Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
blog: ZildjianStories
Author's Note:
Heto na naman ako at ang mga kabaliwan ko. Gusto kong
pasalamatang ang mga taong nagbigay ng kanilang komento sa chapter 07. Dito na
magsisimula ang bagong yugto ng buhay ni Andy. Ma-enjoy niyo sana ang Chapter
na ito mga paps.
Marami akong pasabog sa kwentong ito. Marami rin akong
nakahandang surpresa para sa inyo kaya sana ay abangan niyo ang lahat ng iyon.
Tungkol naman sa kakalalabasan ng k’wento, sekretong malufit muna iyon guys.
Basta, malalaman niyo rin kung bakit Bittersweet ang pamagat nito. Hihihi
Special mention ang dalawang kurimaw sa chatbox ko na
kaparehong Mak ang pangalan.
Makisig/Makatiboy at
si MakkiPotpot – dawalang ulupong!
Kamusta kayo? HAHAHA Hangpapangit niyo! :P
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Napataas
ang kilay niya rito. Aba, pagkatapos nitong sungit-sungitan siya kanina sa
harap ng mga taong hindi niya gaanong kilala ay bigla siya nitong babalingan
ngayon para manghingi ng pagkain? Sinusuwerte naman yata ang taong ‘to.
“Nagugutom ako. Hindi mo ba ako narinig?” Kunot-nuong muling
wika nito nang hindi siya gumalaw.
“Eh di kumain ka kung nagugutom ka.” Balik naman niyang
sagot dito sabay hugot ng kanyang cellphone at nagkunyaring may itetext.
Ewan ba niya. May inis talaga siyang naramdaman ngayon na sa
kasamaang palad ay hindi niya mawari kung para saan. Minsan na siyang nainis
dito noong pagsupladuhan at walang kyeme siyang sinabihan na wala siyang
k’wentang kausap nito. Pero iba ngayon ang nararamdaman niya, kakaibang inis
iyon na hindi niya mabigyan ng pangalan.
“Kaya nga, dalhin mo ang pagkain ko rito para makakain ako.”
Bakas ang iritasyon nitong balik naman sa kanya.
Padabog siyang tumayo kasabay ng pagbibigay niya ng matalim
na tingin dito na tinugon naman nito ng kapareho ring tingin. Kung may makakakita
lang sa kanila sa lagay na iyon ay paniguradong iisipin ng kung sino mang taong
iyon na malapit na silang magpatayan.
“Hindi ko nagustohan ang inakto mo sa akin kanina sa harap
ng mga taong iyon.” Parang may mali sa sinabi niya. Maski siya ay hindi
kumbinsido kung iyon ba ang dahilan talaga kung bakit ibayong pagkapikon ang
nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Nagsimula lang naman siyang makaramdam
ng gano’n nang makita niyang nakayakap dito ang lalaking naging dahilan kung
bakit isinuko niya ang kanyang naiibang paghanga sa taong ito.
Para naman itong nabigla sa narinig mula sa kanya. Mula sa
matalim na pagkakatitig nito ay bigla iyong napalitan ng pagsasalubong ng kilay
na animoy naguluhan. Sabagay, sino ba naman ang hindi maguguluhan eh sa halos
ilang araw na nagdaan sa kanilang dalawa, ay ni minsan hindi sila nabigyan ng
pagkakataong makapag-usap ng matino. Tapos ngayon, bigla siyang magrereklamo ng
gano’n na para bang naging close na sila minsan.
Kaya bago pa ito makapag-isip ng panabla sa kanyang sinabi
at mapahiya rito ay padabog na lamang niyang hinila ang lamesa kung saan
nakalagay ang dala niyang prutas at ilan pang pagkain na marahil ay mula sa mga
katrabaho at mga kaibigan nitong bumisita dito.
“Anong problema mo?” Ang nakakunot-noo paring tanong nito sa
kanya.
“Wala!” Saka siya muling bumalik sa kanyang kinauupuan
kanina at muling kinalikot ang kanyang cellphone kahit wala naman siyang
gagawin doon.
