Monday, July 23, 2012

Bittersweet Chapter 07



Story Cover Created by: MakkiPotPot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Author's note:

Heto na po ang chapter 07 ng Bittersweet. Sa Chapter na ito ang cross over ng una ko ng likhang Make Believe pero syempre sa ibang perspective niyo siya mababasa. HAHA Parang sira lang noh? Anyway, ma-enjoy niyo sana ang simula ng lahat ng pagbabago sa dalawang bida natin sa kwentong ito. At naway hindi niyo pagsawaang basahin at suportahan ang mga kwentong likha ko.

Ryvis Tan – Maraming salamat sa pag-marathon mo sa Complicated Cupids ko. Hihihi

Froilan – Welcome back sa pinas! Ingat palagi at tuparin mo ang pangako mong ililibre mo ako! HAHAHAH

Iba na pala ang pangalan ngayon ni Tommy guys. Sa mga nakakakilala sa kanya sa chatbox ko, tawagin natin siya ngayon sa pangalang HUMPY. Humpy that got dump by Dumpy :))

Maraming salamat guys sa comments niyo sa Chapter 07. Sa mga Anonymous at Silent readers ko, salamat din sa inyo ^__^ paramdam naman kayo kahit once lang LOL. Ay syemps! Ang mga follower ko sa fb fan page at sa blog ko thanks!! Mga taga Tacloban ko na readers, salamat giyap ha iyo! ^__^


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Sa bar kung saan kasakuluyang naroon siya ay hindi pa rin niya maiwasang isipin ang mga nangyari kani-kanina lang sa hospital. Ang hindi inaasahang pagbisita ng mga kaibigan ng lalaking sa kabila ng pagsusungit na ipinapakita nito ay hindi pa rin niya maikakailang may kakaiba itong epekto sa kanya na hindi niya matukoy at mabigyan ng pangalan.


Kanina, nang makaalis ang mga bisita nito ay hindi na ito muli pang nagsalita. Hindi niya alam kung ano ang mga nasa isip nito, kung pinag-iisipan ba nito ang lahat ng mga sinabi ng mga taong kita niya ang matinding pagmamalasakit dito.


Doon lamang niya napagtanto na mabuti ngang tao ito. Dahil kahit pa man sa kabila ng ka-arogantehang ipinapakita nito sa mga taong nagsusubok na lumapit dito ay hindi magawa ng mga itong magtampo. Tulad niya, naiintindihan ng mga ito ang pinagdaraanan ng lalaki ngayon, hindi na niya magawang maiwaksi sa kanyang isipan.


Naalala tuloy niya ang mga panahon na nasa gano’n siyang sitwasyon. Ang panahon kung saan ikinulong niya ang kanyang sarili at hindi hinayaan ang kahit na sinuman ang makalapit sa kanya. Iyon ang panahon kung saan iniwan siya ng taong lubos niyang pinahalagahan. Sa kabila ng kanyang pagwawala at pagsira sa kanyang buhay ang mga kaibigan at ang kanyang nag-iisang kapatid ang umagapay sa kanya at hindi siya binitiwan at para sa mga ito ay napilit niyang ibangong muli ang sarili at subukan ulit mabuhay ng masaya.


Pero sadyang mapaglaro ang tadhana para sa kanya. Kung kailan nagsisimula na siyang makalimot at makabangon ay siya namang pagbabalik ng taong iyon, at sa muling pagkakataon ay hinayaan siyang magamit at masaktan nito.


“Hoy, sabi ni boss bukas na raw ang sahod natin para sa buwan na ito.” Untag sa kanya ng isa sa kanyang ka-trabaho na si Nestor.


“Hoy ka rin! Huwag ka ngang pabigla-bigla ng pagsulpot.”


“Biglang sulpot? Eh kanina pa kaya ako nakatunghay sa ’yo habang namamasyal ang isip mo sa planet mars. So, kamusta roon?” Nakangisi naman nitong tugon sa kanya.


“Saang doon?” Takang-tanong naman niya rito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi siya nakahabol sa usapan.


“Sa planet Mars. Di ba kagagaling mo lang doon? Ano, p’wede na bang manirahan sa planetang iyon?”


