huwisyo.


Muli itong nagpakawala ng isang mapagpalang ngiti and God knows how he almost fainted. Lalo lang tuloy nagulo ang utak niya.


“Ahh.. ehh…” Ang tila nang-aasar na panggagaya nito sa kanya.


“Tss! Tigilan mo nga ‘yan, lalo tuloy akong di nakakapag-isip ng tama, eh.” May bahid ng pagkaasar niyang wika. Nahihirapan na nga siya, inaasar pa siya nito.


Kita niya kung papaano ito mapahagikhik bakas ang pagkagiliw sa g’wapo nitong mukha na hindi niya maikakailang may kakaibang dulot na saya sa kanya. Ito pa lang ang pangalawang araw na magkasama silang hindi nagbabangayan pero heto’t para na silang matagal ng magkakilala.


“Ang tagal mo naman kasing sumagot. Gusto mo ba ng lunch o hindi? Bilis at nang makapaghanda ako.”


“Feel at home ka rin noh?” Imbes na putulin ang masayang aura nito ay sinakyan na lamang niya. Nakakadala rin kasi ang kasiyahan nito. “Syempre gusto, pero ano naman ang lulutuin mo eh wala akong stock ng pagkain.”


“You bet!” Ngingisi-ngisi nitong turan. “Ano ba ang gusto mong lunch?”


“Kahit ano basta may kanin.”


“Ano ba ang paborito mo?” Pangungulit pa nito but somehow it made him feel really special. Ni minsan kasi ay wala pang nagtatanong sa kanya kung ano ba ang mga paborito niyang pagkain.


“Adobong Manok.” Nakangiti niyang tugon rito.


“S’werte mo’t magaling ako sa putahing iyan. Teka, marunong ka naman sigurong mag-saing ng kanin di ba?”


“Medyo.”


“Meron ka bang isasaing?”


“Wala.” Nakangisi niyang tugon.


“Sabi ko nga.” Ang napapalatak nito wika. “Siya, ituloy mo lang muna iyang paglalaba mo at lalabas muna ako para bilhin ang mga kakailanganin ko. Hindi na ako magtatanong kung may mga rekados ka dito dahil kung bigas nga ay wala ka, ang mga iyon pa kaya.”


“Nice! Ang talino mo.” Nang-aasar naman niyang balik dito. “Teka, kuha lang ako ng pera.” At akmang tutunguhin na sana niya ang kwarto kung saan naroon ang wallet niya ng pigilan siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang  braso.


Para siyang nakuryente ng maglapat ang kanilang mga balat. Hindi pa niya nararamdaman ang gano’n sa tanang buhay niya kaya naman medyo nabigla siya at napakislot na ikinataka naman nito.



“Oh, bakit?” Takang tanong nito sa kanya.


“W-Wala. S-Sandali’t kukuha lang ako ng pera.” At pasimple niyang binawi mula sa pagkakahawak nito ang kanyang braso ngunit muli lamang nito iyong hinawakan.


“`Wag kanang kumuha ng pera. It’s my treat.”


“H-Ha? S-Sige, ikaw ang bahala.” Ang nauutal naman niyang tugon. Hindi niya alam kung ano itong biglang nangyayari sa kanya at lalong hindi niya alam kung para saan ang kakaibang kaba na meron siya sa mga oras na iyon.


Nangunot naman ang noo nito na animo’y naguluhan sa biglaang pagiging uneasy niya.


“Ayos ka lang, Andy?”


Sa muling pagkakataon ay binawi niya rito ang kanyang braso. Na-conscious talaga siya sa hatid ng simpleng paghawak nito sa kanya. Pinilit niyang ibalik sa normal ang sarili bago pa ito tuluyang maguluhan sa kanya.



“Ayos lang ako. Sige na, bumili kana ng mga kakailanganin mo para matikman ko na iyang pinagyayabang mong adobo.”