Narinig niya ang pag-iingay ng kama nito. Marahil ay umaayos
ito ng upo para makapagsimulang kumain. Upang makaiwas sa kung ano mang diskusyon
ay minabuti na lamang niyang hindi na ito tapunan pa ng tingin.
Tama nga siya, nawala nga sa isip niya ang kanyang
dinadalang problema pero heto’t may kung ano naman siyang nararamdamang kakaiba
na hindi niya mawari kung saan galing. Siya ang tipo ng taong hindi madaling
mainis unless matindi na iyon to the point na masyado na siyang minamata pero
heto siyat inis na inis dito kahit wala naman siyang mahagilap na rason.
Hindi naman siguro ako
nagseselos na nakayap sa kanya kanina ang dati niyang kinahuhumalingang tao.
Ang biglang wika niya sa kanyang isip na dahilan para mapailing siya.
Imposible iyon. Wala
na akong nararamdaman sa kanya.
“Sa tingin mo ba tama ang ginawa ko?” Ang narinig niyang
biglang pagsasalita nito.
Napatingin siya rito ng may pagtataka. Ito ang kauna-unahang beses simula nang
magkrus ulit ang landas nila na kinausap siya nito na walang mababakasang
iritasyon o ano pa mang negatibong emosyon sa boses nito. Natural iyon, kaswal
kung baga na para bang walang nangyaring bangayan sa pagitan nilang dalawa
kani-kanina lang.
Nagkibit balikat naman ito habang linalantakan ang iba’t
ibang klase ng pagkain sa mallit na mesa.
“Minsan talaga, sobra kung makapagbiro ang tadhana.”
Napapailing nitong pagpapatuloy. “Noon, sabi ko kaya kong dalhin ang sarili ko.
But look at me now, I’m a mess. Sinabi ko rin noon na hindi ako tutulad sa
dalawang pinsan ko, pero hayon, I ended up being like them; talunan, iniwan ng
taong pinaglaanan ko ng lahat-lahat.” Dagdag pa nito na sinamahan ng isang
mapait na ngiti.
Anong nangyayari dito? Kanina lang ay halos isumpa na nila
ang isa’t isa tapos heto’t bigla itong mag-o-open ng sariling saloobin sa
kanya? Naguluhan siya bigla sa taong kaharap, hindi niya mahabol o mas tamang
sabihing hindi nakayanan ng utak niyang maintindihan ang biglaang pagbabago ng
trato nito sa kanya. At bakit parang lumambot ang puso niya sa nakikita niyang
pait at sakit sa mga mata nito? Nasaan na ang inis na nararamdaman niya?
“Pero alam mo kung ano ang mas masakit? Iyong alam mong
sinubukan ka niyang mahalin pero sa huli, hindi niya nagawa. I deny that fact
dahil sa tuwing naiisip ko ang katotohanang iyon, lalo lamang akong naaawa sa
sarili ko. Pakiramdam ko ang pangit ko. Pakiramdam ko wala akong silbi, na
napaka incompetent ko dahil ang taong mahal ko, hindi nagawang mahalin ako.”
Naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Dahil siya man,
naramdaman na rin iyon noon. Ang umibig ng sobra-sobra sa isang taong hindi
naman kayang ibalik ang nararamdaman niya. Gumuho rin ang mundo niya noon,
nasira din ang buhay niya at naging pakawala rin siya.
Muling niyang naalala ang tanong nito sa kanya na kaparehong
tanong rin niya noon sa kanyang sarili na hindi niya mabigyan ng kasagutan.
“T-Tinanong mo ako noon kung hindi ka ba karapatdapat
mahalin. Sa tingin ko, kaya ko nang sagutin iyon ngayon.” Ang may pag-aalangan
niyang wika.
Napatingin naman ito sa kanya ngunit hindi ito nagsalita
kaya naman nagpatuloy siya.