Ngali-ngali niyang binato ito ng kanyang pinupunasang baso kung hindi lamang siya nanghihinayang na mabasag iyon sa pagmumukha nito. Bakit ba siya napapaligiran ng mga taong kasing lakas ‘ata ang sayad sa kapatid niya?


“P’wede na. Simulan mo nang mag-impake at nabalitaan kong kailangan nang hakutin papunta roon ang mga katulad mong may diperensiya sa pag-iisip para raw mawala na ang mga baliw na tao sa planetang ito.” Ang pagsakay na lang niya rito na nilakipan pa niya ng nakakagagong ngisi.


“Talaga? Paano ba ‘yan, eh di makakasama kita papunta roon. Di ba ikaw ang pinuno ng mga baliw na katulad ko?”


Nagkatawanan na lamang sila pareho sa kanilang kalokohan. Kulang sila ng costumer sa araw na iyon kaya naman malaya silang nakakapag-biruan.


“Mami-miss ko ang pakikipaglokohan sa ’yo Andy.” Ang tatawa-tawa nitong sabi.


Napaatras siya na siya namang ikinataka nito.


“Bakit ka napaatras?”


“Hindi tayo talo Nestor, huwag kang ganyan. Hindi kita papatulan.” Ngingisi-ngisi niyang sabi.


“Gago! Kahit alam kong may posibilidad na magkagusto ka sa akin at kahit nagug’wapuhan ako sa ‘yo, hindi pumasok sa isip ko na makaulayaw ka, noh!!”


Lalo naman siyang napahagalpak ng tawa na siya namang nakakuha ng pansin ng ilang costumer nila. Masarap talagang makipagbiruan sa taong kahit sanay ng makipagbiruan ay hindi pa rin minsan makasabay.


“Nagug’wapuhan ka sa akin? Kung gano’n, ibig sabihin ––.”


“Sige, ituloy mo iyang sasabihin mo at ihahampas ko sa ’yo itong upuan na ‘to.” May bahid ng pagbabantang pagputol nito sa iba pa niyang sasabihin na siyang lalo niyang ikinahagikhik.


“Hindi ka na talaga makausap ng matino. Nakakaasar ka.” Pagpapatuloy nito na may himig ng pagtatampo.


“Biro lang ‘yon. Ikaw naman, masyado ka namang nagpapahalata, eh. Huwag ka kasing masyadong dumadrama. Hindi kasi bagay sa ’yo.”


“Aalis na ako rito Andy.” Seryoso nitong sabi. “Baka bukas na ang huling gabi ko sa bar na ito.”


Nawala ang nakaguhit na ngiti sa kanyang mukha sa narinig mula rito. Ito ang pinaka-close niya sa bar na iyon at ang kanyang masugid na kabiruan tuwing wala silang masyadong ginagawa. Sinubukan niyang tantiyahin kung ginu-goodtime lang ba siya nito tulad ng lagi nilang ginagawa subalit wala siyang makitang pagbibiro sa mga mata nito.


“Bakit ka aalis?” Ang naitanong niya kapagkuwan.


“Gusto na akong ibahay ng karelasyon ko ngayon, eh.”


Nangunot ang noo niya sa ibayong pagtataka. Narinig niya mula sa iba pa nilang ka-trabaho ang relasyon nito sa isang babaeng mayaman at may asawa na pero, hindi niya iyon pinaniwalaan sa pag-aakalang tsismis lamang iyon.


“Gusto na niya akong tumigil sa pagta-trabaho rito at manatili na lamang sa bagong bahay na binili niya para sa akin. Alam kong may kumakalat ng tsismis patungkol sa akin, at hindi ko itatanggi iyon. May asawa na siya oo, pero nangako siya sa akin na hihiwalayan niya ito at magsasama kaming dalawa.”


Hindi niya alam ang sasabihin. Masyado siyang nagulat sa mga nalaman dito pero hindi rin niya maitatanggi na nakaramdam siya ng lungkot sa katotohanang aalis na ito sa bar na pinagta-trabahuan nila dahil kahit papaano, napalapit na rin ito sa kanya.


“Paano ka mabubuhay kung wala kang trabaho?” Ang naisatinig niya.