“Sigurado ka, ah. Oh sige, babalik ako agad.” Nakangiti na nitong sabi na tinugon naman niya ng isang tango.


Nang tuluyan na nga itong makaalis ay doon lamang siya nakapagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Naguguluhan talaga siya kung bakit gano’n nalang ang hatid na kilabot sa kanyang katawan nang maglapat ang kanilang mga balat kanina. The feeling was very disturbing na halos pati ang kanyang puso ay nagrigodon ng sobrang lakas.


What the hell was that? Hindi niya mapigilang maitanong sa kanyang sarili.






“Ano sa tingin mo?”


“Hmmm.. “ Ang pabitin naman niyang turan.


“May nalalaman ka pang ganyan, sabihin mo na lang kasi kung masarap ba o hindi.” Hindi naman makapaghintay nitong wika.


“Sandali, ang init pa eh.” Pang-aasar niyang lalo dito. Ang totoo, sinasadya talaga niya itong bitinin. Halata kasi sa mukha nito ang excitement na makuha ang magiging reaksyon niya sa niluto nito.


“Hipan mu kasi iyang kutrasa.”


“Nagmamadali? Heto na nga, oh.” At tinikman na nga niya ang sabaw ng niluto nito na kanina pa niya alam kung ano ang magiging lasa base na rin sa amoy at hitsura nito. Syempre, paborito niyang pagkain ito kaya sa amoy at hitsura pa lang alam niya na kung masarap ba ang pagkakaluto niyon o hindi.


Hindi nga siya nagkamali sa kanyang sapantaha. Ang sarap ng pagkakaluto nito. Sa katunayan, hindi niya talaga inaasahan na magaling itong magluto. Wala kasi sa hitsura nito na may alam ito sa kusina subalit ng makabalik ito kanina at magsimulang i-take over ang lahat lihim siyang napabilib.


Mula sa paghihiwa hanggang sa mga napili nitong rekados ay halatang alam nito ang ginagawa. At ang talagang nakakuha ng pansin niya ay ang pagiging malinis nito sa kusina. Hindi nito hinahayaang magkalat ang mga ginamit nito at itambak lang sa lababo. Habang nagluluto at habang nakikipagk’wentuhan sa kanya ay hinuhugasan naman nito ang mga ginamit. Kung tutuusin ay napaka feel at home nito pero imbes na ikainis niya iyon, na-cute-an pa siya sa pagiging komportable nito sa bahay niya.


“So?” Ang hindi na talaga makapaghintay nitong untag sa kanya.


“Walang katulad.” Nakangiting niyang tugon. “Ang sarap!”


“Sabi sayo, eh!” Biglaan namang pagtaas ng kumpyansa nito na ikinatawa niya.


Hinayaan na muna niya ang kakaibang idinulot ng pagkakahawak nito sa kanya kanina. Kahit ano kasing isip niya ay hindi niya mahanapan ng dahilan kung bakit iyon ang naramdaman niya at kung para saan ba iyon.


“Saan ka ba natutong magluto? Ayos, ah! Bukod sa pagiging suicidal mo may tinatago kapa pa lang ibang talent.” Ang kanyang wika na nilakipan pa niya ng nang-aasar na ngisi.


“Di ka nakakatawa.” Ang tila naman napikon nitong tugon. “Ikaw na nga itong pinagluto ko, ikaw pa itong may ganang mang-asar.”


Lihim siyang napahagikhik.


“Biro lang, ito naman. Tara kain na tayo nakakagutom itong niluto mo, eh.”


“Ewan ko sayo.” Nagtatampo pa rin nitong wika. “Kumain ka mag-isa mo.”


“Sorry na. Ito naman, di ka na mabiro. Sige sige, di kana suicidal, exhibitionist ka na lang.”