“Walang taong hindi karapat-dapat mahalin. Sadyang hindi
lang naipipilit ang pagmamahal. Oo nga’t ginagawa natin ang lahat para sa taong
gusto natin, pero hindi ibig sabihin noon ay magagawa ka na niyang mahalin. P’wedi
nilang maibalik ang mga nagawa natin sa kanila, pero hindi sa paraan na gusto
natin. Ngunit hindi ibig sabihin niyon ay hindi kana karapatdapat mahalin,
sadya lamang na hindi natin matanggap agad sa mga sarili natin na hanggang doon
lang ang kaya nilang maibigay.”
Parang realisasyon din sa kanya ang mga salitang namutawi sa
kanyang bibig. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon o kung saan niya
hinugot ang mga salitang iyon subalit nasisiguro naman niyang naliwanagan siya
ng husto.
Ngayon niya tuluyang napagtanto na mali ang ginawa niyang
itali ang kanyang sarili sa isang tao. Mali ang ginawa niyang pagbibigay ng
lahat-lahat sa kanya dahil noong iniwan siya ng taong iyon, nasira ang buhay
niya.
“So, are you saying that what I did was the right thing? Na
tama lang na pakawalan ko na siya?” Basag nito sa kanyang pag-iisip.
“Nasa sa’yo ang sagot niyan. Tanungin mo ang sarili mo kung
iyon ba talaga ang gusto mo.”
“Ayaw ko na sa nararamdaman ko. Hindi ito ang gusto ko para
sa akin. Hindi ko gusto ang makaramdam ng ganito katinding sakit.” Helplessness
was visible in his voice.
Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig sa naging tugon nito dahil iyon din ang rason niya kung bakit siya bumitiw sa nararamdaman niya. Dahil ayaw niya nang masaktan.
“I want to have my old self back dahil sa mga nagdaang araw,
hindi ko na kilala ang sarili ko. Natatakot ako, ayaw kong matulad sa nangyari
sa mga pinsan ko.”
Pagkahabag, tama, iyon ang nararamdaman niya para rito sa
mga oras na iyon. Ramdam niya ang takot, sakit sa mga mata nito. Nakita niya
ang saliri niya rito tatlong taon na ang nakakalipas. At hindi niya maiwasang
maramdaman ulit ang naramdaman niya noon. At sa puntong iyon, lalo lamang
niyang naintindihan ang pinagdaraanan nito.
“Alam mo, kung gugustuhin mo lang, nasisiguro ko sa’yo na
makakayanan mong maibalik sa dati ang buhay mo. Ang isipin mo lang, may mga
taong nagmamahal sayo at ayaw kang makitang nagkakaganyan. Sila ang gawin mong
inspirasyon para muling tumayo, at muling subukan ang buhay. Sa kanila ka
humugot ng lakas.”
Ilang araw ang mabilis na lumipas. Maraming nagbago sa ilang
araw na iyon. At isa na nga doon ang tuluyang pagbibitiw sa trabaho ng isa sa naging kaibigan na rin niyang si Nestor. Ngunit nangako naman ito sa kanya
na bibisitahin siya nito at dadalawin sa kanyang apartment paminsan-minsan.
Malaki ang naitulong sa kanya sa nangyaring pag-uusap nila
ng lalaking nagngangalang Nhad. Ang lalaking minsan na ring pumukaw ng atensyon
niya noon. Hindi lamang ito ang natulungan niya sa pag-uusap nilang iyon, pati
rin siya ay maraming natutunan sa huling pag-uusap nila.
Matapos ang araw kung saan naabutan niya ang ginawang pagbibigay
laya ni Nhad sa kanyang galit sa dating kasintahan nito ay hindi na siya muling
bumalik sa hospital. Nagawa na niya ang pangako niya sa kaibigan nitong si
Jonas. Sa tingin niya, natulungan at naturuan na niya ito kung papaano dadalhin
ang problema kaya naman naisip niyang hayaan na ito.