Gusto  sana niyang pigilan ito, pero mukhang buo na ang desisyon nito. Hindi rin siya naniniwala na pinagkakaperahan lamang nito ang karelasyon tulad ng mga narinig niyang tsismis patungkol dito. Kilala niya ang kaibigan, hindi ito ang tipo ng taong manggagamit ng tao para lamang makuha ang mga gusto nito sa buhay.


“Tutulungan daw niya akong makahanap ng mas maganda at mas malaki ang sahod na trabaho.” Nakangiti nitong tugon. “Ayaw ko na sana dahil masaya na naman ako sa trabahong ito at kuntento na rin naman ako sa sahod natin pero tama siya Andy, kailangan ko ng mas magandang trabaho kung gusto ko talagang bumuo ng sarili kong pamilya.”


“Balak mong bumuo ng pamilya kasama siya?” Hindi niya maiwasang maitanong.


“Oo. Mahal ko siya eh, kahit pa alam kong mali ang relasyon naming, at sapat na ang pagmamahal ko sa kanya para hindi ko na isipin kung ano ang sasabihin ng ibang tao.”


Naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Siya man, minsan na ring nangat’wiran noon tulad ng pangangatuwiran nito ngayon. Dahil tulad nito, nagmahal din siya kahit alam niyang mali at hindi dapat.


Dahil batid na niyang hindi na niya ito mapipigilan pa sa binabalak ay napatango na lamang siya rito at napangiti. Wala siyang karapatang pigilan itong sumaya sa piling ng taong gusto nitong makasama at lalong wala siyang karapatang kuwistyunin ang kakayahan nitong magmahal.


“Basta’t kapag kinailangan mo ako, huwag kang mahihiyang tawagan o puntahan ako sa apartment ko, ah. At huwag kang makakalimot magparamdam.”


Ilang oras ang nagdaan matapos ang seryosong usapang namagitan sa kanila ni Nestor. Abala na itong pagsilbihan ang mga bagong dating na costumers nila habang siya naman ay hanggang sa mga oras na iyon ay nakatulala pa rin na pinagmamasdan ang kaibigan.


Huwag ka lang sanang matulad sa akin Nestor. Ang naisambit niya sa kanyang sarili.


Oo, suportado niya ang naging desisyon nitong huminto sa trabaho at manirahan kasama ang taong pinili nitong mahalin sa kabila ng katotohanang may asawa ito. Pero hindi niya maiwasang hindi matakot para rito. Natatakot siya na matulad ito sa kanya na sa kabila ng pagbibigay ng lahat-lahat para sa taong mahal niya ay nasaktan lamang siya.


“One Scotch please.”


Nakuha agad ang pansin niya ng taong nagsalita. Nang balingan niya ito ay sinalubong siya ng matamis nitong ngiti. Ang ngiting minsan na niyang kinahumalingan noon.


“J-Jasper?”


“Bigla kang nawala sa engagement party ko.” Tugon nito ipinaalala sa kanya ang biglaan niyang pag-alis ng walang paalam noong gabing i-anunsyo nito ang nalalapit nitong pagpapakasal.


“S-Sumakit ang tiyan ko.” Ang nag-aalangang pagdadahilan naman niya. Hindi niya napaghandaan ang muling paghaharap nilang ito.


Aaminin niyang pansamantala niyang nakalimutan ang sakit na dulot sa kanya ng nalaman n’yang nalalapit na pagpapakasal nito dahil sa pangyayaring hindi niya lubos maisip na kasasangkutan niya. At iyon ay ang pagku-krus ng landas nila ng lalaking nagngangalang Nhad. Ang lalaking nagagawang maipalimot sa kanya ang pagkabigo niya kay Jasper.


“Sumakit ang tiyan mo?” Ngumiti ito sa kanya ng nakakaloko. “Talaga lang ha.”


“Anong ginagawa mo rito? Hindi ba’t dapat abala ka ngayon sa pagprepara sa nalalapit mong kasal?” Pambabaliwala niya sa ipinakita nitong sarkasmo. As much as possible ay gusto niyang maipakita rito na hindi siya apektado sa biglang desisyon nitong magpakasal.


“Kaya nga ako nandito para mag-relax, eh. Hindi pala madali ang pagpapakasal, noh? Ang daming kailangang gawin.”