Weird talaga na pagkaharap niya ito ay kaya nitong palisin ang kahit na anong pangamba niya at mga bumabagabag sa kanya. And the instant closeness? Hindi niya alam kung papaano nangyari. Basta kanina, habang nagluluto ito at kaswal silang nagkuk’wentuhan ay tuluyang nawala ang pag-aalinlangan nila sa isa’t isa. Nagagawa nilang magbatuhan ng biruan na para bang ilang taon na silang magkaibigan.


“Sus!” Pagmamatigas pa nitong lalo.


“Sige, kung hindi mo ko sasabayang kumain bahala ka. Basta ako, nagugutom na at kailangan ko pang tapusin ang mga labahan ko.” Kunyari ay pambabaliwala niya sa pagtatampo nito.


“Tingnan mo `yang ugali mo. Ikaw na nga itong nakasakit sa damdamin ko at pinagluto na nga kita ng pagkain, hindi ka pa nag-e-effort na pagaanin ang loob ko.”


“Mamaya na lang kapag busog na ako.” Nakangisi niyang balik dito.


Ang bilis. Sobrang bilis ng closeness nilang dalawa. Was it because they both know that they needed each other? Iyon ba talaga ang dahilan kung bakit ganito na lang silang kabilis maging komportable sa isa’t isa?


“Linagyan ko ng lason iyan.” Ang pananakot nitong wika sa kanya.


“Ayos lang, at least mamatay akong busog.” Nakangisi naman niyang tugon rito na tuluyan ng ikinangiti nito.


“Hindi ka talaga patatalo sa kahit na anong diskusyon.” Ang napapailing na lamang nitong wika at saka sumandok na rin ng kanin. “Ang lola ko ang nagturo sa aking magluto.”


“Nag-sorry na ako, ikaw lang itong masyadong pakipot. Ang lola mo? Kaya pala ang galing mo sa kusina.”


“Yep, sa kanya naman kasi ako lumaki, eh. Kaya nga di ko siya maiwan-iwan.”


“Sabi ni Jonas nasa ibang bansa raw ang parents mo at doon na nakatira. Kung gano’n bakit kayo naiwan ng lola mo dito?”


“Dahil ayaw ng lola ko doon.” He casually answered.


“Hindi mo ba nami-miss ang mga magulang mo?”


“Syempre nami-miss. Sino ba ang hindi di ba? Pero hindi ko p’weding iwan ang lola ko rito. Tsaka, marami na namang paraan ngayon para makita at makausap ko sila kahit nasa ibang lupalup pa sila ng mundo, eh.”


“Sabagay, may computer at internet na ngayon.” Ang may bahid ng lungkot niyang pagsang-ayon dito.


“Ikaw, bakit ka napadpad sa dito sa lugar namin?”


Binigyan niya ito ng isang ngiming ngiti.


“Mahabang kwento.”


“I have two weeks para pakinggan iyan.” Ang nakangiti naman nitong tugon.


“Two weeks? Bakit, wala ka bang trabaho?”


“On leave ako. Napilit ako ng mga damuho kong kaibigan na mag-unwind muna.” Tugon naman nito. “Siya, huwag mong ibahin ang usapan. Simulan mo ng magk’wento.”


Tutal, hindi naman niya kailangang itago pa rito ang kanyang tunay na pagkatao ay ikinuwento na nga niya rito ang nangyaring pambabaliwala sa kanya ng kanyang mga magulang ng ipagtapat niya sa mga ito ang kanyang tunay na sekswulidad.


“Iyan din ang ikinakatakot ko noon kung bakit ayaw kong sabihin ang totoo sa mga magulang ko, eh. But things change when I met Kenneth. Sabi ko, bahala na kung itakwil ako ng magulang ko basta’t maiparamdam ko lang sa kanya na seryoso ako sa relasyon namin pero hindi ko pa man nagagawa iyon, hayon at iniwan niya ako.” Ang may bahid ng lungkot nitong wika ng matapos siyang magkuwento.


“Emo ka na naman.” Patawang kalbo niyang wika.


“Hindi ko maiwasan, eh.”