Kahit may naramdamang panghihinayang dahil kung kailan sa
tingin niya ay may posibilidad na silang maging magkaibigan ay pinigilan niya
ang sariling bumalik sa hospital kung saan ito naka-confine. Para bigyan ito ng
panahong makapag-isip at mapagtanto lahat ng mga sinabi niya rito. Ang kaibigan
na lamang niya ang nagbalik ng sasakyan nito na siyang pinaayos niya para
makabawi man lang sa perwisyong naidulot niya rito.
Ipinagwalang bahala na rin niya ang damdaming hindi niya
mabigyan ng pangalan para dito. Ayaw na rin niyang magulo pa ang kanyang isipan
kaya naman lalo lamang niyang pinanindigan ang lumayo na rito.
“Kasing lalim yata ang balon ni Sadako iyang iniisip mo, ah.”
Nabasag ang malalim niyang pag-iisip dahil sa taong
nagsalita.
“Miles.” Nakangiti niyang bati rito nang mapagtanto kung
sino iyon.
“Narito rin kaya kami.” Singit naman ng isa pa niyang
kaibigan na si Zandro. “Pambihira, anong kalaswaan na naman kaya ang tumatakbo
sa isip mo para hindi mo kami mapansin?”
Napatingin naman siya rito at sa mga katabi nito. Mukhang
nauwi nga siya sa malalim na pag-iisip para hindi mapansin na nakaupo na pala
sa mga nasa harapan niyang counter chair ang buong barkada niya.
“Lutang ang isip mo Ands, ah.” Nakangiting wika sa kanya ng
isa sa mga ito, si Jasper.
Napangiti na rin siya rito. Nakalimutan niyang nangako pala
ang mga ito na dadayo sa bar na pinagta-trabahuan niya sa gabing iyon para
i-celebrate ang sixth year anniversary nilang magkakaibigan. Tama, anim na taon
na silang nagkukulitan at naggagaguhan at syempre masaya siya na kompleto sila
ngayon sapagkat sa nakaraang tatlong taon, hindi nila nakasama si Jasper na
nasa ibang bansa sa mga panahong iyon.
Sobrang napaka sentimental nitong mga kaibigan niya. Ang mga
ito ang nagdesisyong i-celebrate nila bawat taon simula ng magkakila-kilala
sila. Weird man ang dating dahil kalalaking tao ng mga ito ay may nalalaman
pang gano’ng celebration, ay hindi na rin siya tumutol lalo pa’t sa bawat taon
na ginawa nila ito ay lalo lamang silang nalalapit sa isa’t isa.
“Huwag mo siyang ngingitian Casper the unwanted sperm, at
baka kung saan na naman mauwi iyang ngitian niyo.” Bara dito ni Zandro.
“Tama tama. May kasunduan na tayong lahat di ba? Wala ng
mamamagitang kahalayan sa inyong dalawa kung ayaw mong putulin namin iyang ugat
mo sa gitna.” Ani naman ni Marx.
“Wow naman! At kailan pa pinagbawal ang ngumiti sa kaibigan
aber?” Depensa naman nito sa sarili.
“Ngayon lang. Pinagbabawalan ka namin makipagpalitan ng
ngiti kay Andy dahil diyan kayo nag-umpisa noon sa mga pangiti-ngiti niyong ‘yan.”
Si Keith.
Magsasalita pa sana ito ng bigla itong barahin ni Miles.
“Huwag ka nang magsalita. Gawin mo na lang ang sinasabi namin
hanggat hindi ka pa nakakasal dahil kung hindi, buburahin ka namin sa
friendslist naming lahat.” Nakangisi naman nitong tugon.
Alam niyang nagbibiro lang ang mga kaibigan niya. Tapos na ang
issue nila ni Jasper. Isa iyon sa mga pagbabago sa buhay niya sa mga nagdaang
araw. Matapos ang namagitang seryosong usapan nila ni Nhad ay marami siyang
napagtanto sa sarili at isa na nga doon ay ang tuluyang pakawalan ang damdamin
niya para sa taong ibinigay niya ang lahat-lahat sa kanya.