Hindi niya nagustuhan ang uri ng pagkakangiti nito sa kanya na para bang may kung ano itong sinusukat. Ang magiging reaksyon niya? Hindi niya alam, pero sa halip na magpaapekto ay minabuti na lamang niyang gawin ang order nito.


“I think galit sa akin sina Miles.” Wika nito habang pinanunuod siyang magsalin ng inumin sa shot-glass.


“Paano mo naman nasabi?” Kaswal niyang tanong rito.


“Hindi rin sila nagpaalam sa akin no’ng engagement party ko at hindi rin nila sinasagot ang mga tawag ko.”


Ang gabing tinutukoy nito ay ang gabi kung saan nangyari ang aksidenteng siya ang may sala. Sa pagkataranta ay tinawagan niya ang mga kaibigan niya upang hingan ang mga ito ng tulong kaya siguro hindi na nakapagpaalam ang mga ito rito. Pero bukod doon, alam niyang may tampo nga rito ang mga kaibigan nila dahil sa hindi nito pamamansin sa kanila noong party nito.


“Hindi ka na nasanay sa mga iyon, busy lang sila tulad mo.” Nakangiti niyang pagdedepensa sa mga ito sabay abot dito ng alak.


Sumimsim ito at nagsindi ng sigarilyo.


“Huwag mo na silang pagtakpan. Tulad mo, kaibigan ko rin ang mga iyon kaya alam ko kung may tampo sila sa akin.”


Hindi na lamang siya tumugon rito at binalikan na lamang niya ang pagpupunas ng mga baso habang ito naman ay hindi siya linulubayan ng tingin.


“Masaya ka ba sa naging desisyon ko Andy?” Kapagkuwan ay wika nito. “Masaya ka ba na magpapakasal na ang taong halos ibinigay mo ang lahat-lahat sa ’yo?”


Muli siyang napatingin rito. Kaswal ang pagkakatanong nito sa kanya pero para sa kanya, hindi iyon isang simpleng pagtatanong lamang. May gusto itong iparating sa kanya at sa puntong iyon ay hindi na niya nagawang maitago ang tunay niyang nararamdaman.


“Anong gusto mong palabasin Jasper?”


“Wala naman.” Kaswal nitong sagot. “Masaya lang ako. Masaya akong makitang hindi mo pa rin ako pinapakawalan.”


“Anong ––”


Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang abutin nito ang mukha niya at marahan iyong hinaplos.  Nagulat siya pansalamantala pero agad naman siyang nakabawi at inilayo niya ang kamay nito sa kanya.


 “What are you doing?” Kunot-nuong naitanong niya rito.


“Nothing.” Nakangiti nitong tugon sa kanya.


“Akala ko ba napag-usapan na natin ang lahat, Jasper?”


“Iyon din ang akala ko, pero no’ng makita ko kung papaano ka umiyak sa engagement party ko, biglang nagbago ang isip ko.”


Hindi niya nagawang makatugon agad.


“Akala mo ba hindi ko napansin iyon? Hanggang kailan ka magpapanggap Andy? Hanggang kailan mo itatangging ako pa rin ang mahal mo? Na kahit anong pilit mo akong itulak palayo, ako pa rin ang taong nagmamay-ari sa ’yo.”


“Wala kang karapatang ariin ako!” May diin niyang sabi habang pinigilan ang sariling hindi mapalakas ang boses sa takot na may makapansin sa pag-uusap nila.


Noon, kaya niyang kontrolin ang sarili pagdating dito pero ngayong pakiramdam niya ay pinaglalaruan na siya nito ay hindi niya maiwasang makadama ng galit. Ano ba ang tingin nito sa kanya? Na hanggang ngayon umaasa pa rin siya sa wala?


“Noon wala, pero ngayon?” Napangiti ito. “Meron na ulit.”


Lalo siyang naguluhan dito. Pero habang nakikipagtagisan siya ng tingin ay doon niya nakita sa mga mata nito ang ibig nitong iparating sa kanya.


“Hindi mo p’wedeng gawin ang binabalak mo Jasper.” Ang hindi niya makapaniwalang sabi.


“Sabi na nga ba’t mababasa mo rin ang nasa isip ko, eh. Matalino ka talaga Ands, but of course I’m not going to back out from my wedding, but I can’t make Ivy do that for me right? Once I told her that I have decided to love you instead.”