“Normal lang yan. Hindi naman kasi agad-agad mong makakalimutan ang damdamin mo sa kanya.”


“Sa totoo lang nakakalimutan ko nga, iyon ay kapag kasama kita.” Nakangiti na naman nitong wika.


“Bumanat ka na naman.” Natatawa niyang bara dito.


“Di banat ‘yon. Nagsasabi lang ako ng totoo. So, what made you confess to your parents?”


“Wala, trip ko lang.” Pagsisinungaling niya. Hindi pa siya handang ikuwento rito ang tungkol sa pinagdaanan niyang kabiguan noon. Dahil kahit pa man desidido na siya ngayong kalimutan ang lahat, naroon pa rin ang sakit sa tuwing binabalikan niya ang mga ala-ala noon.


Marami pa silang napag-usapan ni Nhad.  Natapos na lang siyang maglaba ay naroon pa rin ito at masayang nakikipag-usap sa kanya. Siya man ay sobrang naaliw sa presensiya nito dahil bukod sa hindi matapos-tapos nilang kuwentuhan ay muli niyang nakita rito ang taong minsan niya ring hinangaan. Ang Nhad na makuwela at palangiti.


Bandang alas-singko ng hapon nang magdesisyon na itong umuwi para naman daw mabigyan siya ng pagkakataong makapagpahinga.  Matapos maihatid ito sa bukana ng kanyang apartment ay may ngiti niyang tinungo ang kanyang k’warto para magpahinga. Hindi biro ang dami ng nilabhan niya at ngayong wala na ang kanyang makulit na bisita ay agad siyang nakaramdam ng pagod at antok. Ngunit bago pa man niya tuluyang maihiga ang sarili ay siya namang pagtunog ng kanyang cellphone.


“Sino naman kaya ito?” Pabulong niyang naitanong saka kinuha ang kanyang telepono na upang sagutin ang kung sino man ang tumatawag na iyon sa kanya ngunit agad na napakunot ang kanyang noo ng makita ang pangalan ng kanyang caller sa screen.


“Si Ate? Anong meron?” Ang nagtataka niyang naisambit.







Itutuloy: 

33 comments:

Anonymous said...

Huwaw!ang sweet ni nhad!parang gusto kong kumain ngaun ng adobo..hahaha!!

Pamatay ka talaga sa kiligness Zild! :D

Riley

Anonymous said...

tumataas na ang tubig dahil sa baha, hihintayin ko ang pagragasa ng tubig dahil sa ulan. Maxdo parin stable ang tubig zeke..

Marky

bon-bon said...

ayeeee :) ako na ang kinilig :D ang ganda kutya Z .
iba ka talaga , IKAW NA :)


UPDATE UPDATE UPDATE na :P heheh

Zildjian said...

Mag-update din agad ako.. Antay lang po ng konte.. Hehe Salamat sa comment!!

Lawfer said...

ay may nauna na -_-

asar kc bat ngrrefresh lang sa cp q ayaw mgcokmment :/

anyway anyhow anywho mabahooo
puro kilig puro kilig aun lang :))
eh kung kesa namalengke xa d sna dnala nlang nia sa laundry ung mga dmit tas dinala nia sa date c andy eh d ms mganda, d pa napagod c andy para pwede cla mgpagod sa ibang paraan :))

kristoff shaun said...

what's with ate nya kaya? hmmm excitement is in the air!

kristoff shaun said...

zildjian my love so sweet hehe! magandang gabi sayo!

Jiru said...

Hello boss Z - how are you?

ryan lee said...

Ganda ng chapter nto kilig.... Ayiiieee... Lalong gumaganda ung story habang tumatagal.. Andynhad... Sakto din n nagluto ako ng adobo sarap yumyumyum gusto nio..,! Hehehehhe

Tommy said...

akala ko until chapter 10 lang to HAHAHA. pro d pla :D kilig much lang :)))

renxz said...

wow ha pinagluto ka talaga.. humahaba ang hair... alteast happy ka yon ang importante

russ said...

hehehe ganda ng trip ngayon Z..adobo tlaga..