Kasama ang mga kaibigan ay hinarap niya Jasper at sinabi
dito ng walang pag-aalinlangan na pinili niya ang isang bagay na hindi sila
parehong masasaktan at makakasakit. At iyon ay ang manatili na lamang bilang
magkaibigan. Alam niyang nabigla ito, pero dahil sa tulong ng iba pa nilang
kabarkada nagawa nilang maipaintindi rito na ituloy ang pangako nitong kasal sa
kasintahan at tuluyan ng kalimutan ang lahat na nangyari sa kanilang dalawa.
Kahit may pagmamahal pa siya para dito ay masaya na rin siya
kahit papaano sa naging desisyon niya. At kahit may panghihinayang sa kanyang
puso ay pinangibabaw pa rin niya ang tama at gamitin na lang ang pagmamahal
niya rito para lalong paigtingin ang pagkakaibigan nila.
Muli, nagpalitan sila ng ngiti ni Jasper. Ngiting hindi niya
mapigilang maibigay dito sa sobrang tuwa na sa wakas, tapos na ang kalbaryo
niya para rito at ngayon, magagawa na nilang gawing normal ang kanilang
pagkakaibigan.
“Hoy Andrew Miguel, gumawa ka na ng inumin, nauuhaw na ako!”
Basag sa kanya ni Zandro.
“Oo nga Andy, ipatikim mo na sa amin iyong sinasabi mong
bagong likha mong inumin.” Pagsang-ayon naman ni Keith.
Napailing na lamang siya. Mukhang wala talagang balak ang
mga ito na hayaan siyang muling maakit sa kaibigan nila. At iyon ang dahilan
kung bakit sobra siyang nagpapasalamat sa mga ito. Kung baga, ang mga kaibigan
niya ang palaging nagpapaalala sa kanya kung hanggang saan lang dapat sila ni
Jasper.
Nagsimula na nga siyang gumawa ng inumin.
“Nga pala Casper, bakit di mo isinama si Ivy? Kaya hindi
umaamo sa amin iyon kasi sobra mong ipinagdadamot, eh.” Si Miles.
“May lakad siya kasama ang mga kaibigan niya.” Kaswal nitong
sagot.
“Eh di tawagan mo. Sabihin mong sumunod dito. Ano ba ‘yan,
ikakasal na lang kayo hindi pa namin muling nakakadaupang palad iyang fiancé mo.
Simula ng umalis ka papuntang ibang bansa hindi na nagparamdam sa amin ‘yon.”
“Huwag na. Gabi nating magkakaibigan ngayon, bawal ang mga
sabit. Tsaka alam niyo namang hindi mahilig iyon sa mga ganitong klaseng trip.”
“Sabagay, masyado ngang sosyalera iyong fiancé mo na ‘yon.”
“At masyado ring mataray.” Dugtong naman ni Keith.
“Pero maganda.” Ani naman ni Marx.
“Mas maganda pa si Andy doon.” Ngingisi-ngisi namang wika ni
Zandro.
“Tumpak!” Nagkaka-isa namang pagsang-ayon ng iba pa niyang
kasama.
“Mga walang hiya kayo. Isinali niyo na naman ako sa mga
kagaguhan niyo. Lagyan ko kaya ng lason itong inumin niyo ng mawala na kayo ng
tuluyan sa buhay ko.” Natatawa niyang wika. Kahit kailan talaga mga sira ulo
itong mga kaibigan niya.
“Malulugi ka. Wala ka na ngang makikisig na kaibigan,
mawawalan ka pa ng mauutangan.” Si Miles.
“Buti nalang pina-alala niyo sa akin iyan. Andy, yung listahan
mo sa akin naka dikit na sa ref namin. Minsan dumalaw ka roon para naman mahiya
ka sa haba niyon at maisipan mo namang bawasan.” Si Marx
Humagikhik siya. Ang pinakamabait sa kanila na si Marx ang
palagi niyang nauuto kapag kinakapos siya ng pera.