Natural, hindi siya makapaniwala sa mga narinig dito. Hindi siya makapaniwala na gano’n na lamang kasimple para rito ang gawin ang isang bagay na p’wedeng makasakit sa taong nagmamahal dito.


“Ganyan ka ba talaga Jasper?” Kapagkuwan ay wika niya. “Madali lang ba talaga sa ’yong bitawan ang taong umaasa sa ’yo?”


Wala siyang makapang saya sa narinig mula rito. Kung noon ay inaasam niya ng husto ang maibalik nito ang damdamin niya, ngayon hindi niya magawang ikatuwa ang narinig na siya ang pinili nitong mahalin.


“Don’t make it sound as if I’m a bad person Andy. Gagawin ko lang ang sa tingin ko ay matagal ko ng dapat ginawa.”


“ Huli na para gawin ang dapat na ginawa mo noon. May tao ka nang pinangakuan ng kasal.” May pait niyang sabi.



Natahimik ito pero hindi pa rin nagbawi sa pagkakatitig sa kanya na para bang may kung anong sinusukat sa kanya. Hanggang sa mapabuntong-hininga ito at sa isang lagok inubos ang natitirang laman ng baso nito.


“Huli na siguro para sa ’yo, pero sa akin magsisimula pa lang ang lahat. Hindi kita binigyan ng pagkakataong ipaglaban ang nararamdaman mo noon, dahil hindi kita binigyan ng rason na ipaglaban iyon. Sapagkat hindi ko pa alam kung sino ba talaga ang gusto ko at kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit hinahanap-hanap ng katawan ko ang katawan mo. But when I see you cry, it made me realize a lot of things. But this time I want you to decide, Andy. Be happy with me or lose me forever.” Mahaba nitong sabi at tuluyan siyang iniwan na gulong-gulong ang isip.






Kahit sa daan ay hindi pa rin mawaglit sa kanyang isip ang mga iniwang salita sa kanya ni Jasper. Halos hindi siya nakatulog kanina nang maka-uwi siya galing sa trabaho sa sobrang pag-iisip. Ginulo nito masyado ang utak niya.


Be happy with me or lose me forever.


Paulit-paulit sa kanyang isipan ang mga huling salitang binitiwan nito na ngayon ay nagpapalito sa kanya ng husto. Aminado siya na mahal pa rin niya si Jasper at matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong mapasakanya ito. Subalit, bakit hindi siya makadama ng tuwa? Bakit imbes na magdiwang siya sa nalamang handa itong sumubok ng relasyon sa kanya ay hindi niya magawa?


Dahil alam mong may masasaktan kayo. Ang naiwika ng isang bahagi ng kanyang isipan.


Tama ito, ayaw na ayaw niya ang may nasasaktan at lalong ayaw niya na makasakit ng tao at iyon ang dahilan kung bakit nagugulo ang isip niya ngayon. Sapagkat nagtatalo ngayon ang puso’t isipan niya, ang hindi nga lang niya alam ay kung saan pumapanig ang bawat isa? Ang puso niya ba ang nagsasabing gusto niyang lumigaya kasama ang taong mahal niya o ang isip niya? At ang isip niya ba ang nagsasabing mali ang lumigayang na may masasaktan siyang ibang tao o ang puso niya?


Gusto nang sumabog ng kanyang utak sa mga katanungang hindi niya magawang sagutin. Ano ba talaga ang gusto niya at ano ang pipiliin niya?


Natigil lamang siya sa pag-iisip nang masagi siya ng bumababang pasahero. Doon lamang niya namalayan na medyo lumampas na pala siya sa dapat niyang bababaan.


“Sandali ho, bababa rin ako.” Pagpigil niya sa driver nang akma na itong paandarin ulit ang sinasakyan niyang jeep.


Habang naglalakad sa sidewalk ay napansin niya ang mga nagbebenta ng prutas. Wala nga pala siyang bitbit para sa kanyang pasyente kaya naman napagdesisyunan niyang bumili. Oo, bibisitahin na naman niya ang lalaking nagagawang ipalimot sa kanya ang lahat dahil sa totoo lang, gusto niyang makalimutan ang nangyaring pag-uusap nila ni Jasper. He felt the need of the arrogant man who has the ability to make him forget all the nasty feelings he has.