Anonymous said...

naks!...2.5 times kong nabasa to...wahahaha...akala ko hahaba pa...pero hnd na pala...wahaha...naks!....kinikilig naman ako sa laba scene...wahaha....ang tanga ni andy di nglalock ng pinto...wahaha...ayan na...nguumpisa na yung dalawa....feeling ko eeksena na ulit si jasper...threatened na yun...magaagawan na sila...wahahaha...yey!....babalik na ulit si renzel dave!...wahahaha...nice one zeke...wahahaha....next chap na!...heheh

-Berto-

kiero143 said...

waaaaaaaaaaaah..grabeeh naman ang kilig factor sa chapter na to...hehehehe

next na poh para d bitin ang kiligness...hahahahha

Jm_virgin2009 said...

kilig to the bone!!!

robert_mendoza94@yahoo.com said...

nice chapter zild. . . continue. yngat lage para d magkasaki.

TheLegazpiCity said...

Pak na Pak..SuperB na nman

Anonymous said...

ang sweet naman ni nhad....galing ng chapter na to...thumbs up zeke..hurrrray...

-iamronald

--makki-- said...

naku naku naku! si ate ang pambitin? hmmmm... who's that pokemon?!

banat kung banat si nhad at si andy naman naiihi na sa kakikilig waaaaah! nice one poy! :D

Anonymous said...

yan na hinihintay ko hahahaha..kilig moments..laba dami..labango! dapat may ganung eksena na kumakanta si andy..para mas kulit..ahahahaha..pero kakakilig pa rin..lalo na si nhad..sana may magluto rin para sa akin..hehe..good job kuya zeke! thumbs up..next chapter na..hahahahaha..

-J

Anonymous said...

enjoyed this one straight from work..

super puyat but will sleep with a smile on my face.. hehehe

cuteness..

God bless.. -- Roan ^^,

Unknown said...

adobo ni nhad, i love.. :p

Anonymous said...

haha biruin nyo sa loob lng ng bahay nangyari ang lahat. Haha! Nice zeke!

Thanks Nhad sa lunch. Haha!

Bumabanat na si nhad! Naku start na to!

Jes Sy said...

Idol Ka Tlagah! kaadik mga stories mo! Grabeh... Love it... I cant wait sa next chapter...Good Job!

JayAr said...

hahahaha...they are both the cure for each other! yun oh!

diumar said...

Dahil jan gusto ko ng chix adobo for lunch

Anonymous said...

ang sarap talagang balik balikan mga kwento mo kuya! salamat po pala sa favor ko sa iyo, at pinagbigyan mo ako, well abangan ko na lang ulit itong kwento mo, kakabitin, haha!!!!!!!!


Beucharist!

Ryge Stan said...

woaaw close na si nhad at andy hmm whats next hehehe. Nice one zild. Pero bket bitin? na excite pa naman ako basahin ung chapter ng tuloy tuloy hehehe.

Thanks for another wonderful story Zild have a great day......

foxriver said...

Nakakagutom naman ang adobo!!!!!! Super sweet ni Nhad. I love the kilig parts, the touch, the shivers.....hahahahaha. Good job Kenjie.

Anonymous said...

ang sarap nman sa feeling!
ANG GANDA GANDA NG CHAPTER NA TUH!
THIS PAR IS AWESOME! ang daming kilig parts!
at REVELATIONS!

<----- demure

Anonymous said...

ayeehh di matanggal ang ngiti ko habang nagbabasa

super

-arvin-

Anonymous said...

nice nice may twist ulit :D
-yume

Anonymous said...

ay naku nhad,,kung makikita kita sa buhay q hindi kita pakakawalan!haha...ang sarap kayang kumain!hahaha...kahinaan q ang magaling magluto!hihihi..

At infairness,superclose agad??ang sweeettt..^^

-monty

Post a Comment