“Umasa ka pa.” Singit naman ng ngingiti-ngiti ring si
Jasper. “Iyong utang niya sa akin noong college nabaon na sa limot.”
“Bayad na siya sayo, noh.” Nakangisi namang singit ni Zandro. “Ang katawan niya at pagpapaligaya sa’yo gabi-gabi noon ang kapalit ng utang niya sa’yo.”
Nakatanggap ito ng batok mula sa mga kaibigan niya. Halos
makuha na nila ang pansin ang ibang costumer nila sa bar na iyon sa sobrang
kakulitan nila. Siya man ay napapahagikhik na rin sa mga kakaibang hirit ng mga
ito.
Pasimple niyang binalingan si Jasper habang nagkakagulo ang
iba pa nilang kaibigan at doon niya ito nahuling nakatingin rin pala sa kanya.
Seryoso ang mukha na animoy may kung anong malalim na inisip. Nang mapansin
nito na nakatingin siya dito ay ngumiti ito sa kanya na sinagot naman niya ng
isa ring ngiti bago inilapag sa mga ito ang ginawa niyang inumin.
“Simulan na ang gabi!” Magiliw niyang sabi.
Kinabukasan, hapo ang ulong bumangon siya dahil sa panunuyot
ng kanyang lalamunan. Inabot sila ng mga kaibigan niya sa pagsasara ng bar at
hindi biro ang dami ng nainum nila na lalo lamang nagpasaya sa kanilang inuman.
Masaya, napakasaya ng gabing nagdaan na halos hilingin niya na sana’y hindi na
matapos iyon.
Nagsalin siya ng malamig na tubig sa kanyang baso. Ito ang
kapalit ng sobrang kasayahan nila kagabi. Kumikirot ang sintido niya dala ng
hang-over pero gayon pa man, hindi niya pinagsisisihan ang lahat. Ilang taon
din silang hindi nakompleto. Ilang taon din na hindi siya nakaramdam ng gano’ng
klaseng enjoyment na halos makalimutan na niya ang trabaho niya sa bar. Mabuti
na lamang at napaka maintindihin ng boss niya at hinayaan siyang magsaya kasama
ang mga kaibigan.
We’re so proud of you
Ands.
Wala sa sarili siyang napangiti ng muling sumagi sa kanyang
isipan ang sinabing iyon ni Miles. Proud ang mga ito sa kanayang naging desisyong
tuluyang itama ang lahat sa kanila ni Jasper. Hindi pumayag ang mga itong si
Jasper ang maghatid sa kanya pauwi. Wala na talagang balak ang mga kaibigan
nila na bigyan pa sila ng pagkakataong makagawa ng hindi maganda. Naiintindihan
niya naman ang mga ito, hindi madaling umiwas sa tukso.
Tatlong sunod-sunod na katok ang kanyang narinig na
ikinataka naman niya. Wala siyang naalalang may usapan silang magkakaibigan na
dadayo ang mga ito ngayon sa kanya. Napatingin siya sa kanyang wrist watch.
Mag-aala-una palang ng hapon.
Dahil sa pag-aakalang isa sa mga kaibigan lang niya ang
taong kumakatok ay hindi na siya nag-abala pang mag-suot ng pangitaas at
tinungo ang pintuan hawak-hawak ang basong may lamang tubig. Dala kasi ng tama
ng alcohol ay matinding init ang naramdaman niya kaya naman natulog siyang
walang damit.
Ngunit halos pagsisihan niya ang lahat ng mapagbuksan niya
ang taong kumakatok. Agad siyang nakaramdam ng matinding hiya.
“Hi.” Nakangiting bati nito sa kanya.
Hindi siya agad nakatugon. Nasaharapan niya ngayon ang taong
hindi niya lubos akalaing pupuntahan siya. Ngunit ibang iba na ang aura nito
ngayon kumpara ng huli silang magkaharap nito.