Nasa third floor ang kwarto kung saan naka-confine ang kanyang bibisitahing pasyente at nang nasa tapat na siya ng k’warto ay maingat niyang pinihit ang seradura.


“Naging selfish ako. Hindi ko inisip na masasaktan pala kita ng husto sa gagawin kong pagbawi kay Kenneth sa ‘yo. Sa kagustuhan kong makabawi at maibalik ang pagmamahal na matagal ko nang dapat ibinigay sa kanya, hindi ko na nabigyan ng pansin ang mga taong p’wede kong masagasaan.”


Ang kanyang narinig na boses ng isang lalaki na hindi pamilyar sa kanya. Napahinto siya sa akmang pagbubukas ng pinto.


“Matt, tama na ‘yan.Hindi mo kailangang gawin ‘to.”


“Pare, pinagbayaran na ni Kenneth ang lahat. Nagmamakaawa ako sa ’yo, pakawalan mo na ang galit mo sa kanya. Patawarin mo na siya, wala siyang kasalanan.” Ramdam niya ang pagsusumamo sa boses ng lalaking iyon.


Kenneth? Iyon ba ang Kenneth na tinutukoy ng mga kaibigan nito? Hindi niya maiwasang maitanong sa kanyang sarili.


“Mahal kita Ken. Pero siguro, kailangan ko na ring bitiwan ang pagmamahal ko sa ’yo para tuluyan na tayong matahimik. Hindi ko gusto ang pahirapan ka, ang gusto ko lang naman ay mahalin mo rin ako pero sa tingin ko hindi na talaga mangyayari pa iyon. Noon galit ako sa ’yo dahil inakala kong ginamit mo lang ako. Pero tama si Martin, wala kang kasalanan sa mga nangyari sa atin.”


Kilala niya ang boses na iyon. Iyon ang boses ng lalaking bibisitahin niya.


“I took advantage of the situation no’ng iwan ka ni Martin. Gano’n ako ka-desperadong makuha ka. I wanted you to need me so you can love me, pero nagkamali ako. I made you need me but I failed making you, love me.”


Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang puso sa mga narinig mula sa lalaking puro kasungitan at ka-arogantehan ang ipinakita sa kanya sa mga nagdaang araw. At hindi rin niya maikakailang tinamaan siya sa mga salitang binitawan nito na dahilan para tanungin niya ang kanyang sarili.


Gano’n din ba ako ka- desperadong mahalin ni Jasper? Handa nga ba akong makipagsapalaran at makapanakit ng tao para lang lumigaya ako? Papaano kung hindi, anong mangyayari sa akin, sa amin?


“I’m sorry Nhad.” Ang narinig niyang isa pang boses mula sa loob. Pamilyar iyon sa kanya, pero hindi niya matandaan kung saan at kung kanino iyon.


“Martin pare, alagaan mo siya. Siguraduhin mong lagi siyang kumakain ng tama para hindi siya mangayayat.”


Sa puntong iyon ay nagpasya na siyang tuluyang pumasok at bumulaga sa kanya ang lalaking nakahulod na agad namang tumayo nang makita siya.


“Ano’ng meron dito?” Pa-inosente niyang tanong.


“Wala. Ano ang ginagawa mo rito?” Ang may bahid na namang pagka-asar na tanong sa kanya ng lalaking arogante na nga, suicidal pa. Ngunit hindi nakatakas sa kanyang matalas na mga mata ang basa nitong pisngi at ang lalaking nakayap dito.


“Dinadalhan ka ng pagkain para hindi ka tuluyang mamatay sa gutom.Sayang naman kasi ang lahi mo.” Ang may angas niyang sabi sa halip na pansinin ang mga nakikita niya sa mga oras na iyon.


Nang kumawala ang lalaking nakayap dito at bumaling sa kanya doon niya lamang nakilala ito.


Kenneth. Piping sambit niya sa pangalan nito.


“Di ba ikaw si… yung bartender sa bar? Anong ginagawa mo rito?” Ang tila naman nagulat nitong wika nang maalala siya.


Ang galing naman ng memory ng isang ito.


“Ako nga ho sir, kamusta kayo? Wala naman, minalas lang na ako ang nakakita sa aksidenteng kinasangkutan niyang kaibigan ninyong suicidal kaya heto, na-obliga pa tuloy akong dalaw-dalawin siya.” Kaswal niyang sagot.


“Hindi ko hiniling sa ’yo na bisitahin mo ako rito.” Asik sa kanya ng arogante niyang pasyente.


“Suicidal ka na nga arogante ka pa.” Balik naman niya rito. “Heto grapes, pinaghirapan ko pang bilhin ‘yan matahimik lang ang kaluluwa mo kung sakali.”


Ewan ba niya, parang nakadama siya ng inis sa mga oras na iyon. Ang hindi lang niya alam kung para kanino iyon. Kung para ba iyon sa taong wala ng ibang ginawa kung hindi ang pagsungitan siya simula ng muli silang magkita makalipas ng tatlong buwan o sa lalaking nanakit dito na ngayon ay nakamasid sa kanilang pagbabatuhan ng salita. Pero bakit siya makakaramdam ng inis dito? Para saan?


“Sa ’yo na ‘yang grapes mo!”


“’Di ‘wag! Ako na lang ang kakain nito.”


“Ken, sipain mo nga palabas iyang hambog na ‘yan!”



“Kung may dapat sipain dito palabas ikaw iyon, ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa itong masungit!”


“Ewan ko sa ‘yo!”


“Ewan ko rin sa ‘yo!”


“Teka teka!” Awat sa kanila ng lalaking nagngangalang Kenneth at halata na sa mukha nito na gusto na itong matawa sa kanilang dalawa. “Magka-away ba kayo?”


“Oo!”  Ang magkasabay nilang wika.


Lumapit ang lalaking kanina lang ay naabutan niyang nakaluhod sa lalaking nagngangalang Ken saka ito inakbayan.


“Mabuti pa, aalis na kami. Mukhang may pag-uusapan pa kayong dalawa, eh.” Wika nito na ngingiti-ngiti sa kanilang dalawa saka binalingan ang arogente niyang pasyente. “Nhad pare, salamat ulit. Huwag kang mag-aalala, aalagaan ko si Ken tulad ng pag-aalaga mo sa kanya. Again pare, I’m sorry.” Saka ito naglahad ng kamay na wala namang pag-aalinlangang inabot ni Nhad.


“Ken.” Baling neto sa lalaking sa mga oras na iyon ay nakangiti na rito habang may mga nagbabadyang luha sa mga mata nito. “I hope we can still remain as friends.”


Doon na tuluyang kumawala ang mga luha sa mga mata ng lalaking minahal ng lalaking minsan na rin niyang hinangaan.


Ilang minuto na ang nakakalipas nang makaalis ang dalawang bisita ng kanyang pasyente. Nang makaalis ang mga ito kani-kanina lang ay muli na namang namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Mataman niyang pinagmamasdan ito na hanggang sa mga oras na iyon ay nasa pintuan kung saan lumabas ang taong pinag-alayan nito ng pagmamahal kasama ang bagong nagmamahal dito.


“I guess I have to start a new.” Ang narinig niyang mahinang wika nito saka ito bumaling sa kanya. “Nagugutom na ako anong pagkain meron diyan?”







Itutuloy:

28 comments:

Anonymous said...

bakit wala ako --- makboy

Tommy said...

WAAAAA. Humpy Dumpy ka dian! sa mga nakakakilala skin, Call me pa rin Tommy or Tomas. wag nyo maniwala dian kay zild! PIGLET! -_-. anyway balik sa kwento...


Intense ang paguusap nila ni andy and jasper. mapangahas kung baga, but this chapter is nice! sobrang ganda. may joke time din sa 1st part :D great job :D next chapter please :D

again, call me TOMMY :D tyvm.

Anonymous said...

ahmp! natawa naman ako kay nhad sa huling linya niya..hahahahahaha..next na agad kuya zeke..gusto ko na malaman kung ano sinabi ni andy sa kanya..hahahhahaha..good job kuya zeke..

-J

Anonymous said...

huwaw...talagang love is blind nu...kahit nasasaktan ka na ibibigay mu parin ang lahat sa taong mahal mu...iba ka talaga zeke...sobrang galing..