“Mukha yatang naistorbo ko ang tulog mo.” Muling wika nito
bakas ang pagkagiliw marahil sa nakikita nitong hitsura niya sa mga oras na
iyon.
Lalo lamang siyang naging uneasy sa harap nito ng pasadahan
siya ng tingin nito mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang paa saka nang
muling magtama ang kanilang mga mata ay nagpakawala ulit ito ng isang magiliw
na ngiti dahilan para mapatayo siya ng tuwid at wala sa sariling inaayos ang
kanyang magulong buhok gamit ang kanyang kamay.
“H-Hindi naman.” Alanganin niyang wika. “A-Ano pala ang
ginawa mo rito at paano mo nalaman itong tinutuluyan ko?” Wala, kahit anong
pilit niyang gawing natural ang kanyang boses ay hindi niya magawa.
“Kay Jonas. Siya ang nagsabi sa akin kung saan ka tumutuloy.”
Nakangiti nitong tugon. “Anway, nandito ako para personal na magpasalamat sa
ginawa mong pagpapaayos ng kotse ko at para na rin humingi ng tawad sa
kagaspangang pinakita ko sa’yo sa nakalipas na mga araw.”
Kahit kumakabog ang dibdib niya ay nginitian niya na rin ito.
Hindi niya inaasahan ang paghingi ng tawad nito pero hindi rin niya
maikakailang may tuwa siyang naramdaman sa nakikita niyang pagbabago rito.
“Wala iyon.” Wika niya. “Ako naman talaga ang may kasalanan
kung bakit naaksidente ka di ba? Kaya obligasyon kong ipaayos ang sasakyan mo.
Tungkol naman sa mga nangyari sa pagitan natin, ayos lang iyon, naiintindihan ko
naman kung bakit ka nagkagano’n.”
Sa muling pagkakataon ay ngumiti ito sa kanya. Aaminin niya,
isa ito sa mga taong biniyayaan ng isang napakagandang ngiti kaya naman sobra
nalang ang panghihinayang niya nang makita niya ang malaking pagbabago nito
dala ng pagkabigo nang muling magkrus ang landas nila.
“I want to make it up to you kung ayos lang.” Kapagkuwan ay
wika nito.
“Naku, hindi na. Wala naman talaga sa akin iyon.” Pagtanggi
naman niya rito. Wala naman siyang nakikitang rason para bumawi ito sa kanya.
“I insist. I want to get to know the person who made me
realize my worth.” Sabay lahad nito ng kamay sa kanya. “I’m Nhad.”
Napatingin siya sa nakalahad na kamay nito at may
pag-aalalangang tinanggap iyon. Halos mapakislot pa siya nang may kakaibang
kuryente siyang maramdaman nang maglapat ang mga kamay nila.
“A-Andy.”
“Would you mind if I invite you for Lunch, Andy?”
Itutuloy:
31 comments:
"Walang taong hindi karapat-dapat mahalin."
wah!!!!Lunch????date b to??? nyahahaha!
YES na kaagad andy.... kung ayaw mo ako sasama...hahahaha..... luv this scene....wehhhhhhhh
waaaaaaaah! tumpak si andy... pwedi mo namang mahalin ang taong mahal na mahal mo bilang isang kaibigan... mas maigi nga yun eh... walang heartbreaks na magaganap! naks! Nice! Nice! So Jasper is out of the picture na pala... and it's gonna be Nhad and Andz na... pero ang tanong? ano kaya ang magiging balakid sa getting to know stage nila? waaaahh... if maging sila man ano kaya ang magiging gusot nila? waaaah! daming tanong..
maka ulopong kang Uling ka wagas! eto buhay pa ako! humihinga pa naman khit papano! bwahahaha
in fairness maraming leksyon ang ibinigay n zekie ngaun., nice one friend:-)
Wait lang maliligo at magbibihis lang ako!
Haha!
nice... may update na.. kagagaling ko lang ng clinical insternship may update na! yes! good job! update na sana bukas ulit heheheh
wowwwww. naks.. hihi. love the last part of this chapter. nice nice mr.z ,..hmmmm, cguro di matutuloy kasal ni jasper at ito ang hahabol habol kay andz.. at magjjelly kay nhadz.. lolz
-rom-
ayyyiieeeee!!hahaha paganda ng paganda ang story poh...hehehe
next chapter please...
ganda Talaga hehehe
wow ha naka recover na si nhad.... tangapin mo na ang "date nyo" este "lunch nyo" pala hahhha... wag kanang pakipot gusto mo naman at single ka naman eh kaya go go go lang....
it feels so damn good finding someone who makes you realize your worth.
kilig much! would you mind if i invite you to lunch? kung itatanong sakin yan ng taong nagugustuhan ko, i ain't gonna think about the offer, instead, i would say yes immediately. without hesitation. hahaha
well said ZILD! daming lesson na matututunan d2. dyarannn, tlagang start ng new phase sa dalawa. next chapter na po.
Yiiiiiiiieh i miss my barkadas tuloi kc every two weeks n lng kmi kung mgkkita.... Hehehe pero grabe gumaganda n tlga ang story n to. Ah.....
kilig! next please!!!
I love this chapter there has lots of inspirational thoughts...
but wait its already 1pm then he was asking for lunch...hehehe don't get me wrong just confused...",
yeheyyyy.. nhad at andy na.. hehehehehehe
Because actually, it was all of a sudden invitation. Nang makita kasi ni Nhad na bagong gising pa lang si Andy ay agad na pumasok sa isip na na hindi pa ito kumakain. At dahil gusto niyang makabawi kay Andy, iyon ang una niyang naging hakbang ang i-treat ito. :)
Sorry kung na confused kita. :)
nice chapter.... craving for more...
Wow ganda naman talaga ng storya na ito kinilig ako hahahah.... Nice author....:)
grabe naman tong chapter na to...sobrang ganda madaming realization na naganap sa mga characters...pero question lang zeke, di ba nagbigay si jasper kay andy ng option na be happy with me or lose me forever, anu kayang mga gagawin ni jasper para mahadlangan ang namumuong relasyon n andy at nhads...
-iamronald
hayan naman si nhad heheh todo hirit hehe go nhat..its time for your happiness..
wapak Z
Woooah zild nice is the start of nhad and andy story hehehe.
Tama ung sinabi mo walang taong hindi karpat dapat mahalin its just that there are times that our love can't be returned by the person we choose to love. Its Perfect, wala masama ang magmahal ngunit dapat din nating piliin ang taong mamahalin
Another masterpiece... Keep it up Z!
Raymund of Bacolod
out of the picture na ba talaga si jasper zeke???...feeling ko manggugulo pa yan....wahahaha....pasuspense ka pa....wahaha...nice one zeke....wahaha...yung promise mo ha...mag eexpect ako....
-Berto-
weeehhhh.. Im a silent reader mr author... Ngaun lang ako nag comment..lols... 2 thumbs up!!
- Mike
weeehhhh.. Im a silent reader mr author... Ngaun lang ako nag comment..lols... 2 thumbs up!!
- Mike
Ganda mr author!!! Im a silent reader.. ngaun lang ako nag comment..lol... 2 thumbs up!!!
- mike
kuryente..good job kuya zeke..next chapter na..hehe..
-J
eerrr lakas maka-kilig ung lunch invite.. :p
ambigat ng first part idol, peo buti nlng napaka-paka paka kilig ung last part.. ayos!!!
mei tanong lang ako, sino na nga ulit ung mga pinsan ni nars nhad..??
wowoooweee parang kelan lng gusto ipaglaban ni jasper pero ngaun out of picture na? anywyas still looking forward to it.
-yume
iiihhhh!!!ayan na ang sinasabi ko!haha..lunch agad??ang sweeetttt!... Go andy and nhad!!haha...
-monty
Post a Comment