-iamronald

TheLegazpiCity said...

wew...heavy lng itachiwa...hihihi

Anonymous said...

ayan...wahahaha...natapos ko rin...wahahaha...asshole talaga yang isa mong character...me gana pa syang magbigay ng options...lahat gusto na lang nyang masaktan...wahahaha...ayan....umpisa na...magkakamabutihan na...me puputok na...wahahaha....nice one zeke...next chapz please...wahahaha...

-Berto

Anonymous said...

nice. hehe dpat kay jasper sinusunog =)

-emman

--makki-- said...

Don't let complications control our entire life... Napakagaling na desisyon Nhad... Start Anew... nice one poy! DIRTY KITCHEN SCENE na yan! bwahahaahaha :))

Mr. Suplado said...

Wow bilis magbago ng mood ni manong suicidal. Nagutom agad! Tsk!

Si jasper nmn feelingero ang putek!

ryan lee said...

Nxt chapter for d next new life of nhad and andy

Jm_virgin2009 said...

yeheey...

Anonymous said...

owww, sshhheeettt! alam mo iyung kinikilig ka pero naiinis? geeezz...

Ramm

Unknown said...

ayan na cla nhad and andy.. :p

Anonymous said...

Parang tanga si Jasper!

Start na ng Andy-Nhad Love team!! Witwit!

Nice one zeke!

robert_mendoza94@yahoo.com said...

nice chapter! mag uumpisa na ang love story ng dalawa. he he he

russ said...

ayeeeeeeeeeeeeeeee...sweet moments na..hehehe go go nhad.....

Anonymous said...

Kaubos ng 2mb na utak yang si jasper!sarap boljakin..hahaha!!

Ito pala yung naiwang eksena sa make believe..nice one zild:)

Riley

renxz said...

ang galing na man ng chapter na toooooo.....sana next chapter na kay nhad at andy...

Anonymous said...

nice one mr author... haha.. nakakagalit naman si jasper... hahaha... pero bat parang nasesense ko na si nestor ang character sa next mong kwento.. someone na nainlove sa may asawa... haha... idea lang naman... :) silent_al

JayAr said...

wahhh! kapal ng muka ni Jasper! "be happy with me or lose me forever"? buset! haizt...ito n si Nhad....hmmm

Anonymous said...

hindi ka naman galit nyan berto...wahahahaahahahah...

-iamronald

Anonymous said...

huwaw....after lababo scene its dirty kitchen naman ngaun...wahahaahaha...

-iamronald

Froilan said...

Thank you sa greetings zeke... Back to start ako s pagbabasa... Hehehe

Ryge Stan said...

Wow natuwa naman ako zild at na appreciate mo ung ginawa ko the other day hehehe. Kaya e2 tambak ang trabaho ko galing kay Boss. Pero okey lang kasi I still find time to read your new posts. Lalo na kung naglalaro sya nung Ipad nya.

Meanwhile ang ganda nitong chapter mo dito sa biitersweet grabe na ka relate ako kay andy. This happened to me a year from now. Hehehe good thing I made the right decision, but God ang hirap palang pakawalan ang isang taong naging bahagi at naging buhay mo. Pero sabi nga nila kung mahal mo ang isang tao let go and if that person returns, that person is yours. Sabi ko nga sa kanya, kung hinihiling mong palayain kita gagawin kung kasi dun ka magiging masaya....

Thanks Zild Have a great day and keep on writing and smiling....

Anonymous said...

Wiw, first time to comment here. . .hmmm. . .natuwa ako dun sa last part, hehe. . .m0od swing lang tlaga noh. . .haha. . .uhm, kua zild next chap na po, im excited much. . .:)

Anonymous said...

wow ang bilis ng pangyayare but maganda eto. lol
+-Yume

Anonymous said...

hala!me kundisyon c jasper??...pero aq sa tingin q dpt palayain n sya ni andy.mhirap habulin ng kunsensya...hayaan nlng nyang sumibol ung feelings nya kay nhad..mas bagay sila!!!hahaha..parang aso't pusa rn eh.^^

at wow!e2 ung other part nung story ni ken!!ang cute!!:)

infairness,mukang may improvement kina nhad at andy ha!?;D

-monty

Anonymous said...

This happened to me a year from now. Tanga grabe.

Post a Comment